Author's note...
Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.
May tatlong sunod-sunod na update.
Heto na po ang Chapter 61! Happy reading!
Chapter 61:
Moro-Moro
Edmund's POV
「“Yeah." Tumayo si Gerard.. “Masyado kayang enjoyable ang bigyan ka ng blowjob kapag ganoon. At ubusan ka ng katas." Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya mula sa masaya, ngayo'y neutral na ang emosyon niya. “Pero hindi dapat ako tumigil. Itutuloy ko ang mga binabalak ko kahit ano man ang mangyari. Magbabayad ako kahit magkano. Kahit ikawala pa iyun ng pagmamahal mo."」
Kahit ikawala pa iyun ng pagmamahal mo? Talaga lang ha.
Bumaba ako sa aking sasakyan at nag-bypass sa gate ni Ren. Pagkapasok ko ay bigla akong nagdalawang isip kung papasok ba ako o hindi. Nang paalis naman ako ay gusto ko naman na pumasok sa loob. Medyo pabalik-balik ako nang mga ilang segundo dahil sa problema ko. Papasok ba o hindi?
“Okay ka lang Edmund?" tanong ni Keifer na lumabas mula sa pintuan ng bahay ni Ren.
“Hindi," ngiti ko. “Pabalik-balik ako at hindi talaga ako makapagdesisyon kung papasok ba ako o hindi."
“Parang iyun lang. Pasok ka. Nag-aalala iyung Mama ni Joseph, nag-aalala sa iyo kung bakit daw kanina ka pa hindi dumarating. Baka na-trapik ka na daw dito sa labas."
Humugot ako ng malalim na hininga. “Sige na nga."
Pumasok ako sa bahay at nadatnan na nanonood ang mag-ina ng telebisyon. Matapos batiin silang dalawa ay dumiretso ako sa library. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon na may dalang mga libro ng comics na binili ni Ren. Kaso habang nagbabasa naman ako, naaalala ko ang mga sinasabi ni Gerard. Magbabayad siya kahit magkano. Kahit ikawala pa iyun ng pagmamahal ko.
“Andito ka pala, Edmund," rinig kong sinabi ni Keifer.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses niya at nakita ko na papalapit siya sa akin na may dalang baso at isang pitsel ng juice.
“Juice nga pala. Pasensya kung hindi kita natanong kung may kailangan ka," wika ni Keifer.
“Okay lang." Humugot ako ng buntong-hininga.
“Okay ka lang ba talaga? Teka, ngayon iyung appointment ninyo ni Gerard tama ba?"
“Alam mo ba iyung sinabi niya sa akin na paulit-ulit tumatakbo sa isip ko?" Sumeryoso ang mukha ko. “Hindi siya titigil. Itutuloy niya kaniyang mga binabalak kahit ano man ang mangyari. Magbabayad siya kahit magkano. Kahit ikawala pa iyun ng pagmamahal ko."
Ibinaba ni Keifer ang kaniyang tingin. “Talaga? Sinabi niya iyun?" Nag-angat siya ng tingin. “Seryoso talaga siya na gusto niyang patayin si Ren." Ikinuyom niya ang kaniyang kamao. “Bakit? Ano ba ang nagbibigay sa kaniya ng motibasyon para gawin niya ito?"
“Noong bata ka pa kasi, inaalagaan ka ng Mama niya hanggang sa may sinabi sa iyo ito dahilan para patayin siya nung mga Tito at Tita mo. Iyun ang nagtutulak sa kaniya ngayon."
Inuntog ko ang aking ulo sa mesa. Bakit kasi ganito ang mga nangyayari ngayon? Ayaw pang i-let go iyung mga hinanakit niya kay Keifer.
“Matagal nang patay ang Mama ni Gerard. Namatay siya habang pinapanganak siya," wika ni Keifer.
Inangat ko ang aking tingin. Nakita ko na mukha siyang gulat na gulat sa sinabi ko.
“Seryoso ka? Hindi ikaw ang dahilan nang pagkamatay ng Mama niya?" tanong ko.
“Mapapatay ko ba iyun kung hindi pa nga ako pinanganak ay patay na?" sarkastikong sagot niya.
Naguluhan ako. “Ehh, anong ibig sabihin nito? Bakit gusto kang patayin ni Gerard kung hindi iyun ang dahilan?"
“Nakikipag-moro-moro siya."
“Moro-moro?"
“Kunyaring away," paglilinaw niya.
Nilakihan ko siya ng mata. “Alam ko iyun. Pero kunyaring away ba iyun? Iyung suntok na iyun noong isang linggo na ikinamaga ng mukha mo, moro-moro? Iyung halos patayin ka na niya, moro-moro? May award ba sa pinakamagaling na magmoro-moro?"
“Kung hindi ko alam iyung ‘dahilan' niyang iyan, hindi ko masasabi kung totoo iyun. Pero itong rason niya na hindi naman kahit kailan nangyari? Moro-moro nga lang talaga."
Nabuhayan ako ng loob. “Kung ganoon, dapat pa ba akong mag-alala na may gawin siyang masama sa inyo?" tanong ko.
Umiling si Keifer. “Sa totoo lang, magmukha ka pa ring nag-aalala. Hindi pa tapos ang moro-moro niya. Kapag ganoon, magkunyari pa rin tayong mga kalaban niya."
“At ang moro-morong ito, may katapusan ba? Ano ba ang layunin niya?"
“Hindi ko alam," hindi niya siguradong sagot. “at hindi ko rin alam kung ano ang gusto niyang mangyari. Siguro, ang una ay dapat may distansya tayo sa kaniya. Pero ang mga sumunod, hindi ko na alam. Hangga't hindi ako nakakasagap ng mga senyales, hindi ko alam ang mga gagawin niya."
Akala ko ay okay na dahil hindi naman pala nangyari iyung sinasabi ni Gerard. Pero moro-moro? Seryoso ba siya? Sa moro-moro niya kaya ngayon, gagawin din niya kaya iyung ginawa niya sa akin noon? Iyung halos patayin niya ako? Sana ay iba ang ginagawa niya. Sana talaga iyung mga sinabi niya ay kabaligtaran.
Kailangan kong malaman kung ano ang mga gagawin niya. Kailangan ay magkaroon ako kahit na maliit na ideya.
Larson's POV
Masayang-masaya ang mood ko ngayon dahil sa nanalo na naman ako ng isang laro. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa magaling kong kalaro na katabi ko lang. Si Kurt.
“Aba bata! Gumagaling ka na!" puri ko dito.
“Commend, commend," puri ni Alexis na kasama namin maglaro.
“Swerte lang. Hindi kaya magaling iyung kalaban natin," tugon ni Kurt. Pero palihim na ngumigiti dahil natutuwa siya sa mga papuri namin.
“Hindi daw magaling," sabay na sabi namin ni Alexis.
“Isa pa, isa pa," yaya ko.
Nagulat kaming lahat nang may narinig kaming salamin na nabasag. Napamura ako nang malaman ko na binasag nila iyung pintuan ng shop na yari sa salamin. Pero hindi lang iyun ang kamura-mura. May mga armadong lalaki ang pumasok.
“Dumapa kayong lahat! Dapa!" sigaw ng isa sa mga lalaking ito.
Hindi ako dumapa para makita ko kung ano ang mga armado taong ito. Hindi sila pulis o kung ano man.
Nagulat na lang ako nang sinuntok ako ng isa sa sikmura.
“Dapa sabi!" sigaw nung sumuntok sa akin na piniwersa akong dumapa.
“Boss, nakita ko na ang mga target," rinig kong sabi ng mga lalaki.
Sinubukan kong bumangon pero isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. Parang may tinusok sa akin na gamot o ano na nagpawala ng aking malay.
Allan's POV
Dali-dali akong pumunta sa shop para alamin ang mga nangyayari. Pagkarating ko ay may mobile na ng mga pulis at isang kilalang news network ng isang sikat na telebisyon ang nakaparada sa lote. Pagkakita sa akin ni Alexis ay pinuntahan niya agad ako.
“Allan, mabuti at nandito ka na," salubong niya sa akin.
Sa hindi kalayuan, nakita ko ang Mama ni Kurt na binabalita ang kasalukuyang nangyayari sa shop. Akmang papasok na ako ng shop nang may pumarada na kotse sa lote. Hindi pamilyar sa akin ang kotse pero lumabas mula rito si Mama. Dali-dali siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit.
“Diyos ko, akala ko nangyari iyun habang nandito ka sa shop," sabi ni Mama.
“Okay lang ako Mama. Si Larson, hindi," sabi ko habang nakatingin sa kotse at inaantay na bumaba iyung nagmamaneho dito.
Bigla ko namang naalala si Mang Luke na dapat ay hindi siya makita ng mga pulis. Nang natapos nang yumakap si Mama, dali-dali akong pumunta sa likuran ng shop. Dito, nadatnan ko ang isang pulis na kinakatok ang CR.
“Kuya, huwag po kayo diyan," sabi ko agad dito.
“Pero boy, nasi-CR na talaga ako," reklamo ng pulis. “Tsaka iyung tao sa loob, kanina pa iyan."
“Basta, huwag kayo mag-CR dito," pag-uulit ko na may matalim na tingin. “Doon na lang po sa kabilang building. May CR po sila."
Sumagot din ng matalim na tingin iyung pulis pero umalis din.
Kumatok ako sa pintuan. “Mang Luke, si Allan ito. Lumipat na kayo doon sa storage para konting pulis lang ang mangungulit sa inyo."
Dahan-dahan na binuksan ni Mang Luke ang pintuan. “Naghiganti talaga sila. Naghiganti talaga sila," nanginginig niyang sabi.
“Sino ang naghihiganti?" tanong ko habang inaalalayan ko papunta sa storage.
“Iyung dating syota ni Kurt. Iyung pamilya nun, may koneksyon sa sindikato. Inagrabyado ni Kurt, aagrabyaduhin din nila tayo."
Nang narating na ni Mang Luke ang storage, siya din naman ang pasok ni Mama at ang Mama ni Kurt sa shop.
“Karina, pasensya na talaga at nangyari ang bagay na ito," paghingi ng dispensa ni Mama.
“Ruth, wala ka dapat ihingi ng pasensya. Parehas tayong biktima rito," tugon ng Mama ni Kurt. “May tumawag na ba sa atin? May nanghingi na ba ng ransom?"
Habang nag-uusap silang dalawa, napansin ko ang lalaking kasama ni Mama. Ang tahimik nito at mukhang pinipili niya ang kaniyang mga sasabihin. Magsasalita sana pero aatras at isasara ang bibig. Kung ilang taon na ang lalaking ito, mukhang magkasingtanda sila ni Mama.
“Tita Karina, alam niyo po ba iyung nangyari sa ex ni Kurt na si Hela?" tanong ko dito.
Humarap sa akin ang Mama ni Kurt na nagulat. “Huwag mong sabihin na ang malanding babaeng iyun ang may pasimuno sa nangyari dito?"
“Parang sila nga po. Ayon po kasi kay Mang Luke, iyung baliw na kinukupkop namin, may koneksyon daw sa mga ilegal na gawain ang pamilya ni Hela," paliwanag ko. “Dahil sa ginawa ni Kurt sa kaniya, gumanti si Hela at nandito na tayo."
“Sinasabi ko na nga ba!" Nasapo ni Tita Karina ang kaniyang ulo. “Kaya napakasama ng timpla ko sa babaeng iyun."
“Pero Tita, hindi pa po tayo sigurado?" paglilinaw ko.
Kahit ako, hindi sigurado na si Hela ang may gawa nito. Pero kung hindi nga siya, sino naman kaya? Nako! Napakasama naman na sabihin ko ito pero, sana ay si Hela nga ang may pakana ng lahat nang ito. Hindi ito maganda.
“Hindi. Siguradong-sigurado ako na iyang Hela na iyan. Iyang pamilya niya, talagang may mga ilegal na koneksyon iyan." Hindi mapakali si Tita Karina. “Ano? Ano ang gagawin ko?"
“Is everything, alright?" maingat na tanong ng kasamang lalaki ni Mama.
“No Jude," sagot ni Mama at hinarap niya ito. “Larson and his friend has been kidnapped by the family of Kurt's ex. What was her family name?" tanong ni Mama sa amin.
“Ronse," sabay naming sabat ni Tita Karina.
“Right. Ronse."
“B-But, we are not sure about it, yet," paglilinaw ko. “We are just looking at the possibilities."
“Eitherway, there's a high possiblity that they did it," matigas na dugtong ni Tita Karina.
Tumango-tango si Tito Jude. Naiintindihan na niya ang sitwasyon.
Samantala, ilang oras na ang nakakalipas, wala pa ring tumatawag sa telepono para magdeklara na may kinidnap iyung mga kidnapper. Mas lalong kaming nag-alala. Wala kaming alam kung ano ang nangyari kila Kurt at Larson.
Larson's POV
Dali-dali kong ibinuka ang aking mga mata matapos maalala ang mga nangyayari. Pero kahit ibinuka ko ang aking mata, wala akong nakikita dahil nakapiring ang mga mata ko.
“Hello Larson," bati ng isang pamilyar na boses. “Nagising ka na din sa wakas."
Nainis ako bigla sa boses na aking narinig. Walang duda na kilala ko ang boses na ito. Si Hela lang naman at mukhang maghihiganti siya. Lintek na iyan, totoo iyung sinasabi ni Mang Luke. Maghihiganti siya.
“Hela, bakit wala akong makita?" sarkastikong tanong ko.
Ilang segundo ang lumipas, nakarinig ako ng isa pang hinga na inuubos ang hangin sa paligid.
“Kurt, ikaw ba iyan?" kalmado kong tanong.
“Larson," sagot niya. “Larson, ikaw ba iyan? Anong nangyayari? Wala akong makita."
Tahimik na humagikhik si Hela habang nagtatanong si Kurt. Naramdaman ko naman na pumunta siya sa likod ko.
“Huwag mo muna siyang sagutin," malanding bulong niya.
“Huwag sasagutin? Ehh, nakapiring pala kami at walang kaalam-alam sa mga nangyayari?" malakas na sagot ko.
“Larson, Larson, asaan ka?" patuloy na tanong ni Kurt.
“Hay! Nako! Masyado kang KJ," nayayamot na wika ni Hela habang lumalakad sa kung saan.
Parang may tao na lumapit sa likod ko at tinanggal ang piring ko. Nakita ko din na tinatanggal din ang piring ni Kurt. Parehas kaming nakatali sa upuan. Napakadami at armado naman ang mga bataan ni Hela. Ano kaya ang gagawin nila sa amin? Kinakabahan ako. Kung mababaw na tao itong si Hela, ipapapatay kami nito dahil lang sa nangyari. Punyeta, ang kapal ng mukha. Siya na nga iyung nagtaksil, siya pa ang may gana na maghiganti. Nice naman. Bakit hindi na lang siya nag-reflect sa kaniyang mga ginawa at maging mabuting tao?
“Magpa-panic na ba ako dahil mamamatay na kami? Aaaah! Pakawalan mo kami Hela. Wala kaming ginawang kasalanan sa iyo," kunyaring nagpapanic na sabi ko.
“Larson, iyan na ba iyung panic mode mo? Malaki ang posibilidad na papatayin niya tayo," paalala ni Kurt.
“Aba, ano gusto mo? Sayangin ko ang lakas ko na magsisisigaw sa kung saang lugar na posibleng walang nakakarinig sa akin? Nakakapagod kaya. Tapos napakatagal nung huling game natin. Naka-isang oras ata tayo noon. Nakakapagod sa utak dahil napakadaming aalahanin. Iyung tower, iyung creeps, iyung Roshan-"
“Tumahimik kayo!" sigaw ni Hela.
“No, wait lang. Hinahanap niya iyung panic mode ko." Nilingon ko si Kurt. “Ikaw Kurt? Ano ang panic mode mo sa mga sitwasyon na ganito? Dali at baka makawala tayo sa panic mode mo?"
Sa inis marahil, nagpaputok ng baril si Hela. Tumigil kami ni Kurt sa pag-uusap. Hay nako! Nakakapagod iyung ganito. Ang dami talagang makakapal ang mukha sa mundong ito.
“Potang ina naman kasi. Hindi mangyayari ang lahat nang ito kung hindi lang faithful ang isa diyan," pagpaparinig ko kay Hela. “Liit kasi ng titi mo kaya pinagpalit ka niya."
“H-hindi naman," pagtanggi ni Kurt. “Iyung ibang tao diyan, makati siguro iyung puki kaya naghanap ng iba. Ano ba ang magagawa ko kung makati iyan?"
“Busy ka sa pag-aaral mo!" sigaw ni Hela.
“Priorities, Hela. Priorities."
Nagpaputok ulit ng baril si Hela dahil sa sobrang inis. Natahimik na naman kami. Ako naman ay halos natatawa nang tumingin ako kay Hela. Itinutok naman niya ang baril sa akin at tumigil ako. Pero natatawa pa rin ako.
“Larson, nababaliw ka na ba?" tanong ni Kurt.
“Oo. Baliw na ata ako!" natatawa kong sabi. “Biruin mo, baka patayin na niya tayo, natatawa pa rin ako."
“At sinong nagsabi na papatayin ko kayo?" tanong ni Hela.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko gusto na hindi niya kami papatayin. Hindi ko rin naman gusto na patayin niya kami.
Sumenyas si Hela. Naramdaman kong gumalaw ang tauhan niya sa likuran ko. Nilingon ko si Kurt. Ganoon din ang nangyayari sa side niya.
“Huwag!" sigaw ni Kurt. Sinubukan na niyang magpumiglas para makaalis sa kinauupuan. Nakatali siya dito.
“Parang alam mo na ang gusto niyang gawin. Pwede mo bang i-share iyan?" tanong ko.
Bago pa makapagsalita si Kurt, sumenyas na naman ulit si Hela. Ngayon ay para takpan ang bibig ni Kurt.
“Ganito na lang Larson. Let me surprise you," mala-demonyong ngiti ni Hela.
Habang nakatuon ang atensyon ko sa kaniya, biglang may itinusok sa akin ang isa niyang tauhan.
Allan's POV
Biglang akong nagising nang may narinig akong umuungol. Kasalukuyan akong nasa ospital kung saan isinugod si Larson matapos makita siya at si Kurt ng isang concerned citizen. Natagpuan sila na walang malay sa gilid ng kalsada.
Ibinuka ni Larson ang mata niya at iginala ito sa paligid. Medyo nasisilaw naman siya dahil sa kaputian ng paligid. Wait, hindi naman masyadong maliwanag ang paligid dahil natutulog ako.
“Larson, okay ka lang?" tanong ko.
“Hindi," masungit niyang sagot. “Ang sakit ng ulo ko na para bang hinahampas ng martilyo. Ano ba ang nangyari?"
“Teka lang. Tatawagan ko ang doktor para tingnan ang kalagayan mo." Lalakad na sana ako nang pinigilan niya ako.
“Huwag na! Alam ko na kung ano ang kalagayan ko. Mata ko, check. Kamay ko, check. Katawan ko, check. Masasapak kita kapag nahagip kita, ugh! Nakakatamad. Ngayon, ano ba ang nangyari sa akin?"
“Hindi ba ikaw dapat ang sumagot niyan dahil ikaw ang dinukot?"
Nilagay ni Larson ang kamay niya sa kaniyang ulo at nag-isip. Nag-text naman ako kay Mama na nagising na si Larson. Okay lang siya, okay lang siya.
“Hindi ko maalala," mahina niyang sabi.
“Hindi maalala, gaya ng nangyayari kay Ren? Wow, Larson. Nasa dugo niyo ba iyung mawalan kayo ng alaala sa mga importantent pangyayari," Bigla kong naalala ang nangyari kay Ren. “Hah! Baka ni-rape ka."
“Ni-rape? Ako? Swerte naman ni Hela." May bigla naman siyang naalala at napasimangot siya. “Or baka iyung mga pangit niyang goons." Napatingin siya sa sarili at nguminig. “Kakadiri. Pakiramdam ko tuloy ay napakadumi ko. Pero mabuti na lang at wala akong naalala."
“Uhh, Larson, baka na-rape ka nung mga dumukot sa iyo. Okay lang sa iyo?"
“Si Kurt?" tanong niya.
“Nasa kabilang kwarto," sagot ko.
Umayos si Larson ng upo sa kama. “Alam mo Allan, nihilistic akong tao. Sa harap ng kamatayan, ang masasabi ko lang ay gawin niya ang kaniyang trabaho." Kinuyom niya ang kaniyang kamay. “Dahil kung hindi, ako mismo ang papatay sa kanila."
Hindi ako bilib sa sinasabi niya. “Tungkol nga pala diyan," Nag-browse ako sa phone ko para ipakita sa kaniya ang isang balita. “natagpuan ang bangkay ni Hela sa lawa kasama ng kanyang mga tauhan."
“Huh?!" Agad na kinuha ni Larson ang phone. “Paano nangyari ito?"
“Iyan nga din ang itatanong ko sa iyo. Kaya lang, hindi mo naman maalala. Aalis na nga muna ako. Tatawagan ko ang doktor."
Iniwan ko si Larson sa kwarto saka tinawag ang doktor. Nagsagawa ito ng ilang test sa kaniya. At hindi na ako nagulat nang sinabi ng doktor na nagkaroon ng lapses sa memory si Larson. At ganoon din ang sinabi ng doktor sa kalagayan ni Kurt.
“W-Wala talaga akong maalala. Pero..." Tumingin si Kurt saglit kay Larson pero humiga siya agad. “Pagod pa ako. Gusto ko na munang magpahinga."
“Anong problema niya?" rinig kong bulong ni Larson.
“Nako! Hayaan na muna natin siya," wika ni Tita Karina. “Larson, natutuwa ako na mabuti naman ang kalagayan mo at ligtas kayong dalawa ng anak ko."
“Wala po iyun Tita. Mabuti nga po at buhay pa po kaming nakalabas. Kaya nga lang po, sa mga nangyayari ngayon, hindi ko po, o namin maalala kung paano nangyari iyun," paliwanag ni Larson.
“Ay nako, Larson. Huwag mo ng alalahanin iyun. Siguro, para sa ikabubuti mo rin iyun na hindi niyo maalala iyung mga nangyari. Ang mahalaga ay ligtas na kayo."
“Siguro nga po. Babalik na po kami sa kwarto ko."
Inilabas ko na si Larson sa kwartong iyun.
“Alam mo, nakakalakad ka naman. Bakit kailangan mo pang mag-wheelchair?!" reklamo ko habang tulak-tulak ko ang wheelchair niya.
“Huh? Nakakalakad ako? Alam mo ba iyung trauma na idinulot sa akin ng nangyari? Biglang natulog ang paa ko," dahilan niya.
“Iyan ba ang ibang term ng tinamad?"
Nang pabalik na kami sa kwarto, nakasalubong namin si Mama kasama ang kaniyang boyfriend. Tuwang-tuwa naman si Mama na makita si Larson at agad niyang niyakap ito. Ahh! Nakita ko na dati ang eksenang ganito. Iyung muntik na akong masagasaan, at si Mama talaga. Niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Patunay ito na kahit hindi niya kadugo si Larson, mahal na mahal niya ito. Hindi naman ako nai-inggit.
“Mama, bakit kung parang yumakap kayo ehh iyung parang sa Mama ni Joseph?" reklamo ni Larson.
Pinalo naman ito ni Mama. Biglang inayos niya ang kaniyang sarili. “Umm, Larson, I would like you to meet Jude. M-my business partner," pagpapakilala niya kay Jude.
Medyo natawa ako sa sinabi ni Mama. Business partner daw?
“Ay! Business partner? Hindi pa ba kayo?" natatawang tanong ni Larson.
“Sila na iyan. Ayaw lang umamin," bulong ko dito.
“Kayo na pala sabi ni Allan. Bakit hindi na kayo umaamin?" pagbulgar niya.
“English language lang iyan."
“Why don't you amin-amin about your real relationship?"
Pasimpleng ngumiti si Tito Jude. Si Mama naman ay namomroblema kung paano kakausapin si Larson. Well, sila na talaga ni Mang Jude. Kaya lang, kay inaalala si Mama na ayaw niyang i-share sa akin. Pero baka kay Larson, i-share niya.
“Larson, usap muna tayo sa loob ng kwarto mo. Allan, Jude, stay here," paalam ni Mama.
Pumasok silang dalawa sa kwarto. Naiwan kami ni Tito Jude sa labas.
“Does it hurt whenever my mother introduces you to us, like that?" tanong ko.
“Kind of, but I have to understand her, give her time," sagot niya. “For your mother, it probably takes a lifetime to be sure about our relationship. I reckoned that it's because of her previous relationship with your father."
“Oh, no," iling ko. “Please don't look at me like I have a personal knowledge of their relationship. I certainly don't have a single idea. I didn't even meet my real father. He might be probably dead though."
“Dead? How can you say so?" Lumakad si Jude papunta sa mga upuan sa gilid at umupo sa isa sa mga ito.
Sumunod ako at umupo sa tabi niya. “Well, I once overheard their conversation about my real father. Mother told Larson a story about how she met my old father who is about 45 to 50 according to her." Bigla akong napatigil at nag-isip. “By the way, did my mother told you about her past?"
“Yes. I already know that she was once..." Ngumiti lang siya sa akin. “But it doesn't matter. What matters to me is today and the future."
“How about you Tito Jude? May I ask if why you are still single in this age?" tanong ko. “I don't wanna boast but I am around 20, I am tied to my special someone right now and I am ready to marry him!"
“H-Him?" nagtataka niyang tanong. “You have a boyfriend?"
Medyo kinakabahan na ako sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung gaano na ba kadami ang mga sinabi ni Mama tungkol sa akin. Hindi ko alam kung sinabi niya na in love ako sa kapwa ko kabaro. Sayang pa naman itong si Tito Jude. Kung mabait talaga siya at okay lang na may boyfriend ako, itutulak ko na si Mama sa taong ito. Pero kung hindi, I'm sorry Mama. It's a no.
“Obviously," ngiti ko. “Is there a problem with that?"
“No," iling niya. “I, I was just fascinated. But are you sure about that? Being 20 is still, young. Once, I fell in love when I was around your age. I think that way and feel that way towards my crush. But then again, I realized that I was naive. I am actually not ready to live with her for the rest of my life. I discovered her flaws and those were the flaws that I can't take."
“I see. Well, I think it is a proof that you don't really love the girl because of her imperfections. Maybe she hid that imperfection from you because she is afraid to lose you." Bakit naman niya hihiwalayan matapos malaman niya na retokada pala ang babae?
“Oh no. Not imperfections in appearance. But imperfections..." Tinuro ni Tito Jude ang kaniyang puso. “... in here. I discovered her very very bad side. And whenever I tried to change her, she resist it. I tried so hard, until I gave up. It came to me that there is no point. If she won't become a better person, why force her. And that is how my love for her disappeared."
“Lucky for me that I have a different case. You see, my prince is searching for me for some time now. Or the more precise word is waiting because I was the one who did the search later on. And when I found him, his love for me was lost. He even forgot who I am and looked at me differently. He looked at me like I was a nuisance in his life because that is how I entered." Napatawa ako.
“I don't understand. How did he looked at you differently?" nagtataka niyang tanong.
“Oh! He has amnesia. That was I discovered when I did some digging. Some times later, he started to see me as a person that he loved. But he cannot for he loved somebody. Someone got to his heart first."
Nanlaki ang mata si Tito Jude at mukhang natutuwa siya sa love story. “Go on."
“Of course, I waited and hope that their love won't last. Sadly, it looked like it. Their love will last forever. Until a fiancée was introduced in the story. His lover had a fiancée. I thought that it is now my chance! You see, my prince hid his relationship with that person to the world. Which means that if their secret is out, it would be very very bad."
“Allan," tawag sa akin ni Mama.
Napalingon kami sa kinatatayuan ni Mama. Mukhang aalis na sila ni Tito Jude.
“Nasa climax na ako," reklamo ko.
“My son finally got a hold to his prince. But once again, just like any story, it got another twist. His prince suddenly lost his memory, again," pagtuloy ni Mama sa kwento ko habang naglalakad papalapit sa amin.
“He lost his memory twice?" manghang tanong ni Tito Jude.
“And I am with him again. The end," mabilis na pagtuloy ko.
“Jude, you need to return to Manila now. I need to stay here for some time and care for my sons," wika ni Mama.
“It's okay." Tumayo si Tito Jude. “Are you sure that everything is alright?"
“Yeah, everything is fine."
“Okay." Tumayo si Tito Jude. “I better get going. Umm..."
Tumayo lang silang dalawa at nagkatinginan sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong meron. Pero may gagawin ba si Tito Jude o ano? Hahalikan ba niya si Mama?
Nainip na ako sa paghihintay. “Nahihiya ba si Tito Jude na maghalikan kayo sa harap ko?" tanong ko kay Mama.
Tumikhim si Mama. “Allan, hinahanap ka ni Larson."
“Ay, sus!"
Tumayo na ako para pumasok sa kwarto ni Larson.
“Nahiya pa maglaplapan sa harapan ko. Parang hindi ko naman ginagawa iyun," wika ko kay Larson na nakaupo sa gilid ng kama.
“Nanay at Tatay ko, hindi ko kahit kailan nakitang naghalikan sa harap namin," sabi niya. “Pero mahal nila ang isa't isa."
Tumunog ang phone ko. Dali-dali kong nilabas ito dahil sa excited ako sa naririnig kong tunog. May pinadala na namang mensahe si Ren. Pinapaalala niya sa akin na may lakad kami bukas.
“Kayo ni Ren? Anong nangyari habang tulog ako?" tanong ni Larson nang humiga na siya sa kama habang nakapikit ang mata.
Bigla akong nalungkot sa tanong niya. “Ayos naman. Masakit nga lang iyung kumpirmasyon na galing sa kaniya."
“Na hindi ka niya gusto?"
“Na may gumahasa sa kaniya noong nawala siya."
Biglang dumilat si Larson. “Ha! Buti na lang at patay na iyung mga Villarica. Siguradong patay iyung gumawa sa kaniya ng kagaguhan na iyun. Anyway, naaalala na ba niya kung sino ang gumawa sa kaniya noon?"
“Wala pa rin siyang naaalala tungkol doon. Pero ayos lang na hindi niya maalala. Iwanan na kita dito. Maghahanda pa ako para sa lakad namin bukas." Lumabas na ako ng pintuan.
“Yeah. Ayos talaga dahil patay na siya," rinig kong pahabol ni Larson bago ko isinara ang pintuan.
Larson's POV
“Huy!" untag sa akin ni Mang Luke.
Nagulat ako at bumalik sa aking sarili. Nako! Nahuli na naman ako ni Mang Luke na nawawala sa mundo.
“Pang-ilan mo na ba iyan na nakatulala ka?" tanong nito.
“Hindi ko alam," kibit-balikat ko. “Kailangan ko pa bang bilangin iyun?"
“Larson, kanina ko pa sinasabi sa iyo iyung plate number nung sasakyan na nakita ko noon."
“Ho?" gulat ko. “Ano nga ulit ang plate number?"
“A-Ayoko nga! Kanina na pakiramdam ko ay okay ako, hindi ka nakikinig. Ngayon, nakakaramdam na naman ako na may mangyayari." Linga ng linga si Mang Luke sa paligid. “Ano ba iyang iniisip mo at natutulala ka? May malaki ba kayong problema ng Mama mo?"
“Wala naman," iling ko. “Okay naman ang lahat."
“Pero bakit nababalisa ka? Ano ba ang problema?" Kumuha si Mang Luke ng ulam at nilagay ito sa kanin niya.
Sumubo din ako ng kanin at lumunok. “Ilang linggo na rin matapos kaming dukutin ni Kurt. Lahat naman ng bagay, naaalala ko. Maliban lang sa partikular na araw na iyun. Bakit wala talaga akong naaalala? Anong nangyari noong araw na iyun?" Naghukay na naman ako sa isip ko kung ano ba talaga ang nangyari sa araw na iyun. Tumigil ako nang napansin ko na sumasakit ang ulo ko.
“Huwag mo na kayang halukayin sa utak mo ang mga nangyari noon. Tanungin mo na lang na lang iyung mga gumawa sa iyo niyan sabi ni Juan," payo niya.
Patay na tiningnan ko si Mang Luke. “Hindi ko po ba nasabi na patay na po silang lahat?"
“Huh? Namatay sila?"
“Kaya nga po inaalala ko kung paano kami nakalabas. Ano ang nangyari? Ehh, naisip ko nga iyang sinabi ni Juan. Kaya lang noong pagkagising ko, balitang-balita sa TV na patay na sila. Kanino na ako ngayon magtatanong?" Naalala ko si Kurt. “Si Kurt, mukhang may naaalala. Pero ayaw naman pumunta dito."
“Kung ikaw nga walang naaalala, si Kurt pa kaya?"
“Mang Luke, kung nakita niyo lang po siya na inilagan agad ang tanong ko kung may naaalala siya sa nangyari, masasabi niyo pong may nalalaman siya. Biruin niyo, napagod siya agad."
“Kuya Larson," dungaw nung bantay sa shop sa pintuan. “nandito po iyung customer na pinapabantay niyo."
“Sige. Lalabas ako maya-maya lang." Sinenyasan ko iyung bantay na bumalik sa loob.
“So tungkol po sa plate number ng sasakyan na sinabi niyo kanina, pwede niyo po bang sabihin ulit sa akin?" pasimple kong tanong.
“Ayoko na. Kinikilabutan na agad kami," pagtanggi ni Mang Luke.
Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan maging attentive na ako dito kay Mang Luke. Sinasabi na pala niya sa akin iyung plate number ng sasakyan na nakita niya, tapos natulala pa ako. Bakit ko ba kasi inaalala ang mga nangyari noon? Siyempre, para maging buo ako. Pakiramdam ko kaya na para bang may kulang sa akin. Ito kaya ang nararamdaman palagi ni Ren tuwing nawawalan siya ng alaala? Ha! Torture ito.
Pumasok na ako sa shop at nakita ko si Gerard na nakatayo sa harapan ng counter. Puno pala ang shop kaya naghihintay siya sa tapat nito.
Nang naglakad ako papalapit sa kaniya, biglang may nag-flash sa akin na alaala. Isang tao na may dalang mataas na kalibre ng baril ang nakatayo at nakatutok ito sa direksyon ko. Bigla naman akong bumalik sa kasalukuyan. Anong nangyari? Alaala ko ba iyun?
“Hinahanap mo na ako?" tanong ko habang lumalapit sa kaniya.
“Hindi naman," ngiti niya. “Gusto kong mag-internet at maglaro na rin para maiba."
“Gagawa ka rin ba ng daya sa mga nilalaro mo?"
“Hindi din. Bakit naman ako mandadaya kung kaya ko naman iyung nilalaro ko? Kumusta ka nga pala? Balita ko, may mga lalaking dumukot sa iyo." Sumeryoso bigla ang mukha niya. “May ginawa ka bang kalokohan na ikakapahamak namin sa lugar na ito?"
“Ay. Hindi ako ang may ginawa. Iyung kaibigan ko, oo. Tsaka hindi ko naman alam na may kaya iyung binangga namin. Kasi iyung bumangga sa kaniya, may kaya din. Nadamay lang ako."
“Ahh. Ganoon ba?"
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Nginitian ko siya. Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napatawa.
“Alam mo, may naaalala ako sa ngiting iyan," wika niya.
“Ahh! Alam ko. Sabi ni Lars, kapag nginitian kita at umiwas ka ng tingin, may ibig sabihin iyun. Basta wala lang akong sasabihin. Ngiti lang. Tatalaban ka. Siya pala ang nagpasimuno nito," paliwanag ko.
“Saan mo gusto? Sa bahay ko o sa bahay mo?" tanong niya.
Hindi ako makapag-antay nang pumasok na kami sa pintuan ng bahay niya. Sa pintuan pa lang ay nilamog ko na ang kaniyang katawan. Ang katawan niyang kayang makipagsuntukan sa ilang mga taong babangga sa kaniya, ay hawak-hawak ako nang mahigpit dahil sa sarap na nadarama.
“Alam mo bang bad timing ka?" wika ko habang halos magkalapat ang mga labi namin. “Hindi ko alam kung ginahasa ako nung mga tauhan ni Hela o ano. Kaya sabi ko sa sarili ko, iyung susunod na taong mahahawakan ko ng pwet, iuubos ko sa kaniya ang lahat ng aking katas."
“God, Larson, bakit hindi natin subukan iyan? Mapupuno ba ang puwitan ko sa katas mo?" tanong niya.
“Iyung puwitan mo, siguradong mapupuno. Pero..." Kumalas ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa balikat. Nilagyan ko ng pwersa ang paghawak ko paibaba para mapaluhod siya. “... iyang bibig mo, hindi iyan mapupuno."
“Magkapatid talaga kayo ni Lars." Tumingala si Gerard habang dinidilaan niya ang aking ari. “Napakalaki ninyo pareho."
Sinagad ni Gerard ang titi ko sa kaniyang bibig. Nagulat ako dahil sa nagtataka ako kung paano nagkakasya ang bagay na iyun sa bibig niya. Para pa ngang gusto kong anakan ang kaniyang bibig. Tinanggap niya talaga ang pagkalalaki ko ng buong-buo.
Nang hindi ko na namalayan, malapit na akong labasan dahil sa hindi siya tumitigil sa paggalaw.
“Shit Gerard, inumin mo!" sigaw ko dahil sa sarap na nadarama.
Hinawakan ko ang ulo niya para hindi ito makaalis kahit na alam kong hindi papalag si Gerard. Ramdam ko ang paglabas ng aking gatas sa lalamunan niya. Shit! Parang napakarami ng nilabas ko sa bibig niya.
“Tuloy pa ba tayo?" tanong ko nang kumalas na siya sa akin.
“Ikaw? Akala ko ba, marami ka pang ilalabas?" hamon niya.
“Tang ina, nanghahamon ka. Sige. Hindi kita titigilan buong araw."
Pinatayo ko siya at muli na namang pinaulanan ko ng halik.
“Siguraduhin mo iyan dahil hindi rin kita titigilan."
Napakayabang talaga niya. Noong nasa Lapu-lapu pa kami, niyayaya din naman niya ako ng patagalan. Hindi ko nga lang nagagawa ang bagay na iyun sa kaniya dahil hinahabol kami ng oras. Baka mabisto kami ni Lars na nagpapalitan.
Naghahabol ako ng hinga nang natapos na kami ni Lars. Tang ina, ginawa ba namin iyung posisyon lahat sa kama sutra? Napakagaling talaga ni Gerard, gaya ng dati. Kaya lang, may label na ba kami? Oi, teka, anong ibig sabihin nito? Hindi ba, sila pa rin nung Edmund?
“Noong isang buwan na nag-sex tayo, napakasarap mo talaga," saad ko habang nakatingala sa kisame. Hoy, hoy, Larson. Anong pinagsasasabi mo?
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Umayos ako para makita ang mukha niya. Nakatulog na pala siya. Ha! Ibang-iba talaga siya kapag natutulog siya. Napakaaamo ng mukha niya. Napakapayapa. Ano kaya ang itsura niya kung naging iba siya? Kung siya iyung magiging dahilan ng kamatayan ko?
“Alam mo, gusto talaga kita. Kaya lang, hindi ko alam kung gusto mo ako." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Naguguluhan ka ba? Naguguluhan ka ba dahil sa niloko ka namin ni Lars? Naguguluhan ka ba kung sino sa amin ang minahal mo?"
Inilagay ko ang sarili ko sa kalagayan ni Gerard. Siguradong napakahirap ng mga nangyayari ngayon sa kaniya. Ha! Bakit ba kasi si Lars, nagyaya na makipag-swap sa akin sa tuwing hindi siya makakapunta? Ako naman itong mabait na kapatid, pumayag. Hindi ko naman alam na nagse-sex din ang dalawa. At nahulog din ako sa kaniya. Tapos alam na din ni Lars pero okay lang sa kaniya.
Pero lahat ay nangyari na. Namatay si Lars sa isang aksidente, buhay pa rin ako at pati na rin itong si Gerard. Wala kaming magagawa kung hindi magpatuloy sa buhay. Kung pwede lang magmahal ang isang tao ng dalawang tao. Ehh 'di sana, magiging madali lang ang lahat.
Marahil ay kaya kong maging si Lars. Pero hindi na iyun uubra sa mga katulad ni Gerard na alam na ang totoo. Tsaka paano naman ako bilang ako?
Inayos ko ang aming kumot. Gusto kong ipulupot ang aking bisig sa kaniya gaya ng dati. Kaya lang, nasa tamang posisyon ba ako para gawin sa kaniya ang bagay na iyun. Oo, siguradong dala lang ng libog ang pagse-sex namin ngayon. Naghalikan kami pero part iyun ng foreplay para mas mainit. No strings attached ang nangyari ngayon.
Ipinikit ko na lang ang aking mata para itulog ang problema ko.
Pagkadilat ng aking mata, napansin kong nasa ibang lugar na ako. Nakahiga ako at may taong nakasakay sa aking ari. Ahh! Ang sarap talaga.
Hinawakan ko ang bewang ng taong ito at mabilis na umulos. Shit! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Init na init ako.
“Shit! Larson, ang sarap mo," saad ng isang boses.
Mabilis na idinilat ko ang aking mga mata. Bumangon ako at hinawakan ang aking ulo. Ano iyun? Alaala ko ba iyun? Pinapanaginipan ko ba iyung sex history ko kay Gerard? Pero parang hindi si Gerard iyun. Iba ang boses na narinig ko sa aking panaginip.
“Larson, gising ka na pala," wika ni Gerard na nasa pintuan ng kwarto niya. Nakadungaw pa siya mula sa labas. “Gutom ka na ba? Naghanda ako ng agahan."
Inamoy ko muna ang aking sarili. “Maligo muna ako."
Tumango siya. “Kuha ka lang ng kahit anong damit ko diyan. Halos magkaparehas naman ang size natin."
Bumangon na ako at naligo. Habang naliligo ay bigla kong naalala ang aking mga pangarap kasama siya. Wait, pangarap namin ni Lars. Mauuna kaming gigising at ipaghahanda namin siya ng pagkain. Hindi ‘namin' na kaming dalawa sa iisang lugar ha. Tapos pagkagising niya ay hahalikan ang pisngi niya saka sasabihin namin na mahal namin siya, okay. Stop! Ang weird.
Lumabas na ako ng kwarto nang nakapagbihis na ako. Pagkalabas ay nakita ko si Edmund na umiinom ng kape. Natigil ako at nagkatinginan kaming dalawa.
Sa hindi kalayuan naman ay may niluluto pa si Gerard na humahaginit pa.
“Dito ka ba nakatira?" tanong ko.
“Hindi. Pero dito ako mag-aagahan," payak na sagot ni Edmund.
“Okay. Sabi mo ehh."
Umupo na ako sa isa sa mga upuan doon. Walang umiimik sa aming dalawa. Naa-awkward ako. Ni hindi ko nga alam kung sila bang dalawa o hindi.
Kunyari ay iminom ako ng kape. Pero sa 180 degrees na paningin ko, nakikita kong nakatingin siya sa akin. Hindi ko masasabi kung anong klaseng tingin, basta nakatingin talaga siya sa akin.
“Oo nga pala. Nandito ako ngayon para ibalita sa iyo iyung isang kaso na sabi mo ay interesado ka pa rin," saad ni Edmund na nakatingin sa binabasang dyaryo.
Naguluhan ako sa sinasabi niya. Interesado ako sa pagkamatay ng isang tao?
“A-Ako ba ang kausap mo?" tanong ko.
Tiningnan ko si Edmund at sinagot niya ako ng isang iling.
“Interesado pa rin ako," tugon ni Gerard habang may ginagawa. Ahh! Hindi pala ako iyung kinakausap. Akala ko ako.
“Noong isang linggo, may napatay na naman na isang tao. Hindi natin kilala, walang kinalaman sa atin," kwento ni Edmund na tumingin sa akin.
“Pero kinikwento mo sa akin iyan dahil may kinalaman iyan sa kasaluluyang kaso?" Inilagay na ni Gerard ang mga ulam sa mesa.
Inilipat ni Edmund ang tingin kay Gerard. “Sa malayong tingin, isa lang itong abnormal na pagpatay ng isang sira ulong tao. Pero sa malapitang imbestigasyon, may katangian ang mga taong ito na magkakapareho. Parehas silang nag-aral ng IT, at lions."
Sabay na sumeryiso ang mukha namin ni Gerard. Lions.
“May huma-hunting sa amin," hula ko. “at ang taong ito ay iniisa-isa ang mga taong may ganoong katangian."
“At kaya buhay tayo ngayon dahil hindi naman tayo ganoon ka-open na mahilig sa mga leyon," dagdag ni Gerard.
“Pero bakit lion at IT ang piniling category-" Bigla kong naisip ang isang pangyayari. “Ahh!"
“Nalaman na nila ang ginawa namin," pag-amin ni Gerard. Ang tinutukoy niya ay iyung pagpatay sa buong pamilya ng Villaflores.
“May suspek na ba kayo kung sino ang posibleng gumagawa nito?" tanong ko.
“Meron. At iyun ay walang iba kung hindi ang kaibigan nilang lahat na si Ronnie," sagot ni Edmund.
“Teka, teka, teka, iyung Ronnie na iyun?"
Pumagitna sa amin si Gerard. “Umm, hinay-hinay lang. Suspek pa lang naman. Pwedeng siya talaga, pwede ring hindi."
“Bakit Gerard? May iba ka pa bang naiisip kung sino ang posibleng suspek natin?" Uminom ng iniinom na kape sa Edmund.
“May iba pang mga posibleng suspek. Pero hindi niyo kilala, at baka ako lang ang nakakakilala."
“Cool. I-share mo sa amin," ngiti ni Edmund.
Nag-antay kami na magsalita si Gerard. Pero nanahimik lang siya.
Mukhang na-disappoint si Edmund sa ginawa niya. “Hayan ka na naman. Nagtatago ng sikreto mula sa amin."
“Aba, bakit? Ano bang gagawin mo kapag nagbigay ako ng pangalan? Gagamitin mo ang resources ng Schoneberg para imbestigahan iyung mga pangalan na ibibigay ko?" tanong ni Gerard.
“Na may blessing ni Sir Simon, of course. Interesado siya dahil isa sa mga tauhan niya ang namatay, naaalala mo? At kaibigan ko din iyung tao, naaalala mo?"
“Oo, alam ko. Ang ayaw ko lang ay dumating ang mga bagay na ito sa ubusan ng yaman ng dalawang kampo, kung sino man ang gumawa ng mga bagay na iyun. Tapos kapag napagod na iyung kabila sa kakahintay ay gagamit na lang ng mamamatay-tao para matapos na ang lahat. At ang kaso, dismissed. Medyo kilala ko si Mr. Schoneberg. Sumusunod siya sa batas. At hindi malayong ganoon ang mangyayari kapag ibinigay ko sa iyo ang mga nalalaman ko. Alam mo ang mga bagay na ganito, nakatago. Dahil tiyak na wala kang maaasahan kung aasa ka lang sa batas. Walang mga backbone ang mga nakaupo sa gobyerno natin. Hindi nila kayang labanan ang kadiliman na nilalakad ko dati. Ako, kaya ko."
“Si Keifer ba, hindi? Kaya ba pinagtangkaan mo siyang patayin para-" Biglang may naalala si Edmund. “Kaya ba nakipagmoro-moro ka sa kaniya para lumayo siya mula sa iyo?" Mariin niyang tiningnan si Gerard.
Moro-moro? Iyung ginagawang pagkukunyari ng mga muslim na nag-aaway sila? Heck, nagkukunyari pa nga sila na nakikipag-gyera sa isa't isa noong unang panahon.
Iniwasan ng tingin ni Gerard ang kausap. “Hindi ko alam ang sinasabi mo." Teka, sinadya niya ba iyung gawin?
Harap-harapan nagsisinungaling si Gerard. Hindi siya nagpapahalata kahit sa body language niya. Ahh! May pinapadala siyang mensahe kay Edmund.
Humupa ang galit sa mga mata ni Edmund. “Naiintindihan ko. Kaya lang Gerard, kailangan intidihin mo ang nararamdaman..." Dumaan ang paningin niya sa akin saglit. “... ang nararamdaman naming dalawa. Paano na lang kapag nalaman namin na may ginawa kang sobra? Naaalala mo ba iyung ginawa mo sa akin noon?"
“Hindi ko iyun maiiwasan kapag umabot ako sa ganoon. Kaya tandaan mo ang sinabi ko sa iyo noon. Hindi dapat ako tumigil. Itutuloy ko ang mga binabalak ko kahit ano man ang mangyari. Magbabayad ako kahit magkano. Kahit ikawala pa iyun ng pagmamahal mo. Iyung linya kong iyun, totoo iyun."
Nasapo ni Edmund ang ulo niya. “Napaka-swerte mo na kahit iyung ginawa mong iyun sa akin, nasikmura ko. Kaya lang Gerard, huwag mong abusuhin ang pagmamahal ko. Hindi ibig sabihin noon na pwede mo ng gawin ang kahit anong bagay dahil mapapatawad pa rin kita. Pero, oo. Mapapatawad pa rin kita. Ngayon, kung sa ibang tao kaya? Ganoon din ba ang mangyayari? Mapapatawad ka kaya nila?"
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng dalawa. Nakuha ko naman ito at tumingin silang dalawa sa akin.
“Umm, kung naaalala niyo ay nandito pa rin ako at gutom na gutom," pagpapaalala ko. Ngumiti ako ng matamis sa kanila. “So kain na tayo?"
“Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Gerard.
Tumingin kami kay Edmund kung susunod niya. Tumahimik na lang siya at kinuha ang mga kubyertos sa harapan niya.
Tahimik kaming kumakain. Ninanamnam ang katahimikan at ang napakasarap na mga pagkain na inihanda ni Gerard nang...
“Kumusta ang sex?" biglang itinanong ni Edmund.
Napatigil ako at nag-isip. “Dapat mo ba talagang itanong iyan?"
“Larson, hindi mo siya kailangan sagutin," nag-aalalang wika ni Gerard.
“Bakit hindi? Interesado lang naman akong malaman kung napakaganda ba ng gabi mo ano," sabi niya kay Gerard.
“Edmund, break na tayo kung tama ang pagkakaalala ko, tama?"
Tumingin siya sa aming dalawa. “At kayo na ni Larson?"
Sasagot sana ako ng hindi kasi hindi naman talaga. Pero napatingin na lang ako kay Gerard na tumingin din sa akin. Gusto ko siyang sumagot ng oo.
“Hindi," iling ni Gerard. “hindi pa sa ngayon."
Medyo nadismaya ako na tumingin kay Edmund. “Yeah, hindi pa sa ngayon," dagdag ko. Ngumiti na lang ako.
“Ha! Okay."
Tumunog bigla ang phone ni Edmund. Tiningnan lang niya ito saka ibinalik sa bulsa.
“I have to go. Salamat sa pagkain," paalam niya agad saka lumabas ng hahay.
“Ano iyun?" medyo natatawa kong tanong kay Gerard habang kumakain.
“Alin doon?" kunyaring tanong niya.
“Si Edmund. Nandito."
Napakamot siya sa ulo. “Nakita ko sa pintuan. Pinapasok ko dahil may kailangan sabihin tungkol sa mga kaso ng patayan dito sa lugar natin. Particularly, may kinalaman doon sa kaibigan niyang namatay," paliwanag niya.
“Pero may cellphone naman hindi ba? Pwede niyo naman na doon na lang iyun pag-usapan. O hindi naman kaya messenger. Alam mo ba na sa mga drama sa TV, namamatay iyung isa sa mga taong may nalalaman dahil ayaw pag-usapan sa telepono? Paano, magkikita daw ng harapan. Pinapatay naman bago pa mangyari iyun."
“TV iyun. Totoong buhay ito. Tsaka tanungin mo na rin kaya kung may nararamdaman pa rin ako sa kaniya."
Itinaas ko ang aking mga kamay. “Whoah? Hindi pa nga ako nagtatanong at wala pa akong balak itanong iyan."
Ibinaba na niya ang kubyertos at inayos niya ito sa plato pahiwatig na tapos na siyang kumain. “Oo, may nararamdaman pa rin ako. At hindi lang sa kaniya. Sa iyo, may nararamdaman pa rin ako. At naguguluhan ako dahil baka kalibugan ko lang ito na nagpapagulo sa aking nararamdaman. Alam mo naman iyung ginawa ko noong akala ko na patay na kayo."
“Ano iyun?" tanong ko.
Bigla naman tumunog ang phone ko. May nag-text sa akin.
“Wala na si Mang Luke sa likod," basa ko sa text.
Nanlaki bigla ang mata ko. Minadali ko ang aking pagkain.
“Anong nangyari at nagmamadali ka?" tanong ni Gerard.
“Wala," iling ko habang nginunguya ang pagkain. Lumunok ako. “Nagmamadali lang ako dahil may kailangan pa akong gawin sa shop."
Pagkatapos kumain, kinuha ko agad ang susi ng motor ni Allan, na pansamantala kong ginagamit since iyung isang kotse ay ginagamit niya para makasabay si Ren. Nang nasa labas na ako, napahinto ako. Bumalik ako sa pintuan ng bahay niya. Pota! Hindi pa pala ako nakapagpaalam ng maayos sa kaniya.
“Salamat sa pagkain," ngiti ko bago ulit nagmadali na pumunta sa motor.
Pagdating sa shop, sinenyasan ko ang bantay na umalis sa kaniyang pwesto. Sumunod naman ito at nakaupo agad ako sa server na wala man lang abala.
“Mga anong oras mong napansin na nawala si Mang Luke?" tanong ko sa bantay habang tumitipa sa kompyuter.
“Mga kalahating oras na ata, kuya," sagot ng bantay. “Kaninang agahan, nandiyan pa sa likod iyun. Tapos nang umihi ako, saka ko lang napansin na nawala."
Tiningnan ko ang CCTV ng shop at nilagay ko sa oras na nandito pa si Mang Luke. Natutulog pa siya ng mahimbing nang mga alas-dos.
Pinabilis ko ang oras ng video hanggang sa may napansin ako sa video. May isang lalaking lumapit sa CR. Hindi pa man ito nakakalabas shop, tiningnan lang nito si Mang Luke. Si Mang Luke na napansin ang lalaki ay napatingin din. Mga ilang minuto din nagtagal ang pagtitinginan ng dalawa hanggang sa tumayo si Mang Luke at umalis. Kinuha ko ang oras kung kailan nangyari ito. Pinalinawan ko naman ang mukha ng lalaking nakatingin kay Mang Luke na sakto naman na tumingala sa camera. Nagulat ako nang mamukhaan ko ang taong ito. Ito si Anthony.
“Pagtarung ba?!" biglang naibulalas ko. (“Nagbibiro ka ba?")
Sumunod na nangyari ay nag-browse naman ako sa mga CCTV na may access ako. Ngayon naman ay hinahanap ko si Mang Luke kung saan siya pumunta.
Bakit? Ano naman ang gagawin ni Anthony dito? May ginawa ba kaming masama sa kaniya? Ni hindi nga namin personal na kilala ang tao.
Sa paghahanap kay Mang Luke, nahagip naman siya ng CCTV camera na umaaligid paligid ng village, kung saan nakatira si Ren. Teka? Balak niyang pumunta sa dati niyang bahay? Nakapasok kaya siya?
Pagkatapos ng ilang minuto. May napansin pa ako sa record ng CCTV. May sasakyan na pumasok at ang nagmamaneho ay walang iba kung hindi si Anthony. At pinapasok lang siya ng guard na parang hindi siya wanted o kung ano. Gagong guard ito!
Dali-dali akong lumabas ng shop nang nadatnan ko na naman ang dalawa na mukhang nagkasalubong ngayon-ngayon lang. Teka, Edmund.
“Edmund, pwede bang ipag-drive mo ako sa papunta sa village nila Ren? Emergency lang."
Walang ka-delay-delay at pumayag agad si Edmund. Pinagmamadali naman niya kami na sumakay sa kotse niya.
“So ano ang emergency?" tanong ni Edmund na mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan.
“Direct to the point, may isang guard sa village na tinitirhan ni Ren ang basta lang pinapasok si Anthony," sagot ko.
“What? Sinong Anthony ito? At saang pasukan ito?"
“Mamaya na iyan. Hindi iyan ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang matandang baliw na hinahanap ninyo."
“Matandang baliw na hinahanap namin?"
“Si Mang Luke ang tinutukoy niya," singit ni Gerard. “Ikaw ang nag-aalaga kay Mang Luke. At ang Anthony ba na tinutukoy mo ay si Anthony na kapatid ni Nicko?"
“Oo. Siya ang..."
Natahimik ako nang narating na namin ang isa sa mga entrada ng village. Tiningnan ko lang ang guard na sumasaludo sa amin. Ang guard na iyun ang nagpapasok kay Anthony.
Hindi naman ako mapapansin ng guard dahil tinted ang sasakyan.
“Siya siguro ang pumatay sa mga taong may kinalaman sa leyon o ano," pagpapatuloy ko.
“Nandito na tayo sa loob ng village. Saan tayo pupunta?" tanong ni Edmund.
“Sa abandonadong mansyon ng pamilya Pallas," sagot ko. “Alam mo iyun?"
Tumango si Edmund.
“Si Anthony? Pero bakit si Anthony?" nagtatakang tanong ni Gerard.
“Nakakapagtaka na si Anthony pala ang hinahabol natin," wika ni Edmund. “Wala naman tayong koneksyon sa kaniya. Ni hindi nga natin naagrabyado ang tao, tama ba?"
“Iyan nga ang nakakapagtaka. Bakit si Anthony?" May ibang anggulo akong naisip. “Hindi kaya inutusan lang si Anthony ng kung sino?"
“Ni Ronnie."
“Edmund," tawag ni Gerard sa pangalan niya na nagpapahiwatig sa boses niya na tigilan ang kaniyang bibig.
Bigla akong kinabahan nang nakita ko ang malaking bahay na abandonado. Sa bahay na ito nangyari ang madilim na nakaraan ni Mang Luke. Kadalasan ay dito siya naglalagi sa mga panahon na wala siya sa shop.
Nasa tapat na kami ng mansyon. Kapansin-pansin naman na walang sasakyan na ginamit ni Anthony ang naka-park.
Binuksan ni Edmund ang isang compartment ng sasakyan niya na may lamang baril. Binigyan niya si Gerard ng isa.
“May isa pa ba kayong baril diyan?" tanong ko.
“Meron ako. Kaya lang, hindi pa lisensyado," sagot ni Edmund.
Binigay ni Gerard ang hawak niyang baril. “Heto, gamitin mo. Ako na lang ang gagamit sa hindi niya lisensyadong baril."
Tiningnan ni Edmund si Gerard habang binibigay niya sa akin ang baril at kumuha ito ng panibago. “Huwag kang magpahuli ahh."
“Ako pa," tugon niya na ikinasa na ang baril.
Pumasok na kami sa abandonadong mansyon. Napakalaki ng bakuran ng dating bahay ni Mang Luke. Pero mas mahirap ang mansyon. Sa kwento ni Mang Luke, maraming lihim na daanan ang mansyon niya. Teka? Paano kung alam ni Anthony ang bagay na iyun at dumaan siya sa mga lagusang iyun?
“Mukhang malaki ang lugar. Maghiwalay kaya tayo?" suhestyon agad ni Edmund.
“Sige," pagpayag ni Gerard.
“Huwag," pagtutol ko naman.
“Larson, kailangan natin masiguro na buhay ang hinahanap natin," komento ni Edmund.
“Ano ba ang inaalala mo?" tanong ni Gerard.
“May mga lihim na lagusan sa loob. Nag-aalala ako. Paano na lang kung biglang sugurin tayo ni Anthony mula sa mga lagusang iyun?" paliwanag ko.
“Kaya kong alagaan ang aking sarili, pati si Gerard," wika ni Edmund. “Kung gusto mo, magsama kayo ni Gerard sa paghahanap. Kailangan talaga natin mahanap iyung matanda bago pa mahuli ang lahat."
Nakumbinse ako sa sinasabi ni Edmund. “Sige, sasama ako kay Gerard."
Naghiwalay na kami ni Edmund. Si Edmund ay maghahanap sa paligid ng mansyon. Kami ni Gerard ay sa loob ng bahay.
Bigla naman akong kinabahan nang dahan-dahan na binuksan ni Gerard ang pintuan ng mansyon. Alam kong tirik na tirik ang araw pero natatakot ako. Paano kung huli na ang lahat? Paano kung pagkabukas ng pintuan ay makita namin si Mang Luke na walang buhay?
Napakalakas talaga ng kabog ng puso ko sa tuwing magbubukas ng pinto si Gerard. Nasa pangalawang palapag na kami ng mansyon at hindi pa rin namin nahahanap si Mang Luke. Ito na iyung huling pinto.
Biglang tumunog ang phone ni Gerard. Sa sobrang gulat ko ay naitutok ko ang baril sa kaniya.
“Easy," mahinang sambit niya.
Ibinaba ko naman ang aking baril. “Pasensya na," paghingi ko ng despensa.
Sinagot ni Gerard ang tawag. “Hello."
“Nandito si Mang Luke sa basement..." rinig kong sinabi ni Edmund.
Bigla na lang akong tumakbo papunta sa lokasyon ni Edmund. Nakita ko siya sa likod ng bahay, nakatayo sa tabi ng parang pababa na hagdan. Nagkatagpo ang tingin namin. Pero agad siyang umiwas at humarap sa salungat na direksyon.
Tumakbo ako papalapit sa posisyon niya at bumaba agad. Pagkabukas ko ng pitno, nakita ko si Mang Luke na nakamulat ang mata, at may tama ng baril sa sentido niya.
“Mang Luke."
ITUTULOY...