Followers

Saturday, December 31, 2016

Until My Last Bullet [Teaser 2]



Note: Hello! Long time no see mga ka-MSOB! Ako si Cookie Cutter, ang may-akda ng Gapangin mo ako. Saktan mo ako. at ng Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2. Maraming salamat sa inyong pagsusubaybay kina AngeloDimitriGio, at kay Gab. Ngayon ay patapos na ang taon, may pahabol akong surpresa bago tayo lilipat sa 2017. Ipinapakilala ko po ang aking bagong akda titled: Until My Last Bullet.

Ang Until My Last Bullet ay kwento tungkol sa isang unrequited love ng isang aspiring Prime Minister - si Jacob para sa anak ng current Prime Minister - si Nikolai. Sundan ang kanilang mga pagsubok upang makamit ang isa't-isa at upang yanigin ang buong bayan ng Habisig. Basically kwento ito ng pag-ibig na susuungin lahat... pati ang mga pinakatatagong sekreto ng kanilang mundong ginagalawan.

Magsisimula po ang chapter 1 sa January 2, 2016. Regular po akong mag-uupdate hanggang sa matapos ang kuwentong ito. Linggo-linggo akong mag-uupdate, dalawang chapters ang ipupublish ko sa isang linggo. Para sa karagdagang updates, please like my facebook fan page on facebook

Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan pagehttps://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!

---

Nakahubad akong nakatayo sa harap ng cabinet ni Nikolai. Kinuha ko ang kulay white na shorts ni Nikolai nang may narinig ako sa likod ko.

SLURPPPPP

Napatalikod ako kaagad habang tinakpan ko ang aking katawan gamit ang t-shirt ni Nikolai at shorts sa kabilang kamay.

Nagtagpo ang mga titig namin ni Nikolai. Titig ko na puno ng gulat, at titig niya na puno ng pagsisiyasat sa mukha ko.

“Yes. Bakit?” Tanong ko sa kanya para matigil na ang tensyon sa pagitan ng aming mga titig.

“Wala. Magbihis ka na.” Utos ni Nikolai sa akin habang nakatitig pa rin siya sa aking katawan. Lumundag ang aking puso at nanuyo aking lalamunan.

“P-Pero nandiyan ka?”

“Tapos?” Prangka niyang sagot sa akin. Napilitan akong isabit muna ang t-shirt ni Nikolai sa isang stand para maisuot ko ang shorts. Nahiya ako kay Nikolai kasi baka pagtawanan niya ang luma kong boxer-briefs na kulay dark blue. Nang naisuot ko na ang shorts, binuklat ko ang t-shirt at mabilis itong sinuot.

“Very good.” Ngumisi si Nikolai sabay tapon sa akin ng lata ng beer. Mabilis ko naman itong nasalo. Binuksan ko ito at lumapit kay Nikolai. Tinignan ko siya ngunit nakatitig pa rin siya sa akin.

“Oh? Ano na naman?” Sabay lagok ko ng maraming amount ng beer sa lalamunan. Nalalalasahan ko ang pait ng beer. Nagulat ako kasi ang sarap ng daloy nito sa aking loob loob.

Tumawa si Nikolai.

“Bakit?” Inosenteng tanong ko.

“Wala.” Iling-tawa si Nikolai.


Abangan...


UNTIL MY LAST BULLET.

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails