Followers

Sunday, June 8, 2014

Fated Encounter 14


 Una sa lahat salamuch sa mga nagbabasa nito. Sa mga sumusunod po na hindi ko nabati mula sa chapter 9 ng story na `to. Kay Hardname, Jihi, Raffy Asuncion, kay sir Ben, Nikolo06290, Lightless(heto na. ;]), Patrick Mcfield, Ruthra Villanueva, Dave, Angel, Alfred of T.O, Rye Evangelista. Maraming salamat po ulit.

Pinag-iisipan ko pa kung gagawan ko ng kwento`yong dalawa. ;]



CHAPTER FOURTEEN


NAPABUNTUNG-HININGA SI Vin habang inaalis ang gwapong mukha ni Joen sa isipan niya. Ilang araw na itong wala at sobra na ang pagka-miss niyang nadarama. Kahit na inaabala niya ang sarili sa gawaing bahay at paghahanda para sa nalalapit niyang pagpasok sa restaurant ay hindi pa rin ito mawaglit sa isipan niya.
            Para na siyang baliw, kung sa loob si Joen ng utak niya ay baka kanina pa ito pagod sa paulit-ulit na pagtakbo. Kapag wala siyang ginagawa ay tinitingnan niya ang text message nito. Minsan ay hinihiling niya na sana ay mag-text ito at magtanong kung okay na ba siya.
            Kasalanan rin naman kasi niya. Kung nag-reply lang siya sa text nito, sana ay nagpapalitan sila ngayon ng mensahe. Tinotoo talaga ni Joen na lalayo ito sa kanya at bibigyan siya ng pagkakataon na makapag-isip. Pinagulo niya kasi ang sitwasyon Kung sana ay hindi niya ginawang big deal ang halik katulad ng ginawa niya kay Mack. Sana ay hindi niya ito nami-miss ng sobra ngayon.
            Napabuntung-hininga siya nang maalala si Mack. Pagkatapos ng halikan na namagitan sa kanila at nalaman nito ang totoong pagtingin niya kay Joen kahit walang kumpirmasyon iyon sa kanya ay mas lalong naging pursigido ito. Lagi itong pumupunta sa bahay nila at dinadalhan siya ng kung anu-ano. Hindi naman niya magawang mapagsabihan ito dahil kapag nag-o-open agad siya ng mga ganoong usapan ay agad itong umiiwas. Minsan ay pinangungunahan pa siya.
            Iniisip na nga niya si Joen ay sumabay pa ito. Mabuti na lang at hindi pa ulit umeeksena si Nick. Dahil kung gagawin nito iyon ay mas lalo pang magugulo ang buhay niya. Sa mga panahon na ito ay mas lamang ang pag-iisp niya kay Joen, ang pagka-miss niya dito. Naaalala naman niya ang tungkol kay Mack ngunit sadyang ang puso niya ay laging si Joen ang laman.
            Kapag umuwi si Joen ay hindi na siya maiilang dito. Ibabalik niya ang dati nilang samahan. Hindi na niya babalikan pa ang nangyari.
            Ano na kaya ang ginagawa ni Joen sa mga oras na ito? Ang tanong niya sa sarili. Tatlong araw na mula nang umalis si Joen. Ang alam niya ay tatlong araw lang ang bakasyon nito.
            Gusto niyang i-text si Joen at tanungin kung kailan ito uuwi para makapaghanda siya. Pero  pinipigilan niya ang sarili. Tuwing mag-ta-type kasi siya ng mensahe para dito ay wala sa sariling na-ta-type niya ang laman ng puso niya. Lagi niyang nako-compose ang salitang 'miss na kita' at 'I love you'. Napaghahalata siyang masyado. Mahigpit pa naman niyang sinasabi sa sarili na hindi niya sasabihin dito ang nararamdaman niya. Sapat na na si Mack lang ang may alam. Alam naman niya na hindi nito sasabihin ang nararamdaman niya sa pinsan ng mga ito. Basta nararamdaman niya na hindi gagawin ni Mack iyon. 
            "Tulala ka na naman," ang sabi ng lola niya.
            Napatingin siya dito.
            "Sino ba ang iniisip mo? Si Mack o si Joen?"
            Sa dalas ng pagpunta ni Mack sa kanya at may dala ng kung anu-ano ay napansin ng lola niya na nanliligaw sa kanya ang lalaki. Wala naman siyang nakitang pagtutol sa mukha nito. Tuwing nagtutungo si Mack doon ay magiliw lang ang lola niya dito katulad kay Joen.
            "Kung si Mack ang naiisip mo, sagutin mo na siya. Kung si Joen naman ay i-text mo o kaya ay i-message mo sa facebook. Anong silbi ng internet kung hindi mo gagamitin."
            "Ayoko `la."
            Pumalatak ito. "Ewan ko sa `yo apo. Sa sagot mo alam kong si Joen ang nasa isip mo ngayon. Halatang na-mi-miss mo na ang kaibigan mong iyon. Hindi mo man aminin sa `kin, nakikita kong may pagtingin ka kay Joen. Nakikita ko ang glow ng mata mo kapag kasama mo siya. Kay Mack, hindi ko `yon nakikita, parang naaawa ka lang d'un sa tao. Bakit kasi hindi mo siya diretsuhin?"
            "Nagawa ko na po `yon, `la. Pero hindi naman iyon pinansin ni Mack , eh. Mas lalo pa ngang naging pursigido na ligawan ako."
            "`Yong tao na `yon ang nanliligaw sa `yo pero hindi mo man lang magustuhan. Bakit si Joen? Wala naman siyang ginagawa pero may pagtingin ka sa kanya. Noong dito siya, lagi kayong nagbabangayan pero nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Gusto mo si Joen, hindi ka naman in-denial sa nararamdaman mo pero bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo? Katulad ng ginawa mo kay Mack pero hindi pa rin tumitigil. Kay Mack hindi ka natakot na direstsuhin siya. Kay Joen nakikita ko ang takot mo. Ano ba ang ikinakatakot mo, Vin?"
            "Marami `la," matipid niyang sagot.
            Una, straight si Joen.
            Pangalawa, masasaktan ako kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Ayokong masaktan pero nakasakit na ako ng damdamin.
            Pangatlo, ipagpalagay natin na may nararamdaman sa `kin si Joen. Hindi naman ako tama para sa kanya.
            Joen is almost perfect, while me, there's a lot of imperfections in my life. At ang mga imperfections na iyon ay wala pang kasagutan. Nangangapa ako, lola.
            Pang-apat, hindi ako buo, lola. Kung alam mo lang po sana ang pinagdaanan ko sa probinsya.
            Iyon ang mga gusto niyang sabihin sa lola niya pero hindi niya maisalita.
            "Hindi ka na sumagot, Vinezzer. Ang dami mong pinoproblema na bata ka."
            "Lola, halata po ba na may gusto ako kay Joen?"
            "Nahalata ko dahil apo kita. Mula pagkabata ay kilala na kita, Vin."
            "`Pansin ko lang, nasaan pala si Joen? Bakit hindi na siya nagpupunta dito? Bakit palaging si Mack na lang? Pursigidong-pursigido ang batang `yon na makuha ka. Siya na lang ang mahalin mo kung alam mo na wala kang makukuhang tugon kay Joen." Pagbibiro nito.
            "Mahirap `yon `la."
            Tumawa ang lola niya. Nakitawa na rin siya. "Sige, maiwan na kita ito at magluluto pa `ko. `Wag kang masyadong mag-isip at nagmumukha kang tanga." Pahabol pa nito bago umalis.
            Nang makaalis ang lola niya ay tumayo rin siya. Lumabas siya ng bahay nila at nagtungo sa malapit na tindahan para bumili ng makakain. Naabutan niya doon si Charles. Prenteng nakaupo sa silyang nandodoon at umiinom ng softdrinks.
            "Uy Vin. Long time no see, ah" Nakangiting sabi nito.
            Mula nang magtungo ito sa bahay nila at humingi siya ng tulong dito para mapigilan si Mack at Nick sa pagbabangayan ay naging close na sila. Tuwing nagkikita sila ay lagi silang nag-uusap. Charles was a good conversationalist. Walang dull moment kapag kasama niya ito. Lagi itong bangka.
            Kahapon ay sinamahan pa siya nito na mamili ng kailangan sa niluluto ng lola niya. Doon din ito kumain sa bahay nila, na tila kinakasanayan na nito.
            "Baliw. Nagkita pa lang tayo kahapon."
            Lumawak ang pagkakangiti nito.
            "Wala yata ngayon ang mga nambabakod sa `yo," puna nito.
            "Wala nga," aniya.
            "Alam mo parang may kulang sa `yo."
            "Ano naman `yon?"
            "Walang glow sa mata mo. Napansin ko `yon mula nang mawala si Joen sa eksena. Kahit na magkasama kasi kayo ni Mack at Nick ay walang ganoon sa mata mo, eh."
            Isang beses nitong nakita na kasama niya si Mack. At isang beses din kay Nick. Ang observant naman ng lalaking ito at napansin iyon kahit na bihira lang nitong nakita si Mack at Nick na kasama niya.
            Una, sa lola niya. Sunod ito. Hay buhay! Ganoon ba talaga siya kalungkot dahil wala si Joen sa tabi niya. Ganoon na ba siya ka-transparent pagadating sa pagtingin niya kay Joen.
            "Kailan ka pa naging observant sa paligid mo, Charles?"
            "Ngayon lang naman. sa `yo lang. You know what, Vin. You're something interesting. May kung ano sa `yo na hahabulin talaga."
            "Ay ewan ko sa `yo. Tabi ka nga dyan. Bibili ako. Ako na naman ang napag-trip-an mo."
            "Totoo naman kasi ang sinasabi ko, eh. Talagang interesanteng tao ka. Hindi ka nakakasawa na kasama kahit na hindi ka masyadong nagsasalita."
            "Ewan. Tigilan mo nga ako. Nahihiya ako sa pinagsasabi mo sa `kin."
            "Trip kita. Alam mo ba. Wala akong magawa kaya habang nandito ka ay mag-usap muna tayo. Ako na ang magbabayad ng bibilhin mo, libre ko."
            "`Wag na, Charles. Nakakahiya sa `yo. Ako na ang magbabayad ng bibilhin ko. May pera ako. Salamat na lang."
            "Ayaw mo ng libre?"
            "Ayaw."
            "Ikaw ang bahala. Dapat sinasamantala mo ang generosity ko. Minsan lang ito."
            "Sa susunod na lang. Iba ang ipapabili ko sa `yo kapag gusto kong magpa-libre." pagsakay niya.
            "Bakit ngayon ka lang lumabas?" Pag-iiba nito ng usapan.
            "Wala lang. Mainit eh. Saka wala naman akong gagawin dito sa labas. Wala naman si Diega at Joanna."
            "Nandito naman ako, ah. Bakit ako ang hindi mo hanapin."
            "Ewan ko sa `yo. Wala ka bang ginagawa sa bahay n'yo? Puro ka lakwatsa."
            "Wala kaya nga ako nandito. I'm just killing my time watching every people passing by."
            "Ang sarap ng buhay, ah. Dakilang tambay ka pala."
            "Nagsalita ang hindi."
            "Para sabihin ko sa `yo. Pagkatapos ng linggong ito may trabaho na `ko."
            "Talaga? Ano naman?"
            "Waiter sa isang restaurant." Nagmamalaki niyang sagot. Sinabi niya dito ang pangalan ng restaurant nina Joen.
            "Waiter daw, dapat waitress."
            "Pareho na rin `yon, adik."
            "See you there na lang kung ganoon."
            "Bakit? Doon ka ba nagtatrabaho? May nalalaman ka pa na ganoon."
            "Hindi ako d'un nagtatrabaho. Sa katabi lang naman n'un. Kaya seee you there kasi doon ako minsan kumakain."
            "Ah ganoon ba. Sige, see you there na lang." aniya. Bigla siyang natigilan. "Pinagloloko mo yata ako Charles, eh. Ang sabi mo kanina wala kang trabaho tapos ngayon meron na? Ano `yon magic?"
            Tumawa ito. Talagang pinagtawanan pa siya nito.
            "Adik ka rin, noh." Saglit siyang natigilan. Adik, masungit, moody. Iyon ang mga salitang palagi niyang inilalarawan kay Joen.
            "Hay naku! Nakapagtatampo ka naman, Vin. Ako ang kausap mo ngayon tapos iba ang iniisip mo. Si Joen na naman `yan, noh?"
            "Hindi no." Ang pag-iwas niya.
            Ang galing rin talaga ng lalaking ito. May kakayahan ba itong basahin ang iniisip ng isang tao?
            "Mag-de-deny pa halata naman. I-text o kaya tawagan mo para mawala `yan na pagka-miss na `yan." Sulsol nito sa kanya.
            "Ewan. Baka gusto mong ewanan kita dito, Charles. Tigilan mo `ko sa pang-aasar mo sa `kin."
            "Sungit mo naman," nakasimangot na saad nito. "Pasalamat ka at wala akong magawa kundi eewanan din kita dito." Ang panggagaya nito sa kanya.
            Tinawanan niya ito. "Mukha kang ewan, Charles. Mukha kang abnormal nang sabihin mo `yon. Hindi bagay."
            "Wow! Nahiya naman tuloy ako sa `yo."
            "Sige na nga ba-bye na. Uuwi na `ko. Wala naman tayong matino na pag-uusap."
            Natigilan na naman siya.
            Muli na naman niyang naalala si Joen. Sa lahat na lang ng bagay? Hay naku! Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
            Joen umuwi ka na. Miss na kita. Miss na miss.

DAPAT PAGKATAPOS SABIHIN ni Mack kay Nick na may pagtingin ang pinsan niyang si Joen kay Vin ay n'ung hapon na rin iyon niya kokomprontahin si Joen. Ang kaso ay wala pala ito sa bahay ng mga ito at kasalukuyang nagbabakasyon. Nang pumunta siya sa bahay ng Tito Ric niya ay ang mga katulong lang ang naabutan niya. At sa mga iyon nga niya nalaman na nagbabakasayon ang mag-ama.
            Isang araw at mahigit na mula nang malaman niya iyon. Sa isang araw na mahigit na iyon ay binabagabag siya ng mga katanungan sa kanyang isipan. Mga katanungan na gusto niyang magkaroon ng kasagutan at marinig mula sa bibig ni Joen.
            Paanong nangyaring may gusto rin ito kay Vin?
            Katulad na rin ba nila ito ni Mack?
            Kaya ba ganoon na lang ito mambakod kay Vin dahil simula pa noong una ay may pagtingin na ito kay Vin?
            Kaya pala ganoon na lang ang sinabi nito sa kanya dahil may pinaghuhugutan ito.
            Ang dami ng pwede niyang maging karibal ngunit bakit ang mga pinsan pa niya?
            Kay Mack, alam niya na may laban siya. Pero kay Joen ay duda siya. Siguro kung hindi niya nalaman ang katotohanan mula kay Kuya Arkin ay hindi siya mag-aalala ng ganito. Kapag nakumpirma niya na may pagtingin nga si Joen kay Vin ay talo na siya.
            Humugot siya ng isang malalim na paghinga.
            Ganunpaman ay wala siyang balak sumuko. Gagawin niya ang lahat na makakaya niya.
            Tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon at binasa ang mensahe na natanggap. Galing iyon kay Aling Mercy. Sinabihan niya kasi ito na i-text siya kapag dumating na ang mga amo nito. At ang mensahe ay iyon na nga. Nagpasalamat muna siya sa katulong. Nagpalit siya ng damit. Pagkatapos ay agad siyang lumabas ng kwarto niya.
            Excited siya na malaman ang totoo ngunit may kaba na binabalewala niya. Ang pakay niya ay malaman at marinig mula kay Joen ang katotohanan sa sinabi ni Mack sa kanya.
            Pagkadating niya sa bahay ng Tito Ric niya ay eksakto naman pababa si Joen sa asul na kotse na pagmamay-ari ni Arkin. Agad siyang lumapit dito.
            "Nick," masayang tawag ni Joen sa kanya. Kapansin-pansin ang pamumula ng balat nito. Mukhang nahiyang ito sa bakasyon nito.
            Kung nakangiti ito ay kaseryosohan naman ang mababakas sa mukha niya.
            "May problema ka ba, Nick?" Tanong nito. Malapit sila sa isa't-isa ngunit mukhang magkakaroon ng lamat ang pagiging malapit nila pagkatapos nito.
            "Pwede ba tayong mag-usap, Joen?"
            "Para saan?" tanong ulit nito. Nawala ang ngiti sa labi. "Wait here," anito saka nagpaalam sa Tito Ric niya at kay Arkin. Iyon din ang ginawa niya.
            Inilabas nito ang motor nito. Umangkas ito saka siya pinasakay. Nauwi sila sa park na nasa loob ng subdivision nila. Umupo sila sa bench na nandoon.
            "Alam ko na ang lahat," simula niya. "Mack told me things he knew about you and Vin. Paano nangyari `yon, Joen? Akala ko totoong lalaki ka? Paano ka nagkagusto kay Vin? Bakit siya pa? Katulad ka na rin ba namin? Ang akala ko para ka lang sa babae pero mali pala ako." Wala itong tugon sa mga tanong niya.
            Nakatingin lang ito sa mga batang naglalaro sa playground.
            "Sumagot ka, Joen. Gusto kong marinig mula sa bibig mo ang lahat."
            "Wala akong dapat ipaliwanag sa `yo o kay Mack, Nick. Bakit kailangan kong sagutin ang tanong mo na dapat wala ka namang kinalaman?" 
            "Meron akong kinalaman, Joen. Gusto ko rin si Vin!"
            "Narinig ko na ang linyang `yan kay Mack. Magpinsan nga kayong dalawa." Palatak nito.
            "Just answer my question, Joen. Gusto kong marinig ang lahat. `Wag mong patagalin ang pag-uusap natin na `to."
            "Alam mo naman na ang totoo, `di ba? Bakit kailangan pang marinig mo iyon mula sa `kin, Nick? Masasaktan ka lang at ituturing mo `kong kaaway pagdating sa kanya."
            "Damn it! Just answer my damn question, Joen!"
            Bumuntung-hininga ito. "Totoo na may gusto ako kay Vin. Hindi ko lang siya gusto dahil mahal ko na siya. Paano `yon nangyari? Hindi ko alam. Basta bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Gusto kong lagi siyang kasama at sa kanya ko lang naramdaman ang kapanatagan sa puso ko. Yes, aaminin ko na babaero ako na hindi ako dapat ma-inlove sa kanya pero mapipigilan ko ba ang puso ko? Hindi ako katulad n'yo dahil alam ko kung ano talaga ako. Hindi naman masama kung mahalin ko siya dahil wala namang pinipili na kasarian ang pagmamahal, hindi ba?" 
            "Wala nga." Ang tanging nasabi niya. "Sa mga narinig ko sa `yo, ituturing na kitang karibal sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa `yo pagdating kay Vin. I'll do everything just to win him over you. But please, Joen, just fight fairly like what we are doing. `Wag kang bantay-salakay."
            He heard him chuckled. "Mag-pinsan nga talaga kayo ni Mack. Narinig ko na rin `yan sa kanya nang komprontahin niya ako. Nasuntok pa niya nga ako, eh."
            "Bagay lang `yan sa `yo."
            "Sinabi rin ba niya sa `yo na hinalikan ko si Vin sa lips?"
            Marahas siyang napabaling dito. "You kissed him?"
            Tumango ito. "Base on your reaction. Hindi niya sinabi sa `yo. Ako pala ang nagpahamak sa sarili ko. Tsk."
            Marahas siyang tumayo at hinarap ito. Bago pa ito maka-react ay binigyan niya ito ng suntok sa pisngi.
            "Ouch," daing nito habang sapo ang nasaktang pisngi. "Hindi pa nga ako nakaka-recover sa panununtok sa `kin ni Mack sinuntok mo naman ako."
            "Bagay lang `yan sa `yo. Sinabihan mo ako na mapagsamantala samantalang mas malala ka pa pala. Bantay-salakay ka rin." Ang sabi niya saka iniwanan ito.
            Kung hindi niya ito iiwanan ay magugulpi lang niya ito. Mukhang walang balak pa naman ito na gumanti. Nanggigigil siya. Nagseselos sa narinig mula dito. Sa cheeks lang siya samantalang ito sa lips?
            Akala niya ay siya ang unang naka-iskor. Hindi pala. Dahil kung mabilis siya ay mas mabilis si Joen.
            "Gagawin ko ang lahat para makuha ko si Vin, Nick. Maswerte nga kayo dahil nasabi n'yo na sa kanaya ang nararamdaman n'yo, ako hindi pa."
            Pahabol ni Joen na hindi niya pinansin. Lamang pa rin ang pagseselos niya. Galit siya dito.


"OUCH," MULING DAING ni Joen nang mapadiin ang pagkakahawak niya sa nasaktang pisngi.
            Hindi niya akalain na magiging bayolente si Nick. Hindi niya inaasahan na susuntukin siya nito. Ngunit katulad ng reaksyon niya kay Mack ay wala siyang balak gumanti sa panununtok nito. Kasalanan niya kasi sinabi pa niya dito na hinalikan niya si Vin sa lips.
            Napailing na lang siya sa kabobohan niya. Pinahamak niya ang sarili.
            Nagtungo siya sa kanyang motorsiklo at humarap sa salamin niyon. Tiningnan niya ang pisnging sinuntok ni Nick. Namumula na iyon at maya-maya ay magkukulay lila na iyon.  
            Sumakay siya sa motorsiko niya at pinatakbo iyon ng mabilis. Ang unang balak niya pagkababa na pagkababa niya sa kotse ni Arkin ay puntahan agad si Vin ngunit hindi nangyari dahil kay Nick. Miss na miss na niya ito. Gusto na niya itong mayakap at makita.
            Gusto niyang malaman kung okay na sila nito at katulad rin niya ay na-miss siya nito. He was hoping for a positive result that after this they will be okay, again. Sana ay wala nang ilangan ang mamagitan sa kanila. Sana ay nakalimutan na nito ang nangyari kahit siya ay hindi niya iyon magawa.
            Kapag nagkita sila ay isang mahigpit na yakap ang ibibigay niya dito. Kung pwede nga niyang halikan ito sa lips ay gagawin niya. Ang kaso ay baka maging sanhi na naman iyon ng hindi nila pagkakaunawaan.
            Sa bilis ng pagpapatakbo ni Joen sa motorsiklo niya ay agad siyang nakarating sa tapat ng bahay nina Vin. Agad siyang nagtungo sa harap ng gate at kumatok. Walang tugon. Tila walang tao sa loob ng bahay. Baka wala doon si Vin at Lola Fe, baka may pinuntahan ang mga ito. Pero bukas naman ang gate nila.
            Wrong timing. Bad trip.
            Muli siyang kumatok pero wala talaga.
            Sa kaabalahan niya sa pagtingin sa loob ng bahay at pagkatok ay hindi niya napansin ang pagdating ng hinahanap niya.
            "Na-miss kita," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses na nagpatingin sa kanya dito.

19 comments:

  1. Ano b yan?! Bitin naman! Hehehe

    Go #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hardname, thanks for reading!!

      Sa susunod na chapter na lang.

      ;)

      Delete
  2. Replies
    1. Kiya Anon, pakilala ka po. :)

      Salamat sa pagbabasa. Sa uulitin po.

      Delete
  3. Wow bitin.... Hehehe.. Nice one mr. Author... Update po agad khit my pasok n s skul...
    Keep it up...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading!!

      Hindi na po ako nag-aaral. Bummer na ako, matagal na.

      Tsk..

      Delete
  4. Supppperrr boom bitin nice

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Russ, super bitin ba? Pasensya na po..

      Anyways salamat sa po sa pagbabasa

      Delete
  5. Waaah! Ang konti ng kilig part! Anyways, salamat sa update Vienne!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa susunod na lang na part kuya Rye. :)

      Delete
    2. "na-miss kita"



      wew 1 million times kilig ^_^



      nice (y) galing



      thanks sa update :)))

      Delete
    3. Walang anuman po, Kuya Ruthra, heheh..

      Thanks din sa pagbabasa nito.
      Sa uulitin, kuya!

      Delete
  6. #teamjoen medyo bitin.. Pero.. Maganda.. :) kakatuwa - dave

    ReplyDelete
  7. Magka-intindihan na sila ng feelings nila. It's getting better every chapter. As Usual...bitin na naman kaming mga avid readers. Thanks for the story you shared..I hope you authors would be well compensated for your stories you painstakingly done.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa pagbabasa nito, sir alfred :)

      Magkakaintindihan? Hindi pa po. Magulo ang main character ng story na to, eh. Pero, may mangyayari.. haha.. iyon nga lang kung matutuloy..

      :)

      Delete
  8. Bawat chapter naman nakakabitin, kaya magandang abangan haha. Nakakainis ka author, bakit mo pinasapak si joen kila Nick at Mack. Wala nmn akong nakikitang dahilan para sapakin sya, e wala pa nmn bf c vin.

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganoon sila magselos, eh, possessive ang peg nila kahit manliligaw pa lang..

      Nakakabitin ba nang sobra? Pasensya na.. :)

      Delete
  9. Author update po exciting talaga susunod na pangyayari...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails