Followers

Tuesday, December 29, 2015

Enchanted: Broken (Chapter 27-29)

Maraming salamat sa mga sumusubaybay at sa mga naghihintay. I-she-share ko lang ang isang video ng isang Thai movie na gusto ko mapanood, pero ewan kung saan ito mapapanood. Dapat dun ko ito pinost sa previous update. Haha. Yung bida kasing beki ay nakikita ko sa kanya si Errol, tapos yung sweet moments nila dito parang naiimagine ko silang dalawa ni Ivan. Medyo mas lean nga lang yung guy dito kesa sa physical description natin kay Ivan.



Anyway, ang susunod na update ay sa weekend. Hinihiling ko lang sa iba na kaunting galang naman po kapag nagtatanong tungkol sa update. Tao po ako. Hindi makina. Minsan pagod. Kung may mga tanong kayo, message me on my Facebook account.

https://www.facebook.com/bombi84

Please don't hesitate to drop your comments below. Again, if you have questions, if there's something you don't understand, and if you're confused about something, never ever hesitate to ask me. Sa uli-uli, maraming salamat.


--------------------------------


Chapter 27
Shorts


Habang minamaneho ni Ivan ang kotse pauwi ay di nito mawaglit sa isipan ang bagong kaibigan. Kahapon ay mas naging malapit sila sa isa’t-isa, napagkwentuhan ang mga pribadong buhay at mga personal na bagay, mga bagay na hindi niya naibahagi sa ibang tao. Napapangiti si Ivan, ngunit sa kabilang banda ay nagtataka rin ito kung bakit ganoon na lang ang trato niya sa binatang hindi naman niya kaanu-ano. Oo, magaan ang loob niya dito. Naaalala niya ang kanyang nasirang kapatid sa tuwing nakikita niya ito. Gusto niya itong protektahan. Gusto niya maging kuya dito. Ngunit nagtataka siya kung bakit tila mas malalim pa ang kanyang pakikitungo kay Errol kaysa simpleng turingang magkaibigan o magkapatid.

Nang makita niya itong umiiyak dahil sa hindi nasukliang pag-ibig para sa matalik na kaibigang si Erik, nais nitong kunin ang kanyang kamay at sabihin sa kanyang sana siya na lang ang ibigin nito. Ngunit kaya ba niyang umibig sa kapwa lalaki? Ang mga iniisip ni Ivan ay nagbigay sa kanya ng mga tanong. Ang kalituhan ay nagpabagabag sa kanya. Bakla ba siya? Pero nagkaroon rin naman siya ng mga kasintahang babae. Nakipagtalik na rin naman siya sa mga babae.

Hindi kaya awa lang ang nararamdaman niya? Maaaring gusto niya lang sumaya si Errol, at kaya nitong ialay ang sarili makita lamang ang bagong kaibigang ngumiti.

Nang makita niyang naestatwa sa pagkakatayo si Errol nang makita siyang walang saplot ay napagtanto ni Ivan na wala pa ngang karanasan ang binata sa kapwa lalaki at iyon ang unang beses na makakita ito ng hubad na lalaki. Ibig sabihin kahit si Erik ay hindi pa nito nakitang ganoon. Bakit tila gusto niyang maging siya ang unang makapagbigay ng kaligayahan kay Errol? Tila ba ay gusto niyang maging pag-aari ang bagong kaibigan.

Kanina ay inaakit niya ito ngunit hindi ito bumigay. Dahil doon ay tumaas ang respeto ni Ivan kay Errol. Napangiti siya habang naiisip niya ang mga reaksiyon ni Errol. Alam niyang hindi ito sanay sa mga ganoong bagay. Kung ibang tao lang ‘yun ay malamang sinunggaban na siya.

Sanay na rin si Ivan na pagpantasyahan, hindi lamang ng mga babae, ngunit pati na rin ng mga lalaki. Noong nasa kolehiyo ito ay nakakatanggap ito ng mga indecent proposals sa mga mayayamang estudyante at maging sa mga propesor nito. Nakakatanggap din ito ng mga malalaswang mensahe sa Facebook galing sa mga silahis na nais siyang matikman. Ngunit wala siyang pinapansin sa mga ito.

Pero bakit ba tila iba si Errol sa kanila? Noong mga nakaraang araw ay gusto niya lang itong makilala at maging kaibigan. Ngunit nitong huli ay gusto na niyang maging parte siya ng kanyang buhay, bilang matalik na kaibigan, bilang kapatid, o bilang kasama. Nalilito si Ivan sa mga tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi siya kailanman nagkagusto sa kapwa lalaki. Pero kanina nang gusto niyang ialay ang kanyang sarili kay Errol, hindi siya nagsisinungaling. Gusto niyang angkinin ni Errol ang pagkatao niya.

Ngunit higit pa doon, gusto niyang makitang ngumiti ito, at makita ang ningning sa mga mata nitong malamlam, mga ningning na hindi pa niya nasisilayan. Batid ni Ivan na sa likod ng maaliwalas na mukha ni Errol ay may nakakubling lungkot. Gusto niyang mapasaya ito. Ngunit paano?

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi napansin ni Ivan ang pagtawid ng isang babae. Nataranta ito at agad na inapakan ang preno. Bumaba siya kaagad sa kotse. Nakita niya ang maputlang babae na may hawak na mga paper bags. Mukhang galing ito sa pamimili sa malamang tanging bukas na pamilihan sa bahaging ito ng lungsod.

“Miss, okay ka lang?” tanong ni Ivan na agad itong tinulungan upang kunin ang ibang natapong dala.

“I’m fine,” sagot ng babae na naka flip flops, puting mini-skirt, at pink na tank top.

“I’m sorry,” saad ulit ni Ivan na napatingin sa maamong mukha ng babae at natigilan.

“No, kasalanan ko rin. I crossed the street na hindi pa green ang pedestrian light. Buti na lang there are no cops around right now.”

Hindi nakasagot si Ivan. Natulala lang ito sa mukha ng babae.

“What?”

“Wala. You’re beautiful,” saad ni Ivan na nakangiti dito. Teka, hindi pa nga pala siya naliligo. Naisip niya, sayang, dapat pala naligo na lang siya kina Errol. Oo, nga pala. Bigla nang nawaglit si Errol sa isip niya. Teka, instant crush ba ‘to sa babaeng kaharap?

“I get that all the time,” nakangiting saad ng babae sa mahinhin nitong boses na tunog Amerika. “Can you help me put my stuff in my car?”

“Sure, sure.”

Nang mailagay nila ang lahat ng naibili ng babae sa kanyang kotse ay ngumiti ito kay Ivan. “Thanks!”

Tumango si Ivan, ngunit hindi kaagad ito umalis.

“Anything else?” tanong ng babae.

“Pwede malaman ang pangalan mo?”

“Oh, please!” Umiling ito at kinumpas nito ang palad sa harap ni Ivan. “Can’t guys come up with a new style?” Umirap ito.

“I’m Ivan.” Ngumiti si Ivan at nagpa-cute.

Sumimangot naman ang babae. “It’s Diana.”

“Thanks!”

Ngumiti nang sarkastiko ang babae at hinawi ang buhok nito. Pagkatapos ay tiningnan nito ang suot ni Ivan. “What are you wearing?”

Doon lamang napagtanto ni Ivan na nakashorts nga lang siya ni Errol at wala pang underwear. Pinahiram lang din pala siya ni Errol ng pinakamalaki nitong t-shirt na sa kanya ay hapit. Napakamot na lang si Ivan sa ulo. “Sige, Diana. Have a nice day. Sorry ulit.” Nahihiya si Ivan na naglakad pabalik sa kotse niya. Narinig niya lang itong may sinabi bago sinara ang kanyang kotse.

“All right, thanks.”

Nang makabalik sa kotse ay pinaandar na ito ni Ivan. Natawa siya sa nakakabwisit na tagpo. Pinalo na lang niya ang manibela habang natatawa sa sarili. Pero hindi rin mawaglit sa isipan niya ang itsura ng babae, ang maamo nitong mukha, ang malumanay nitong boses na kahit na nagtataray ay tila naglalambing pa rin, at ang maputi nitong balat na masarap hawakan. Tila ay natuwa si Ivan sa mga naiisip. Lalaki pa rin pala siya.


------------------------------------


Chapter 28
Benda


Nakaupo si Don Mariano sa kanyang wheelchair malapit sa anak na may tinitingnang spreadsheets sa kanyang laptop. Nakatingin ang matanda sa hardin nang tanungin niya ang abalang dalaga. “How’s the company?”

“Dad, the company’s fine.”

“Are you sure?” Nakatuon pa rin ang atensiyon ng matanda sa hardin.

Kumunot ang noo ni Sandy na umasik. “Why?”

“I’m still the owner of the company, Sandy, which means I have access to our records, and --”

“What are you trying to say?”

“We’re losing money.”

Hindi alam ni Sandy kung maiirita sa mga sinasabi ng ama o maiirita sa mabagal na pagsasalita nito. “I can handle it.”

“Can you?”

“Don’t you trust me?”

“Hindi kita ilalagay sa posisyon kung hindi kita pinagkakatiwalaan.”

“Then leave the job to me.”

“What are you going to do about our huge losses in the last 6 months?”

“I’m going to meet with our accountants and financial analysts tomorrow. I’ll also have meetings with our investors and partners planned.”

“You should have done that a long time ago. Masyado ka kasing abala sa ibang bagay.”

Kumunot ang noo ni Sandy. “Dad, can you just stop pestering me? Can’t you see, I’m doing something right now, and this is for the damn company, for your company!”

“I didn’t mean anything... Ang gusto ko lang ay --”

“Just shut up! Pagod na ako sa paulit-ulit mong pagchecheck sa lagay ng kompanya. Kung gusto mo, go back to the company, and I’ll be very glad to relinquish the position.”

“Cassa... Sandy, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin makuhang magustuhan ang pagpapatakbo ng kompanya?”

“We’ve had this conservation, dad. I’m not having it again.”

“I’m just worried about our future, your and your sister’s as well.”

“We’re big girls. We can handle ourselves. Besides, don’t lay all the blame on me, dad. The company was in pretty bad shape before you got sick.”

“I know, but I had hoped that you could fix it.”

“Well, since mukhang alam mo na naman, all right, I can’t fix whatever the hell your company is in. I told you before, running your business wasn’t my cup of tea. Dapat binenta mo na lang kasi ang kompanya noong mataas pa ang value nito.”

“I already sold 3 of our businesses, but I can’t let Hedgeworth Pharmaceuticals go. Tinayo at tinaguyod namin ng mama mo ‘yan.”

“Dad,” -- tumayo si Sandy at binagsak ang isang palad sa mesa, dahilan upang malalingon si Don Mariano sa sindak -- “I was a doctor before you pulled me into this mess.” Inayos ni Sandy ang salamin sa mata. “And dammit, I was doing a pretty good job as a physician!”

“I’m sorry.” Tulala si Don Mariano na sandaling tumingin sa nagngangalit na si Sandy.

“Ate, ano ‘yung narinig kong nagsisigawan?” Lumapit ang isang babae sa kanila na may hawak na mga pinamili.

Lumingon si Sandy sa pinanggalingan ng boses. “Diana, where have you been?”

“I bought groceries.”

Kumunot ang noo ni Sandy at nilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Bakit ikaw ang bumili? May mga katulong tayo.”

“Ba’t ka ba nagagalit? Don’t you realize ang hirap maghanap ng bukas na mall ngayon? Look, gusto ko lang makatulong dito sa bahay. Sa Amerika, I do all these things.” Nilapag ni Diana ang mga pinamili sa sahig.

Kinalma ni Sandy ang sarili. Pumikit ito at hinarap ang isang palad kay Diana. “All right, okay, I’ll just go to my room. I’m having a rough day.” Sinara ni Sandy ang laptop at binitbit ito papasok ng bahay. Sinundan siya ng kapatid.

“A rough day?” Nakangising umiling si Diana. “Inside our house?”

Walang eskspresyon na tiningnan lang ni Sandy ang biglang umismid na kapatid.

“What’s wrong with you?”

“What’s wrong with me?” Tumawa ng sarkastiko si Sandy. “What’s wrong with you? Look at you. Ganyan ba magdamit lahat ng babae sa Amerika?”

“Ano namang masama sa suot ko, ate?”

Umirap si Sandy. “I can’t talk with you right now. Maybe you and dad can talk. That old man is giving me a migraine!”

“Ate Sandy! Daddy natin ‘yan.”

“By law, not by blood!”

“Bakit ganyan ka kung makapagsalita?”

“Why? Hindi naman talaga natin kaanu-ano ‘yan?” Tinuro ni Sandy ang matandang tahimik na nakaupo sa labas at nakatunganga sa hardin.

“Ate, konting respeto naman! Hindi ka talaga nagbago. Bastos ka pa rin hanggang ngayon.”

Sa pagkabigla sa narinig ay biglang nilipat ni Sandy ang laptop sa nakabendang kamay at ginamit ang nalibreng kamay para sampalin ang kapatid. “Don’t talk to me that way!” Pino at matining ang boses nitong nakaduro sa nabiglang dalaga.

“Why?” Nakahawak sa nasampal na pisngi si Diana. “Because you’re older? Ganyan naman lagi ang rason mo! You’re older, you’re right, so I should respect you? Is that it?”

“You have no idea what I have sacrificed for this family!” Dilat na dilat ang mga mata ni Sandy sa kapatid.

“Right, I have no idea. But what I know is we’re lucky he kept us. Kung tutuusin, sampid na lang tayo dito.”

Nagkuyom ng kamao si Sandy. Nagpupuyos itong nakatutok nang matalim kay Diana.

“You have no right na sigaw-sigawan kami ni dad na akala mo kung sino ka. Akala ko pag-uwi ko dito ay ibang Ate Sandy na ang madadatnan ko, but you’re still the same old, grumpy bitch!”

Nagpatay-sindi ang mga ilaw sa sala. Napatingala si Diana sa mga ito pagkatapos ay tumingin kay Sandy na galit ang ekspresyon sa mukha.

“You don’t talk to me that way, Diana! Oo, he’s our stepfather, but we have the same rights as he does to be in this house. Kung gusto mo, you can talk to our lawyers.”

Nagpatay-sindi pa rin ang mga ilaw.

“What are you doing?” tanong ni Diana na ginala ang tingin sa bahay at tinitigan ang mga ilaw na nagpapatay-sindi. “Stop this!”

“Why should I? Natatakot ka?” Umismid si Sandy.

“Stop this, ate. Stop this!”

Lumapit pa si Sandy sa kapatid. “Last night, you asked me kung ginagamit ko pa ito” -- pinakita ni Sandy ang kamaong pinalibutan ng itim na enerhiya -- “oo, ginagamit ko pa!” Nanlalaki ang mga mata ni Sandy na tila gustong sindakin ang kapatid.

“Ate, baka makita ka ng mga maids.”

“Wala akong pakialam! Now, you listen to me. You have no right to tell me what I should and should not do in this house. Hindi ko pinakikialaman ang personal life mo. Hindi ko pinakikialaman kung sino ‘yang dinidate mo.”

Nagulat si Diana at natulala. “I didn’t mean to...”

Inilapit pa ni Sandy ang mukha sa kapatid. “I don’t give a shit about your queer” -- sinipat nito ang kapatid mula ulo hanggang paa -- “whereabouts.” Nilampasan ni Sandy ang kapatid at umakyat sa kwarto nito. Doon nito pinagpatuloy ang ginagawa. Kahit nakabenda ay nagtatrabaho ito. Ilang oras na nitong sinusuri ang mga libro ng kompanya nang tumunog ang kanyang telepono. “Yes?”

“Ma’am, inform ko lang po kayo na may ilulunsad na welga bukas ang ilan sa mga trabahante sa mga planta natin,” saad ng lalaki sa kabilang linya.

“What? Bakit ngayon ko lang nalaman ‘yan?”

“Kanina ko lang din po nalaman. May nagforward kasi sa akin ng text.”

“Alam mo ba sino ang pasimuno niyan?”

“Malamang ang lider ng unyon, ma’am.”

“Saan magrarally ang mga pulubing ‘yan?”

“Sa baba po ng building bukas ng umaga.”

“Ano!” Agad na tinigil ni Sandy ang tawag at nagdial. Nang sumagot ang kabilang linya ay nagsalita ito. “Cindy, do you know about tomorrow’s rally?”

“What rally, miss?” sagot ni Cindy sa kabilang linya.

“I received a tip that some of our laborers will launch a protest tomorrow.” Tumayo si Sandy mula sa pagkakaupo at palakad-lakad sa loob ng kanyang silid.

“I’m sorry, miss, but I didn’t know anything about that.”

“You’re the HR manager. You ought to deal with this!”

“Miss, with all due respect, matagal ko ng gustong kausapin ang mga tao natin sa planta, but it was you who didn’t approve of a dialogue.”

“I don’t need your opinion right now, Miss Gatchalian! Do your job tomorrow.”

“Miss, I insist that we negotiate with --”

Pinutol na ni Sandy ang tawag. Nanggagalaiti na naman ang mukha nito. Sinarado nito ang laptop. Naglakad ito papunta sa larawan ang ama. “Papa! Hirap na hirap na ako sa posisyong ito. Pero kakayanin ko ito.” May narinig na katok si Sandy. “Pasok!”

“Ate Sandy...”

“What are you doing here?”

Marahang naglakad papasok si Diana. “I just want to say sorry.” Maamo ang boses nito habang nakatingin ng diretso sa nakakatandang kapatid.

“It’s okay. I’m just having a really rough day. Running a company isn’t as easy as everybody thinks.”

“I’m sorry, ate.”

“Nabigla lang rin ako kanina. Pasensiya ka na at napagbuntunan kita ng init ng ulo.”

“Pero sana, ‘wag mo na pagsalitaan si dad nang ganun. May sakit sa puso siya. Alam mo naman, di ba?” Malumanay ang pagkakasabi ni Diana.

Tumango si Sandy at inangat ang isang kamay upang himasin ang braso ng kapatid. Ngumiti ito ng pilit. “Tomorrow, may magrarally na mga trabahante.” Tumalikod si Sandy at naglakad papunta sa bintana.

“Pa’no yan, ate?”

“We will fix it. We will talk with them. ‘Wag mo na lang iparating ito kay papa.”

“Okay, okay. If you need anything, magpasabi ka lang.”

“Teka, nga pala. Bakit ka umuwi?” tanong ni Sandy na nakatanaw sa labas ng bintana. “I thought next year pa ang bakasyon mo.”

“I miss you. I miss dad. I miss this place.”

“You’re still cheesy.” Ngumisi si Sandy.

“Ate,” saad ni Diana habang ginala ang tingin sa silid ni Sandy.

“What?” tanong ni Sandy na hindi ginawaran ng sulyap ang kapatid.

“Don’t you think your room needs a little spicing up?”

“Why?”

“My God! It’s so dreary and gloomy.”

“I like it this way. Nakakarelax. Nakakatulog ako nang mahimbing,” sagot ni Sandy sa iisang tono ng boses nito.

“Okay.” Lumapit si Diana sa kapatid at hinawakan ang nakabendang braso. “Do you want me to fix this?”

Lumingon si Sandy at ngumiti. Nakita niyang nilapat ng kapatid ang mga palad nito sa kanyang balikat. Nakadama si Sandy ng init na nagmumula sa kamay ng kapatid. Unti-unting nawala ang kirot na nadarama niya dito. Nakita niya ring nilapat ng kapatid ang hintuturo sa mga galos nito. Napangiti si Sandy. Maya-maya ay tinanggal na nito ang bendang suot at ginalaw-galaw ang kanina’y nakabendang braso. Kinapa rin nito ang pisnging kanina’y may galos pa. Nagngitian ang magkapatid. Niyakap ni Sandy si Diana.

“Thank you, Diana.” Ngumiti lang si Sandy, ngiting may kasamang matalim na tingin sa kawalan.


----------------------------------


Chapter 29
Kamote


Pasado alas tres na ng hapon ng Huwebes. Dinala ni Errol ang laptop sa sala. Kasalukuyan siyang nagchecheck ng news sa internet upang alamin ang latest updates tungkol sa nangyaring blackout dalawang araw na ang nakalipas. Ngunit sa paghahalughog nito ay wala itong makitang artikulong may malinaw na paliwanag tungkol sa nangyari. Wala pa ring balita galing sa NBI o DOST, ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Ang nabasa lang na interesante ni Errol ay tungkol sa diametro ng apektadong lugar. Ayon sa datos ng mga imbestigador batay na rin sa mga nakuhang pahayag mula sa mga residente at mga aerial surveys noong Martes ng gabi ay tinatantiyang nasa 30-40 km ang diametro ng apektadong bahagi ng NCR. Apektado ang buong bahagi ng Makati, Pasay, Mandaluyong, Pateros, at San Juan at ang malaking bahagi ng Manila, Taguig, Paranaque, at Pasig. Naapektuhan rin ang maliit ng bahagi ng Quezon City.

Tiningnan ni Errol ang mapa ng mga apektadong lugar na halos bumuo ng hugis bilog na ang sentro ay nasa Makati. Hindi kaya gustong destabilisahin ng mga terorista, kung terorismo man ang dahilan ng panandaliang pangyayaring iyon, ang lungsod?

Nagbigay ng pahayag ang pamahalaan ng iba’t ibang apektadong lungsod pati na rin ang Malacanang na karamihan sa mga terror threats ay pawang kalokohan lamang. Sa Facebook, tila balik na sa dati ang mga netizens, balik sa pagpopost ng kung anu-ano -- mga sariling larawan, larawan ng kanilang kinakain, at mga posts tungkol sa kanilang mga kapritso sa buhay.

Tiningnan ni Errol ang litrato nila ni Ivan kahapon. Napangiti siya. Sobra tatlong daang likes na. Ang gwapo talaga ni Ivan. Ang linis niya tingnan sa polo niya kahapon. Natawa nang bahagya si Errol nang maalala ang itsura ni Ivan kaninang umaga habang paalis ito ng bahay nila. Nakapangalumbaba si Errol habang tinitingnan ang picture nila ni Ivan. Naalala niya ang emosyonal nilang pag-uusap habang nakatanaw sa palubog na araw. Bumuntong hininga ang binata habang inalala ang tagpong iyon na tila nagdulot ng pagkislot ng isang bahagi ng kanyang puso. Ngunit natawa siya nang mabasa ang ilan sa mga commento.

Bromance! <3

Bagay kayo!

Bro, new girlfriend?

Boyfriend kamo!

Kaya pala di nagpaparamdam, may date. :D

Nakita ni Errol na sinagot ni Ivan ang ilan sa mga ito. Kinilig si Errol sa ibang comment. Tiningnan niya ang profile ni Ivan. Marami siyang pictures na may kasamang mga babae. Iba’t-ibang babae. Baka mga kaibigan lang o kamag-anak. Ngunit ilan sa mga litrato ang nagpaselos sa kanya. Teka, bakit naman siya nagseselos? Hindi naman sila. Natawa na lang si Errol sa sariling takbo ng pag-iisip.

May nakita si Errol na album ni Ivan nung nasa Boracay sila. Napakagat-labi ang binata habang iniisa-isa ang mga larawan ni Ivan na walang pang-itaas. Ang hot niya talaga. Tinitingnan ni Errol ang mga larawan ng kaibigan nang may kumatok. Dahil malapit lang naman ang pinto sa sa kinauupuan niya ay madali nitong nabuksan ito. Ngumiti si Errol sa bisitang may dalang kamote cue. “Favorite ko yan!”

“Alam ko. Madalas kaya tayong kumain nito noon.” Nilagay ni Erik ang dala sa mesa katabi ng laptop ni Errol.

“Upo ka, Erik. Ano’ng atin?”

“Wala lang. Gusto nga kitang bisitahin.”

“Wala naman akong sakit.”

“Basta, gusto lang kitang makita.”

Hindi alam ni Errol kung paano sasagutin si Erik. Bumalik siya sa kanyang laptop. Napansin niyang nasa Facebook pa pala siya.

“Si Ivan na naman.”

“Alam ba ni Ma’am Shanice na pupunta ka dito?”

“Iniiba mo naman ang usapan.”

“Teka, kuha lang ako ng pinggan.” Tumungo si Errol sa kusina at bumalik na may dalang plato at dalawang tinidor. “Teka, wala kaming soft drinks. Bibili muna ako sa labas.”

“’Wag na. Ako na,” saad ni Erik sa natural na mababa at malambing nitong boses.

“Hindi. Bisita kita.”

“Basta ako na.” Tumayo si Erik. “Kabisado ko naman ‘tong sa inyo, eh.”

Doon lang napansin ni Errol ang suot ng matalik na kaibigan. Mahilig ito sa lumang jeans at t-shirt na medyo maluwang. Hindi ito gaya ni Ivan na laging malinis manamit at laging maporma. Ngunit kahit ganon ay gwapo at makisig pa rin ito. Hindi kasing kisig ni Ivan, pero athletic ang katawan ni Erik na walang kataba-taba. Athlete din naman kasi siya. Mahilig ito sa iba’t-ibang sports. Magaling din ito sa martial arts. Pero hindi ito mahilig makipagbunuan.

Bumalik si Errol sa paggawa ng slides para sa lessons niya sa susunod na araw. Ilang minuto pa ay nakabalik na si Erik na may dalang isang litro ng Coke.

“Kuha muna ako ng baso,” saad ni Errol.

“Ako na,” saad ni Erik. Bumalik si Erik sa sala na may dalang dalawang baso. Binuksan nito ang bote ng Coke at nilagyan ang kanilang mga baso. “Meryenda time.”

“Erik, seryoso, alam ba ni Ma’am Shanice na pupunta ka dito?”

“Hindi.”

“Baka magalit ‘yun sa’yo.”

“Bakit naman siya magagalit?”

“Erik, girlfriend mo ‘yung tao.”

“Hindi ibig sabihin dapat alam niya lahat ng galaw ko.”

Nakatingin si Errol sa kaibigang naghihimutok. Kumuha siya ng isang kamote gamit ang kanyang tinidor. Habang nginunguya ito ay nagsalita siyang muli. “Akala mo hindi ko napapansin ha.”

“Ang ano?” tanong ni Erik habang ngumunguya ng kamote.

“Minsan iba ang titig sa akin ni Ma’am Shanice.”

“Anong mga titig, Rol?”

“Kapag kinukulit mo ako o kapag lumalapit ka sa akin. Basta ‘yung mga titig niya parang iba, parang naiirita na ewan.”

“Sa isip mo lang yan. Mabait naman si Shanice.”

“Oo naman. Pero syempre girlfriend mo siya at alam niyang malapit tayo sa isa’t-isa.”

“Kaya ba umiiwas ka sa akin?”

“Anong umiiwas? Pumayag nga ako na pumunta ka dito.”

“Rol, wag ka na nga magmaang-maangan.”

“Bakit naman ako iiwas?”

Umiling naman si Erik. “Sino date mo sa Sabado?”

Nakakunot-noong lumingon si Errol sa kausap na nakangiti. “Bakit, may ano ba sa Sabado?”

“Feb. 14? Valentine’s Day?”

Oo, nga pala. Hindi naman inaalala ni Errol ang Araw ng mga Puso dahil para sa kanya ito ay isa lamang ordinaryong araw. Para lang ito sa mga taong may pag-ibig. Hindi para sa kanya. “Eh, di wala!”

“Ito naman. Nagtatanong lang.”

“Nakakainis kasi ‘yung tanong mo. Hindi ko na nga naalala na Valentine’s Day na pala sa Sabado. Wala namang halaga sa akin ang araw na yan.”

Sandaling tumahimik ang dalawa. Pinagpatuloy ni Errol ang paggawa ng powerpoint presentation para sa susunod na araw habang kumakain ng kamote. Wala na rin siyang maisip sabihin sa kaibigan. Alam niyang magdedate sila ni Shanice. Sino pa nga ba ang sasamahan nito?

“Si Ivan sino kaya date nun?” tanong ni Erik.

“Nako, di ko alam.”

“May girlfriend ba siya?”

“Sabi niya wala, pero di ako naniniwala.”

“Bakit naman?”

“Sa itsura nun, I’m sure meron ‘yun. Ayaw lang sabihin.”

“Bakit ganyan ang tono mo? Nagseselos ka?” tanong ni Erik sa malambing pa rin nitong tono.

“Bakit naman ako magseselos?”

“Gusto mo na ba si Ivan?”

Humarap si Errol kay Erik. Napansin niya na taimtim itong nakatingin sa kanya na tila nangungusap ang mga mata. Agad na umiwas ng tingin si Errol. “Ilang beses mo na akong tinanong niyan.”

“Hindi mo naman kasi sinasagot ng maayos.”

“Alam mo kahapon ka pa. Ang weird mo, Erik.”

“Sagutin mo na lang kasi.”

“Magkaibigan kami. Tsaka wala pang isang linggo kaming magkakilala.”

“Pero parang close na kayo.” Umiba ng tingin si Erik.

“Ano ba ‘to? Paulit-ulit.” Nagkamot si Errol ng ulo.

“Ang sungit mo na. Dati hindi ka naman ganyan.”

Bakit ba sa bawat buka ng bibig ni Erik ay tila pinaparamdam nito kay Errol ang paglalambing nito? Binabalewala na lang ito ng huli. Ayaw na niyang mag-isip. Noong naging magkasintahan ang matalik na kaibigan at ang kasamang guro ay nagdesisyon na si Errol na ilayo na ang loob sa kaibigan para na rin matahimik ang kanyang kalooban. Para hindi na rin siya umasa. Naranasan na ni Errol ang pait na dulot ng pag-aasam na mahalin siya ng kaibigang babae naman ang gusto.

“Hindi ka ba hahanapin ni Ma’am Shan?”

“Hindi pa naman siya nagtetext. Teka, si Ivan yung pinag-uusapan natin.”

“Ah, eh, kasi, Erik, may ginagawa ako.”

“Nakakadistorbo ba ako?”

“Hindi. Hindi naman.”

Tumahimik ulit ang dalawa. Pinakikiramdaman ni Errol ang kaibigan. Bakit ba parang ang lambing lambing nito nitong mga huling araw? Hindi malaman ni Errol kung ano’ng iniisip ng kanina’y kausap. Hindi naman ito ganito noon. Barkada ang turing nito sa kanya. Hindi nga lang niya alam na noo’y may lihim siyang pagtingin dito, pagtingin na pilit na niyang kinakalimutan. Kinakalimutan sa tulong ng bagong kakilala.

Si Errol ay bumalik sa paggawa ng slides. Paminsan-minsan ay kumakagat ng kamote at umiinom ng soft drinks. Si Erik naman ay tahimik na nakatingin kay Errol at kumakain rin ng kamote. Ilang minuto ang nagdaan na walang umimik sa dalawa. May nais mamutawi sa bibig ni Erik ngunit hindi nito masabi. Alam niyang mahal siya ng kaibigan. Nararamdaman niyang nagsusungit lamang ito upang itago ang totoo nitong nararamdaman.

Hindi rin malaman ni Erik kung ano bang gagawin sa sitwasyong ito. Ayaw niyang mawala si Shanice sa kanya, ngunit ayaw niya rin makitang lumalayo sa kanya ang loob ng matalik na kaibigan. Nang sinabi ni Errol na napansin nito ang pagdududa sa kanya ni Shanice, ang totoo ay napansin niya rin ito. Nararamdaman niyang may ibang pakiramdam ang kasintahan sa namamagitan sa kanila ni Errol. Kaya naman sa kabilang banda ay naiintindihan ng binata kung bakit kailangang dumistansya ni Errol sa kanila.

Nagsalitang muli si Erik. “Kamusta kayo kagabi ni Ivan?”

“Ang kulit niya, grabe.”

Nakita ni Erik ang ngiti sa mga labi ng kaibigan. Si Ivan na nga ba ang nagpapangiti sa kanya? May naramdamang kirot si Erik sa dibdib. “Dun ba siya natulog sa kwarto mo?”

Tumango lang si Errol na nakatuon pa rin sa ginagawa.

“Tabi ba kayong natulog?”

Tumango si Errol.

“Grabe. Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi pa tayo natulog na magkatabi.”

“Oo, nga eh,” kaswal na sagot ni Errol na hindi tumitingin kay Erik. “’Wag ka mag-alala. Wala kaming ginawa. Syempre nirerespeto ko ‘yung tao. Alam mo naman na hindi ako ganun, di ba?”

Tumango si Erik. Oo nga naman. Sa tinagal-tagal nilang magkaibigan ni Errol ay ni minsan hindi ito nagtangkang magsamantala. Nagtaka ito nang makitang pangiti-ngiti ito habang nagtatype sa laptop niya. Sinundot niya ito. “Bakit pangiti-ngiti ka diyan?”

“Wala,” saad nitong nakangiti pa rin.

“Ano’ng iniisip mo ha?” Sinundot muli ni Erik ang kausap.

“Wala nga.”

“Meron yan!”

“Kasi nakashorts lang si Ivan kagabi.”

“Di mo siya pinahiram ng t-shirt?”

“Di daw siya nagt-t-shirt pag natutulog, eh.”

“Ibig sabihin magkatabi kayo habang nakahubad siya.”

“Wala lang pang-itaas.”

“’Yun nga. Buti nakayanan mo.” Ngumiti si Erik.

“Alam mo, Erik. Ang kulit ni Ivan. Parang walang dull moment pag siya kasama mo.”

Nakita ni Erik na nakangiti si Errol habang sinasabi iyon. Bakit ba parang hindi niya gusto ang narinig? “Pero pag ako nangungulit sa’yo ayaw mo.”

“Hindi ah. Pero, Erik,” saad ni Errol na nakatingin sa kanya, “ang hot niya.”

Kita ni Erik na tila kinikilig si Errol. “Crush mo na talaga siya, ha. Alam ba niya yan?”

“Sa tingin ko alam niya o may pakiramdam siya. Inaakit niya nga ako.”

“Pero di ka naman niya binabastos?”

“Hindi naman. Mabait si Ivan, Erik. Alam mo, kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala parang close na close na kami.”

Ramdam ni Erik ang sinseridad sa sinabing iyon ni Errol. Ang tanging sagot niya lang ay, “Halata nga eh. Nagseselos na nga ako.” Nakita ni Erik na kumunot ang noo ng kausap.

“Nagseselos? Ikaw talaga kahapon pa yang selos selos na yan. Korni!”

“Parang may bago ng best friend ang best friend ko kasi.”

“Syempre ikaw pa rin ‘yung best friend ko.” Binalik ni Errol ang tingin sa laptop niya. “Pero may girlfriend ka na, Erik. Hindi na pwede yung dati. Syempre kailangan mo ring paglaanan ng oras yung relasyon ninyo ni Ma’am Shanice.”

Hindi malaman ni Erik ang isasagot. Oo nga naman. Hindi naman dahil best friends sila ni Errol ay dapat lagi na rin silang magkasama.

“Ang bait ni Ivan. Kapag magkasama kami parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo.”

Ramdam ni Erik na galing sa puso ang sinabing iyon ng kaibigan, kaya sa malumanay nitong tinig ay tinanong niya ito. “May nararamdaman ka na ba sa kanya?” Nakita niyang sandali itong natahimik, ngunit nagsalita rin.

“Kanina pagkaalis niya parang nalungkot ako. Erik, parang gusto ko siya laging nakikita.”

“In love ka na ba sa kanya?”

“Hindi ko alam. At ayoko.”

“Ayaw mo na?”

“Ayokong mahulog sa kanya.”

“Bakit?”

“Kasi alam kong hindi niya ako sasaluhin.”

“Natatakot ako, Erik. Ayaw ko itong nararamdaman ko. Naramdaman ko na ito noon, at...”

Nakita ni Erik na sandaling tumigil ang kaibigan sa pagsasalita. May pumigil dito na tapusin ang gustong sabihin at alam niya ang nais tukuyin nito. Nakita niya rin ang pamumula ng mata ng kaibigan. Kaya naman ay nilapit niya ang pagkakaupo dito at hinagod niya ang likod nito.

“Sana, Erik, pwede, ano?” Sumulyap si Errol kay Erik, ngunit umiba din kaagad ng tingin. “Sana pwede.”

Walang maisagot si Erik kaya naman hinimas niya na lang ang likod ng kaibigan.

“Pero” -- tumawa ng pilit si Errol -- “ganito lang ako, eh.”

Nakita ni Erik na tumulo na ang luha ng kaibigang kanina lamang ay masaya at kinikilig.



“Halika nga dito.” Niyakap ni Erik ang umiiyak na kaibigan. “Mahal naman kita, eh.”

“Bilang kaibigan. Alam ko. Kaya naman nagpapasalamat ako sa’yo, Erik, kasi kahit nung nalaman mo kung ano ako, hindi ka lumayo. Nandiyan ka lang.”

Bilang isang kaibigan? Siguro nga tama si Errol. Mahal niya ito bilang isang kaibigan. Ngunit bakit siya nagseselos kay Ivan? Bakit tila mas higit pa doon ang nararamdaman niya para sa kaibigan? “Lagi lang akong andito para sa’yo, Rol. Kahit mag-asawa at magkapamilya ako, andito lang ako. Alam mo naman yun, di ba?”

Inilayo na ni Errol ang katawan niya at tumango sa sinabi ni Erik. “Alam mo, Erik, namimiss din kita.”

Napangiti si Erik sa narinig at may nangingilid ding luha sa mga mata nito. “Sabi ko na nga ba, eh.”

“Ayaw ko lang ipahalata sa’yo kasi iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Hindi na gaya noong estudyante pa lang tayo.”

“Wala namang nag-iba.”

“Meron, Erik, meron.”

“Kung iniisip mo si Shanice, alam naman niya kung ano tayo, na bago ko siya nakilala, naging matalik na tayong magkaibigan.”

“Kasi, Erik...”

“Rol?” Nakita niyang sandaling tumigil ito at hindi makapagsalita, ngunit binuka din nito ang bibig.

“I fell in love with you.”

Ilang minutong katahimikan ang dumaan.

“Alam ko, Errol. Hindi ako manhid.”

“College pa lang tayo nung una kong naramdaman ‘yun.” Gumagaralgal ang boses ni Errol. “Sorry, Erik. Sorry...”

Muling niyakap ni Erik ang kaibigan at nagsalita habang umiiyak. “Hindi ka dapat magsorry. Ako ang dapat magsorry kasi hindi ko nasuklian ‘yung nararamdaman mo para sa akin.”

“Okay lang, Erik. Inaasahan ko naman ‘yun. Wala naman akong sinabi sa iyo noon kasi natatakot ako na baka magalit ka sa akin.”

“Matagal ko na ring nahahalata, Rol. Pero hinihintay ko lang din na manggaling sa iyo.”

“Pero okay na ako, Erik. Tanggap ko na na hanggang magkaibigan lang tayo.”

Hinigpitan ni Erik ang yakap sa kaibigan. May gusto itong sabihin ngunit may pumipigil sa kanya.

“Kaya ayoko mainlove, eh. Tanggap ko na na ganito lang ako. Tanggap ko na na tatanda akong mag-isa. Kaya kung anuman itong nararamdaman ko kay Ivan, hindi ko na rin ito papansinin.”

“’Wag kang magsalita ng ganyan. Andito ako. Hindi kita iiwan.”

“Erik, bubuo ka ng pamilya mo. Magiging okay lang naman ako.” Bumitiw si Errol sa pagkakayakap ni Erik at ngumiti dito. “Andito pa naman sila nanay.”

“Grabe! Nag-iyakan na tayo. Baka dumating si tita, isipin non inaaway kita.”

“Ikaw kasi!” Pinunasan ni Errol ang pisngi at bumalik sa ginagawa.

“Alam ko na.”

“Ano?”

“Gala tayo. Kain tayo ng fish balls.”

“Gaya ng dati?” Ngumiti si Errol.

Tumango si Erik.

Namasyal sa malapit na park ang dalawa at kumain ng kung anu-anong street food. Umupo sila sa isang bench at pinag-usapan ang kung anu-ano katulad ng dati. Masayang tingnan ang dalawa. Tila nanumbalik ang dati nilang pagsasamahan. Pinag-usapan nila ang kanilang mga plano, ang mga gagawin sa darating na bakasyon, at ang mga iilang taon na kilala nila. Gabi na nang mapagpasyahan nilang umuwi. Hinatid ni Erik si Errol sa kanilang bahay at pagkatapos ay umuwi na rin.

Nang makauwi si Erik ay chineck nito ang Facebook at hinanap ang account ni Ivan. Nag-iwan siya ng mensahe dito. “Pare, pwede ka ba makausap? Importante lang. Ito nga pala ang number ko 0929xxxxxxx.”


itutuloy

Saturday, December 26, 2015

Dear Stranger (Chapter 8) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE 
Next update will be on Monday or Tuesday.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. I need to rest at puyat ako kagabi dahil sa Christmas, dami bisita. ^_^

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================

======================================================





DEAR STRANGER

(Book 2 of "Love, Stranger")

CHAPTER EIGHT
RAY:
Naramdaman ko ang paglapit niya ng kanyang bibig sa aking tenga, bahagyang dumikit ito sa aking balat. Nagdulot ito ng kuryente sa akin, gumapang ito sa aking katawan. Naramdaman ko ang mainit niyang hinga, hindi ako makagalaw, parang sa isang iglap lang pwedeng may mangyari na hindi ko alam kung gugustuhin ko o ano. Huminga ako ng malalim. Napatayo ang balahibo ko at nanginig ang aking kalamnan.
“Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.”
Malambing na sabi ng malaki niyang boses, I became petrified. Ang katawan kong akala ko’y walang buhay ay unti-unting nagkaroon ng emosyon. Naglaro ang bulong niyang iyon sa aking tenga, para itong musika na dulot ay pag-alis ng kaluluwa ko sa aking katawan. Para akong lumulutang. Nawala ako sa katinuan. Tanging ramdam ko lang ay ang init ng kanyang hinga at init ng kanyang balat na naka-balot sa akin. Pakiramdam ko’y naging isa ang awit ng aming mga puso.
Uminit ang noo ko, tinukod niya pala ang noo niya rito. Isang mainit na hinga ang bumalot sa aking mukha. Mula sa aking likod ay gumapang ang palad niya papunta sa aking leeg hanggang sa nakarating ito sa aking pisngi, nakakakuryente, nakakakilabot. Lalong bumigat ang paghinga ko.
“Aishiteru.” Bulong niya na musika sa aking pandinig. Lumulutang na ako sa alapaap, nawawala na ako sa katinuan, pakiramdam ko’y umiikot ang diwa ko. Naramdaman kong less than one inch na lang ang labi niya sa labi ko.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong naalala ang mga nangyari noon sa amin, isang napakalakas na hampas ng realidad. Malakas ko siyang tinulak palayo. Dumilat ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Mabilis kong tinumbok ang pinto ng kanyang kwarto at lumabas, agad akong pumasok sa katabing kwarto na siyang kwarto ko. Malakas kong binagsak ang brown na pintong gawa sa mahogany, tinukod ko ang likod ko rito. Ngayon ko lang napansin na napakabilis ng tibok ng puso ko. Inhale, exhale.
“Did he say Aishiteru? Sinabi niya bang kahit ganito na ako ay mahal niya pa rin ako? Na hindi niya ako susukuan?” pabulong kong sabi na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Malakas kong sinampal ang magkabila kong mukha.
“No! No! No! Hindi... Pinagtitripan ka lang niya Ray... Ayan ka na naman eh...” sigaw ko. Inakap ko ang aking sarili, it’s like my subconscious self is telling me to protect myself from him. Muling kong naalala ang mga sinabi niya kanina, paulit-ulit itong umeecho sa aking utak, napakalinaw.
Sinabi ba niyang mahal niya ako? Totoo ba ‘yun? Kung totoo ‘yun bakit may Gel pa siya? Ano ba si Gel? Ano ba ako? Putangina nalilito na ako.
“Shit!” sigaw ko na umalingawngaw sa aking kwarto.
Ilang saglit pa’y naalala ko ang sinabi ni Gel kanina – “Kahit ano pang sabihin mo, ako ang pipiliin niya. Babae ako, at lalaki si Rome!”
Tama naman siya, ano bang laban ko? Babae nga naman siya, at kaya niyang bigyan ng anak si Rome. Samantalang ako ay hindi. Ano nga bang laban ko ‘dun? Ngayong nahimasmasan ako’y unti-unti kong narerealize na may punto si Gel. Kahit balibaliktarin ang mundo, sa huli, ako ang talo. Even this bullshit society be on Gel’s side, nangyari na nga noon eh, nagawa niyang paikutin ang lahat at ipahiya ako.
Lumingon ako sa aking kaliwa, nakita ko ang isang lalaki sa salamin.
Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng maskara. Malakas siya, matatag, matigas. Pero kapansin-pansin ang mga piraso niyang pilit pinagdikit-dikit gawa ng dalawang pangyayari sa kanyang nakaraan na dumurog sa kanyang pagkatao. Hindi ko na makita ang nasa likod ng maskara, ang batang ako na tanging hiling ay isang taong tatanggap at magmamahal sa kanya ng buo. Bakit hindi ko makita? Tuluyan na ba siyang nawala?
Ang bigat ng dibdib ko. Gusto kong umiyak, pero wala na akong malabas pa. Naisip ko na naman siya. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya kanina, pero paano? Gusto ko ring ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya, pero paano ko gagawin ito kung napagod na ako sa pagmamahal sa kanya?

***

RAY:
“2am na hindi pa rin ako makatulog. Bwisit!” sigaw ko sabay baling sa kabilang parte ng kama. Yinakap ko ang puting unan na hinihigan ko. Dati ay kumakalma ako at mabilis makatulog pag ginagawa ko ito, pero walang bisa ang malambot na unan ngayon. Mainit na rin ito gawa ng apat na oras na akong nakahiga at hindi makatulog. Shit.
Nakita ko sa kadiliman ang mukha ni Rome. Muli kong naalala ang mga sinabi niya kanina.
“Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.” Paulit-ulit na umeecho sa utak ko. Bigla namang pumasok sa utak ko ang sinabi niya sa akin last year sa Hakone Cable Car sa Tokyo pagkatapos naming pagsaluhan ang isang halik. “I’m sorry, hindi pwede ito.”. Naalala ko rin ang sinabi niya na hindi niya ako kayang mahalin bilang isang kasintahan dahil sa lalaki siya.
“Bullshit!” sigaw ko. Kinusot ko ang mukha ko, parang mabubura ito dahil sa pagkakadiin ng kusot ko. Hindi ko magawang kiligin sa mga pinagsasabi niya kanina dahil mas lamang ang mga ginawa at sinabi niya noon. Paano niya ako ipaglalaban kung hindi niya tanggap sa sarili niya kung sino siya? Mahal niya ako pero lalaki raw siya? Pinaglololoko niya ba ako? Tangina lang. Pinaka-ayoko sa lahat ay makipaglaro ng mind games eh. I don’t want to over-think things! I don’t want to complicate things! I hate it!

ROME:
Lalaki ako, pero mahal ko kita eh. Pwede naman ‘yun ‘di ba? Ang pagmamahal naman ay walang pinipiling kasarian. Eh sa mahal kita eh, ano bang magagawa ko?
Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa likod ng aking ulo. Nakita ko ang maganda mong mukha sa kadiliman. Napangiti ako. Ilang saglit pa’y napawi ang ngiti ko, naalala ko ang mga nagawa ko sa iyo noon.
“Sana patawarin mo na ako. Sana ‘wag mo nang isipin ang nakaraan. Ayoko na rin namang gawing kumplikado ang lahat sa atin eh, I just want to move forward with my plans in life. At sana ay kasama kita ‘dun.”
RAY:
Nag-inat ako. Nahawakan ko ang pader sa aking ulunan. Naalala kong nasa kabilang kwarto lang si Rome at tanging ang pader na ito lang ang harang sa aming dalawa. Muli kong naalala ang kanyang kwarto, putragis magkatalikuran ang aming kama at literal na isang pader lang ang pagitan namin. Napansin ko na lang na hinaplos ko ang pader. Mula sa pagkakahiga ay dahan-dahan akong lumuhod. Nakahawak pa rin ang dalawa kong kamay sa pader habang linalapit ko ang aking ulo dito. Dinikit ko ang tenga sa dingding, putragis ano ba itong ginagawa ko? Muli ko na namang naalala ang mga sinabi niya kanina.
“Sana totoo lahat ng sinabi mo. At sana ganoon kadali ang lahat para sa atin. Kasi totoo lang Rome, gusto ko rin namang ipaglaban ka eh, pero paano naman ang sarili ko?” bulong ko sa pader na parang kinakausap ko siya.

ROME:
Nasabi sa akin ni Jess na nasa kabilang kwarto ka lang natutulog. Lumuhod ako sa aking kama, dahan-dahan kong inangat ang dalawa kong kamay at dinikit ito sa pader. Dinikit ko ang aking tenga sa pader. Pumikit ako. Pilit hinahanap ng tenga ko ang hilik mong parang barena, ngunit bigo ako. Siguro ay gising ka pa? Kung gising ka pa, naiisip mo ba ako? Kasi ako iniisip kita. Sana tumatak sa iyo ang mga sinabi ko kanina.
“Lahat ng sinabi ko sa’yo kanina ay totoo. At sana ganoon kadali ang lahat para sa atin. Kasi totoo lang Ray, kaya kitang ipaglaban eh, pero paano kita ipaglalaban kung hindi mo ibababa ang ego mo?” bulong ko sa pader na parang kausap kita.

RAY:
Nakiisa ang temperatura ng aking kwarto sa lamig na aking nararamdaman. Muli kong naramdaman ang pangungulila sa kanya. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa kanya, hindi ko maikakailang nalulungkot ako at gusto ko siyang makita.
Tinukod ko ang aking noo sa pader. Alam kong imposibleng marinig niya ang sasabihin ko pero gagawin ko pa rin. Bumulong ako.
“Aenakute samishii.” My voice was soft and light textured. It’s full of sincerity as if it was naked and transparent.

ROME:
Tinukod ko ang noo ko sa pader. Malamig man ang kwarto ko’y ramdam ko pa rin ang init ng pagmamahal na nagliliyab sa aking puso. Nakaramdam ako ng lungkot, gusto kitang hagkan, gusto kitang makita. Nabalot ng luha ang aking mga mata.
“I miss you.”

***

RAY:
“Teh na-miss kita!” sigaw sa akin ng kaibigan kong si Lyn sabay akap sa akin. Inakap ko rin siya.
“Para namang hindi tayo laging nag-uusap sa messenger.” Sabi ko sabay kalas at lakad, sumabay siya. Dumaan kami sa isang puno, nagbigay ito ng lilim sa amin mula sa araw.
“Eh ganun talaga. Anyway, saan ba dito yung office nung boss ko na jowa mo?” Rinecommend ko kasi siya, eh kakilala naman siya ni Rome since mag-schoolmate sila noong high school.
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya habang tinataas-taas pa ang kilay na parang nang-iinis. Putragis.
“Excuse me! Hindi ko siya jowa!” humalik ang malamig na hangin sa aking balat, kasing lamig ng nararamdaman ko sa taong tinutukoy niya. Malamig nga ba? Pero bakit pag naalala ko ang nangyari kahapon na ang dulot sa akin ay kilig? Tsk!
“Hindi raw... Pero kitang-kita ko dati sa school na lagi kayong magkasama, hindi kayo mapaghiwalay. Lagi ka pa nga niya binibigyan ng chocolate at biscuit eh, tapos kami hindi. Hmp! Kahit nung una pa lang sa Beijing, balita ko dikit na dikit kayo sa isa’t-isa. Kaya pinagselosan ka nung girlfriend eh. Haba ng hair mo teh!”
“Ewan ko sa iyo.”
“Kilig ka naman.”
“Che. Imbento ka. Oh eto na tayo.”
“Ang lapit lang pala!”
“Oo at manahimik ka na ha? At baka kung ano pa marinig niya mula sa iyo. Baka ano pa isipin nun.” Sabi ko sabay pasok sa isang building.
“Kahit nandyan siya, aasarin pa rin kita sa kanya.” Sabi niya sabay halakhak. Napailing ako. Bwisit. Sa totoo lang dapat ay kinikilig ako pero inis ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil ito sa sama ng loob ko sa taong ‘yun.
Umakyat kami ng ilang palapag at pagkatapos ay naglakad sa hallway. May isang pinto sa aking kaliwa, binuksan ko ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, what on earth is she doing here!?
“Huy Kim! Nandito ka!?” sigaw ko.
“Yes! Surprise!” sabi niya. Bumukas ang pinto sa likuran ni Kim, linuwa nito si Jess.
“Oh my gosh Jess!” si Lyn sabay takbo at akap kay Jess. “In fairness hindi ka na bamboo stick ngayon, pumpkin ka na!” sabay halakhak. Classmate ko kasi si Jess at Lyn noong high school. After college, naging kaklase ko rin sila sa Nihongo. Matalik talagang magkaibigan ang dalawa.
“Grabe, hindi naman ako katabaan para maging pumpkin. Si Ray dapat ang pumpkin.”
“Ulul. Malaman ako, hindi mataba. Average ang katawan ko nuh.” Sabi ko sabay cross-arm.
“Oo nga eh, bagay na bagay sa iyo.” Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Humarap ako. Nakita ko siya kasama ang matamis niyang ngiti, bakat sa pisngi niya ang malalim na dimple. Gosh, nanlalambot na naman ako, ngayon ko na lang ulit ito nakita! Huminga ako ng malalim. Hindi pwede ito, galit ka sa kanya Ray ‘di ba?
“Sige na Ray, akapin mo na si Rome!” sigaw ni Lyn sabay tulak sa akin. Bumagsak ang katawan ko sa katawan ni Rome, sinalo niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Parang may invisible magnet ang dulot nito sa akin, hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Nakakatunaw. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag. A sudden pang of electricity hit every nerve in my body. Nakakakilig.
“Ang sarap mo pa ring akapin.” He whispered in a clear, rich, light but manly tone.
Malakas ko siyang tinulak. Tumalikod ako. Nakita ko ang tatlong kaibigan kong nakangiti. Napangisi ako. Bwisit na mga ito.
“Ngapala, guys naalala niyo ba si Kim?” pag-divert ko ng attention ng lahat. “She was our schoolmate in high school, then naging classmate ko noong college.”
“Yeah.” Sagot ni Lyn.
“Wait guys naguguluhan ako... What are you two doing here?” tanong ko kay Kim and Jess.
“I asked Jess para tulungan ako sa I.T. ng office. Kahapon nalaman ko na nandito si Kim dahil sinamahan niya ang ilang VIP tourist niya na nagtotour ngayon sa Japan. I asked her kung pwede ba niya ako matulungan sa plan ko with Mr. Kyou since isa siya sa business partner nito. Pumayag naman siya, and gusto niya rin ulit mameet si Mr. Kyou.”
“Dude umalis siya papuntang US nung kamakalawa.”
“It’s fine. Hintayin ko pagbalik niya.”
Nasa ganoon kaming pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Agad na lumapit si Lyn at binuksan ito. Nakita ko ang isang lalaking may dalang boquet ng flowers, kinausap ito ni Lyn at ilang saglit pa’y umalis na ang lalaki.
“Kanino raw yan? Sa manliligaw mo ano?” sabi ko sabay ngiting nang-iinis. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
“Iie.” Sabi niya na ang ibig sabihin ay “No”. Ngumiti siya at inikot-ikot na naman ang mga mata na parang kinikilig. “Sa iyo ito Ray.”
“What!?” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Seryoso ba siya?
“Oo. Kaya lang hindi naman sinabi kung kanino galing. Wala ring nakalagay dito sa card.” Sabi niya habang tinitingnan ang card na may pangalan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Para akong naging estatwa sa narinig. Umikot ang mga mata ko, nakita kong nakatingin si Kim at Jess kay Stranger. Tinahak ng mga mata ko ang kinatatayuan ni Rome. Nagtama ang aming mata. Hindi ko ito mabasa pero bakas sa mata niya ang pagkagulat. Nakita kong tiningnan niya ang bulaklak.
Hindi ko maiwasang hindi isipin na sa kanya galing iyon. Kasi ba naman, bakit sa opisina niya pa ito idedeliver nung lalaki? Dumating din ang bulaklak pagkarating ko rito. I’m not expecting na galing ito sa kanya pero muli kong naalala ang mga sinabi niya kahapon.
“Aishiteru din Ray ko.” Paulit-ulit na boses niyang umeecho sa utak ko. Nakakakilig. Nakakatunaw. Nakakapanlambot.
Napansin kong muli niyang tinuon ang mga mata sa akin. Muli kong nakita ang mga bituin. Nabingi ako sa naalala kong sinabi niya kahapon – “Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.”.


ITUTULOY


Friday, December 25, 2015

Loving You... Again Chapter 39 - Family




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D

Merry Christmas po sa inyong lahat! And I'm sorry kung hindi po ganoon ka-romantic ang storya ni Aulric. Kasi hindi naman talaga. Have fun po, chapter 39. Muli, Merry Christmas!











Chapter 39:
Family





























































Knoll's POV



          「6 months ago...



          “Tagay pa pre!" utos ko kay Isaac habang nagsasalin siya ng beer sa baso ko.



          “Hay nako pre! Siguradong yari ako nito sa mga magulang ko dahil hindi ako makakauwi sa amin," reklamo ni Isaac.



          “Uminom ka na rin lang, lubus-lubusin mo na. Hindi ba boss?" sabi ni Caleb



          “Matanong ko lang guys, lasing na ba kayo?" tanong ni Andrew.



          “Hindi pa," natatawang sagot naming tatlo ni Isaac, at Caleb.



          “Mga sinungaling!" asik ni Andrew.



          Tumawa kami ng malakas dahil sa pagsisinungaling namin. Umiikot na ang aking paningin, hindi makalakad ng maayos, definitely, lasing na nga kami.



          “Alam niyo, tigilan na natin ito. Umupa na tayo ng kwarto malapit sa dito at magpalipas ng gabi," suhestyon ni Isaac. “Ayos ba iyun sa inyo?"



          “Oo. Ayos iyun kung nakakalakad kami," natatawang sabat ni Caleb. Lasing na nga talaga ang taong ito.



          “Tama si Caleb. Ako nga, hindi na makalakad ng maayos," dagdag ko. “Andrew, Isaac, kaya niyo ba kaming alalayan?"



          “Aba, siyempre! Kaya ko pa naman," wika ni Andrew.



          “Okay. Tara na."



          Tumayo na sila Isaac at Andrew para alalayan kami ni Caleb sa pinakamalapit na kwarto na maupahan namin. Ilang metro lang ang nilakad namin at nakarating na din kami.



          “Anim na kama please. Para po sa mga lasing na lasing naming kasama," halos pataas na boses na sabi ni Isaac sa receptionist.



          Pagkatapos bayaran ang mga kwarto, ibinigay na kay Isaac ang mga susi. Bah! Umiikot na talaga ang paningin ko. May nakikita ako pero medyo malabo na.



          Bigla naman akong bumagsak sa hallway.



          “Aray! Ang sakit!" sigaw ko. “Andrew, ano ba ang ginagawa mo? Binagsak mo ako!"



          “Pasensya na pare. Halos hindi ko na kaya," rinig kong wika ni Andrew.



          “Hay! Ako na ang bahala sa inyo pagkatapos ni Caleb," rinig kong sabi ni Isaac. “Diyan lang kayo at huwag kayong gumawa ng gulo."



          Sinubukan kong humiga sa aking pagkakadapa sa sahig. “Bilisan mo Isaac. Gusto ko ng matulog."



          Maya-maya, may pigurang bumuhat sa akin at dinala ako sa isang kwarto. Ang bango-bango ng taong bumuhat sa akin. Teka? Hindi ito si Isaac. Hindi naman iyun gumagamit ng pabango dahil may allergy siya.



          “Sino ka?" tanong ko.



          “Sino ka din?" pasarkastikong tanong din ng bumuhat sa akin na may pamilyar na boses. Teka? Kilala ko ang boses na ito.



          “Uy! Nandito ka pala babe."



          “Uhh! Yeah, nandito talaga ako."



          Naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa labi ko. Napakainit talaga gaya ng karaniwan naming ginagawa. Buti na lang at nandito siya ngayon sa kwarto ko at sinasamahan ako sa aking mainit at masayang gabi. Tuwang-tuwa talaga ako nang malaman na approve na approve ang parents niya sa akin. Kahit na naungkat ang nakaraan namin ni Camilla na lagi ko siyang binu-bully.



          “I love you," sabi ko sa pagitan ng halikan namin.



          “I love you too," tugon niya.



          Halos nagliparan na ang aming mga damit sa bilis naming maghubad. Ni hindi ko nga siya tinulungan na maghubad. At ang wild pa ni Camilla. Ganito ba talaga siya dati pa? Tandang-tanda ko pa, masyado siyang mahiyain kapag ginagawa namin ito. Kahit na alam kong maraming beses na iyun, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang hiya. Ang cute niya kaya. Pero ngayon, mas higit pa siya sa cute. She is so damn sexy for me.



          “Ipasok mo na please," pakiusap niya.



          Ito na siguro ang pinakaminit naming gabi. Nakakapaso ang mga halikan namin tanda na mahal na mahal namin ang isa't isa. Iniisip ko, magmamarka ba iyun sa mga katawan namin? Ang tanda ng aming pagmamahalan. Hindi ko alam kung nakailang rounds kami. Kung may suot ba akong condom o wala. Basta, bahala na kung may mabuo. Tutal, mahal ko naman siya. Pananagutan ko ang bata, makasama ka lang habangbuhay.



          Isang nakakasilaw at mainit na liwanag ang nagpagising sa aking diwa. Hindi ko pa lubusang maimulat ang aking mata sa sobrang sakit na nadarama sa aking ulo. That was one hell of a night for me and Camilla.



          “Good morning Camilla," bati ko sa kaniya nang namulat ako.



          Pero ang nadatnan ko lang ay ang isang pigura ng babae na umalis. At masasabi ko na napaka-sexy naman manamit ni Camilla ngayon. Siguro, nag-research siya kung anong mga babae ang tipo ng iba't ibang lalaki sa mundo na ito. Hay nako! Siya lang, okay na ako. Pero hindi ko lubusang makita na si Camilla ang umalis pero sigurado ako. Dahil kung hindi, sino kaya iyung kasama ko na nakikipagsiping sa akin kagabi? Isang prostitute?



          Nag-ingay ang aking phone. Narinig ko ang ingay nito na nasa sahig ng kwarto. Bumangon ako para hanapin ito sa sahig. Pagkakuha ay natawa ako. Si Camilla ang tumatawag sa akin, ehh kaaalis lang niya?



          “Hoy, asaan ka na Knoll?!" sigaw ni Camilla. “Nandito ako sa bahay mo pero wala ka dito!"



          Nanlambot ako bigla. Ibinaba ko agad ang phone at napaupo ako sa kama. Lagot ako nito. Sino ba iyung kasiping ko dito sa kama kanina?



Aulric's POV



          “Guys, emergency meeting," basa ko sa mensahe ni Knoll sa phone habang nasa Drama Clubroom. May sinalihan pa ba akong isang club?



          “Ano kaya ang problema?" tanong ni Caleb na binabasa din ang parehas na mensahe.



          “Problema? Iyung mensahe?"



          “Well, matagal na kaming magkakaibigan. Noong sumabit si Isaac, ano, nagpatawag ng emergency meeting."



          “Noong sumabit si Isaac? Aba, napakainteresante. Pwede ko bang malaman?"



          “Ughh, hindi pwede," pagtanggi ni Caleb. Ay! Sayang! Hindi ko pa pala mapapasok ang mga puso ng mga taong ito.



          Humugot ako ng malalim na hininga. Iniisip iyung nangyari kanina kung bakit hindi pumasok si Zafe sa mga natitirang naming klase namin. Pati na rin si Colette. Hindi siya pumasok sa mga natitirang klase namin, o baka wala talaga siya sa mga klase namin na iyun. Hay! Pakialam ko ba.



          Dumating na ang oras ng emergency meeting namin. Nagkita kami sa isang Karaoke room. Nagtaka ako na wala si Shai at Camilla.



          “Teka? Bakit kasama ka Aulric?" nagtatakang tanong ni Knoll.



          “Wow! You fail on hurting my feelings Knoll," retort ko. “Tineks mo din kaya ako. Gusto mo patunay?"



          “Hay! Kaibigan na natin si Aulric kaya ayos lang iyan. At tsaka baka kailangan natin ang lahat ng tulong kung kinakailangan," sabat ni Andrew.



          “Bakit? May katawan ba tayong ililigpit?" excited kong tanong.



          “Hindi. Wala tayong katawan na ililigpit," sabi ni Knoll. “Hay! Bahala na nga! Isali niyo dito si Aulric."



          “So? Ano? Ano ang problema? May sumabit na naman ba? Ako na naman ba?" tanong ni Isaac.



          “Umm, guys, ako ang may problema ngayon."



          Napatingin kaming lahat kay Knoll. Bigla namang naging tensyonado ang mga taong ito sa simpleng salita lang na sinabi niya.



          Humugot ng malalim na hininga si Knoll. “May nabuntis ako."



          “Congratulations!" bati ko. “Si Camilla ba iyan?"



          “Ayun nga ang problema. Hindi iyun si Camilla."



          “Ohh, hindi, hindi, hindi," paulit-ulit na sabi ni Isaac. “Huwag mong sabihin na iyung binuntis mo ay si Isabela Dominguez?"



          Nasapo ko ang aking ulo matapos marinig ang pangalan ng nakakairitang babaeng iyun. Hindi ako makapaniwalang pinatulan iyun ni Knoll. How unfortunate!



          “Wait, kailan ito nangyari? Noong mga bandang Enero? Mga bandang bagong taon?" tanong ni Andrew.



          “Noong nagalit sa inyo si Camilla?" dagdag ko.



          “Oo. Sa mga oras na iyun," nahihiyang pagtatapat ni Knoll.



          Napailing na lang ako. “How unfortunate! It's either bulag ka or lasing ka noong pinatulan mo ang babaeng iyun."



          “Umm, yeah. Lasing ako ng mga gabing iyun kaya nangyari iyun.” Kiniwento ni Knoll ang buong pangyayari noong araw na nagalit sa kanila si Camilla. Ooops! Isa talaga itong problema.



          “So kaya kailangan mo ang tulong ng lahat? Anong tulong naman?”



          “Suggestions, comments, ano ang dapat kong gawin? Ayokong malaman ito ni Camilla at baka masaktan siya? Ayokong mangyari iyun.”



          Nag-isip lahat at napatahimik. Hay nako! Kung nagmamadali lang ako at walang pakialam, nagsalita na dapat ako. Pero baka naman imbes si Camilla ang masaktan, mauna pang masaktan ang mga taong ito.



          “You know what guys, ito ang bagay na hindi na dapat pag-isipan pa dahil iisa lang naman ang kahahantungan nito. Malalaman din naman nito ni Camilla at masasaktan pa rin siya. Buying us time won’t help,” pranka kong sabi. “Worst case scenario, mag-ipon na kayo ngayon ng lakas ng loob at sabihin ngayon kay Camilla ang totoo bago pa kayo pagbubugbugin ni Shai.”



          “No Aulric. May ibang paraan pa naman siguro na hindi kami mabubugbog ni Shai,” wika ni Isaac.



          “Ilang months na ba sa tingin mo ang tiyan ni Isabela?” tanong ni Caleb kay Knoll.



          “Around 6 months na siguro,” sagot niya. Hmm, nakakapagtaka. Hindi ba dapat, halatang-halata na ang tiyan ni Isabela sa mga tao lalo na sa mga magulang niya? Ito iyung mga oras na magtatakwilan ang mga tao dahil buntis ang pinakamamahal nilang careless na anak hindi ba? Nakakapagtaka. O baka hindi lang ganoon ang pamilya ni Isabela. Media control kaya?



          “Tayo pa lang ba ang nakakaalam nito? Si Isabela kaya, alam ba niya na ikaw ang ama ng dinadala niya?” tanong ko sa naka-hotseat.



          “No. Not yet. But I’m sure na sa akin ang dinadala niya.” Biglang nakahanap ako ng butas sa mga sinabi niya. Ang sipag. Gusto talagang akuin ang bata.



          “Teka? Bakit mo naman aakuin ang bata na nasa sinapupunan niya? Bakit mo naman sinasabi na siguradong-sigurado ka na sa iyo talaga ang dinadala niya? Hindi ba pwedeng, baka iba ang ama nung bata na dinadala niya?” tanong ni Andrew. May point siya.



          “Paano naman natin malalaman iyan?” tanong ni Isaac.



          “Tanungin siya directly?” suhestyon ni Caleb.



          “Sino naman ang magtatanong? Ako?” sabi ni Knoll.



          “No. Hindi ikaw dapat ang magtanong. Mahirap na. Baka sabihin niya na ikaw talaga iyung ama ng bata kahit hindi naman,” sabi ko.



          “Oo nga. Baka hindi talaga ikaw ang ama ng bata Knoll? Balita ko, maraming nakakasiping iyung Isabela na iyun. Baka ibang lalaki ang may-ari ng bata. Baka hindi ikaw,” wika ni Caleb.



          “Guys, anong ginagawa niyo dito?” tanong ng isang pamilyar na boses mula sa pintuan ng kwarto. Si Camilla kasama si Shai.



          “Hi babe! Umm, nag-o-audition kami dito sa Karaoke room para sa papalapit na birthday mo,” pagdadahilan ni Knoll.



          “Oo. Tama. Audition para sa kung sino ang kakanta sa birthday party mo, or debut ba iyun? Malapit na iyun hindi ba?” pag-suporta ni Isaac. Wow! Ang mga taong ito, handa na sa mga palusot nila.



          “Nandito ka rin Aulric?” tanong ni Shai pagkakita sa akin.



          “Yeah. Nandito ako. May lihim kasi kaming pinag-uusapan,” pasarkastiko kong sabi. Tumingin naman ang lahat sa akin. Pinapahiwatig nila na hindi ko sabihin ang talagang pinag-uusapan naming kanina. Napansin naman ito ng dalawang babae na tumingin na din sa akin.



          “Aulric, ano talaga ang pinag-uusapan ninyo?” tanong ni Shai.



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Siyempre, ano pa ba? Kung sino ang kakanta sa debut ni Camilla. Nag-text kasi sila sa akin na pumunta,” tahasang pagsisinungaling ko. Nakahinga naman ng maluwag ang iba sa isinagot ko.



          “At dapat sana, surprise ito babe. Ayokong ipagtabuyan ka ngayon kaya lang, pwedeng umalis na kayo? Mauna ka ng umuwi babe. Babawi na lang ako sa iyo next time.” Pinaghalik ni Knoll ang kanyang palad habang nakikiusap.



          “Oh! Yeah! Naiintindihan ko. Pasensya na. Na-curious lang ako dahil kasama niyo si Aulric dito,” wika ni Camilla. Aw! Ganoon ba?



          “Have fun guys. Alis na kami,” paalam nila Shai. “Bye.”



          Umalis na ang dalawa. Nakahinga ulit ng maluwag ang mga lalaking ito. Nahalata kaya ni Shai na nagsisinungaling ako?



          “And back to our main conversation, siguro, kailangan nating imbestigahan kung si Knoll ba talaga ang ama ng dinadala ni Isabela o hindi,” suhestyon ko. “Dapat ay makasigurado tayo. Mamaya, salita tayo ng salita na sa atin iyung bata, iyun naman pala ay hindi.”



          “Yeah. May punto si Aulric,” pagsang-ayon ni Isaac. “Okay ba iyun sa iyo Knoll?”



          Humugot ng malalim na hininga si Knoll. “Sige. Sang-ayon ako. Pero teka? Paano itong inimbentong alibi natin? Kakanta ba talaga kayo sa debut ni Camilla?”



          “Ano pa ba? Kailangan nating panindigan,” sabi ni Knoll.



          Natapos na ang meeting naming iyun. Nagkanya-kanya na sila habang ako naman ay bumalik sa eskwelahan para kunin ang aking bisekleta. Tatanggalin ko na sana ang kadena ng aking bisekleta nang may naalala ako na dapat gawin. May dapat akong gawin sa aking bagong rentang locker. Sisiguraduhin ko na malinis ito bago ako magpasok ng mga bagay-bagay.



          Medyo madilim na ang paligid at ang mga estudayante ay nagsisimula ng magsialisan. Nang pumunta ako sa aking locker, may napansin akong silhouette ng tao na nakatayo. Naglakad naman ito paalis nang nakalapit ako. Hindi ko naman malaman kung kilala ko ba ang taong nakita o hindi. May sira kasi iyung ilaw kaya hindi ko nalaman kung sino. Pero ano bang pakialam ko?



          Pagkabukas ng locker ko, medyo nagulat ako nang may maliit na papel na nahulog mula dito. Kinuha ko ang papel. Dahil sa tinatamad ako na alamin kung ano ito, nilagay ko na lang ito sa bulsa ko. May flashlight naman ang phone ko at ginamit ko na lang ito para malaman kung malinis ba ang locker ko.



          Nang masiguro ko na malinis ang aking locker, lumabas na ako at bumalik doon sa parking lot kung saan nakalagay ang aking bisekleta. Naalala ko naman ang parang papel na napulot ko sa aking locker. Maliwanag na maliwanag dito kaya makikita ko na ito ng malinaw.



          Nanlamig ang aking pakiramdam nang makita kung anong meron sa papel. Hindi pala ito isang papel. Isa itong litrato. Litrato namin ni Randolf. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito iyung mga panahon na pinatay ko iyung holdaper sa dilim.



          Tumingin ako sa likod ng litrato kung may nakasulat na mensahe o kung anong pangalan para malaman ko kung sino ang nagpadala. Walang nakalagay. Inaasahan ko pa naman na baka si Mr. Wolf ang nagpadala. Pero mukhang hindi siya. Marahil ay iyung taong nakita ko sa locker ko ang naglagay nito. Sino kaya ang taong iyun? At ano ang nais ipahiwatig ng litratong ito sa akin? Bina-blackmail ba ako ng taong nagpadala ng litratong ito?



          “Aulric,” tawag sa akin ng boses ni Zafe.



          Pagkarinig ng boses niya ay agad na itinago ang ko larawan. Nag-angat ako ng tingin at nakita siya na papalapit pa lang sa aking kinatatayuan.



          Humugot muna ako ng malalim na hininga. “Zafe, nandito ka pa pala. Akala ko, umuwi ka na sa inyo,” sabi ko.



          “Yeah. Nandito pa rin ako sa eskwelahan.” Tumigil siya sa aking harapan at tiningnan ako.



          Hindi ko naman maiwasan na tumingin sa mga mata niya. Iniisip ko kung ano na naman kaya ang kailangan ng taong ito? Pero iyung tingin niya sa akin ngayon, walang nagbago. Ganoon pa rin. Magtatanong ba ako kung anong nangyari sa pag-uusap nila ni Colette?



          “Ano pala ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Colette?”



          “Wala,” iling niya. “Pinag-usapan lang naman namin ang tungkol sa nakaraan. Ano, naparito ako para yayain ka na sumabay sa akin na umuwi.”



          “Ha? Ayoko!” agad na pagtanggi ko. Hindi na naman siguro sinamahan ni Ricky.



          “Sige na. Samahan mo na ako pauwi. Wala si Ricky ehh. Sumabay kay Shai.”



          “Ahh? Ganoon ba? Kung ganoon, manigas ka. Ayokong sumabay.”



          “Please? Sumabay ka na please?” pakiusap pa niya.



          “Paano itong bike ko? Saang parte ba ng sasakyan mo mailalagay ito? Ano? Maiiwan na naman ang bike ko? Gagastos na naman ako para makapunta dito sa unibersidad?”



          Napangiti siya habang nagsasalita ako. Nang-iinis ba ang taong ito? Huwag kang ngumiti. Nakakapanghina ang mga ngiti niya.



          “Sige. Sa susunod na lang. Hayaan mo. Next time, pwede mo ng isama ang bike mo para makasabay ka sa akin. Sige Aulric. Mag-iingat sana ang mga tao sa iyo,” paalam niya saka naglakad na papunta sa sasakyan niya marahil.



          Habang sinusundan siya ng tingin, medyo nadismaya ako dahil hindi pa niya ako kinulit na sumakay sa sasakyan niya. Sumisigaw kasi ang likuran ng utak ko na mag-inarte pa. Hay! Ewan. Ang totoo, may problema pa dapat akong harapin.



          Sumunod na araw, nabalitaan ko na lang na lumipat ng section si Zafe. Hmm, iniiwasan niya si Colette? How inconvenient. Lagi na tuloy akong magdadasal nito na hindi maging kagrupo si Colette sa mga group activity namin. Kung maaari, ihihiling ko talaga na mag-solo na lang ako. Tutal, kaya ko naman. Ayokong-ayoko talaga sa babaeng ito.



          Sa araw ding ito, nagpatuloy naman ang pag-iimbestiga namin kung talagang si Knoll ang ama ng batang dinadala ni Isabela. Nakita ko ulit si Isabela at ngayo’y makikita mo na may dinadala talaga siyang bata.



          “Spying on someone?” tanong ni Kurt na nasa likuran ko.



          Nagulat ako at hinarap siya. Aba! Wala iyung girlfriend niya.



          “Hi Kurt. Magandang hapon,” bati ko.



          “Magandang hapon din Aulric,” bati din niya. Tumingin siya sa aking likuran. “You are spying on Isabela tama ba?”



          “Ha?” Tumingin ulit ako sa aking likod at humarap sa kaniya. “Ahh? Si Isabela? No. Hindi ko ginagawa ang bagay na iyun. Schoolmate ko kasi siya dati at nabalitaan ko na buntis daw siya. Gusto kong makita ng dalawang mata ko kung totoo.”



          Napatango siya. “Ganoon ba?” Teka? Baka may alam ang lalaking ito.



          “Sino nga pala ang ama ng dinadala?” agad na tanong ko.



          “Iyan ang hindi ko alam,” iling niya. “Hindi naman kami close ng babaeng iyan para malaman ko kung sino. Marami nga ang nanghuhula kung sino. At marami ding pangalan ang naglulutangan. Hindi mo ba alam na isa doon ay si Zafe? Siya daw ang nakabuntis kay Isabela.” Natawa siya.



          Kumunot ang aking noo. “Bakit ka naman natawa? Posible kaya iyun.” Nagtaksil na siya sa akin before. Baka magtaksil siya ulit. Malay ko ba.



          “Hmm, sa tingin ko naman ay hindi. Hindi ko alam pero may isang tao ata dito sa eskwelahan na patay na patay si Zafe. Ewan ko ba. At tsaka marunong bang makipag-sex iyun? May experience ba siya? Ay! Sa bagay, kaibigan niya si Ricky.”



          “Ahh! Ang galing-galing kaya niya,” pamumuri ko. Nasarapan kaya ako kahit medyo masakit iyun. Teka? Nako! Bakit ko ba sinabi iyun?!



          Kumunot ang noo ni Kurt. “Anong sabi mo?”



          “Baka napakagaling ni Zafe sa bagay na iyun. Kung makapagkwento nga si Ricky tungkol sa mga experience niya, naa-absorb iyun lahat ni Zafe.”



          “Hmm, at maalala ko. Lumutang din ang pangalan ni Ricky sa mga taong posibleng nakabuntis kay Isabela.”



          “Magdagdag ka pa ng pangalan at masasabi kong malandi siyang babae,” banta ko.



          “Malandi talaga siya,” pagsang-ayon din niya. “Teka, baka may alam ka kung sino talaga ang nakabuntis sa kaniya?”



          “Ako? May alam? Wala kaya,” pagtanggi ko. “Kaya nga pumunta ako dito para malaman kung sino. Pero teka? Alam ba ng mga magulang niya na buntis siya? Kasi kung ako ang ama niya, malamang ay tinaktwil ko na siya sa aking pamamahay. Napakalandi kasi niya.”



          “Alam na siguro. Pero wala silang pakialam. Mukha kasing ganito na ngayon ang nangyayari. Ano naman kung hindi magpakilala iyung ama nung bata? Kaya naman nilang buhayin iyung bata ng siya lang ang mag-isa.”



          “May punto ka diyan.”



          “Paano Aulric? Aalis na ako. May mga bagay pa akong dapat gawin. Bye,” paalam niya.



          “Layas.”



          Nginitian na lang niya ako at naglakad paalis. Kinuha ko naman ang aking phone at nag-group message para mag-meeting kaming mga kalalakihan tungkol sa aking mga nalaman ngayon.



          Nang buburahin ko na ang mga mensaheng pinadala ko, nagulat ako nang aksidente kong naipadala ito doon kila Camilla.



          “Wrong send. Hindi pala kayo kasaling dalawa dahil surprise ito,” text ko sa dalawa. Hay nako! Buti na lang at hindi ako nagpadala ng mga mensaheng madetalye.



          Lumipas ang maraming oras, nagkita na naman kami sa Karaoke room. Sinabi ko sa kanila ang aking mga nalaman tungkol kay Isabela.



          “Ano? Wala silang pakialam kung buntis man ang anak nila at walang ama na umako dito dahil kaya naman nilang palakihin ang bata mag-isa?” nagtatakang tanong ni Andrew.



          “Good news isn’t it?” Tiningnan ko si Knoll na mukhang distressed pa rin. “Anong problema Knoll? Problemado ka pa rin sa mga nalaman mo? Malandi iyung tao kaya posibleng hindi ikaw ang ama ng batang dinadala niya.”



          “Kasi Aulric, kung ako talaga ang ama ng batang iyun, handa ko iyun panindigan. Handang-handa talaga ako,” sabi ni Knoll.



          Nasapo ko ang aking ulo. “Ano ba ang aim natin kaya pribado natin itong pinag-uusapan? Para hindi masaktan si Camilla tama? Ngayon, gusto mong akuin ang bata? Ehh paano kung hindi naman talaga ikaw ang ama Knoll. Narinig mo ba ang mga sinabi ko kanina? Malandi siyang babae at malamang, marami pa siyang ibang lalake na naka-sex at hindi lang ikaw. Isipin mo naman ang nararamdaman ni Camilla kapag nakita niya ang anak mo daw kay Isabela.”



          “Naguguluhan na kasi ako ngayon. Ano ba ang dapat kong gawin? Paano kung ako iyung ama?”



          “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?! Malamang, hindi ikaw! Sa dami ng naka-sex nun.”



          “Kasi Aulric, malinaw ko ng natatandaan ngayon. Wala akong suot na condom habang nakikipag-sex sa kaniya. Paano na lang kung lumabas na ang bata at maging kamukha ko ito kapag lumaki? Mas masakit kapag nalaman ito ni Camilla.”



          “Ohh! May bago akong suhestyon. Bakit hindi na lang kaya natin patayin si Isabela?”



          Nanlaki ang mga mata nila sa suhestyon ko at agad na humindi. Kailangan ng maraming lakas ng loob para mag-suggest na patayin na lang. Sayang naman.



          “May technology ba tayo ngayon para malaman kung sino ang mga magulang nung bata sa loob ng sinapupunan ng isang babae?” tanong ni Andrew.



          “Wala pa,” sagot ni Isaac. “Dahil kung meron, malaman ay nag-suggest na tayo ng ganoon.”



          “How about lihim na painumin ng pampalaglag si Isabela nang sa ganoon ay mamatay ang bata sa sinapupunan niya?” muling suhestyon ko.



          “No!” agad nilang pagtanggi.



          Humugot na lang ako ulit ng buntong-hininga. Gusto ko ng umuwi.



          “Alam niyo guys, sa tingin ko ay umuwi na tayo,” suhestyon ni Caleb.



          “Right. At antayin na lang lumabas iyung bata sa sinapupunan ni Isabela para malaman na natin kung sino ang ama ng bata,” pasarkastiko kong sabi. “Bye guys.”



          Nauna na akong umalis sa Karaoke Room na iyun. Hay! May naitulong ba ako sa mga taong iyun o wala? Palagay ko, wala. Hay nako!



          Nang dumating na ako sa parking lot, para namang may inaantay ako habang inaalis ang lock ng aking bike. Wala si Zafe ngayon para kulitin ako? O baka nakauwi na. Hay! Hindi ko siya ngayon nakita sa unibersidad kaya hindi ko masasabi kung pumasok ba siya ngayon o hindi. Hindi din ako nakakatanggap ng text na sabay kaming kumain nila Shai at Ricky. Hmm, matanong nga si Ricky kapag may oras ako.



          Bigla naman akong may naisip nang napatingin ako sa unibersidad. Oo nga pala. Iyung nangyari kagabi. Makikita ko kaya iyung taong iyun ngayong gabi? Iyung naglagay ng litrato namin ni Randolf sa locker ko.



          Ini-lock ko ulit ang aking bike at pumunta sa locker ko. Gaya ng inaasahan, may silhoutte nga ako ng tao na nakita. At hindi pa rin naaayos ang ilaw malapit sa locker ko.



          Tumakbo ako papunta sa locker ko pero tumakbo din ang taong ito papalayo. Hindi na ako nagsayang ng panahon para habulin ang taong ito at agad binuksan ang aking locker. Mukhang may bago na naman siyang litrato na nilagay.



          Kinuha ko ang aking phone at binuksan ang flashlight nito. Hindi nga ako nagkamali. May bago na naman siyang litrato. Ngayon ay noong pinatay ko ang pumatay sa tatay ko. Tch! May nakakita pala talaga sa akin? Sino kaya ang taong nagpadala nito? Ano ang balak niya sa pagpapadala sa akin ng mga litratong ito?



          Nakahinga naman ako ng maluwag matapos makapili ng mga bagong miyembro ang pinakamamahal kong Drama Club. Sa wakas ay may babae na sa club namin. Kasama ang nakakairitang babae na si Colette. Hindi ko maharang! Napakagaling niyang umarte at humanga din si Sir Arthuro sa performance niya. Hay!



          “Sige Aulric. Mauna na ako,” paalam ni Jin.



          Akmang aalis siya nang hinawakan ko ang braso niya. “Sandali,” pagpapatigil ko.



          Tiningnan niya ako. “Bakit?”



          “Mag-usap tayo ng tayong dalawa lang. Pwede?”      



          Wala akong nakuhang sagot maliban sa pagtango niya. Kinuha ko ang aking gamit at dinala siya papunta sa isang classroom na walang tao. Pinaupo ko siya sa isang upuan habang ako ay nanatiling nakatayo.



          “Ano ba ang pag-uusapan natin?” naitanong niya. At nanginginig pa ang kanyang boses. May nalalaman siya.



          “Alam mo, nitong nakaraang araw ko lang ito nalaman,” panimula ko. “Kaya lang, nagpipigil ako dahil sa inaalala ko ang mangyayari sa iyo kapag nalaman mo na alam ko ang mga bagay-bagay. Hanggang ngayon kasi, kaibigan pa rin kita. Ngayon, kailangan mong magpaliwanag sa akin. Alam mo naman siguro na may kinikwento ka sa aking kasintahan mo daw until nag-confess ka sa akin sa Boracay na gusto mo ako. Tanong, ang pekeng kasintahang ba iyun ay ako?”



          Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. “Alam mo na pala.”



          Dumaan ang kalahating minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hinihintay ko pa rin siyang magsalita at magpaliwanag ng ilang bagay.



          “Oo. Ikaw sana iyun,” sagot ni Jin na nag-angat ng tingin. “Iyung pekeng kasintahan iyun, ikaw iyun kung tayo sana. Pero hindi ehh.”



          “Ipinagkalat mo ba ang pekeng kasintahan mong ito sa iba?”



          “Hindi. Sa akin lang. Wala akong sinabihan maliban sa pinsan ko. At ang pinsan ko, tahimik lang siya. Hindi mo naman siguro nabalitaan mula sa kaniya ang mga bagay na ito hindi ba?”



          “Hindi. Late ko lang na-realize na ako iyung pekeng kasintahan mo. Pati din ba doon sa parteng may nangyari sa inyo?”



          Nag-iwas ulit siya ng tingin. Hindi maaari. May nangyari talagang ganoon sa pagitan namin?



          Humugot siya ng malalim na hininga at nag-angat ng tingin. “Yes. May nangyari sa atin.”



          “Bakit wala akong maalalang ganoon? Anong ginawa mo sa akin?”



          “Iyun iyung mga panahon na nagha-hallucinate ka. Umm, gusto ko sanang tulungan ka sa pamamagitan ng pagpapainom sa iyo ng isang gamot pampatulog. Vallum ang tawag sa gamot na iyun. Iniinom iyun ni Tito Marcus tuwing hindi siya nakakatulog. Naisip ko na baka umepekto sa iyo dahil kailangan mo ng tulog sa panahon na iyun. Kaya lang, nang ininom mo ang gamot, bigla mo akong hinalikan. At naghubaran tayo ng damit, may nangyari sa atin. Noong mga panahon na iyun, nag-confess ako ng nararamdaman ko sa iyo. Sinabi kong mahal kita. Kaya lang, kinabukasan…” Hindi niya naituloy ang sasabihin at kumumpas. “Nakalimutan mo na may nangyari sa atin.” Iyun siguro ang araw na umiyak siya.



          Napaupo ako sa lamesa na nasa harapan. Iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga bagay na ganito. Siya ang unang naka-sex ko at hindi ko man lang naalala iyun.



          “Ako iyung nasa ibabaw mo?” tanong ko ulit.



          Muling nag-iwas siya ng tingin. “Yeah. Ikaw iyun.”



          Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Nakita ko kasing malapit na naman siyang umiyak dahil sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero mukhang masakit ang ginagawa ko sa kaniya. Bumubulong ako na pagpasensyahan niya ako.



          “Aulric, pwede bang bigyan mo ako ng chance?” rinig kong bulong niya sa tenga ko.



          Kumalas ako sa pagkakayakap at pinaupo ulit siya sa upuan.



          “Jin, sinabi ko naman sa iyo hindi ba. Ang pagmamahal mo sa akin, masasayang lang. Hindi ko nga deserve ang pagmamahal mo.”



          “Aulric, you deserve it. In fact, everybody should love you. Na-witness ko ang mga paghihirap mo dahil schoolmates tayo. Kaya nasabi ko sa sarili ko, pagdating ng panahon, mamahalin ko ang taong ito. But then, you said na hindi mo deserve ang pagmamahal ko. You rejected me. What is really the issue here kaya ayaw mo akong mahalin?”



          “It’s complicated.”



          “Then sabihin mo kung ano iyung bagay na iyun na napakakomplikado except sa antas ng buhay natin, dahil parehas tayong lalaki, at kung ano pa. Aulric, tanggap ka ng papa ko. Tanggap ka ng mga kamag-anak ko. Iyung mga tao sa eskwelahan na ito, pwede nating palayasin kung ayaw nila sa relasyon natin. Tutal, kami naman ang may-ari. O baka dahil kayo na ni Zafe?”



          Natameme ako sa sinabi niya. Teka, dapat tuloy-tuloy lang ako magsalita. Pero paano niya nalaman?



          “Ano ba ang pinagsasasabi mo? Sa tingin mo, kami ni Zafe ay may ganoon kalalim na relasyon?” diretso kong tanong. Kailangan hindi niya mahalata.



          “Aulric, noon pa man, sinusundan na kita kung saan ka magpunta. Lagi akong nasa malayo, nakatingin sa iyo kung ano ang ginagawa mo sa araw-araw. Bago umuwi sa inyo, pumupunta ka muna sa isang basketball court para lang manood ng mga naglalaro. Nandoon din si Zafe. At ngayon na magkaklase kayo, hindi ko alam. Pero nagkakaroon ako ng ganoong pakiramdam kapag nakikita kayong dalawa,” paliwanag niya.



          “May nakalimutan ka atang isang bagay Jin. Si Sharina, galit na galit sa taong kinahuhumalingan ni Zafe kung meron man. At narinig mismo ng dalawa kong tenga ang mga posible niyang gawin sa taong iyun kung sakaling malaman niya kung sino. Sa tingin mo, papatulan ko talaga si Zafe? Kilala mo naman ako Jin hindi ba? Hangga’t maaari, ayoko ng gulo. Ayoko magkaroon ng gulo sa pagitan namin ni Sharina dahil ayoko.”



          “Then prove it to me Aulric. Ipakita mo nga sa akin ang phone mo.”



          Humugot na lang ako ng malalim na hininga at iniwas ang kanyang tingin. Wala akong maisip na tamang paraan ngayon. Sa totoo lang, nakakapagod ng itago ang sikreto namin ni Zafe. Lalo na sa mga taong nasa paligid niya at lalong-lalo na kay Jin na umaasa sa pag-ibig ko daw. Hay! Siguro, oras na para aminin sa kaniya ang bagay na iyun.



          “Hindi na kailangan iyun,” nasabi ko na lang at tiningnan siya ng diretso. “Tama ka. Dahil kay Zafe. Matagal ko na kasi siyang gusto. Noong una, hindi ako umaasang magkakaroon kami ng relasyon. And then this thing happened, nakapag-aral ako sa unibersidad na ito. At oo. Medyo matagal na simula nang nagkaroon kami ng relasyon ni Zafe. Ngayon, ako naman ang magtatanong. Anong makukuha mo sa akin sa pag-amin ko? Isusumbong mo ako sa ate mo? Ibubulgar mo ang nalalaman mo sa lahat ng tao? O baka gusto mong isumbat sa akin na pinaasa kita?”



          Siya na ngayon ang nag-iwas ng tingin. Nanahimik siya ng ilang minuto at kinuha ang kanyang mga gamit. Lumakad siya paalis ng classroom. Napabuntong-hininga na lang ako. Nasira na ba ang pagkakaibigan namin ngayon? Kung nasira na nga, hindi ako masaya gaya ng karaniwan kong nararamdaman sa tuwing nakakakita ako ng mga taong naghihiwalay. Pero sana, maging kaibigan ko pa rin siya. Well, that depends kung ano ang gagawin ni Jin sa mga nalalaman niya.



          Lumabas na din ako ng classroom na iyun dala ang aking gamit nang nakita ko si Isabela na dumaan. Kapwa nagulat kami dahil muntikan na kaming nagkabanggaan. Mabuti na lang at nakahinto kaming dalawa.



          “Aulric, hi,” bati niya na akala mo’y kasundo ko.



          “Isabela, what a great surprise?” kunyari’y nagulat kong sabi.



          Tiningnan niya ang kabuuan ko. “Yeah. This is a great surprise. Hindi ka pa rin nagbabago.”



          Tumingin ako saglit sa tiyan niya na parang may nakatabon na bola. “Yeah. Pero ikaw, buntis na.”



          “Yeah. Oo nga. Buntis nga ako,” natatawa niyang sabi. Loka-loka ba ang babaeng ito at tinatawanan ang aking sinabi? Well, never mind. Sa tingin ko, pagkakataon ko na ito para malaman kung sino sa tingin niya ang ama ng kanyang dinadala.



          “Sino ang ama?” diretso kong tanong.



          Tumigil siya sa kakatawa at tiningnan lang ako ng mga ilang segundo. Pagkatapos ay tumawa ulit. Okay. Itatanong ko na ito. Loka-loka na ba ang babaeng ito?



          “I’m sorry at tinawanan ko ang tanong mo,” paghingi niya ng dispensa nang tumigil na siya. “Well bakit mo naman naitanong? Hindi ko kaya alam. Hindi naman kasi importante para sa amin kung sino ang ama ng bata. Pinapalagay na lang ng pamilya namin na ito ay blessing mula sa taas.” Ewan ko lang kung ang babae na ito ang loka-loka o ang buong pamilya.



          Pilit lang akong ngumiti para sabayan ang kabaliwan ng babaeng ito. “Aakuin ko pa naman iyan.”



          “Hindi nga?” gulat niyang tanong.



          “Biro lang,” bawi ko agad.



          Natawa na lang kaming dalawa. Tama ba itong ginagawa ko? Sinasabayan ang kabaliwan ng babaeng ito?



          “Well, since matagal na kitang kilala na nagpahirap sa buhay ko noong high school ako, okay. In fact, kilala ko kung sino ang ama ng bata.”



          “Alam mo, medyo lagyan kaya natin ng suspense itong sasabihin mo sa akin kung sino ba ang ama ng dinadala mo.”



          “What a good idea. Bakit Aulric? Halos kilala mo ba ang lahat ng lalaki sa unibersidad natin?”



          “Umm, well, hindi,” iling ko. “Pero subukan mo ako. Malay mo, kilala ko. Sa tingin mo, kilala ko ba ito?”



          “Tigilan mo na nga iyan. Malamang hindi mo iyun kilala. Siguro naman, alam mo na marami ring lalaki akong nakasama. Baka nga dalawa lang ang doon ang kilala mo.”



          “Okay.” Humugot ako ng buntong-hininga. “Let’s skip the questioning and gusto ko ng malaman kung sino ang ama ng batang iyan. Excited kasi ako. Although alam ko naman na hindi dapat ako ma-excite but I just can’t help it.”



          Biglang umingay sa paligid. Nagsimula na kasing maglabasan ang mga estudyante na may pasok ngayong weekend.



          Tumingin siya sa likuran ko saglit. “Alam mo, ang swerte ng taong ito dahil tandang-tanda ko pa na hindi siya nagsuot ng condom sa pagtatalik namin. Sabi pa nga niya, pananagutan niya ang bata kung mabuntis ako. Pero wala ako, o ang pamilya ko, pakialam doon. Malamang, hindi niya alam na siya ang ama ng dinadala ko. Pero ako, alam ko na siya ang ama. Hayun siya ohh! Iyung may nakadikit na babae sa kanyang braso.” Tinuro niya ang mga taong naglalabasan sa likod ko.



          Napalingon ako sa likod kung sino iyun. Hindi ako makapaniwala. Si Knoll ang una kong nakita at bukod-tanging lalaki na may nakadikit na babae sa kanyang braso. Sino iyung babae? Walang iba kung hindi si Camilla. Confirmed!



          Hinarap ko ulit si Isabela at tumawa ng mapait. “Wow! Hindi pala siya bulag,” nasabi ko na lang.



          “I know right. Ano ba sa tingin mo?” natatawa niyang balik.



          “Umm, maalala ko. Noong huling araw sa high school natin, nangako ka ba na babawian mo ako?” pag-iba ko sa usapan.



          “Ha? Babawian kita? Hmm, teka.” Umakto siyang nag-iisip. “Ahh! Naalala ko na. Pero kailangan pa ba iyun? Nako Aulric. Parang hindi na kailangang bawian ka pa. Payapa na nga ang paligid ko nang hindi na kita nakakasalubong dito sa unibersidad. Naghahanap ka ba ng gulo?”



          “Well, that’s a good thing to hear. Ako din naman. Payapa na din ang buhay ko whether nakasalubong kita o hindi. I think it’s just the same.”



          “Good. Sa tingin ko, pwede na ba tayong maging magkaibigan?”



          “No,” agad kong pagtanggi.



          “Hay! Ano ba itong iniisip ko?” Hinawi ni Isabela ang kanyang buhok. “Sige na. Oras na para ako’y umuwi. Magpapahinga na ako. Baka malaglag pa itong batang dala ko,” natatawa niyang biro.



          Nagpatuloy na siya maglakad papunta sa direksyon palabas ng unibersidad. Hindi maganda ito. May dala akong masamang balita para sa lahat.



          Madali kong kinuha ang aking phone at nag-group message kila Knoll. Kailangan malaman na nila ito agad. Huwag ng patagalin pa.



          “Congratulations! Ikaw talaga ang ama,” anunsyo ko kay Knoll. Kasalukuyang nasa Karaoke Room na naman kami.



          Hinalikan ni Knoll ang kanyang palad at nag-iisip. Siguradong masasaktan itong si Camilla kapag nalaman niya ang balitang ito. May anak sa iba ang kanyang pinakamamahal na boyfriend.



          “Paano iyan?” naitanong ni Isaac na hinalikan din ang kanyang palad sa narinig.



          “So, ipagpapatuloy na ba natin ang idea ko na ipalaglag ang bata?” tanong ko.



          “Hindi pwede,” pagtanggi nila.



          “So pananagutan mo ba talaga ang bata Knoll? Talaga? Wala nga daw pakialam ang pamilya ng babaeng iyun kung ikaw ang nagdala. Pero paano kung malaman ito ni Camilla? Maawa ka naman sa bata na siguradong masasaktan ni Camilla habang nakikita iyung anak niyo ni Isabela.”



          “Pero hindi ganoong klaseng tao si Camilla,” pagdipensa ni Knoll. “At tsaka Aulric, masama iyang iniisip mo. Ipalaglag ang bata? Hindi kami mamamatay-tao. Lalong-lalo na iyung si Camilla. Siguradong hindi niya iyan gagawin doon sa bata pagdating ng panahon.”



          “Talaga? Gaano ka ka-sigurado? Alam niyo ba na ang sakit, isang mahalagang sangkap sa pagbabago ng isang tao. At good news. Hindi natin alam kung mabuti ba o masama ang pagbabagong iyun sa isang tao. We will never know hanggang sa gumawa na lang iyan ng kakaiba. Then magsisisi kayo kung bakit hindi niyo ginawa ang ganito, ganyan,” paliwanag ko. “Knoll, alam ko na kung si Camilla lang talaga ang nabuntis mo noong panahon na iyun, pananagutan mo talaga ang bata. Dahil mahal na mahal mo siya. Pero hindi ganoon ang nangyari. Si Isabela ang nabuntis mo. Kaya minumungkahi ko na ipalaglag niyo ang bata. O masaktan ang mga taong involve kapag nakikita ang bata at baka magkasala sila.”



          Katahimikan. Iyun ang bumalot sa Karaoke Room na iyun ng mga limang minuto. Hindi na ako nakatiis at naglakad na lang palabas. Palagay ko, against talaga sila sa minumungkahi ko. Ayaw nilang ipalaglag ang bata. Pero who cares. Oo, kaibigan ko sila. Pero may limit ang pagiging concern ko sa kanila.



Sharina’s POV



          Naglalakad ako sa corridor ng unibersidad nang makasalubong ang babaeng ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa kaniya, pero ayaw ko talaga sa kaniya.



          “Hi,” malumanay nitong bati sa akin.



          Humugot lang ako ng buntong-hininga at aktong lalampasan si babae nang hinawakan nito ang braso ko. Nakuha nun ang atensyon ko at napalingon sa kaniya.



          “Bakit?” tanong ko.



          Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking kamay. “Ikaw si Sharina Bourbon tama?”



          “Yeah.” Hinawi ko ang aking buhok. “Why?”



          “Matanong ko lang. Kayo pa rin ba ni Zafe?” tanong niya. Ay! Napakasakit namang tanong iyan.



          “Unfortunately, hindi na kami,” sagot ko.



          Aktong magpapatuloy na ako sa paglalakad nang hinawakan na naman niya ulit ang braso ko. Ano ba? Wala na dapat kaming pag-usapan.



          Binitawan niya ulit ang pagkakahawak sa kamay ko. “Wait, I don’t believe you.” Gosh! Hindi siya naniniwala?



          Humarap ulit ako sa kaniya. “Wow. I don’t believe you? Paano mo naman nasabi? May hashtag lie ka bang nakikita kapag nagsasalita ako?”



          “Hindi ako naniniwala sa iyo dahil umiiwas ka sa akin. Ikaw ang former, or current girlfriend ni Zafe?”



          “For your information kung hindi mo pa alam, yes. Naging kami nga ni Zafe pero isang buwan lang iyun nagtagal. Noong pasko pa kami nag-break. Kaya ang sagot diyan sa tanong mo, former,” paliwanag ko. “Ngayon, pwede na ba akong umuwi? Pagod na pagod ako. Baka gusto mo pang ipakwento sa akin ang naging love story namin?”



          “Then, ipaliwanag mo nga sa akin. Bakit parang ayaw na niya sa akin? Dati, patay na patay siya sa akin. Pero ngayon, wala. Parang hindi na siya iyung Zafe na dating kilala ko. May nagpabago sa kaniya. Sino kaya? Malamang, iyung girlfriend niya.”



          “Nako Inday. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong mo. Kung hindi na patay na patay sa iyo si Zafe, ibig sabihin lang nun ay nawala na iyung sparks sa pagitan niyong dalawa,” naiirita kong sabi. “Alam mo, sa maling tao ka nagtanong. Tanungin mo si Ricky, iyung best friend niya. Or, tanungin mo din iyung sinasabi niyang pag-aaral? Ewan ko ba.”



          Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tinangka naman niyang hawakan ulit ang braso ko pero bayolente ko itong pinagalaw para hindi na magtangka. Nakakairita na. Gawin ba naman akong tanungan porke’t ako iyung kaka-break pa lang? Huh! Ang sakit pa rin kaya kung hindi niya alam.



          Pagdating sa mansyon, nagbihis muna ako ng pambahay ng damit. Pagkatapos, dinala ko ang aking mga gamit para pumunta sa silid-aklatan. Dito, nadatnan ko si Jin na nag-aaral. Napansin ko naman ang binabasa niyang children’s book?



          “Jin, nag-aaral ka?” tanong ko.



          “Ahh!” Nagulat siya at tumingin sa akin. “Oo.” Kumurap ang mata niya ng isang beses hudyat na nagsisinungaling siya.



          “Talaga? Anong pinag-aaralan niyo sa isang children’s book?” pagdidiin ko.



          Ibinalik na lang niya ang tingin sa kanyang pinag-aaralan daw na children’s book at umiling. Isinara niya ang libro at naghanap sa mga libro niya na nakalagya sa gilid. Nagpatuloy naman ako sa malaking lamesa at inilagay ang mga gamit ko.



          “Hay! Alam mo Jin, napaka-stressful para sa akin ang unibersidad. Dapat nga, binabayaran ko na lang ang mga prof namin para automatic na makapasa ako. Kung hindi naman kaya, valedictorian,” nakukunsumi kong kwento. “Kaya lang, alam kong magagalit sila papa at tito kapag ginawa ko iyun.”



          Walang akong narinig na reaksyon kay Jin ng mga isang minuto. Tiningnan ko naman siya ulit na nakatulala na habang nakatingin sa mga libro sa gilid.



          “Jin,” untag ko.



          Nagulat ulit siya ng sobra na naging dahilan kaya nahulog ang kanyang salamin sa sahig. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pinulot iyun at iniabot sa kaniya.



          “Salamat,” tugon niya saka isinuot ito ulit.



          “May problema ka ba?” muli kong tanong. “Mas mabigat ba ang problema mong ito kesa nakasalubong ko si Colette sa unibersidad?”



          Napakunot ng noo si Jin. “Huh? Umm, paano mo naman nasabi na mas mabigat sa problema mo?”



          Umupo ako. “Well, ikikwento ko sana. Kaya lang, malayo ang iniisip mo kaya hindi na lang ako mag-aaksaya ng panahon para magkwento ulit. Hindi ka kasi nakikinig.



          “M-Makikinig ako. Sige na. Sabihin mo na,” pag-udyok niya.



          Bumuntong-hininga ako. “Okay. Habang pauwi ako, nakasalubong ko si Colette sa corridor ng unibersidad. Then nalaman niya na nagkaroon kami ng past relationship ni Zafe, at nagalit siya sa akin. Ewan ko. Nagalit siya sa akin kung bakit ba hindi na siya pinapatulan ni Zafe. Like, kasalanan ko ba kung bakit hindi na siya gusto ni Zafe? Gayong ang ginawa lang namin ni Zafe sa buong relasyon namin, nag-date, nag-usap ng mga casual na bagay, ni hindi nga namin pinag-uusapan ang tungkol sa usaping pag-ibig.” Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga kamay habang nakatingin kay Jin. Nakikinig ba talaga siya?



          “Ohh!” nasabi na lang niya.



          “Alam mo, ang kapal ng mukha ng babaeng iyun. Iyung dati palang kaibigan ni Zafe, si Kurt ng Journalism Club, iyun iyung first love niya. Ayon naman sa mga nakalap kong usap-usapan, nasira ang pagkakaibigan nila nang pinatulan naman nitong Colette si Zafe. And then suddenly, nakipag-break daw si Colette kay Zafe, o si Zafe kay Colette, magulo. Pero sa tingin ko, si Colette ang nakipag-break. And then ngayon, babalik siya tapos magagalit sa mga naging ex ni Zafe? Nako! Tigilan niya ako.” Kumuha na ako ng isang libro sa gamit ko para magsimula ng mag-aral. “Ikaw naman, ano ang problema mo?”



          Humugot siya ng buntong-hininga. “Just now, nalaman na ni Aulric na may nangyari na sa amin noon,” kwento niya.



          Napatingin ako sa kaniya. “Pagkatapos? Nagalit ba siya sa iyo?”



          “Sort of, pero hindi naman ganoon,” magulo niyang sagot. “Alam mo ate, pagkatapos kaya ng semester na ito, pumunta kaya tayo sa ibang bansa.”



          “Sigurado ka diyan? Ano ba ang dahilan? Dahil nabasted ni Aulric?”



          “Parang.” Inikot ni Jin ang kanyang paningin. “May nalaman kasi ako kaya gusto kong lumayo.”



          “Anong nalaman mo?”



          “Amin na lang iyun.”



          “Huwag mong sabihin na ikaw ang ama ng dinadala ni Isabela?” hula ko.



          “Teka? No! Hindi ako ang ama nung dinadala niya,” pagtanggi niya agad.



          “Then ano?”



          “Umm, iyung dating friendship namin? Parang hindi na maibabalik.”



          Nag-isip ako ng aking sasabihin. Pero ilang minuto ang nakalipas, na-stuck ito at hindi makalabas sa dulo ng dila ko. Kailangan ba na ako ang magsabi nun sa kaniya?



          Hinilot ng dalawang kamay ko ang aking ulo. “Umm, alam mo, bakit hindi mo konsultahin si Kuya Dexter sa problema mong iyan? I’m sure, may masasabi siya tungkol diyan.”



          Bumuntong-hininga ulit siya. “I don’t think na makakatulong sa sitwasyon ko ngayon si Kuya Dexter.” Sinimulan na niyang iligpit ang kanyang mga gamit. “Mauuna na ako Sharina. Kailangan ko ng magpahinga.”



          “Umm, sige. Magandang gabi.”

         

          “Magandang gabi din.” Hmm, ano kaya ang problema ng taong iyun?



Aulric's POV



          Isang normal na naman na araw sa eskwelahan nang nabalitaan ko na nagpalit ng section si Colette. Magtataka pa ba ako kung saang section siya lumipat? Ehh saan pa? Sa section ni Zafe.



          Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad papunta sa mesa ni Shai. Mag-isa lang kasi siya ngayon kumakain dahil may klase pa si Ricky. Isa pa, nag-text siya sa akin na samahan ko siya.



          Pagkaupo ko sa harapan niya, nagtaka agad ako sa pinaggagagawa ng babaeng ito. May hawak siyang lock na natatanggal sa pamamagitan ng pagpindot ng mga tamang numero.



          “Anong ginagawa mo?" tanong ko agad.



          “Ginagawa iyung rare kong hobby. Iyung hulaan ang password sa lock na ito," sagot ni Shai.



          “Rare nga."



          “You know, dapat sabayan mo itong kabaliwan ko sa pagde-decode ng mga lock."



          “Decoding? Sa lock? Gising ka ba Shai?" sarkastikong tanong ko.



          Napatingin si Shai sa akin. Marahil ay napagtanto niya na mali ang pinaggagagawa ng babaeng ito.



          “Oh my!" Binatukan ni Shai ang sariling ulo. “Tama ka Aulric. Hindi ka nagde-decode sa lock na ito dahil wala namang code para i-decode."



          “Dapat, bumili ka ng mga crossword puzzles, or mag-aral ka ng Computer Science at i-discover mo kung ano ang functions ng mga code, morse code, at marami pang iba."



          “Dully noted." Itinabi niya ang hawak na lock at nilagay sa bag.



          “Oo nga pala. Ano na ang balita tungkol sa gagawin mong pakikipaghiwalay sa iyong mga magulang?" pag-iba ko sa usapan.



          “Ohh! About that, baka mamaya. Oo nga pala. Are you a fan ng mga batang humihiwalay sa kanilang mga magulang?"



          Humugot ako ng buntong-hininga. “I'm not a fan of children separating from the parents. Fan lang ako ng mga magkakaibigang naghihiwalay. You see Shai, family is your final line of defense from falling to the abyss of despair. Friends, lovers, pwede silang mawala. Ang pamilya, hindi. Unless lang kung mamatay sila. Kaya kung mawawala ang pamilya mo, sino ang masasandalan mo? Sarili mo? Ang tanong naman ngayon, kaya mo ba na ikaw lang ang mag-isa?”



          “Pero nakakatawa lang Aulric. Baliktad ang sitwasyon ko dahil wala na sa mga dipensa ko ang aking pamilya. Kayo na lang mga kaibigan ko at si Ricky na lang ang natitira.”



          “Well, I hope na maging kasing tibay kami katulad ng isang pamilya. Parang isang pitik ka na lang pala Shai at matutumba ka na.”



          “How unfortunate of me. Ikaw Aulric? Kaya ka ba nakatagal ay dahil sa magulang mo?” tanong niya.



          “Yeah. Iyun ang sikreto ko kaya nabubuhay pa ako sa mundong ito,” sabi ko habang inuunat ang aking leeg.  “Pero kung patay na sila noon? Saan na kaya ako sa tingin mo?”



          “Aba! Malay ko! Ano ako? Manghuhula?” asik niya.



          “To me, yes.”



          Marahan akong sinuntok ni Shai sa braso ko. “Ikaw talaga! Anyway, asaan ang regalo ko?”



          Tiningnan ko lang siya ng deretso. “You talked to the wrong person Shai. Ikaw nga diyan, walang binigay sa akin nung birthday ko.”



          “Baka hindi ka nagse-celebrate ng birthday sa bahay ninyo? At hindi kaya namin alam.”



          “Well, unlike sa mga birthday ninyo, piniwersa lang akong i-celebrate iyung sa akin.”



          Habang kumakain, nagpatuloy pa rin kami sa pag-uusap, at sa pag-aasaran. I can sense na sinusulit na niya ang araw na ito. Umaabot na kasi sa tenga ang kanyang mga ngiti. Dahil bukas, o mamaya, mangyayari na ang bagay na ayaw niyang gawin. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Bakit siya na lang ang gagawa ng paraan para makaalis sa engangement nila ni Andrew? Hindi ba pwedeng silang dalawa ang gumawa ng bagay na iyun?



          Noong isang araw, naikwento ito sa akin ni Shai. Ang engagement niya kay Andrew. Noong nalaman ko na siya ang gagawa ng paraan para mabalewala ito, nagtanong ako. Bakit siya pa? Bakit hindi si Andrew? Doon ko nalaman na adopted pala siya. Na ayaw niyang suwayin ang mga sinasabi nito. At nalaman ko din kay Shai na may hawak na alas ang mga magulang niya laban sa mga magulang ni Andrew. Ang alas na iyun ang magiging dahilan sa pagbagsak ng kompanya ng magulang ni Andrew. Kaya napagpasyahan ni Shai na siya ang gagawa ng paraan. Hindi ko maintindihan. Bakit ganoon sila mag-isip?



          “Tapos ka na bang kumain?” tanong ni Shai. “Tara. Alis na tayo dito. Punta tayo ng library. Nandoon si Ricky at si Zafe ngayon."



          Parang gumalaw ata ang tenga ko nang binanggit na ni Shai si Zafe. Ano bang pakiramdam ito? Excited ba ako na makita si Zafe ulit? Hay! Ewan. Malamang ganoon nga. Matagal na kasing hindi siya nagpaparamdam sa akin nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba. Baka malapit ng masira ang relasyon namin.



          Hindi na lang ako umimik at umiling. Tumayo na kami ni Shai at pumunta sa direksyon papunta sa library. Sa sobrang pag-iisip ko sa aking nararamdaman, hindi ko namalayan na bumilis ang aking paglalakad. Hanggang sa bumangga ako sa isang tao na naka-labcoat at may face mask. At may dala-dala itong mga gamit.



          “Ay! Pasensya na,” paghingi ko agad ng dispensa.



          Wala akong oras na sinayang at pinulot agad ang mga nagkalat na isang malaking syringe, band-aid, tape, at kung ano-ano pa. Si Shai naman ay hindi na tumulong at nagpatuloy sa paglalakad dahilan para maiwan ako. Sige. Mauna ka na babae.



          “Salamat,” sabi ng tao na nabangga ko.



          Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hinabol si Shai. Pagkapasok sa library, lumingon-lingon agad ako para hanapin si Zafe. Hindi nga ako nadismaya nang makita siya kasama si Ricky na nag-aaral.



          Nang nakita niya ako, ngumiti siya ng matamis at kumaway. Napakaway na rin ako ng hindi ko namamalayan at parang lumulutang ang aking pakiramdam. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Teka? Bakit ba ako nagkakaganito?!



          Kinuyom ko ang aking kamao para mapigil ang bugso ng aking damdamin. Gusto ko siyang lapitan at mahalikan sa labi, mahawakan ang mga parte ng katawan niya na ako pa lang ang nakakahawak, pero ngayon, hindi dapat ganoon ang isipin ko. Gusto ko siyang sapakin!



          “Kumusta ka na?” bulong niya sa akin nang nakaupo na kami ni Shai sa isang mesa sa library. Katabi naman ni Shai si Ricky na sabay nag-aaral.



          Nakaramdam agad ako ng kakaibang sensasyon sa aking sistema. Nag-init ang aking mukha at nag-assume ang utak ko na gagawa siya ng kabalbalanan ngayon. Na halikan ang leeg ko. Pero kinuyom ko lang ulit ang kamao ko.



          “Okay lang. Ayos lang naman ang lahat.” Maliban lang sa isang misteryosong tao na nakita ko sa locker ko na nagpapadala ng mga litrato sa mga ginawa kong exciting moments. Iyun nga lang ay hindi na ito nagpapadala sa akin ng mga ilang araw na.



          “Alam mo, wala ang mga magulang ko mamaya sa bahay.”



          “At ano naman ang gusto mong iparating?”



          “Punta tayo sa bahay. Mag-quality time tayo. Manood ng mga bagay-bagay, at magpalipas ng oras."



          “Hmm, pag-iisipan ko pa." Umakto akong nag-iisip. “Hindi."



Shai's POV



          “Heto ohh," untag ni Aulric na may hawak na ballpen. Kasalukuyang nasa isang kainan kami at nagse-celebrate para sa kaarawan ko. Magkasunod kasi ang birthday namin ni Camilla.



          Kinuha ko ang bigay niya. “Ano ito? Ballpen na may kalendaryo sa loob? Regalo mo?" Nilavas ko ang maliit na kalendaryo mula sa ballpen.



          “May reklamo ka?" agad niyang reklamo. “Pasalamat ka nga at may naibigay ako kahit papaano. Hindi ko pa rin kaya kayang bumili ng binili niyo sa akin na mamahaling cellphone.



          Umiling ako. “Hindi bale na. Salamat sa regalo. At least binigyan mo ako. Kesa doon sa apat na mga lalaking ngayon pa lang ako nakilala." Kunyaring tiningnan ko sila Knoll, Andrew, Isaac, at Caleb ng masama at ibinalik ang tingin kay Aulric.



          “I doubt na wala silang binigay na regalo sa iyo. Meron kaya. Pero baka mga ilang years pa iyun bago mo makuha."



          “Grabe namang regalo iyan. Napakalayo ba kaya aabutin pa ng taon? Saan iyun galing? Sa planetang Mars? At ano naman ang regalong yun?" Sumubo ako ng isang kutsara ng halo-halo.



          “Many years later, kapag magkakaibigan pa rin tayo, pwede mo ng palitan ang mga magulang mo. Pwedeng kami na lang ang pamilya mo."



          “Sana nga," kibit ko ng balikat. “At least, sa pamilyang ito, pwede kong batukan ang kung sino kapag naaasar ako." Tumawa kami parehas.



          “Nako! Tigilan mo na iyan!"



          “Shai, oras na," sabi ni Andrew nang lumapit na sa amin.



          Tumango lang ako. Nagsilapitan naman silang lahat sa akin at niyakap ako. Bumulong din sila sa akin ng good luck. Hindi ko alam pero parang may kung anong pwersa ang nagpapalakas ng loob ko dahil sa mga sinabi nila.



          “Ako na ang bahala pagdating sa inyo," bulong ni Ricky sa akin.



          Tumunog ang phone ko. Pagkakita ko ay isa itong mensahe mula kay mama. Ang kauna-unahang mensahe na natanggap ko sa kanila simula nang nagkaroon ako ng phone. Hay! Lugar pa kung saan magaganap ang sariling version ko ng last dinner with the family kasama ang family ni Andrew.



          Tanging pinggan lang ng mga kubyertos at bibig ng mga magulang namin ni Andrew ang maririnig sa lugar na ito. Tahimik lang kami ni Andrew at lihim kong inaabangan na gumalaw mag-isa ang aking phone. Gusto ko kasi na handa ang lahat pag-alis ko. Ayoko na. Ayoko na. Tanggap ko na ang mangyayari sa akin sa oras na ginawa ko ito.



          Sa wakas, naramdaman kong gumalaw na ang aking phone. Tiningnan ko ito at siniguradong si Ricky ang nag-text.



          “Andito na ako sa labas," basa ko sa text.



          Tumingin ako sa labas para makumpirma ito. Nakita ko nga siya doon. Kinawayan pa niya ako. Saka ko na lang napansin na nagsimula ng tumulo ang aking luha. Bakit ba kailangan umabot sa ganito? Kung iba lang sana sila.



          “Hija, okay ka lang?" tanong sa akin ni Mrs. Vangie. Katapat ko kasi siya sa mesang inuupuan ko.



          “Umm, no and yes po," magulong sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.



          “Anak, umayos ka nga. Tigilan mo iyan," bulong sa akin ni mama na nasa gilid ko.



          Pagkatapos lumuha, humugot ako ng malalim na hininga. Huli na ang pagluha kong iyun para sa pamilya ko. Tatapusin ko na ang paghihirap kong ito.



          “By the way po, may gusto po akong sabihin sa inyong lahat," sabi ko kasabay ng aking pagtayo para makuha ng buo ang atensyon nila. “Dahil birthday ko po, magsasalita po ako. Hindi po ba mama, papa?"



          Hinawakan ni papa ang kamay ko. “Anak, tigilan mo iyan. Hindi porke't birthday mo ay magsasalita ka ng kahit ano-ano. Umupo ka," nang-uutos niyang sabi.



          Iwinaksi ko ang kamay ni papa at itinaas ito sabay ikinuyom. Gumaya na rin kasi si mama na hawakan ang kamay ko.



          “Gusto ko pong sabihin na wala pong kasalan na magaganap. Wala po akong gusto kay Andrew," anunsyo ko.



          Nagulat silang lahat sa inanunsyo ko.



          “Nako! Pagpasensyahan niyo na ang anak ko. Mapagbiro talaga ito," sabi ni papa na may pekeng ngiti sa mukha. Gaya ko, tumayo din siya. “Anak, umupo ka ulit. Umupo ka ulit!" Pabulong niyang utos iyun habang nakalagay ang mga kamay niya sa aking balikat at pilit akong pinapaupo.



          Hindi ako nagpadala sa pwersa ni papa at iwinaksi ang mga kamay niya sa aking balikat. “Tama po ang narinig niyo. Hindi po ako nagbibiro. Ako po mismo ay umuurong sa fixed marriage na ito. Hindi po ako deserve ni Andrew at lalong hindi niya ako deserve. Si Andrew ang pinakapangit na lalaki na aking nakilala sa buong buhay ko. Alam ko na gaya sa mga karaniwang lalaki, makisig po siya at may katawan na maibubuga, pero in the end, mukha pa rin siyang pangit sa paningin ko. Pasensya na po."



          Pagkatapos mag-bow, kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad na palabas.



          “Nako! Pasensya na po. Mukhang large-scale ang pagbibiro ng anak ko. Teka lang po ha?" rinig kong sinabi ni mama.



          Nasa labas na ako ng restaurant at nakita ko ang van ng pamilya ni Zafe na hiniram ni Ricky dahil hindi ginagamit. Napakalapit ko ng makuha ang aking kalayaan mula sa mga magulang ko.



          “Shai, stop right here!" sigaw ni papa. Hinawakan pa niya ang braso ko ng mahigpit para hindi ako makaalis.



          Hinarap ko siya. “Bakit po? Papa?" sarkastikong sabi ko na may diin sa huli kong sinabi.



          “Anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam kung ano ang mangyayari sa iyo kapag sinaway mo kaming mga magulang mo?!"



          “Opo. Alam ko po. Itatakwil niyo po ako bilang tunay na anak. Bakit po? May iba pa ba?"



          “Mabuti naman at alam mo iyun. At hindi lang iyun. Lahat ng mga luho mo, lahat, lahat iyun Shai, aalisin ko iyun sa iyo. Kaya bumalik ka doon at bawiin mo ang mga sinabi mo." Tinuro pa niya ang restaurant para i-emphasize ang kanyang mga sinasabi.



          Napangiti ako. Hindi ko alam pero kung dati ay masakit ang pangyayaring ito sa akin gaya ng iniisip ko, ngayon, nawala na ito. Hindi na masakit. Tanggap ko naman kasi. Hindi magiging maganda ang trato sa akin ng mga magulang ko. Kahit nga siguro mamatay ako.



          Winaksi ko ang kamay ni papa. May sinisigaw pa siya sa akin pero biglang nabingi na ako. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Pero sigurado akong sinisigaw ni papa na bumalik ako sa restaurant at bawiin ang mga sinabi ko patungkol kay Andrew. Huling salita, kailangan ko pa bang sabihin iyun kay papa? Bakit ba? Tutal sa huli, idi-disown naman niya ako.



          Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad papunta doon sa van. Sa bawat pagtatangka ni papa na hawakan ang braso ko, winawaksi ko ito agad. At nang nakawala na ako, tumakbo na ako. Pumasok agad ako sa van na humarurot agad pagkapasok ko.



          Ipinikit ko ang mata ko pagkatapos. Inalala ko ang mga walang kwentang alaala ko simula noong bata pa ako at hanggang sa tumanda ako kasama ang mga hindi ko alam kung magulang ko ba talaga sila.



          Pagkadilat ng aking mata, tiningnan ko ang nagda-drive ng van. Pero nagulat ako nang nakita si Ricky na may maskara ng isang Oni na kulay pula. Sa isang segundong nakita ko siya, nagdalawang-isip ako kung tama bang sasakyan ang pinasukan ko? Baka kinidnap ko ang sarili ko? Si Ricky din ba kaya ang nagmamaneho?



          “Ricky, ikaw ba iyan?"



          “Hmm, bakit mo naitanong?" tugon niya na patanong din. Hinubad naman niya ang maskara.



          “Wala naman. Nag-isip tuloy ako na ipinakidnap ko ang sarili ko. At tsaka alam mo naman na nakakatakot iyang maskara mo."



          “Umm, hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang na ma-divert ang atensyon mo sa reyalidad na nangyayari ngayon."



          Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa labas ng kotse. “Hiwalay na kami ng mga magulang ko. Ako lang ba kaya ang gumawa ng ganito?"



          “Hindi naman. May ibang magulang nga diyan na iniiwanan na nila agad. Kaya nga nagkakaroon ng mga taong palaboy-laboy."



          Naramdaman kong may ibinibigay sa akin si Ricky. Paglingon ko ay panyo pala ito.



          “Salamat," sabi ko saka ibinalik ang paningin sa labas ng sasakyan at habang pinupunasan ang aking mukha.



          Saka ko lang napansin na tumutulo na naman ang masaganang luha ko sa mata. Humagulhol na din ako. Teka? Akala ko ba, huli na iyung kanina? Hindi na ako iiyak kahit kailan hindi ba?



          Tinigil ni Ricky ang kotse sa isang bangketa. Inalis niya ang kanyang seatbelt at niyakap ako. “Tahan na. Tahan na," pag-aalo niya.



          “Ang sakit talaga Ricky!" sigaw ko habang gumagaralgal ang boses. “Minahal ko naman sila. Pero napakasakit talaga sa tuwing nakikita ko ang mga tingin nila na hindi nila ako gusto. I'm, their real, legal, daughter! Why can't they love me? May ginawa ba akong mali noong bata pa ako?! May napatay ba ako o ano kaya hindi nila ako mahal?! Kung ganoon, bakit hindi na lang nila sabihin?! Tapos, gagawin pa nila akong bagay para sa kanilang business opportunity?!"



          “Stop crying Shai. Alam mo, I thanked them na ginawa ka nila. I thanked them dahil kung wala sila, wala ka, walang tayo. Hindi ba nga, sabi ko sa iyo noon, if they can't love you, I will. Hindi man ako ang magulang mo pero mamahalin kita. Pupunan ko, at ni papa, ang pagmamahal na hinahanap mo. You deserve to be loved Shai. Kaya huwag ka ng malungkot."



          Kumalas siya ng yakap at may kinuhang isang maliit na kahon mula sa isang compartment ng sasakyan niya. Hala? Ang bilis naman!



          “You need family to lean on. And I, we, us, will give it to you. Those lonely days of yours is over from hereon." Binuksan ni Ricky ang maliit na box. “Will you marry me, Shai?"



          My tears didn't stop. Mas lalo pa itong tumulo katulad sa isang ilog na umaagos. Pero ngayon, luha na ito ng kagalakan. I said yes and, niyakap ko siya. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. Finally, magiging isang Shai Rizal na ako. At may bago na akong pamilya. I hope that this doesn't end. I hope that our love lasts, forevermore.



Aulric's POV



          Sakit agad ng ulo ang sumalubong sa akin pagkagising. At isang taong katok ng katok sa bahay ko. Hmm, sino kaya ito? Ang umagang-umaga, may bisita ako? Masyado ba akong sociable lately at nagkakaroon na ako ng bisita?



          “Sandali lang!" sigaw ko para kahit papaano ay tigilan na ang pagkatok. Nakakarindi na ehh.



          Tumigil naman ito gaya ng inaasahan ko. Agad na bumangon ako at nagbihis, nag-ayos bago makipagkita sa aking mga bisita. Pagkatapos ay maingat na bumaba ng hagdan. Magdahan-dahan daw kasi ako sabi ni nanay dahil lumusot kasi si Randolf sa isa sa mga baitang ng hagdan paakyat sa kwarto ko. Kailangan na nila itong ayusin.



          Humugot ako ng buntong-hininga bago buksan ang bahay. Medyo nagulat ako na mga pulis ang nakita ko. Dalawa sila. Pero hindi ito sila Officer Geoffrey at Officer Christian.



          “Magandang umaga po," bati ng isang pulis. “Kayo po ba si Aulric Melville?" Hmm, tungkol kaya ito sa update na nangyari doon kay tatay?



          “Ako nga po," pagkumpirma ko. “Bakit po?"



          “Aulric Melville, inaaresto ka namin sa salang pagpatay."



ITUTULOY...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails