Followers

Friday, May 31, 2013

Call For Volunteers Para Sa Indie/Digital Movie!


I have made up my mind po… I will produce a low-budget “Indie Film” and I am banking on volunteers who are willing to be a part of the team to help me realize this goal. 
Matagal pa naman ito, Jun, 2014 pa but dahil mga newbies po ang magdadala nito, we need to organize ourselves this early and do researches for added information. 
Ang objective po nitong gagawin namin is to show to everyone that movie-making is not only for those who have the traditional clout and the money in film-making kundi puwede rin itong magawa ng mga ordinaryong tao na may puso at passion para sa proyekto at nagkaisa. Gusto kong ipakita na we only need a “heart” and the “passion” to do a movie. We don’t need that much money or connections in order to showcase our stories. We don’t need expensive expert directors and technical persons to do it, although we welcome them (only if they volunteer). We just need people with potentials and give them the opportunity to shine.
Kung sakaling marealize ang goal na ito, baka ito pa ang kauna-unahang indie na ginawa lamang ng mga volunteers. I really, really hope na magsucceed ito. Sana... kasama naming kayo sa success kung magkataon.
May kuwento na po tayo para dito, at for me, it’s a good M2M story. I personally fell in love with this story kung kaya ay naengganyo talaga akong gawan ito ng movie. May budget na rin po kami para dito, sapat lamang para sa isang (very) low-budget film (hehe).

Pero we need the following pa rin po:
(1) 
Assistance/advice pa para mas madagdagan ang kaalaman ng aming team at volunteer “managers” and “technical staffs”. May mga "managers" ang "technical staffs" na po kami and so far di na siguro namin need pa ang dagdag. What we need are advice/assistance/info. And for this, we will welcome people na may kaalaman na po sa paggawa ng pelikula kahit as advisers lamang po. 
(2) 
We will need also sponsors. Kahit po sa anong paraan ay tatanggapin po namin. Cash or food items, technical advice/support, equipment, shooting location, etc. Kahit pahiram lang po. We will really, really be glad to have those, para lamang makatipid. We need HD cam, lightings, computer with movie editing features, etc. 
(3) 
And if there are willing to co-produce, the team will be more than happy to have you. How we can have your money returned, we can discuss it. Kasi sa low-budget, baka di maganda ang pagkagawa ngunit kung tataas ang budget dahil sa co-producers, malaki ang tsansang gaganda ang pelikula dahil makukuha natin ang mga realistic shoots na required sa pelikula.
(4) 
I am also calling for a volunteer song composer para po sa theme song ng movie. I made the lyrics myself already so hindi na mahirapan ang composer. 
(5) 
We need two male main charactrers. I plan to have them screened by June, 2013, may kasama po ako sa work na uuwi sa Pinas and will help do the screening/selection. May talent fee po ang dalawang mapipiling talents na ito because we want them to be 100% committed sa project. Kahit matagal pa, we can ask them to do some workshop to learn acting, etc.

Heto po ang mga qualifications:
1) Age: 18 – 28 years old
2) Height: 5’8 and above 
3) Body: Well-built, though not nececessarily that muscular
4) With strong appeal
5) Experience: Not necessary basta committed, may potential, and willing to learn and give his best
6) Willing to go as far as torrid M2M kissing
7) Straight acting. Lalaking-lalaki sa kilos.
8) If possible ay taga Manila lang if not, dapat ay available sila sa location kada shooting.

Para po sa mga interesado, please pm me dito sa fb, or email me at getmybox@hotmail.com (lagyan ng title na "Volunteer" ang message kasi baka sa junk mapasok)
As I’ve said, may talent fee po ang dalawang lead characters na mapipili and the talent fees are negotiable.

Models with managers need not apply po. Mahal na po kasi ang TF nila kapag ganoon. We accept only amateur volunteers but have the potential, are very interested to do acting and join the team.
Ang nasa taas lamang po ang mga kailangan naming volunteers this time. Other than that, wala pa po so far.
Sana ay suportahan ninyo ang project naming ito. Kapag nag-succeed tayo dito, hindi ninyo lang mababasa sa blog ang mga gawa naming mga authors kundi makikita na rin ito sa pelikula.
Para po sa inyo ito guys! Para sa ating lahat.
Maraming salamat po. Good luck to all of us!

-Mikejuha-

318 (Ang textmate ko) Chapter 9.2



318 (Ang textmate ko)


By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel




Authors note:



Hello guys, eto na po =) chapter 9.2.  Thank you very much po sa mga patuloy na nagaabang ng akda ko. Hopia like it po! :DD


Sa mga nagrerequest po ng soft copy ng 318 (Ang textmate ko) , magre-release po ako ng soft copy if matapos ko na po ang kwento. Salamat po, God bless =)


 PS: Pa-add naman po ako sa facebook: nielisyours@yahoo.com.ph



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)




Chapter 9.2


Kinabukasan, maaga akong nagising dahil napansin ko na wala si bes sa tabi ko. Tinignan ko ang orasan ko, alas-7 na pala ng umaga, at nakita ko rin ang date ng orasan ko, isang linggo na lang at matatapos na ang month of October,  at sa wakas sembreak na pala! Hayahay na ang buhay namin sa wakas! Haha.


Kinapa ko ang gilid ng isang side ng kama ko. Oo nga pala, we used to sleep in one bed, noong dumating siya dito sa amin, wala na kaming kyeme kyeme ni Xander. Malaki naman din ang kama ko kaya doon ko na siya pinatulog sa tabi ko, syempre para makapagbonding na rin kami at ganun na rin naman kami ni Bes since high school kapag sa bahay ko siya pinapatulog e, kaya para sa amin, normal na lang iyon.


Habang nasa ganun akong pagtatangal ng morning glory sa aking mata XD ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinambit ni Tristan sa akin habang nasa park kami.


……………….


“Hindi kita iiwan love, kahit anong mangyari.. pangako yan..” Sabi ni Tristan habang yakap ako at hawak ang aking tagiliran. Grabe! Hindi man lang ako nakaramdam ng kilig sa mga oras na iyon, sobrang kilig! XD Basta, alam mo yung pakiramdam na nagmumula yung mga pangako na iyon sa taong mahal mo? Yung kinikilabutan ka na sa sobrang kilig. Ah basta! Grabe..


“Kasi love, natatakot talaga ako.. Natatakot ako na baka dumating yung araw na bawiin ng tadhana yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako na baka sa isang iglap lang love, mawala ka sa 
akin.” Sambit ko sa kanya habang nakayakap siya akin.


“Huwag ka nga matakot love.. Sa tingin mo ba iiwanan kita? Madami na tayong pinagsamahan, marami na rin tayong pinagdaanan.. Hindi kita iiwan love.” Malambing na sabi ni Tristan. Haysss >.< Sana nga.


“Hindi naman sa ganun love, sinasabi ko lang na hindi natin alam ang agos ng tadhana. At natatakot ako sa maaring ibigay ng tadhana sa akin, kasi, kasi.. hindi ko alam kung ano at natatakot ako kasi napamahal na ako sayo..” Madrama kong sabi habang nakasandal sa mga balikat niya at ang kanyang kamay ay nasa tagiliran ko.


“Ayoko nang isipin mo yan love..”


Tahimik.


“Love?” Pambasag ko sa katahimikan.


“Hmmm?”


“Love? Maipapangako mo ba sa akin na kahit anong dumaang pagsubok sa atin hindi mo ko bibitawan? Na kahit anong temptasyon ang lumapit sa ating dalawa hindi ka masisilaw?” Sabi ko kay Tristan habang hawak ko ang mga kamay niya..


“Pangako love..” Simpleng sagot niya. Simple ngunit para sa akin ay makahulugan. Sana, matupad niya ang pangako niya. Sana..


……………


Pangako? Hanggang kelan ba ang isang pangako? Maihahantulad ba to sa isang gamot na mayroong expiration date? O tulad ng isang plastik na hindi nabubulok o nawawala ng basta basta? Ang sagot ko? Hindi ko masabi e. Kasi may mga pangakong natutupad, pero kadalasan ng mga pangako nauunsyami, dahilan upang masira ang tiwalang pinagkaloob.


Dapat ba akong magtiwala sa mga pangako niya?


Minsan nagtatakot ako para sa sarili ko. He’s my boyfriend, pero bakit ganito ako? Bakit napakaduwag ko? Bakit nagpapadala ako sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari? Bakit ba masyado akong napa-paranoid sa mga bagay na pwedeng mangyari? Bakit hindi ko makuhang magtiwala sa kanya? Siguro nga mahal ko na talaga siya. Siguro kailangan ko lang talaga ihanda ang sarili sa mga risk na dadating, dapat siguro tanggapin ko na lang ang mga mangyayari. Parang sa simula pa lang kasi may balakid na ang relasyon namin e, una; si mommy, hindi niya pa alam ang lahat ng ito at nakakatiyak ako na malilintikan ako dun kapag nalaman niya, pangalawa; hindi rin naman kami magtatagal ni Tristan, bibihira naman talaga ang tumatagal sa ganitong relasyon. Kaya masakit para sa akin na isipin iyon, pero, mahal ko si Tristan at gusto kong enjoyin muna ang pagmamahal ko sa kanya at pagmamahal niya sa akin.


Isa pang bagay na bumabagabag sa aking isipan ay ang pagseselos ni Tristan kay Xander. Normal lang naman ang selos sa isang relasyon e, pero ang hindi ko lang mawari ay wala ba siyang tiwala sa akin? Wala ba siyang tiwala sa mga paliwanag ko na talagang mag-bestfriend lang naman kami ni Xander para ismiran niya ako kahapon? Actually, naiintindihan ko ang punto ng bestfriend ko kahapon e, pero dahil ako ang nagsimula ng problema at sa akin nagmula at kamalian ay hinayaan ko na lang at ako na lang nagpakabumbaba.


Habang nasa ganun akong pagmumuni at tila nag-flashback ang nangyari sa akin kinagabihan ay bigla kong narinig ang pagbukas ng aking pintuan.


Laking gulat ko nang makita ang lalaking nag bukas ng aking pintuan.


“Bes?!” Gulat kong sabi. Paano ba naman kasi, may hawak hawak na tray ng pagkain at parang nakakapanibago. Anmeron Xander? XD


“Breakfast in bed, bes..” Malambing niyang sambit. Huh? Anong nalamon nito? Oo, aaminin ko, sweet yang si Xander kahit na mag-bestfriend lang kami, at nakakasiguro ako dun na no string attached sa aming dalawa. Pero? Nakakapanibago kasi na hatiran ka ng pagkain e, ewan ko ba?


“Corny mo ha?! May pa-breakfast breakfast in bed ka pa? Sabunutan ko buhok mo sa ilong e. Bwahahaha!” Pagbibiro ko. Nakitawa naman siya. Nilapag niya ang pagkain sa tabi ng kama namin at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at nagulat ako dahil bigla niyang pinitik ang ilong ko ng pagkalakas lakas! Imba pa naman mamitik tong mokong na to! Halimaw!


“Ouch! Adik ka! Ansaket..” Pagiinarte ko habang hawak hawak ang namumula kong ilong. Tumakbo siya palayo sa akin at tawa ng tawa sa kalokohang ginawa niya. “Kakaiba ka na maglambing bes ah? Anlakas kaya nownn!!” Sabi ko sa kanya na may kaunting pagtatampo.


“Wahahah! Sorry bes! Ang cute mo pala kapag namumula ang ilong wahaha!” Pangaasar niya pa. Haha! It’s time to take a revenge my dearest bestfriend! Lakas ng trip mo ah?! XD
Nagtalukbong ako ng kumot at kunwari’y nagtatampo pero ang totoo ay nagiisip ako ng paraan upang makaresbak sa pangti-trip niya. Hanggang sa wala na akong narinig na tawa at naramdaman ko na papalapit siya sa akin.


“Uy bes? Tampururut agad?” Pagtawag niya sa akin sabay kalabit sa akin habang nakatalukbong ako ng kumot. Hindi ako sumagot. Suminghot singhot ako upang kunwari ay umiiyak ako. “Bes? Umiiyak ka?” Malambing niyang tanong at ang boses ay tila nakokonsensya.


Hindi pa rin ako nagpatinag sa pagtatalukbong ng kumot ang pagsisinghot singhot kunwari. At siya ay hindi 
pa rin tumitigil sa pangungulit sa akin dahil sa ginawa niyang kalokohan sa akin. Hanggang sa napansin ko sa loob ng kumot ang liwanag ng araw na nagmumula sa bukas na bintana ng aking kwarto at ang anino ni Xander na tila nakatayo. Waaaahhh! Humanda ka ngayon bes! XD


“Bes!!!  Tignan mo yung nasa bintana oh?” Kunwaring nagulat kong sabi pero wala naman talagang meron sa binatana. Saktong pagkatalikod niya upang tignan ang bintana ay inangat ko ng konti ang katawan ko at kinorteng baril ang dalawang kamay ko. Tinutok ko ang kamay ko na nakahugis baril sa kanyang pwetan at bigla ko itong tinusok.


“Oucccchhhhhh!” Pagulat niyang sigaw at napakagat ito sa kanyang labi. Wahahaha! Ayos pala ang feeling na nakaresbak! “Ang sakit nun ah?! Loko ka! Quotang quota ka! Pitik lang sa ilong ginawa ko sayo..” Pagtatampo niya, ako naman ay walang tigil ang kakatawa.


“Bwahahaha! Kaw e! Sinimulan mo! You’re not virgin anymore! Haha!” Pangaasar ko pa. Nakitawa na din siya. “Haha! Sorry na! Lakas kasi ng trip e, pati ilong ko pagtripan ba?”


“Hehe! Sorry na din bes, oh kainin mo na yang hinanda ko, wala akong magawa kanina e, naalimpungatan ako kanina kaya pinagluto na lang kita ng breakfast..” Paglalambing niya. Syempre, natouched ako dun.


“Wow, thank you bes! Mwuaah!” Paglalambing ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Oooppss, again. Normal lang to sa aming dalawa.


“Yuck! Humahalik wala pang mumog..” Pandidiri niya pero alam ko namang nangaasar lang to. “Joke lang bes haha!” Pagbawi niya.


“Tse! Haha.”


Pinagsaluhan namin ni Xander ang inihanda niyang pagkain para sa akin. Iba talaga magluto to si Xander. Grabe! Kahit na sabihing fried rice, egg and ham lang iyon ay iba yung lasa kapag siya yung nagluto. Tamang tama at mouth watering talaga.


“Thank you bes!” Pagpapasalamat ko sabay kurot ng mahina sa ilong niya.


“Welcome bes.. Namiss lang kita kaya bumabawi na din ako..”


“Talaga?”


“May doubt? Hehe..”


“Masakit pa ba tumbong mo bes?” Pangaasar ko bwahahaha!


“Sira ka!”


Tawanan.


“Bes? Hinanap ka kagabi dito ng boyfriend mo ah? Nasan ka pala?” Tanong niya sa akin. (Ay hindi, sayo! XD )


“Ahh andyan lang ako sa park bes, nagkita nga kami, sayo ba siya nagtanong?”


“Oo bes, nagbabasa kasi ako dito sa kwarto mo tapos ayun, dumeretso na ata dito..” Pagpapaliwanag ni Xander.


“Ah ganun ba?” Kaya naman pala sa park pumunta alam niya kasi na nandoon lang ako kapag wala sa bahay, hindi naman kasi madalas gumala, except na lang kapag may kasama.






Xander’s Point of View.





Naiinis? Nalulungkot? Oo, yan ang reaksyon ko sa boyfriend ni Colby! Hiindi naman sa nagpapakabitter ako sa bestfriend ko. Nalungkot lang kasi ako at nadismaya dahil sa pinakitang asal ng Tristan na yun sa boyfriend niya na bestfriend ko.


Bago ko muna ilahad kung bakit ako naiinis kay Tristan? Okay sige, aaminin ko, may nararamdaman din ako para sa bestfriend ko. Una, hindi ko pa iniinda dahil syempre magkaibigan kami at normal lang naman na maging maalalahanin ka sa kaibigan mo. Pero, simula nung 4th year high school kami ay nakaramdam na ako ng kakaiba kay Colby. Paano ba naman? Napakarami niyang bashers noong 4th yr kami especially yung mga babae at mga binabae na nagkakagusto sa akin. Siya ang tinitirada at napahanga ako ng bestfriend ko dahil imbis na umiwas siya sa akin dahil maraming beses na rin siya nanganib at nakaramdaman ng treat ay hindi pa rin siya umiwas sa akin bagkus lalong humigpit ang hawak niya sa pagkakaibigan namin. Grabe! From 1st year high school to 3rd year high school ay talaga namang besfriend lang ang tingin ko sa kanya pero hindi ko aakalain na magbabago ito dahil sa ginawang pagsasakripisyo ni Colby ng kanyang sarili para sa pagkakaibigan naming dalawa.


Noong lumuwas ako ng Baguio ay tumindi ang lungkot na naramdaman ko dahil wala ang bestfriend ko sa tabi ko. Sa mga oras na nagkakaroon kami ni papa ng mga munting alitan ay wala akong malapitan. Yes, I have friends pero hindi tulad ni Colby na talagang malalapitan ko sa mga oras na kailangan ko ng tulong at masasabihan ko ng mga sikreto.


Kaya naman minsan isang hapon ay naiisipan kong tawagan ni Colby. Ngunit nakapatay ang cellphone nito. Nagkataka naman ako dahil si Colby? Magiiba ng number ng hindi ipinapaalam sa akin? Parang imposible naman?


Sinubukan kong tawagan ang classmate namin noong 4th year kung saan parehas ito ng pinapasukan na school kay Colby at parehas sila ng department, siguro naman ay may update siya sa bestfriend ko dahil same department lang sila sa university na yun.


“Hello Jeena?” Pagbungad ko sa telepono.


“Yow? Xander? Napatawag ka? Kamusta?”


“Okay lang naman Jee, ikaw ba dyan?”


“Doing good. Hmmm?  So? Kamusta dyan sa Baguio? Dami ba akong pwedeng gawing fafa dyan? Haha” Pagbibiro niya.


“Wahahah! Harot mo jee! Okay lang naman dito, medyo nakakapanibago pero ayos lang naman.” Tugon ko kay Jeena. “Jee? Pwedeng magtanong?” Nahihiya kong tanong.


“Yea sure! What is it Xander?”


“Hmmmm? Kamusta pala si Bes? Hindi ko kasi siya ma-contact e, di ba same college lang kayo? Kamusta na siya?”


“Si Colby? The last time I saw him is he is with a guy na sikat din sa college namin e. Ang sabi sa akin nung kaibigan ko na classmate niya ay boyfriend daw niya. Nashock nga ako e, kasi hindi naman umaamin si Colby nung high school na ganun siya e, pero dahil kaibigan natin siya tanggap ko siya..” So? May boyfriend na pala si Bes? :\


Nadismaya man ako dahil nga sa may iba din akong nararamdaman kay Colby ay maluwag ko itong tinangap dahil bestfriend ko siya, syempre ang gusto ko maging masaya siya. Hindi naman sa sobrang mahal ko si Colby e, sa pagiging bestfriend oo, pero yung nararamdaman ko na more than friends or bestfriends hindi naman ganung katindi kaya mabilis ko din itong natangap.


Ngunit, napagisip isip ko, kailangan ako bi Bes, ayokong magtiwala agad sa mamahalin ng bestfriend ko. Syempre, bestfriend ko siya at masakit sa akin ang makitang nasasaktan siya kaya kailangan kong protektahan ang kaibigan ko. Ngunit paano? E ang layo namin? Hindi naman ako pwedeng lumuwas ngayon sembreak dahil panigurado hindi ako papayagan ni papa. Hindi ko naman siya ma-contact dahil laging naka-off ang cp niya.


Isang gabi habang nagrereview ako nalalapit na final exam namin para sa first sem ay biglang dumating si papa at parang ngiting tagumpay XD. Hindi ko na lang ito pinansin dahil iniisip ko pa rin ang bestfriend ko, natatakot ako na baka wala siyang masandalan sa mga oras na kailangan niya ako.


“Nak, pwede ba tayong magusap?” Seryosong tanong sa akin ni papa ngunit hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Bakit kaya?


“Okay pa, ano po bang paguusapan?” Tanong ko.


“Uhm? Nak, nilipat kasi ako sa manila branch ng boss namin sa trabaho. Ayos lang ba sayo kung.. kung.. lilipat ka ng school nak? Tutal matatapos na rin naman ang semester?


Labis ko namang kinagulat ang sinabi ng aking papa. Syempre, kanina lang ay pinoproblema ko kung paano kami magkakaroon ng communication ni Colby tapos ngayon eto.. eto na ang sagot upang makapagusap kami ni bes, maka-bonding siya at maalis na rin ang pagaalala sa aking isip.


“Talaga pa?” Gulat kong tugon at tila nakangiti.


“Oo anak. Alam ko excited ka dahil may mga namimiss kang kaibigan sa maynila, kaya nga tuwang tuwa rin 
ako noong malaman ko e. Syempre, makakasama na din natin ang mama mo na nagtatrabaho sa manila at makakasama mo na rin si Colby, yung bestfriend mo na parang kapatid mo na kung ituring? Grabe din ang bond nyo nun noh?”


“Oo nga pa e, miss ko na rin..” Sambit ko kay papa. Oo, ganito talaga kami ni papa, kahit na minsan lang ako kung pumunta ng Baguio noon at siya naman ay bihira din makaluwas ng maynila ay close pa rin kami ni papa.


“Pauunahin na sana kita nak, asikasuhin mo yung mga papers mo para makapag-transfer ka na. May mga dapat pa din kasi akong asikasuhin e saka may 2 weeks pa akong kontrata sa branch na to kinukumpleto ko na lang kaya pauunahin n asana kita dun nak..”


Hindi na ako nagdalawang isip pa, syempre namimiss ko na rin ang maynila. Ngunit, biglang sumagi sa isip ko na paano ko mamaintain ang grades ko at maging honor student kung magiging irregular student ako? Sigh, panibagong problema na naman.


Ilang araw ko ding pinagisipan ang problema na iyon hanggang sa napagdesisyunan kong ituloy ang pagpunta sa maynila. Naisip ko, kung magkakaroon man ako ng honor ay kaunting advantage lang naman ito sa paghahanap ng trabaho dahil sa trabaho naman ang titignan talaga ay ang skills ko kung paano ko isasagawa at matatapos ng matagumpay ang nakaatas na trabaho. Isa pang dahilan, ay kailangan din ako ng bestfriend ko. Hindi ko alam, pero ang nasa isip ko lang din ay ayokong makitang nasasaktan ang bestfriend ko dahil parang nakababatang kapatid na rin ang turing ko dyan at mahal ko rin yan, kung minsan nga lang ay sumosobra na pagiging kaibigan.


Lumuwas ako ng maynila magisa at dumeretso muna sa bahay namin dati ni Mama. Grabe! Namiss ko din tong si Mama! Napakabait kasing nanay ng mama Cely, minsan na ring dumadalaw dito si Colby kaya kilala ng family ko ang bestfriend ko. 


Sa ikalawang araw ko sa maynila ay hindi pa rin ako pumupunta kila Colby. Gusto kong surpresahin si Bes syempre, kaya naman sa bahay pa rin ako namalagi sa dalawang araw na iyon.


Isang araw ay nagpunta ako sa mall malapit sa amin upang magpalamig muna. Grabe kasi ang init sa bahay, nakakapanibago rin pala dahil nasanay na ako sa klima ng Baguio sa halos limang buwang pananatili ko doon. Kaya naman tumambay muna ako sa mall hanggang sa nakita ko doon si Grace, ang nakakatandang kapatid ng bestfriend ko.


Kinausap ko si Grace at sinabi niyang miss na miss na daw ako ni Colby. Nagiba lang daw ng cellphone number ang kapatid niya dahil sa isang pangyayari na ayaw nya naman sabihin kung ano yun. Hayaan ko na lang daw na si Colby na ang magkwento sa akin.


Sinabihan ako ni Grace na kung pwede daw ba ay pumunta muna ako ng bahay nila upang makita si Colby, at kung gugustuhin ko daw ay pwede naman daw akong mag-stay muna ako dun sa buong sem break upang makapag-bonding kami ng bestfriend ko. Sumang-ayon naman ako sa alok niya.


Alas-3 pa lang ng hapon ay nandoon na ako sa bahay nila Colby. Kinausap at kinamusta naman ako nila Tita Cora ang mama ni Colby at ang mga kapatid nito. Grabe! Hindi pa rin nagbabago si Karen, ang nakababatang kapatid ni Colby, makulit kasi ito at may pagka-maharot kaya naman tawa ako ng tawa noong naglalambing siya sa akin noong muli niya akong nakita.


Hanggang sa mag alas-6 na ng gabi ay wala pa rin si Colby. Ang sabi sa akin ni Tita ay hanggang 4:30 lang naman daw ang klase ni Colby. Ngunit pagabi na ay wala pa ito? Ah! Oo nga pala, iba na pala ang takbo ng schedule ni bes ngayon, syempre hindi na tulad ng dati, dahil may boyfriend na siya at kailangan niya maglaan ng oras para sa boyfriend niya.


Nang dumating si bes ng mga alas-7 ng gabi ay laking tuwa niya noong makita niya ako. Sinalubong niya agad ako ng yakap at pinagalitan ako dahil bakit daw hindi ko agad siya binisita gayong miss na miss na daw niya ako. Sa gabing din iyon at sabay sabay na kaming nag-dinner ng pamilya ng bestfriend ko.


Bago pala ako pumunta kila Colby ay dinala ko na ang ilang importanteng gamit ko. Tinanong pa nga ako ni mama dahil para daw akong maglalayas sa dami ng dala ko. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta muna ako kila Colby dahil sembreak naman at wala naman masyadong ginagawa sa bahay, pumayag naman si mama dahil matagal niya na rin namang kilala ang bestfriend ko.


Sinabi nga sa akin ni Colby na may boyfriend na daw siya at Tristan daw ang pangalan nito. Syempre, nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan dahil hindi na tulad ng dati si Colby na makakabonding at makakausap ko sa lahat ng oras at pagkakataon, sa medaling salita, may kahati na rin ako sa oras niya.


Ngunit, namangha naman ako sa nilahad ni Colby tungkol sa boyfriend niya. Na sa kabila ng pagsisinungaling ng bestfriend ko ay nakuha niya pa itong patawarin at muling pagbigyan ng pagkakataon. Oo inaamin ko masaya ako para sa bestfriend ko pero nakakaramdam pa rin ako ibayong selos, dahil.. dahil.. may kahati na ako sa oras niya.


Ngunit ang inaakala ko ay mali pala. Ewan ko lang ha? Hindi man ako naniniwala sa kasabihang “First impression lasts..” At bigla akong napaniwala dahil sa ugaling ipinakita ni Tristan sa boyfriend niya.
Una; noong halos lumuhod na lang si Colby upang kausapin siya dahil sa selos na naramdaman dahil sa akin? 

Kahit na sabihin mong may alitan sila o nakay Colby ang pagkakamali ay dapat hindi niya ginagawa iyon, napapahiya ang boyfriend niya! Pangalawa; noong pumasok siya sa kwarto ni Colby habang nagbabasa ako ng libro ay grabe ang tingin sa akin neto. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ni Colby na bestfried niya ako para tumingin siya sa akin ng ganun? Ewan ko lang, ayaw ko bigyang kahulugan ang mga bagay pero nararamdaman ko, may nararamdaman ako hindi maganda kay Tristan. Hindi naman dahil sa may kakaiba akong nararamdaman sa kaibigan ngunit concern lang ako, ayokong makitang nasasaktan o umiiyak ang kaibigan ko!


Ngayon, hindi ko sigurado pero sa tuwing tinititigan ko ang bestfriend ko parang may tinatago tong isang bagay. Parang sa loob niya ay nasasaktan siya pero hindi niya masabi dahil hindi naman siya nakakasigurado. Nasasaktan ako syempre dahil bestfriend ko siya, wag ko lang sana malaman! Wag lang sana si Tristan ang problema niya.. Dahil ayokong nasasaktan ang kaibigan ko! Ayoko!





Colby’s Point of View







Grabity! Nakakailang text na ako kay Tristan hindi pa rin siya nagrereply!


Ako: Morning Love :*


Ako: Love? Labas tayo now! :D


Ako: Love? Saan ka?


Ako: Love?


Ako: Love?


Ako: Love? Reply ka naman!


Ako: Love! :’(



Alas-2 na ng hapon ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply! Grabe. Hindi naman siya siguro busy dahil sembreak na at wala nang masyadong ginagawa! Nakakatampo na huh?! Buti na lang at nandyan ang mokong kong bestfriend na pinapatawa ako sa tuwing nakikita akong malungkot.


“Oy bes! Naligo ka na ba?” Sambit niya na mukhang pipick up at ginaya pa talaga ang malalim na boses ni boy pick up. Syempre ako naman si Neneng B. (Neneng bayot! XD)


“Bakit?” Pa-virgin kong tanong.


“Iba na e. Iba na yang amoy mo! Boom!!!” Pangaasar niya. Tae! Akala ko pipick-up ang mokong! Basagan pala ang trip mo ah?!


“Sira ka!” Sambit ko na matawa tawa. “Ako, pipick up ako sayo bes!” Yeah! Ganti ganti din pag may time \m/


“Siguraduhin mong kikiligin ako dyan ah? Kung hindi lalamutakin ko yang large intestine mo. Bwahahaha!”


“Tse! Brutal ha?!” Paninita ko. “Bes? Kamote ka ba?” Pangagaya ko din sa boses ni boy pick up.


“Hmmm? Bakit?”


“Mukha ka kasing lamang lupa e! Bwahahaha!” Yohoo! Nakaresbak din! XD


“Huuuwwaaatt? Ito?” Sabay turo niya sa mukha niya. “Etong mukhang to? Mukhang lamang lupa? Ha? Ha? Ha?” Sambit niya habang papalapit sa akin.


“Oo. May angal ka?!” Mataray kong sagot.


“Oo naman! Kasi hulog ako ng langit! Itong maala-anghel sa ka-gwapuhang to? Huh?!” Pagmamayabang niya pa. Bes? Y U So mahangin?


“Eto pa bes may pick up pa ako sayo..”


“Be sure na hindi pambabasag yan ah? Kundi basag ang mukha mo sa akin! Haha.” Pagbibiro niya.


“Naman! Kay bes! Electricfan ka ba?” Tanong ko sa kanya. Haha! Combo na ang revenge ko! XD


“Baket?” Malambing niyang tugon at tila napipikon na. Hahaha! Ang cute nya kapag napipikon parang si Tristan din XD.


“Ang hangin mo kasi e! Boom!!! Bwahahah!” Woooohhh! 2-1 XD


At sa buong maghapon na iyon ay wala kaming ibang ginawa ni Xander kung hindi magharutan at magbarahan. Pero, hindi naman kami nagkakapikunan sa mga barahan namin. Normal na kasi sa amin iyon bilang magbestfriend.


Pansamantala ko ding nakalimutan ang lungkot dahil sa hindi pagrereply ni Tristan. Gumaganti ba siya? Sa hindi ko pag-reply? Ang pagkakaalam ko ay kagabi lang ay okay kami at ang saya saya pa nga naming dalawa e, binibitawan ang mga pangako sa isa’t isa at parang ikakasal na. Buti na lang at nandyaan si Xander upang kalimutan ko ang lungkot at palitan ito ng kasiyahan.


Gabi na noong mag-reply si Tristan, syempre may namuo nang tampo sa loob loob ko.


Tristan: Love musta?


Ako: Musta ka dyan? Kanina pa ako text ng text e! Malamang nayayamot! :’(


Tristan: Ay sorry, may pinuntahan lang kasi.. Inutusan ako


Ako: ok


Tristan: Tatampo ba love ko?


Ako: Obvious ba?


Tristan: Sorry na kase..


Ako: Kasi naman love e, nagyaya ako kanina lumabas tapos iniintay q txt mo, d ka man lng reply..
Tristan: Sorry na love. Bukas pwede ako.. Bukas na lang ok? Sorry na..


Ako: okay sige.



Hindi pa man masyadong maluwag sa akin ay tinangap ko na lang ang sorry ni Tristan, may dahilan naman siya e. At naniniwala din naman ako sa boyfriend ko.  Matutuloy din naman bukas ang offer ko sa kanya na lumabas kami e.


Hanggang sa napansin ni bes na tila malalim ang iniisip ko. Tinanong niya ako kung ano ang bumabagabag sa isip ko ngunit nginitiin ko na lang siya at sinabing..


“Okay lang ako bes. Tulog ka na.” Sagot ko kay bes.


“Okay bes. Basta gisingin mo lang ako kapag kailangan mo ako ah?” Pagaalala niya.


“Sige bes, salamat. Goodnight”

Kinaumagahan ay nakatanggap naman ako ng isang text mula kay Tristan na lalong nakapagpalakas ng kalungkutan ko.


Tristan: Love? Morning po, sorry love kasi may pinapaasikaso ulit si mama e, may kailangan akong kausapin, bukas na lang po tayo labas, sorry love. Pasensya ka na tlga. Love you :*


Tila nalungkot naman ako sa balitang iyon ni Tristan. Syempre, gusto ko na siyang makita. Alam mo naman kapag mahal mo ang isang tao di ba? Parang siya ang nagiging droga mo, dahil gusto mo lagi siyang nasa tabi mo, gusto mo ay naamoy mo siya, gusto mo laging hawak nya ang kamay mo, sa medaling salita, adik ka sa kanya!


Kaya naman lungkot na lungkot ako sa balitang dala ni Tristan. Syempre, dalawang araw ko na siyang hindi nakikita, kaya naman ang pangit ng bungad ng araw ko ngayon. Mabigat man sa kalooban ko ay nireplyan ko pa rin siya.


Ako: Sige hon! Ingat ka =) I love you too!


“Colby! Xander, lumabas na kayo dyan, breakfast is ready..” Pagtawag ni ate Grace.


“Sige ate, lalabas na kami..” Sambit ko. “Bes! Gising na, bes!” Pangigising ko kay Xander.


“Good morning bes!” Bati niya.


“Tse! Baho, mumog muna..” Pangaasar ko.


“Ahh ganun?! Gusto mo ng kotong de gulantang? Bwahaha!”


“Bwahahaha!!” Pagtawa ko din.


“Bes. Labas tayo mamaya, arcade tayo tapos sine..” Pagyayaya niya. Syempre naexcite naman ako, kahit na hindi si Tristan ang kasama ko ay nandito naman ang bestfriend ko e.


“Sure bes! Kating kati na rin paa ko e..”


Pagkatapos namin kumain ni Tristan ng almusal at naghanda na kami sa aming paggagala sa mall.


Pagkadating na pagkadating namin sa mall ay dumeretso kami sa arcade at naglaro ng kung ano ano. Libre niya ang arcade at foods at ako naman sa sine. Grabe! Buti na lang at dumating ang bestfriend ko upang kalimutan ang pagtatampong namumuo sa aking puso para kay Tristan.


Enjoy na enjoy kaming naglaro sa arcade at sa huli ay nakakuha kami ng isang back pack na teddy bear ang design dahil sa mga naipon naming tickets.


Pagkatapos naman ay pumila kami sa ticket booth ng sine upang pumili ng panunuorin at bumili ng ticket. Isang horror film ang pinili ni Xander, at panigurado ako na inaasar niya lang ako dahil alam niya matatakutin din ako at hindi ako mahilig sa horror film.


Takot na takot ako sa horror film na pinanuod namin! Paano ba naman kasi? Ang brutal ng mga patayan, grabe! Nanindig ang mga balahibo ko. Sa tuwing napapasigaw naman ako ay grabe kung makahalakhak si Xander.


Napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant na kung saan pizza ang especialty nila. Mahilig kasi kami ni Xander sa pizza noong high school kami kaya naman napili namin doon kumain.


Habang binabagtas namin papunta sa pintuan ng restaurant ay parang may nadungaw akong lalaking pamilyar sa akin sa window ng restaurant.


Tila nanlaki ang mata ko sa pagkagulat sa nakita ko. Inangat ko ang mga daliri ko at tinuro ang nakita ko kay kay Xander.






“Be-bes,si-siya yu-yung…”





-          -    I T U T U L O Y.











Unexpected Chapters 3-4

Hello po ulit sa lahat!

Muli ay ako po ay nagpapasalamat sa mga bumasa, sa mga nagcomment, at sa mga silent readers. Napakalaking bagay po nito para sa akin kaya sobrang naappreciate ko. :)

As a way of thanks, ito 2 chapters ulit! :) But I think 1 chapter na lang per update sa mga susunod na chapters. And keep in mind the title of this story. I'm close to finishing it, and talagang ang layo na ng mga nangyayari from the first part. :)

Marami sa mga mababasa niyo sa mga susunod na chapters ay hango sa mga karanasan ko sa tunay na buhay. Nahirapan man akong isulat, ay medyo lumuwag naman ang dibdib ko matapos kong maisulat. Hindi ko na lang sasabihin kung alin sa mga mababasa niyo  ang mga pangyayaring iyon.

To be honest, I'm not fully satisfied with this chapter, but I did what I can. And oh, may bagong character na ipapakilala dito. ;)

Lastly, ay gusto ko ulit magpasalamat kay Kuya Mike for giving me the opportunity to publish my story in his site.

Happy Reading! Sana magustuhan niyo.

Constructive criticisms are highly encouraged.


--
Chapter 3

Natapos ang unang araw sa pagpapakilala ng adviser sa amin. Si Ms. De Vera, isang guro sa Araling Panlipunan ang naging adviser namin. Wala naman gaanong nangyari. Maraming hindi pumasok dahil nga first day pa lang ng klase. May mangilan-ngilan din akong narinig na mga bagong pangalan nang basahin ni Ms. de Vera ang class list. Halos 15 lang kaming pumasok. Marami pa sigurong tinatamad. Hindi ko naman sila masisisi dahil wala naman talagang ginagawa sa first day. Biglang niyaya, or better yet, hinila ako ni Janine patungong canteen. “Hindi ka naman gutom, noh?” asar ko sa kanya. “Oo na. Kasi naman, na-Stress Drilon ako sa’yo kanina.” Balik niya sa akin. “At ako pa ang may kasalanan ngayon?” gatong ko. Inismiran na lamang niya ako.

Nang matapos kumain ay bigla na naman akong kinulit ni Janine. “Oh, friend ha! Basta mamayang uwian dapat bati na kayo ha. Kapag hindi chuchugihin talaga kita!” banta niya sa akin. “Oo na.” pagsuko ko sa kanya. “Ingatan mo ‘yang si papa Gab, baka makawala ‘yan. He’s a good catch pa naman hihi swerte mo talaga.” Pagpapatuloy niya. Natawa na lang ako, pero sa loob-loob ko ay alam kong walang katotohanan ang mga sinabi ni Janine. Dahil nga hindi naman talaga siya sa akin... at least not in the way I want him to be mine. “Sira ka talaga!” ang nasabi ko na lang.

“Itext mo na siya, dali!” mungkahi ni Janine.

“Bes, san ka? Pwede ba tau magkita? :-)” pagsend ko ng message sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay nagreply na siya.

“D2 na ako haus. Bukas na lang.” Ang reply niya. Nalungkot ako, dahil normally ay umuuwi kami ng sabay. Hahayaan ko na lamang muna siyang magpalamig. “Jans, umuwi na daw.” malungkot kong pahayag.  “Ayan na kasi sinasabi ko oh! Nakakaloka! Ikaw kasi ih, arte-arte mo talaga. Baka nairita na rin siya sa’yo.” Pakikisimpatya (I think) ni Janine. Napabuntong-hininga na lang ako. Panandaliang katahimikan ang namagitan sa amin ni Janine. May dumaan atang anghel. Kilala ko si Janine. Kapag tumigil sa kakatalak ang bunganga niya ay nag-iisip siya ng plano. “Ah! Alam ko na, friend!” bigla niyang usal. Naintriga naman ako kung ano ang binabalak nitong kaibigan ko.

“Anong Ah, alam ko na, friend?!” paggaya ko sa kanya. “Magmall tayo. Mag-unwind man lang tayo. Tanggal ng stress. Nakakaloka naman kasi ‘tong araw mo!” suhestyon niya. Noong una ay ayaw ko dahil hindi ako nakapagpaalam kay mama, ngunit dahil sa mga pangungumbinsi at BLACKMAIL niya, napapayag na rin ako. Itetext ko na lang siguro si mama. Alam ko namang papayag siya eh. Ayoko lang kasing pinaga-alala si mama. “Sige na nga, pero libre mo ako ng pamasahe.” pagsuko ko sa kanya. Hindi na siya umimik at hinaltak na lamang ako palabas ng campus.

Nang makarating kami sa mall ay naglibot muna kami. Grabe talaga ‘tong babaeng ‘to. Kasi ba naman halos lahat ng tindahan sa loob ng mall ay pinasukan niya, ngunit wala naman siyang binili. Makalipas ang dalawang oras ay sumakit na ang mga paa ko at niyaya kong maupo muna kami sa isang coffee shop. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Habang umiinom ng iced coffee ay biglang pinitik ni Janine ang tenga ko. “Ano ba?!” medyo inis kong sabi. “Gaga, ikaw naman kasi kanina pa ako nagkkwento sa’yo pero hindi ka naman nakikinig. Halika, may ibubulong ako sa’yo.” Sabi niya. Inilapit ko na lang ang mukha ko sa kanya. “Friend, huwag kang pahalata, ha. Ayun si Gab oh! Kasama niya ‘yung Therese. OMG lang huh. Akala ko nasa house lang siya.” bulong niya sa akin, habang nakaturo sa direksyon patungo sa likod ko.

Inilingon ko naman ang mukha ko sa direksyong tinuro ni Janine, at unang sulyap ko pa lang ay nanlumo agad ako sa nakita ko. ‘Di nga siya nagkamali. Si Gab, kaharap si Therese sa isang table na magkahawak ang kamay at masayang nagkwekwentuhan. “Friend, ok ka lang?” pag-aalala ni Janine. Napa-iling na lang ako. Si Janine naman ‘to eh. She’s the friend I can always be honest with. “Teka lang ha, ‘di ko kasi gets eh. 'Di ba last school year pang nililigawan niyang si papa Gab ‘yang Therese na ‘yan? Pero hindi naman siya pinapansin niyan? Pero bakit ngayon eh halos gapangin na sila ng langgam sa kasweetan nila? Ganyan ba ang basted, ‘teh?” sabi niya sa akin. May point siya. “Hindi ko nga rin alam eh. Kasi kung maging sila man, siguradong sasabihin niya sa akin ‘yan.” Malungkot kong pahayag.

“I smell something hmmmm.” si Janine. Tila wala na akong narinig, marahil ay nilamon na rin ako ng kalungkutan. Matagal ko ng pinaghandaan itong araw na ito. Lalaki si Gab. Ang lalaking katulad niya ay ‘di malayong mabilis na makakita ng babaeng mapapaibig niya. Alam ko ito dahil ganito din naman ako dati. Akala ko dati na dahil sa patuloy na paghahanda ko sarili ko kapag dumating ang araw na ito ay parang wala na rin gaanong magiging epekto ito sa akin... dahil nga kasi, handa na ako. Akala ko lang pala iyon. Iba pala ang alam sa nararamdaman. Iba pala ang nasa isip sa nakikita. Iba pala ito sa katotohanan. Napakasakit na makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Lalo ng masakit dahil wala man lang akong kaalam-alam dito. Dinagdagan pa ng ‘di namin pagkakaunawaan sa kasalukuyan. Hindi ko na napansin na isang malusog na patak ng luha ang dumaloy sa pisngi ko. Agad ko namang pinunasan iyon.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na huwag magpakita ng anumang senyales ng kahinaan. Ngunit iba pa rin pala kung matinding sakit ang nararamdaman mo. Hindi mo na rin pala mapipigilan. The least I can do is to not get carried away. Tiningnan lamang ako ni Janine at pinisil ang kamay ko. Alam kong alam niya ang mga nasa isip ko. Tinanguan ko na lamang siya na tila sinasabing “I’m okay.”

Isa pang tanong na bumabagabag sa isip ko ay kung bakit siya nagsinungaling na lalo pang nakasakit sa patong-patong na sakit na kasalukuyang nararamdaman ko. Isa sa mga bagay na pinangako namin sa isa’t-isa ay ang laging pagiging totoo. Dahil sabi nga niya, na hindi isang tunay na kaibigan ang isang taong sinungaling. Huwag daw naming traydurin ang isa’t-isa. Yet he is here, in the same room with me, breaking that promise. Isa lang ang naisip kong dahilan: may tinatago siya sa akin. Kailangan kong malaman kung ano iyon.

“Oh-em! Magstalker mode tayo! Alam ko iyan din ang iniisip mo, Joshie!” maarte niyang bulong. Pucha, ano ba talaga mayroon sa babaeng ito? Talagang alam niya kung ano ang iniisip ko. Natawa na lang ako, dahil nakakatuwa naman talagang we’re on the same page. “Gags, huwag na. Baka mahuli pa tayo.” Sagot ko. Ayoko na ring sundan siya. Baka masaktan na lamang ako sa mga bagay na matutuklasan ko. Natatakot ako, dahil alam kong hindi malayong maging totoo ang ideyang kanina pang bumabagabag sa isip ko. I tried to brush it off. We’ll get there, sabi ko sa sarili ko.
“Hoookay, kung ‘di tayo mag Detective Conan ang peg... OMG! Icoconfront natin siya! Di ko inexpect ‘yan ha! Me likey your style. Gora na! Show him your face nang matauhan naman ‘yan. Nasa side mo na ako! Kalimutan mo na ‘yung usapan natin kanina haha.” Nagulat naman ako sa pahayag ni Janine. May isang malaking parte ko na gustong gawin iyon. Gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong ipamukha sa kanya na alam ko na nagsinungaling siya, na ‘di siya tumupad sa pact namin. Sa ngayon, ay aaminin kong hindi na dahil sa pagseselos o kung anumang rason ang pinanghuhugutan ko nito. I’m taking the perspective of being a friend. Tutal, ito naman talaga ang pinagmulan at ang pundasyon ng relasyon naming dalawa... ang pagiging magkaibigan.

Alam ko rin naman ang limitasyon ko. Hindi ako pwedeng magselos, dahil in the first place, wala naman kaming relasyon. Ngunit hindi talaga maiiwasang masaktan. Nagmamahal ako, eh. Tao lang ako. Kaya siguro pinapaniwala ko ang sarili ko ngayon na dapat, kung may hinanakit man ako sa kanya, ay ito ay bilang isang kaibigan niya, bilang bestfriend niya... at hindi bilang isang taong pinapangarap ko lamang maging sa buhay niya. “Don’t jump to conclusions. Halika, uwi na tayo. Nawalan na rin ako ng gana.” matamlay kong sagot sa kanya. “B... but...” mutawi ni Janine. Tiningnan ko na lamang siya at binigyan ng isang pilit na ngiti. Tila naintindihan naman niya ako. Sabay kaming lumabas ng coffee shop gamit ang pintong mas malayo sa kinauupuan nila Gab para hindi niya kami makita.

Ang pag-iyak ko na lamang ang huli kong naalala bago ako tuluyang lamunin ng antok.

--
Chapter 4

“Good morning, bes! Galit ka pa rin ba? Bawi ako sau ngaun. :<”

Ito ang text ni Gab na nagsimula ng araw ko. Imbes na kaligayahan ay pagkalito ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil sa tingin ko ay nagbunga na rin ang effort ko dahil mukhang narealize na niya ang pagkakamali niya kahapon. Malungkot dahil naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon sa mall. Tumayo na ako ng kama at naghanda ng pumasok. Hindi ko na muna siya nireplyan, dahil nga gulong-gulo pa rin ako. Malungkot kong tinahak ang daan patungong school. Mas nalungkot ako nang malamang walang Gab na sumabay sa akin. Tulala ako habang nakasakay sa tricycle. Nagulat na lamang ako na nasa harap na pala ako ng school. As usual, ang bunganga na naman ni Janine ang naging pangwelcome sa akin.

“Okay, class. Since present ang halos lahat sa inyo, at since halos karamihan na rin naman sa inyo ay naging estudyante ko na dati, yung mga transferee na lamang ang magpakilala dito sa harap. If I’m right, may dalawang transferee dito sa section niyo. Hmm, Ms. Daez, please introduce yourself in front of the class.” pagsisimula ni Ms. De Vera. May homeroom session muna kasi kami for 15 minutes bago magsimula ang klase namin. Maganda ito dahil nabibigyan ng oras ang klase na magdiscuss ng mga bagay sa kanilang adviser.

Pumunta naman ‘yung sinasabing Ms. Daez ni Ms. De Vera sa harap ng classroom. Ang unang napansin ko sa kanya ay ang kanyang kagandahan. Napatutok tuloy ako sa kanya habang nakatayo siya sa harap namin. “Hi sa lahat. I’m Nicola Maria Daez, 15 years old. Tawagin niyo na lang akong Nikki. I hope maging friends tayong lahat.” Nakangiti niyang pagpapakilala sa harap. Oo, tinamaan ako sa kanya. Kahit naman kasi papaano ay straight pa rin ako. Kay Gab lamang ako tinamaan kaya ako naging bi.  Maganda si Nikki. Mayroon siyang short hair na pixie cut, may katangkaran, at may mapupungay na mga mata. Instant crush ko siya kasi type ko talaga ang mga babaeng maiikli ang buhok. Hindi ko pansing nakangiti pala ako pagkatapos niya magpakilala.

“Hoy! Ano ba ‘yan! Nasaktan lang kahapon, naghanap na ng iba! Nako, nako. Kayo talagang mga lalaki!” bulong ni Janine sa akin. Seatmates kasi kami. Isa na siguro ito sa dahilan kung bakit kami naging close. At dahil nga siya ang katabi ko ay walang takas ang mga kilos ko, dahil nga kilalang-kilala at basang-basa niya ako. “Hoy, umamin ka nga. Crush mo ‘yung Nikki noh?” hirit ni Janine. Napatango na lang ako. Tiningnan na lamang niya ako na tipong nang-aasar. “Miss Daez, please take the seat in front of Mr. Gutierrez.” sabi ni Ms. De Vera. Bigla naman akong siniko ni Janine at nginisian. Sa harap ko kasi pinaupo si Janine. Alphabetical kasi ang seating arrangement tuwing first quarter. Bakante pa rin ang upuan sa kanan ko.

Natigil ang asaran namin ni Janine nang may isang lalaking pumasok sa pinto. “Sorry, I’m late ma’am” sabi ng lalaki, na hingal na hingal dahil siguro sa pagmamadali. Napatulala naman ang buong klase, nagbulungan ang mga babae, at napasinghap si Janine. “Josh, ang hot niya grabe.” Kilig na bulong sa akin ni Janine. Ngayon ko lamang siya nakita. Siya siguro ‘yung isa pang transferee na sinasabi ni ma’am. “Mr. Lopez? Just in time. Kindly introduce yourself in front of the class.” pag-address ni ma’am dun sa lalaki. Napakamot na lamang siya ng ulo at nagpunta sa harapan ng room. Huminga siya ng malalim at nagpakawala ng isang ngiti na nagpakilig naman sa mga kababaihan sa klase. “Uhm, hi classmates. Ako nga pala si Matthew Alexander Lopez. 15 nako at... hmm, I’m looking forward to spend the year with you. Oh, Matt na lang pala hehe.” Sabay ngiti ulit. “Omg, ‘teh, nginitian niya akez!” hysterical na bulong sa akin ni Janine. Napailing na lamang ako, dahil nag-iilusyon na naman itong kaibigan ko.

“Right, please sit beside Mr. Gutierrez, doon sa second row.” pahayag ni ma’am, turo sa direksyon ko. “OMG, palit tayo ng upuan please. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon!” bulong ni Janine. “Haha, paalam ka na lang kay ma’am.” Balik ko sa kanya. Pumunta na nga si Matt sa row namin at umupo sa tabi ko. May anim na upuan per row, pero nahahati ang klase sa dalawang division. Mayroong tatlong chairs per row in each division. Ang siste ay si Matt sa kanan ko, at si Janine sa kaliwa ko kaya naman napapagitnaan ako ng dalawa. Nang makalapit siya ay doon ko lamang siya napagmasdan ng malapitan. Matangkad siya, halatang matikas ang katawan, maputi, may mapupungay na mga mata na tila nangungusap, matangos na ilong, at mabango. Hala, pati ba naman amoy niya napansin ko, sabi ko sa sarili ko. In short... gwapo siya. Mas gwapo pa siguro kay Gab, to be honest, pero hindi ako attracted sa kanya. Humahanga siguro dahil nga gwapo siya, pero dahil nga siguro na may nagmamay-ari na ng puso ko kaya hindi na ako makatingin sa iba.

“Tol, Matt nga pala.” Nakangiti niyang pahayag sa akin habang nakalahad ang kamay niya. “Josh,” tipid kong sagot sa kanya at kinuha ang kamay niya para magshake hands. “Hi, Matt! Janine nga pala hihi. Sana maging close tayo.” Singit ni Janine. Bilib din naman ako sa kalakasan ng loob ng babaeng ito. “Ah, eh, hi!” medyo hiyang sagot ni Matt kay Janine. Ito ang isa sa mga problema kay Janine. Napakalakas kasi ng personality niya kaya siguro ang maraming may crush sa kanya ay ilang siyang ligawan. Pero sa simula lang naman iyon... ay mali, kailangan mo pala talagang masanay. “Ang cute niya talaga, friend. OMG, kilig much.” Malanding bulong sa akin ni Janine. “Baka marinig ka. Adik ka talaga.” pambabara ko kay Janine.

“Okay, class. Now that we’re all settled. Mag-AP na tayo.” Pagkuha sa atensyon ng klase ni ma’am. Swerte rin naman kaming nasakto sa schedule namin na siya rin ang subject teacher namin after ng homeroom session. “Para dun sa dalawang bago, I’m Ms. De Vera and I’ve been teaching here for 6 years. I’ve graduated with a degree in Secondary Education from UPD, and this is the first year I’ll be handling World History.” Pagpapatuloy ni ma’am. Isa si Ms. De Vera sa mga pinakapaborito naming guro. Mabait siya, at hindi ilang ang klase sa kanya. Magaling siya magturo at sinisikap niyang ipaintindi sa iyo ang lesson through different activities. Kaya laking tuwa namin na siya ang naging adviser namin.

“Class, as early as today eh ibibigay ko na sa inyo ang project niyo.” Nakangiting usal ni ma’am. Bigla namang nag-ingay ang klase. Narinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase ko. Kahit ako’y takang-taka sa sinabi ni ma’am. “Pwede ba kasing patapusin niyo muna ako? Kayo talaga. Bale group project ito. Napagdesisyunan ko na ang magiging kagrupo niyo ay yung mga nasa row niyo. Meaning tatlo bawat grupo. The project is all about events that concern world history. May reporting, but there’s a catch. Magbubunutan ang bawat grupo at depende sa mabubunot nila ang event na irereport nila. BUT WAIT, there’s more! Nakasulat din sa papel na mabubunot niyo kung anong klaseng pagrereport ang gagawin ng grupo. Pwedeng role playing, song number, or newscasting. Exciting ‘di ba?” mahabang pahayag ni ma’am. Tila na-excite naman ang buong klase sa project. Ibang klase talaga si ma’am.

“That’s why inexplain ko na ang project na ito sa inyo. I want you to have the most time possible so you can prepare, work on, and still have the time to improve your work. I’m available for consultation during class sessions natin. So if you have questions, don’t hesitate to ask, okay?” pagpapatuloy ni ma’am. “Friend, excited na ko. Kagrupo natin si papa Matt shit.” Bulong ni Janine sa akin. “Haha, kaya magfocus ka! Pa-impress ka sa kanya dapat. Behave.” Biro ko sa kanya.

“Okay, I need one representative from each group. Lumapit na dito.” Sabi ni ma’am. “Matt, ikaw na lang hehe. Para naman makilala ka lalo ni ma’am.” Hikayat ni Janine. “A-ako?” takang tanong niya. “Hindi, ako! Haha go kaya mo ‘yan. Tiwala kami sa’yo. Galingan mo sa pagbunot.” Pag-encourage ko sa kanya. Sinikap ko namang makisama sa kanya. Ayoko namang maramdaman niyang out-of-place siya sa amin. Ang hirap kaya noon. “Okay. Walang sisihan ha.” Nakangisi niyang sagot at naglakad na siya papuntang classroom.

“’Teh, aminin mo! Pogi noh?” bulong sa akin ni Janine. Talagang hindi pa rin siya makaget-over sa itsura ni Matt. Hindi ko naman siya masisisi dahil may ipagmamalaki naman talaga ‘yung tao. Tumango ako. “Shit, feel ko madedevelop ka sa kanya!” natatawa niyang pahayag. “Gaga! Sira hahaha! Asa ka. Ako na naman nakita mo. Di porke’t may alam ka tungkol sa akin, applicable na ‘yun sa lahat.” Balik ko sa kanya. Di naman porke’t alam niyang bi ako ay maiinlove na ako sa lahat ng lalaki at babae. “Haha, alam mo naman ang prediction powers ko, walang palya! Makikita mo hihi. Excited na ako! Huwag ka ng mag-alala sa akin. Balato ko na siya sa’yo kahit crush ko siya. Baka may pag-asa ka sa kanya kaysa kay papa Gab.” banta niya. Oo, nakakatakot! Kasi parang may lahi talaga ni Madam Auring ang babaeng ito.


Flashback.

“Friend, hulaan ko. Hindi ka nabigyan ng allowance noh?” sabi niya.
“Huh? Paano mo nalaman?” taka kong tanong.
“La lang. Ang pangit kasi ng tabas ng mukha mo eh.”


“Hulaan ko ulit ulam niyo. Sinigang kinain mo kagabi?” si Janine.
“Weh? Paano mo nalaman? Araw-araw ata alam mo ulam namin.” Gulat kong tanong.
“Wala lang. Feel ko lang. Tama na naman ako shit.”



“Okay, now that nakabunot na ang lahat, maaari niyo ng buksan ang mga papel.” Pahayag ni ma’am. “Matt, ano atin?” excited na tanong ni Janine. “Renaissance. Role playing.” Sagot ni Matt. “Wow, maganda ‘yan. Favorite kong topic Renaissance.” Pagsabat ko sa usapan. Nginitian ako ni Matt. “Ako rin, Josh. Pareho pala tayo hehe.” Sabi niya. “Ahem! Ahem!” singit ni Janine. Tiningnan ko siya at binigyan na naman niya ako ng isang mapang-asar na ngisi. Alam ko naman ang ibig sabihin niya doon. Hindi ko na lang siya pinansin.

“Okay, guys! Settle down. Hindi pa diyan nagtatapos ang rules. May catch. Sa nakakuha ng song number, dapat modern song ang gamitin niyo. Papalitan niyo iyon ng lyrics about doon sa irereport niyo. Bahala na kayo sa interpretation. Sa mga nakabunot ng news casting, dapat magsama din kayo ng relevant current events about sa setting ng nabunot niyong topic. At sa mga nakabunot ng play...” pahayag ni ma’am. Medyo kinabahan naman ako dahil isa kami sa mga nakabunot ng play.

“Mahirap na kasing gumawa ng script at mag-ayos ng props, kaya I will give you the full artistic freedom sa concept niyo, pero dapat makita naming ang relevance niyan sa topic niyo. And mas maganda sana if may surprise or twist kaysa sa mga conventional na play.” dugtong ni ma’am. “Siniko ako ni Janine at nakita ko ang isang mischievous look sa mukha niya. Tila may pinaplano na naman ang bruha. “Yung order ng presentation ng groups ay depende sa order of events. So chronological siya. Sa mga nakabunot ng Paleolithic period, maghanda na kayo, dahil next, next Tuesday na ang presentation niyo. T-Th ang presentation ng project. Each group is given a maximum of 20 minutes to present. Huwag kayong mag-alala dahil lahat ng rules ay nasa syllabus na naman na ibibigay ko sa inyo mamaya. Nandoon na rin ang pagkakasunud-sunod ng topics para alam niyo kung kailan ang presentation niyo. Basta ang importante lang naman ay may matutunan ang klase sa topic bago ako magstart ng formal discussion. Since first meeting naman natin, ay ibibigay ko na ang natitirang oras ng period para madiscuss niyo na ang plano niyo with your groupmates. Clear?” pagtatapos ni ma’am.

Sumang-ayon naman ang klase sa pahayag ni Ms. De Vera. Hindi ko maikakailang exciting talaga ang project ni ma’am. Ngunit binabagabag pa rin ako ni Janine. Parang may binabalak kasi siyang kalokohan. Ewan. “Josh, Janine, pasave naman ng number niyo dito sa cp ko para may communication tayo sa project.” Pag-abot sa akin ni Matt ng cellphone niya. Bigla namang kinuha ni Janine ang cellphone ni Matt at dali-daling sinave ang number niya. “Text mo ako, ha. Text mo rin SI JOSH, ha. Sinave ko na rin number niya para sa’yo.” Sabi niya. Napakamot na lang ako ng ulo sa inusal ni Janine. “Thanks, Janine hehe.” Ngiting pahayag ni Matt.

“OMG, guys! May naisip na akong idea for the presentation!” biglang sabi ni Janine sa amin. “Sige ano yun?” taka naming tanong ni Matt. Ngunit imbes na agad sagutin ang sagot naming ay binaling ni Janine ang tingin niya sa aming dalawa, at ngumisi na mapang-asar. Lalo tuloy akong kinabahan.

Hindi ko alam, pero parang kinabahan ako sa ideya ni Janine.

--

Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails