Followers

Sunday, June 1, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Teaser: PM/Arthur]


Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2


Facebook: Boy Cookies
E-mail Address: comegetmycookies@gmail.com

---
 

Kaagad na pumasok si PM habang lumuluha. Nang mailock na niya ang pinto ay malakas niyang sinuntok ito nang paulit ulit hanggang sa nabutas ito at bahagyang lumusot ang kanyang kamao. Hindi na niya alintana ang pulang likido sa kanyang mga palad at ng hapdi na kanyang nararamdaman. Habang napasuntok siya sa pinto, walang humpay ang daloy ng kanyang mga luha. Umiiyak siya – isang iyak ng sakit at pait, tahimik ngunit malalim.

Nang masiyahan, binaba niya ang toilet seat at umupo siya sa toilet. Hinablot niya ang kanyang pitaka mula sa kanyang bulsa sa likod ng kanyang pantalon at kinuha ang nakaipit na tinuping papel...

(Nakasulat sa papel)

Tangina niyong lahat. Tangina niyong lahat. Tangina niyong lahat! Papatayin kita Jun, magtago ka na dahil dadahan-dahanin ko ang sakit na iyong malalasap hanggang sa isisigaw mo nang gusto mo nang mamatay! Ikaw Corina, ginawa mong miserable ang buhay ko at ipapalasap ko sa'yo ang sariling gawain mo! Wala akong utang sa'yo! Wala akong utang sa'yo puta ka! Dimitri? Isa ka pa. Ikaw ang nagpahamak sa akin. Pinahiya mo ako sa libo-libong tao. Ginawa mo akong tanga. Pinahirapan, ginago, niloko, at binaldado. Minaltrato mo pa ako na mas masahol pa sa katayin. Lagot ka sa akin, gagawin ko ang lahat hanggang sa hilingin mong sana hindi ka na lang nabuhay. Manang-mana ka sa papa mo! At yung punyetang bestfriend ko... si Gio? Papahirapan ko siya. Gagawin ko siyang abnormal sa lahat ng tao, sa harap ng telebisyon. Walang kwentang bestfriend, di na nakinig sa akin.

At ikaw Gab

At ikaw Gab...” pag-ulit ni PM habang hawak hawak niya ang kulay dugo at basang-basa sa luha na papel. “Ikaw Gab..”

PM! Open this fucking door!” Sigaw ng lalaki mula sa labas ng cubicle. Hindi nataranta si PM. Habang sigaw ng sigaw ang lalaki, marahan niyang tinupi ulit ang papel at pinasok muli sa pitaka niya. Tumayo siya at hindi man lang nag-ayos ng sarili.

I said open this door! Fuck! Come out! Now!” Patuloy na sigaw ng lalaki. In-unlock niya ang pinto. Nang marinig ng lalaki ang pag-clink ng bakal, walang pagdadalawang-isip ay tinulak niya ang pintuan at kaagad na niyakap si PM.

PM... You had me scared... Are you alright?” Pag-aalalang tanong ng lalaki kay PM habang yakap niya ito sabay haplos sa bumbunan ni PM.

Arthur...” matigas na usal ni PM, “Stop.” Walang emosyon ang mukha ni PM na lubos namang ikinabahala ni Arthur.

Nilayo ni Arthur ang kanyang ulo, ginapang ang mga bisig sa magkabilang balikat ni PM at siniyasat ng tingin ang kanyang katawan. Nang mapansin ang tumutulong dugo mula sa mga kamao ni PM, kaagad niyang hinablot ang panyo na nasa likuran na bulsa ng kanyang pantalon, hinati ito sa dalawa, at pinulupot sa kabilang kamao ni PM.

Napatingin lang si PM sa ginawa ni Arthur habang patapos na ang huli sa paglagay ng panyo sa mga kamao nito.

There. Next time, don't ever do that again.” Hinalikan ni Arthur ang noo ni PM at niyakap ito. Damang-dama ni PM ang mainit na hininga ni Arthur sa kanyang tenga habang magkayakap sila. Habang ninanamnam ni Arthur ang pagyakap kay PM, napansin nitong hindi kumikibo si PM. Nilayo niya muli ang kanyang katawan mula kay PM at pinagmasdan ang mukha niya. Dahan-dahang lumipat ang kanyang mga kamay sa magkabilang pisngi ni PM at tinititigan ang kalaliman ng walang saysay na mga tingin ni PM.

Samantalang si PM, diretsong nakatingin kay Arthur at wala man lang reaksyon sa mga pangyayari.

Nilipat ni Arthur ang kanyang mga hinlalaki sa magkabilang ilalim na bahagi ng mata ni PM at nagsalita, “I love you PM.”

Nagtitigan sila. Hindi nagsalita si PM ng mga limang segundo habang matalas pa rin ang mga titig nito kay Arthur.

Maya-maya, “Tsss,” sarkastikong usal ni PM habang sinimangutan si Arthur, “Thanks, but right now, I don't need love.” Matitigas ang mga salita ni PM. Winakli niya ang mga kamay ni Arthur na nasa kanyang mukha at diretsong naglakad palabas ng cubicle.

Naiwan sa loob ng cubicle si Arthur habang pinagmamasdan si PM na lumabas ng cubicle. Nanlalabo na ang kanyang mata hanggang sa bumagsak na ang kanyang unang luha.

But,” panimula ni Arthur, “it has been you all along PM... for 8 years now.” Tulo ng tulo ang kanyang mga luha.

And I still love you.”

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
7.1.14

(P.S. Sure na ang July 1, 2014. Wala na tong atrasan. Abangan na rin: June 15, 2014)

---
 

Huwag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.


Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final 

14 comments:

  1. Ang tagal naman mag start nitong story na eto

    ReplyDelete
  2. Ipopost niu p rin po b ung iba niung stories??

    ReplyDelete
  3. At last! last teaser na rin pero posible pa kaya na buhay pa si Angela?
    123

    ReplyDelete
  4. Sino po si Arthur?

    ReplyDelete
  5. Pasukan na sa june 9 wal parin!!!!!

    ReplyDelete
  6. Looking forward for the book 2....nice one!




    @amadcover

    ReplyDelete
  7. Excited for book 2 sna my update npo :D :)
    ^.^ marcky

    ReplyDelete
  8. si arthur ay matagal ng nanligaw kay PM nong nasa ibang bansa si pm for 8 yrs ago! gets,,,,

    ReplyDelete
  9. akala ko by may ang story ni dimitri?

    ReplyDelete
  10. This story is PATHETIC! and I bet this will not be completed ... later on it will fade like majority of incomplete stories in every site.

    ReplyDelete
  11. author please nagmamakaawa po ako sobrang love ko ang story please pakidugtungan na po ang book2...ilang araw di ako nakatulog sa pagbabasa at pagsubaybay nitong storyang ito...please po pakidugtungan na po....

    ReplyDelete
  12. Ang tagal nmn bago duktungan..hanngang ngayon wala pa din..hay..

    ReplyDelete
  13. Hay..until now wala pa rin update..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails