Followers

Thursday, June 27, 2013

The Yuppie Is My Papi 9




Pagkatapos na pagkatapos ng paPress Conference sa ShangRiLa ng Shu Eumura Philippines ay kaagad na inihatid ni Sir Benedict itong si Charito pauwi sa Condo nito habang sina Aling Celia't Jun-jun nama'y sumakay sa ipinapasadang taxi ni Mang Kardo at sumunod papunta sa Condo ng kanilang anak.
"Bakit namumula yang mga mata't ilong mo?" Ang hindi maiwasang tanong ni Charito sa nagdriDrive na si Sir Benedict dahil hindi na nakayanan pa ng dalaga ang katahimikan sa loob ng kotse nito.
Since nang umalis sila sa ShangRiLa'y wala silang naging kibuang dalawa nitong si Sir Benedict.
"Ano bang problema mo Kalbo?!" Ang naiinis na sambit muli ng dalaga nang hindi siya kinibo ng kausap.
"Ang daldal mo kasi!!!" Ang naiinis na sambit ni Sir Benedict.
"Bilib din naman ako sa'yo! Ako pa ang sinisisi mo ha!!! Ni hindi ko pa nga alam kung bakit ganyan ang hitsura mo eh!" Ang hindi papatalong sambit naman ni Charito.
Medyo umiinit na din ang ulo ng dalaga dahil imbis na makapagEmote siya sa Dilema niya kay Eric ay nakikisabay pa sa kaniya itong si Sir Benedict.
Naisin man nitong si Charito na balewalain ang anak ng kaniyang amo'y hindi naman niya ito matiis at kahit siya'y napansin na din ang pananamlay nito noong mga nagdaang mga araw.
"Bakit hindi ka na nang-aasar ha?!" Ang tanong muli ng dalaga kay Sir Benedict dahil nasanay na kasi ang dalaga na makarinig ng pang-aalaska at pang-aasar mula dito.
Kahit mahirap tanggapin ay batid ng dalaga na hindi nabubuo ang kaniyang araw kung hindi sila nag-aasaran ng anak ng kaniyang amo.
"Puwede bang tumahimik ka na lang...PLEEEASEEE!!!" Ang pagmamaka-awa ni Sir Benedict na ikinagulat naman ni Charito.
Now lang na narinig ng dalaga na magPlease sa kaniya si Sir Benedict at doon na siya biglang naConcern dito.
"Honestly speaking..." Ang maarteng pag-uumpisa ni Chai at kahit na alam niyang may possibility na hindi siya pakinggan nitong si Sir Benedict ay nagDecide na lamang siya na magSpeech kaysa naman mabingi siya sa katahimikan nilang dalawa sa loob ng Kotse.
"To tell you the Truth Kalbo..."
"Please naman ChaRitz..."
"Listen to me Kalbo... Ehem..." Ang muling introduction ng dalaga.
"Hindi naman ako mag-aaksaya ng laway kung hindi ako concern sa iyo..." Ang mahinahong sambit ng dalaga at pagkatapos ay nagStop muna siya sa kaniyang speech upang tignan kung magreReact pa din itong si Sir Benedict.
Nakitaan naman niya kaagad ang mukha ni Sir Benedict ng pagSurrender kaya nama'y nagInhale and exhale ulit siya upang magpatuloy ngunit naunahan siyang magsalita nito.
"May sinabi ding ganyan sa akin si Dennis..." Ang mahinang usal naman ni Sir Benedict habang nagpapatuloy ito sa pagdriDrive na ikinatahimik naman ni Charito.
"Si Dennis... Problema mo ba si Dennis? Yung K-A-I-B-I-G-A-N mo???" Ang pag-uulit ni Charito at talagang binigyan ng dalaga ng emphasis ang word na 'Kaibigan' upang maConfirm na nga niya ang kaniyang kutob sa dalawa.
"Pareho lang tayo ng Problema ChaRitz..." Ang sambit kaagad ng malungkot na si Sir Benedict.
"STOP CALLING ME THAT NAME!!!" Ang maarteng sambit naman ng dalaga at kahit na naisin mang maglulundag niya sa tuwa dahil tama nga ang kutob niya sa kalansahan ng dalawa'y nagpigil siya dahil sa pagiging serious nitng si Sir Benedict.
"Let me speak first..." Ang maarte't muling usal ng dalaga.
"First of all eh hindi tayo magkatulad ng problema ano!!!
Hindi naman kita pupuwedeng iSnob-in at may pinagsamahan tayo..."
"Parang bumait ka ata?" Ang hindi makapaniwalang tanong kaagad ni Sir Benedict sa dalaga ngunit hindi na ito pinansin pa ni Charito.
"May pinagsamahan tayo Kalbo... And I don't like to see you na nagkakaganyan ka!
Hindi sa'yo bagay kaya!!! Alam mo bang dati eh kinaiinisan ko ang mga Yuppies na katulad mo...
But now I Just realized na naging Yuppie na din pala ako and naProoved ko na pare-pareho lang pala tayong tao...
Nagkakaroon din ng problem...
Lalo na sa LoveLife..." Ang explain ni Charito at nakita niya na slight na nagSmile naman itong si Sir Benedict.
"Pareho lang tayo Kalbo... Namromroblema sa lalaki..." Ang nakangiting sambit muli ng dalaga.
"Tama..." Ang pag-agree naman ni Sir Benedict at unti-unti siyang nagLoosenUp ng mga sandaling iyon dahil parang may nahugot na tinik sa kaniyang lalamunan.
Matagal na kasing itinatago ni Sir Benedict ang pagiging bisexual niya because of his status at talaga namang natatakot siyang may ibang makaalam ng kaniyang Secret ngunit nang mga oras na iyo'y malaki ang naitulong ng pakikirama'y ng dalaga para sa kaniya.
"Hindi naman kasi kami mag-aaway ni Dennis kung hindi dahil sa iyo..." Ang next na sinambit ni Sir Benedict.
"WHAAAT???!!!" Ang gulat na reaction naman kaagad ni Charito sabay hampas niya sa braso ni Sir Benedict.
"Kailangan mo ba talagang ibuyangyang sa harapan ni Dennis na nakikipagFlirt ako sa FB?"
"Ha.... Ah... Eh... " Ang usal na lamang ng dalaga nang maalala niya ang incident.
"Ah... Kalbo... Nadulas lang ako at tootoo naman yung sinabi ko eh... Saka hindi ko naman kasi alam noon na may 'Something' kayong dalawa ni Dennis..."
"Nangyari na eh..." Ang talunang sambit naman ni Sir Benedict.
Kitang-kita ni Charito ang pagbagsak ng dalawang well defined na balikat nito't ang pag-Give up din sa facial expression nito.
"Alam mo bang may magagawa ka pa?"
"Ha... Ano???!!! Galit na galit sa akin si Dennis eh!" Ang gulat na tanong ni Sir Benedict.
"Tampuhan lang yan... Hindi maiiwasan yan... Why don't you say..." Ang hindi natapos na sentence ni Charito and this time ay si Sir Benedict naman ang nakapansin sa paglungkot bigla ng mukha ng maarteng dalaga.
"Anong sasabihin ko?" Ang ulit ni Sir Benedict dahil nabitin siya sa sentence ng dalaga and talagang pursigido siyang magkabalikan sila ni Dennis.
"Ahhhmmm... Kalbo..."
"Ano yun?" Tanong ni Sir Benedict. Nasanay na din ito sa dalagang tawagin siyang kalbo.
"Yun lang ba ang dahilan ng pagtatampuhan nyo?"
"Ha..."
"Ayoko ng ulitin..." Ang sambit ng dalaga.
"Meron pa..."
"Ano yun..."
"Kuwan kasi... eh... ah... Huwag nalang ChaRitz..."
"Sabihin mo na kasi Kalbo..."
"Hindi ko siya sinasabihan ng 'I Love You'... Kahit nag-a-'I Love You' siya sa Text or sa FB eh hindi ko niRereplyan ng 'I Love You Too'..."
"Eh sira ka naman pala eh..."
"Ang babaw ano?"
"Anong mababaw doon?!...
Ang pinakamasakit eh yung hindi sinusuklian ang pagmamahal mo...
Kahit labas sa ilong na 'I Love You' eh nakakapag-inspire kaya...
O kaya nama'y hindi mo ipinapakita na na-a-Appreciate yung mga ginagawa niya sayo..." Ang smart na sambit ni Charito dahil guilty din siya sa ganoong kasalanan kay Eric.
"Teka nga lang... Ano ba ang yung sinasabi mo kanina na dapat kong sabihin kay Dennis..." Ang balik tanong naman ni Sir Benedict sa dalaga.
"Ah... Eh... Yung ano..." Ang hindi madire-Direchong usal ng dalaga dahil naRealized niya na ito din ang dapat niyang sabihin kay Eric at alam niyang napakahirap nitong gawin.
"Ano ba yun..." Ani muli ni Sir Benedict.
"Say Sorry..." Ang malumanay na sagot ng dalaga and that moment eh sabay na nagSigh na lamang silang dalawa.
Batid nina Sir Benedict and Charito na madali itong sabihin ngunit mahirap gawin.
Alam din nilang kailangan nilang lunukin ang kanilang Pride kung manghihingi sila ng tawad sa kanilang atraso kung nais nilang maibalik muli sa kanilang buhay ang lalaking minamahal nila.

*********************

Kasama si Sir Benedict at ang kaniyang Family ay kinakabahang naghintay na lamang itong si Charito sa phone call ni Mrs. Chavez dahil bago sila umalis kanina sa ShangRiLa'y binilinan sila nito na ngayong araw din nila malalaman kung naging positive ang feedback ng kanilang ginawang paPress Conference.
"Tignan mo nga Jun-jun kung sino yung nagDoorBell." Ang utos ni Aling Celia sa anak nang may nagBuzz sa labas ng pinto ng condo unit at laking gulat nila nang pumasok itong si Mrs. Chavez.
"Ma... I thought you're going to give us a call?" Ang nagtatakang tanong agad ni Sir Benedict nang makita niya ang kaniyang Mommy.
"I decided na pumunta na lang dito..." Ang explain ni Mrs. Chavez sa kaniyang anak.
"By The Way Chai... Positive ang naging feedback sa iyo ng press... Good Job..." Ang next na masayang sinabi ni Mrs. Chavez sa dalaga na ikinangiti naman nina Mang Kardo't Aling Celia.
"Kaya next time eh ingat-ingat ka lang ha..." Ang next na ibinilin sa dalaga ng kaniyang amo.
"Yes Madam..." Ang reply naman ng Dalaga dito at laking pasasalamat din niya na nalusutan niya ang issue ng kaniyang pakikipagTong-its sa lamayan.
"Kaya lang may iba pang naging feedback... Medyo naCurious sila doon sa TriCycle Driver..." Ang next na binanggit naman ni Mrs. Chavez sa lahat.
"Ay naku Mommy don't mind the Press... Kapag may sumabog na namang balita eh matatabunan na yun... Hayaan nyo na sila..." Ang usal naman ni Sir Benedict.
"I hope so..." Ang nakaSmile na sambit lang ni Mrs. Chavez.
"Right now eh medyo magiging slight ang pagbabantay sa iyo ng media Chai... Kaya Again... Please be Careful palagi sa mga actions mo...
At ikaw naman Benedict... Dobleng ingat din... Bantayan mong mabuti si Chai hangga't hindi lumalamig ang issue..." Ang pagtatapos ni Mrs. Chavez na sinang-ayunan naman ng dalawa.
"Mister... Misis... Dito na lang muli si Chai ha... Hindi muna siya pupuwedeng magawi sa lugar ninyo hangga't hindi pa humuhupa ang issue niya at marami pa siyang Projects na nakaLine-up..." Ang sambit naman ni Mrs. Chavez sa mag-asawa.
"Naku huwag po kayong mag-alala at naiintindihan po naman namin..." Ang reply naman ni Aling Celia at pagkatapos ay mariin niyang niyakap itong si Chai upang magpaalam na din sila dahil medyo late na at may pasok pa nga kasi itong si Jun-jun kinabukasan.
Nag-paiwan na lamang itong si Sir Benedict sa Condo upang masigurong settled na ulit itong si Charito at bago siya tuluyang umalis ay kinausap muna niya ang dalaga.
"ChaRitz..."
"STOP CALLING ME THAT KASI!!!"
"Sabi mo may pinagsamahan tayo..."
"Yes! I said that! WHY???"
"Baka naman pwedeng humingi ng favor..."
"What kind of favor naman?"
"Ah... Eh... Kasi..." Ang nag-aalanganing usal ni Sir Benedict sa dalaga dahil kinakabahan siya at baka singilin na naman siya nito't magantsohan.
"Kuwan... Kasi eh... Samahan mo naman ako kina Dennis bukas ng umaga... Hihingi ako ng sorry..." Ang nahihiyang sambit ni Sir Benedict at walang pasabing niyakap kaagad siya ng dalaga.
"I'm so proud of you Kalbo!!! Magkano ang ibabayad mo sa akin?" Ang makapal na pagmumukhang sinabi kaagad ng tuwang-tuwang si Chai.
"SYET NAMAN! Di ba sinusuwelduhan ka na naman ng Company natin... Hindi na pangSalesLady ang sahod mo di ba..."
"JOKE LANG YUN KALBO... Ako din may hihinging favor..."
"Hindi ka na ba makatulong ng walang hinihinging kapalit..."
"Last na ito..."
"Ano yun..."
"Tulungan mo naman akong umisip ng magandang way para maSolve ko na din ang problem ko kay Eric..."
"Eh di MagSorry ka!"
"Nagtext na nga ako ng Sorry pero hindi siya nagreReply tapos ayaw namang sumagot kapag tinatawagan ko...
PLEEEEAAASEEE KALBOOOOO..." Ang paCute at maarteng usal naman ng dalaga.
"Sige... pero bukas back up ka sa akin ha... Kapag nagmatigas pa si Dennis..."
"Promise..." Ang nakaSmile na sambit naman ng dalaga sabay bigay niya ng smack sa cheek ni Sir Benedict.
"Huwag na huwag ka ding magkakamaling madulas kay Dennis na nagSex tayo..."
"Oo naman... Huwag mo ding sasabihin yan sa iba at ayokong malaman ni Eric..."
"Promise ha..."
"Oo... Promise..." Ang pagtatapos ng dalaga kay Sir Benedict at talaga namang hindi niya mapigilang maExcite dahil pakiramdam nitong si Charito na may Pag-asa siyang muli kay Eric.
Kung tutuusi'y napakababaw lang naman and very childish ang dahilan ng pagtatampo nitong si Eric sa kaniya subalit dahil mahal na mahal ni Charito ito'y siya naman ang manliligaw dito with the promised help of Sir Benedict.

*********************

Before 8:00am pa lang ay nakaPark na sina Sir Benedict at Charito sa harapan ng apartment nina Dennis at kahit medyo makulimlim at nagsusungit ang panahon ay tumuloy pa din sila at ngayon nga'y aligaga at medyo nagpaPanic itong si Sir Benedict dahil yun ang first time niyang manuyo sa isang nakatampuhang nakaRelationship niya.
Iba ang naging relationship niya kay Dennis at talaga namang minahal niya ito dahil wagas na wagas kung paano magmahal at mangalaga itong si Dennis at talaga namang naUpset itong si Sir Benedict nang magalit ito sa kaniya.
"Huwag na lang nating ituloy at baka wala sila dyan...
Wala yung Revo nung kasama niya sa Apartment eh...
Siya kasi ang nagdriDrive noon..." Ang panghihina ng loob nitong si Sir Benedict.
"SIRA!!! Sayang lang ang oras natin kung hindi natin itutuloy and nandito na tayo ano." Ang masungit na sambit naman ng dalaga.
"ChaRitz! SAAN KA PUPUNTA???!!!" Ang nabiglang usal ni Sir Benedict nang walang pasabing bumaba ang dalaga sa kaniyang kotse.
Wala nang nagawa pa itong si Sir Benedict bagkus ay lakas loob niyang sinundan ang dalaga.
"DYAN KA LANG!!! HUWAG KA MUNANG MAGPAKITA!!!" Ang mabangis na utos ni Charito nang akmang lalapitan na siya ni Sir Benedict.
Kaagad namang naGetz ni Sir Benedict ang nais na mangyari ni Charito kaya nama'y hinayaan na lamang niya ang wisyo nito.
"DENNIS!!! DENNIS!!!" Ang malakas na pagtawag ni Charito kasabay ng kaniyang pagdoDoorbell sa gate ng apartment at ilang seconds lang ay lumabas na itong si Dennis.
"CHAI!!!" Ang gulat na sambit kaagad ni Dennis nang makita niya itong si Charito.
"May sasabihin sa'yo si Sir Benedict kaya lang nahihiya eh..." Ang maarte't paCute with matching smiling face pa na sinabi ni Charito sa nagulat na si Dennis.
"Ayun siya oh..." Ang idinagdag pa nang dalaga sabay turo niya sa nakatayong si Sir Benedict.
Kaagad namang nagtama ang paningin nina Dennis at Sir Benedict at kitang-kita ito ng dalaga at on cue siyang nagsalita muli.
"Iyak nga ng iyak eh... Miss ka na daw niya..." Ang maarteng pahabol pa ng dalaga.
"TAKTE KA!!!" Ang malakas na sigaw ni Sir Benedict sa kaniyang isipan patungkol kay Charito dahil hindi niya alam na ibibenta pala siya nito ng buhay kay Dennis.
"MIND YOUR OWN BUSINESS!!!" Ang malakas na sigaw naman ni Charito sa dalawang kolehiyalang nasa sa kalye nang mapansin niya itong pinapanood sila.
"PASOK KAYO!!!" Ang nagpaPanic na sambit na lamang ni Dennis kasabay ng pamumula ng kaniyang mukha at mabilis niyang itinarangka ang gate at nang makapasok na sina Charito at Sir Benedict sa kaniyang apartment ay agad na isinira niya ang pintuan at ibinababa ang kurtina ng kanilang bintana.
Medyo nahiya kasi itong si Dennis doon sa dalawang kolekiyalang sinigawan ni Chai.
"SORRY DENNIS..." Ang biglang usal naman ni Sir Benedict sabay walang pasabing niyakap niya ng mahigpit si Dennis at hindi na mapigilang mapaluha nito habang paulit-ulit itong nagsoSorry.
Wala nang nagawa pa itong si Dennis at kaagad niyang siniuklian ng paghagod sa maskuladong likuran ng humikhikbing si Sir Benedict gamit ang isa niyang kamay.
"I LOVE YOU DENNIS... SORRY NA TALAGA..." Ang impit na sambit ni Sir Benedict habang lalo pa niyang hinihigpitan ang kaniyang pagkakayakap kay Dennis.
"Sorry na daw..." Ang pagSegunda mano nitong si Charito upang mailagay sa alanganing position itong si Dennis.
"Ha... Ah... Eh...
Sorry din Ben... Sorry din...
I love you too..." Ang sambit lamang ni Dennis at kaagad namang niyakap niya ng mahigpit itong si Sir Benedict.
"Alam mo bang mahal na mahal ka ni Kalbo kaya nagOut yan sa akin at nagpasama..." Ang usal naman ng dalaga upang siguruhing wala ng kawala itong si Dennis ng mga sandaling iyon.
"Talaga..." Ang hindi makapaniwalang tanong ni Dennis na tinuguhan na lamang ng nakangiting si Charito.
Matagal na kasing iniisip ni Dennis kung ano nga ba ang standing ng kanilang relationship ni Sir Benedict at talaga namang clueless na clueless siya kung seryoso nga ba ito sa kaniya dahil hindi niya kasi maramdaman na mahal siya ni Sir Benedict kahit na all out ang ipinakikita at ang ibinibigay niyang pagmamahal dito.
"Teka... MagKape muna kayo..." Ang nahihiyang sambit na lamang ni Dennis at lalo pang pumula ang mukha nito sabay kalas niya sa pagkakayakap sa kaniya ni Sir Benedict at mabilis siyang tumungo sa kusina.
Napangiti na lamang itong si Charito nang makita niyang sinundan ni Sir Benedict itong si Dennis sa kusina at lalong pumilya ang smile ng dalaga dahil alam niyang may malansang gagawin ang dalawa.
Nakangiting binuksan na lamang ni Charito ang TV sa salas at proud na proud siya ng mga sandaling iyon sa naging accomplishment niya at the start of the day ngunit mabilis ding nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya kung ano ang kasalukuyang live na ibini-Broadcast ng pinapapanood niyang Early Show sa TV.
"Nandito po ngayon tayo sa baranggay kung saan nakatira ang Shu Eumura Cosmetics Endorser na si Ritz Soler..." Ang sambit ng reporter sa TV na lalong ikinalaki pa ng mata ng dalaga.
"Matagal na kaming tumatawag sa gate ng bahay ng manliligaw ni Ritz kaya lang ay ayaw kaming labasin nitong si Eric...
"Si Eric ang tricycle driver na siyang binaggit ni Ritz sa kanilang Press Conference kahapon at nanliligaw itong si Eric dati sa kaniya ngunit hindi na nito itinuloy pa ang panliligaw nito nang naging sikat na itong si Ritz..." Ang pagtatapos ng reporter sa TV.
Kaagad na tinawagan ni Charito sa kaniyang fake na iPhone ang kaniyang Nanay Celia upang makibalita ngunit kahit ilang beses niyang tawagan ito'y hindi pa din ito sumasagot.
"Mamaya po ay kakapanayamin natin ang mga magulang ni Ritz upang malaman natin ang lahat-lahat at talaga namang marami ang gustong makaalam sa istorya nitong si Ms. Ritz Soler at marami talagang naaawa sa dalaga..." Ang pagpapatuloy ng Reporter.
Kitang-kita din ng dalaga sa TV ang kaniyang mga kapitbahay na kumakaway sa likod ng reporter at ang iba'y nagpupumilit na masali sa makukunan ng camera.
"Pero sa ngayon eh kakausapin muna natin ang ilan sa mga kapitbahay ni Ritz para magtanong-tanong..." Ang dagdag pa ng Reporter.
Halos kabahan ang dalaga sa kung ano ang sasabihin ng kaniyang mga kapitbahay at hindi talagang napigilang mapatayo nitong si Charito sa kaniyang kinauupuang sofa.
"Hay naku! Matagala nang nililigawan ni Eric yang si Chai este Ritz pala pero napakaarte talaga... Kawawa naman si Eric..." Ang ani ng labanderang kapitbahay ng dalaga na ikinalaki naman agad ng dalawang butas ng ilong ni Chai.
"Ang gwapo-gwapo at ang macho-macho ni Eric... Ewan ko ba naman dyan kay Ritz kung bakit hindi sinagot..."
"Napakabait talaga nyang si Eric at talagang pinagtiyagaan ang kaartehan ni Ritz... Ang itim-itim kaya dati nun..."
"Kung ako kay Eric noon eh hahanap na lang ako ng ibang babae at hindi na ako magtitiyagang sunduin si Ritz araw-araw para ihatid lang..."
Ang sunod-sunod na sambit ng mga kapitbahay ng dalaga na lalo pang nagpakulo sa dugo ni Charito at talaga namang ibinenta siya ng buhay ng mga iyon katulad sa ginawa niya kanina kay Sir Benedict.
"ERIC!!! AKO NA LANG ANG LIGAWAN MO AT SASAGUTIN KITA!!! AYAW NA NAMAN SAYO NI RITZ... AKIN KA NA LANG!!!" Ang malakas at malanding sambit ng isa pang babaeng kapitbahay ni Charito nang tinanong siya ng reporter at dito'y naputol ang pisi ng pasensya ng dalaga.
"KALBOOOOO!!!" Ang malakas at galit na pagtawag ni Charito kay Sir Benedict at agad namang pinuntahan siya nito.
"Bakit? Anyare?" Ang nagtatakang tanong ni Sir Benedict habang pinupunasan niya ng panyo ang kaniyang bibig.
Kasalukuyang nagli-Lips-to-Lips kasi sila nitong si Dennis sa kusina nang tumawag itong si Charito.
"MAARTE TALAGA YANG SI CHAI... RITZ SOLER... ANG ITIM-ITIM NAMAN NOON AT NAGMAMAGANDA... NAAAWA NGA TALAGA KAMI KAY ERIC..." Ang narinig ni Sir Benedict na sinabi ng isa sa mga kaToda ni Eric nang itapat ng reporter sa TV ang microphone dito.
Halos manlaki ang dalawang mata ni Sir Benedict nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari sa nakaLive Broadcast sa Telebisyon.
"Anong nangyari..." Ang clueless na tanong naman ni Dennis nang makalabas na ito sa kusina at makita niyang tutok na tutok ang dalawa niyang bisita sa harapan ng TV.
"Ako yung nagpost sa FB ng picture ni Chai sa Lamayan..." Ang bungad ni Mariz nang tinapatan siya ng reporter.
"Kaibigan mo ba si Chai o Ritz Soler..." Tanong ng reporter.
"Kaibigan ko yun... Si Chai pa... Mabait yun..." Ang sambit naman ni Mariz na ikinatuwa ng slight ni Charito dahil may isa siyang kapitbahay na nagsabi ng maganda tungkol sa kaniya.
"Chai kung nanonood ka eh ibalato mo na lang sa akin si Eric at ako na ang bahala sa kaniya...
Binasted mo na naman siya dati diba... Akin na lang siya...." Ang malanding pagpapatuloy ni Mariz sa harap ng camera na lalo pang ikinainis at ikinaWating ni Charito.
"SAMAHAN NYO AKO SA AMIN!!!
MANGANGATAY AKO NG MGA MALALANDI!!!" Ang galit na galit na sambit ni Charito kina Sir Benedict at Dennis habang nagdadabog itong lumabas ng bahay.
"Sama ka!" Ang anyaya ng nakangiting si Sir Benedict sabay hawak niya sa isang kamay ni Dennis.
"Ha???" Ang gulat na tanong naman ni Dennis.
"Mukhang masaya ngayon doon..." Ang nakangising reply lang ni Sir Benedict sabay patay niya ng TV.
Tahimik lamang itong si Dennis na nakaupo sa backseat ng sasakyan habang itong si Sir Benedict naman ay pangisi-ngising nagdriDrive dahil sa pagiging excited nito at kitang-kita niya sa pagmumukha't hitsura ng pagbabadya ng katabing dalaga.
Halos sumasabay ang pagkulimlim at lalo pang pagsungit ng panahon sa hindi maipinta't galit na pagmumukha ni Charito at habang papalapit na sila sa kanilang baranggay ay lalong kumukulot ang buhok nito at talaga namang nakahanda ang dalaga na ipakitang siya lamang ang babaeng magiging laman lamang sa puso ng Tricycle driver na si Eric.






See You Sa Finale

9 comments:

  1. made my night manong.. i really enjoyed it! hahaha ayun oh besprends na ang kalbo at ang negra.. ^_^V sayo din pala yung undercover? babasahin ko din yun sa susunod.. 2 thumbs up manong.. ending na pala ang susunod.. habaan mo ha.. para simut-sarap sa pagbabasa.. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. ALam mo To... Nagkakaroon ng isang silent understanding and good terms ang dalawang tao kapag nagSex... 80-90% Possibility :)))

      Delete
  2. Aminan lang hehehe... Haiiissssttt finale na pala ang kasunod nito ayyyyyyyyyyy nasasad akoooo :-(

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll finish na This one Kuya Pj para dahil nakahanda na si Ponse sa CHILLIGZ Serye Installment niya After ng 'Ang RnB' ... :)))

      Delete
  3. ang saya-saya at ang ganda... = paolo miguel =

    ReplyDelete
  4. ang saya-saya at ang ganda... = paolo miguel =

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch sa pagbasa't pag-comment Kuya Paolo... See You Sa Finale :)))

      Delete
  5. ay bakit naman the end na agad.....dapat may book two yan Kuya Ponse kundi pupunta ako sa Senado para magprotesta heheheh

    ReplyDelete
  6. Saya ng kuwentong ito..pwedeng movie ni sarah geronimo..romcom ang dating

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails