Followers

Sunday, June 2, 2013

The Yuppie Is My Papi 5





Habang nag-aagahan ang buo nilang pamilya'y hindi talaga maiwasang magkaroon ng labis na  pagtataka itong sina Aling Celia at Mang Kardo sa ikinikilos ng kanilang anak na si Charito dahil tahimik lamang ito't nagha-Hum ng kanta habang binabasa ang Inquirer Broadsheet na palaging ipinabibili nito sa bunsong kapatid na si Jun-jun.
"Alis na po ako!" Ang masayang paalam ni Jun-jun sa lahat upang pumasok na.
"Hindi ka ba manghihingi ng baon?" Ang biglang tanong ni Charito sa kapatid na siyang ikinagulat naman ng mag-asawa.
"May baon pa ako Ate."
"Talagang hindi ka hihingi?"
"Bakit Ate Chai, Bibigyan mo ba ako pagnanghingi ako?" Ang nagtatakang tanong ni Jun-jun sa kapatid.
"Kiss mo muna ang Ate!" Ang masayang sambit kaagad ni Charito sabay turo niya sa kaniyang Pisngi. Agad naman siyang binigyan ng isang smack ni Jun-jun at pagkatapos ay inabutan kaagad ni Charito ng pera ang kapatid.
"WOW ATE! BIGTIME!!!" Ang sambulat ni Jun-jun nang makitang P100.00 Bills ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang ate. Lalong ikinagulat ito ng kanilang mga Parents.
"BYE ATE! BYA NAY! BYE TAY!" Ang masayang paalam muli ni Jun-jun sa kanilang tatlo pagkatapos nitong iHug at iKiss silang muli.
"Good Mood ka ata anak?" Ang hindi mapigilang tanong ni Aling Celia kay Charito.
"NAMAN MOMMY! HIHIHI!!! SINABI NYO PA PO!!!" ANg humahalakhak na sagot naman ni Charito.
Good mood na good mood talaga itong si Charito dahil nga'y nagantsohan niya kahapon ng P1,500.00 ang preskong si Sir Benedict at naisahan pa niya ito sa FB ngunit ang pinakanagpaganda sa umaga nitong si Charito'y para siyang naPromote sa trabaho nang ginawa siyang personal assistant and secretary ni Mrs. Chavez, Ang isa sa mga bigatin ng Shu Eumura Philippines na siyan Mommy din ni Sir Benedict.
"Pahatid naman ako Daddy!" Ang sunod na sambit ni Charito kay Mang Kardo sabay tayo nito sa Mesa't abot ng P300.00 sa kaniyang Nanay Celia.
"Tabi mo na lang yan Chai!" Ang pagtanggi kaagad ng ni Aling Celia sa anak.
"Balato ko lang yan sa inyo Mommy!" Ang sambit naman ni Chai at hindi na niya pinansin ang pagsasauli ng ina sa iniabot niyang pera.
"Daddy Let's go na! I don't want to be late!" Ang maarteng pagtawag ni Charito sa kaniyang Tatay Kardo. Nangiti na lamang ang mag-asawa dahil kahit sila'y nahawa sa pagkaGood Mood ng kanilang anak.
"Hi Eric!" Ang sweet na sweet namang sinabi ni Charito sa kaniyang Manliligaw na tricycle driver nang mapansin niyang nakasilip ito sa kanilang bintana.
"Good Morning Chai! Good Mood ka ata?" Ang bati naman ni Eric. Laking tuwa naman kasi nito dahil ang akala niya'y masusungitan na naman siya nito.
"Hatid na kita sa kanto?" Ang invitation ni Eric kat Chai.
"Magpapahatid ako kay Daddy eh!"
"Sunduin na lang kita mamaya sa kanto?"
"Sure!" Ang nakangiting sagot kaagad ni Charito kay Eric na talaga namang ikinasiya ng isa.
"Kardo... Tanungin mo nga yang anak natin kung bakit masaya siya ngayon." Ang utos ni Aling Celia sa kaniyang asawa dahil talaga namang naCurious siya dito ng bigtime.
"Sige... Akong bahala." Ang pagsang-ayon naman ni Mang Kardo sa asawa't pagkatapos ay sumunod na siya kay Charito na lumabas ng bahay.

***************************

"Bakit masaya ka ata?" Ang hindi mapigilang tanong din ni Mang Kardo sa anak habang nagdriDrive siya papuntang SM San Lazaro.
"Halata po ba Daddy?!" Ang masayang sambit naman ni Charito.
"Kanina pa kami nagtataka ng Nanay mo kasi."
"Basta Daddy! Baka kasi maudlot pag sinabi ko po sa inyo!"
Hindi na nangulit pa itong si Mang Kardo't nagpatuloy na lamang siya sa pagdriDrive at sinamantala ang pagiging Good Mood nitong si Charito dahil last time ay talaga namang bad trip na bad trip ang kaniyang anak. Nag enjoy na lamang itong si Mang Kardo sa payapa niyang paghahatid sa kaniyang anak sa SM San Lazaro.
"Ano ito?" Ang nagulat na tanong ni Mang Kardo sa Anak nang inabutan siya nito ng P300.00
"Bayad ko!"
"Tabi mo na lang yan anak."
"Hay naku Daddy! Just keep it! Okay? iDate n'yo na lang si Mommy!" Ang mabilis na sagot ni Charito sabay labas sa taxi at karipas ng lakad papalayo upang hindi na makatanggi pa ang kaniyang tatay sa perang iniabot niya.
"Kaawaan ka ng Diyos Chai." Ang masayang sambit ng Tatay ni Charito.
NapaSmile na lamang at napailing si Mang Kardo sa iniasal ng anak at pagkatapos ay masaya na siyang byumahe para mamasada na.

***************************

Wala pang ilang minuto nang makapuwesto na si Charito sa kanilang Station  sa SM Department Store ay agad siyang nagInternet gamit ang kaniyang fake na iPhone upang makapagyabang sa FB.
"PROMOTION! WHAT A WORD!" Ang naisip ni Charito na kaniyang ilalagay sa status ng kaniyang FB para mapansin siya't maging curious sa kaniya ang mga gwapo't mga poser niyang kaFB.
"Wow ha! Daming notification!" Ang gulat na nasambit ni Charito nang makaLog-in na siya sa kaniyang FB.
Unti-unting nanlaki ang dalawang mata ni Charito habang binabasa niya ang kaniyang status na nagkaroon ng 47 and counting na likes at halos magimbal siya sa mga iilang mga comments na nakalagay sa kaniyang status.
"Ang landi mo..."
"Pano ba yan... Buntis ka na't hindi ka na makakalandi..."
"Puta..."
"Akin ang batik-batik..."
"Flirt..."
"CONGRATZ..."
"Kunin mo akong ninong..." At iba pang mga negative and positive comments.
Hindi na pinalampas ni Charito ang 2 secs at kaagad niyang binura ang Status na pinagkaguluhan at pinagpiyestahan ng kaniyang mga kaFB. Labis ang ipinagtaka ni Charito dahil nakapost ang status na iyon kahapon at 100% siyang nakakasiguro sa kaniyang sarili na hindi siya nakapagFB kagabi dahil ang FB ni Sir Benedict ang pinagkaabalahan niya bago siya matulog.
"POTEK!!!" Ang malakas na nasambit ng galit na galit na si Charito nang maalala niyang nagFB pala siya gamit ang laptop ni Sir Benedict at hindi siya nakaPagLog-out kahapon dahil na overwhelmed siya't naging busy dahil sa pagbisita ni Mrs. Chavez kagahapon.
"Kamusta na Chai?!" Ang biglang sambit ni Sir Benedict kay Charito out of nowhere.
"AY KALBO!!!" Ang gulat namang usal ng SalesLady na soon to be personnal assistant/secretary.
"Kamusta ang FB mo?" Ang nakangising isinunod ulit ni Sir Benedict kay Charito habang tinitignan niya ng diretcho sa mata ang saleslady. NakapagLog-in na din si Sir Benedict sa kaniyang FB at nakita na din niya ang current status niya sa FB na pinagpiyestahan din.
"ANG SALBAHE MO!" Ang usal ni Charito sa kaniyang boss. Nagpapasalamat din naman itong si Charito at dummy and secret account lamang ang niya ang napagTripan ng kaniyang Boss.
"Sino kaya sa atin ang salbahe?" Ang nang-iinis na sambit naman ni Sir Benedict at talaga namang pinatatamaan niya itong si Charito.
"CHE!!!" Ang masungit na reaction na lamang ni Charito kay Sir Benedict sabay irap niya dito dahil wala din naman siyang explanation at guilty din naman siya sa kaniyang ginawa sa FB ng kaniyang Boss. Nangiti na lamang itong si Sir Benedict.
"By the way. Pupuntahan natin si Mommy sa Main Office sa Ortigaz before lunch." Ang cool na cool na sinabi ni Sir Benedict kay Charito.
"Good morning sir Benedict!" Ang masayang bati ni Myles sa kanilang Boss nang dumating na ito sa kanilang Station.
"Hi." Ang paCute namang greet ni Sir Benedict kay Miles na ikinaasar pang lalo ni Charito. Mas lalong naasar pa itong si Charito dahil kitang-kita niyang sumimple itong si Miles na tignan ang bukol sa harapan ng sure fit na slacks na suot ni Sir Benedict.
"Good morning Sir Benedict!" Ang sunod na bumating si Gwen. Kasabay niyang dumating sa Shu Eumura station ang Manager na si Sir Jerry.
"Good morning Sir Benedict! Dito na nakaAssign sa Shu Eumura si Gwen dahil bigtime na ang isa diyan!" Ang bati naman ng pamintang si Sir Jerry sa lahat. Hindi mapigilan nitong si Charitong mapaSmile.
"Iwan ko muna kayo. Chai... Later." Ang paalam ni Sir Benedict sa kaniyang mga staff para pumunta na ito sa kaniyang office. Hinintay muna ng apat na makalayo na si Benedict bago sila nagChikahan.
"MARE!!! CONGRATZ!!!" Ang masayang sambit ni Sir Jerry kay Charito.
"MangLibre ka naman Day!" Ang tukso naman ni Myles kay Charito.
"Tsk! Ikaw na Chai!" Ang bati naman ng ex-Cover Girl na Shu Eumura Sales Lady na ngayon na si Gwen.
"No Problem! Pag nagsweldo ako ng sweldo ng isang personnal assistant and secretary!" Ang mayabang namang sambit ni Charito sa lahat.
Buong umaga'y yun lamang ang pinag-uusapan ng tatlong saleslady sa kanilang station at talaga namang hindi sila makapaniwala sa unexpected turn of events na nangyari sa kanilang kasamahan. Everybody was happy for Charito dahil alam and kilala nila ang working ethics nito but they did'nt have any clue kung paano ito maglandi Online.
"O siya papaano Guys! Pupuntahan namin ni Sir Benedict ang magiging bago kong Boss!" Ang malanding paalam ni Charito.
"Balitaan mo kami Day!" Ang sagot naman ni Myles.
"TAKTE! Hindi ba mawawala sa vocabulary mo ang word na 'Day'?!" Ang naiinis na sambit naman ni Charito na ikinatawa naman ni Gwen.
"Sorry naman Gurl!" Ang natatawang sambit naman ni Myles na talagan namang napakatigas ng diction sa pagiging Bisaya nito.
"Balitaan mo kami!" Ang pahabol ni Gwen kay Charito nang umalis na ito at para puntahan na si Sir Benedict. Maarteng kinawayan na lamang sila nitong si Charito na siyang lalo pa nilang ikinangiti.

***************************

Halos mabingi na sa katahimikan ang loob ng sasakyan ni Sir Benedict habang binabagtas ng dalawa ang EDSA patungong Main Office ng Shu Eumura Philippines. Nagpapakiramdaman itong sina Sir Benedict at Charito sa loob ng Kotse at hindi nila maiwasang palihim na sulyapan sa gilid ng kanilang mga mata ang isa't-isa. Alam kasi nilang dalawa ang kalokohang ginagawa ng bawat isa sa FB.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Ang hindi na mapigilang pagtatanong ni Charito kay Sir Benedict dahil kanina pa niya ito nakikitaan ng pagkaloko-lokong ngisi.
"Wala lang..."
"Anong wala! Kanina kapa pangisi-ngisi!"
"Pinagmasdan mo ba ako?" Ang preskong sambit naman ni Sir Benedict na ikinalaki ng butas ng ilong ng isa.
"Hindi kasi ako makapaniwala na sa ganyang hitsura mo eh madami kang nilolokong babae sa FB!" Ang mataray na sambit ni Charito.
"Ano bang hisura ko?" Ang sambit naman agad ni Sir Benedict kay Charito. Hindi na niya napigilang matawa dahil isang compliment iyon para sa kaniya.
"CHE!!!" Ang muling iniusal ni Charito sa anak ng kaniyang magiging bagong boss dahil wala na naman siyang maisagot dito.
"Bakit ikaw? Ang dami mo ding niloloko ha?" Ang ganti naman ni Sir Benedict kay Charito.
"Sila ang nagpiPM sa akin!" Ang mataray na sagot ni Chai.
"Kasi nga eh nagagandahan sa DP mo! HA HA HA!!!" Ang outburst ni Sir Benedict kay Charito na talaga namang ikinahiya ng isa. Si Sir Benedict lang ang nakakaalam kasi ng secret ni Charito.
"May Araw ka din sa aking Kalbo ka!" Ang promise ni Charito sa kaniyang sarili't pikon na pikon na talaga siya kay Sir Benedict.
"Libre ka naman ng Lunch! Alam kong madami kang Pera at nakaGantso ka ng P1,500.00 kahapon." Ang usal ulit ni Sir Benedict kay Charito.
"EXCUSE ME KALBO! Pinagtrabahuhan ko ang P1,500.00 na binayad mo sa akin! TAMAD KA KASI AT PURO LAKWATSA!!!" Ang usal naman ni Charito. Hindi na kumibo itong si Sir Benedict sa sinabi ni Charito bagkus ay ngumiti na lamang siya at kaagad na niliko niya ang kaniyang kotse nang makakita siya ng Max Restaurant upang makapagLunch muna sila bago pumuntang Main Office ng Shu Eumura Philippines.

***************************

Tahimik lamang na nakaupo sa Lobby itong si Charito dahil iniwan muna siya ni Sir Benedict dito upang ayusin ang kaniyang magiging I.D.
Hindi naman makapaniwala itong si Charito dahil ang akala niya talaga'y magiging KKB silang dalawa ni Sir Benedict kanina sa Max pero ginamit nitong si Sir Benedict ang Visa Gold nito para bayaran ang nakain nila.
Hindi rin maiwasang pagmasdan ni Charito ang mga Yuppies na labas pasok at naglalakad sa Lobby ng Office ng Shu Eumura Philippines at talaga namang naunsyami siya sa kayabangan ng mga ito.
Medyo nagiti naman itong si Charito dahil hindi naman pahuhuli ang kaniyang get-up sa mga suot ng mga Yuppies. Hindi siya mapagkakamalang isang saleslady sa kaniyang suot na uniporme dahil posturang-postura siya't nakatulong ang paghawak niya sa kaniyang fake na StarBucks na Mug and sa kaniyang fake na iPhone.
"Hi Miss." Ang bati nang isang maganda't maputing babaeng may hawak na folder nang lumapit ito kay Charito.
"Hello." Ang reply naman ni Charito sa dalaga.  Alam kaagad ni Charitong isa itong secretary dahil sa ayos ng dalaga.
"Kayo po ba si Ms. Charito Solitas?"
"Yes that's me. You can call me Chai."
"Tara na po at pinatatawag na kayo ni Mrs. Chavez sa conference room." Ang pag-aya ng secretary kay Charito kasabay ng pagbibigay niya ng visitor's pass dito.
Full of confidence na sumunod itong si Charito sa Secretary at hindi niya maiwasang ma-Insecure sa pagiging Mestiza ng dalaga. NagSmirk na lamang itong si Charito due to the fact na mas maayos and mas maporma pa siya kaysa sa Secretary. NakaFlat Shoes lang kasi ito compare sa suot niyang 4" na fake na Alexander McQueen na designer stilettos.
"On Going ang meeting at presentation kaya quiet lang tayo. Ako nga pala si Marie. Secretary ako ni Sir Benedict" Ang pagpapakilala ng Secretary kay Charito bago sila pumasok sa loob ng conference room.
"Nice to meet you. Malas mo naman at yun pa ang naging Boss mo!" Ang sagot lamang ni Chai at sabay na silang pumasok ni Marie sa Conference room. Kahit na nagtatagalog na si Marie ay English pa din ang sinasagot ni Charito.
"Mabait si Sir Benedict." Ang pagtatanggol ni Marie sa kaniyang amo.
"Kaya pala naglalakwatsa ito at pinagagawa sayo ang lahat ng kaniyang trabaho." Ang hindi mapigilang sambit ni Charito sa dalaga. Natawa na lamang si Marie dahil totoo naman ang sinasabi nitong si Charito sa kaniya.
Hinawakan ni Marie ang wrist ni Charito at tahimik siyang hinila nito papunta sa kinauupuan ni Mrs. Chavez.
"Ano ba yan! Hindi man lang magLotion! Natrabaho ka pa dito!" Ang natatawang panlalait ni Charito sa kamay sa Secretary nang maramdaman niya ang pagkagaspang ng palad nito dahil sa kalyo.
Nakita kaagad ni Charito si Mrs. Chaves at nagulat siya sa ayos nito.
Unlike sa ayos nito kahapon nang dumalaw ito sa kanilang Branch sa SM San Lazaro ay mahahalata sa unang tingin ay isang bigating may Position sa Company ang get up ngayon ni Mrs. Chavez. Napansin din ni Charito na kasama din sa meetingang anak nitong si Sir Benedict at inirapan talaga niya ito nang ngumisi ito sa kaniya.
"Mrs. Chavez, Eto na po si Chai." Ang bulong ni Marie sa Mommy ni Sir Benedict.
"Upo ka na Chai." Ang sambit naman ni Marie kay Chai sabay bigay niya ng upuan dito at pagkatapos ay umalis na ito upang puntahan naman si Sir Benedict upang umupo sa tabi nito.
Inobserbahan muna ni Chai ang mga tao na nakaupo sa Conference room at talaga namang napalunok siya nang maramdaman niya ang mga bigating Aura ng mga ito at isip-isip ni Charito'y talaga namang mapapasubo siya sa mga taong makakaharap niya sa bago niyang Environment.
NagInhale at Exhale muna si Charito upang kumalma't hindi niya maiwasang maging nervous sa loob nang conference room at nang maging kalmado na siya'y saka niya itinuon ang kaniyang full attention sa sinasabi ng nagprePresent.
Nanlaki ang mga mata ni Charito't bumukas pang lalo ang kaniyang dalawang tainga nang may narinig siyang interesante sa sinasabi ng nagPrepresent.
"Uhhhrrmmppp..." Ang malakas na impit na biglang pagtawa ni Sir Benedict na siyang ikinagulat ng lahat. Pinagmamasdan niya kasi itong si Charito at inaabangan nito kung ano ang magiging reaction nito sa Presentation at hindi naman nagkamali itong si Sir Benedict sa naging reaction nitong si Charito.
"May nakakatawa ba?" Ang seryosong tanong ni Mrs. Chaves sa anak.
"Wala Ma..." Ang nahihiyang sambit ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy. Tinignan lang siya ng masama ng Mommy niya at ni Charito.
"Sige na... Continue your presentation about our new "Whitening Product"..." Ang utos ni Mrs. Chavez sa nagprePresent.
Muling inirapan ulit ni Charito itong si Sir Benedict nang nginisian na naman siya nito bago niya muling ibinigay ang kaniyang full attention sa naudlot na presentation.
Hindi maiwasang mangiti ni Charito sa Presentation dahil bilib na bilib siya sa bagong Whitening Product ng Shu Eumura. Kung gaano ka-Intense ang pakikinig ni Charito sa Presentation ay ganoon din naman kaConcentrate itong si Sir Benedict sa panood kay Charito. Aliw na aliw talaga ang kalbong executive na makitang napakaDesperada nitong si Charito na pumuti.
"Maganda yan kaya lang nagdadalawang isip ako kung ilalabas and i-oOffer na ba agad natin yan sa local Market." Ang nasambit ni Mrs. Chavez sa Presentor nang matapos ito.
"Dito lang ba yan sa Philippines?" Ang sunod na tanong naman ng isa pang executive.
"Lumabas na din po ito sa Japan pero hindi po naging mabenta. Ang target po talaga eh sa Philippines, Indonesia and Malaysia po iFull force ang endorsement ng New Whitening Product natin." Ang explain ng Presentor.
"Hindi na kailangan ng mga Japanese ang Whitening Products at likas na silang mapuputi. Tama ka... Madaming nangangailangang magpaputi dito sa Pinas." Ang nakangising sambit naman ni Sir Benedict kasabay ng pagtinggin niya kay Charito. Hindi iyon pinansin ni Chai at nakatuon pa din ang kaniyang pansin sa mga Bote ng Whitening Products ng Shu Eumura na nasa harapan nila.
"Siguro kailangan natin ng Model sa Product na iyan." Ang suggestion naman ng isang executive.
"Chai, tinatandaan mo ba ang lahat ng napag-uusapan?" Ang bulong ni Mrs. Chavez kay Charito ngunit hindi siya nakakuha ng reply sa kaniyang secretary.
Pinagmasdan ni Mrs. Chavez ang kaniyang Secretary at hindi niya mapigilang mangiti nang makita niyang nakatulala ito sa mga Whitening Products na nasa kanilang harapan. Batid ni Mrs. Chavez ang matinding pagkaMorena nitong si Charito kaya naGets na niya agad kung bakit nakatulala ang kaniyang Secretary.
"May maganda akong Idea." Ang nakaSmile na sambit agad ni Mrs. Chavez na siya namang ikinaCurious ng lahat.

***************************

Mabilis na pinirmahan ng excited na si Charito ang kaniyang Contract na ibinigay sa kaniya ni Marie na labis namang ikinagulat ng mag-inang Mrs. Chavez at Sir Benedict.
"Iha... Binasa mo ba yung Contract?" Ang tanong ni Mrs. Chavez kay Charito.
"Naku Ma'am. There's no need na po at maganda ang pagkakaExplain naman ni Marie eh." Ang paCute na sagot ni Charito sa kaniyang amo at talaga namang hindi siya makapaniwala sa magandang nangyari sa kaniya.
Mrs. Chavez suggested kanina sa Board that they will launch na kaagad ang bagong Whitening Products ng Shu Eumura Philippines sa local Market kahit na walang endorser at ang gagawin nila ay ipapaTesting kay Charito ang kanilang product at gagawin nila itong Spoke Person sakaling mapaputi ito ng kanilang Product.
Mabilis pa sa alas kuwatrong pumayag naman itong si Charito kahit na All Out ang pagDiscourage sa kaniya ni Sir Benedict at talaga namang very Skeptical ito na kayang paputiin ng Shu Eumura itong si Charito.
"Uulitin ko iha... Ang Sweldo mo eh pangSecretary ko lamang at saka na lamang tayo mag-uusap kapag naging tagumpay ang idea natin." Ang pag-papaalala ni Mrs. Chavez sa kaniyang Secretary.
"Come on Ma... Pustahan tayo at hindi puputi itong si Chai!" Ang hamon naman ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
Walang pakialam itong si Charito sa eksena nitong si Sir Benedict dahil nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa sa kung anong nakalagay na mga informations sa Brochure ng Bago nilang Whitening Products.
Kahit na binilinan at nabasa ni Charito na hindi dapat pinagsasabay sa ibang Whitening products ang iinumin niya from Shu Eumura ay nagsinungaling siya na wala siyang iniinom na iba pang pampaputi.
"Want to bet on it?" Ang pagtanggap ng hamon naman ni Mrs. Chavez sa anak. Hindi naman nakasagot itong si Sir Benedict dahil takot din siya sa kaniyang Mommy at talagang sineseryoso nito ang mga naghahamon sa kaniya.
"Just forget about it Ma... I'm just saying na walang effect yan kay Chai." Ang talunang sambit na lamang ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
"Hindi mo pa nga nakikita ang result eh nagsasalita ka na ng tapos!" Ang hindi mapigilang sambit naman ni Charito kay Sir Benedict.
"P5,000.00 kapag pumuti ako!" Ang sunod na sambit ni Charito sa preskong si Sir Benedict.
"CALL!!!" Ang hindi papatalong sagot naman ni Sir Benedict.
"Mommy! Kayo ang Witness ni Marie!" Ang sunod namang sinambit ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy and sa kaniyang Secretary.
"Magsama kayong dalawa!" Ang sambit na lamang ni Mrs. Chavez at wala na siyang magawa pa sa mga ito.
"Marie, Can you brief Chai sa mga softwares natin at sa mga kailangan niyang gawin."
"Yes Ma'am." Ang magalang na sambit naman ni Marie kay Mrs. Chavez.
"Chai, Tomorrow ka na lang magStart magWork for me. Dito ka na dumirecho." Ang bilin naman ni Mrs. Chavez kay Charito bago nito iwan ang tatlo.
Walang pumapasok sa isipan ni Charito habang ibiniBrief siya ni Marie sa kaniyang trabaho dahil super Excited na talaga siya sa bagong Whitening Products na kaniyang iinumin.

***************************

"Good evening Chai! Sakay na!" Ang masayang bati ni Eric kay Chai nang makita niya ito sa kanto. Talagang inaabangan niya tong si Charito para sunduin at maihatid siya nito sa bahay.
"Good Evening din Eric!" Ang sweet na sambit naman ni Charito sa tricycle Driver bago siya sumakay sa TriCycle nito.
Masayang pinagDrive ni Eric si Charito pauwi sa kanila ngunit mas masaya itong si Charito.
"Lalo kang magkakandarapa sa akin pagPumuti na ako." Ang mayabang na nasabi ni Charito sa kaniyang isipan for Eric at talaga namang bilib na bilib siya sa Bagong Whitening Products ng Shu Eumura na nasa loob ngayon ng kaniyang Fake na CK na shoulder Bag.
"Magkape ka muna Eric." Ang imbita ni Charito kay Eric nang maihatid na siya nito sa kanila at hindi naman ito tinanggihan ng ruggedly handsome na tricycle driver.
Laking gulat talaga nina Mang Kardo't Aling Celia nang makita nilang pumasok sa bahay ang kanilang anak na kasama si Eric.
"Pagtimpla mo nga ng Coffee ang kuya Eric mo!" Ang utos ni Charito sa kaniyang kapatid na si Jun-jun na siya namang sinunod nito agad.
Tumagal ng isang oras ang pagkukuwentuhan nina Charito't Eric at kasama din nila sa usapan sina Mang Kardo't Aling Celia.
Pagkatapos na makaalis ni Eric ay agad na kinausap ni Aling Celia ang kaniyang anak upang magtanong dahil kanina pa siya nahihiwagaan sa pagiging maganda ng Mood nitong si Charito.
"Sinagot mo na ba si Eric?" Ang tanong ni Aling Celia sa anak.
"JUSKO NAMAN MOMMY! Saan mo naman nakuha ang ganyang idea?"
"Nagtatanong lang. Good mood ka kasi at pinatuloy mo pa dito si Eric!"
"Mommy naman! Masama ba ang pagkakaroon ko ng Good Mood? And saka nagmagandang loob lang naman ako kay Eric dahil lagi niya akong sinusundo!"
"Yun lang ba Chai?"
"Mommy naman! Hindi ko type si Eric ano!"

"Hanggang ligaw tingin na lang sya sa Beauty ko!!!"
"Sigurado ka ba anak? Bakit ang sweet mong makipag-usap sa kaniyan kanina?"
"Intregera ka Mommy! Masaya lang talaga ako?"
"Bakit ka nga masaya?"
"Secret! Para ka namang si Daddy! Basta walang kinalaman dito si Eric! PROMISE!" Ang masayang pagtatapos ni Charito sa kaniyang nanay kasabay ng pagbibigay niya ng beso-beso dito at kaagad na umakyat na siya sa kaniyang kuwarto.

***************************

Pagkatapos na magShower ni Charito gamit ang Likas Papaya Whitening Soap ay agad siyang nagLotion ng Block And White Ultima at pagkatapos ay ininom na niya ang kaniyang mga Whitening Pills.
2 Placenta 500mg Whitening Pills
500mg Viatmin C
And Lastly 3 dosages ng bagong Shu Eumura Whitening Pills...
Na dapat ay iniinom lang na walang kasamang iba pang whitening pills or tablets. Tinatlo na ni Charito ang intake niya nito para mas lalong tumalab at maging effective  at maging mabilis sa kaniya ang effect nito at tutal ay libre naman ito.
Agad na humiga itong si Charito sa kaniyang bed at hindi na niya nakuha pang magFB dahil sa sobrang pagod at excitement niya sa mga nangyari sa kaniya the whole day.

***************************

Pagewang-gewang itong si Charitong bumaba sa kusina upang uminom ng malamig na tubig dahil naalimpungatan siya dahil slight na nahihirapan siyang huminga.
After niyang makainom ng malamig na tubig ay naupo muna siya sa kusina dahil para bang nahihilo siya at nang medyo nakareko-Recover na siya'y tumayo agad siya upang umihi muna bago umakyat muli sa kaniyang kuwarto.
Kaagad na binuksan ni Charito ang ilaw sa loob ng banyo't nakapikit siyang Jumingle dahil antok na antok na siya't medyo nahilo muli siya. Pagkatapos niyang jumingle ay tinignan muna niya ang kaniyang Reflection sa mirror ng banyo.
Naging Routine na ni Charito na tignan ang kaniyang Reflection sa salamin bago siya lumabas ng banyo...
Kinusot-kusot muna ni Charito ang kaniyang mga mata at kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata upang tignan niya ang kaniyang mukha dahil nakakaramdam siya ng pangangapal sa kaniyang facial skin.
Napatulala itong si Charito kasabay ng pagkagising ng buo niyang ulirat nang makita niya ang kaniyang Reflection sa salamin...
.....
.....
.....
.....
.....
"EEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Ang malakas na tili at iyak ni Charito na nagpaGising sa kaniyang mga Parents at kapatid.

***************************

Hindi maipinta ang pagmumukha ni Mrs. Chavez habang nakaUpo siya sa Private Room na siya mismo ang kumuha para kay Charito.
Matapos na isinugod si Charito sa ER ng San Lazaro Hospital ay agad niyang tinawagan si Mrs. Chavez upang ipaalam dito ang nangyari sa kaniya.
"HU HU HU..." Ang malakas na iyak ng nakatalukbong na si Charito na siya lamang ang naririnig sa apat na sulok ng kaniyang room sa Hospital.
Walang masabi itong si Mrs. Chavez at itong sina Mang Kardo't Aling Celia sa nangyari kay Charito. Labis ang paghingi ng paumanhin naman ng mga magulang ni Charito kay Mrs. Chavez dahil sa malaking pag-abala nila dito.
"Hayaan nyo na ho Misis." Ang sambit ni Mrs. Chavez kay Aling Celia.
"Nangyari na ang nangyari... Ang mahalaga'y ligtas na ang anak ninyo. Kami na ang bahala sa Bills niya sa Hospital." Ang maikling paliwanang ni Mrs. Chavez sa nanay ni Charito.
"Pasensya na po talaga Ma'am. Desperada lang po talagang pumuti ang anak namin." Ang sambit naman ni Mang Kardo na nagpangiti kay Mrs. Chavez.
"WAAAAAHHHHH!!!" Ang mas lalo pang malakas na pag-iyak ni Charito nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang tatay.
"Mahiya ka naman Ate sa amo mo!" Ang saway naman ni Jun-jun sa kapatid.
Napangiti pang lalo itong si Mrs. Chavez dahil magiging isang leksyon ang nangyaring iyon kay Charito.
Wala ng nagawa itong si Charito kung di aminin na nito na may iniinom pa siyang iba products bukod sa Bagong Whitening Products na ibinigay sa kaniya ng Shu Eumura. Imbis na magalit itong si Mrs. Chavez ay lalo pa itong naaliw sa kaniyang Secretary.
"Narinig mo naman diba ang sinabi ng Doctor. Wala ka na sa peligro. Hinatayin mo na lamang makaRecover yang balat mo sa pamamaga." Ang nahihirapang sambit ni Mrs. Chavez. Pinipigilan niya kasing matawa sa mga sandaling iyon.
"Hindi ka pupuwedeng magdemanda't manghingi ng danyos dahil pumirma ka sa Contract!" Ang straight to the point na sinambit ni Mrs. Chavez sa umiiyak na si Charito. Nakatalukbong pa din ito ng kumot.
"Hindi po kami magdeDemanda Ma'am. Nagpapasalamat po talaga kami sa tulong na ibinigay ninyo." Ang mabilis na sambit kaagad ni Aling Celia sa Boss ni Charito.
"Magpasalamat ka kay Mrs. Chavez!" Ang utos naman ni Mang Kardo sa anak.
"Thank you po Ma'am... Hu hu hu!" Ang naiiyak na pagte-Thank You ni Charito sa amo.
"Two weeks lang naman ang sabi ng Doctor at magiging okay ka na." Ang pagpapakalma ni Mrs. Chavez kay Charito.
"Sana nga..." Ang dasal ni Charito't talaga namang natatakot siyang maging permanent na ang nangyari sa kaniyang skin.
TOK TOK TOK
"Baka ang anak o na iyan..." Ang sambit agad ni Mrs. Chavez nang marinig niya ang katok sa pinto na labis namang ikinaPanic ni Charito.
"Huwag nyo na pong papasukin Please!!!" Ang mabilis na pagmamakaawa ni Charito kay Mrs. Chavez dahil alam niyang aalaskahin lang siya ni Sir Benedict ngunit huli na ang lahat dahil nakapasok na ito sa kaniyang room.
"What happened?" Ang tanong kaagad ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
"Ma... Si Dennis... Kaibigan ko. He's a musician." Ang pagpapakilala sunod ni Sir Benedict sa kaniyang kasama nang mapagtuunan ito ng pansin ng kaniyang Mommy.
"Nasa Gimikan ka ng ganitong oras?" Ang tanong naman agad ni Mrs. Chavez sa anak.
"Actually pauwi na kami nang tumawag po kayo. Sinamahan lang po ako dito ni Dennis." Ang pagsisinungaling ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy. Ang totoo'y nagkape muna sila ni Dennis sa Starbucks para medyo mabawasan ang kanilang pagkalasing.
"Anyways... Nagkaroon ng allergic reaction si Chai sa Whitening Products natin dahil may iniinom pa pala itong ibang whitening pills bukod dun sa atin." Ang explain ni Mrs. Chavez sa anak. Hindi maiwasang mangiti naman ni Sir Benedict sa kaniyang narinig mula sa kaniyang Mommy.
"Patingin nga kung gaano kalala!" Ang nanunuksong sambit ni Sir Benedict habang lumalapit siya sa bed ng nakatalukbong na si Charito.
"GET OUT!!!" Ang naiinis na sambit ni Charito kay Sir Benedict.
"I need to see it since under ka pa sa akin at hindi pa kita naii-Turn over kay Mommy." Ang explain kaagad ni Sir Benedict. Pilit na itinatago ni Sir Benedict ang kaniyang pagiging excited at masayang makita kung ano ang hitsura nitong si Charito.
"Huwag ka na ngang maarte Chai! Alisin mo na ang talukbong mo!" Ang saway ni Aling Celia sa anak at labis na siyang nahihiya sa behavior nito.
"Hu hu hu..." Ang iyak naman ni Charito at wala na siyang nagawa pa habang dahan-dahang inaalis ni Sir Benedict ang hospital blanket na nakatalukbong sa kaniya.
Ipinikit ni Jun-jun ang kaniyang mga mata't ayaw niyang masilayan ang hitsura ng kaniyang ate habang sina Aling Celia't Mang Kardo at gayundin naman itong si Mrs. Chaves ay tumingin sa ibang direction upang hindi masilayan itong si Charito.
Natulala lamang si Sir Benedict nang mabungaran niya ang hitsura ng umiiyak na si Charito...
"Hu hu hu... Ano masaya ka na!" Ang galit na sambit ni Charito kay Sir Benedict habang hinihintay niya ang reaction nito sa kaniya.
Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Sir Benedict ang hitsura ni Charito...
Ang makakapal at namamaga nitong labi... mata... tainga at ilong...
Ang makapal at namamaga rin nitong balat sa braso... mukha... leeg...
Ang kulay maroon na pigmentation ng kulay ng balat ni Charito dulot ng pamamaga nito..
Ang balat ni Charito na maihahalintulad sa kaliskis ng isda...
"B-bu-buong K-ka-ka-katawan M-mo-mo B-ba-ba...???" Ang nauutal na sambit ni Sir Benedict sa deformed na si Carito. Pakiramdam ni Sir Benedict ay babaeng Siokoy ang kaharap niya ngayon.
"ANO PA NGA BA!!! WAAAHHHH!!!" Ang iyak ni Charito kay Sir Benedict.
"GWWWUUUUAAARRRRKKKKK!!!!" Ang narinig na lamang ng lahat ng nasa loob ng kuwarto mula kay Sir Benedict nang hindi nito mapigilang bumaligtad ang kaniyang sikmura't masuka dahil sa hitsura ng kaharap.
Agad namang nilapitan si Sir Benedict ng kaibigan nitong si Dennis at concerned na inalalayan ito papalayo sa kama ni Charito.
"Ilalabas ko lang po siya tita... Nakainom po si Ben..." Ang paalam ng nag-aalalang si Dennis kay Mrs. Chavez habang marahang hinihimas-himas nito ang likod ni Sir Benedict.
"Mas mabuti pa nga..." Ang sambit naman ni Mrs. Chavez kay Dennis.
"Ako din lalabas!" Agad na sambit ni Jun-jun at hindi din ito makatagal sa nakakatakot na hitsura ng kaniyang kapatid na mukhang syokoy at longganisa.
"Tatawag lang ako ng Janitor para linisin ang suka." Ang segway naman ni Mang Kardo at walang pasabing lumabas na din ito sa kuwarto. Kanina pa talaga gustong lumabas ni Mang Kardo at talaga namang hindi niya kayang tignan ang kaniyang Conyong anak.
Napasimangot na lamang sina Mrs. Chavez at Aing Celia sa ginawa ng mga boys at napapailing na lamang sila habang pinagmamasdan nila ang umiiyak na si Charito.





To Be Continued

33 comments:

  1. ayyyiieeee ang sweet ni Dennis at Benedict....... hahahahaha ang sexy ni Chai sa kanyang DP sa taas ha...bakat na bakat hahahah yun ba ang epekto ng overdose o dala dala rin nya ang sa nanay nya? hahahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Assuming ka naman Kuya PJ kina Sir Benedict and Dennis :))) NYAHAHAHA!!!

      Delete
    2. hindi no.... mas bagay parin si chai at benedict hehehehe.. ano lang sweet nila na magkaibigan hahahahaha

      Delete
    3. eh paano naman si Eric :))) NYAHAHAHA!!!

      Delete
    4. eh bahala na syang mamili doon sa mga kaibigan ni chai sa SM hahahaha

      Delete
  2. Chai isa ka ngang desperada...hehe. cute tlaga ng story. Thanks author

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch Kuya Randz :))) tignan mo ang Bago kong DP... Cute ano??? :)))

      Delete
  3. Ang dami kung tawa dito sa story na to...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch po sa pagbasa't pag-iwan ng Comment kuya Jims :)))

      GOD BLESS !!!

      Delete
  4. Ayyyyyeeeeeiiii! Kilig factor. I really like this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. On the next installment we shall see na Kuya Brilliance kung sino ba ang magkakaPartner :))) hahaha!!! :)))

      Delete
  5. waaaaaahhhhhhh... dami kong tawa pero Sir Ponce,wag nyo n pong masyadong pahirapan c chai... pwedeng majo iksian lng ang story ng hospital days n chai? tnx po...

    sana mkalabas agad cya ang hos[ital...

    well,d ko mapigilan ang tawa ko kay Sir Benedict. ang kulit. hahaha
    sana may pix cya. hehehe

    Tnx ulit Sir Ponce... hope na mabilis ang nxt update... sobrang nkakabitin kc eh. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa Part 4 ang DP ni Sir Benedict kuyang Anon :))) Lalabas na si Chai sa Hospital :))) Magsisimula na din ako sa mga twist ng Story :))) SInce nangangalahati na tayo :))) Hanggang part 10 lang din ito :)))

      Delete
  6. Kuya ponse galing heheh mgjowa??sila dennis at benedict

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung magkaroon ng lakas ng Loob si Dennis eh baka... may possibility din naman siya Kuya Russ at baka mangyari din sa kaniya ang nangyari sa kaniya sa 'Ang RnB' :)))

      Delete
  7. Nakakatuwa tong storya na to. Grabe halakhak ko sa chapter na to. Next chapter na po author at thank you! Hahaha

    -K

    ReplyDelete
    Replies
    1. ASAP K... :))) Excited na din si Ponse :))) NYAHAHAHA!!!

      Delete
  8. BWAHAHAHA! SOBRANG RIOT NETO! HANGG CUTEEE!

    ReplyDelete
    Replies
    1. See you kuya Gerald sa Part 6 :)))

      GOD BLESS!!!

      Delete
  9. Hahaha. HInanap ko lang talaga ang part na andun si Dennis. Hahaha. So, me Benedict na pala etong si Dennis. Hmmm. Kakaaliw naman neto.

    Ahrael

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll start na ang twist sa next chapter Jec since nangangalahati na tayo :)))

      Delete
  10. hala, yan kc matigas ang ulo at d nkikinig sa mga mas nkakaalam. magsilbing aral sa mga atribida ang nangyare! he he he. nice one ponse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Binabasa mo din pala ito Tito Robert :))) Salamuch sa pag-iwan ng Comment :)))

      Delete
  11. Hahaha desperada talaga itong pumuti c chai....

    Pero mas excited ako sa magiging takbo sa kwento ni Benedict at Dennis

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din Kuya Richie :))) Excited ako kung magiging palaban na ba ang Kuya Dennis mo :)))

      Delete
  12. Eh biglang pasok ng character ni Dennis. Sobrang epic ng chapter na 'to. Ang kulet lang. LOL!

    BTW, Mr. Ponse, we live lang pala in the same place (nakita ko po kase sa FB Account nyo). Grabe baka nakakasalubong na pala kita, hindi ko pa alam. Hahaha!

    --BOOM

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palagi akong nagbibilyar sa 1st Street :))) Tuwing thursday or friday ng gabi Boom :)))

      Madami akong tattoo :))) Sana nagPM ka sa akin para makita ni Ponse ang DP mo :)))

      Delete
    2. Malapit lang samin yun Mr. Ponse. Isang jeepney ride lang. Hope to see you soon! :)

      --BOOM

      Delete
    3. Nasa taat lang ng Paco Cemetery ang apartment ni Ponse :)))
      Palagi akong namamasyal sa Remedios Boom at namimili sa Japanese Grocery sa Malate :)))

      Delete
  13. Ayan ha, ewan ko na lang kung hindi pa kita matunton nyan. Hahaha!

    --BOOM

    ReplyDelete
    Replies
    1. Taga-Nakpil ako Mr. Boom. :)

      Delete
    2. Mr. Ponse pala. Pasensya, medyo pre-occupied lang.Hahahaha!

      --BOOM

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails