Edmund’s POV
Manipulative. Iyun ang isang salita na unang pumasok sa
utak ko matapos marinig ang buong kwento ni Gerard. Para magawa niya ang
kaniyang buong plano, kinailangan niyang magmanipula ng ilang mga tao hanggang
sa napalapit siya sa mga taong gusto niyang, tapusin. Sinabi niya na wala naman
siyang personal na galit sa pamilya na pinagsisilbihan niya, hanggang sa
napatay ng pamilyang ito ang pinakamamahal niya. Tsaka, hindi naman siya tatayo
lang at hayaan na masayang mabuhay ang pamilyang ito. At nagawa na niya.
“Nang nagawa mo na iyung paghihiganti mo, anong pakiramdam
mo?” naitanong ko.
Nilaro-laro ni Gerard ang straw at bahagyang ngumiti.
“Siyempre, masaya. At isa pa, dahil sa ginawa ko, may nailigtas akong buhay. At
habangbuhay na ang epektong iyun sa kaniya.”
Oo, alam kong para din kay Ren ang ginagawa niya. Kaya
lang, medyo nag-iba ang pagtingin ko sa kaniya. Napakasama niya. Pinatay niya
ang lahat sa pamilya.
“So, ano ang pakiramdam nung pati ang mga bata ay dinamay
mo?” muli kong tanong.
Hindi makapaniwala si Gerard sa mga sinabi ko at nanlaki
ang kaniyang mga mata.
“Siguro naman, isa o dalawa na kasapi sa buong pamilya nila
ay may mga anak na bata pa? Pinatay mo din ba sila?”
Ngumisi si Gerard. “Huwag kang mag-alala. Hindi pa sila
patay. Nakakulong lang naman sila sa isang pasilidad, na hinanda ko para sa
kanila.”
“Para patayin?” malamig na tanong ko.
“Hindi. Para mabuhay.”
Nagulat ako na may tinira siyang mga bata. Pero bakit?
“Aware naman ako na ang buong pamilya na pinatay ko ay may
mga anak na bata pa lang. Siguro, dalawa o tatlo sila. Pero hindi ko sila
dinamay dahil hindi naman dapat. Bata pa sila at kailangan naman siguro i-enjoy
nila ang buhay, pero sa ibang paraan na. Kahit na siguro ay, gusto na nilang
magpakamatay dahil sa isang madugong pangyayari na nasaksihan nila. At, alam mo
ba na ang mga magulang nila ay child trafficker?”
May isa pang bagay sana akong itatanong. Kaya lang,
napansin ko na medyo sumasama na ang ikot ng pag-iisip ko. Gusto kong i-condemn
si Gerard dahil sa mga ginagawa niya. Para itama ang isang pagkakamali ay
gumawa siya ng isang pang pagkakamali? Sa addition, kapag ang isang negative
integer ay dinagdagan ng isa pang negative integer, negative integer pa rin ang
lalabas na sagot. Pero, kung bibigyan ko namam si Gerard ng isang napakalaking
positive integer dahil sa ginawa niya lang naman iyun para kay Ren, then tama
na iyun lahat?
“Okay lang kung ang tingin mo sa akin ay isang napakasamang
tao. I mean, napakasama naman talaga ng ginawa ko kahit baligtarin ko pa ang
mundo. Okay lang kung ayaw mo na sa akin ngayon, matapos malaman ang mga bagay
na ito.” Nagpakawala ng isang napakalungkot na mukha si Gerard at ibinaba niya
ang kaniyang tingin.
“Hindi naman sa ganoon.” Humugot ako ng malalim na hininga.
“Ano lang kasi, kiniwento mo sana sa akin ng parte-parte. Inabot na kasi tayo
ng gabi dahil sa haba ng kwento mo.”
“Sir, magsasara na po ang shop,” sita sa amin ng waiter sa
bandang counter.
Tinanguan ko lang ang waiter. “Tara na. Ihahatid na kita.
Masyadong overloaded ang utak ko sa mga naririnig ko.”
Sa sasakyan ko, pauwi sa tinitirhan ni Gerard,
napakatahimik naming dalawa. Kanina pa ang katahimikan naming ito. Kahit na
katabi ko ngayon si Gerard, pakiramdam ko ay napakalayo niya. Kasalanan ko to.
Akala ko, mapapalapit ako sa kaniya sa gabing ito dahil nga sa sasabihin niya
sa akin ang katotohanan kung ano ba talaga ang kinalaman niya sa mga nangyayari
kay Ren. Ngayong sinabi niya, pakiramdam ko ay dumidistansya na si Gerard sa
akin. Kailangan bang may sabihin ako sa sitwasyong ito? Ano naman kaya? I love
you ba ang tamang mga salita ngayon? Iyung si Lars kaya? Ano ang pakiramdam
niya nang sinabi sa kaniya ni Gerard ang lahat-lahat?
Habang nagmamaneho, inabot ko ng isa kong kamay ang kamay
ni Gerard. Nang mahawakan ko ang kamay niya, nararamdaman ko ang panginginig
nito. Panginginig na dahil sa takot, hindi dahil sa napakalamig sa loob ng
sasakyan.
“Gerard, natatakot ka ba na mawala ako sa iyo?” tanong ko.
“Oo naman, natatakot ako,” sagot niya. “Sa mga bagay na
sinabi ko sa iyo, pwede mo akong maipakulong. Baka bukas, magulat na lang ako
na may mga pulis sa harapan ng pintuan ko.”
“At kung huhulihin ka nila, sasama ka ba?”
“Kung ano ang dapat, gagawin ko. Kung dapat ba akong sumama
dahil sa aking mga ginawa, bakit hindi?”
Narating na namin ang tirahan niya at hininto ko ang kotse.
Nagkatinginan kami sa mata. Kinuha ko naman ang isa niyang kamay at hinawakan
ito ang mga ito ng sabay, na para bang hinuhuli ko siya. Ramdam ko ang mga
salitang binitawan niya. Ramdam ko na nagpapakatotoo na siya ngayon, at handa
siya sa mga posibleng mangyari kinabukasan. Ramdam ko na ang magiging kapalaran
niya ay nasa kamay ko lang. Kung biglang dedepensahan ni Gerard ang sarili niya
para makatakas, mukhang hindi niya gagawin iyun. Bakit niya ginagawa sa akin
ito?
Binitawan ko ang mga kamay niya. “Andito na tayo,” sabi ko
at iniwasan siya ng tingin. “Pumasok ka na sa loob at, mag-ingat sila sa iyo.”
“So kailangan mo ba ng break mula sa akin ngayon?” tanong
niya.
“Parang, ganoon na nga,” hindi ko siguradong sagot. “Medyo
kasi, mabibigat iyung mga nai-absorb ko at gusto kong magkaroon ng oras. Pwede
ba?” Tiningnan ko siya sa mata.
“Kung iyan ang gusto mo.” Lumabas ng kotse si Gerard. “Sa
uulitin.”
Tinanguan ko lang siya at nagmaneho na pauwi. Yeah,
kailangan ko lang ng panahon para ma-digest iyun lahat. Ginusto ko at hiniling
ko ito kaya dapat, maging responsable ako sa mga pinili kong aksyon sa
relasyong ito.
Hindi pa man ako nakakalayo, hininto ko ang sasakyan sa
harapan ng isa pang sasakyan. Hindi man napansin ni Gerard, napansin ko na
sinusundan siya ni Larson. Kanina pa siya sa mall umaaligid. Akala niya, hindi
ko siya nakita, pero magaling kaya ako na hindi magpahalata na nakita siya.
Parehas kaming bumaba sa sasakyan. Tiningnan ko naman siya
mulo ulo hanggang talampakan. So, kamukha, o mas maganda sabihin na kakambal
niya si Lars, at dito nahulog si Gerard.
Natawa si Larson. “Akala ko ay hindi mo mapapansin.”
“Yeah, pero napansin kita,” tugon ko.
Umiling siya. “Hindi talaga ako magaling magtago, at hindi
ako nagtatago. Ako sana kasi ang unang lalapit. Pero hindi ko akalain na
nandoon ka pala.”
“Bakit? Ano ba ang kailangan mo sa kaniya?” tanong ko.
“Hmm, wala ka na doon. Sabihin na lang natin na, amin-amin
na lang iyun,” payak na sagot niya.
“Well, kung ano man iyun, siguradong alam ko na din ang mga
bagay na iyun. Sinabi na sa akin ni Gerard ang lahat kung ano ang kinalaman
niya sa buhay ni Ren. Sinabi rin niya sa akin na kasalanan niya talaga lahat
kung bakit, nagkaganoon si Ren. Hindi kasi inaasahan ni Gerard na may ganoon
palang hawak ang, pamilya Villaflores. Alam mo na. Isang droga na nagpapawala
ng mga alaala. Sinabi niya sa akin na ginawa niya din iyun para kay Lars, iyung
kakambal mo.”
“Kung ganoon, ano ka sa kaniya?” tanong ni Larson.
Hindi ako nakasagot. Hindi kasi ako sigurado kung ano nga
ba ako para kay Gerard, ngayon. Ang ibig kong sabihin, dapat ko bang sabihin na
nag-break lang kami pansamantala? Kasi, humingi lang naman ako ng space para
i-absorb ang mga, mabibigat na sinabi niya sa akin. Gusto ko kasi na sa susunod
na naming pagkikita, handa na ako sa kaniya. Handa na akong, tanggapin ang
madilim na pagkatao ni Gerard. Dahil sa totoo lang talaga, hindi pa ako ganoon
ka handa.
“Wala ka na doon. Sabihin na lang natin na, amin-amin na
lang iyun,” payak ko ding sagot.
“Kung ganoon, wala na dapat tayong pag-usapan. Ayaw ko
mag-share, ayaw mong mag-share, ano ang point ng pag-uusap na ito? Sinasayang
lang natin ang ating panahon.” Oo nga.
Humugot lang ako ng malalim na hininga at sumakay na sa
kotse. Wala akong dapat ipag-alala kung may pag-uusapan sila. Siguro,
nag-aalala lang si Larson para kay Ren kaya gusto niyang makipag-usap kay
Gerard. Gusto niya sigurong makasiguro na wala ng banta sa buhay ni Ren.
Gerard’s POV
Pagkapasok sa apartment, napaupo ako sa pinto. Sa isang
segundo lang, pumasok lahat ang mga negatibo kong iniisip sa utak ko. Paano
kung dahil sa kwento ko, biglang nagbago ang pananaw sa akin ni Edmund? Paano
kung ayaw na niya akong makita? Paano kung ang sinabi ni Edmund na gusto niya
ng panahon, ay ang ibig sabihin pala noon ay hindi na kami magkikita? Hindi ko
kaya ito. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. Parang katulad din ito noong nagtapat
ako kay Lars tungkol sa sikreto ko. Iyun nga lang, tinanggap ako ni Lars sa
kabila ng lahat. Ngayon, ano o ilan ang tyansa na tatanggapin pa rin ako ni
Edmund? Hindi siya si Lars, kaya baka hindi na niya ako tanggapin.
Binuksan ko ang ref ko at nilabas ang mga inuming
nakakalasing. Kailangan kong uminom. Kailangan na kahit sa oras na ito,
makalimutan ko man lang ang kabaliwan na ginawa ko. Sinabi ko nga kay Edmund
ang lahat-lahat kung ano ba talaga ang kinalaman ko sa buhay ni Ren. Gaya ng
kiniwento ko, ginawa ko ang lahat ng ito para kay Lars. Sa sobrang mahal ko siya,
sinabi ko ang lahat-lahat sa akin, at ang lahat ng mga nalalaman ko. Dahil sa
akin, nabigyan ko ng pagkakataon ang pamilya nila na makatakas noon sa Cebu.
Pero nabalewala lang iyun nang nalaman ko mula kay Ren na patay na si Lars.
Akala ko, nakaligtas si Lars at humiwalay lang siya kay Ren para maging ligtas
sila pareho. Pero hindi pala. Wala na siya.
Minsan naisip ko, hindi na dapat ako magsabi ng katotohanan
sa ibang tao. Dapat ay manipulahin ko na lang sila, palagi. Isa, o dalawang
beses na ata ako nagsabi ng katotohanan. Pero nauwi lang iyun sa kalungkutan,
ko. Sa pagsabi ko ngayon ng katotohanan kay Edmund, may posibilidad na mawala
siya sa akin. Wala na ba akong karapatan na sumaya? Palagi na lang ba akong
malulungkot? Nakatadhana na ba sa akin ang palaging manloko ng ibang tao?
Nakakapagod na. Mula sa ibabang rango ng pamilya Villaflores, pataas, hanggang
ngayon. Nakakapagod ng manloko. Ayoko ng gawin ang bagay na ito. Nagsimula na
akong magduda sa sarili ko. Totoo ba ang mga sinasabi ko, o hindi.
Bigla na lang akong nagising sa pag-iisip nang may narinig
akong kumatok sa pinto. Tumayo ako para lumapit sa pinto. Pero nahihirapan ako
dahil umiikot ang paningin ko. Marami na ata akong nainom na alak. Sino kaya
ang kumakatok? Si Kei kaya? Si Edmund, bumalik kaya?
Bumagsak ako ng ilang beses bago makalapit sa pinto. Sa
bawat bagsak, mas lalong lumalakas at bumibilis ang pagkatok nung taong nasa
pinto. Ang sakit sa tenga ng ginagawa niya.
“Hoy, kung sino ka man, magtigil ka nga!” sigaw ko.
Matapos akong sumigaw, tumigil na ang pagkatok. Sinubukan
ko ulit na ulit lumakad patungo sa pintuan, at naabot ko na ito. Dali-dali kong
binuksan ang pinto para malaman ko kung sino sa dalawa ang naiisip kong
kumakatok sa pintuan. Pero nadismaya lang ako matapos makita ang isang pamilyar
na mukha. Hindi pala si Kei o si Edmund ang nasa pintuan. Si Larson lang, pala.
“Ano na naman ang kailangan mo, Larson?” naiirita kong
tanong. Tumalikod ako sa kaniya at iniwan siya sa pintuan. Bahala siya kung
gusto niyang pumasok.
“Ger, umiinom ka na naman,” nag-aalalang tugon niya.
Hindi ako makapaniwalang humarap sa kaniya. Ang pagtawag
niya sa akin ng ganoon, iisang tao lang ang nakakaalam na tumawag sa akin ng
ganoon. Si Lars lang at wala ng iba. Teka? Anong kalokohan ito?
“Hindi ba, patay ka na?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Hoy, Larson, kung ikaw iyan, tigilan mo ang panloloko mo sa akin! Matagal ng
patay si Lars! Sinabi sa akin mismo ni Ren kung paano siya namatay!”
Lumapit sa akin si Larson at inilapit sa kaniya ang aking
buong katawan. Pinilit kong magpumiglas sa hawak niya, kaya lang, napakalakas
niya. At ilang segundo ang lumipas, naglapat ang mga labi namin. Hindi ako
makapaniwala nang naglapat ang mga labi namin. Hindi rin ako makapaniwala na si
Lars ang kaharap ko ngayon. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa halik niya, halik
na nagpapakalma sa aking naguguluhang sistema. Paano? Baka dahil, lasing na
ako. Baka ang lahat ng ito ay isang panaginip na lang.
Sa sumunod na eksenang nakita ko, nasa higaan na kaming
dalawa at patuloy pa rin na naglapat ang aming mga labi. Naging malikot na ang
mga kamay ni Lars at inaabot nito ang aking mga sensitibong parte, na siya lang
ang nakakaalam. Ibinaba na rin niya ang paghalik sa aking leeg dahilan para
mapaungol ako ng sensual sa ginagawa niya.
Hindi ko alam kung panaginip ba iyun o katotohanan, basta
hinagkan ko lang si Lars ng mahigpit. Ang sumunod na eksena ay binabayo na niya
ako, habang hinahalikan ang aking likuran. Pagkatapos ay tumihaya naman. Parang
totoo, para ring hindi. Hindi ko talaga alam.
Kinabukasan, natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa
kwarto ko. Narinig ko na tumilaok na ang manok ng kapitbahay namin hudyat na
umaga na. Agad ko naman inalala ang panaginip ko kagabi kasama si Lars. Imbes
na matuwa, nalungkot lang ako. Kasi, sa panaginip na lang kasi namin magagawa
ang ganoon. Kung pwede ngang kontrolin ang panaginip, araw-araw kong
papanaginipan ko ang bagay na iyun. Bakit pa ba ako maghahanap ng iba? Pero
magaling naman si Edmund though. Hah! Hindi naman ako sigurado kung babalik siya
sa akin. Baka nga, hindi na!
Bigla naman bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kei.
“So, may nalaman ka na bang bago sa hinahanap natin, o
inubos mo ang oras mo sa paglalasing?” agad na tanong sa akin ni Kei. Ang
bastos naman ng batang ito. Hindi ako binati pagkapasok niya sa kwarto ko.
Hindi naman kami nakatira sa iisang apartment.
“Good morning,” sarkastiko kong bati.
Inalis ko ang kumot na nakatakip sa akin. Saka ko lang
naman na-realize na nakahubad ako, at medyo nangangamoy pusit? At may kung
anong malagkit na bagay sa tiyan ko. Hah! Pwede ako magkaroon ng orgasm sa
panaginip lang?
“Tinanggap ka pa rin ni Edmund. Mabuti,” payak na sabi ni
Kei na walang malisyang tiningnan ang kabuuan ng aking katawan.
“Hindi. Umuwi siya agad nang hinatid niya ako,” saad ko.
Kinamot ko ang aking mga mata dahil may muta pa ako.
“Ha? Nakipag-sex ka ba sa isang laruan?” May bagay na
hinanap siya sa kwarto ko. “Wala akong dildo na nakikita. So ikaw ang
nakipag-sex sa sarili mo?”
“Ano? Hindi ko ginagawa iyun. Ahh!” Sinubukan kong bumangon
at naramdaman na parang may nakabuka sa ibaba ko. “Weird.”
“Alam mo, maghihintay na lang ako sa labas. Magbihis ka na
muna at saka na ta’yo mag-usap.” Lumabas si Kei sa kwarto ko.
Kinapa-kapa ko ang aking ibaba kung totoo ba ang
nararamdaman kong ito. Weird. Mukhang totoo ang nasa ibaba ko. At ang ulo ko,
medyo masakit. Baka hangover lang ito. Napakadami ko ba namang nainom na beer
kagabi.
Biglang may bagay na pumasok sa aking utak, at nagsimula
akong maghanap ng kung anong bagay ang posible kayang pumasok sa akin, sa
kwarto ko. Pero wala akong nakita kahit bote o cannister sa kwarto ko. Ang mga
sapatos ko naman ay nakaayos at imposible naman na sapatos pa ang gamitin ko
para sa aking sarili. Ang ibig kong sabihin, tigang lang naman ako at hindi
baliw. Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyun? Pero, weird. Nanaginip lang
naman ako na ginagawa namin iyun ni Lars. Hindi bale na nga.
Kinuha ko agad ang aking mga damit at nagbihis ng maayos.
Pagkalabas ko, nadatnan ko si Kei na may nilalagay sa lamesa ko. Ahh! Nagluto
siya ng almusal para sa aming dalawa. Isang mainit na kanin at ilang hotdog na
may kasama pang mainit na kape.
“Huwag mo akong ipagluto. Kaya kong ipagluto ang sarili
ko,” sabi ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa lababo para maghilamos.
Binuksan ko ang gripo at pinasalo sa aking mga kamay ang
tubig, tsaka binasa ang aking mukha. Napakalamig ng tubig na nagmula sa gripo.
“Alam ko naman iyun, kahit na binayo ka ng binayo. Pero
masakit ang ulo mo. Akala ko nandito si Edmund kagabi at, maaabutan ko siya.
Mabuti na lang at nagluto ako para sa atin,” saad ni Kei habang inaayos ang mga
kutsara’t tinidor.
“Ano? Paano mo naman nasabi na bumalik si Edmund?” tanong
ko habang pinupunasan ang aking mukha.
“May narinig akong sasakyan na dumating kagabi, narinig
kong bumukas ang isang pintuan na mukhang sa’yo pagkatapos,” salaysay pa niya.
“Nangyari iyun habang umiinom ako ng malamig na tubig malapit sa pintuan.”
Natawa ako sa kwento ni Kei. “Sure ka? Baka imahinasyon mo
lang iyun.”
Napaisip si Kei. “Baka nga. Pero, ewan! Gabi na iyun kaya
hindi ko masyadong matandaan. Tara na at kumain na tayo.”
Pagkatapos kumain ng agahan, niligpit ko ang aming
pinagkainan. Pumunta naman ako sa kwarto para dalhin ang mga litrato,
blueprints, at kung ano-ano pa. Muli naman akong umupo sa lamesa para i-discuss
kay Kei ang ilang bagay.
“Medyo naghukay-hukay ako, at nalaman ko na sa asawa ni gov
iyung pinanggalingan ng ‘Amn’,” panimula ko. “Tapos, nag-imbestiga pa ako ng
konti, at nalaman ko na ang mga transactions na ginagawa nila ay sa isa sa mga
fishing pens nila sa Laguna de Bay.” Ibinigay ko kay Kei ang litrato ng fishing
pen na pagmamay-ari ng mga Dominguez.
Tiningnang mabuti ni Kei ang litrato. “Masyadong risky.
Hindi tayo makakakuha ng ‘Amn’ nito,” komento niya.
“Yeah. Hindi naman talaga tayo makakakuha ng ‘Amn’ kung
bibiglain natin sila sa tubig. Hindi mo naman siguro iniisip na sumugod diyan.”
Ibinigay ko sa kaniya ang isa pang litrato. “Ito naman ang warehouse na palagay
ko’y laboratory nila. Hindi masyadong gwardyado noon, pero ngayon ay halos puno
na ng gwardya. Kahit na gamitin pa natin ang gabi bilang advantage para sa
atin, masyadong maliwanag ang lugar. Kaya kung may gagawin tayong kabaliwan
diyan, siguradong mahuhuli tayo.”
“Paano dumami bigla at tumaas ang seguridad sa warehouse na
iyan?” tanong ni Kei.
“Well, bago pa nabiktima si Ren nung ‘Amn’, may nauna ng
pulis ang nabiktima.” Ipinakita ko naman ang litrato ng isang pulis. “Hula ko,
mukhang limited edition lang talaga ang ‘Amn’ na ito at halos mahirap na gawin
ulit. Medyo kasi tumaas ang presyo nung ‘Amn’ sa tuwing may bumibili dito.”
“Tataas talaga lalong-lalo na kung effective talaga ang
gamot. Pero, pwede naman natin gawin iyung nakasanayan natin hindi ba?”
“Pwede naman. Kaya lang, magiging mas delikado na sa
susunod. At walang kasiguraduhan na makukuha nga natin iyung bagay na kailangan
natin. Meron lang tayong mga 20% para magtagumpay. May lima kasing posibleng
pagtaguan iyung asawa ni gov. Ang una ay sa bahay nila mismo, pangalawa sa
opisina ni gov, pangatlo ay sa laboratory nila, pang-apat ay sa floating house
nila, at ang panglima ay nasa kaniya mismo.”
“Ehh? Bakit hindi tayo sumugal? Malay mo naman, sa unang
subok natin ay makuha natin agad, kung hindi naman sa una, sa pangalawa. Kung
hindi naman sa pangalawa, sa pangatlo.”
Humugot ako ng malalim na hininga. “Nagmana ka talaga sa
magulang mo. Mahilig sumugal. Tanga ka ba? Imbes na tataas ang tyansa natin
mula sa 20%, bababa ito kapag inisa-isa natin ang kanilang pinagtataguan ng
listahan. Siguradong dadami ng dadami ang gwardya nung mga natitira kapag
sumugod tayo. At isa pa, nasa loob tayo ng pamilya ni Harry noon kaya epektibo
iyung ginawa natin. Kaya kailangan natin gumamit ng ibang paraan.”
“At ano ang naisip mo?” tanong ni Kei.
Ngumisi ako. “Gagamit tayo ng mga mersenaryo para gawin ang
trabaho natin.”
Naguluhan si Kei. “Mersenaryo? Paano?”
“Magti-tip tayo sa mga kapulisan na may nangyayaring
palitan sa floating house, at sa laboratory. Siyempre, ilang araw ay mamanmanan
nila ang mga lugar na iyun ng mga ilang araw, saka gagawa sila ng mga aksyon.”
Suminghag si Kei. “Talaga? May mapagkakatiwalaan ka na ba
na contact sa kapulisan natin dito? Siyempre, iyung hindi kasamahan ni gov?”
sarkastikong tanong ni Kei.
“Siyempre, may napipisil na ako.” Ipinakita ko sa kaniya
ang litrato ni Geoffrey. “Kilala mo ba ang taong ito?”
Gumalaw bahagya ang mga mata ni Kei. “Si Officer Geoffrey?”
“Oo. Si Officer Geoffrey. Siya ang bibigyan ko ng tip.
Nalaman ko kasi na isa siya sa mga contact ni Mr. Schoneberg sa kapulisan. Nalaman
ko din na nagdo-donate ng malaking halaga ng pera si Mr. Schoneberg sa
kapulisan para lang makakuha ng kahit anong impormasyon tungkol sa ‘Amn’, at
para mawala na ito sa sistema, siguro. Kaya sa tulong ng koneksyon ni Mr.
Schoneberg, at dahil ‘Amn’ ang pinag-uusapan natin, tiyak na walang magagawa
ang nakakataas sa kanila na ibigay kay Geoffrey ang kasong ito. At sa planong
ito, tumaas ng 40%, assuming na makukuha ni Geoffrey ang listahan, or mga ‘Amn'
mula sa isa sa mga lugar na iyun. Siyempre, iimbestigahan niya muna siguro ang
listahan na makikita niya dahil magiging curious siya kung sino-sinong mga
personalidad ang bumili ng ‘Amn’. Malapit na sa 50% iyun kaya okay lang. At isa
pa, kung hindi naman makukuha ni Geoffrey ang listahan o ng mga ‘Amn', mas
maganda. Hindi tayo talo. Tataas naman ng 33% na makukuha natin sa ibang lugar
ang listahan o ng mga ‘Amn'. Pero isang beses lang ang tyansa natin sa tatlong
lugar na iyun. Doon na tayo matatalo kapag wala tayong nakuha,” mahabang
paliwanag ko.
“Ahh! Ganoon pala. Bale iyung dalawang lugar ay hindi tayo
ang maghahanap kung hindi ang mga pulis. Sa ganoon, hindi tataasan ng seguridad
ang natitirang tatlo. Pero pagdating natin doon sa huling tatlo, siguradong
maghihinala na si gov kung isa man doon sa tatlo ay pumalpak tayo.”
“Mismo,” tango ko.
“Okay. Handa na ba ang planong ito?” tanong pa ni Kei.
“Oo naman. Ang gagawin ko na lang ay i-submit kay Geoffrey
ang ilang ebidensya sa e-mail niya. At maghihintay tayo ng ilang araw. Kapag
sabay na ni-raid nila ang dalawang lugar na iyun, tagumpay ang plano natin. At
kapag nakuha pa ni Geoffrey ang listahan, mas maganda.”
“Sige. Gawin na natin ang plano.”
Pagkaalis ni Kei, inayos ko agad ang mga papeles ang
litrato na sinalansan ko. Naramdaman ko na naman ang pananakit ng ibaba ko.
Napaka-weird talaga. Totoo kaya ang panaginip kong iyun kagabi? Nakipag-sex ba
talaga ako kay Lars?
Joseph’s POV
Isang araw bago ang Valentine’s Day, kasalukuyan na nasa
bahay ni Ren sila Paul, Aldred, Daryll at Jonas. Sisimulan na kasi nila na
gayahin iyung cookies na ginawa noon ni Ren. Si Ren, at ako ay mga tagatingin
lang sa ginagawa nila. Gusto kasi nila na turuan namin sila nang hindi sila
tinuturuan mismo kung paano gawin iyung mga cookies. Ang ibig kong sabihin,
pagsabihan sila kung tama ba ang ginagawa nila, o mali. Siyempre, iyung mga
mahal sa buhay nila ang kakain at nakakahiya daw na hindi sila ang mismong
gumawa ng mga cookies, na may pagmamahal. Hindi kasi uso ang ganoon para sa
kanila na bumili na lang ng gawa na. Ika nga nila, it’s the thought that
counts.
“Iyun kaya ang dahilan kaya hindi ako ang napili ni Shrek
noon? Paano kung ang gusto niya pala noon ay hindi isang pisikal na bagay na
krus? Paano kung ibinigay ko noon pa ang aking katawan na may pisikal na krus?”
naitanong ko sa aking sarili habang kasama ko si Ren na nagmamasid sa apat na
kalalakihan kung paano nila ginagawa ang cookies.
“Huwag kang magsalita ng ganyan,” saway sa akin ni Paul
habang gumagawa. “Marinig ka ni Daryll, at magkakaroon ka ng book 3 na, hindi
magiging maganda ang katapusan para sa’yo.”
“Huwag kang mag-alala. Naririnig lang naman ako ni Daryll
kapag sinabihan ko siyang tanga.”
Pagalit na lumingon sa akin si Daryll. “Hoy Joseph, hindi
ako tanga huh?” Sinasabi ko na nga ba narinig niya ako.
“Ren, tama ba itong ginagawa ko?” tanong ni Aldred sa
kaniya. Pinakita ni Aldred ang mga hindi pa nalulutong cookies. Handa na ang
mga ito na ilagay sa oven.
Tumango-tango si Ren. “Pero iyung kanina Kuya Aldred, bakit
napakaraming bourbon ang nilagay mo? Hindi ba’t masama daw sa kalusugan ang
sobrang alak?”
Napakamot si Aldred sa ulo. “Kung nag-iisa ko lang na
kainin ang mga to, masama talaga sa kalusugan to. Nakakasira ng atay. Pero
dalawa naman kaming kakain nito kaya okay lang,” sagot niya. “Basta.”
“Mukhang makakarami ka niyan Aldred. Baka mabuntis mo si
Blue niyan,” pang-aasar ni Paul.
“Oi, ikaw din Paul. Mamaya ay mabuntis mo din si Geo,”
balik nito.
“Sus! Okay lang si Geo doon. Hindi nga siya nahihiya. Si
Blue lang ang nahihiya kapag sinasabihan na baka mabuntis. Tsaka Jonas, damihan
mo na kaya ang alak na ilagay mo,” natatawang kwento ni Paul.
“Ayoko nga. Gusto ko ay tamang-tama lang para kay Nicko,”
sabi ni Jonas habang binibigyan na ng hugis ang ginagawang tsokolate.
“Umm, ipapaalala ko lang na may bata dito?” Tinuro ko si
Ren na distracted na pinapanood si Aldred. “Alam mo Aldred, huwag mo ng takutin
si Ren. Maganda iyan. At least, hindi siya malapit sa akin ng mga isang metro.”
“Yeah. Akala mo nga na ang lahat ng taong lumalapit sa iyo
ay si Franz na may balak manyakin ka. Kaya binabatukan mo agad ang mga taong
lalapit sa iyo,” natatawang sabi ni Paul. Sumeryoso naman bigla ang mukha niya.
“Bigla ko ngayon naalala na medyo masakit pa rin iyung ginawa mo sa akin.”
“Kasalanan mo iyun,” singhag ko. “Aware ka naman siguro
kung gaano siya kalandi,” sabi ko kay Daryll na nakatingin ng seryoso sa akin.
Isa-isa ng tiningnan ni Ren ang mga tsokolate na gawa nila.
“Pwede na iyan,” sabi niya sa gawa ni Daryll. “pati na rin iyan,” sabi naman
niya sa gawa ni Jonas. “at iyan,” at sabi niya sa gawa ni Paul.”
“Okay. Nainitan na iyung oven kaya ipasok niyo na ang mga
iyan,” sabi ko sa kanila.
Isa-isa nilang ipinasok ang kanilang ginagawang tsokolate
sa oven. Pagkatapos ay hinugasan nila ang kanilang mga kamay sa lababo. Si Ren
naman ay ang nag-set kung ilang minuto gumagana ang oven.
“Kuya Joseph, pwede ba akong tumikim ng kahit isa lang?”
tanong ni Ren.
“Hindi pwede,” pagtanggi ko. “Sabi ni Mama, bawal kang
tumikim ng kahit isa. May alak iyan kaya bawal.”
Lumungkot ang mukha ni Ren. Itinuon na lang niya ang
atensyon sa oven na may malungkot na mukha.
“Joseph, hayaan mo naman na tumikim si Ren ng isa. Pwede
iyung ginawa ko. Hindi ako naglagay ng alak,” payak na sabi ni Jonas.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Jonas. “P-Pero nakita
ng dalawang mga mata ko na-”
“Joseph, mas maganda na isipin na langa niya na walang alak
ang nilagay ko. Hayaan mo na gawin ng placebo effect ang kaniyang trabaho,”
pabulong na pagputol pa niya.
Inosenteng napangiti si Ren. “Talaga po Kuya Jonas? Pwede
po akong kumain ng isa?”
“Yeah. Pero isa lang. Alam mo naman kung sino dapat ang
kasalo ko, pero exception ka dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin.”
“Sana ay hindi ako malagot sa ginagawa ninyo,” nasabi ko na
lang.
“Maghihintay lang kami sa sala.” Tatapikin pa sana ni Jonas
ang balikat ko pero may naalala siguro at naglakad na lang patungo sa sala.
“Kuya Joseph, napapansin ko po na hindi bumibisita si Kuya
Allan. A-Ano po ba ang nangyari?” tanong na naman ni Ren.
Umupo ako sa katabing upuan ni Ren at nakaharap ako sa
kabilang direksyon. “Pinagalitan ko lang naman,” diretso ko. “May ginawang bad
si Kuya Allan mo kaya pinagalitan ko. Ako naman, hindi ko alam na hindi na siya
bibisita kapag pinagalitan ko.” Na sana ay matagal ko ng ginawa kung alam ko
lang.
“Bakit po?” panguso ng tanong ni Ren.
Nagharap kami ni Ren. “Ren, alam mo naman na kakagaling mo
lang sa isang sakit, nang bigla kang nawala sa amin ni Mama. Alam mo ba na
noong nawala ka, lumindol ng buong araw dahil nag-aalala sa iyo si Mama? Pati
ako, nag-aalala dahil hindi namin alam kung saan ka napunta. Pagkatapos, nang
natagpuan ka na namin, heto ka. Walang maalala tungkol sa amin. Sana,
maintindihan mo. Si Mama, may trabaho iyan para tustusan ang mga
pangangailangan natin. Hindi naman kasi pwede na nasa tabi natin siya palagi.
Ako naman, hindi mo palaging kasama. Iba’t ibang course kasi ang pinili natin.
Kung tutuusin nga, ayaw ka ng palabasin ni Mama dahil baka kung ano na naman
ang mangyari kapag nawala ka. At sa tingin mo ay kakayanin ito ni Mama kapag
nawala ka ulit? Si Mama, hindi halata na nag-aalala siya sa iyo dahil
tinatatagan niya ang loob niya para makaya niya ang bawat araw na hindi ka niya
kasama. At gabi-gabi, pinagdadasal ka niya palagi na sana ay panatilihin ka
niyang ligtas,” mahabang pagkikwento ko ng kasinungalingan, pero totoo iyung
parteng nagdadasal si Mama para key Ren. “Well, hindi magiging epektibo ang
dasal ni Mama kung walang aksyon.”
Tumungo si Ren at hindi siya tumugon sa mga sinabi ko.
Kahit hindi siya magsalita, alam kong malungkot siya dahil nga, hindi niya
nakikita si Allan. Hay! Alam ko ang pakiramdam na iyan. Pero, iba ang kaso mo
Ren. Sana nga talaga ay maintindihan mo.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Ano kaya kung gawan mo
si Allan mo ng ganyan?" Sabay nguso doon sa niluluto namin sa oven.
“Tsaka, kami ni Mama? Napakasarap mo pa naman gumawa niyan noon."
“Talaga, Kuya Joseph?" excited na tanong ni Ren.
Nagpakawala ako ng pilit na ngiti. “Pagbibigyan ko si Allan
bukas dahil isa iyung espesyal na araw. Tsaka, hindi ko kayang makita ka na
malungkot ng matagal." Kung hindi lang isang Schoneberg ang nakiusap kay
Mama na gawin ang bagay na ito, kaya kitang tiisin.
“Sige, sige. Gagawa na ako." Agad na kinuha niya ang
mga kailangan na sangkap.
“Huwag mo palang lagyan ng alak ha? At huwag masyadong
matamis. Kung maaari din, magtira ka para sa akin," pagpapaalala ko. “Alam
mo naman, si Mama, basta pagkain, lalamunin agad."
“Joseph, sali ka sa laro namin!" sigaw ni Paul mula sa
Game Room.
“Kaya mo na siguro gawin iyung ginagawa nilang tsokolate
hindi ba? Napakabilis mong matuto kasi."
“Opo," tipid na tugon niya.
Mukhang halos hindi ko na siya makausap kaya iniwan ko na
siya sa kusina. Wala naman sigurong masama na mangyayari kung iwan ko siya sa
kusina hindi ba?
Keifer's POV
“Kaya ngayong Valentine's Day, kailangan magtrabaho tayo
ngayon," anunsyo ni Katya sa amin, sa loob ng Journalism Club. “At heto
ang mga suhestyon ko sa mga magiging article natin para sa December to February
issue." Ipinaskil ni Katya sa whiteboard ang mga dapat na makikita sa
gagawin namin.
“Oh my God. Hindi ko namalayan na hindi na pala dito
nag-aaral si Jasper," sabi ni Andrea matapos makita ang mga nakasulat sa
whiteboard.
“Kukunin ko iyung sa Music Club," pagboluntaryo ko
doon sa isang gawain namin.
“Ako sa Basketball Club", sabi naman ni Keith.
“Travel," pagboluntaryo naman ni Martin. “Oi, Kei,
nakita ko si Ren nitong nakaraang araw. Kinausap namin siya ni Alexa, pero
parang hindi niya kami nakikilala. Alam mo ba kung ano ang nangyari doon?"
Biglang sumingit si Alexa sa gilid ko. “Oo nga. Ano ang
nangyari doon? Si Harry rin pala, asaan? Si Janice, asaan?"
Itinaas ko ang aking dalawang kamay. “Ewan. Si Harry, umuwi
na sa kanila. Si Janice naman, pina-annulled na ang kasal namin tapos umuwi na
din sa kanila."
“Good. So single ka na pala ngayon at ready to
mingle," natatawang wika ni Martin. “Wala na ang mga problema mo."
“Maliban na lang kay Allan," pagpapaalala ni Alexa.
“Tss! Si Allan lang naman pala."
“Si Allan lang naman pala. Si Allan lang naman pala na
sumalo sa kaniya noong iniwan mo siya, si Allan lang naman pala na nakabakod sa
kaniya," sabi ni Martin habang ginagaya ang paraan ko ng pagsasalita.
“Maliit na problema lang ang mga iyun," sabi ko na
puno ng kompyansa. “Bakuran pa niya iyun ng 24/7. Wala akong pakialam."
“Wow! Confident! Good luck na lang sa'yo," wika ni
Alexa na bumalik sa kaniyang pwesto.
“Oo nga pala Martin. Ito iyung una ninyong Valentine's day
kasama si Alexa. May plano ka na ba para sa araw na to?" tanong ko.
“Valentine's Day? Bukas pa iyun hindi ba?" tugon ni
Martin.
Tiningnan ko ng mariin si Martin. “February 13 pa lang ang
petsa sa utak mo? Martin, 14 na ngayon."
“Martin," tawag ni Alexa dito.
Tumingin kami ni Martin at nakita si Alexa na may hawak na
isang maliit na cardboard. May mensahe na nakasulat dito.
“Excited na ako sa surprise mo," basa ko sa mensahe.
Nang tiningnan ko si Martin, namutla siya. Halatang wala
siyang surprise kay Alexa dahil nakalimutan niya na February 14 ngayon. Siguro,
nakalimutan niya dahil sa marami siyang ginagawa nitong mga nakaraang araw
kasama si Alexa. Mga normal lang na gawain. Galing kasi sa isang conserbatibong
pamilya si Alexa kaya imposibleng may extra. Alam naman iyun ni Martin at
nirerespeto niya ito.
“Tandaan mo na hindi pwedeng gawing Valentine’s gift ang
sarili, o halik,” sabi ko kay Martin habang tinatapik ang kaniyang balikat saka
tumayo para pumasok na sa klase.
Ahh! Bigla ko tuloy naalala ang Valentine’s Day noong isang
taon. Pero hindi ko pa kasama si Ren noon. Kahit, ngayon. Noong hindi pa
pumasok ang ‘Amn’ sa mga plano namin, marami pa naman akong naisip kung ano ang
gagawin ko kasama si Ren ngayong araw. Pero hindi ko na magagawa iyun. Tss!
Mukhang sa susunod na taon na lang.
Habang naglalakad papunta sa klase ko, naisip ko muna na
puntahan ang klase ni Blue. Sakto at nadatnan ko naman siya na papasok ng
classroom niya.
“Blue,” tawag ko dito.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Keifer. May
kailangan ka?” tanong niya.
“Oo. Alam mo naman na galing ako sa Journalism Club hindi
ba? Pupunta ako mamaya para sa interview nilang lahat. Kailangan kasi para sa
school paper,” paliwanag ko.
“Para ba talaga sa school paper or baka dahil gusto mo lang
makita si Ren?”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Huh? Para makita si Ren? Hindi
ahh. May asawa na ako,” maang ko.
Inirapan ako ni Blue. “Huwag ka ng magkaila. Sinabi na sa
akin ni Jonas na, annulled ang kasal ninyo ni Janice. Hindi ko alam kung ano
ang mga nangyari, pero…” Hindi na niya alam ang mga susunod pa niyang
sasabihin. “Okay. Magpapasabi na ako sa kanila.”
“Sige, punta na ako sa klase ko.”
Tinalikuran ko na si Blue at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hmm, ano kaya ang mga magaganda na relevant topic ang itanong ko sa kanila?
Ilang minuto ang nakalipas, lunch break ko na. Pagkatapos
kumain sa cafeteria, pumunta na ako sa Music Room para sa interview nila.
Saktong-sakto naman at nandoon silang lahat, featuring Allan.
“Good afternoon,” magalang na bati ko sa kanila. “So, handa
na ba kayong lahat sa interview? Nakakain na ba kayo? Baka may isasagot kayong
mali kapag hindi kayo nakakain.”
“Hindi. Okay na silang lahat at nakakain na,” sagot ni
Blue.
Bago nagsimula ang kanilang interview, kinuhaan ko na muna
silang apat ng litrato. Iyung litrato na normal lang na sa sobrang normal ay
ayaw ngumiti ni Joseph. Ang dahilan niya, para ipakita sa kaniyang mga fans na,
medyo seryoso siya. At isa pang litrato kasama ang kanilang mga instrumento,
wacky, at isa pang litrato na dapat ay kasama sila Blue at Ren. Pero umangal
bigla si Allan.
“Kailangan pa ba iyun? Kailangan pa bang isama si Ren sa
picture?” simpleng reklamo niya.
“Allan, walang technology ang camera ko para kunin si Ren
mula sa iyo,” sabi ko.
Natawa naman sila Joseph at ang iba pa sa sinabi ko.
Pumayag din kalaunan si Allan na magpakuha ng litrato si Ren, kasama ang iba
pa. Nang natapos na ang picture taking, nagbigay na ako ng mga ilang katanungan
sa kanila, na halos lahat ng tanong ay pinili ko sa Facebook, at ang iba naman
ay personal na sa akin. Habang nagtatanong at sinasagot nila ako, pasulyap na tinitingnan
ko si Ren at ngumingiti. Kinikindatan ko pa siya. Napansin naman iyun ni Allan
kaya dini-distract niya si Ren mula sa akin.
Nang natapos na ang interview, nagligpit na ako ng gamit at
isa-isa na silang nagsialisan. Hinayaan nila ako na mapag-isa sa music room.
Kailangan ko din kasi kunan ng litrato ang loob.
Bumuntong-hininga ako matapos kumuha ng mga litrato. Medyo
nasisiyahan ako dahil nakikita ko si Ren na buhay, at ngumingiti, kahit na
hindi siya nakatingin habang nakangiti. Okay na iyun. May mga ibang pagkakataon
pa naman ako. Hindi pa tapos ang lahat.
Nang lumabas ako ng Music Room, nadatnan ko si Larson, ang
kakambal ni Lars, sa labas. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na
makakasalubong ko siya sa eskwelahan. Medyo nakakatakot pa naman ang mga tingin
niya dahil mukhang, seryoso siya. Hindi naman ako nagpatinag at sinabayan ko
ang mga tingin niya. Habang tinitingnan siya, inaalala ko kung ano ang itsura
ni Lars. Magkakambal nga talaga sila.
“Ang tagal na nating hindi nagkita, Villaflores,” sabi ni
Larson.
Nagulat ako sa sinabi niya. Nagkwento ba si Gerard sa
kaniya? Paano niya nalaman kung ano ang dati kong apelyido? Ang tono ng
pananalita niya, parang kilalang-kilala niya ako. Hindi naman kaya…
“Pwede bang malaman kung ano ang kailangan mo?” tanong ko.
“Busy ako ngayon kaya kung pwede ay mamaya na lang tayo mag-usap.”
“Ahh! Ganoon ba? Sige. Mamaya na lang. Susunduin na lang
kita pagkatapos ng araw mo. Sa parking lot na kung saan hindi mo makakasabay si
Ren. Alam mo naman siguro kung saan iyun hindi ba?”
“Ayokong makasabay si Allan,” pagtanggi ko.
“Huwag kang mag-alala. Hindi naman iyun sasakay sa sasakyan
ko pauwi kapag mula dito sa school. Sa bahay ni Ren ko siya susunduin.”
Tumango lang ako. Umalis naman siya sa paningin ko
pagkatapos. Sana, mali ang iniisip ko.
Allan’s POV
Nang natapos na araw, sumakay na kami ni Ren sa sasakyan
niya pauwi. Mahigpit na hinahawakan ko ang kamay ni Ren para hindi ko talaga
siya maiwala ngayon. Baka kapag may malalim na naman akong iniisip, bigla na
lang siya mawala at, baka ito na rin ang huling beses ko na makalapit sa kaniya
ng ganito.
“Tabi diyan,” sabi ni Joseph na malakas akong tinulak
papasok.
Dahil sa pagtulak ni Joseph, hindi ko sinasadyang mailapit
ang mukha ko kay Ren. Muntikan pa ngang maglapat ang mga labi namin.
Gulat na gulat na nagkatinginan kami ni Ren. Kapwa hindi
namin inaasahan ang pangyayaring ito. Gustong-gusto ko sana siyang nakawan ng
halik, kaya lang ay pinanghahawakan ko ang sinasabi ko. Hindi ko siya hahalikan
hangga’t hindi pa okay sa Mama ni Joseph. Well, nahalikan ko naman siya noon
pa. Kaya lang, bata pa siya noon.
Bigla na lang akong nagising sa pag-iisip nang biglang
hilahin ako ni Joseph palayo sa kaniya. Nakahinga naman si Joseph matapos
makita ata na hindi naglapat ang labi namin.
“Umayos ka nga,” saway sa akin ni Joseph.
“Ikaw kaya ang nagtulak sa akin,” asik ko.
“Alam mo ba, Kuya Allan, may sumpresa ako sa'yo," sabi
ni Ren nang umandar na ang sasakyan. Ako din. May sumpresa sana ako sa'yo sa
araw na ito.
Na-excite naman ako kung ano iyun. “Talaga? Ano naman
iyun?" tanong ko.
“Secret," malihim niyang tugon.
“Wow! May pa-secret-secret ka ng nalalaman. Pwede ko bang
hulaan kung ano iyun?"
“Hindi pwede. Hindi fair para kay Mama. Wala naman siya sa
school para tanungin ako kung ano iyung sumpresa ko," irap ni Ren. “Kaya,
maghintay ka kung ano iyung sumpresa na iyun."
“Sige. Maghihintay ako."
Nang nakarating na kami sa bahay ni Ren, sakto naman na
nakauwi na din ang Mama ni Joseph. Nagmadali na lumapit dito si Ren at yumakap.
“Napakahigpit naman," sabi ng Mama ni Joseph.
“Mama, huwag niyong pisatin si Ren," saway ni Joseph
sabay halik sa pisngi ng kaniyang Mama at tumuloy na sa pangalawang palapag.
“Magandang gabi po Mrs. Reyes," bati ko.
“Allan, nandito ka," tugon ng Mama ni Joseph.
“Mama, may sumpresa ako sa inyong dalawa ni Kuya
Allan," wika ni Ren.
Kitang-kita sa mukha ng Mama ni Joseph na nasisiyahan ito
sa narinig kay Ren. “Talaga? Ano naman kaya iyun?"
“Secret po iyun. Malalaman niyo po pagkatapos nating
kumain. Gutom na gutom na po kasi ako."
“Hmm, ano kaya ang sikretong iyan? Hala, umakyat na kayo at
magbihis. Ihahanda ko na ang mesa. Okay?"
Naglakad na papunta sa kwarto niya si Ren. Ibinaba ko naman
ang aking mga gamit sa sofa at tumuloy sa kusina kung saan nandoon ang Mama ni
Joseph at ihinahanda ang mesa.
“Tutulong po ako," sabi ko.
“Okay lang ba? Nakakahiya sa iyo," tugon ng Mama ni
Joseph.
“Okay lang po." Sinimulan ko na ang pag-aayos ng mesa.
“Mrs. Reyes, gusto ko pong magpasalamat dahil sa pag-aalaga ninyo kay
Ren."
“Wala iyun," iling niya. “Ginagawa ko lang ang
nararapat gawin ng isang, mabuting tao, at bilang isang tao na gustong magkaroon
pa ng isa pang anak."
“Alam po ba ito ng asawa ninyo?"
“Ahh! Wala akong asawa. Single mom ako."
“P-Pasensya na po," paghingi ko ng dispensa. “Hindi na
po sana ako nagtanong."
“Okay lang."
“Kahanga-hanga po kayo. Napalaki po ninyo si Joseph ng,
maayos. Pati na rin po si Ren."
“Siyempre. Para turuan ng mabuti ang mga anak ko, hindi ko
kailangan ang aking kabiyak para gawin ang bagay na iyun."
“Alam ko po iyun. Ako din po, pinalaki lang ng mag-isa ng
Mama ko."
”Asaan ang Papa mo?"
“Sabi ni Mama, namatay daw siya bago ako ipinanganak."
“Ikinalulungkot kong marinig iyan," paghingi ng Mama
ni Joseph ng dispensa.
“Pero siguro, buhay pa po naman siguro iyung Papa ni
Joseph, hindi po ba?"
“Mukhang, hindi na rin," iling niya.
“Pasensya na po ulit," paghingi ko ulit ng dispensa.
Ano ba iyan? Puro na lang paghingi ng dispensa ang ginagawa namin.
“Alam niyo po, kung pwede lang, kami na po sana ni Mama ang
mag-aalaga kay Ren. Kaya lang, wala rin siya dito sa Rizal. At, may history
kami ni Ren. Kaya hindi pwede."
“Talaga? Asaan ang Mama mo ngayon?" tanong niya.
“Nasa Maynila siya para asikasuhin ang, una at pangalawang
franchise ng negosyo namin. Bukas pa siya babalik."
“Maganda iyun."
Pagkatapos namin maghanda, sakto naman na dumating na sila
Joseph at Ren at nagsimula na kaming kumain. Nang natapos na kami kumain, oras
na ata para ipakita sa amin ni Ren ang sumpresa niya.
“Ting!”
Nagulat kami ng Mama ni Joseph nang narinig namin ang tunog
ng isang microwave. Inilabas ni Joseph ang apat na cookies. Inilagay niya ang
dalawa sa isang plato, at ang dalawa sa isa pa. Kinuha ni Ren ang mga plato at
ibinigay ang bawat isa sa amin ng Mama ni Joseph.
“Happy Valentine’s Day po sa inyo, Mama, Kuya Allan,” bati
sa amin ni Ren. So, ito pala ang sumpresa sa amin ni Ren.
“Aw! Ang sweet naman ng anak ko,” reaksyon ng Mama ni
Joseph. “Thank you, Ren.”
“Umm, iyung cookies niyo po, hindi ko po gawa iyan. Gawa
iyan ni Kuya Joseph,” sabi ni Ren.
“Talaga? Sige nga. Tikman nga natin ito Allan kung masarap
ba ang mga cookies na ito?” yaya sa akin ng Mama ni Joseph.
Mainit-init pa ang cookies na binigay sa amin ni Ren.
Binigyan muna namin ito ng ilang ihip bago kumagat. Napakasarap.
“Ang sarap-sarap!” bulalas ng Mama ni Joseph. “Joseph,
sigurado ka bang ikaw talaga ang gumawa nito?”
“Mama, hindi po nagsisinungaling ang mga bata,” nakangiting
tugon ni Joseph. “Happy Valentine’s po, Mama. Mabuti at nagustuhan niyo iyan.
Ginawa ko iyan ng may pagmamahal dahil mahal na mahal kayo. I love you. You
love me.” Kinanta iyun ni Joseph na may kasamang kembot at bumubuo pa siya ng
puso sa kaniyang ulo gamit ang kaniyang mga kamay.
Natawa ang Mama niya. “Ikaw talaga! Tigilan mo nga iyan.
Halika nga kayong dalawa at bibigyan ko kayo ng isang mahigpit na yakap.
Lumapit ang dalawa sa, Mama nila at niyakap sila nito.
Binigyan pa sila ng tig-iisang halik sa pisngi. Hay! Na-miss ko tuloy ang Mama
ko habang pinapanood sila. Sana naman, agahan ni Mama ang pag-uwi.
Kumalas si Ren sa pagkakayakap sa kanila. “Kuya Allan, may
problema po ba? Hindi po ba masarap ang cookies na ginawa ko para sa iyo?”
“H-Hindi sa ganoon. Napakasarap nga ehh.” Kumagat pa ulit
ako sa cookies na luto ni Ren.
Naubos agad ng Mama ni Joseph ang cookies na ginawa ng
kanyang anak. Agad na niyang nililigpit ang aming mga pinagkainan, kahit na
hindi ko pa nga nauubos ang isang cookies ni Ren. Siyempre, ninanamnam ko ang
pagkakataon na makakain ng gawa ni Ren, for the first time.
“Ren, sa labas muna kayo ni Kuya Allan mo. Magliligpit na
ako,” sabi ng Mama ni Joseph.
“Tara. Mag-usap tayo sa labas,” sabi ko at hinawakan ko ang
kamay ni Ren, habang ang isa ay sa platito ng cookies.
“Allan, ang mga hindi pwede at pwede,” pagpapaalala sa akin
ni Joseph.
Pumunta na kami sa likuran ng bahay. Pinagpatuloy ko na ang
pagkain sa cookies dahil napakasarap talaga nito, at napakatamis. Gusto kong
kumain ng mga sampu pa nito kung pwede.
“Allan, magkwento ka nga sa akin kung, ano ba ang meron sa
ating dalawa noon?” tanong ni Ren. “Noong nagkalapit kasi tayo kanina, bigla
kong naalala ang kaparehas na senaryo sa ating dalawa. Naramdaman ko na
bumibilis ang tibok ng puso ko. At kasabay noon, pakiramdam ko ay kailangan
kitang itulak dahil, naiinis ako sa iyo? Bakit ganoon? Hindi ko maintindihan.”
Humugot ako ng buntong-hininga. “Well, ang totoo niyan
kasi, hindi tayo ganoon ka-close, until recently. Ayaw mo kasi sa akin dahil sa
ugali ko. Alam mo iyun?”
“Ayaw ko sa iyo?”
“Teka, napapansin mo ba ang seating arrangement natin sa
klase? Si Geo, ikaw, ako, si Alexis?”
“Ano naman ang meron doon?”
Umayos ako ng upo sa bakal na upuan paharap sa kaniya.
“Ganito kasi iyun. Ikaw Ren, alam mo naman na matalinong-matalino ka. Kaya, ako
naman na walang alam, kumokopya sa iyo.”
“Kumokopya ka sa akin? Hindi ba masama iyun? Hindi ba
pandaraya iyun?” sunod-sunod niyang tanong.
Napakamot ako sa ulo. “Oo, oo, pandaraya nga iyung ginagawa
ko. Pero ginagawa mo iyun dahil, gusto mo. Ang ibig kong sabihin, dahil
kailangan. Kasi nga, bina-blackmail kita,” diretso kong sagot.
“A-Ako? Blackmail? Ano naman iyun?”
“Isang bagay na ayaw na ayaw mong makuha. Ang mapansin ng
kahit sino man.”
Napaisip si Ren sa mga sinabi ko. “Kaya pala. Kaya ayaw mo
akong kausapin sa school, madalang ko lang kausapin si Geo, ahh! Si Mama.
Sinabi ni Mama na hindi daw ako magpapansin sa tao. Kaya kahit i-perfect iyung
isang quiz natin noong isang araw, hindi pwede.”
“Eksakto.”
“P-Pero hindi ko maintindihan. Matagal na tayong
magkakilala. At naaalala ko pa noong nasa palaruan tayo, nakikipaglaro ka pa sa
akin. At masayang-masaya tayong dalawa. Ano ang nangyari pagkatapos noon?
Bakit, inaasar mo ako?”
Kumagat ako sa cookies na gawa niya. “Sa hindi inaasahang
pagkakataon, nagkahiwalay tayo. Hindi na tayo nagkita ng mga ilang taon, at
noong nagkita na tayo ulit, hindi kita agad nakilala dahil malaki ang naging
pagbabago mo. At ganoon din ako kaya hindi mo ako nakilala. Tapos, nitong
nakaraan, nalaman na natin ang katotohanan ng isa’t isa.”
Nagkatiningnan lang kami ni Ren matapos akong magpaliwanag.
Gusto kong makita kung may epekto ba ang mga sinabi ko sa kaniya. Gusto kong
makita kung may naaalala siya sa mga nangyari nitong taon tungkol sa aming
dalawa. Naaalala na niya ang mga nangyari noong mga bata kami kaya siguro
naman, iyung mga nangyari nitong taon ay maalala niya.
“Sabihin mo nga sa akin Ren. Ano nga ang tawag mo sa akin
noon? Naaalala mo na ba?” tanong ko.
Umiling si Ren.
“Gusto mo ng clue? Tinatawag mo ako sa aking apelyido?”
Banayad na umihip ang hangin sa likod-bahay. Nakatulala
lang si Ren sa akin habang inaalala ang sagot sa aking tanong. Nagsimula ng
gumalaw ang kaniyang labi ng bahagya pero walang boses ang lumalabas.
“Kuya Villaflores,” sagot niya.
Napangiti ako matapos marinig ang sagot niya. “Tama ka.
Kuya Villaflores ang tawag mo sa akin.”
Keifer’s POV
Nang natapos na ang mga gagawin ko ngayong araw, pumunta
ako sa parking lot na sinasabi ni Larson at nadatnan ko nga siya doon. Sumakay
naman ako at dinala niya ako sa isang kainan. Sa isang pangmayaman na kainan na
pagmamay-ari ng mga Bourbon.
“Ayos lang ba ako na kasama mo ako dito?” tanong ko.
“Huh?”
“Ang ibig kong sabihin, nakapang-uniporme ako. Pwede ba ako
dito?”
Tiningnan ni Larson ang kabuuan ko. “Ayos ka lang naman.
Tsaka hindi mahigpit sa dress code ang restaurant na ito,” tugon niya.
Umupo lang ako sa isa sa mga upuan na tinuro niya.
Pagkatapos ay umorder kami ng kakainin namin.
“Oo nga pala. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo.”
Panimula ni Larson habang pinupunasan niya ang kaniyang kamay gamit ang isang
panyo. “Ang pangalan ko ay Larson Mercer. Nice to meet you.”
“Keifer Salvador,” tipid na pagpapakilala ko sa aking
sarili.
“I see. Nag-iba ka nga talaga ng apelyido. Matalinong
desisyon. Kahit siguro isang batang paslit na ikinahihiya ang kaniyang mga
magulang, mag-iisip din na palitan ang kaniyang apelyido,” natatawang sabi
niya.
“Ganoon din ba ang kaso mo?” tanong ko.
“Well, oo at hindi,” irap niya. “Ako lang naman ang taong
may ginawang masama sa kaniyang kapatid noon.”
Dumating na ang inorder naming mga pagkain.
“Ahh! Tamang-tama. Kumain muna tayo bago mag-usap.
Nagugutom na ako. Mag-usap tayo habang kumakain ng dessert, pwede ba?” tanong
niya.
Sinunod ko ang sinabi niya at kumain kaming dalawa ng
matiwasay. Habang kumakain, hindi kami nag-iimikang dalawa. Kaya sinusubukan ko
ngayong basahin ang iniisip niya. Pero hindi ko magawa. Ngayon ko lang naman
kasi nakasalamuha ang taong ito kaya hindi ko malalaman agad. Pero nakatitiyak
ako na ang pag-uusap na ito ay may kinalaman kay Ren.
Ilang minuto ang lumipas, natapos na kaming kumain.
Nagkaroon muna ng saglit na katahimikan nang natapos na namin ang aming mga pagkain.
Nakatingin lang sa akin si Larson at gumalaw lang nang nakita na ang waiter na
hinahainan na kami ng dessert.
Humugot muna ng isang malalim na hininga si Larson.
“Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako dahil sa mga ginagawa mo para kay Ren.
Kaya lang, kung iniisip mo na ako ang magre-reward sa iyo kay Ren, hindi ko
gagawin iyun.”
“Kahit kailan, hindi ko iniisip na gagawin mong gantimpala
si Ren matapos ang ginawa ko,” tugon ko. “Kinakapatid mo ngayon si Allan, na
may gusto din kay Ren, kaya, hindi mo gagawin iyun. Mga, ilang taon din siguro
nang naging kapatid mo si Allan kaya may pinagsamahan naman kayo, kahit
papaano?”
Natawa si Larson. “Tama ka. May pinagsamahan kami. Pero
hindi ako ang tipo ng tao na makikialam sa love life ng aking, well, sabihin na
natin ng mga kapatid ko. Kaya huwag kang mag-alala. Hindi kita inimbitahan dito
para lang sabihin na layuan mo ang kapatid ko. Naparito lang naman ako upang
pasalamatan ka sa mga bagay na, ginawa mo, lalong-lalo na para kay Allan.”
Kumuha ng kutsara si Larson at ibinaon ito sa cake para sumubo ng isa.
“Para kay Allan? Nagkakamali ka. Wala akong bagay na ginawa
para kay Allan.”
“So, hindi pa pala sinabi ni, Gerard sa iyo?”
Nagtaka ako sa sinabi niya. “Alin ang hindi sinasabi ni
Gerard sa akin?”
“Okay. Hindi mo pala, alam. Hayaan mo na paliwanagin kita
sa ilang simpleng salita. Umm, natatandaan mo ba iyung bastardo sa pamilya
ninyong tatlo? Maliban sa’yo, at kay Harry, may isa pa hindi ba? Ano nga ang
pangalan nung isa pa?"
Napaisip ako sa sinasabi ni Larson. Oo nga pala. Hindi
binanggit sa akin ni Gerard kung ano ang pangalan nung bastardo ni Lolo. Basta
ang direksyon lang niya sa akin ay patayin ito mula sa malayo. Pagkatapos noon,
hindi na ako nagtanong kay Gerard kung ano ang pangalan nung taong iyun. Patay
na siya, ano pa ang silbi na alamin ko iyun. Pero, teka? Bakit alam ni Larson
ang bagay na iyun? Bakit alam niya ang tungkol sa bastardo ni Lolo?
“Hindi ko alam. Pagkatapos nung bagay na pinagawa sa akin
ni Gerard, hindi na ako nagtanong,” matapat na sagot ko.
“Ahh! Kaya pala hindi mo alam.” Sumipsip saglit si Larson
sa kaniyang iniinom na ice tea. “Ang pangalan nung bastardo ng Lolo mo ay
Allan. At ang Allan na iyun ay ang kilala mo lang naman na Allan.”
Nagulat ako sa rebelasyon ni Larson. “Kung ganoon, sino ang
pinatay ko noon?”
“Isang tao na kaedad mo, na handa lang naman na mamatay,”
sagot ni Larson. “Bale, bystander na handang mamatay?” Nakapatay ako ng isang
inosente?
Napatayo ako sa aking upuan. “Ikaw ba ang may kagagawan
noon?”
“Kung magagalit ka lang din sa akin dahil sa may inosente
kang pinatay, bakit hindi mo tanungin si Gerard? After all, siya lang naman ang
nagplano noon. At tsaka tinulungan niya lang naman si Allan na makakalas sa
pamilya mo.”
Nagpasya na akong umalis. Napatigil lang ako nang may
sinabi pa si Larson sa akin.
“Oo nga pala. Kung uuwi ka, pakisabi kay Gerard ang
pasasalamat ko sa mga ginawa niya. Napakalaking ginhawa ang ginawa niya para sa
magulang ni Allan,” huling mga salita na narinig ko kay Larson.
Dali-dali akong naglakad para kumuha ng masasakyan pauwi.
Hindi ako makapaniwala na nakapatay ako ng isang inosente.
Tumunog bigla ang phone ko. Tinatawagan ako ni Gerard.
“Hello?”
“Magmadali ka,” panimula niya. “Umuwi ka agad sa apartment
at kumuha ka ng ilang gamit. Tapos, pumunta ka sa lugar na sasabihin ko sa’yo.
Hawak ni Geoffrey ang listahan na kailangan natin.”
Ibinaba agad ni Gerard ang telepono. Madali kong ginawa ang
pinapagawa niya, at pumunta sa lugar kung saan makikita ko ang mobile ni
Geoffrey, ayon sa mga prediksyon ni Gerard. Mabuti na lang ay may ilang contact
siya sa kulungan kung saan nalaman niya agad na nakalaya daw si Anthony, ang
kontrabida naman sa buhay ni Nicko. Kaya alam na ni Gerard kung saan dadaan ang
mobile ni Geoffrey.
Nang dumaan na ang mobile ni Geoffrey, binaril ko ang
likurang gulong nito dahilan para sumabog ang gulong ng sasakyan. Gaya nang
inaasahan, bumaba si Geoffrey sa kotse para siyasatin ang likod. Habang busy
siya, tahimik na lumapit ako sa likuran niya saka umatake. Agad na nakasalag si
Geoffrey sa ginawa ko at gumanti siya ng isang tadyak sa aking tiyan. Natamaan
ako dahilan para lumayo muna sa kaniya ng mga ilang metro. Gaya nga ng
inaasahan ko sa pulis na nag-eensayo talaga ng mabuti. Wala sigurong panama sa
kaniya ang ilang mga goons ng pamilya namin.
“Lakas ng trip nito!” inis niyang saad.
Sa galaw ng kaniyang kamay, nalaman ko na bubunot siya ng
baril. Kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya para sipain ang baril mula sa
kaniyang kamay. Sinundan ko naman ang atake ko ng isang suntok pero nasalag
ulit niya. Gamit ang dalawang brasong pinansalag niya, tinulak niya ang kamao
ko at mabilis niyang nakuha ang batuta na nakalagay sa kanan niya at itinutok
sa akin. Tumigil ako sa pag-atake para pag-isipan kung ano ang susunod kong
gagawin habang siya ay nakatingin sa akin. Hangga’t maaari, ayokong saktan si
Geoffrey ngayon dahil lang sa nasa kaniya ang listahan na hinahanap ko. Isang
inosente ang napatay ko, hindi ko, kahit kailan matatanggap iyun.
Nang tinapos ko noon ang buong miyembro ng pamilya nila
Harry, may ilang mga bata ang natira. And edad nila ay hindi hihigit sa sampu,
at hindi pa nila alam ang maitim na lihim na tinatago ng kanilang pamilya sa
kanila. Wala silang alam, kaya hindi ko sila pinatay. Pero nag-aalala ako.
Kilala ko pa naman ang mga kamag-anak ko, kahit na hindi ko nakasama ang mga
pinsan kong iyun. Tiyak na maghihiganti sila sa akin dahil sa ginawa ko
hanggang nabubuhay pa sila. At kung magpapatuloy sila sa ganoon, wala akong
magagawa kung hindi ang patayin na lang sila. Kaya nag-isip ako ng paraan kung
paano solusyunan ang problemang iyun. At ang solusyun na iyun ay ang ‘Amn'.
“Mukhang magaling ka makipagsuntukan. Halata sa kilos mo na
bihasa ka,” pagpuri niya sa akin. Kahit ikaw.
“Salamat,” tugon ko. “Pero maiiwasan naman natin ito kung
tutulungan mo ako sa aking hinahanap.”
“May hinahanap ka? At ano naman? Tiyak, wala ako noon.”
“Huwag kang magsinungaling sa akin. Alam kong nasa kamay mo
ang listahan ng mga taong bumili ng ‘Amn’. Kailangan ko iyun, pakiusap. Ibigay
mo na iyun sa akin.”
“Pasensya na. Pero wala akong alam sa mga pinagsasasabi
mo,” pagtanggi niya.
“Kung ganoon, wala akong magagawa,” Binunot ko ang baril na
nasa isa sa mga bulsa ko at itinutok sa kaniya. “kung hindi ang kunin sa iyo
ang hinahanap ko ng sapilitan.”
“Oooops! Teka lang.” Dahan-dahan na ibinaba ni Geoffrey ang
kaniyang batuta at itinaas ang dalawang niyang kamay. “Suko na ako.”
“Kung ganoon, ibibigay mo na ba sa akin ang listahan?”
“Oo na. Ibibigay ko na ito sa iyo. Pero wala sa akin ang
listahan.” Sinenyasan niya ang kaniyang mobile. “Nasa loob ito ng mobile. Kunin
mo kung gusto mo.” Mukhang alam ko na kung ano ang binabalak niya.
“Ano ako, tanga?” Itinutok ko ang baril sa sasakyan at
bumalik kay Geoffrey. “Ikaw ang kumuha.”
“Mas lalo naman na hindi ako tanga. Baka mamaya, habang
kinukuha ko ang listahan na sinasabi mo, barilin mo ako sa likod. Mas maganda
na mabaril sa harap, kesa sa likod.”
Humugot ako ng isang malalim na hininga. “Oo nga pala.
Bakit hindi ko iyun naisip na meron pala ako nun?” Bahala na. Tutal, 50/50 na
sigurado si Gerard na nasa kaniya ang listahan. Medyo mataas na iyun.
Dahan-dahan na lumapit ako at binunot ang isa ko pang baril
sa isa kong bulsa. Binaril ko si Geoffrey sa dibdib at nangisay-ngisay siya.
Matapos ang pangingisay, nawalan na siya ng malay.
“May stun gun pala ako,” sabi ko sa walang malay na katawan
ni Geoffrey.
Nagmadali akong pumunta sa mobile niya. Mabuti na lang at
hindi pa ito locked.
Hinanap ko sa mobile ang listahan na hawak niya. Wala akong
nakita maliban lang sa ilang piraso ng condom. Kumuha ako ng isa, pero kahit
kailan, hindi pala ako gumagamit nito. Si Ren lang naman kasi ang gagawan ko ng
ganoon kaya bakit pa ba ako gagamit ng condom?
Habang wala pang malay si Geoffrey, hinanap ko naman ang
listahan sa kaniya. Nakita ko nga ito pero hindi na ito nakalagay sa isang
notebook gaya ng sinasabi ni Gerard. Hindi bale na. Hindi naman importante ang
notebook na iyun. Itong kapirasong papel lang na may mga nakasulat na pangalan
ng mga bumili ng ‘Amn’.
Binilang ko kung ilan ang tao na nakasulat sa listahan.
Apat. Sakto para sa mga kamag-anak ko. Ngayon, ang gagawin ko na lang ay
mag-isip kung paano makukuha ang ‘Amn’ mula sa apat na taong ito.
Bago umalis, ipinasok ko ang walang-malay na katawan ni
Geoffrey sa mobile. Pagkatapos ay tinawagan ko na muna ang mga kasamahan niya
para respondihan siya.
Gerard’s POV
Nang pauwi na ako sa apartment, nadatnan ko ang sasakyan ni
Edmund sa tapat. Bumaba siya nang nakita niya ako. Nakaayos na naman ang
kaniyang buhok, at napakapormal na naman ng kaniyang pananamit. May dala siyang
ilang bulaklak, tsokolate, burger at fries na mula sa isang sikat na food
chain.
“Hindi ko alam kung ano ba ang gusto mo,” sabi niya. “at
gusto kong gamitin ang araw na ito para tanungin ka.”
Lumapit ako sa kaniya para kunin ang isang burger na nasa
plastik niya. Pero napahinto ako nang may napansin akong kakaiba. Napakarami
niyang binili. Teka, napakarami ng binili niya?
“Hindi sa hindi ako concern kung marami kang pera o ano.
Pero hindi ba, wala kang trabaho para bumili ng ganito?” tanong ko. Tumingin
ako sa hawak niyang bulaklak at fries pati sa imported na tsokolate na binili
niya. “Kahit na sabihin natin na marami kang ipon, hindi magandang sayangin ang
pera mo sa mga ganitong bagay.”
Ngumiti sa akin si Edmund. “Ahh! Tungkol diyan, pinababalik
na ako ni Sir Simon sa trabaho. Nag-retire na kasi iyung matanda naming mayor
doma, kaya ako ang papalit sa posisyon niya.”
Natuwa ako sa ibinalita niya. “Magandang balita iyan.”
Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng burger sa plastik na hawak niya. “Pumasok ka.”
Naglakad ako papunta sa apartment ko.
Sumunod siya sa akin habang hawak-hawak niya ang kaniyang
mga dala. “Kumusta ka pala?” tanong niya.
“Mabuti,” tipid na sagot ko.
“Ahh! Nabalitaan ko na may operasyon ang mga pulis noong
isang araw sa isang lugar. Sabi sa balita, isang misteryosong gamot daw ang
ginagawa sa labaratoryong iyun. Naisip ko na ang misteryosong gamot na iyun ay
‘Amn’. Kaya lang, shabu lang daw ang nakuha ng mga pulis. Iyun na daw ang
misteryosong gamot na ginagawa doon.”
“Nabalitaan ko iyun,” sabi ko habang binubuksan ang
pintuan.
Nang pumasok na kami sa apartment, umupo agad ako sa sofa.
Inilagay naman ni Edmund ang mga dalahin niya sa mesa.
“Siguro, naialis na nila ang mga ‘Amn’ sa lugar na iyun
noong nalaman na nila na magsasagawa ng raid ang mga pulis. Napakatalinong mga
pusher. Ikaw Gerard, may alam ka ba sa ‘Amn’?” Kumuha si Gerard ng fries at
umupo sa tabi ko.
Napatigil ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung
nangangalap ba ng impormasyon si Edmund kung ano ang mga nalalaman ko at
sasabihin niya ito sa mga pulis, o sinusubok niya ako. Bakit naman kaya? Ito ba
ang idea niya ng, date? Hindi kaya nagkamali lang siya ng pagtanong? Pero kahit
na. Tatapatin ko siya. Pagkatapos, bahala na.
“Noong hindi pa namin naisasagawa ang plano naming pagpatay
sa buong pamilya ni Keifer, nalaman ko na bumili itong asawa ng boss namin sa
isang kilalang tao dito sa lugar niyo. Bumili siya matapos mabalitaan na natapos
ang gamot. At iyun ang bagay na itinurok ng boss namin kay Ren,” paliwanag ko.
Parang nagising si Edmund sa pagkakatulog. “Ahh! Pasensya
na.” Napakamot siya sa likuran ng kaniyang ulo at nag-iba ang timpla ng
kaniyang mukha. “Hindi dapat, hindi dapat ako nagtanong ng bagay na ito sa
iyo.”
“Okay lang. Kahit ano pa ang tanong mo, matapat kitang
sasagutin. Ganoon-”
“Kasi ang pagpapakita mo ng pagmamahal sa taong gusto mo,”
pagputol niya sa akin. “Ahh! Alam ko iyun. Pero, maglihim ka naman kaya ng konti
sa akin. Kahit na sabihin nating mahal mo ako, paano ka makakasiguro na ganoon
din ako sa iyo? Paano ka nakakasiguro na hindi ko sasabihin sa mga otoridad ang
mga nalalaman ko sa iyo?”
“Wala na akong pakialam doon, Edmund. Kung ano ang
mangyayari sa akin pagkatapos nito, masaya na ako. Nagawa ko na ang kailangan
kong gawin,” ngiti ko.
Ngumiwi si Edmund. “Kung makapagsalita ka, parang ang
natitirang bagay na lang dito sa mundo ay ang mamatay ka. H-Huwag ka naman
ganiyan.”
Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi ng isip ko
ang mga salitang ito. Ganoon na nga. Kung mamatay man ako ngayon, wala na
talaga akong pakialam. Kung isumbong niya ako, wala akong pakialam. Kung
makulong man ako ngayon, wala akong pakialam. Wala na talaga akong pakialam.
“Nandito pa ako, Gerard,” sabi ni Edmund. “Ako ang gawin
mong rason ngayon. Oo, medyo nag-iba ang pagtingin ko sa iyo dahil sa mga
sinabi mo sa akin. Oo, masama nga para sa iba, or mabuti para kay Ren, pero
hindi ako ang magsasabi kung tama ba o mali ba iyung mga ginawa mo. Hindi ko
naman mabubura sa iyun sa parte ng buhay mo. Kaya wala akong magagawa kung
hindi tanggapin lahat iyun.”
“So ang sinasabi mo, sumusugal ka sa isang katulad ko na
nagmamanipula ng tao?”
“Kung ang tingin mo sa ginagawa ko ay sugal, sugal na kung
sugal. At tsaka, tapos na ang kailangan mong gawin. Hindi mo na kailangan
magmanipula ng tao.” Niyakap ako ni Edmund. “Kaya pwede ba? Gawin mo akong
rason sa buhay mo para mabuhay, ngayon mismo? Mahal kita Gerard.”
Sa mga sinabi ni Edmund, naalala ko si Lars na sinabi ang
mga salitang iyun. Minahal talaga ako ni Lars noon. At, ganoon din si Edmund.
Tinatanggap ako ni Lars nang nalaman niya ang masamang katotohanan, tinanggap
din ako ni Edmund nang nalaman niya ang mas madilim ko pang katotohanan. Hindi
ko talaga inaasahan na tatanggapin pa niya ako sa kabila ng lahat. Noong
sinaksak ko ba siya, sa puso ko ba siya natamaan? Kaya ba nagkakaganito siya?
Noong unang panahon, isang bida sa kwento ang umibig sa
isang kaaway. Nang nalaman ng kaaway ang tunay na siya, minahal niya ito sa
kabila ng lahat. Isang bagay na hindi magagawa ng kahit sino man. At lumipas ng
panahon, ang inibig ng bida ito ay namatay. Ang mga kakampi ng bidang ito ang
pumatay sa kaniyang minamahal. Kinimkim niya ito sa loob niya at sumumpa na
ipaghihiganti niya ang kaniyang minamahal. Habang sinasagawa ang plano, ang
bida ay nagmanipula ng mga tao para magtagumpay siya, kasama ng isa niyang
kakampi na may kapareha ding hangarin. Sa kanyang mga ginawa na masama, isang
hindi inaasahang inosente ang nadamay, isang inosente na minsan din siyang
minahal. Mamamatay dapat ito sa kaniyang mga kamay, pero binuhay niya ito. At
ang taong ito nang minsan niyang pinatay at minahal, nang nakatakas sa bingit
ng kamatayan, binalak niyang malaman kung ano ang ginagawa ng bida. Binalak
niyang alamin ang kadiliman sa puso nito. At nalaman nga niya ito. Lumayo mula
sa kaniya ng ilang araw ang taong ito, at nang bumalik, tinanggap niya ang
kadiliman ng bida, at nagpalitan sila ng salita.
Niyakap ko din si Edmund ng mahigpit. “Mahal din kita,
Edmund.”
Larson's POV
Noong unang panahon, isang bida sa kwento ang umibig sa
isang kaaway. Nang nalaman ng kaaway ang tunay na siya, minahal niya ito sa
kabila ng lahat. Isang bagay na hindi magagawa ng kahit sino man. At lumipas ng
panahon, ang inibig ng bida ito ay namatay, dahil iyun ang sa tingin niya.
ITUTULOY...