Followers

Monday, May 27, 2013

CAMPUS TRIO ISSUE (PLEASE READ)

Ngayon lang ay nabasa ko ang pm sa FB ni Ponse pati na rin ang comment ni Sir Mikejuha tungkol sa Campus Trio, kung bakit ay tinapos ko kaagad samantalang may kasunod ito sa wattpad at iba pang mga sites.

Gusto ko pong iklaro na ako ang tunay na may gawa ng story na ito at kinopya lang ng ibang writer at pinost sa wattpad. Nung una ay nabigla ako ng makita ko ang story na ito sa website na iyon pero hinayaan ko na lang muna dahil may nilagay siya na credits ng aking blog at hindi naman niya inangkin iyon bagamat hindi niya sinulat ang aking screen name bilang author. Kahit papaano natuwa naman ako ng kaunti dahil mas nakilala pa ang story kong iyon. Pero hindi pa rin maalis sa akin na madismaya dahil hindi ko naman sila binigyan ng permiso na ipost ito doon at sa ibang sites. Gayunpaman, wala naman akong sama ng loob sa site na iyon.

I didnt expect na malaki pala magiging epekto nito ngayon. May mga nagduda sa akin na baka ako ang nagsabotahe sa kwento ng wattpad. Again, IM THE ORIGINAL AUTHOR of the story.

At sa mga naguguluhan at nagtataka kung bakit minadali at winakasan ko na agad ang story na ito, tulad po ng mga nabanggit ko na noon pa, ito po ay ENDING LANG NG BOOK 1 AT MAGPAPATULOY ITO SA PAGSISIMULA NG BOOK 2. Kumbaga ang unexpected ending nito ang magiging basehan sa bago kong story which is "True Love" ang title.

Halos isang taon akong natigil sa pagcreate ng story dahil sa ilang problema sa buhay at medyo nakalimutan ko na rin ang naging original plan ko sa flow nito kaya sa aking pagbabalik ay naisip ko na tatapusin ko ito with a different flow. Ito rin ang dahilan ko sa pagbubuo ng book 2 at pag-iiba ng title. Siyempre sa pamamagitan nito mas mapapaganda ko pa ang story at mabibigyan ng buhay.

Siguro matitigil lang po ang issue na ito kapag naipost ko na ang simula ng True Love lalo na sa mga nabitin doon sa naging ending ng campus trio. Hayaan niyo po na I will post that as soon as possible.

Kung maaari po sana, pakiusap ko lang po sa inyo, para hindi na po kayo maguluhan, dito na lang po kayo magbasa or sa aking blog na malapit na ulit magbukas for public viewing.

I hope na nakatulong ang paliwanag kong ito tungkol sa issue na ito.Maraming salamat po ulit sa mga readers na patuloy na tumatangkilik sa aking mga gawa lalo na po kay Sir Mikejuha sa pagbibigay ng opportunity sa akin na makapagshare dito.


21 comments:

  1. hay naku, ako walang duda talaga. kahit anong ek ek pa jan, i believe na ikaw ang author nito. i understand sa naging ending nito. ikaw na talaga kuya d!

    ReplyDelete
  2. yung sa wattpad na indicate naman na di kanya,,
    siguro pinagtaka lang ng mga readers is bakit pinutol dun sa bandang chapter 26,,

    ----
    pasensya author maganda kasi tong story kea
    maraming comment about that part..
    well thanks for sharing this story kaabang abang ang book 2

    -mans-

    ReplyDelete
  3. good luck... hoping for post asap...

    ReplyDelete
  4. ayan naunawaan at naliwanagan na ba ang mga taong nagtataka sa mga pangyayaring naganap...

    konting intay lamang tayo mga readers..

    pasalamat na lang tayo at may chance tayo makabasa ng isang obra na libre..

    wag ng magtaka o kung anu pa man..

    -jojo

    ReplyDelete
  5. I am certain that you were the real author of Campus Trio. I am a follower of Campus Trio and I was reading it on your blog. Can't wait for the book 2. :)

    ReplyDelete
  6. well-explained & well-understood hehe
    Good luck po

    AtSea

    ReplyDelete
  7. ahhh Mr Author sila po ba ang gumawa ng Chapter 26 at Chapter 27?

    ReplyDelete
  8. good vibes always. basta wag po kau titigil sa pagsusulat.
    -frontier

    ReplyDelete
  9. ^^ i'll wait for the next book! thank you sir daredevil! IDOL!!!

    ReplyDelete
  10. naliwanagan na din kami author..galing mo.

    sana sa iba jan wag mang.akin gawa ng iba..may utak naman kau di ba

    siguro nga lang..

    ReplyDelete
  11. haisst.. kaya pla ang tagal ng update.... =(.... hope ma post agad yung follow-up. thnkas.. great story. hope the next story have a lots of twist and turns.. lolz.. excellent job to the author =).. god bless and more power to you.

    ReplyDelete
  12. nice cant wayt po mr daredevil..
    pero u must admit sa pag post nila sa wattpad ng campus trio malalaman mo namarami pong tagasubaybay ang campus trio..hehe
    -dino

    ReplyDelete
  13. When i read the ending sabi ko sa sarili ko anything that you write ay di ko na babasahin kasi di reason my ngpost o wala para baguhin ang isang kwento n ngkaroon n ng tatak or established na,,dahil lang dun anyway reason mo yan kung anu pa na ekek para sa book 2 kamo good luck sayo,,pero ayoko sa writer na na tulad mo first time na badtrip sa kwento well paraan mo yan eh..

    ReplyDelete
  14. Nag start na po ba ang true love?? San q sya pwede makita?? Hehe ang ganda kasi ng story kakaiba ung mga twist na gnamit nyo.. Sana umpisa ng maituloy q na ung pagpapasa.. Hoping :)

    ReplyDelete
  15. san na po ung true love? excited much about the story already..

    ReplyDelete
  16. Nasanna yung true love :(((

    ReplyDelete
  17. gnu po b ktagal ang ipaghi2ntay pra s book 2?

    ReplyDelete
  18. nsan n po yung ibang parts?

    ReplyDelete
  19. anu po bang blog ng writer ng CAMPUS TRIO??

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails