Followers

Tuesday, June 24, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 22: The Raging of The Storm



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 22
“The Raging of The Storm”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz




Author’s Note:

Ayoko na pong pahabain pa ang Author’s Note. As usual, hihingi na naman ako ng sorry sa super late na updates. Sorry talaga guys. Hope naiintindihan nyo rin ang side ko. Salamat pa rin ng marami sa mga hindi bumibitiw sa ating istorya. Mahal ko kayo!

Thank you po sa mga nagcomment sa 21. Naa-appreciate ko po ang mga efforts nyong ipahayag ang mga hinanakit nyo sa storya. Salamat po kina enzoh69, ruhtra villanueva, Hao Inoue, kuya Cancer, si Vienne Chase (na isa sa mga avid reader ko, nyahaha. Feeler lang), Kuya Cord of Bulacan, si Dave, Kuya Rye Evangelista (Thank you po sa moral support kuya. Looking forward for your stories soon),  Johnny Quest, Jess-Nar (ano yang nafe-feel mo kay bestfriend? Pag-usapan natin yan! Hahaha. Add mo ko sa FB), at si Jake (na first time mag comment. Sorry sa delay ah?). at lalo na kay kuya Nards ko, na nakakausap ko sa FB every now and then, na nagbabahagi ng words of wisdom at mga advices, salamat po Kuya Nards! At syempre sa mahal kong si PEPE NGETS, I love you bunso!

Nakakataba ng puso ang mga komentong pinapaabot nyo. Maraming salamat! O sya, andito na ang SUPER DELAYED na UPDATE, brought to you by your SUPER TANGANG Author. The 22nd Chapter. Enjoy you guys, HAPPY LANG WALANG ENDING! :)

Jace


============================================

“And so, because of the WIND’s absence, the TREE thought that he and his precious LEAF was safe for his own keeping forever. But little did the TREE know, they were about to be challenged and terrorized by a great STORM. The STORM was a force to be reckoned with, and is inevitable. And this is their story..”

== The LEAF ==

“Sige Ralph. Nice meeting you. Salamat sa libreng snack at hatid ah?” Ngiti ko dito.

“No problem bro. Kita nalang tayo sa school.”

At tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay, umakyat sa kwarto at nagbihis. Maya-maya pa’y pumasok na si Alfer sa kwarto ko na nanggagalaiti sa galit ang mukha. Nagtaka naman ako.

“What the hell are you doing with him?!” Agad siyang umupo sa kama.

“Babe, s-siya ang---“

“I don’t want you near that guy okay?!” Tahasang sabi niya sa akin. He was looking straight into my eyes as if I had committed the biggest sin.

“S-sandali nga lang.” Tumabi ako sa kanya at tinitigan siya na parang binabasa ko ang mga mata niya kung bakit nga ba sya galit na galit. “Ipaintindi mo nga sa akin kung bakit dapat ko siyang layuan.”

“Because I said so!”Agad siyang nag-iwas ng tingin upang di magsalubong ang aming mga mata.

Napatayo naman ako bigla sa sinabi niya. “Don’t you think that’s a bit unfair Alfer? You’ll just command me to stop seeing someone just because you said so?!” Medyo tumataas na rin boses ko, kasi di ko lang matiim ang naging rason ni Alfer. Grabe. “Ano ba kasi problema mo dun sa tao, ha?”

Hindi sya maka-imik. Nakatungo lang siya sa may paanan ng aking kama habang ako’y nakatayo lang sa harapan niya at nag-aantay ng sagot.

“Babe, I thought we were on this together? Pero bakit di mo man lang masabi-sabi sa akin kung anuman ang nangyayari sayo’t nagugulat nalang ako kasi pati pala ako apektado na sa isang bagay na hindi ko man lang alam?”

Wala pa rin siyang imik. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at bumalik sa tabi niya. Sa paanan ng aking kama.

“Okay. Fine. Ralph is Kira’s suitor. Nagtext naman ako sayo diba na sasama muna ako sa kanila? At akala ko magkaibigan kayo ni Ralph kasi nasa iisang team lang kayo.”

“N-nagseselos a-ako Babe.” Kapagkuwan ay narinig kong sabi ni Alfer habang nakatungo.

Awww.Kaya pala. Ang sweet naman ng Babe ko. “Babe, I’ve already committed myself to you. So please. Have a little faith in me. Sa iyo lang ako.” At nginitian ko siya.

“T-thanks Babe.” Tiningnan niya ako sa mga mata at sinuklian ng isang pilit na ngiti. “Sorry sa pagtaas ng boses ko Babe.” At yumuko pa uli ito.

Itinaas ko ang mukha ni Babe at ginawaran ito ng isang masuyong halik sa labi. “Okay lang Babe. But next time, be reasonable ah?”

Tumango lang si Alfer. Pagkatapos ang kamuntikang awayan na yun, umuwi na din si Alfer. Siguro pagod lang sa nilakad nila ni Coach, at dagdagan pang nagselos sya kay Ralph. Kaya siguro nagka-mood swing sya ng ganun.

Nakahiga na ako sa kama ko at nagbabalak ng matulog. Pero bago ko pa ipikit ang aking mga mata, sari-saring bagay ang nadadaan sa aking utak na hindi ko maiwasang himayin ang bawat detalye ng mga pangyayaring ito.

Una, si Babe. Ngayon ko lang nalamang seloso pala talaga ito. Ang mayabang at aroganteng si Alfer Samonte, ay may itinatagong malambot na parte pala sa pagkatao nito. Akala ko dati, hindi ito ang taong magiging obsessed sa iisang bagay o tao.

Pero nagkamali ako. Ngayon, alam kong mahal na mahal ako ni Alfer. Ang swerte ko.

“I love you babe!” Ang tinext ko kay Babe nang maisip ko kung gano ka pula ang mukha nito nung inamin niyang nagseselos siya. “Goodnight Babe :)”

Pangalawa, si Ralph. Well, as far as first impression is concerned, I could definitely say that he’s a good guy. Kwela, pala-kwento, at matalino. Yan ang napansin ko dito. Kahit ngayon ko pa lang ito nakilala, dahil di naman talaga sila close ni Babe kahit magka team mate sila, alam kong Kira is in better hands with Ralph.

Pero there’s something in him. Isang bagay na kahit ako mismo’y di mawari kung ano ba yun. Peero sa tingin ko naman, okay si Ralph eh. Basta. Atleast may love life na rin kapatid ko.

At pangatlo, si Yoh. Asan na kaya ngayon si Yui? Siguro naman okay siya. Nung nagkausap kami, na realize kong hindi lang pala sa akin umiikot ang mundo ng best friend ko. May sarili din syang buhay at mga pangarap na dapat sundin.

I’ve realized that I was too selfish all this time. Ang gusto ko lang ay ang hindi maiwang nag-iisa na naman. Ni hindi ko man lang inisip nung umalis si Yui na baka nga kailangan din naming maghiwalay pa-minsan minsan. Ni kahit alaala ng namayapa niyang Papa ay hindi ko man lang kinonsidera.

Kung dun sasaya ang best friend ko, magiging masaya na rin ako sa kanya. Siguro, magkikita pa naman siguro kami sa susunod. Tama si Yui eh. Hindi sukutan ang milya-milyang distansya para maputol ang bagay na nag-uugnay sa amin. At ito ang aming matalik na pagkakaibigan.

“Be safe and be happy wherever you are Yoh. ‘Til we meet again.” Ang nakangiting saad ko sa sarili. Tama. Magkikita kami sa susunod. And I’ll be looking forward for that.

At tuluyan na nga akong nakatulog na may mga ngiti sa labi.



=======================================

== The TREE ==

“Sige Ralph. Nice meeting you. Salamat sa libreng snack at hatid ah?” Nakita ko pa si Babe na ngumiti sa gagong kasama niya. Arrgh! Umiinit talaga ang ulo ko sa Ralph dela Cruz na ‘to. Ano ba gusto niya?

“No problem bro. Kita nalang tayo sa school.” May pangiti-ngiti pa ang kumag. Akala mo kung sinong anghel na may pakpak. Yun pala, nakakubli lang ang buntot nito. I know something’s not right with this bastard.

Pumasok na si Jayden sa loob ng bahay nila pagkatapos kong senyasan na mauna ng umakyat sa kwarto nito. Kakausapin ko lang ‘tong gagong ito.

“What do you want?” Malamig na tanong ko habang nakatitig sa mga mata nitong may kakaibang ngisi.

“Huh? Ako?”

“Wag ka ng magmaang-maangan pa dela Cruz! What are you scheming now?”

“Chill lang bro. Ang high blood mo naman, oo!” At naglakad ito papunta sa likod ko. “Bakit ba ang sama-sama ng tingin mo sa ‘kin? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa mga kabarkada mo eh. Bawal na ba talaga yun?”

“You better stay out of our way Ralph. Binabalaan kita.”

“Why so damn angry and tense Alfer kung wala ka naman talagang tinatago? Sa mukha mo kasi ngayon, I think it’s obvious that there’s something you’re hiding.” At lumawak pa ang pagkakangiti nito. “And I think I know that. I just need to dig a little deeper.”

“Kung gusto mo ang posisyon ko sa team, lumaban ka ng patas. Wag kang duwag Ralph!” Hinarap ko ito, kinuwelyuhan, at inambahan na sana ng suntok nang makita ko na napangisi ito at napailing. Natigil ang nakahandang suntok na igagawad ko sana sa hinayupak na lalaking ito.

“Tsk tsk, Alfer. I wouldn’t do that if I were you. Mas lalo mo lang pinapataba ang curiousity kong malaman kung ano ba talaga ang tinatago mo.” Binitiwan ko ang kwelyo nito, at narinig ko pa itong tumawa. “And mind you, exploiting my opponent’s weakness is my forte.”

Oo. Kahit sa mga laro namin, napapansin ko ang naiiba pero epektibong paraan nya ng paglalaro. Ralph is a manipulator. He likes to detect and hit the opponent’s weakness with all his might. Kalkuladong-kalkulado ni Ralph ang bawat kilos nito. Mahirap itong kalaban.

Tinapik niya ako sa likod. “Dahan-dahan Alfer. Someday, I’ll be all over you. Good night.” At nung tiningnan ko ito, nakangisi lang ito. Ngiting-tuso.


..


“Because I said so!”Paano ko ba sasabihin kay Babe na si Ralph ay isang tuso? Isang magnanakaw sa gabi na pagsasamantalahan ang pagtulog mo upang looban at nakawan ang iyong bahay.

Napatayo si Jayden sa gulat. Tsk. Nasobrahan ata ako. “Don’t you think that’s a bit unfair Alfer? You’ll just command me to stop seeing someone just because you said so?!” Tumataas na ang boses ni Babe. “Ano ba kasi problema mo dun sa tao, ha?”

Alam kong masamang tao si Ralph. Pero ayoko munang alarmahin si Babe dahil wala pa naman akong ebidensya laban dito. Alam kong hinahanapan niya ako ng baho upang maagaw nito hindi lang ang posisyon ko sa Varsity Team, kundi sa fraternity na pinangunguluhan ko, ang The Elite. Ang bahong maaaring gamitin ni Ralph sa akin ay siguradong aapekto hindi lang sa pangalan namin ni Babe, kundi sa buong buhay namin. At hangga’t hindi pa kami handing isiwalat sa buong mundo ang natatanging relasyon namin ni Babe, gagawin ko lahat mapigilan lang si Ralph sa mga binabalak niya.

“Babe, I thought we were on this together? Pero bakit di mo man lang masabi-sabi sa akin kung anuman ang nangyayari sayo’t nagugulat nalang ako kasi pati pala ako apektado na sa isang bagay na hindi ko man lang alam?”

“I don’t know what to say Babe. Give me some time to find an excuse.” Sabi nung utak ko.

“Okay. Fine. Ralph is Kira’s suitor. Nagtext naman ako sayo diba na sasama muna ako sa kanila? At akala ko magkaibigan kayo ni Ralph kasi nasa iisang team lang kayo.” What?! Ralph is courting Kira?! Ibig sabihin, mas magkakaroon pa ito ng maraming paraan para patumbahin ako. No! Hindi pwede.

“N-nagseselos a-ako Babe.” I don’t know what else to say. Kaya nagsinungaling nalang ako.Nope, not exactly lying at all. Nakaramdam din naman ako ng selos nung makita ko si Babe na may kasamang ibang lalaki bukod sa akin. Pero mas nanaig ang pangambang nararamdaman ko ng dahil sa presensya ni Ralph.

Tiningnan ako ni Babe sa mga mata at ngumiti. “Babe, I’ve already committed myself to you. So please. Have a little faith in me. Sa iyo lang ako.”

Sorry babe, but I have to keep this to myself first. Ayokong mapahamak ka nang dahil sa akin. It’s either to stop Ralph, or to prepare myself to tell the whole world that I love you so much. Pero kasi, hindi pa ako ready. Bumalik ang takot sa puso ko na baka husgahan tayo ng lipunang ginagalawan natin. Lalong lalo na an gating mga pamilya. Sorry babe. You dated a coward.

“Beep!Beep!”Paul, calling. Naputol tuloy ang pag-iisip ko ng malalim. Nasa gitna ako ng kalsada at nagda-drive pauwi when I thought of meeting Paul for a drink.

“Oh, dude! Bakit?” Bungad na tanong sa akin ng matalik kong kaibigan.

“I need to drink, and to talk to you. Meet me at the old place.” Sabay putol ng linya.

Sampung minuto pa akong nagmaneho at narating ko na rin ang dating tambayan namin nina Yui at Paul. Matagal na rin akong di nakabalik dito. Naalala ko tuloy ang mga nagdaang-araw kasama sina Yui at Paul. Haaay.

Tumuloy na ako sa loob. Umupo sa may Bar at naghintay. Pagkatapos ang ilang minuto, lumitaw na rin si Paul.

“Bumukas ba ang langit?” Agad nitong tanong nang tumabi ito sa akin ng upo. “Isang Vodka nga jan. Ay dalawa pala.” Baling nito sa bartender. Tumango naman ang bartender na sinabihan nito.

“Ha?” Naguguluhan kong sagot sa tanong niya.

“May himala eh. Akala ko sabi ni Ate Guy walang himala.” At tumawa pa ito.Kahit kelan ka Paul, palpak ang mga biro mo. “Eh kasi naman, sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nag-aya ka na ulit sa aking mag bar.Anyare, dude? Nag-away kayo ni Babe mo?”

Napa-iling ako.“Nope. Not that. Dela Cruz is on his move again. And this time, it’s alarming.”

“Ibig sabihin, natatakot kang malaman niya na naging bakla ka na? Ganun?”At sabay naming nilaklak ang inorder niyang vodka.“Dalawa pa.” Dagdag pa niyang sabi sa bartender.

Hindi ako naka-imik sa sinabing iyon ni Paul. Oo, tama siya. May malaking parte pa rin sa pagkatao kong ayaw tanggapin ang mga posibleng sabihin ng mga tao sa oras na malaman nila ang relasyong namamagitan sa amin ni Jayden. Masisisi nyo ba naman ako?

“Putek naman Alfer o! Pinasok-pasok mo pa ang relasyong iyan, hindi ka pala handa?”

“Dude.” Malamig na sabi ko. I don’t know how to react. Maybe I’m just guilty of what Paul is trying to say.

“Ano to, lokohan?!Panu si Jayden nyan? Pare naman. I thought nagbago ka na? What happen?” Sermon sa akin ni Paul.

“Dude, I love Jayden. So much.” Nakatungong sagot ko, at maya-maya’y ininom ang pangalawang set ng vodka. “He’s really special to me, pero panu nalang kung mangyari ang kinatatakutan ko? Eh alam mo naman sigurong hindi ko hawak ang mga pag-iisip at bibig ng mga taong nakapaligid sa amin”

“That’s the point dude! Hindi mo kontrolado ang mga tao sa paligid niyo. Dapat bago mo pinasok yang relasyong yan, inalala mo muna sana ang magiging kinahinatnan ng lahat ng to! Inuuna mo kasi bugso ng damdamin mo eh. Lalandi landi, hindi naman pala nag-iisip. Panu ngayon yan?”

“Mali na kung mali. Ano pa magagawa ko? Andito na to eh.”

“Yan! Excuses mo dude. Ikakatahimik nyo yan ni Jayden. Sige lang. Push mo yan pare.” Pilosopong biro ni Paul, bagama’t may halong pagkasarkatiko. “Happy lang eh no, walang ending?”

“Tss. Sa halip na tulungan mo ako, nagtatalak ka pa jan.”

“Mahirap yan Dude.Sabihin mo kaya kay Jayden ang lahat ng nararamdaman mo?”

Binatukan ko si Paul. “Tang ina ka pala eh! Eh di hihiwalayan ako ng babe ko? Mag-isip ka nga Paul!”

“Suggestion lang naman eh.” Hinimas pa nito ang ulong natamaan ko. “Sakit nun ah.”

“Yung matinong suggestion naman kasi. Kita mo na ngang problemado ako eh.”

Matapos ang ilang oras na brainstorming at inuman namin ni Paul, wala talaga kaming maisip na paraan para masolusyunan ang problema ko. Kaya pinilit nalang naming manmanan muna ang lahat ng kilos ni Dela Cruz, mag-ingat, at mag-isip muna ng maaari naming gawin laban dito.

..

Thursday ng umaga.

“Babe!” Tawag ko kay Babe. Nakita ko itong naglalakad sa may sidewalk papuntang school. Dumaan kasi ako sa kanila kanina, pero sabi ni Nanay Nimfa, maaga daw umalis ng bahay. “Di ka nagtext ah? Sakay na.” Agad naman itong sumakay sa sasakyan ko.

“Sorry babe. Nagmamadali na kasi ako. Tumawag si Dean Miro. May ipapagawa ata.”

“Nagbreakfast ka naman ba?”

“H-hindi pa babe eh. Maaga kasi akong ginising ni Dean. Kaya di ko na nahintay ang breakfast ni Nanay. Mamaya nalang.”

“Tss. Di pwede sakin yan. Tara, kain muna tayo. Di pa rin din kasi ako nag-aalmusal eh.” Ngiti ko dito. Ang cute talaga ng babe ko.

“At bakit hindi?”

“Eh kasi dun sana ako makikikain sa inyo. Eh nung dumaan ako dun, wala ka na daw sabi ni Nanay Nimfa.”

“B-babe, nagmamadali kasi ako. Si Dean Miro kasi. Hinahanap na ako.” Aligagang nasabi ni Babe.

“Babe. Chill. Ako bahala kay Sir.” Sabay tapon ng isang matamis na ngiti kay babe na ikinasimangot nya. “Babe, please. Trust me. Estudyante ka, hindi utusan. Kakain muna tayo.”

Wala ng ibang nagawa si Babe kundi ang magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga at tumahimik nalang sa kinauupuan.

“And we’re here!” Pagkatapos ng ilang minuto. Narating naman namin ang Jabee. “Babe, una ka na. Mag-order ka na. Ipa-park ko lang tong sasakyan.”

“Sige babe. Bilisan mo ah?” Ngiti nito, at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan nang nakawan ko ito ng halik. “Babe!”

“I love you babe!” Ngumiti ako kay Babe na ikinangiti nya rin.

“I love you more babe. Thanks for everything.”

At hinalikan ko na naman ulit ito. And this time, it was more passionate and needing. Niyakap ko naman si Babe dahilan upang dumiin pa ang mukha nito sa mukha ko. I never felt something as powerful as this before. Oo, I’ve kissed so many women before, pero iba si Jayden.

I don’t know how long my lips were stuck into his. Naramdaman ko nalang maya-maya na bumibitaw na si Babe sa nakakapasong eksena na yun, at ngumiti. “Babe, not now. Naalala mo ba kung san tayo ngayon?” At narinig ko pang tumawa ng isang anghel. “Sige na Babe, baka mapito pa tayo ni Mamang Guard. Di mo pa napa-park ang kotse.” At bumaba na si Babe.

Napa-iling naman ako sa kalokohang pinagagawa naming. We were close to making out in my car, at the front of a fastfood! “I just so love you babe. And your kiss? Heaven!” Sabi ng utak ko.

Agad naman akong bumaba ng kotse pagka-park ko nito. Dinaanan ko muna si Babe at inabutan ng pera para sa kakainin namin. Ayaw pa nitong tanggapin nung una pero napilit ko ito. Naghanap na ako ng mauupuan, at nang makita kong paparating na si Babe, kinawayan ko ito at sinalubong upang tulungan sa pagdadala ng inorder nya para samin.

Nag-order naman si Babe ng dalawang breakfast meal, dalawang coffee at dalawang fries para sa amin. Nagtaka naman ako. “Bakit may fries? Ang aga naman ata para mag fries babe.”

“Yaan mo na babe. Na miss ko eh.” Tas sabay ngiting-aso ni Babe. Naks. Ang cute talaga ng mahal ko.

“Sana lang, mapanindigan ko yung mga pangako ko sayo Babe. Natatakot akong hindi kita maprotektahan sa lahat ng taong huhusga sa atin. Natatakot ako.” Ang nasabi ko sa isip ko. Ito ang mga salitang pumipigil sa akin upang tuluyan ng maging masaya sa piling ng mahal ko. Putek! Why can’t they just let us be?

“Babe!” Tawag sa akin ni Babe. Napapitlag naman ako at napakurap ang mga mata. Nahulog ata ako sa malalim na pag-iisip. “Okay ka lang babe?”

“H-ha? Ahh, o-oo Babe. Sorry.”

“Kain na babe. Kelangan na nating magmadali.”

“Yes babe.” At nakita ko na naman itong ngumiti. “Nga p-pala. Kumusta na si Kirara at yung manliligaw nya?”

“Okay naman babe. Ineenjoy muna daw ni Kira ang panliligaw ni Ralph. Baka kasi daw magbago na ang takbo once sinagot na siya ni Kira. Hahaha. Tuso talaga yung babaeng yun!” Tawa pa ni Babe.

“A-ah. M-mabuti naman.”

“Babe? Is something wrong? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili mo. May problema ba? Come on, tell me.” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Babe.

“O-okay lang babe. Sorry. May iniisip lang.”

“At di talaga pwedeng i-share sa akin, Babe? Hindi ba talaga kayo close nung si Ralph?”

Napabuntong-hininga naman ako. “Honestly babe, hindi. Ewan ko ba pero parang di naman kasi matinong tao yang si Ralph eh.”

“Panu mo naman nasabi? Eh hindi mo nga binibigyan ng pagkakataon ang sarili mong makilala yung tao.” Simangot nitong si Babe. “Babe, there’s no harm in trying. Mabait na tao si Ralph. I should know kasi kaibigan na din turing ko sa kanya.”

“Babe. Alam mo naming nagseselos ako dun diba?” Pagkakaila ko.

“Babe.” At hinawakan nito ang aking kamay sa ilalim ng mesa. “I gave you my words. Iyong-iyo na ako. At si Ralph, nanliligaw nay un kay Kira. Ano ka ba?” Malambing at mahinang sabi nito para di marinig ng nasa kabilang mesa.

“Pwedeng maki-join?” Sabat ng isang boses na nanggagaling sa likuran naming ni Babe. Napatingin naman kaming pareho sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. “Hi!” Nakangiting bati nito.

“Speaking of the devil. What the fuck!” Tahimik na saad ng utak ko.




======================================

== The LEAF ==

“Pwedeng maki-join?” Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa aming likuran. And when I look, I saw Ralph smiling. “Hi!”

“Sure! Upo ka Ralph.” Paanyaya ko kay Ralph. Nakita ko naman si Babe sa gilid ng aking mga matang unti-unti ng nagbabago ang timpla. Inilapag nito ang tray ng inorder na pagkain sa lamesa naming at umupo sa harap naming ni Alfer. Binitiwan ko naman ang mga kamay kong kanina pa nakahawak sa kamay ni Babe.

“Dito din kayo nagbe-breakfast?” Tanong ni Ralph.

“I could ask you the same.” Narinig kong saad ni Babe. Pero mukhang may halong pagkasarkastiko ang tono nito. Bahagya ko namang siniko si Babe. Tss. Nagseselos na naman ba ito?

“Di naman masyado Ralph. Napadaan lang kami dito ni Alfer. Di kasi nakapagbreakfast.”

“Magkasama na naman kayo ah? Iisa ba ang bahay nyo?” Birong tanong ni Ralph. Pero teka, biro nga lang ba? Bakit mukhang ang bigat-bigat ng hangin pag magkasama si Babe at si Ralph?

“Nagkasabay lang kami ng pasok sa school bro. May idinaan kasi itong si Alfer sa bahay kanina.” Palusot ko. Napatango naman si Ralph, habang si Babe ay nakamasid lang sa aming dalawa.

“Jay, leggo. Diba nagmamadali ka na? Hinahanap ka na ni Dean. Tara.” Sabay tayo ni Babe. Malamig ang mga ekspresyon ng mga mata nito. Anyare?

“Aalis na kayo?” Si Ralph.

Tumayo na din ako. Wala na akong choice eh, tumayo na si Babe.  “Oo Ralph eh. May ipapagawa ata ang Dean namin sakin. Mauna na kami ah? Sorry talaga.”

“And why are you saying sorry to him?” Narinig kong saad ni Babe. Pasalamat nalang ako’t di narinig ni Ralph. Siniko ko nalang sa tagiliran si Babe.

“Awwwh. Too bad. Kakarating ko lang eh.” Napabuntong-hininga naman si Ralph. “Sige. Ingat kayo. Dude, see you mamaya sa practice.” Baling pa nito kay Babe, habang nakatalikod na ito. Si Babe naman, di man lang pinansin ang pahabol na sabi ni Ralph.

What the hell is happening between this two? May nangyayari bang hindi ko alam? Tss.

Tahimik lang si Babe nang naglalakad na kami pabalik sa kotse hanggang sa sinimulan na nya itong patakbuhin papuntang school.

“Babe? May problema ba?” Tanong ko dito.

“Wala babe.” Saad nito na hindi man lang lumilingon sa akin.

“Ano ba talaga meron sa inyo ni Ralph babe? Bakit ang bigat-bigat ng paligid pag nagtatagpo kayo?”

“Let’s just say that I just hate the guy. At alam mo naman ako, kung ayoko sa isang tao, di ko talaga ugaling makipag-plastikan.”

“Babe naman. Ayan ka na naman eh. You’re being unreasonable again.”

“Basta babe. Let’s just not talk about him, okay? Umagang-umaga, nasisira ang araw ko dahil sa taong yun eh. Please.” And he blows his temper. Time for me to shut up and just let him be for the time being.

At yun na nga. Nanahimik nalang ako sa may front seat ng sasakyan ni Babe. Haaay. Di pa rin nawawala tong pagiging topakin ni Babe. Pero sige lang, push ko lang to. Mahal ko tong hambog na Alfer Samonteng ito eh.

“Thanks babe.” Nasabi ko ng marating namin ang parking area ng school. Bubuksan ko na sana ang pinto gamit ang kanang kamay nang biglang hawakan niya ang kaliwa kong kamay at hilahin ako paharap sa kanya.

At tulad nang kanina, he kissed me. It was short, but one of the sweetest kiss he gave me. Nung binitawan ng mga labi niya ang labi ko, nakita ko siyang ngumiti. “Sorry kanina babe.”

“Ayos lang babe. I need to adjust to that.”Sarkastikong saad ko. At nagkatawanan nalang kami.

Hinatid nalang ako ni Babe sa may Dean’s Office ng college namin at kinausap si Dean at ipinaliwanag kung bakit ako na-late sa school. Nakita ko namang napangiti si Dean habang kinakausap ito sa malayo ni Babe. “Ano na naman kaya ang pinagsasabi ni Babe dito kay Dean Miro?” Tanong ng isip ko.

“So, talaga palang nagkakasundo na kayo nitong si Alfer ah? Who would’ve thought na ang dating aso’t pusa noon, ay magiging magkaibigan na, after what, six months? Tama nga ang rekomendasyon ko at ni Maam Diana na kunin kang Tutor para kay Alfer. Not bad. Napaluhod mo din ang tigre, Mr. Gonzales. I commend you for that.” Mahabang narasyon ni Dean Miro, na sinamahan pa ng malutong na tawa sa dulo.

Di naman ako nakaimik sa komentong binitawan ni Dean Miro. Should I be flattered because of a compliment, or what? Haaaay. Pati tong si Dean, di rin pala nahuhuli sa tsismis ng campus.

Naupo na ito sa upuan nito, at ako nama’y nanatiling nakaupo lang sa visitor’s chair ng table nito. “So, on to business. Pinatawag kita dito Mr. Gonzales because I have some important job for you.”

Bigla naman akong kinabahan sa inanunsyo ni Dean. “A-ano po yun?”

“Next month, February. The college will held its Valentines Ball and the College Day. And you, as the College Governor, should handle everything.”

“S-sir?”

“Yes Mr. Gonzales. Ilang taon na ring di natin nase-celebrate tong College Day at Valentines Ball. Naging busy kasi ang faculty these past few years. Pero ngayon, sa kapasidad mo bilang isang student leader, alam kong kakayanin mo to.”

“Pero sir..”

“Jayden, kilala kita. Wag ka ng kokontra. Final na ang desisyon ng faculty, at approved na ito by the University President. Anyways, you have your council, and you have people to help you. I am assigning you for this important job. I know you won’t disappoint us.” Ngiti pa ni Dean Miro.

“Sige sir. Will do my best for the College. Thank you po.” No choice eh. Walang ibang pwedeng humalili sa posisyong hindi ko naman talaga ginusto. Haaay. Mahirap kaya maging isang Accountancy student at College Governor at the same time. Tss. No choice. Bigti.

Kinahapunan, mineet ko ang Student Council ng college namin. Nabigo naman akong dumiskarte kay Kira ng tulong, kasi nga Secretary na siya ng National Student Government. So I just have to work with my people.

Nagbrainstorming naman kami kung anu-ano ang gagawin namin para ma-organize ang event ng college. Buong hapon kami naggugol ng oras at panahon kakaisip ng mga magagandang ideya para sa aming College Day. And here comes the Valentines Ball. Tsk. Lakas maka-high school neto eh. Parang JS Prom lang.

“Sino kaya ang ka-date ko sa Ball?” Narinig kong saad ni Jan, ang Vice President ng council ng college. “Ikaw Erin, may ka-date ka na bang naiisip?”

“Wala pa eh.” Sagot ni Erin, ang Secretary. Isa rin syang Student Assistant na gaya ko. “I-ikaw ba Gov, meron ka na bang prospect date?”

“Meron. Si babe.” At natawa nalang ako sa sinabi ng utak ko. Haaay. Kung pwede lang. “H-ha? Wala pa eh. Okay lang naman siguro kung di natin gawing pares-pares ang ball diba?” Suhestyon ko sa council.

“Wag Gov. Mas maganda yung may date. Para atleast, kahit College student na tayo, maramdaman ulit natin yung feeling na naramdaman natin nung JS Prom sa high school.” Saad ni Mikko, isa sa mga College Representatives.

“Oo nga Gov. Gawin nalang nating optional. Pwedeng may partne, pwede ding wala, diba?” Si Jan.

“Okay sige sige. So eto nalang nga ang gagawin natin…” At pinagplanuhan na nga namin ng mabuti ang lahat, lalong-lalo na ang Ball. Nagtayo nalang kami ng mga Committees na syang hahawak sa mga events at activities para sa aming College Day.

Nagsiuwian na ang lahat. Ako nalang ang mag-isang naiiwan sa SG Office ng College. May mga tinatapos lang na trabaho para sa hinahandang event. Okay lang na magtagal ako dito kasi nga wala naman si Babe. Ayun, may practice game na naman kasama ang Varsity nya.

Magdidilim na ng matapos ko ang Proposal ng mga Activities na ipe-present ko bukas kay Dean Miro. Inoff ko na ang Compset ng office, pinatay ang aircon at ang ilaw at tuluyan ng lumabas.

Naglalakad ako sa madilim na hallway ng college ng biglang…

“BULAGA!” Grabe. Natakot ako sa sigaw na yun. Paglingon ko sa aking tagiliran, si Babe lang pala. Sinimangutan ko ito. Grabe, halos lumuwa ang buo kong kaluluwa mula sa katawan ko. Siniko ko ito sa tagiliran at naglakad na papalabas ng school. “Aray naman babe!”

“Kaw kasi eh. Nakakainis ka!” Simangot ko dito. Wala nang tao sa buong campus. Kung meron man, iilang nalang at ilang mga security guards. Hinila naman ako nito sa madilim na parte ng college, kung saan napundi ang ilaw at walang makakakita sa amin.

Napasandal ako sa dingding nang hilahin ako ni Babe. He was pressing my body against mine, with his two hands supporting and holding himself against the wall. “Sorry Babe.” All I could hear is his breath. Nakikita ko syang nakangiti , habang naaaninagan ng konting ilaw ang mukha niya. “I missed you so much Jay Denzel Gonzalez.”

“And I missed you too Mr. Star Player Alfer Gonzales.” Sinuklian ko naman ito ng ngiting-aso.

His face is slowly aprroaching mine. His lips were crying out loud to taste mine. And I can feel something hard down there. I closed my eyes, stroke his back with my hands, and prepared to received Heaven from his mouth.

He was about to kiss me when suddenly we heard noises.

“Ano yun?” Napatingin-tingin si Babe sa paligid. Pati ako. I know I’ve heard something. “What was that?” At dali-daling tumakbo si Alfer sa isang puno na malapit sa kinatatayuan namin. May kung ano akong narinig na nagmumula sa likod ng punong pinuntahan ni Babe.

Ilang sandali pa, lumabas si Alfer sa may pwestong may ilaw, hatak-hatak ang isang lalaki, at may hawak na Video Camera sa isang kamay. “Boss, maawa po kayo sa akin. Napag-utusan lang ako.” Narinig kong samo ng lalaki.

Kinaladkad ni Alfer at tinapon ang kawawang lalaki sa isang pwesto kung saan maaaninag nito ang mukha ng lalaki. Nilapitan ko naman ang mga ito.

“What is happening?” Tanong ko.

Itinaas ni Alfer ang Video Camerang hawak-hawak nito. At ibinaling muli ang tingin sa kawawang lalaki. “Sino ang nag-utos sayo? Sino?!” Galit na galit na tanong ni Babe.

“Boss. Maawa po kayo.” Pagmamakaawa pa ng lalaki.

Sinipa ito ni Alfer nang hindi nito sinagot ang tanong. Inawat ko naman si Babe. “Alfer! Tama na.”

“Alam mo naman siguro kung sino ako at kung ano ang pwede kung gawin sayo! Ngayon, sabihin mo sa amin kung sino ang nag-utos sa iyo na manmanan ako?!” Susuntukin pa sana ni Alfer ang lalaki, pero mabuti nalang at naagapan ko ito. “Bitiwan mo ako Jayden!”

“Tama na nga sabi eh!” Galit na din ako kay Alfer. Tama bang bugbugin nya pa ang lalaki? Tss.

“Boss. Napag-utusan lang talaga ako. Sorry po, sorry.” Saad ng lalaki.

“Just let him go Babe.” Bulong ko sa tenga nito.

“What?! After what he did? Papakawalan lang natin yang ugok na yan?! No way!”

Kinuha ko ang Video Camera na hawak-hawak ni Alfer, at hinarap ang lalaki. “Kuya, umalis ka na. Pero sana lang, wag na wag mo na tong gagawin ulit ha? Pasalamat ka at mabait ako ngayon. Pero sa susunod na mamanmanan mo pa kami, I won’t stop this guy from kicking the hell out of you. Umalis ka na po.” Saad ko sa lalaki. Tumango naman sa takot ang lalaki at kumaripas ng takbo.

“No!” Hahabulin pa sana ito ni Babe, pero inawat ko na ito. “Hoy! Sabihin mo sa amo mo na humanda na siya. Alam ko kung sino siya. Humanda siya sa akin. Sabihin mo yan!” Pahabol na bilin ni Alfer sa lalaki.

Wala na akong nagawa kundi magpakawala ng buntong hininga at pakalmahin ang nag-ngingitngit na bulkan sa ulo ni Babe. Haaay. Ano na namang gulo ito?

- Itutuloy -

19 comments:

  1. sorry sa mga TYPO-ERRORS. pero ayos lang daw sabi nung isang kaibigan ko. he said, "That's okay bro. That's why we have this EDITORS. it's their job to correct such mistakes." nyahahaha. pinanghahawakan ko yun. pero of course, babawi ako sa susunod. mejo binilisan lang ang update, kasi super delayed na. sorry talaga. god bless you guys. live life to the fullest, and be happy. i love you! :)

    ReplyDelete
  2. hay naku another bubu bida si " JAYDEN". PAKIUSAP PAKITAPOS NA ANG STORY NA ITO. Paulit ulit nalang ang takbo ng story. Kung hindi bubu ang bida ay tanga naman. Sus #SLowAuthor #GayaGaya #CopyPaste

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo parang nainip ako

      Delete
    2. point taken. sarili mo pong opinyon yan. :)

      Delete
  3. Salamat sa update. Its getting more exciting.Take care.

    ReplyDelete
  4. shiittttt! naman jayden wag lang TANGA! sabi ng Na pag utusan Hindi pa inalam kung sino ang nag utos.
    I hate people na bobo.....
    shit! talaga
    sorry, Jace talagang sinadya Kong Hindi nag comment sa nagdaang chapter mo kasi sa word na TANGA.
    naalala ko kasi na naging TANGA din ako sa Pag Ibig. he...he...he....
    kanya mabuhay ang Mga TANGA sa pag ibig.
    love you bro!
    red08

    ReplyDelete
  5. Grabe `yong comment ng isa! Pero oo nga, tanga lang ang peg ni Jayden. Clueless? Manhid? O ano ba siya para hindi malaman kung ano ang pwedeng maging consequences nung pagkuha ng litrato sa kanila kung hindi nila nakita?

    Jayden, `wag kang manhid!

    Alfer, partner mo si Jayden. May karapatan at dapat niyang malaman ang pinagdadaanan mo!

    Hahaah.. hala harsh.. (wag ganun, mga sir) :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh kasi naman, there's a deeper meaning for Jayden's actions. tsk tsk. hahahaha. kaya nga #TLWTangaDay diba? :D

      Delete
    2. Hahaha.. marami na ba ang member niyan?

      Delete
  6. hayahay na bored na ako

    ReplyDelete
  7. TLW



    Hayst! Ano ba kasing kinakatakot ni Alfer kung lumabas man ang katotohanan. So gusto niyang sabihing, ayaw niyang mawala sa kanya ang lahat? Ganun? So, what's with the 'love' he's saying towards Jayden?

    Sabagay, mahirap naman talagang umamin. But then, if it's love, what should you be afraid of? Start with his parents, and if that worked-out, dahan-dahanin niya sa lahat. Di ba?

    Kung ako yan, handa na akong ilabas ang katotohanan. May nagmamahal na sa akin eh!

    Hahahaha! Napakadaldal ko ata! Hayst! May magmahal lang sa akin, I think I will conquer all of my fears.

    Sugod na, basta sigurado, paninindigan
    ko.

    Salamat, Jace sa pagbati! We're totally friends now, right? Haha. Hopeful!

    Hahaha! Happy lang, walang ending! :D

    ReplyDelete
  8. Bunso parang d ako nagenjoy sa chapter n toh kasi wala si yui i dont know peo prang wala ako gana namimiss ko na umeksena di yui weh

    Bring him back na huhuhuhu

    Cord of bulacan

    ReplyDelete
  9. Hindi ko na masyadong marecall yung story. Sorry haha. Yan ang hirap sa medyo matagal nasusundan. Nakakatamad na basahin. Sorry author. Hassle balikan yung past chapters. Mas ok ata kung magpopost ng story yung tapow na para di nakakawalang gana basahing story. Haha. Suggestion lnng po yun.


    -Demanding at Nagmamagaling na Silent Reader na Di na Silent

    ReplyDelete
  10. Kuya Jace
    Thankx sa update. . .inaabngan ko po talaga to . .always ko p0ng chiNIcheck et0ng story mu sa MSOB,,nagCOCOMMENT lng po ako kpag gusto ko ang story . .Nyahahaha!
    "spell Tanga"
    J-A-Y-D-E-N

    ~jake

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Medyo hindi nga maganda ang chapter na ito. Parang naiba..hehe..sa akin lang naman. Anyway, still looking forward to Yui's part in the story. Nakaka-boring yung Love Affair ni Jayden at Alfer. Sana author mabigyan mo din ng part si Yui na hindi puro tungkol kay Jayden at magkaron din siya ng sarili niyang Love Affair. Yui deserves to be happy too. Sana maikwento din kung ano na nangyayari sa kanya sa Japan..hehe..Yun lang naman. Looking forward on your new updates.

    Lantis

    ReplyDelete
  13. nung una love ko tong story na to but habang tumatagal getting boring sorry for my words but pansin ko kc ganun e...no offense ment hindi mu kailangan pahabain kung wla maxadong magandang twist ng kwento para lang d mabitin ang mga readers mu
    just a piece of advice lng tignan mu ung mga gawa ni Sir Ponse wlang mga POV at mahahabang batuhan ng lines but still the excitement was there bitin pa nga minsan pero nauunawan nmen ung takbo ng story

    push pa ng konti :)

    ReplyDelete
  14. Haaays!!! Anong nangyari sa daloy ng kwento author. Sobrang ikli wala pang patutunguhan... sabi ko pa nman kay bestfriend ko ikukwento ko nalang sa kaniya kc ayaw na tlaga ituloy. Dati x nagaabang ng update tpos nashare nia skin. But now waley.. ayaw na talaga nia nagtatampo na yun.. hayys!... Jess-Nar

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails