Followers

Thursday, May 23, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 17]





Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 17]




By: Crayon





****Kyle****



9:07 pm, Saturday
April 14




Saturday night. I'm expecting a wild crowd. Im bringing back the slutty side of Kyle. The whore who doesn't know how to love, just pure sex and fun.


I found myself walking the familiar streets of Cubao. Hindi na ako masyadong lumayo, besides ayaw kong pumunta sa mga bar na madalas naming tambayan nila Renz dahil baka makita ko siya dun o isa sa mga kaibigan niya.


Matagal na din simula ng huli akong gumimik dito sa Cubao. Nagkalat din ang mga kagaya ko sa likod ng gateway. Really it is a night to party, i haven't reach the place yet but i'm already enjoying the vibe.


I'm wearing a navy blue striped v-neck shirt topped with a brown Uniqlo jacket. With a tight-fitted khaki pants and brown leather shoes, i know i'm getting people's attention as i walk the street.


Yes chubby ako, mataba, but i had the face good enough to please people's eyes. Years of partying and flirting i developed the skill to charm people and i'm gonna make use of that skill again tonight.


Starlites. I was 18 when i first saw this bar. Ilang beses din akong nagpunta dito noon, actually this was the first place in the metro where i started to explore my sexuality. 


Nagulat ako na may 50 pesos entrance fee na pala ang bar kapag sabado. Pasado alas-nueve pa lang pero halos puno na ang bar. Nakakita naman ako ng magandang pwesto, tapat sa aircon. I lit up a cigarette at may lumapit na waittress sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay Mariz ang pangalan ng babae. 


"Isang bucket ng San Mig lights. Pasamahan na din ng fries.", nakangiti kong sabi sa waittress.


"Ngayon ka lang ba napunta dito sir?", nakangiting tanong sa akin ni Mariz. Siya kasi ang madalas na nag-aasist sa akin noong madalas pa ako tumambay dito.


"Hindi naman, nagkataon lang na ngayon lang uli ako napasyal dito.", sagot ko naman.


"Ay sabi ko na nga ba. Namumukhaan kasi kita. Regular ka dito noon eh. Kyle pangalan mo di ba?", tanong niyang muli.


"Oo, buti naaalala mo pa ako."


"Oo nga, tagal mo kasi di pumunta dito eh. Sige babalik na lang ako dala yung order mo.", tinanguan ko na lamang siya nang magpaalam sa akin.


Ilang minuto lang ay bumalik si Mariz dala ang isang bucket ng beer at sinabing isusunod na lang ang inorder kong fries.


Nang makaalis siya ay agad akong nagsalin ng beer sa baso at uminom. Luminga-linga din ako at tiningnan ang mga tao sa mga katabi kong table. 


I was scanning the place hoping to find someone who i can have fun with. May ilan rin akong nakitang umayon sa aking panlasa. Mamaya ko na sila iintindihin. Bumalik ako sa paginom ng alak. Hindi pa nagsisimula ang sayawan sa dance floor ng mga oras na iyon. May mga tao pang nakapila para kumanta sa stage. Pansamantala kong inaliw ang aking sarili sa video ng Victoria secret fashion show na pagpla-play sa mga nakasabit na tv sa loob ng bar.







****Aki****



10:08 pm, Saturday
April 14




Hindi pa rin ako mapakali sa aking kwarto. Naiisip ko ang inasal kanina ni Kyle. Mukhang may hindi magandang nangyari sa kanya. Idagdag pa ang biglang pagkawala ng kanyang facebook account. Dahil don ay di ko mapigilan ang hindi kabahan sa mga nangyayari.


Mukhang hindi lamang isang simpleng tampo ang nararamdaman niya. Tinangka ko muli siyang i-text at tawagan 
ngunit wala akong nakukuhang tugon mula sa kanya. Paulit-ulit ko siyang sinubukang tawagan ngunit pinatay na niya ang kanyang cellphone.


Napadapa na lamang ako ng higa sa kama dahil sa kawalang pag-asa sa mga nangyayari. Kulang na lang ay hilahin ko ang mga araw upang dumating na ang petsa na maaari na akong makabalik sa Maynila.


Sa aking pag-iisip ay unti-unting bumigat ang aking mga mata. 
Hanggang sa ako ay makatulog na.






****Kyle****



11: 21 pm, Saturday
April 14




Mabilis kong naubos ang 5 bote sa inorder kong beer, parang sabik na sabik ako sa lasa at epekto ng alak. Naramdaman kong naiiihi na ako dahil sa aking nainom kaya iniwan ko muna ang aking lamesa at tumungo sa restroom.


Nakita kong maraming nakatayo sa may salaminan sa labas ng cr. Hindi ako sigurado kung may hinihintay ang mga ito o kung naghahanap ng maaaring kapareha para sa gabing ito. Pagpasok ko ng cr ay ganun din ang sitwasyon maraming nakatambay kahit na mukhang hindi naman sila iihi. Pumasok ako sa loob ng isang cubicle at doon umihi. 


Saktong papalabas ako ng cubicle ng may magbukas ng pinto nito mula sa labas. Palibhasa ay walang lock ang pintuan kaya madaling nabuksan mula sa labas.


Muntik na akong mauntog sa matipunong dibdib na bumungad sa akin. Nang tingnan ko ang mukha ng lalaki ay may itsura naman ito. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Hindi rin ako maaaring magkamali sa klase ng tinging ibinibigay niya sa akin. I've seen it before the kind of look that says i want to have sex with you tonight. Nginitian ko lang ang lalaki at lumakad na palabas. Nang makalabas ng cr ay nilingon ko pa ang mga nasa loob at nakita ko ang gwapong lalaki na hindi pa pumapasok ng cubicle at nakatitig pa din sa aking direksyon.


Mukhang may makakalaro na ako ngayong gabi, sabi ko sa aking sarili. Hindi ko na hinantay na makalabas ang lalaki dahil tiyak naman na makikita ko rin siya mamaya.  


Habang naglalakad pabalik sa aking lamesa ay  saka ko lamang napansin ang biglang pagdami ng tao, palibhasa ay magsisimula na ang sayawan. Sakto namang pag-upo ko ay ang pagkamatay ng ilaw at ang pagtugtog ng maindak na musika. Naghiyawan ang mga tao. Parang lahat ay sabik na sabik sa sandaling ito. Sa malamlam at malilikot na ilaw ay kita ko ang isa-isang pagtayo ng mga tao patungo sa mini stage sa harap ng bar.


Gusto ko ding sumayaw ngunit ayaw ko muna makigulo sa mga nauna ng pumunta ng stage. Sa halip ay nagsindi ako ng yosi at pinanuod ang mga tao na umiindak sa aking harapan.


Tahimik akong nagyoyosi at nanunuod sa aking paligid ng may lalaking biglang humila sa upuan sa aking harapan. Hindi ko pa man siya pinapaupo ngunit kusa na siyang umupo roon at saka ipinatong ang braso sa lamesa.


Binigyan ko ang lalake ng isang mapanuring tingin. Doon ko lang napagtanto na ito pala yung lalaki sa cr kanina.


"I hope you don't mind.", wika ng lakaki ng mapansin ang tingin ko sa kanya. Umiling na lamang ako bilang sagot at saka ngumiti.


"You're not with your boyfriend or someone?", tanong niyang muli sa akin. Binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti saka sumagot.


"I don't have a boyfriend, i'm alone tonight. And you?", tanong kong muli sa kanya.


"I'm with you, i guess.", sagot ng lalaki sabay ngiti. "Patrick nga pala.", pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay sa akin. Malugod ko namn yung tinanggap at saka nagpakilala din


"You want to dance?", anyaya sa akin ni Patrick. Tinanggap ko ang kanyang imbitasyon at hawak kamay naming tinungo ang dance floor.


Sa andap-andap na ilaw ng bar at paminsan-minsang maharot na tugtog at marami ang nagaganap sa dance floor. Yakap ako ni Patrick mula sa likod habang pareho kaming umiindak sa kanta. Magkadikit ang aming katawan, naramdaman ko din ang pagdikit ng kanyang mukha sa gilid ng aking ulo. Paminsan minsan niyang hahalikan o didilaan ang aking tenga na siyang nakadaragdag ng init sa akin.


Nang magsimula ang isa sa paborito kong kanta ay sinimulan ko na rin na akitin siya. Idinikit ko lalo ang aking katawan sa kanya, at saka iginalaw ang aking puwitan padiin sa kanyang bukol sa harapan. Iginiling ko ang aking puwit sa parteng iyon. Ilang minuto ko ring ginawa iyon sa kanya hanggang sa pihitin niya ako paharap sa kanya. 


"You're such a tease.", wika sa akin ni Patrick. Sabay yuko at halik sa akin. Nagpaubaya na ako sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na gagawin ko ito. Nang matapos kami maghalikan sa stage ay inaya niya muna ako umupo.


Nang makabalik kami sa aking lamesa ay inimbitahan niya ako na dun na lang sa lamesa niya ituloy ang pag-inum. Nagbill out na muna ako bago tumungo sa lamesa ni Patrick. Matapos makapagbayad ay dinala namin ang mga tira kong alak papunta sa lamesa niya.


Nadatnan namin ang isang lalakeng umiinom mag-isa.


"Tol, san ka ba nanggaling?", bungad na tanong ng lalaki kay Patrick.


"Ah nakipagkilala lang, nga pala this is Kyle. Kyle this is JL.", nginitian ako ng kaibigan ni Patrick. Tumango na lamang ako bilang tugon.


Kasinghubog ng katawan ni Patrick si JL, mas gwapo lang ang una at mas matangkad.


Naupo ako sa pagitan nilang dalawa. At saka muli kami nagsimulang uminom. Okay naman kausap ang dalawa parehong may sense, hindi naman ako na-bore. 


"So, are you up for threesome?", tanong sa akin ni JL. Medyo nagulat ako sa tanong niya, nang lingunin ki si Patrick ay nakangisi lang ito.


"Bring it on.", nakangiti kong sagot.


"Good, bill out na tayo?", masayang sabi ni JL. Sumangayon naman kami ni Patrick.



Pagkalabas ng bar ay dumiretso kaming tatlo sa isang motel at nagcheck-in. 




---------



Nagising ako mag-aalas otso na ng umaga. Medyo mabigat ang aking ulo. Naramdaman kong may nakayakap pa sa akin. Nang idilat ko ang aking mata ay bumungad ang isang lalaking nakahubad sa aking harap. Si JL. Naisip ko na si Patrick ang nakayakap mula sa aking likod at mukhang nakahubad din siya dahil sa matigas na bagay na tumutusok sa aking likod.


Dahan-dahan akong bumangon at tumungo sa CR. Nang makapaghilamos ay nagbihis ako habang tulog pa ang dalawa. Napakadaming nangyare kagabi. 


Nang makalabas ng motel ay naglakad na lamang ako papunta sa terminal ng bus sa Cubao. 


Habang nasa biyahe pauwi ng Bulacan ay iniisip ko ang mga ginawa ko kagabi. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipag-threesome. Wala naman akong nararamdamang panghihinayang o pagsisisi sa aking ginawa. 


Napabuntong hininga ako. Hindi lang siguro ako makasunod sa mga pagbabagong ginagawa ko sa aking sarili. Matagal na din ng huli akong gumawa ng mga ganitong liberated na bagay. Naisip ko na umalis na ng mas maaga sa bahay, gusto ko ng pumunta ng Laguna at doon na muna maglagi habang hinihintay ang pasukan.


I'm going back to the old me. The bitch who fucks all night. Hindi ko alam kung hanggang kailan paninindigan ang ganitong pagkatao. Hindi ko rin alam kung ito ang solusyon sa mga problema ko. But i'm certain that this time around i won't let anyone toy with my emotions. 


I want a to be stronger. Hindi na ako ang maghahabol. Hindi na ako ang maloloko. Hindi na ako ang aasa. Hindi na ako ang iiyak. It's about time to turn tables.




...to be cont'd...





1 comment:

  1. Nice story..san na ang karugtong nito.

    The great predenter

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails