CHAPTER THIRTEEN
"ANONG
SABI MO?"
Ang tanong ni Vin kay Mack kahit na
malinaw niyang narinig ang sinabi nito.
"Ang sabi ko mahal kita."
Napailing siya. Nagulat talaga siya
sa biglaan nitong pagtatapat. Gusto pa lang ngayon ay mahal na.
"Ano ba ang sinasabi mo Mack?
Hindi ka ba nagugulat sa mga sinasabi mo? Mahal mo `ko? Sa maiksing panahon na
magkasama tayo ay mahal mo na `ko?"
"Vin, wala naman sa oras o
panahon kapag nakadama ka ng pag-ibig, eh. Mahal na kita kahit na kaunting
panahon pa lang tayong magkasama. Akala ko gusto lang kita pero mas malalim pa
pala doon ang nadarama ko sa `yo. Hindi ko sinabi `to sa `yo para sagutin mo
rin ako na mahal mo ako. Sinabi ko lang dahil hindi ko na kaya pang kimkimin.
Sapat na sa `kin na malaman mo iyon. Maghihintay ako na mahalin mo rin ako.
Liligawan kita Vin hanggang sa mahalin mo rin ako."
"Wala kang aasahan sa `kin,
Mack."
Nagulat ito sa sinabi niya.
Kitang-kita niya ang sakit sa mukha nito. Ito na ang tamang panahon para
sabihin niya dito ang totoo. Dahil kung hindi ay aasa lang ito.
"Bakit wala Vin? May mahal ka
na ba?"
"Wala," pagsisinungaling
niya. Sinabi niya na sasabihin niya na walang aasahan ito sa kanya ngunit hindi
ang totoo niyang nararamdaman para sa pinsan nito.
"Wala naman pala. Pero bakit
sinasara mo na agad ang damdamin ko sa `yo? Ganoon ba ako kawalang pag-asa sa
`yo, Vin."
"I'm incapable in falling in love."
Ang sagot niya.
Kasinungalingan!
Mahal mo na nga si Joen tapos incapable in falling in love ka! Bakit ba kasi
hindi mo pa sabihin ang totoo kay Mack, na mahal mo si Joen para hindi ka na
maghabi pa ng kasinungalingan.
Hindi
ko sasabihin ang totoo dahil wala iyong patutunguhan.
Sigurado
ka ba? `Wag mo kasing pangunahan ang dapat mangyari. `Wag kang negative, Vin.
`Wag mong isipin na hindi ka babagay kay Joen dahil sa madilim mong nakaraan.
"Bakit? Paano mo nasabing hindi
ka marunong magmahal, Vin?"
"Maraming dahilan, Mack. Ang
iba ay personal na bagay at hindi ko pwedeng sabihin sa `yo `yon."
"Hanggang hindi mo sinasabi sa
`kin ang dahilan mo ay hindi ako titigil na ligawan ka. Maghihintay ako at
magpupursige."
Humugot siya nang malalim na
hininga.
"Ikaw ang bahala, Mack. Basta
`wag mong kakalimutan na sinabi ko na sa `yo ang totoo."
Mapait itong napangiti.
MAPAIT ANG
PAGKAKANGITI NI Mack. Naihatid na niya si Vin sa bahay nito ngunit hanggang
ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang isipan ang sinabi ni Vin. Hindi ito marunong magmahal. Nagsisimula
pa nga lang siya ay basted na agad siyaganunpaman ay hindi siya susuko. Hindi
siya naniniwala sa sinabi nito. Alam niyang may kung ano itong tinatago at
pinipigilan lang nito ang sarili. Alam niya na marunong itong magmahal. At kung
may itinitibok man ang puso nito ay si Joen iyon. Pinapatibay pa ang isipin na
iyon ng nakita niya tatlong araw na ang nakakaraan. May pagtingin si Vin kay
Joen dahil kung wala ay hindi naman ito gaganti ng halik sa pinsan niya. Hindi
at ayaw lang nitong aminin iyon dahil sa personal na problema. Kung ano ang problema
na iyon ay gusto niyang malaman.
Hindi siya susuko na ligawan si Vin.
Alam niya na makukuha niya ang puso nito.
Bumuntung-hininga siya.
Ang lapit lang ni Vin sa kanya pero
mahirap itong abutin.
Magkaibigan nga sila pero may kung
ano dito na hindi pa nito lubusang pinapakita sa kanila. Nakikita niya na
marami itong pinagdaanan.
MAGANDA ANG
TANAWIN na nasa harapan ni Joen ngunit hindi niya iyon ma-appreciate. Wala kasi
ang atensyon niya doon. Lumilipad ang utak niya patungo sa isang tao na naiwan
niya sa siyudad. Gusto niyang tawagan o kaya ay i-text ito para mangumusta pero
pinangungunahan siya ng takot. Iniisip niya na baka hanggang ngayon ay galit pa
rin sa kanya si Vin. Galit? It was an overstatement. Wala naman sinabi si Vin
na galit ito sa kanya. Sinabi lang nito na kailangan nitong mag-isip para sa
kanilang dalawa.
Napabuntung-hininga siya.
"Tawagan mo kaya o i-text para
mawala ang lungkot dyan sa mukha mo."
Isang blangko na tingin ang ibinigay
niya sa nagsalita. Si Arkin iyon. Sa isa't kalahati na araw na kasama niya ito
ay agad niyang nakapalagayan ito ng loob. Ang kakumportablehan na nararamdaman
niya dito ay katulad ng kay Vin.
Iniisip niya kung iniisip rin ba
siya ni Vin katulad ng pag-iisip niya dito.
"Hindi pwede, eh." Matipid
niyang sabi.
"Were you thinking if he was
also thinking about you?"
Tango lang ang itinugon niya.
"In-love na in-love ka sa
kanya, no? Alam mo habang papunta tayo dito, habang sa sasakyan tayo ay
nakatulog ka."
Natatandaan niya ang sinabi nito. Kahit
na bagong gising siya nang umalis sila sa bahay nila ay nakatulog pa rin siya
sa sasakyan nito. And while he was asleep he had the most beautiful dream that
he ever had. Sa kanyang panaginip ay doon si Vin at magkasama silang dalawa.
May ngiti sa mga labi at puno ng pagmamahal sa isa't-isa. Nababaliw na nga
siya. Baliw na baliw na siya kay Vin.
"Natatandaan ko `yon,"
sagot niya kay Arkin nang makita na tila naghihintay ito ng tugon mula sa
kanya.
"And while you were asleep, you
mentioned someone's name and said 'I love you' afterward. Let me think the name
you mentioned." saglit itong nag-isip. "It was Vin. You said, 'Vin, I
love you' to be exact."
Napangiti siya. Hindi siya nakadama
ng hiya kahit na nalaman nito na sa lalaki siya umiibig. "Sinabi ko ang
mga iyon?"
"Oo. Bilib ako sa `yo dahil
hindi ka nahihiya kahit na lalaki ang minahal mo. Kahit sa panaginip ay siya
lang."
"Kung alam mo lang,
Arkin," aniya. "Ang totoo niyan ay hindi naman ako nahihiya na aminin
na mahal ko siya sa ibang tao. Ang ikinakahiya ko ay ang sinabi ko sa kanya na
hindi ako mai-in-love sa mga katulad niya. Hindi ko alam kung paano ko `yon
babawiin. Hindi pa nga ako umaamin sa kanya pero basted na agad ako."
"Huh? Bakit naman? Paano mo
nasabi `yan?"
"Inamin niya sa `kin ng harapan
na wala siyang gusto sa `kin. Yes we shared a kiss but that kiss don't mean a
thing to him. At iyon rin ang pinalabas ko pero ang totoo ay may kahulugan sa
`kin ang halik na `yon."
"Kayo, lalo na ikaw ang
nagpapagulo ng sitwasyon niyong dalawa. Imposible na wala siyang pagtingin sa
`yo. Kahit na gaano ka pa kagaling humalik kung walang nararamdaman sa `yo ang
hinalikan mo ay hindi siya gaganti. Trust me, Johanson, may pagtingin rin sa
`yo ang Vin na `yan. Just observe and show it to him. Hindi naman mahalaga ang
salita, eh, mas mahalaga ang gawa. Ang salita at pagsasabi ng 'I love you' sa
isang tao ay walang bisa kung walang gawa. Show it to him first, then tell it
afterwards."
"I'll take it as a reminder.
Gagawin ko ang mga sinabi mo. Sa ngayon ay hahayaan ko muna ang pagkakalayo
namin. Kapag umuwi ako ay ipapadama ko `yon sa kanya. Iyon naman talaga ang plano
ko n'ung una, eh. Ang kaso ay nasira dahil sa paghalik ko sa kanya."
Pumalatak ito. "`Yon lang ang
problema, masyado ka kasing atat. Hindi ka makapaghintay sa tamang oras. Bago kasi
umaksyon ay kailangan munang mag-isip. Sugod ka ng sugod, wala ka naman palang
bala, `di mamamatay ka nyan."
"Vin also said that kind of
thing to me," nakangiting sabi niya.
"Ganoon ba. He's really the one."
"May sinasabi ka?"
"Wala," pag-iwas nito saka
nagpaalam sa kanya.
Naiwan siyang nakatingin sa
dalampasigan. Papalubog na ang araw at kumakalat na ang kulay kahel na sikat
niyon. Hinayaan niya na mabasa ang paa niya ng mahihinang alon. Habang
nakatingin sa papalubog na araw ay napangiti siya. Kanina ay malungkot siya
dahil malayo siya kay Vin. Nang makausap niya si Arkin at payuhan siya nito ay
tila nagkaroon siya ng bagong pag-asa. Sana nga ay tama ito sa isipin na kaya
gumanti si Vin sa halik niya dahil may pagtingin ito sa kanya at hindi dahil
magaling siyang humalik.
Ngunit may pag-aalala pa rin sa
dibdib niya. Paano kung ang mga sinabi ni Arkin ay taliwas sa nararamdaman ni
Vin? Na gumanti ito ng halik dahil wala itong pagtingin sa kanya kundi nadala
lang ng init ng katawan?
Umiling siya. Hindi si Vin ganoon.
Kailangan niyang maging positibo. Dapat ay alisin niya ang mga negatibong bagay
sa utak niya.
Isasaalang-alang niya ang mga sinabi ni Arkin
sa kanya. Gagawin niya ang mga iyon oras na makabalik siya sa Manila. Sa piling
ni Vin.
"HINDI
KA BA NAGSASAWA SA GINAGAWA MO? Sinabi ko na sa yo, Mack, wala kang aasahan sa
`kin. Tumigil ka na sa ginagawa mo dahil umaasa ka lang sa wala. Pinapahirapan
mo ang sarili mo. Kung may pagtingin man ako sa `yo ay hanggang tingin bilang
kaibigan lang iyon." Diretsong sabi ni Vin kay Mack anang yayain na naman
siya nitong lumabas.
Ilang beses na rin niyang
tinanggihan ang paanyaya nito ngunit makulit talaga ito. Alam niyang nasasaktan
ito sa mga sinabi niya. Iyon lang naman kasi ang paraan niya para tumigil ito
sa ginagawa. Habang hindi kasi ito tumitigil ay nasasaktan rin siya para dito,
sa bawat pagtanggi niya ay nasasaktan siya. Ayaw pa naman niyang makasakit ng
damdamin ngunit hindi yata talaga maiiwasan iyon.
"Sinabi ko naman sa `yo na
hindi ako titigil sa panliligaw sa `yo. Hindi ako susuko, Vin. I'm determined
to get your heart. I'll do everything just to get a yes from you."
Bumuntung-hininga siya. Hindi siya
tumugon. Talagang matigas ang ulo nito kahit anong sabihin niya.
"Pwede ka bang sumama sa `kin
na lumabas, Vin?"
"Ano pa ba ang magagawa ko.
Nakatayo ka na sa harap ng bahay namin at kanina ka pa nandito. Hindi ko alam
kung bibilib ba ako sa mga pinagagawa mo o maiinis. Pinapahirapan mo ang sarili
mo."
Ngumiti ito. "Mabuti naman at
concern ka rin sa `kin. Sa mga `yan okay na sa `kin ang ganito, for now."
"Hindi ka naman nagpapapigil,
eh. Nasasaktan ka na lahat-lahat sa kaprangkahan ko pero walang epekto, Mack.
Saan ba tayo pupunta?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Mag-de-date tayo."
"Ikaw nga ang bahala."
Ang totoo ay humahanga siya sa panliligaw
ni Mack sa kanya. Bilib siya sa pagmamahal na pinapakita nito. Hahamakin
masunod lamang. Kung sana ay kayang turuan ang puso ay ito na lang ang minahal
niya at hindi si Joen. Pero, may bago ba kung ito rin ang ititibok ng puso niya?
Wala naman dahil tulad kay Joen ay hindi siya karapat-dapat dito. Sana ay
dumating na ang araw na makatagpo si Mack ng tao na masusklian ang pagmamahal
nito. Kung mangyayari iyon ay siya na yata ang pinakamasaya.
Nauwi sila sa isang fast food chain.
Sa dami ng choices na binigay sa kanya ni Mack ay pinili niya ang kung saan
siya komportable. Sa isang sikat na fastfood chain ang pinili niya. Doon siya komportable
kaysa sa mga fine dining restaurant na sinabi nito. Isa pa ay hindi nababagay
ang suot niya doon. He was only wearing a simple blue shirt with Mickey Mouse
face on it and paired it with a khaki pants.
"Dito ka na muna. may bibilhin
pa ako," paalam sa kanya ni Mack.
"Ang dami na nang in-order mo,
Mack. Tama na `to. Baka hindi natin `to maubos."
"Nah, mauubos `yan natin, Vin.
kapag kasama kita madami akong nakakain. Ang sarap mo kayang kasalo sa
pagkain."
"Nambola ka pa. Umalis ka na
nga. Tsoo," pagtataboy niya dito.
Natatawang umalis naman ito at
bumalik sa counter para um-order. Habang naghihintay siya dito ay pinapak niya
ang fries. Habang ngumunguya ng pagkain ay patingin-tingin lang siya sa paligid.
Karamihan ng taong nasa loob ng fastfood chain ay pamilya. Lahat ng mga ito ay
may mga ngiti sa labi. Minsan na rin niyang naranasan ang ganoon pero ngayon ay
hindi na. He was scattered. Lot's of pieces of his life broke in one particular
day and time.
Umiling siya. Hindi na niya dapat
iniisip ang mga ganoon na bagay. Nalulungkot lang siya at namumuo ang galit sa
dibdib niya.
Think
of happy thoughts. Aniya sa sarili.
Pagkasabi niya ng mga salita na iyon
sa sarili ay lumitaw sa isipan niya si Joen. Happy thoughts then Joen was the
one who make him happy. Sobrang nami-miss na niya ang lalaki.Kumusta na kaya
ito.
Natigil siya sa pag-iisip kay Joen
nang bumalik si Mack dala ang dalawang sundae. Imbes na umupo ito sa upuan na nasa
harapan niya ay pinili nitong umupo sa tabi niya. Inilapag nito sa mesa ang
dala saka siya inakbayan. Nagulat man ay hindi niya inalis ang pagkaka-akbay
nito sa kanya. Kinabig siya nito palapit dito at isinandal ang ulo niya sa
dibdib nito. Hindi alintana ni Mack na nasa pampubliko silang lugar at sa
ginagawa nito ay makakakuha sila ng atensyon.
Sa mga ginagawa nito ay hindi siya
kumontra. He rested his head in his chest. Bahala na kung ano ang isipin ng iba.
Hindi naman sila kilala ng mga ito.
A WIDE SMILE
formed in Nick's lips as he saw Vin. Nakaupo ito sa isang upuan sa loob ng
fastfood chain habang kumakain ng fries. Patingin-tingin lang ito sa paligid.
Hindi niya akalain na makikita niya
ito doon. Pumasok siya. Lalapit na sana siya dito pero napahinto siya nang may
lumapit ditong lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakita ang
mukha nito. Nang humarap ito at umupo sa tabi ni Vin ay nagulat siya. Ang
pinsan niyang si Mack ang lalaki. Inakbayan ni Mack si Vin at kinabig nito
palapit dito at isinandal ang ulo ni Vin sa dibdib nito. Hindi alintana na nasa
pampublikong lugar ang mga ito. Kagaya niya. Parang siya lang ng minsan na
makita niya si Vin sa Booksale.
Bumangon ang pagseselos sa kanya.
Bakit okay lang kay Vin na akbayan ito ni Mack? Bakit siya kapag inaakbayan ito
ay umiiwas ito? Hindi lang isang beses nito iyon ginawa kundi dalawang beses.
May pagtingin na ba si Vin kay Mack kaya ganoon? O ang dalawa na ba.
Lumabas siya ng fastfood chain na
lulugo-lugo. Akala pa naman niya ay pagkakataon na niyang masolo si Vin, hindi
pala. Ang nakita niya ay nagbigay lamang ng selos sa kanya. Hindi pa nga niya
tinotodo ang effort niya ay agad na siyang sawi.
Still, some question were hanging on
his mind. He decided to go back. Wala pang kasiguraduhan ang mga katanungan sa
isip niya. Kaya nga may kasabihan na marami ang namamatay sa akala dahil puro
akala. Ayaw niyang magkaganoon. Kailangan niyang makasigurado.
He composed his self. He walked
straight to them.
Nang makita siya ng mga ito ay
nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Vin, samantalang si Mack naman ay
maluwang ang pagkakangiti. Tila nang-aasar ito. Tila nagsasabing 'naunahan siya
nito'.
Kung
alam lang ng pinsan niya. May alam na pala ito. Napailing na lang siya.
Pinapaselos lang siya nito.
"Nice seeing the two of you
here," he said. "That's why I decided to dropped by. Nag-de-date ba
kayong dalawa o kayo na?" Tahasan niyang tanong.
Nabilaukan si Vin saka lumayo kay
Mack. Kinuha niya ang drinks na malapit sa kanya at inabot iyon dito. Ganoon
din ang ginawa ni Mack. Nagkatinginan silang dalawa at nagpalitan ng masamang
titig sa isa't-isa. Mukhang napansin iyon ni Vin. Sa halip na kunin nito ang isa
sa inaabot nilang dalawa ni Mack ay hindi nito ginawa. Sa halip ay kinuha nito
ang bottled water at doon uminom.
"Maayos na `ko," anito,
pagkatapos uminom. "Pwede n'yo nang ibaba ang mga `yan."
Iyon nga ang ginawa nila.
"Can I join?" tanong niya.
Hindi pa man nakakasagot ang dalawa ay agad na siyang umupo sa bakanteng upuan.
"Nagtanong ka pa, nauna ka
namang umupo," sarkastikong sabi ni Mack. Hindi niya ito pinansin. Kung
nag-de-date ang dalawa ay dapat na guluhin niya. Ayos rin kasi si Mack. Sa
isang linggo ay dalawang beses nitong niyaya na lumabas si Vin. Walang araw ang
pagyayaya nito basta maisipan. Masyado itong nagmamadali at gusto niyang
patigilin ito sa simpleng paraan niya.
Wala siyang
pakialam kung pinsan niya ito, sa ngayon ay nakikita niya ito bilang isang
lalaki na karibal sa puso ni Vin.
"Hindi niyo pa sinasagot ang
tanong ko. Nag-de-date ba kayong dalawa?'
"Oo," malakas na sagot ni
Mack. "At kung hindi mo alam ay istorbo ka."
"Well, I'm sorry," sabi
niya. Humingi nga siya ng paumanhin pero hindi naman mababakasan ng pagiging
sorry ang boses niya. Nagmamalaki pa iyon.
"If you're sorry, then leave,
Nick. Huwag mong sirain ang espesyal na araw namin. Ayoko ng third wheel sa
date namin. Hindi namin kailangan ng chaperone."
"I'm sorry but I'm not sorry.
Why should I leave? Gusto ko dito, eh. Okay lang sa `kin na maging third wheel
ako sa date na ito o maging chaperone basta para kay Vin lang."
Napangiti siya nang makita ang
pagtiim ng bagang ni Mack. Mukhang napipikon na ito sa kanya. Iyon naman talaga
ang sadya niya. May tendency kasi na kapag napipikon si Mack ay kusa itong
umaalis para huwag makasakit. Iyon ang gusto niyang gawin nito. He was hoping
for a positive result.
"Can you just leave Nick."
Hindi na niya pinansin si Mack. Mukhang
hindi uubra ang naisipan niya. Mukhang walang balak itong umalis kahit na pikon
na sa kanya.
Humarap siya kay Vin at nginitian
ito. Gumanti ito ng ngiti ngunit pilit. Bumaling ito kay Mack nang magsalita
ang lalaki.
"Kung ayaw umalis ni Nick, tayo
na lang Vin."
Pagkasabi nito niyon ay tumayo ito
at hinawakan si Vin sa kamay. Napatayo na rin si Vin. Bago pa makaalis ang
dalawa ay hinawakan na niya si Vin sa kamay nito.
Hinila niya si Vin, hinila din ito
ni Mack. Naghilaan sila. hIndi alintana na nsasaktan na ang pinag-aagawan nila.
"Bitawan
mo si Vin, Mack." Mariin niyang utos sa pinsan.
"Ikaw ang bumitiw, Nick. Kami
ang magkasama at wala kang karapatan na kunin siya sa `kin."
Muli silang naghilaan. Parang wala
talagang magpapatalo.
Natigil lamang ito nang magpumiglas
si Vin. Nabitiwan nila ito.
"Pwede bang tumigil kayong
dalawa! Pareho kayong walang karapatan sa `kin. Ako lang ang may karapatan sa
sarili kong buhay. Wala akong boyfriend sa inyo at wala kayong karapatan na
pag-agawan ako. Kung gusto niyo kayong dalawa na lang ang magsama."
Bago ito umalis ay binangga pa nito
si Mack. Binigyan naman siya nito ng matalim na titig.
He felt
sorry. Yumuko siya.
"Mas mabuti pa sigurong `wag na
kayong magpakita sa `kin na dalawa kung ganito lang ang gagawin n'yo. Ayokong
masira ang relasyon niyong magpinsan nang dahil sa `kin. Hindi dapat. I'm starting
to hate the attitude of both of you." Ang iniwan nitong salita.
KUNG KANINA
PA NAKAKAPATAY ANG TINGIN ay baka kanina pa napatay ni Mack si Nick sa talim nt
tingin na ibinibigay niya dito. Sa ganoon na lang niya pinapadaan ang galit na
nadarama niya para sa pinsan. Nagtitimpi siya na masaktan ito.
Ayos na sana, eh. Ang saya na sana
ng date nila ni Vin. Kahit na inakbayan niya ito kinabig palapit sa kanya ay
hindi ito nagreklamo. Akala niya ay tuloy-tuloy na iyon pero dumating nga si
Nick at nasira ang araw nila ni Vin.
Ang malubha pa ay nagsagutan sila sa
harap nito. At pinaghilaan pa nila si Vin para makasama lang nila. Ngayon ay
iniwanan sila nito at mukhang galit sa kanilang pareho si Vin.
"Kasalanan mong lahat ng ito.
Kung hindi ka sana umeksena, sana nandito pa si Vin at masaya kaming
magkasama."
"That wasn't my
intention," maiksing sagot nito. Tila maamong tupa na hindi nakagawa ng
mali. "Okay lang sa `kin na magkasama kayong dalawa pero hindi okay `yong
pag-te-take advantage mo sa kanya. Dapat ay hindi mo siya inakbayan at umasta
na parang kayo na. Nakapagseselos iyon."
"Anong pakialam mo kung akbayan
at kabigin ko siya palapit sa `kin? Nililigawan ko si Vin at doon sa mga
simpleng bagay na iyon ipinapadama ko sa anya ang pagmamahal ko. Para sa `kin
ay hindi iyon pag-te-take advantage. Akbay lang naman `yon, eh." Hindi halik katulad ng ginawa ni Joen sa
kanya. "Kung nakita mo na ginawa ko `yon, sana ay umalis ka na lang
para hindi ka nakagulo."
Pumalatak ito. Mula sa pagiging
maamo ay nag-iba ang timplada ng mukha nito. "That's exactly my point,
Mack, suitor ka pa lang niya. Hindi pa kayo kaya wala kang karapatan na akbayan
siya at umakto na parang kayo. Sa harap pa talaga ng madla. Sa pampuibliko pang
lugar na katulad nito. And please, don't put all the blame on me. Hindi lang
naman ako ang gumawa ng mali, Mack. Ikaw rin. Nakipaghilahan ka sa `kin at
nakipagsagutan."
Minura niya ito. Gumanti naman ito.
"Hindi nga umeeksena si Joen
pero ikaw naman ang umeksena."
Huli na para mabawi niya ang sinabi.
Walang alam si Nick na katulad nila ay may pagtingin rin si Joen kay Vin. Wala
siyang balak na sabihin iyon pero nadulas na siya.
"A-anong sabi mo?" gulat
na tanong nito.
"Katulad natin ay may pagtingin
rin si Joen kay Vin."
Umiling-iling ito. "Paanong
nangyari `yon? Paano mo nasabi `yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Basta," pag-iwas niya.
"Sabihin mo sa `kin. Paano mo
nasabi ang mga iyon? May nakita ka ba na ginagawa nila?"
"`Wag kang makulit. Kung may
nakita man ako ay akin na lang iyon. Wala akong balak na sabihin ito sa `yo
pero nadulas na `ko. Take what I've said as a threat, Nick."
"Hindi ako makapaniwala."
"Kahit ako pero alam ko ang
napansin ko."
"Maiwan na kita, Mack,"
wala sa sariling paalam nito. "Gusto kong makausap si Joen para makumpirma
ang mga sinabi mo. Gusto kong marinig iyon mula sa bibig niya."
Umalis ito. Sinundan na lamang niya
ng tingin ang papalayo niyang pinsan. Nang makalabas na ito ay kinuha niya ang
cellphone niya para tawagan si Vin. Hindi nito sinasagot ang tawag niya.
Nagdesisyon siyang lumabas ng
fastfood chain.
Eksaktong paglabas niya ng maisip
ang posibleng puntahan ni Vin.
Pumunta siya doon pero wala ito.
Pumunta na lang siya sa bahay ng mga ito. Hindi nga siya nagkamali dahil
nandoon na ito. Nagbabasa ng libro habang nakaupo sa sofa.
"Vin," tawag niya dito
para makuha ang atensyon nito.
Nagtaas lang ito ng tingin saka muling
binaling ang atensyon sa binabasang libro. Lumapit siya dito at tumabi.
"I'm sorry," hindi ito
tumugon. "I'm sorry on what happened. I'm sorry sa attitude ko. Hindi na
iyon mauulit, Vin." Wala pa ring tugon.
Huminga siya ng malalim.
Inilapit niya ang mukha dito ngunit
umiwas ito. "Vin, anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo `ko."
Hindi niya inaasahan ang pagtaas
nito ng tingin. Dahil malapit ang mukha niya dito ay nagtama ang labi nila.
Nakita niya ang panlalaki ng mata ni Vin. Tawagin man siya na mapagsamantala ay
wala siyang pakialam. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito at kinabig niya palapit
sa kanya. His lips started to moved over him. He savored the momnet kissing
Vin's red lips. Hindi man ito gumanti ay hindi ito nagpumiglas. Pinag-igihan
niya ang ginagawa. He teased his lips using his tongue. Sa gitna ng paghalik
niya dito ay napangiti siya ng unti-unti itong gumanti.
Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil
buong lakas siya nitong itinulak. Nasaktan siya sa ginawa nito. Gumanti nga
ngunit panandalian lang. Wala talaga siyang pag-asa. Tama talaga ang sapantaha
niya na may pagtingin si Vin kay Joen. Ang reaksyon nito ay hindi katulad ng
reaksyon nito nang halikan ito ni Joen, gumanti ito.
MALI ITO!! MALI ANG NANGYAYARI.
Iyon ang matinong sinasabi ng
matinong bahagi ng pagkatao ni Vin sa ginagawa nila ni Mack.
Inipon niya
ang lakas at itinulak ito. Oo, inaamin niya gumanti siya dahil nalunod siya sa
halik nito pero hindi ibig sabihin ay may gusto siya dito. Nadala lang siya.
Habang gumaganti pa siya dito ng halik ay naiisip niya na pagtataksil iyon kay Joen.
Ang kabaliwan niya. Wala naman silang
relasyon ni Joen ngunit naisip pa niya iyon. Bakit ganoon? Parang faithful na
faithful ang puso niya kay Joen.
Sinalubong niya ang malungkot na
tingin ni Mack. Nang hindi na niya kaya ay siya ang unang nagbaba ng tingin.
"Wala talaga akong pag-asa sa
`yo Vin," malungkot na sabi nito. "Pero si Joen, meron. Bakit nang
halikan ka niya ay gumanti ka? Dalang-dala ka sa halikan n'yong dalawa."
Nagulat siya sa sinabi nito. Muli
siyang napatingin dito. Kung kanina ay lungkot ang nasa mukha nito, ngayon ay
sakit.
"Na-nakita mo `yon?"
"Yeah. I saw it. Nagsinungaling
lang naman ako sa lola mo na hindi ko makita ang living room n'yo. Ang totoo ay
nakita ko ang lahat. Ang paghahalikan n'yo na tila may relasyon kayo at tamis
niyon. I was hurt so badly that night. Dahil sa pagseselos na iyon ay nasaktan
ko si Joen."
"Sinaktan
mo si Joen?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Sa sobrang pagseselos ko
ay nasuntok ko siya. Bakit siya Vin? Wala naman gusto sa `yo si Joen,. Wala
naman siyang ginagawa para magkagusto ka sa kanya pero mahal mo siya. Kung
hindi mo man siya mahal pa ay may espeyal kang damdamin sa kanya."
"Ngayong alam mo na ang totoo,
titigil ka na ba sa panliligaw sa `kin?" Malamig na tanong niya. Hindi
niya kayang sagutin ang tanong nito kung bakit si Joen ang gusto niya. Kung
bakit siya nahulog sa lalaki. Akala niya ay magaling siyang magtago ng
nararamdaman niya, hindi pala dahil alam na ni Mack ang totoo.
"Hindi ako titigil sa
panliligaw ko sa `yo, Vin. Nasasaktan ako pero kakayanin ko naman, eh. Mahal
kita kaya handa akong gawin ang lahat para sa `yo. I'm always thinking positive
even sometimes I'm being pessimistic. Pero lamang pa rin ang pagiging positibo
ko."
"Tumigil ka na Mack. Masasaktan
at masasaktan ka lang."
"Hindi. Hindi ako titigil.
Sige, aalis na ako. I'm sorry but I'm not sorry. Asahan mo ang lagi kong
pagpunta dito. Ngayong nalaman ko na ang totoo ay mas magiging pursigido ako na
ligawan ka."
Bago ito umalis ay lumapit muna ito
sa kanya at hinalikan siya sa noo. "I'm sorry," anito.
Naiwan siyang tulala. Namalayan na
lang niya na lumuluha na siya. Nasasaktan siya sa sakit na nakita niya sa mukha
ni Mack. Gusto na niyang tumigil ito dahil masasaktan lamang niya ito pero
matigas ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Si Mack, ang nagmamahal sa
kanya.
Si Joen, ang minamahal niya.
At si Nick ang isa pa niyang manliligaw na
may gusto rin sa kanya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa tatlong
lalaking dumating sa buhay niya.
Ganda naman ni Vin! Haha..
ReplyDeleteano nga kaya ung feeling ng nasa ganyang sitwasyon?..hahaa
ReplyDeletepero kht isa lng skanila pwede na skin.. wahahaa
jihi ng pampanga
Palagay ko anak mayaman itong c vin.
ReplyDeleteGo #TeamJoen
-hardname-
Solid #TeamJoVin po ako! Haha! Akin ka na lang Mack! Lols! 😜
ReplyDeleteThanks sa mabilis na update, Vienne!
Share your blessings
ReplyDeleteHaba ng hair....
ReplyDeleteSayo pa rin ang korona....
Ikaw na ang malupit !!!
Nag rejoice c cguro c Vin...sarap kalbuhin :)
ganda mo vin pede akin nlng isa kh8 c nick lng bet q xia eee </3
ReplyDeleteHaba ng hair teh
ReplyDelete- BRENT ARANETA