The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 21
“The Coming of The Storm”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s Note:
Hello. Grabe! After 2 weeks, ngayon pa ako nakapag-update. Huhuhu.
Sorry po talaga. Mahirap lang pagsabayin ang School at Internship ko. Pero
worry no more, kasi malapit ko ng matapos ang Internship ko. May Feasibility
Studies kami this sem, pero di ko kayo bibitawan agad-agad. Hirap kaya humanap
ng readers. Nyahaha. Sorry po talaga sa delay, pero bawi po ako sa inyo.
Hopefully bu Sunday, June 15, makakapagpost na ulit ako ng kasunod na chapter.
Salamat Rye Evengelista (Thanks Sir Rye, at
naiintindihan nyo ako ^-^), Ben (eto na oh.), Dave (Na Certified #TeamAlfer,
push mo yan bro!), Bboholano Blogger, kuya Cord of Bulacan (I miss you kuya!), Johnny
Quest (Lahat po tayo minsan nagiging TANGA ^-^), Cancer (wag kang bibitiw,
basta. Wiwindangin kita sa mga susunod na updates. Kapit lang), red08 (hoy red!
Pag usapan natin yang I love you na yan! Hahaha), Tonix of Zambo Sur (eto na po
ang 21st chapt), Kuya Llemit Christopher (pogi!), Vienne Chase (yaan
mo na. ganun sya eh.), at hardname
(hehehe, wala lang), at dun sa mga nag comment na walang name o codename man
lang, lagyan nyo po para makilala ko kayo..
Happy Independence Day nga pala para sa ating mga
SINGLE at mga naging at mga magiging TANGA pa lang. gustong-gusto ko yang word
na yan. TANGA! Kasi lahat ng mga nakikilala ko dito, nagiging TANGA sa
pag-ibig. Haaay. Sa mga kapatid kong sina Kuya Mr. CPA, Ken, at Hao Inoue, ewan.
Push nyo yang katangahang yan! Sa isa kong kilala, si Pepe Ngets, good luck sa
soul searching.
Sorry, humaba ang A/N. Sorry po. O sya, eto na
ang The STORM, sa 21st Chapter ng ating TLW. Enjoy! :P
Jace
===========================================================
“The WIND gave way so that he wouldn’t carry
and take the LEAF away, who was clinging on to its TREE. For he knew that he
wouldn’t have the LEAF for himself, he decided to end his story with it, and
take on a new path. The TREE was happy for he was assured that the LEAF will be
his forever. With the WIND’s absence, something ominous was coming their way.
Though the TREE and the LEAF didn’t see it coming, the STORM was an inevitable
force..”
== The WIND
==
Three weeks
ago, I’ve taken the biggest challenge I had encounter in my entire life. And it
was to leave his side. He’s in love with someone else. At alam kong mahirap na
kung babawiin ko pa ang katangahang pagpaparaya ko. And as for me? Well, I’m
stuck in the middle of nowhere. Wishing I had the couraged to fight for him. At
kaya ako lumayo.
Naalala ko
pa nung tumulak ako papuntang Japan. Biglaan ko nalang tinadtad ng text si
Jayden nun at di sinabi sa kanya kung san kami papunta. I didn’t have the guts
to tell him. Di ko nalang ipinaalam kay Jayden ang plano kong pag-alis ng Pinas
kasi ayokong mabahiran ng kalungkutan yung mga huling sandali na magkasama
kami.
Huli.Ang
lalim no? Para lang akong nagko-conclude sa lahat-lahat sa amin ni Jayden.
Ayokong isipin na hindi na kami magkikita pang muli, pero siguro, yun nalang
muna ang iisipin ko para makaraos naman ako sa kasawian ko.
Naalala ko
pa. Yung eksena namin sa airport. That was the most tragic goodbye that I had
experienced.
Narating namin ang airport na puro pagdududa
ang mababasa sa mga mata ni Jayden. Walang imikan. Pagkababa namin ng kotse,
alam kong nakita agad ni Jayden yung mga bagaheng nakapwesto sa tabi nila Mama.
Pero ipinagkibit-balikat ko nalang yun, at lumapit na sa mangiyak-ngiyak na si
Mama.
She said her goodbyes, I said mine. Pati
sina Ate at Papa, nakaiyak na rin kay Mama. Si James, pangiti-ngiti lang pero
alam kong malungkot ito sa napipinto kong pag-alis. Ang pamilyang ito ang
naging kasama ko sa lahat ng sakit at saya. At masasabi kong maswerte ako sa
kanila. Pero sa ngayon, kelangan ko munang lumayo at maging selfish. Para sa
sarili ko.
Pagkatapos ng iyakan kasama sila Mama,
nakita ko si Jayden na tulala lang at di makaimik na pinapanood kami. Nilapitan
ko sya at hinawakan ang mga nanlalamig nitong kamay. Tila nakakapaso ang
sensasyong dala ng pagkakadikit ng aming mga balat, pero dapat ko itong
kayanin. After all, this is goodbye.
“I’m sorry Yoh kung hindi ko nasabi sayo.
It’s not like we’re not going to see each other again. Pero as of now,
kailangan ko muna magpaalam sayo. Skype nalang tayo palagi ah?Mamimiss kita
Yoh.”
Kasabay ng pagbitaw ko ng mga katagang iyon,
ay ang mapapait na ngiti na kumukubli sa sakit na nararamdaman ng buong
kaluluwa ko ngayon.
I saw the pain in his eyes. Alam kong marami
ng pinagdaanan si Jayden. At kahit ako man. Ayokong iparamdam sa kanya ang
pakiramdam na iniiwan ng mga taong naging parte na ng mga buhay natin. Pero
wala na akong magagawa pa. We both need this.
I opened my arms wide to feel his body
against mine for the last time. Kahit ngayon pa lang na andito pa siya sa tabi
ko, namimiss ko na siya. Pano pa kaya kung nasa Japan na ako?
Pak! At ginising nga ako ng isang malakas na
sampal na pinakawalan ni Jayden sa aking pisngi. Nakita ko itong tulala pa rin
at parang naging bato sa kinatatayuan nito. Pero kitang-kita sa mga pisngi nito
ang mga luha na kanina pa pala nag-uunahang dumaloy.
Niyakap ko nalang si Jayden. Isang yakap na
puno ng pagmamahal at paghingi ng patawad sa sakit na naidulot ko sa kanya. He
doesn’t deserve this. Naiiyak na rin ako habang nakapatong ang ulo ko sa mga
balikat ng bestfriend ko. Mas masakit pa pala kaysa masampal ang makita mong
nasasaktan mo ang taong pinakamamahal mo.
“Yoh. I’m sorry. I’m really sorry. Hope to
see you again in the future.” Ang tangi ko nalang nasambit at tuluyan ng
kumawala sa kanya. Pinahid ko nalang ang mga luha na patuloy pa ring dumadaloy
sa tulala nitong mga mata. “Goodbye, Yoh.”
Kinuha ko na ang mga bagahe ko at pumasok na
sa may Departure Area ng Airport. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok,
nilingon ko sila Mama at Jayden. Nakita ko lang itong yakap-yakap ni Mama
habang tinatanaw ang unti-unti kong pagkawala sa kanilang paningin, at sa
kanilang buhay.
“Mr.
Fujiwara.” Napabalikwas ako sa kama at nagising sa malalim na pag-iisip ng
tawagin ako ni Atty. Takeshiro Kuroi, ang family lawyer ng mga Fujiwara at ang
best friend ni Papa. “The documents will be ready by 10am tomorrow. So I’ll see
you then, Mr. Fujiwara.” At sabay yuko nito sa akin tanda ng pag galang.
Nakalimutan kong nasa Japan na nga pala ako.
Sinabihan ko
si Atty. Kuroi na mag-English nalang kapag kinakausap ako kasi pumurol na ang
Nihonggo-speaking tongue ko. Bata pa kasi ako nung bumalik kami ng Pinas.
Andito ako ngayon sa hotel room na kinuha ni Atty. Kuroi para sa akin habang
andito kami sa Tokyo.
Pagod ako sa
buong maghapon na kaka-tour sa akin ni Atty. Kuroi sa mga properties na
inihabilin sa akin ni Papa. Haaay. Inihiga ko nalang ulit ang katawan ko sa
malambot na kama at pinilit na makatulog na.
Sa tatlong
linggong pamamalagi ko dito sa Tokyo para asikasuhin ang mga papeles at iba’t
ibang negosyo ni Papa. Ay mali, sa akin na nga pala. Haaay.Ang hirap naman
maging mayaman. Dati sa Pinas, kontento na ako sa kung anumang meron kami nina
Mama. Masaya na ako. Pero, ayoko namang bastusin ang alaala ni Papa. At mas
lalong ayokong makulong sa kalungkutang nararamdaman ko sa tuwing… Tsk!
“Move on
Yui!” Sigaw ng utak ko. “Kaya ka nga naglayas ng Pinas para makalimutan mo sya
diba?”
Haaay. Si
Jayden. Magmula nung dumating ako dito sa Japan, di ko pa sya nakakausap o
nakakachat man lang sa FB. Di naman sa pinagtataguan ko ito, pero, ewan. Di ko
alam ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkausap na kami.
“Bahala na!
Makatulog na nga lang.” Desisyon ko.
Pero
pagkatapos ng ilang oras, di pa rin ako makatulog. I was just tossing and
turning on my bed. Haay. Kinuha ko nalang ang laptop ko at sinubukang i-check
ang Facebook ko. Nabigla ako nang makita ang 27 messages na nasa Inbox ko.
Lahat galing kay Jayden. Hinahanap ako Simula pa nung pangalawang araw ko dito sa
Tokyo.
Napangiti
naman ako sa pagbabasa ng mga message niya. Pero at the back of my mind was the
fear of not telling him any excuse at baka magtampo siya. “Haaay.Jayden.”
Pagkatapos kong basahin ang lahat ng mga messages niya, clinick ko ang home
button.
And when the
Home Page came out, his latest post was on my News Feed.
Jayden
Gonzales
- 2 minutes ago
“We always have the option of letting people stay in our hearts, but
we don’t have the option of letting them all stay in our lives.. :( ”
Tinamaan ako sa post nyang yun ah? Ano kaya natira nitong Best Friend
ko? Ni-like ko ang status niyang iyon. Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya
sa pag-like ko, at alam ko namang online siya. Pero pagkatapos ng isang minuto,
di ko na napigilang i-PM siya.
“Yui Ramirez: heya!”
“Jayden
Gonzales: himala!” Kumunot naman ang noo ko sa sagot niyang iyon.
“Yui
Ramirez: huh? -_-“
“Jayden
Gonzales: buhay ka pa pala Yoh? :(“
“Yui
Ramirez: Buhay pa naman. Hahaha.Kumusta ka Yoh?”
“Jayden
Gonzales: you owe me an explanation..”
“Yui
Ramirez: yes. And I don’t know where to start.. :(“ Napabuntong-hininga naman
ako habang hinihintay ang reply nito. Haaay, Jayden. Bakit ba natin kailangang
pagdaanan ang ganito?
Ilang minuto
pa akong nag-intay sa sagot nito. Pero nabigla ako ng nagpop-up sa screen ko
ang isang incoming Skype call from “jayden13”, ang username ni Jayden.
Bigla naman
akong kinabahan at sunod-sunod na napalunok sa tindi ng kanerbyosan ko sa tawag
na iyon. “Shit! Ano bang sasabihin ko sa kanya?” Tarantang tanong ng utak ko.
“Sige na nga.Bahala na si Batman!” Then I accepted the video call.
Biglang
bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng makita ko sa screen ng laptop ko ang
taong mahal ko, pero pinipilit iwasan at kalimutan. He changed a little. Nawala
na yung mga ningning sa mga mata ni Jayden. What happened? Tila malungkot ito.
“Hey.”
Nginitian ko nalang siya ng matipid. Nakatulala lang syang nakatunghay sa
screen ng laptopn niya. “Yoh..”
“Ang daya
mo.”Biglang lumungkot ang itsura niya.
“I know.” At
nag-iwas ako ng tingin. “I’m sorry Yoh. Pero di ko kasi alam kung papano ko
sasabihin sayo ang naging desisyon ko.” Bumuntong-hininga nalang ako at muling
nagsalita. “Ayoko din kasing bastusin si Papa eh.” Pagsisinungaling ko pa.
Haaay. You
are so pathetic Yui. Pati namayapa mong ama, idadamay mo jan sa pagiging losser
mo. Tsk tsk. Pero alam kong maiintindihan ako ni Papa. Kaya din siguro binigyan
nya ako ng tsansang makawala sa mga problema sa Pinas, at tumakas papuntang
Japan.
“Alam kong
hindi tama ang ginawa ko Yoh. And I’m sorry for that. Sorry talaga.” Tinitigan
ko ulit ang screen at nakita ko itong nakatungo na at umiiyak na. “Yoh, sana
maintindihan mo din ako. Alam mong importante din sa akin ang mga alaala ni
Papa.”
“A-are you
c-coming back?” Tinitigan nito ang screen ng laptop nito. “Magkikita pa ba tayo
ulit, Yoh?”
I was caught
off-guarded again. I never saw those questions coming. Tsk. Ano ba isasagot ko?
Eh kahit ako, hindi ko alam ang gagawin ko sa pagkakataong ito. Should I stay
here and fix this broken heart of mine? Or should I go back to his arm and try
to win him back, even if it means hurting someone else?
“Y-yoh.
Answer me.” Untag sa akin ni Jayden. “Magkasama tayo hanggang sa huli diba?
Best friend kita diba?”
Mas lalo
pang bumilis ang tibok ng puso ko. “Y-yoh. I honestly don’t know kung kelan ako
makakauwi jan, at kung… at kung makakauwi pa ako jan.” Malungkot kong saad.
Pero pinilit
kong ipanatag ang kalooban naming dalawa sa pamamagitan ng mga salitang walang
kasiguraduhan, bagama’t pinapangarap kong mahaharap ko rin si Jayden na walang
sakit at panghihinayang na nararamdaman.
“Basta Yoh.
Kung anu’t anuman ang mangyari, tandaan mo lang na andito ako palagi para sa
iyo. Di man tayo magkasama, pero andito ka sa puso ko, at alam kong andyan ako
sa puso mo. Balang araw, magkikita tayo. Sooner or later.” Pinilit kong ngitian
ito kahit nakikita ko ng may mga luhang unti-unting nagbabagsakan sa mga mata
nito.
Ngumiti
naman siya ng pilit habang pinupunasan ng pasimple ang mga mumunting butyl ng
luha sa kanyang mga pisngi. “Naiintindihan ko Yoh. Sorry din at medyo nagging
selfish ako. Alam kong may sarili kang buhay at hindi lang ako ang iniikutan
nyan.” Napansin ata niyang nagiging madrama na kami kaya siya pilit na tumawa
at idinaan sa biro ang susunod na sasabihin. “Ano ba to? Andrama na natin.
Hahaha!”
Napangiti
naman ako sa inakto ni Jayden. “Espesyal ka sa akin Yoh. Kahit magkalayo tayo,
magkaibigan pa rin tayo.Magkapatid. At tandaan mo lang palagi na andito lang
ako para sayo. Skype o Facebook lang.”
“Salamat
Yoh. Basta ah?Kikita pa rin tayo someday. You better tell me everything that is
happening to you dyan sa Japan. Kundi, pepektusan kita sa temporal ribs mo.” At
nagkatawanan pa kami. Imba talaga tong best friend ko. Kakadrama nga lang
namin, liko agad sa Comedy ang trip.
Matagal pa
kaming nagka-usap ni Jayden sa Skype. Puro kwentuhan lang. Kung kumusta na
siya, sila ni Alfer, at sila ng Papa niya. Natuwa naman ako at unti-unti ng
nanunumbalik ang relasyon nilang ama.Naging panatag ako kahit papano. Kahit na
umalis ako sa tabi niya, alam kong nandudun sina Nanay Nimfa, si Tito Miguel,
si Kira at Karin, at syempre pa, si Alfer, upang bantayan ang pinakamamahal
kong best friend.
Atleast, di
na ako mababahala na isiping nag-iisa na naman si Jayden at nagpapatugtog ng
mga nakaka-depress na mga kanta, at nag-eemote ulit. Mahirap na. Wala ako dun
para ituwid ang landas niya.
Mahal ko si
Jayden. Hindi lang best friend at kapatid ang turing ko sa kanya, kundi isang
taong nararapat mahalin at alayan ng iyong buong buhay. Pero, we lost our
chances, my chance to be with him. Siguro, mas makakabuti na rin ito. Atleast
natutunan ko kung hanggang saan lang ako dadalhin ng puso ko at ng mga
limitasyon ko.
“I gotta do
this for myself. Yui, move on.” Sabi ko sa sarili at tuluyan ng nagpaalam kay
Jayden.
========================================================
== The TREE
==
Tatlong
lingo na ang nakakalipas ng umalis at tumulak si Yui papuntang Japan. Tatlong
lingo na rin magmula noong ipinagkaloob sa akin ni Babe ang lahat-lahat.
Napapangiti
ako kapag naalala ang gabing iyon. That night was so special. Pagkatapos ng
tatlong buwang pag-aantay, napag-isa rin namin ni Babe ang aming mga kaluluwa.
Mahal ko si Jayden, at alam kong mahal niya ako.
Pero sa
tuwing iniisip ko kung hanggang kalian ko itatago ang mga namamagitan sa amin
mula sa buong mundo, di ko alam. Natatakot akong husgahan kami ng mga tao, lalo
na si Jayden.
Oo. I’m a
jerk. I know pinangakuan ko si Jayden na magkasama naming haharapin ang
mapanghusgang mundo, na kahit anuman ang sabihin ng iba, magiging matatag kami.
Pero nung naging akin na si Jayden, parang may iba akong naramdaman eh.
Bigla akong
natakot sa kung anuman ang mangyayari , sa oras na isiwalat namin sa lahat, na
kami na parehong lalaki, ay nag-iibigan at nasa isang relasyon. Okay lang sa
akin, dahil wala naman akong pakialam talaga sa sasabihin ng iba, kung sa akin
lang. Pero natatakot ako para kay Jayden. Mahal ko siya, at ayokong mapahamak
siya at ang kanyang pamilya sa eskandalong maaaring idulot ng katotohanang ang
relasyong kinasasangkutan namin ay hindi umaayon sa mata ng karamihan.
Hindi lahat
ng sinasabi ng iba ay totoo. At hindi lahat ng totoo ay dapat ipagsabi sa
lahat.
Natigil lang
ako sa aking pag-iisip ng maramdaman ko ang isang tapik sa aking balikat mula
sa likod. Agad kong hinarap ang taong tumapik sa akin at kita ko lang ang
nakangising si Chris Ralph dela Cruz, ang pumapangalawa sa akin bilang Team
Captain ng varsity.
Alam kong
matagal na nitong pinapangarap ang posisyong hawak ko ngayon. Alam ko ring
matagal na niya akong hinahanapan ng butas, just so he can steal my position at
tuluyan ng matanggal sa varsity team. Pero kapag kaharap koi to, nagpapanggap
lang na anghel, na kunwari kaibigan, pero pag nakatalikod na ako, hahanap agad
ng tyempo upang saksakin ako sa likod.
Pero I
really don’t give so much attention to such irrelevant issue. Oo, mayaman at maimpluwensya
ang angkang pinanggalingan nito, pero walang-wala sila sa kapangyarihang nasa
aming mga Samonte.
“Hey, bro.
Libre ka tonight?” Nakangiting bati sa akin ni Ralph. Pero alam kong sa likod
ng mga ngiting iyon ay ang mga nagtatagong pagnanasa na patayin ako. “Gagala
ang buong team.Pati si Paul sasama. Tara, shots?”
“Am good
bro. May gagawin pa kasi sa bahay. Pinapauwi ako ni Mom ng maaga.” Kaswal na
sagot ko sa paanyaya nito. Chineck ko naman ang duffel bag ko at akmang tatayo
na mula sa bench ng locker room nang maramdaman kong lumipat ito mula sa likod
papunta sa harap ko.
“Si Mom mo
ba? O si Jayden Gonzales?” Sarkastikong tanong niya. There’s something in his
tone. “So what’s the catch between you and Mr. Gonzales, huh, Alfer? Come on,
tell me. I can be a friend.” Nandudun na naman sa mga labi niya ang ngising di
ko matantya kung nang-aasar o nananakot.
“Just mind
your own business Dela Cruz.” At kinuha ko na nga ang bag ko at naglakad na
palabas ng locker room.
“Wait.”
Mabilis niyang pinigilan at hinawakan ang bag ko, na ikinairita ko pang lalo.
Hinarap ko ito at nakita lang itong nakangisi pa rin. “Pano kung sabihin kong
may alam ako?”
“I don’t
have time to play with your mediocre games Dela Cruz, so back-off. Uuwi na
ako.” Matigas na sabi ko sabay hablot mula sa kanya ng bag ko. Pero hinabol pa
rin niya ng hablot ang kanang balikat ko.
Wala na
akong nagawa kundi ang suntukin ito sa mukha sa sobrang pagkairita ko sa kanya.
Natumba si Ralph sa lakas ng tama niya sa kaliwang pisngi.
“Stay out of
my way!” Nanggagalaiting saad ko sa kanya.
“Remember
this Samonte. Magiging akin ang Team Captain position ng Varsity Team. Just you
wait.” At humalakhak pa sya habang tuloy-tuloy na akong lumabas ng locker room
at ng school gym.
I don’t
care. Bahala siya kung agawin niya sa akin lahat ng pinaghirapan ko all these
years! Nakaka-irita siya. Kung di lang isang major stockholder ng school ang
pamilya niya, matagal ko na siyang ipina-expel. Tsk!
I need to
remove this negative feeling first before calling it a day. I need to see Babe.
Pinauna ko kasi ng uwi kanina dahil may practice game kami. Need to make it up
for him.
Dumaan muna
ako ng Fast Food at nag take-out ng fries at burger, our favorite. At tumungo
na ako sa bahay nila Babe.
Naabutan ko
lang si Nanay Nimfa na nasa sala at nanonood ng paborito niyang teleserye. Agad
akong nagmano dito at tumungo na ng kwarto ni Babe. Kumatok ako ngunit walang
nagbubukas ng pinto. Hindi naman nakalock at tuluyan na akong pumasok.
Narinig ko
naman ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Si Babe, bihira lang kasi
natutulog yan sa gabi na hindi nakakaligo. Napangiti naman ako’t kung anu-anong
kapilyuhan na naman ang tumatakbo sa isip ko. Pagbibigyan kaya ako ngayon ni
Babe?
Naalala ko
palang di pala ako nakapag shower kanina sa locker room ng dahil sa Ralph na
yun. Kaya tumayo ako, naghubad ng lahat ng saplot sa katawan at tinungo ang
banyo. Nagulat si Babe ng maramdaman ang aking mga kamay na hinahaplos na ang
katawan niya mula sa likod.
“Sorry for
sending you home alone earlier Babe.” Sabay halik sa leeg nito. “But I’m here
to make it up to you.” Sabay pilyong ngiti sa maalindog na katawan ng Babe ko.
He’s medium in built, pero maputi at flawless ang kutis niya, making it hard to
resist when it is offered right in front of you.
“I
understand babe.” At hinilikan kong muli ang mga leeg niya. Napahagikgik naman
siya.“B-babe, nakikiliti ako.Hahaha!” Pareho ng basa ang mga katawan naming
nagdidikit na sa isa’t isa. I was wrapping my arms in his waist from the back,
and I know that he’s feeling the sudden awakening of my manhood.
Then I
whispered something into his ears. Natawa siya sa sinabi ko.
“Here?
Seryoso ka babe?”
“Oo naman.
Gusto ko kaya makipag make out habang naliligo. Bakit?Ayaw mo ba babe?”
Sinagot
nalang niya ako ng isang ngiti, ngiti na senyales na pumapayag siya sa sinasabi
ko. Agad ko siyang hinalikan. The kiss was so electrifying. Pero mas nakakapaso
pa pala ang mga sumunod na mga nangyari. Nagmukhang Sauna Room ang buong banyo
ni Babe dahil sa init na pinakawalan naming dalawa.
Pagkatapos
naming maligo, diretso na kami sa kama. Napagod ako.Actually kaming dalawa
pareho.
Sobrang
mapag-alaga nitong si Babe. Kasi siya pa talaga ang humanap ng maisusuot ko
mula sa cabinet niya. Ang swerte k okay Jayden. Wala na siguro akong mahihiling
pa.
“Babe, sa
bahay tayo bukas ng hapon ah?” Maya-maya ay anyaya ko sa kanya. Nakahiga na
kami sa kama niya at kasalukuyan siyang nakaunan sa dibdib ko. “Hinahanap ka na
nila Mom.”
“Ha? Bakit daw?”
“Matagal ka
na kayang di nakakabalik dun. Simula nung di na kita Tutor, madalang ka na
pumunta dun. Paborito ka pa naman nina Mom at Dad kesa sa akin.” Sabay pout ng
lips at kunwari’y nagtatampo.
“Asus!”Kinurot
nito ang aking ilong.“Tampo tampo agad eh. Sige Babe. Pakisabi kay Tita Diana
pupunta ako bukas.” Pinikit ko naman ang mga mata ko. “Dito ka matutulog babe?”
“Bakit,
babe?Ayaw mo ba?”
“Gusto no,
syempre.Teka, bakit ang sensitive ata natin ngayon Babe?Anong natira mo?”
“Wala
babe.Rough day at practice.” Malamig na sagot ko.
“Why? What
happened babe?”
“Wala babe.
Wag mo nalang pansinin yun.”
Bumuntong-hininga
siya. “Sige Babe. Sabi mo eh. O, pahinga ka na. Goodnight. I love you!”
“Good night
Babe. I love you more.” Sabay gawad sa aking mga labi ng isang mabilis na
halik. At natulog na kaming magkayakap.
=======================================
== The LEAF
==
Sabado ng
hapon ng pumunta kami ni Alfer sa bahay nila. Simula pa kagabi, ngayon lang
uuwi tong si Babe. Nahihiya tuloy ako kina Tita Diana at Tito Raphael. Baka
kasi nakakahalata na sila.
“Kumusta
naman ang anak ko Jayden? Di ba nagiging pasaway yan sa inyo?” Birong tanong ni
Tito Raphael. Dinner na nuon at salo-salo kaming kumain ng hapunan.
Umiling
naman ako.“Hindi naman po Tito.” Hanggang ngayon kasi, nahihiya pa rin ako sa
parents ni Babe. Kasi nga may hindi pa kami inaamin sa kanila. Tiningnan ko
naman si Babe na nakaupo lang sa tabi ko, at nakita ko itong kanina pa
mukhang-aso na nakatitig sa akin. Kinurot ko naman sa ilalim ng lamesa ang
kamay niya para tumigil. Mahirap na, baka makahalata sina Tita.
Nakita ko
namang napangiti si Tita nung nadaanan
ko ito ng tingin. “Anyways hijo, Jayden, ipapadala na ba namin sa inyo ang mga
gamit nitong si Alfer? Napapadalas ata ang sleepover nya sa inyo?” Sabay
hagikgik ni Tita Diana.
“Mom, marami
lang assignments at nagpapaturo lang ako kay Jayden.” Depensa ni Babe sa mga
magulang nito.
Nagkatinginan
naman sina Tito at Tita at parehang tumawa sa mga palusot ni Babe. Naku, sana
naman naniwala sila sa amin. Ewan ko lang pero pakiramdam ko, may iba sa mga
ngiti nina Tita Diana ngayon. Ewan ko lang.
Nung
dumating ang Lunes, naging okey naman ang lahat. Nagpakita naman sa amin si
Kira nung nag lunchbreak kami ni Babe sa may Cafeteria, kasama si Paul.
“Himala ata
at nagpakita ka ngayon Sis?” Sarkastikong tanong ko dito.
“Sorry na
Bro. Naging busy lang sa council. Alam mo na, Student Council Secretary tong
maganda mong kapatid.”Sabay tawa. Nakitawa naman kaming tatlo ni Babe at Paul
sa mga hirit nito.
“Kumusta
love life natin bayaw? Balita ko, may umaaligid-aligid daw sayo ngayon ah?”
Sabi ni Babe. Nagulat naman ako. Wala naman kasing sinasabi si Kira sa akin.
“Hoy! Di ko
alam to ah?” Pinandilatan ko si Kira habang tumatawa lang ito.
“Di nyo
naman siguro ako mabe-blame jan bayaw at kapatid. Eh sa maganda ako eh.” Si
Kira.
“Maganda?
San banda jan ang maganda Kira?” Hirit ni Paul na lalong ikinatawa namin ni
Babe.
“Selos ka
lang Paul! Kasi di magaganda ang mga pumapatol sayo.”Grabe naman mag bangayan
ang dalawang ito. Parang aso’t pusa lang.
“Sino nga
yung nanliligaw sayo Sis?” Curious na tanong ko.
“Malalaman
mo din mamaya Bro.” Ngiti pa ni Kira sa akin.
Kinahapunan,
naiwan na naman akong nag-iisa sa may fountain, kasi pinatawag ni Coach si Babe
para sa isang importanteng bagay. Nagmamadali kasi si Babe kanina, kaya di na
niya nasabi kung ano ang pag-uusapan nila ni Coach.
Kinuha ko
ang phone ko at tinext kung nasaan na si Kira. Sabi kasi nito sa akin na
ipapakilala niya daw ako sa manliligaw niya.
Crush din daw kasi ni Kira yun, kaya malamang sa alamang, sagutin na daw
niya sooner or later.
Nagreply
naman si Kira na papunta na silang dalawa nung manliligaw niya sa tambayan ko.
Maya-maya pa’y nakita ko na si Kira na papalapit sa posisyon ko, habang may
kasamang lalaking medyo pamilyar ang mukha.
“Bro!” Sigaw
sa akin ni Kira nung makalapit na sila sa akin. Oo, kilala ko nga ang lalaki.
So ito pala? “Bro, siya yung sinasabi ko sa iyo kanina. Mukhang kilala mo naman
siguro siya?”
“Hi, I’m --”
Simula nung lalaki, pero dinugtungan ko na ito agad-agad.
“You are
Chris Ralph Dela Cruz. Yeah, I know you. I’m Jayden Gonzales, Kira’s brother.”
Pormal na sabi ko. Tinatanya ko pa ang taong ito para malaman ko kung
mapagkakatiwalaan ba ito o hindi. Pero sa tingin ko, mukhang okey naman.
“Hi.” Inabot
lang nito ang mga kamay niya sa akin, at tinanggap ko ito. Siya yung isa sa mg
aka team mate ni Babe sa Varsity Team. “Nakwento mo na pala ako sa kapatid mo
eh.” Baling nito kay Kira nung matapos ang handshake namin.
“Hindi pa
naman masyado. Konti lang.” Sabi ni Kira na nakangiti naman sa akin. “Bro, bili
lang ako ng makukutkot natin ah? Ralph dito ka lang muna. Usap muna kayo ng
kapatid ko. Ingat ka, nangangagat ng tao yan.” At tuluyan nan gang pumunta sa
may Cafeteria si Kira, at naiwan nalang kami ni Ralph sa may bench.
Katahimikan.
Mukhang awkward ang paligid, kaya ako na ang bumasag ng katahimikang iyon.
“So, I heard
you were courting my Sister?” Tanong ko sa kanya habang nakatanaw sa fountain.
“Yeah.
Kira’s a nice girl. Magkaklase kami sa History Class namin, kaya ko sya
nakilala.” Sagot nito.
“Seryoso ka
ba sa kapatid ko? O baka naman ginagawa mo lang siyang past time?” Diretsahang
tanong ko dito habang tinititigan ko ito, mata sa mata.
“Why do I
have this feeling na you are the typical over-protective kuya?” Ngiti nito sa
akin.
“Eh syempre,
kapatid ko yun eh.”
“Whoa. I
wish I had the same. Sana may mga kapatid akong over-protective din sa akin.”
“Wew.Parehas
tayo.Hahaha!” Nasabi ko nalang. Mukhang may ibubuga naman itong sense of humour
si Ralph eh. Pasado.
“Pero don’t
worry. Di ko sasaktan ang kapatid mo.” Ngiti ni Ralph sa akin. I know, that
smile was sincere.
“Good!”
-beep beep-
Nagulat
naman ako ng biglang nag vibrate ang phone ko. May message pala.Galing kay
Babe.
“Babe, may
meeting kami ni Coach sa mga Coaches ng ibang school. We need to be there.
Sorry ah? Di na naman kita masasamahan sa pag-uwi. Hope you understand Babe. I
love you! See you later.”
Napailing na
naman ako. Haaay. Busy na naman si Babe. Sige na nga lang. Naiintindihan ko
naman talaga. Hirap maging boyfriend ng isang sikat at gwapong tao.Palagi kang
naiiwan. Pero sige lang, mahal ko naman eh.
“Anything wrong
bro?” Biglang tanong ni Ralph sa akin. Napansin lang siguro ang buntong-hininga
ko nung binabasa ko ang message ni Babe.
“Wala naman.
I’m fine.”
“Bro! I’m
back. Wala ng pagkain sa Cafeteria eh. Punta nalang tayo ng Jabee?” Anyaya sa
akin ni Kira.
Binulungan
ko sa tenga si Kira at sinabi sa kanya na di ako masasamahan ni Babe sa
pag-uwi.
“Sumama ka
nalang sa amin. Tara! Jabee tayo.Libre ni Ralph.” Ngisi ni Kira. Naku, ang tuso
kong kapatid.
“Ha? Ako? O
sige na nga. Tara Jayden. Sama ka.”
Wala na
akong ibang choice kundi ang sumama kina Kira at Ralph na kumain sa Jabee.
Naging masaya naman ang date naming tatlo. Kwela pala tong si Ralph. Putak lang
ng putak ng jokes eh. Pero wala pa ring makakatalo kay Yoh ko. Hahaha.
Pagkatapos
naming kumain, una naming inihatid sa kanila si Kira. Mahirap na, baka kung
san-san mapunta ang dalawa pag ako ang una na nagpahatid. Habang nasa daan
pauwi na sa bahay namin, kwentuhan pa rin kami ni Ralph. Nakakatuwa kasi siyang
ka kwentuhan, punong puno ng sense of humuor ang taong ito.
“Ikaw ba
bro, may girlfriend ka ba ngayon?” Tanong sakin ni Ralph.
-beep beep-
Nakatanggap
naman ako ng text galling kay Babe.
“Babe, where
u at?Nasa inyo na ako. Hintayin kita.”
Nag reply
naman ako. “We’re on our way babe. Nagpahatid lang ako sa manliligaw ni Kira.
Kita nalang tayo sa bahay.”
May sinabi
ata si Ralph eh, pero di ko masyadong narinig kasi binabasa ko ang text ni
Babe.
“Ano nga
ulit yun Ralph? Sorry. May nagtext kasi.”
“Sabi ko,
kung may girlfriend ka na ba?” Nakangiting tanong niya sa akin habang
nagda-drive.
“Ha? Ah.
Wala pa.” Matipid kong sagot.
“Bakit
naman?”
“Wala lang.
A-ayoko lang m-muna siguro magkaron ngayon.”Ano ba to?Nabubulol ako. Halatang
may tinatago. Hehehehe.
Narating
naman namin ang bahay pagkatapos ng ilang minute. Agad akong bumaba at nakita
sa may gate si Babe na naghihintay. Sinenyasan ko itong kasama ko ang
manliligaw ni Kira.
Bumaba naman
ng sasakyan si Ralph at nakita siya ni Babe. “Bro, Alfer. Kumusta ang lakad
ninyo ni coach?”
Nakita ko
namang nag-iba ang aura ni Babe nung makita niya si Ralph. Bakit kaya?
Sinenyasan ako ni Babe na pumasok na sa loob.
“Sige Ralph.
Nice meeting you. Salamat sa libreng snack at hatid ah?” Ngiti ko dito.
“No problem
bro. Kita nalang tayo sa school.”
At tuluyan
na akong pumasok sa loob ng bahay, umakyat sa kwarto at nagbihis. Maya-maya
pa’y pumasok na si Alfer sa kwarto ko na nanggagalaiti sa galit ang mukha.
Nagtaka naman ako.
“What the
hell are you doing with him?!”
see you guys on Sunday. hopefully makapag post ulit ng 22. hehehe. sorry talaga sa late update ah? Red 08, add mo ko sa FB. :)
ReplyDeletenice story talga..tagal ko nag iintay sa chapter na toh..
ReplyDeleteenzoh69 hir
Wew kaasar so alder bait ginaganun nya si jayden :'((( dapat talaga Kay Yuri na lang si jayden
ReplyDeleteThanks po sa update :)))
Mga corrections tsk
Delete***alfer
***bakit
***yui
***si
Sorry sa typographical errors ^_^
makakapag comment na muli. ^_^
ReplyDeleteAnyway, nice craft kuyaaa . Pero natatawa talaga ako gawa ni Chris Ralph. hahahaha. even the secretary thing.
Well, the wind stopped because the storm is coming. And for a prelude of the storm, hanga na ako. :D
Update soon :D K-Pop the good work :D
Pasensiya na din po pala kase di na ako makapag drawing muli para sa TLW, alam niyo naman po, medyo humayahay sched.
BASTA HA! AABANGAN KO TONG STORM NA ITO :D
ps. to Ken and Mr. CPA: Inaapi tayo ni kuya huhu
-- Hao_Inoue --
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehindi ko po to ni-removed.. i dunno what happen..
DeleteLet the storm rage on.. napapakanta na lang ako!
ReplyDeleteMagiging unang away nila tong dalawa.
Sana Alfer pussy na lang ang niligawan mo. Sasaktan mo din pala si Jayden at ginawa mo pang bakla at iiwan mo lang sa ere. Bugbugin mo Jayden, be like a MAN! para matauhan at stick again with KARIN, kahit Sister mo siya.
ReplyDeleteImissyoutoo
ReplyDeleteKaya lang d tlga tayu pde magusap sa fb weh pcnxa na wah
Maxado nman ako nbitin sa chapter na feeling ko kakastart ko plang mgbasa tpos na agad i want more hehehehe
Sa sex lang naman ang gusto ni Alfer hinde niya kayang mai depensya ang kanilang relasyon. DUWAG! TAKOT! I agree with Anon @ 9:28.
ReplyDeleteHahaha.. Thanks for the acknowledgement mr.author.. :) yeah 4ever #teamalfer ako.. :) exciting yung challenge sa kanilang dalawa ngayon :) go alfer!! - dave
ReplyDeletePutek na Ralph yan! Anyways, gusto kong punuin ang comment na to tungkol kay Yui! Bwesit na Yukito Fujiwara na to! Anong ikakasaya mo sa kayamanan mo dyan sa Japan kung wala naman yung tunay na magpapasaya sayo! Ang tatanga talaga natin pagdating sa pag-ibig ano? Lols! Hahahaha!
ReplyDeleteThe word TANGA talaga huh?! Haha. I-hashtag ang #TLWTangaDay! Lols!
Jace! Naadd mo na ba ako sa G+? Anyways! Thanks for mentioning my name 1st on the list of your readers! Haha! That caught my attention, kaya sobra akong ginanahan! Lols!
Anyways again, basta Studies muna ang unahin. We can wait, as long as you've promised to post an update. Di pwedeng palampasin na lang kasi tong story na to no!
Thankey for the update! We're one of the TANGA's here. :D
Grabe naman ang panghuhusga ninyo kay Alfer... tskk!
ReplyDeleteand i thought they would hate the 21st chapter of TLW. hahaha. thank you po sa mga nag react, sa mga nag comment, at sa mga nagpapahayag ng opinyon. this serves as an indication na kahit papano, naaapektuhan ko kayo. thank you so much guys! :)
ReplyDelete#TLWTangaDay
ay sori po. may nakalimutan akong batiin sa A/N. Kuya Nards Circuit! salamat nga po pala sa words of wisdom na shinare nyo sakin. nag-enjoy po akong ka-chat kayo :)
ReplyDeleteI feel sad for Yui. Sana makahanap din siya nung mamahalin din siya katulad ng pagmamahal na binibigay niya kay Jayden kahit na hindi naman nito pinapansin. I Hope the Wind could somehow find its own beloved Leaf. A Leaf that can equally give the Life and Love that it is giving.
ReplyDeletepls author, this is my first time to comment... i have discovered this story because of my bestfriend... this is not about my feelings with him but pls do something for Yui and Jayden... i smell something about your thoughts but still you have the magic to control this story... chapter 14 palang ako ang bigat bigat na ng pakiramdam ko sa mangyayari. i havnt read this chapter yet, whatever youve made i understand... i want you to know na ang dahon sa puno ay nalalagas din lalo na kung hindi na ito kayang kumapit pa at sumasama ito sa ihip ng hangin. Jess-Nar
ReplyDeleteImissyoutoo nkalimutan ko pla lagay name ko hehehee
ReplyDeleteBsta sa.email cguro.nlng tayu magusap if d tayu busy wah
Cord of bulacan
Kuya Jace
ReplyDeletekelan po ba update nito . . .Di tlaga ako nkakatulog sa kakaabng ,always po ak0ng naEExcite . . .I.update na kase plith . .hehe
more power po
-Jake
#PerstymMAGcomment :)
guys! huhuhu. sorry talaga sa delay. pero yaan nyo, konting antay nalang at may dalawang magkakasunod na update na. antay lang ah? hindi ko kayo bibitinin sa 22 at 23. GYERA-mode na itooooo!!!!
ReplyDelete