CHAPTER 20
AUTHOR'S NOTE: First thanks kay sir mike.. Mwuahh.. Konting kembot nalang.. Hehe sa lahat ng sumoporta sa story na to super thank you from the bottom of my heart.. As in bottom haha.. Salamat salamat! Theres A chinese saying.. The body can die but the mouth doesnt.. So if you have nothing nice to say, better say nothing at all.. Oh my hahaha.. Sabi nga sa kanta.. You say it best. When you say nothing at all.. Smile po :) bawal ang away..
First sa listahan ang nagiisang si joel vent.. Ikaw na ang malupit! Haha.. Salamat sa suporta.. Kay miles go ang sarap kachat.! Ehhehe salamat sa mga words of wisdom.. Kaya arthur villanueva..super thank you sa comment mo.. Pinagisip mo talaga ko grabe.. Haha.. Wag mo isipin yung very friendly na nagcomment sayo haha.. I love you.. Kay marvs na super team daryll.. Mwuhugs.. Nakahanap ako ng kakampi sayo haha pero uhm bahala na haha.. Si botboy syempre miss na miss ko na kachat.. Love you bro.. Kay jayRlopez ang abit mo salamat sa laging pagaabang ng updates.. Hehe kay rhafy.. Or leon.. Hehe ako talaga si franz? Grabe ka huh... Pero salamat huh mwuah.
robert mendoza, jeffrey,jan ariez, jc ferrero, jap raegan hambog, jayRLopez, josh marion, jayjay perez, mark princes, gemmalyn and lalie, felcris regudo, enrico, jess mar..ronn joseph atun, rye evangelista, mark13, ninyo22, vincent vince, zancuh,marlon, raffy asuncion, migz, vienne chase, greysmyle, johnny quest(calle aso), tyler, alfred of T.O. Tamaraw.. Salamat s ainyong mga comment hehhe hindi ko kaya maisa isa.. Sorry baka maging two page yung AN ko hahaha.. Sa mga hindi ko nabanggit.. Churi uli hehe.. Love you guys..pinakamahabang chapter..:) Chapter 20 here
CHAPTER 20
SI FRANZ
Halos magtatanghali na yun ng magpahinga kami ni daryll sa kusina.. Hinayaan nalang namin yung ibang crew na magasikaso ng mga customer..
" Alam mo franz.. Gustong gusto kong nandito ako.." ngiti niya habang nagluluto sa harapan ng stove.
" enjoy nga eh..kaso nakakapagod ang sakit sa braso.."
" gusto mo hilutin ko.?"
" wag na.. Ano niluluto mo.?"
" uhm fried chicken para sa lunch natin nagugutom na ko eh.."
" hoy ikaw magbayad niyan hu wala konng dalang pera.." simangot ko.
" libre to.. Ako pa." saad niya saka hinain sa harap ko yung niluto niya.. " sesya na franz huh ang dami kasing order kaya ito nalang muna niluto ko.."
" masarap naman to ah.?"
" gusto sana kita ipagluto ng afritada eh.. Kaso maiistorbo yung chef ." ngiti ni daryll dun sa chef.. Natawa naman to.
" ok lang.. Kain na tayo.. Gutom na din ako eh.." saad ko aktong kakagat ako sa chicken ng pigilan ni daryll yung kamay ko. " why.?" kainis naman kakagat na eh bibitinin pa.. Yun na yun eh..akala ko si joseph lang ang ganun sya din pala haha..shit burahin sa brain cells ko ang elepanteng yun..
" si erika.." saad niyang nakatingin sa labas..
" huh.?" lingon ko.. Nakita ko lang si erika kasama si.. What.. Si joseph.???as in magkasama sila..? Haha inulit ko lang,. Oo na magkasama sila eh ano naman.. Parang kumirot yung puso ko hahaha chos.. Pero imposibleng sila..hello as in hello..imposible.. " alam ba ni erika na nagwewaiter ka dito.?" lingon ko sa kanya.
" yeah.. Minsan niyayaya ko sya kaso sabi niya masyado daw syang maganda para maging waitress." natatawang saad ni daryll.. Wow huh pero sabagay parang hindi bagay kay erika maging waitress mas ok sa kanya maging artista.
" tama naman sya.. Masyado syang maganda." ngiti ko habang nakatingin kay joseph at erika.. Bagay sila ni joseph... Bagay sila.. Elepante at isang pusa..? Bagay ba? Haha parang hindi..
" tingin mo franz.. May chance silang dalawa.?"
" sila..?"
" yeah.." ngiti ni daryll habang nakatingin din sa dalawa.
" uhm kung sa itsura.. Bagay na bagay sila.. Pero sa ugali I doubt it kung kayang tiiisin ni erika yung kay joseph.. I think Ako lang ata ang kayang magtiis sa ugali niya.. Alam mo na abnormal." natatawang saad ko..
" ganun.. Pero tingin ko bagay sila..kasi tingin ko kay joseph seryoso.. Di ba yun yung hanap ni erika..?"
" yun seryoso.? Kalokohan..?" ngiti ko.. sabagay hindi pa sya nagkakagirlfriend..pinagmasdan ko lang yung mukha ni joseph mula sa malayo.. Nakasimangot nanaman sya grabe.haha..pero ang gwapo parin niya nasanay narin siguro ako na hindi sya nakikitang nakangiti.. Napakasungit kasi...haixt bestfriend lang talaga kami may daryll na ko eh.. Hanggang dun lang.. " wait gusto ko ako magserve sa kanila." saad ko saka tumayo.
" franz wait.." hawak niya sa braso ko.
" what.?"
" kain na tayo." ngiti niya..
" pero.."
" please.. May mga crew naman si yaya eh.." saad niya muli naman akong umupo saka nilingon sila joseph. " kain na tayo." kinuha niya lang yung chicken saka nilagay sa pinggan ko.
" sige na nga.. Di tayo magpapakita man lang sa kanila.?" lumingon lang ako kay joseph..haixt joseph naman kasi ginugulo mo isip ko.. Haixt.. Sana si erika makaya yung ugali ni joseph para parehas na kaming may lovelife.
" hindi... Momment natin to.. Dapat atin lang." haixt tama sya.. Momment namin to..pokus franz..pokussssss..
" ok.." kibit ko ng balikat.. Hindi ko lang mapigilan pagmasdan si daryll habang kumakain.. Parang wala namang mali sa kanya.. Never ko pa syang nakitang umiyak.. Bakit sabi ng yaya niya iyakin daw sya.. Totoo kaya yun.
" bakit ganyan mo ko tingnan.? Natutunaw ako franz." natatawang saad niya.
" wala lang.. Hinahanapan kita ng mali sa mukha." ngiti ko.
" may nakita ka ba.?"
"wala nga eh.. Nakakainis.. Bakit ka ganyan kagwapo daryll.. Ang sarap mo lang titigan..?" saad ko.. Yung mata niya.. Ang sarap lang titigan.. Sana habang buhay ko nalang makikita yung mga mata niyang yun.. Sa mga mata niya nakita ko yung pagmamahal na pinangarap ko.. Yung pagmamahal na gusto kong makuha.. "Perfect." ngiti ko.
"thanks kay dad.." natatawang saad niya.
"teka yung daddy mo ba alam niya na yung tungkol sakin.. I mean satin..? Yung relasyon natin..?"
" siguro alam niya na... Pagkatapos natin kumain punta tayo sa bahay.. Papakilala kita kay daddy hindi bilang kaibigan kundi bilang syota..bilang tayo..bilang mahal ko." ngiti niya..
" kaya mo.?"
" oo naman..lagi mong tandaan franz isusugal ko lahat para sayo.. Para sa taong una at huli kong mamahalin." ngiti niya. " mahal kita franz ok. Sobrang mahal.. I know bago palang tayo pero ito na yung nararamdaman ko.."
" first and last.?."
" yeah.." ngiti niya.. Haixt daryll akin ka na pero bakit naguguluhan parin ako..please god sa kanya nalang ako... Ayoko na maguluhan..please..
" haixt ang sweetcorn mo.. Nakakainis." ngiti ko natawa naman sya.. Pagkatapos namin kumain ay sa likod na kami dumaan para hindi kami makita nila joseph.. Pagsakay namin sa kotse ni daryll tinuro niya lang kung saan nakapark yung kotse ni erika.. Mejo malayo to kaya siguro hindi napansin yung kotse nung kuya ni daryll.
" mabait yun si daddy..wag kang magalala.." ngiti niya habang nagdadrive.
"sure ka huh..?"
"oo naman saka di ba nung nagkita kayo sa dinner ok naman kayo..di naman sya tulad ni mommy na super nakakatakot."
" Haixt kinakabahan ako daryll.."
"edi ikiss mo ko para hindi ka kabahan." ngiti niya.
"ok lang..?"
"franz boyfriend mo kaya ako.. Kung gusto mo ko ikiss ok na ok lang,.. Gusto ko nga yun eh.. "
"uhmm.. Daryll my god!! kung panaginnip talaga to ok lang kahit hindi na ko magising kahit million years pa.. Magpapakasleeping beauty nalang ako forever basta ikaw ang nasa panaginip ko.."
" kung hindi lang ako nagdadrive ngayon yayakapin kita para malaman mo na totoo na lahat to.. Alisin mo na ko sa panaginip mo kasi nandito na ko sa harap mo.."pinagmasdan ko lang yung ngiti sa labi niya.. mahal ko sya.. Mahal ko si daryll.. Lalo lang niya pinarerealize sakin na dapat sya ang mahalin ko..nararamdaman ko mahal ko sya.. Aixt mahal ko sya.. ( paulit ulit? Bombahin haha!) kj :/
" I love you." ngiti ko.
" isa pa nga.. Ang sarap sa tenga."
" I love you Daryll Perfect Schoneberg.." ngiti ko natawa naman sya saka lumingon sakin. " magdrive ka lang wag mo ko masyadong tingnan.. Matutunaw ako." yung mga tingin niyang ganun my god.. Nakakatunaw ng panty haha ayt wala nga pala akong panty haha..
" gusto ko tingnan lang kita.."
" ows."
"oo nga.. Ang perfect mo rin kaya sa paningin ko."
"Mukha mo..!di ba sabi mo hanggang nageexist ka.. Sayo lang nakadikit yung salitang perfect.?. Magdrive ka lang baka mabangga tayo."
" haixt.. Sige na nga." ngiti niya saka tinuon yung atensyon sa kalsada.. Pinagmasdan ko naman yung mukha niya.. Gusto ko yung kabisaduhin sa utak ko.. Gusto ko bawat detalye nakatatak sa isip ko..haixt...lumingon naman sya saka ako binigyan ng matamis na ngiti.. Pagdating namin sa kanila.. Sinalubong lang kami ng kuya niya.
" franz." ngiti nito sakin.
" hello.."bati ko rin sa kanya.. ang gwapo talaga ng kuya niya hahaha... Pokus franz.. Dalawa na nga meron ka. Dadagdag ka pa ng isa. Abuso huh..haha pakalbo kaya ako haha joke..
"kuya jasper nalang tawag mo sakin.."
" kuya jasper.." ngiti ko.. Napangiti naman sya.
"sounds better.. Naglunch na ba kayo.?"
"tapos na kuya..keys mo oh salamat sa kotse mo huh." saad ni daryll saka inabot yung susi sa kuya niya. " at salamat sa pagkausap mo kay mommy.. The best ka talaga.."
" kaw pa.. Hoy franz.. Wag mong saktan tong kapatid ko huh.. Baby boy namin yan."
" kuya jasper parang ewan.. Hindi na ko baby boy." simangot ni daryll natawa naman ako.. Ang cute niya sa reaction na yun.. Gusto ko irecord sa utak ko yun..haixt " binata na ko kuya. May syota na nga ako eh."
" ikaw pinakabata dito kaya shut up.."
" kuya naman eh." simangot ni daryll.
"Si daddy nasa office niya.."
"alam na ba niya kuya.?"
" yeah.. I think so.. Magkausap sila ni mom kanina eh.."
"galit.?"
"parang hindi naman."
" si mommy nanjan..?"
" wala.. umalis.. Si daddy lang nasa office puntahan niyo na.. Aalis na din ako inantay ko lang yung kotse ko."
"saan ka pupunta kuya.?"
"uhmm.. "
" kay nicko kuya.?" tanong ni daryll kumunot namna yung noo ko.. Nicko.? Kilala ko ba yun... Aixt Baka kapangalan lang. Nagkibit naman to ng balikat saka tumalikod samin. " ingatz kuya.. " habol dito ni daryll.
" who's nicko.?"
" uhm special someone ni kuya." ngiti ni daryll.. What.? Lalake.. ? Ayt kaya pala.. Uhm.. Haixt ang swerte ko.. Haha. " tara punta na tayo kay daddy." saad niya magkahawak lang yung kamay namin na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila.. My god.. Palasyo..sya ang prinsipe at ako ang napakagandang prinsesa.. Wahahaha chos lang.. Matutupad na ata yung dream ko na pagbuo ng pamilya namin ni daryll dito hahaha.. Wow posible na yun grabe! pagtapat namin sa isang kwarto kumatok lang si daryll saka dahan dahan binuksan yung pinto.. Naabutan lang namin yung daddy niya na nakatalikod. " dad.?" saad ni daryll lumingon naman to pero nagulat ako ng ibato nito samin yung basong hawak nito.. Agad naman akong hinila ni daryll. " dad bakit ba.?"
" bakit..? Gusto mo ng sapak.?" gigil na saad nito.. Humawak naman ako sa braso ni daryll my god natatakot ako.. Ang gwapo pero the voice waaaah scary...
" dad naman eh.. Alam mo dad napakadami ng nabasag na baso dito sa kwarto mo.. Baka multuhin kayo ng mga basong binasag niyo sige.."
" kasalanan mo yun.. Madami pa kong reserba jan.. Gusto mo batuhin pa kita.?"
"dad naman eh..tara upo tayo franz." saad ni daryll..seryoso ba sila.. Yung mommmy niya nakakatakot tapos yung daddy namamato ng baso.? Whats wrong with them..? Boom panes.. English haha Lumapit lang kami dito saka umupo sa upuan sa harap ng table nito.. Tumungo naman ako kita lang yung titig nito sakin.. Kakainin ba niya ko..? Haixt hindi ako masarap.. Im sure madidissapoint lang sya haha..
" franz di ba.?"
" yes dad.. Franz ang name niya.. Or Francisco Balagtas Ang cute di ba.. Mejo wierd nga lang pakinggan." saad ni daryll..
" sya kausap ko.!"
" wag mo naman kasing takutin dad ngayon lang ako nagdala dito ng syota gaganyanin niyo pa.???"
" yun na nga daryll eh.. Ngayon ka lang nagdala ng syota dito tapos lalake pa.?" maang nito napakamot naman ng ulo si daryll.. " ilang taon ka na franz.?"
"nagdebut na po ako.?" ngiti ko.
" 21 ka na.. Eh 19 lang tong anak ko ah.?"
"hindi po.. 18 po ako nagdebut." ngiti ko. Natawa naman si daryll.
" shut up son walang nakakatawa sa sinabi niya.
"wala ba dad.. Kala ko meron eh." ngiti ni daryll.
" nasaan parents mo.?"
"dad yung parents niya patay na... But may ate sya na nasa ibang bansa to support his study.. So as of now mag-isa lang sya sa bahay nila.." ngiti ni daryll.. Oh my alam na alam niya.! Bigyan ng jacket! Haha "ang sad dad di ba.. Dun nalang kaya ako tumira sa kaniya or better kung sya nalang ang titira dito sa bahay natin di ba.?"
" daryll ikaw ba tinatanong ko..? Lumabas ka nga si franz ang gusto ko kausapin.. Usap ka ng usap.!"
" uhmm ayoko lumabas.. Baka kainin mo si franz eh."
" then shut up.!"
" fine.. Dahan dahan naman kasi sa pagtatanong dad.. Natatakot si franz eh." simangot ni daryll.
" oo na.." simangot ng daddy niya.. " isa nalang yung tanong ko since nasagot na ni daryll yung iba.."
"ano po yun.?" pacute na saad ko..
" mahal mo ba yung anak ko.?" seryosong saad nito.. Tumingin naman ako kay daryll.. Aixt.. Nagslowmo ang paligid.. Nawalan ng hangin. Oh my god I can't breath..haha..I just imagine.. Priest yung daddy niya and he's asking me if i want to marry his son.? Wahahha
" yes father.." mahinang saad ko..
" what.?"
" ano sabi mo franz..?" aixt ano ba sinabi ko..? Ayt kala ko kinakasal kami eh wahaha..
" uhm I mean yes po.."
"louder.."
"huh.?"
"lakasan mo hindi ko narinig.."
"mahal ko po sya." saad ko.. Napabuntong hininga naman to.
" ikaw daryll."
" mahal na mahal ko sya dad..mahal na mahal.. Katulad ng pagmamahal niyo kay mommy." ngiti ni daryll..
" hindi ko naman mahal mommy mo eh.?"
" wehh.. Alam ko dad kahit ganun itsura nun mahal na mahal niyo yun.. Naiintindihan niyo naman ako dad di ba.. I love franz.. Kahit kumontra pa si obama.. Itutumba ko sya.. O kahit ibato niyo pa lahat ng baso na naimbento ok lang iilagan namin ni franz lahat yun.." boom.. Hanep haha.. I love him na talaga
" oo na.. Nagkausap na kami ng mommy mo.. Naiintindihan niyo naman siguro yung kundisyon nya.. Wag niyo ipahiya yung academe.. Please lang.."
" yes dad.. Hindi.."
" good.. Naglunch na ba kayo.?"
" yes dad.. I love you dad.." ngiti ni daryll.. Npaabuntong hininga naman yung daddy niya.
" hindi ganun kadaling tanggapin.. Pero nagmamahalan kayo eh.. May magagawa ba kami.. Just be responsible.. Yun lang."
" yes dad.. Pangako.."
"franz.. Pag nasaktan tong anak ko.. Dudurugin ko yang salamin sa mata mo..? Teka bakit ba lumabo yung mata mo.?".. Shet yang question na yan ang iniiwasan kong itanong waaaahh.. Nakakainis naman.. Pwede bang lumubog nalang ako bigla.?
" uhm....kasi.." umiwas lang ako ng tingin.. Pano ko ba sasabihin...or sasabihin ko ba.. Haixt naman oh..
" kasi what.?"
" what franz.?" saad ni daryll..kita ko lang yung titig niya sakin.. uhmm
" uhmm..namana ko po." pilit na ngiti ko..
" nagpapatingin ka naman sa doctor di ba.?"
"opo." tango ko nalang.
" good.." ngiti nito..nakahinga naman ako ng maluwag.. Haixt stress..ayoko sabihin... ayoko..
" sige dad... may papakita lang ako kay franz." ngiti ni daryll saka hinila ako palabas ng kwarto na yun..
" saan tayo pupunta.?"
" basta.." ngiti niya.. Ilang hagdan din yung dinaanan namin hanggang nakarating kami sa pinakataas.. namangha lang ako sa ganda kitang kita mo yung buong lugar na na nakapalibot sa bakuran ng mga schoneberg.. wow...Nnag tingnan ko si daryll nakita ko lang sya habang nakadipa yung dalawang kamay niya..
" welcome sa aking sariling palasyo.." ngiti niya.. Ang sarap lang niya tingnan habang hinahangin yung buhok niya..at yung ngiti sa labi niya... Tumingala naman ako.. Ang sarap lang damhin ng hangin.
" palasyo ba to.? Rooftop kaya to.?" ngiti ko sa kanya.
" I know pero for me.. This is a perfect paradise..kaso dito feeling ko ako ang pinakamataas.."saad niyang humarap sakin at dahan dahan lang syang naglakad papalapit sa pwesto ko..hindi ko naman inalis yung tingin ko sa mukha niya.. Parang biglang tumigil yung oras.. " mas lalong naging perfect to ngayon nandito ka na." dahan dahan niya lang hinaplos yung pisngi ko..
" Daryll.. Walang perfect.."
" siguro.. Pero when you're inlove.. Yung mararamdaman mo is beyond perfection.." ngiti niya tinitigan ko lang yung mukha niya.. Haixt unti unti niya lang nilapit yung mukha niya.. Hanggang maglapat yung mga labi namin.. Ilang sandali parang tumigil yung mundo ko.. Wala na kong naramdaman kundi yung dampi ng labi niya at yung haplos ng hangin sa mga balat namin..dahan dahan ko lang pinikit yung mga mata ko saka dinama yung sandaling yun.. Clear your mind franz.. And feel his lips..ng mga oras na yun para akong lumipad.. Para niya kong dinala sa ibang mundo..ilang sandali pa ng humiwalay sya.. Tinitigan ko naman yung mata niya. " tulad ng halik mo franz.. Its beyond perfection.."
" daryll I love you.." saad ko..kita ko naman na ngumiti sya sabay ng pagagos ng luha sa mata niya.. " why..?"
" That was the first time na sinabi mo yun na naramdaman ko.."
" so pag sinasabi ko sayo yun hindi mo nararamdaman.?" ngiti ko nagkibit naman sya ng balikat.." ang sama mo..?"
" i love you franz." saad niya saka ako niyakap.. Sinagot ko naman yung yakap niya..ganito yung yakap ni joseph sakin pagkatapos nung audition niya...haixt yung elepante nanaman na yun.. Panira talaga.. Hinigpitan ko lang yung yakap ko kay daryll..
Pagkatapos ng dinner ay hinatid na ko ni daryll sa bahay.. Alam ko masaya ako ng mga oras na yun.. Masayang masaya..nagwave lang ako ng kamay kay daryll pagsakay nito ng motor..Mahal ko sya.. I know it and I can feel it.. Wwwooo i just wanna feel this moment oohhh..christina aguilera...matching lipad lipad ng buhok.. Haixt! Ahhaha back to reality.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pumasok sa bahay.....pagpasok ko sa kwarto pabagsak lang ako nahiga sa kama..
" kaya bang tanggapin yun ni daryll kung sakaling malaman niya.?" saad ko lang muli lang akong tumayo saka nagbihis..humarap lang ako sa salamin saka dahang dahang tinaggal yung glasses sa mata ko..my god..please lalaklakain ko lahat ng vitamin A sa buong mundo wag lang mawala yung eyesight ko.. Oh my..
HUmugot lang ako ng super duper lalim na hininga saka lumabas ng bahay para umakyat sa bubong at makipagtitigan sa mga star.. Pangarap ko lang to dati.. Pangarap lang.. Pero ngayon hawak ko na bakit parang naging kumplikado... Ilang sandali pa kong nakahiga dun ng may marinig akong paakyat umupo naman ako.. Nakita ko lang sijoseph.. Awkward.. haixt..
"joseph..?"
" hindi ka pumasok kanina.?"
" uhm may pinuntahan lang kami ni daryll.." ngiti ko saka muling humiga.. Tumabi naman sya sakin.. Itatak sa buong pagkatao ko.. Bestfriend lang kami please..kasi naman eh..
" san kayo pumunta.?"
"uhmm sa kanila.. Kinausap ako ng daddy niya..joseph tanggap na kami ang sabi lang ng daddy niya dapat maging responsible kami.. Joseph ang saya saya ko.." saad ko natahimik naman sya.. Ng lingunin ko si joseph nakatitig lang sya sa langit.
" wag mo ko tingnan." simangot niya.
"haixt sungit.." irap ko..kahit kailan talaga to napakasungit.. Hindi niya masisira ang magandang araw ko.
" franz.."
"oh..?"
" mahal mo ba si daryll.?"
"oo.."
"ok.."
" bakit.?
" eh pano kapag nalaman niya yug tungkol sa.."
"joseph matagal pa yun.. Di na niya kailangan malaman.."
"pero franz.. Dapat malaman niya yun.. Pano kung forever na kayo..? Saka boyfriend mo na sya.. Dapat alam niya yun.?" ilang sandali naman akong hindi nagsalita.. " at sa ayaw at sa gusto mo karapatan niya ng malaman yan.?"
"natatakot ako eh.?" saad ko lang hindi ko naman mapigilan yung pagtulo ng luha ko.
"natatakot kang alin..? Mabulag o iwan ka niya.?"
" pareho.. Joseph matagal pa yun.. Matagal pa.." bulong ko..
" franz.. Hindi ka na nga nakakakita kapag wala yung salamin mo eh.. Ano yung sinasabi mong matagal pa..? Franz magisip ka nga.? Pwedeng next year.. Or maybe next month. Or bukas wala na yang paningin mo.?"
" joseph ang kontrabida mo.." simangot ko.
" sinasabi ko lang yung pwedeng mangyare.."
" ewan ko sayo.. Matagal pa yun joseph.. Matagal na matagal pa.." ngiti ko.. Haixt ayoko isipin yun.. Ayoko..
" haixt franz..alam mo problema sayo.. Pilit mong iniiwasan yung mga bagay na dapat hinaharap mo.." ilang sandali lang akong tumingin sa langit kasabay ng mga luha ko.. Pilit ko naman tong pinupunasan.. 5 years old ako ng magsimulang lumabo yung mata ko.. Sabi ng doctor retinitis pigmentosa daw.. Or yung unti unting paglabo ng mata and eventually pagkabulag..sabi nasa genes ko daw yun.. " franz.. Look may problema ka pa sa ate mo.. Tapos yung mata mo..?"
"joseph ayoko isipin.. Ano gusto mo magmukmok ako.. Umiyak..? Ayoko.. Kilala mo ko joseph.. Kahit gano kalaki yung problema ko.. Ngingiti lang ako..joseph ayoko umiyak.. ayoko.." hikbi ko lang..(ayaw da pero humihikbi.! Wahahha )
" pano kung iwan ka niya pag nalaman niya.?" lingon niya sakin.
" tatangggapin ko.." mahinang saad ko.. " yun lang naman yung kaya kong gawin eh,.. Yung tanggapin kung hindi niya kayang tanggapin yung mangyayare sakin."
"franzz.. Ewan ko talaga sayo.."
" joseph mahal ko na sya.. Kanina nung hinalikan niya ko.. Alam mo yun joseph parang napunta ako sa ibang mundo.. Joseph.. Mahal ko na sya.."
" ayoko marinig yan." mahinang saad niya..edi wag.. Nagmomomment ako sisirain niya.. Badtrip... Ilang sandaling walang nagsalita samin..humugot lang ako ng malalim na hininga..
" kamusta nga pala araw mo.?"
" uhm wala.. Hindi din ako nakapasok.."
"bakit.?"
" si erika.. Kanina pa ko nakauwi.."
"ano ginawa niyo ni erika.? "
" wala.."
"uhm ok.."
" franz.. Di kita iiwan kahit anong mangyare."
"bestfriend.?" ngiti ko umiwas lang sya ng tingin. " joseph bestfriend.?"
" pano kung.?"
" aixt matutulog na ko." saad ko saka tumayo..
" franz teka nga lang.." saad niya pero nginitian ko lang sya saka bumaba ng hagdan.. Aixt ayoko pagusapan yung samin.. Ayoko.. Hindi pwede...si daryll ang importante sakin.. Sumunod naman sya sakin aktong isasara ko yung pinto ng pigilan niya ko.
" joseph ano ba.?"
" papasok lang.. Sige ganyan ka na.?"
" ayoko.."
" fine franz.. Hindi na ko magtatanong.. Kung ayaw mo.. Ok.."
"joseph naman eh.?"
" please franz.. Namiss ko lang magdinner kasabay ka.?"
" nagdinner na ko.."
" bestfriend.. Oh yan na bestfriend.. Yun lang di ba.?" mahinang saad niya.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka binuksan yung pinto. " bakit mo ba kasi iniiwasan.. Pwede mo naman sabihin sakin na wala talaga.?"
"sabi mo hindi ka magtatanong.. Elepante ka talaga.?" simangot ko.. Umiba lang sya ng tingin saka pumasok at nilampasan ako.. Bakit ba hindi ko masabi sa kanya na wala akong nararamdaman sa kanya.. Aixt wala nga ba.. Kainis.. Ooperahan ko nga sarili ko mamaya.. Tatanggalin ko yung brain cells ko na si joseph ang laman .. Kainis.. haixt. " joseph linawin ko lang huh matured na ko. Hindi na kita pinagpapantasyahan."
"ows..?"
"oo nga. As in wala na talaga.. Hindi ko na lolokohin si daryll.."
" ok." saad niya saka dumeretso sa kusina.. Sinundan ko naman sya. " hindi pa ko nagdidinner franz.?"
"bakit..? Kumain na kaya ako sa bahay nila daryll."
" ampalaya yung ulam namin eh.. Kanina pa kita inaantay." saad niya saka nagbukas ng ref. " gusto ko ng ham or hotdog.. Naalala mo franz simula nung bata ka favorite mo na yung hotdog.. Ngayon hotdog parin kaso yung gumagalaw na.." ngiti niya.. Umiwas naman ako ng tingin..
" nasabi mo na sakin yan.."
"gusto ko lang ipaalala sayo.. Nung tayo dalawa palang.. Nung wala pa si daryll.. Franz masaya naman tayo nun di ba.?"
" masaya..? Hello as in hello.. Nilalait mo nga ko nun tapos inaasar." simangot ko.. Natawa naman sya.. " joseph bakit ikaw gusto mo parin ako.. Hello as in hello.. Alam mo kaya lahat.. Yung tungkol sakin.. Yung tungkol sa sakit ko..?"
" I don't know..luto ka ng adobo.?" ngiti niya saka nilabas yung chicken sa ref. " tulad lang ng dati franz.. Lets pretend na tulad lang ng dati.."
"tulad ng dati.? ayoko na mag green jokes sayo.. Sabihin mo pinagpapantasyahan parin kita eh." ngiti ko.
" wag na talaga..kasi Sisipain kita."
" ows. Yabang.." nguso ko natawa naman sya.
" franz pano kung agawin kita kay daryll.?"
" magluluto na ko ng adobo.." simangot ko sa kanya.. Narinig ko naman yung pagbuntong hininga niya.. Hindi naman ako lumingon.. Haixt ayoko sya tingnan baka magkasala pa ko kay daryll haha..
" Am I real.. Do the words I speak before you make you feel.. That love for you will see no ending.." kanta niya.. Tinuon ko naman yung atensyon ko sa paghihiwa ng patatas.. Aixt joseph.. "We can fade into the night and you'll know the world could die and everything may lie.. Still you shant cry.. Coz time may pass.. But longer that it'll last I'll be by your side.."
" I really love your voice joseph." saad kong hindi lumingon sa kanya.
" take my hand and gently close your eyes so you could understand that there's no greater love tonight than what i have for you.. Well if you feel the same way for me then let go.. We can journey to a garden no one knows life is short my darling tell me that you love me.." humarap lang ako sa kanya saka ngumiti..
" joseph.. Wag mo na ituloy.?"
" why.?"
" ayoko marinig yung kantang yan."
" alam mo naman na favorite ko yung song na yun di ba.. Gusto ko lang kumanta.?" humugot lang ako ng malalim na hininga.. Aixt joseph i really hate you.. Hindi lang utak ko ang ginugulo mo.. My god.. Tuwing maririnig ko yung boses niya feeling ko gusto kumawala ng puso ko.. " gusto ko nakatalikod ka habang kumakanta ako.." ngiti niya.
" bakit..?"
" para hindi mata ang gamitin mo.. Kundi puso." saad niya.. Umiwas naman ako ng tingin..
" joseph.. Dadalhin ko nalang sa house niyo tong ulam.. Please uwi ka na baka kasi duguan kang lumabas sa bahay na to.." ngiti ko saka tinaas yung kutsilyong hawak ko.
" takot ka ba franz.?"
" saan..?"
" na sabihin sayo ng puso mo kung sino talaga ang laman nya..?"
" haixt baliw ka na joseph.. Umuwi ka na nga.!" simangot ko.
" franz franz.. Franz.. Buti ikaw naguguluhan lang.. Ako nasasaktan." seryosong saad niya.. Huh.. ? Kasalanan ko ba yun.? " pakidala nalang yang ulam sa bahay huh..pakibilis nagugutom na ko." tumalikod naman sya sakin.
" ang kapal mo!" sigaw ko
" ewan!" sigaw din niya.. Badtrip na elepante yun..
" ihate you!!!!" Sigaw ko... Nnatigilan lang ako ng makitang bumalik sya tinitigan niya lang yung mata ko. " ihate you." simangot ko sa kanya.
" Sabihin mo nga uli sakin yung words na yun.? Titigan mo ko sa mata.?" saad niya umiwas naman ako ng tingin. " hindi mo kaya.?" ngiti niya saka dahan dahan lumapit tumalikod naman ako.. Damn it! " bakit hindi mo masabi franz..?" bulong niya kinilabutan lang ako ng maramdaman yung pagihip niya sa batok ko..
" Josephhh!!" inis na saad ko saka lumayo sa kanya.. Tinawanan niya naman ako.
" what.?"
" umuwi ka na please.?"
" Mukha ka talagang shrek." saad niya saka dahang dahang lumapit sakin.. Umatras naman ako hanggang mapasandal ako sa pader.. " pwede kang tumakbo franz or hahayaan mo ko halikan ka." mahinang saad niya habang nakatitig sa mata ko.. aktong itutulak ko sya ng hawakan nya yung kamay ko. " wala naman sa choices yung pagtulak sakin ah.. Sabi ko tatakbo ka o hahayaan mong halikan kita.?" napalunok naman ako.. Badtrip bakit ba hindi ko magalaw yung binti ko.. Kainis haixt..
" joseph?"
" what.."
" lumayo ka.!" gigil na saad ko.
" ikikiss na kita.. Tatakbo ka ba o hindi.?" ngiti niya. "isa.."
" ano ba kasi lumayo ka na nga.!" inis na saad ko.
" dalawa.." nagtapat lang yung mukha namin.. Hindi ko naman mapigilan titigan yung mata niya my god ramdam na ramdam ko yung hininga niya na dumadampi sa mukha ko. " tatlo." saad niya napasinghap lang ako ng maglapat yung labi namin...ilang sandali akong nawala sa sarili ko at sinagot yung halik niya hanggang maisip ko si daryll.. Shit! Ubod lakas ko lang syang tinulak..
" Fuck you!!! Umuiw ka na!" sigaw ko sa kanya.. Natawa naman sya.
" naramdaman ko franz.. You love me." ngiti niya..
" ASA." simangot ko.
" wait.. Akin yun huh.. So ako na pala ang ASa ngayon.?"
"oo.. Lumayo ka na sakin pwede.. Lumayo ka na.. Mahal ko si daryll.. Mahal na mahal.!!" gigil na saad ko.. Sumimangot naman sya saka umiba ng tingin.
" mahal mo.?"
" oo.?"
" franz alam ko mahal mo din ako..! Pwede ba marinig ko naman yun mula sa bibig mo huh!"
" Joseph.. Please.. Bestfriend di ba.. Hayaan mo na ko oh..? Kainis ka naman kasi eh."
" franz puso ang paganahin mo hindi yang utak mo.. Ako ang mahal mo."
" mahal ko si daryll.. Paulit ulit ba joseph.?"
" edi sabihin mong hindi mo ko mahal.?" umiwas naman ako ng tingin.. Say it franz my god.. Ano ba nangyayare sayo..sasabihin mo lang naman eh.. Nakakainis naman eh.! " bleehhh hindi mo masabi." dila niya sakin.
" ewan umuwi ka na.!"
" ok bye..hindi ako ASA.. Kasi meron tayong PAGASA." ngiti niya.
" UWIIIIII!" sigaw ko.. Natawa naman sya saka umalis sa kusina.. Hinarap ko naman yung paghihiwa ng patatas..haixtt!! Bullshit naman kasi eh sasabihin lang na hindi mahal hindi pa masabi! Fuck..! Asan ba si kupido.. Duling ba sya.. Dalawa lang dapat ang pinapana niya hindi tatlo.! Bwiset makita ko lang talaga sya.. Gagawin kong head dress yung pakpak niya!! bwisit.
Kinabukasan nagising lang ako ng maramdaman na may humahalik sakin.. Dinilat ko naman yung mata ko.. Haixt hindi ko makita but I know its daryll.. Marahan ko naman syang tinulak..natawa naman sya.
" wake up sleepy head.." rinig kong saad ni daryll.. Naginat inat naman ako.. Ang sarap naman ng pangising niya.." heres your glasses." saad niya pa saka sinuot sa mata ko yung salamin ko.. Ngumiti naman ako sa kanya. " tayo ka na.?"
"ang aga mo naman.?"
" di ba sabi ko ako na gigising sayo tuwing morning.?" napalingon naman ako sa bintana ng kwarto ko.. No sa basag window na ko haha..tatayo na sana ako ng marinig yung pagkabasag ng salamin ng bintana.
" josephhhhhh!!" sigaw ko..
" bakit lagi niya binabato yung bintana mo.?"
"uhm pangising sakin.. Kainis naman oh magpapalit nanaman ako ng salamin." simangot ko saka tumayo at lumabas ng kwarto..pagbukas ko ng pinto nakita ko lang si joseph na nakaniform.
" joseph!!!!" sigaw ko.. Lumingon naman sya sakin..
" may plano ka pa naman sigurong magaral? Late na po.?"
" huh..?" saad ko saka pumasok para tingnan yung wallclock..oh my 8:30 na.. 9am ang pasok namin.. " daryll may pasok tayo.?"
" nakauniform na ko.. Ikaw uhmmm." ngiti niya.
"aixt naman eh." simangot ko saka nagmamadaling pumunta sa cr para maligo.
SI JOSEPH
pagkatapos ng klase ay nagpasya lang kami tumabay ng mga kabanda ko sa music room para magpraktis..alam ko magkasama nanaman si franz at daryll.. Sumasakit yung mata ko pag nakikita sila.. Haixt.. Lalo na yung puso ko..
" joseph." napalingon naman ako nakita ko lang si erika sa pinto.. Binaba ko naman yung guitara ko saka lumapit sa kanya.
" why.?"
"so yung plano natin.?"
" uhm erika.. Tingin mo ba may nararamdaman talaga sakin si franz.?" may nararamdaman sya sakin i know. Gusto ko lang itanong bakit ba haha..
" yeah.."
"eh kasi mahal niya na daw si dayll eh.."
" so suko ka na.?"
" hindi.. Gusto ko parin sya makuha kay daryll.. Mahal ko talaga sya eh.. At alam ko mahal niya din ako."
" tara lets go.. Puntahan natin sila.?" ngiti ni erika..
" huh ngayon.. Malamang nasa bahay yun..?"
"no.. I think wala sila dun.. Kaya tara na." saad niya saka tumalikod.. Napakamot naman ako sa ulo.. Hhaixt ang bossy nitong pusang to grabe.. Pagkakuha ng gamit ko ay sumunod na ko kay erika..
" may napkin ka na bang dala.?" tanong ko pagsakay ko sa kotse.
" gusto mo sapakin kita.?"
" nagtatanong lang eh.? So meron nga.?"
" aixt badtrip ka." inis na saad niya natawa naman ako.. "kakain tayo sa restaurant kung saan tayo kumain kahapon."
"idedate mo uli ako.? Erika di ba sabi ko hindi kita sasagutin. Si franz nga ang mahal ko.?"
" fuck you.. Anong date.?"
" kakain nanaman tayo di ba..?"
"hindi nga to date.. I'm sure nandun na sila ngayon."
" hindi ako naniniwala na andun sila."
" di wag." simangot niya.
" baka tagusan ka nanaman huh.." ngiti ko nagulat lang ako ng hawakan niya yung buhok ko. " masakit!"
" buti nga sayo..!" simangot niya.
SI FRANZ
Pagkauwian ng hapon ay dumeretso kami ni darylll sa resta
urant ng yaya niya.. Tuwang tuwa naman ako isuot uli yung uniform..
" I love it daryll.. Kahit walang sahod nageenjoy ako." saad ko sa kanya pagbalik ko sa kusina galing sa isang table.
" baka napapagod ka na franz..?"
"hindi ah ako pa.."
" kain muna tayo.. Nagugutom na ko eh.. Nagluto ako ng afritada.."
" wow.." ngiti ko..naghain naman sya sa maliit na mesang nandun...
" franz gusto mo dun nalang tayo kumain sa labas..?"
" aixt ayoko.. Ok na ko dito..saka nakapangwaiter kaya tayo.. Kaya ayoko." ngiti ko nagkibit naman sya ng balikat.. Natigilan lang ako ng matanaw yung pumasok sa entrance ng resto. " andito uli sila erika at joseph.?" saad ko.
" huh nandito uli sila.?"
"yeah wait ako na magseserve huh.?"
" wait franz. di ba gutom ka na kain ka na muna hayaan mo na yung ibang crew yung umasikaso sa kanila."
" eehh gusto ko makita ni joseph na ganito yung suot ko wala kasing bilib sakin yan eh..please.. Kahapon hindi nila ko nakita eh.. Please.?"
" sure ka..?"
" oo naman.." napangiti lang ako ng tumango si daryll... Lumapit lang ako sa mesa nila joseph dala yung menu at yung listahan ng order.. " goodafternoon ma'am, sir." bati ko sa kanila.. Napalingon naman sakin si joseph.. Ngumiti lang ako..
" anong ginagawa mo dito.?" maang nito.
" joseph ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi to date.. I told you nandito sila franz.." simangot ni erika.
" nagdedate kayo.?" tanong ko.
" hindi!" sabay nilang saad..natawa naman ako.. I know joseph hindi si erika ang tipo niya at kilala ko rin si erika.. Nagwagwapuhan siya kay joseph pero ang magkagusto dito.. Malabo pa yun sa mata ko haha..
" nagdedate ata kayo eh."
" hindi sabi eh.. Bakit ganyan suot mo.. Pinagtatrabaho ka ba ni daryll huh.. Sasapakin ko yun.?"
" hindi joseph kalma ka nga lang.. Look bagay ba sakin.?"
" mukha ka parin shrek sa paningin ko." simangot ni joseph inirapan ko naman sya.. Grabe ang kontrabida talaga niya.
" haixt joseph.. Ewan ko talaga sayo.." saad ni erika na nasapo yung noo niya.. " pano kita tutulungan kung ganyan ka.?"
" may problema ka joseph.. Tungkol saan.? Baka makatulong ako..?" tanong ko..haixt ano ba pwede niya problemahin.. Ok naman yung mga grades niya.. Si tita myrna kaya? Haixt ok lang naman.
" ikaw ang problema ko franz." saad ni joseph nakatitig sa mata ko..
" huh ako.?" saad ko..ASA talaga sya.. Haixt sabing ay daryll na ko eh Naramdaman ko naman na may umakbay sakin.. Paglingon ko nakita ko lang si daryll..
" may problema ka joseph.?" umiba naman sya ng tingin.
" wala.."
" hello daryll.." ngiti ni erika.
" oh ngayon ka lang napadpad dito ah.. Di ba ayaw mo dito.?"
" daryll.. Kakain lang naman kami ah..saka galing din kami dito kahapon."
" nagdedate kayo.?"
" no.. Hindi noh.. Kakain lang kami.." ngiti ni erika.. Hindi ko naman mapigilan tingnan si joseph na sa ibang dereksyon nakatingin.. ? Yung nararamdaman niya parin kaya sakin..? Joseph naman kasi eh.. Bestfriend na nga eh.... Paulit ulit na.. At ikaw naman na bwisit na franz ka sasabihin mo lang na hindi mo sya gusto hindi mo pa magawa.
" joseph..?" saad ko tumingin naman sya sakin.. Hays those eyes.. Matagal ko rin pinangarap matitigan ng husto yung mga mata niyang yun.. Yung mga matang ang sarap tumingin..
" why..?"
" bestfriend.."
" yeah bestfriend.." iwas niya ng tingin saka tumayo.. " san yung bathroom dito.?"
" deretso ka dun bro.. Left side.." ngiti ni daryll.. Ng tingnan ko si erika kita ko lang yung titig niya sakin.. " so kakain ba kayo..?"
" yeah.." ngiti ni erika saka tiningnan yung menu.
" franz punta lang din ako ng cr huh." saad ni daryll saka tinapik yung balikat ko at naglakad.. Naiwan naman ako sa tapat ni erika habang nakatingin sya sa menu.
" erika..?"
" upo ka." saad niya.
"waiter ako ngayon eh..ok lang.. Ang gwapo ko ba.?"
" franz sit down.." seryosong saad niya.. Ayt ang seryoso niya..
" uhm ano ba kasi yun? ano ba order niyo.? Para masabi ko na sa chef sa loob?"
" I said sit down." madiin na saad niya..natigilan lang ako.. Bakit.. Ano ba problema ng pusang to..
" sabi ko nga uupo na ko." ngiti ko saka umupo kita ko lang yung seryosong mukha niya.. " bakit mo ba ko pinaupo.?"
" haixt nasisira ang ganda ko sa inyong magbestfriend huh grabe.. Di naman ako kasali sa lovelife mo pati ako nadadamay.."
" what do you mean.?"
" franz.. Hindi ka naman siguro manhid di ba.?"
" minsan." ngiti ko.. Sinimangutan naman niya ko. " ang ganda mo erika ngayon.. Kaso mukhang badtrip ka."
" matagal na kong maganda franz at tama ka badtrip nga ako ngayon.. Haixt what happened to the world..pwede bang pasagasaan nalang kita sa highway.?"
" why..? Anong ginawa ko sayo.?"
" wag mo na alamin.."
" ok sabi mo eh." ngiti ko.
" haixt magbestfriend nga kayo ni joseph.. Kakaiba kayo parehas eh."
" hindi naman..? So bakit ba.?"
" franz.. Si joseph.." tumayo naman ako pagkabanggit niya ng pangalan ng elepanteng yun.. Haixt ayoko sya pagusapan.. Inamin ba niya kay erika na gusto niya ko.. Naman oh si joseph naman eh nakakainis.. Pinsan kaya sya ni daryll.. Pano kung sabihin niya.. Magkokotrabida ba talaga sya sa love story ko.
" uhm erika kunin ko na yung order mo." saad ko.
" franz kinakausap pa kita.."
" uhm kasi naman eh."
" umupo ka.."
" erika.." napapakamot na saad ko.. Bakit ba parang gusto ko nalang iwasan yung mga tanong niya.. Dahil lalong magugulo utak ko..? Haixt naman oh. " erika.. Ayoko magulo kami ni daryll.." mahinang saad ko..
" franz i know may nararamdaman karin kay joseph.."
"wala nga.."
" sigurado ka.? Grabe franz ang sarap mo sabunutan.. Biruin mo yun huh si daryll tapos si joseph.. Anong meron jan sa salamin mo.?" saad niyang nakatitig sa mata ko.. Umiwas naman ko ng tingin... Malay ko ano ba meron sa salamin ko.. Haha haba ng hair.. Nagrejoice ata ako haha " franz wag mo naman lokohin yung pinsan ko."
" erika mahal ko si daryll.."
" eh si joseph.?"
"hmm bestfriend.. Erika please.. Si daryll ang gusto ko.. Sya lang.."
" nasasaktan si joseph..?"
" erika di ba sabi nila kapag nagmahal ka.. Dapat handa kang masaktan.."
" yun na nga eh. Kayo masaya habang si joseph nasasaktan.."
" ano gusto mong gawin ko..? Iwan ko si daryll..? Mahal ko sya at mahal niya ko."
" yung pagmamahal mo kay daryll higit ba yun sa nararamdaman mo kay joseph huh.?"
" oo.." mahinang saad ko..
" ok." saad niya..
" erika.. Mahal ko si daryll.. Mahal ko sya.."
" alam mo kahit naiinis ako jan sa bestfriend mo.. Haixt naaawa ako sa kanya.. Kasi sinasaktan mo sya.."
"kasalanan ko bang gusto niya ko.? Sabi niya bestfriend nalang daw kami. Erika sinabi niya dati na hindi niya ko type.. Sinabi niya sakin na wag akong umasa sa kanya.. Erika ginawa ko lahat yun.. Hindi ako umasa..at tinatak ko dito sa puso at utak ko yun Sinabi niya yun eh." hindi ko naman napigilan yung pagpatak ng luha ko. "erika bakit ngayon sinasabi niyang mahal niya ko kung kailan kami na ni daryll.. Erika pinangarap ko to tapos sisirain niya.? Alam mo hindi ko sya maintindihan eh.. Mahal niya ko? Erika hindi ko naramdaman yun.."
" franz matagal ka na niyang mahal..at manhid ka lang!" natawa naman ako ng payak.. Hindi marunong magmahal ang elepante.
" kalokohan yun.." saad ko saka tumayo pero hinawakan niya lang yung braso ko.
" franz.. Ang panget mo umiyak.. Ngiti ka nalang." ngiwi niya.
"erika.. Aixxxxtt." inis na saad ko saka umalis sa harap ni erika bumalik lang ako sa kusina saka pinunasan yung mga luha ko.. Bakit ba ko umiiyak nakakainis talaga.. Ayoko magulo yung utak ko pero si joseph nakakainis sya.. I hate him.. Mas ok pang hindi niya ko gusto para hindi ako naguguluhan .. Si daryll ang gusto ko mahalin.. Sya lang.. Boom tatak sa noo.. Ibaon sa puso.. saksak sa bituka...! Pasabugan ng bomba si joseph..!
SI JOSEPH
Pagpasok ko sa cr humarap lang ako sa salamin saka hinayaang tumulo yung luha ko.. Damn it..! Gigil ko lang na kinuyom yung kamao ko.. Haixt bakit ba ganun.. Sakin naman talaga sya dapat eh.. Joseph kung naging matapang ka lang sana.. Grabe ang tanga tanga mo..! Naramdaman ko naman na bumukas yung pinto agad ko lang na pinunasan yung mga luha ko.
" joseph kala ko ba tanggap mo na.?" saad niya saka binuksan yung gripo at naghugas ng kamay. " joseph kung kailangan lumuhod ako gagawin ko.. Please.. Wag mo na kami guluhin.. Wag mo na pagisipin si franz.."
" akala ko ganun kadaling pakawalan sya.. Akala ganun lang yun.. Daryll ang sakit.. At alam mo ba kung ano pa pinakamasakit huh.?"
"what.?"
" kasi ang panget niya.!" inis na saad ko saka muling pinunasan yung mga luha ko. " alam mo yun.. Haixt pesteng kupido yan.."
"hindi panget si franz.."
" ano elein.?"
" for me he's the most attractive person na nakilala ko sa buong buhay ko.. Yes siguro or tama ka... Sa mata ng marami hindi sya ganun kagwapo.. Pero joseph yung puso ko nakita niya dapat mahalin si franz.. At alam ko nakita din yun ng puso mo."
" sigurado ka na bang mahal ka niya huh.?"
" marami beses niya ng sinabi..at naramdaman kong totoo yun.."
" totoo.? galing sa puso o galing sa utak.? Or should i say dahil sa libog.?"
"I know mahal niya ko.. Kaya please joseph kung mahal mo sya hayaan mo na sya sumaya.. Ok ka na sa pgiging bestfriend di ba wag ka ng umasa ng higit pa dun kasi nandito na ko.."
" pano kung ayaw kong maging bestfriend lang.?"
" joseph di ba matagal ka ng may gusto sa kanya.. Pero naging magbestfriend lang kayo.." hindi naman ako nakapagsalita.. Oo naging bestfriend lang kami dahil akala ko wala ng ibang magmamahal sa kanya.. Balak ko naman sabihin eh.. Sa tamang panahon at tamang oras. Kaso epal tong pagong na to eh.. " pakawalan mo na sya joseph.."
" daryll aagawin ko sya sayo.." madiin na saad ko bumuntong hininga lang sya habang nakatingin sa salamin.." daryll gusto ko sya agawin sayo..ako dapat yung mahal niya eh.. Ako dapat.." humarap naman sya sakin saka dahang dahang lumuhod habang nakatingin sakin.. Tumulo lang yung luha ko, " ano bang ginagawa mo.?"
"please wag.. Please joseph..?"
" tumayo ka nga..?"
"joseph kaya kong kainin lahat ng pride ko para kay franz.. Joseph ngayon lang ako nagmahal.. Ngayon lang at gusto ko ito na yung huli.. Parang awa mo na please.. Please..?"
" pano kung ako ang mahal niya.. Pano kung ako talaga ang mahal niya huh.?daryll isipin mo pano kung ako.?" tumungo naman sya..
" akin nalang sya please.. Akin nalang sya.." mahinang saad niya. " joseph akin nalang sya.." hindi ko naman mapigilan yung pagtulo ng luha ko ng marinig yung garalgal niyang boses..
" tumayo ka na daryll pwede..?" saad ko saka humarap sa salamin
" joseph.."
" tumayo ka na daryll.. Tumayo ka na." nakita ko naman na tumayo sya.. Grabe tao ba talaga sya.. Marunong pala umiyak ang pagong.. Badtrip..at nagawa niyang lumuhod para sa bulag na yun.. Ganun niya ba kamahal si franz..
" joseph.. Maging bestfriend ka nalang.. Please."
" daryll wag mo hayaang mahalin ka niya dahil lang sa awa.. Alam mo bang mas masakit yun."
" wala akong paki.. Basta mahal ko sya. At handa akong magpakababa wag niya lang ako iwan at wag mo lang syang agawin sakin.. Joseph akin na sya.. Kaya please.."
" daryll mahal ko si franz.."
" mas mahal ko sya.."
" ang tanong mas mahal ka ba niya kesa sakin.?"
" yes.."
" fine.. Lets have a deal.. Papipiliin natin sya.. Kung ako piliin niya akin sya kapag ikaw.. Sayo sya.."
" akin na sya..hindi niya kailangan mamili."
"alam mong hindi pa sya nagiging sayo talaga. Hindi ka naman magmamakaawa kung sigurado ka sa nararamdaman niya eh.. Di ba.?" humugot naman sya ng malalim na hininga.
" sigurado ako.. Ayoko lang magulo yung utak niya!"
" ows.. Ganito.. Bukas..tanggapin mo kung ako ang piliin niya.. At tatanggapin ko kung ikaw.. Please daryll last chance,.. Hindi na ko mangugulo. Gagawin ko yung sinabi kong magiging bestfriend niya nalang ako forever.. Kapag ikaw ang pinili niya.."
" pag ikaw ang pinili niya..?"
" tanggapin mo.. Daryll mayaman ka, gwapo.. Na sayo na lahat hindi mo kailangan magmakaawa para mahalin... Tanggapin mo kung ako ang mahal niya.." narinig ko naman na natawa sya. "why..?"
" akin na sya joseph.. May nangyare na samin.."
" the hell I care..paki kung nagsex na kayo.. Daryll its just a sex.. Sigurado ka bang nung nagsex kayo love yung nararamdaman niya sayo huh.. Lust... yun lang yun para sa kanya."
" pero para sakin its making love.."
" kapag nagmahal ka.. Mutual dapat ang feeling hindi yung isa lang nagmamahal.."
" mahal ako nifranz.."
" wag mo paniwalain yung sarili mo."
" mahal ko sya.. At Ako ang mahal niya." madiin na saad niya.. Natawa namna ako ng payak
" hayaan natin sya mamili.."
" joseph pwede ba.. Tama na.."
" sa oras na pumunta sya bukas.. Akin sya.. "
" ako ang pupuntahan niya at hindi ikaw.."
" lumaban ka ng patas daryll.. At lalaban ako ng patas.." saad ko saka humarap sa kanya. " may the best man wins." sarkastikong ngiti ko sa kanya saka lumabas ng cr.
Pagbalik ko sa table nakita ko lang si erika habang nakatingin sa menu..umupo lang ako sa tapat niya.
" hindi naman kayo nagsuntukan sa cr di ba..?"
" hindi... Nakaorder ka na ba.?"
" hindi pa.. Iniwan ako ni franz eh."
" bakit.?"
" wala lang.."
" fine... Tara lets go.." saad ko saka tumayo.. Nakita ko naman na lumabas ng cr si daryll pero nilagpasan lang kami nito. " tara na erika.?"
" sure ka bang hindi kayo nagsuntukan.?"
" hindi nga.. Kita mo naman na walang bangas yung pinsan mo di ba kaya tara na." simangot ko saka naunang lumabas sa resto na yun..sumunod naman sakin si erika.. Pagsakay namin sa kotse niya hindi parin niya inalis yung tingin niya sakin. " bakit magdrive ka na nga..?"
" tinitingnan ko lang kung nasuntok ka ni daryll.. Wala ka namang pasa.?"
" hindi nga kami nagsuntukan.tara na..?"
" saan tayo pupunta.."
" ok lang bang dumaan tayo sa mall..?" saad ko..
" para saan.?"
" may bibilihin lang ako.."
" ano.?"
" ikaw sasapakin ko..! Wag ka ng maraming tanong pwede..?"
" haixt ewan ko talaga.. Ang kapal ng mukha kotse ko to.. Kung makapagutos.." irap niya sakin saka pinaandar yung kotse niya.. Tumingin naman ako sa labas ng bintana..ako ang pipiliin ni franz.. Ako.. Pagdating namin sa mall ay dumeretso na ko sa Uni silver.. Wahahha nagbanggit talaga ng stablishment.. " ano ba bibilihin mo.?"
" sandata.?"
" huh..?"
" wala.. Pinsan ka nga pala ng pagong.. So pagong ka din.?"
" pusa ako hindi pagong.." simangot niya.. Mahilig ata sa animal yung author nito.. Puro animal yung characters eh bwisit..
" miss may I see this one." turo ko sa necklace na may pendant na cross.
" yes sir.." ngiti nung sales lady..nilabas lang nito sa istante yung tinuro kong kwintas saka inabot sakin.
" bakit cross..di ba dapat heart.?"
" wag kang makialam.?" simangot ko.. Binatukan niya naman ako.. " aray.?"
" ang sungit sungit mo.?"
" and so.. Maganda ba.?" saad ko saka pinakita sa kanya yung kwintas.
" uhmm.. Bakit kasi cross ang pendant eh.?" saad niya.. Haixt wierd yung buset na bulag na yun eh.. Tingin ko naman hindi pa sya binibigyan ng necklace na may cross na pendant ng pagong na yun.. Haixt ako ang magbibigay ng sign na yun.. Ako..sabi niya kapag binigyan sya ng necklace na may pendant na cross.. Yun ang mamahalin niya forever.. At ako yun..Silver necklace.
" ewan.. Magkano po to miss.?" tanong ko natigilan naman ako ng sabihin nito yung presyo.. Wow ganun kamahal.?
" Kulang pera mo noh.?" bulong ni erika..
" uhmm.. Ang ganda mo erika..yung mata mo super attractive tapos yung lips mo parang ang sarap halikan." ngiti ko sa kanya.
" mukha mo..!"
" pLease erika.. Dagdagan mo lang yung pera ko.. Alam mo naman na hindi kami ganun kayaman di ba.?"
" ok fine.. Sabihin mo muna sakin kung ano plano mo.?"
" haixt.. Nagusap kasi kami ni daryll.. Bukas.. Kung sino yung pupuntahan ni franz.. Ibig sabihin yun ang pinili niya.."
" pumayag si daryll.?"
" oo.." saad ko.. " bibigay ko to kay franz..pag ako yung pinuntahan niya."
" haixt kakalbuhin ko talaga yung franz na yun..!"
" please bayaran mo na.?"
" magkano ba.?" binulong ko naman sa kanya yung presyo.." what.?!!" hinarap ko naman sya dun sa sales lady.. " wait joseph."
" sya po magbabayad miss..kukunin po namin."
" ok sir.."
" ililibing kita ng buhay joseph grabe." simangot ni erika saka kinuha yung wallet niya...
" thanks.!" ngiti ko sa kanya saka sya niyakap.. "babayaran kita promise.."
" kahit wag na.. Basta sabihin mo sakin yung plano mo bukas.."
" ok.." ngiti ko.
SI FRANZ
Gabi na yun ng magpasya kaming pumunta sa lakeside ni daryll. Pagkaalis nila joseph kanina sa restaurant ramdam ko yung pananahimik niya.. Nagaway ba sila ni joseph..? Haixt
" daryll.?" untag ko sa kanya.. Nakasandal kami nun sa motor niya habang nakatanaw sa tubig na nasisinagan ng liwanag ng buwan... Lumingon naman sya sakin.
"uhm.?"
" bakit ang tahimik mo.?" bumuntong hininga naman sya.. Ang lalim grabe..pwede na ata akong magscuba diving sa lalim hhaha " malulunod naman ako sa buntong hininga mo grabe." ngiti ko.
" alam mo bang mahal ka ni joseph.?" tanong niya umiwas naman ako ng tingin.. Sasayaw muna ako haha haba ng hair.. Wait back to serious..
" uhm sinabi niya sayo.?"
"yeah..ako naman ang mahal mo di ba.?"
" oo naman..boyfriend na kita di ba.?"
" franz I love you.."
" I love you too.." seryosong saad ko.. Alam ko sa tuwing sinasabi ko kay daryll yung mga salitang yun.. I really mean it... Mahal ko sya.. Nararamdaman ko yun..kita ko naman yung pagtulo ng luha niya. " oh bakit ka umiiyak.?" hinawakan niya naman yung kamay ko.. Ramdam ko lang yung higpit ng hawak niya.. " bakit ka umiiyak.?"
"uhm kasi natatakot akong iwan mo ko.?"
"parang kang sira.. Mahal kita."
" eh si joseph..?" umiwas naman ako ng tingin.. " sagutin mo ko franz.. Ano para sayo si joseph.?"
" Aaminin ko may nararamdaman ako sa kanya.." mahinang saad ko..umiba naman sya ng tingin saka pinunasan yung mga luhang tumulo sa mata niya. " pero believe me daryll ikaw yung mas mahal ko."
" bakit kailangan mahal mo din sya.?"
"magbestfriend kami.."
" pero higit dun yung tingin niya sayo.."
" I know.. Pero daryll ikaw yung mahal ko.." ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa... Haixt " daryll.. Wag ka na umiyak.. Mahal kita." hindi naman sya nagsalita. " daryll I love you.. Sinabi ko na kay joseph na hanggang bestfriend lang.."
" franz.. Bibigyan kita ng chance mamili samin dalawa.. Tatangapin ko kung ano magiging desisyun mo.. Tatanggapin ko.."
"huh? Di ko naman kailangan mamili eh.. Daryl di ba tayo na.?"
" bakit sa puso mo tayo na ba talaga.?"
" oo.. Daryll ayoko mamili kasi ikaw yung mahal ko.."
"franz.. Please sabihin mo naman sakin yung mga words na yun kapag totoong mahal mo na ko.."
" mahal kita.. Nakakainis ka." simangot ko..
" eh yung nararamdaman mo kay joseph.?"
" daryll alam ko kung ano yung nararamdaman ko sayo at kung ano yung nararamdaman ko sa kanya..alam ko."
"mas mahal mo ba talaga ko.?"
"oo nga.. Promise.?"
" then bukas. Ako ang piliin mo.."
" huh..?"
"sakin ka pupunta bukas.. Franz kung ano magiging desiyun mo tatanggapin ko..."
" ano ba sinasabi mo? ano meron bukas.?"
" I love you franz.." saad niya saka sumakay sa motor niya.. " tara na hatid na kita." saad niya.
" pero daryll ano meron bukas.?"
" magpeprepare ako ng dinner bukas... Sa rooftop ng bahay namin.. Kung mahal mo talaga ko.. Pupunta ka."
"mahal kita daryll kaya pupunta ako.." saad ko.
" sakay ka na.?"
" daryll naman eh.."
" sakay ka na." mahinang saad niya.. Napabuntong hininga naman ako saka sumakay sa motor niya wala na kaming imikan hanggang makarating kami sa bahay.
" daryll." saad ko pagkababa ko ng motor niya.. Nakita ko naman na tumulo yung luha niya. " oy daryll ano ba.?"
" please franz.. Pumunta ka bukas.. Please..? Aantayin kita sa rooftop..7pm."
" hindi mo ko susunduin.?"
" franz gusto ko ikaw mismo ang pumunta dun.. Gusto ko kusang loob..I love you.."
" I love you too." saad ko. " wag ka umiyak oh..?"
" aantayin kita." saad niya saka bumaba ng motor niya at mahigpit na yumakap sakin.. " aantayin kita huh please franz pumunta ka..." bulong niya pa.
" sige." saad ko..muli lang syang sumakay sa motor niya saka to mabilis na pinaandar.. Bumuntong hininga naman ako.. Haixt ano kaya sinabi sa kanya ni joseph.. Badtrip talaga yun..lumingon lang ako sa bahay nila joseph pero wala akong nakitang tao dun kaya pumasok na ko ng gate.. Joseph humanda ka talaga sakin..
Pagtapat ko ng pinto natigilan lang ako ng may makitang sulat sa harap.. Pinulot ko naman to saka pumasok sa bahay. Kanino naman to.. Haixt umupo lang ako sa sofa saka binuksan yung sobre..u
FRANZ
This is me.. Joseph.. Alam ko na alam mong mahal kita nakikita ko yun sa mga mata mo..franz I love you nakakainis di ba.? Kahit ako naiinis ako sa sarili ko kasi ikaw yung mahal ko nakakainis kasi kaw yung laman ng puso ko, nakakainis kasi ikaw yung taong hindi maalis sa isip ko.... Ang panget mo kaya.. At ayoko magalaga ng bulag.
Haixt kailan kaya magbabago tong bwiset na elepanteng to kahit sa sulat nilalait parin ako... Sinasabi niyang mahal niya ko pero kabaliktaran naman yunng pagtrato niya sakin..
Pero franz I love you
Franz I'm really sorry kung naging mean ako sayo..kung naging masama ang ugali ko.. Siguro way ko narin yun para wag ientertain yung nararamdaman ko sayo kasi ayoko..pero franz ang sakit na eh.. Alam mo yung pakiramdam na para kang dinudurog kapag nakikita kitang kasama si daryll.. Franz.. I love you.. I reallly love you.. Simula nung mga bata tayo magkasama na tayo.. Laging magkaramay.. Tuwing feeling ko na im not worth it pinarealize mo sakin na may halaga ako.. Na may talent ako.. Franz you make me believe sa mga bagay na akala ko hindi ko kaya.. Sa mga bagay na akala ko hindi para sakin.. Franz nandun ka nung panahon kailangan ko ng kaibigan.. Nung iniwan kami ni papa. Hindi mo binitawan yung kamay ko.. Nung panahon umiiyak ako.. Pilit mong pinunasan yung luha ko kahit ayaw ko..Franz alam mo bang nung nalaman kong gusto mo ko.. Masaya na malungkot..? Why.? Masaya kasi mutual pala yung feelings natin.. malungkot kasi bulag ka..haha joke lang
Franz.. Alam ko huli na.. Pero sana hayaan mo naman akong ipaglaban ka.. Hayaan mo naman akong mahalin ka..franz may nararamdaman ka sakin alam ko yun.. Alam ko at nararamdaman ko.. Franz i love you.. Pero oo malaking ASA ako.. Please.. Umaasa ako na susundin mo yung puso mo.. Kahit sa pagkakataon lang na to franz.. Pero kung si daryll talaga ang pinipili mo.. Tatangapin ko..
Bukas.. 7pm sa music room.. Aantayin kita please.. I love you
JOSEPH
Pinunasan ko lang yung luha na tumulo sa mata ko saka muling tinupi yung sulat.. So yun pala yun. Haixt badtrip.. Mahal ko si daryll.. Pero oo na sige na! si joseph.alam ko may nararamdaman ako sa kanya.... Nakakainis naman oh..si daryll ba o si joseph.. Oh my god ang hirap.. Mahal ko si darylll pero pano si joseph... Ilabas ang asido!! Iinom nalang ako..haha
SI DARYLL
Paguwi ko sa bahay dumeretso lang ako sa kwarto saka nakipagtitigan sa kisame..sigurado naman ako sa nararamdaman sakin ni franz.. Pipiliin niya ko.. Alam ko yun.. Gagawin ko to para tumigil na yung pesteng betfriend niya..Napalingon lang ako sa pinto ng kwarto ng marinig yung katok. " pasok." saad ko.. Bumukas naman yung pinto.. " kuya.?"
"bakit ganyan mukha mo.?"
" wala.."
" ows.?" saad nito saka umupo sa gilid ng kama.. Umupo naman ako.
" kuya.. Tingin mo ba mahal talaga ako ni franz.?"
"huh..? Kala ko ba sigurado ka..?"
"kuya kasi yung bestfriend niya.. Gusto din sya.. Kuya ano laban ko sa kanya.. Ang alam ko mga bata palang sila magkasama na sila.. Kuya ang lalim na ng pinagsamahan nila.?"
" tingin mo mahal ba sya ni franz.?"
"I don't know kuya..?"
" tingin ko mahal ka ni franz.."
"pano mo nasabi kuya.?"
" kasi kung mahal niya yung bestfriend niya at mahal din sya nung bestfriend niya..Dapat Matagal ng sila.?"
" duwag yun bestfriend niya kuya.. Kung hindi pa ko dumating hindi sya aamin sa nararamdaman niya."
" duwag.. ? Then I think ikaw ang dapat ikaw yung mas deserving.?.. Kasi willing ka lumaban..hindi ka naduwag umamin.. Hindi tulad nung bestfriend niya..?"
" tingin mo kuya.?"
" Oo naman.."
" kuya bukas.. Pipili samin si franz.."
" huh.? Yung itsurang yun? Sya pa ang pipili.?"
" kuya naman eh.?"
"aixt sorry." napapakamot na saad nito.. "ok ka lang ba.? Pano kung yung bestfriend ang piliin.?"
" i Dont know.?" mahinang saad ko..
" haixt ok lang yan bro..may ibibigay pala ko sayo.."
" ano yun.?"
" this.." abot niya sa isang maliit na box.. " pasalubong ko sayo..and here para kay franz." abot pa niya sa isang box.. Binuksan ko naman to.. Nakita ko lang yung isang gold necklace na may pendant na cross.. Ganun din yung laman ng isang box.
" parehas kami ni franz.?"
" yeah..?"
" bakit cross.?"
" kasi when you love.. Dapat kasama mo si god.."
"kailan ka pa naging relihoyoso kuya.?"
" aixt wag ka ng kumotra.."
" gold ba talaga to kuya.?"
" oo naman.. Kaso buy one take one yan eh." Natatawang saad niya sinimangutan ko naman sya.
" kaya pala dalawa.?"
" joke lang.. Naniwala ka naman... Dapat tag isa tayo jan pero tingin ko mas bagay sa inyo ni franz yan.. Couple necklace di ba.?"
" Tingin mo magugustuhan to ni franz.. Bakit cross yung pendant eh.?"
" sabi nila pag binigyan mo daw ng cross yung mahal mo.. Parang nilapit mo sya kay god.. Yung tipong gusto mo laging syang safe kahit hindi kayo magkasama.. Ganun naman di ba sa love.. Mas importante yung mahal mo kesa sa sarili mo.. Hindi ako naniniwala na kapag nagmahal ka dapat nagtitira ka sa sarili mo.. Kasi kung mahal mo talaga ang isang tao.. You give your all.. Lahat lahat.. Para sa huli wala kang pagsisihan.." ngiti ni kuya jasper pinagmasdan ko naman yung kwintas na hawak ko..
" Thanks kuya huh..kahit hindi ako piliin ni franz bukas.. Ibibigay ko parin to sa kanya."
" daryll kung hindi ka niya pipiliin magiging masakit to para sayo.. Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng kainuman huh.." nagsimula naman tumulo yung luha ko. " oh ang iyakin mo.."
" kuya para naman kasing sinabi mo na yung bestfriend niya na yung pipiliin niya eh."
"mahal ka ni franz..believe me.."
" At mahal ko rin sya kuya."
ITUTULOY - Silver vs gold ? Ano pipiliin mo.. Pwede bang iextend ko to..? Hahaha last chapter na yung susunod my god..ayoko tapusin haha
sbi nga sa kanta, you are gold!! always believed in your soul.. you are gold!!
ReplyDeleteReagan Hambog
Oh my gusto ko din umiyak kung lang ako in public nagbabasa hahaha
ReplyDeleteThere you go inamin ni Franz na mahal niya si Daryll. At sinabi niya na mas mahal niya siya kay Joseph. At sya daw pipiliin niya. Pero i know naman na we really dont know what will happen. Or if may tinatago sya sa kanyang POV. But like what I always do I will cling to his words at sa pagbasa ko ng last chapter sa monday, si Daryll ang makita ko na pinili niya!!
This is it! I know bingyan na ni Blue ng equall chance silang dalawa at kay Franz na naksalalay ang decision. So Daryll choose wisely, use your heart but use your mind as well. Ikaw talaga pinkalove ko sa tatlo hahaha.
#GOLD
#Daryll
#DaFranz
#Franzyll not Prieto
#Bootodippingsauce
Franz and Daryll forever!!!!! For the win!!!!
Marvs :-):-):-):-):-)
Ay FRANZ pala hahahahahha
ReplyDeleteMarvs
Ay FRANZ pala hahahahahaha
ReplyDeleteMarvs
OMG!!!
ReplyDeleteKay darryl n ko. I locve his character...
Thanks ul it s pagshare ng isang nakakainlove n story.
-madztorm
OMG!!!!!! Silver ako be. Naiyak ako sa message ni Joseph. Kalowka. Haha ..
ReplyDeleteTingin ko ai daryll talaga. Yung sign ni franz ay kusang nangyari kay daryll compare kay joseph na ginawa nya kasi alam nya. He takes advantage of it. Mali. Hehe. Kag daryll naman, tama kaso baka may kinalaman din si erika dito, matalino si erika at di malabo yun. Hehe. Anyway, hirap mag decide sa situation ni franz pero tingin ko si joseph mahal nya. Pero sabi nga nila, ang kasalukuyan ang piliin mo wag ang nakaraan kasi eto ang realidad. Dahil nalaman mong mahal ka ng nakaraan, wag mong gawing panakip butas ang kasalukuyan. Panindigan mo ang kasalukuyan. Hehe. Thanks mr. Author.
ReplyDelete-tyler
This is my first time to post my comment. You're such a good writer. Keep it up. Para akong na hook sa story mo, nasubaybayan ko and I really enjoyed reading it. Thanks for sharing your talent.
ReplyDeleteLan
Kaya pala all i see is you. Mabubulag si franz. Sino kaya makikita nya pag bulag sya. Daryll or joseph? Hehe.
ReplyDelete-tyler
I hope team franz and Daryl kce unfair kay daryl xia yung unang nakipag laban tapos xia yung natalo dhil lng sa slow moving emotion ni BFF nyah
ReplyDeleteI'm happy I have read this wonderful story. I got hooked! Thanks for sharing your talent in writing. Keep it up. I'm one of your avid reader.
ReplyDeletelan
mabubulag si franz tapos maaaksidente si daryll,mapupunta mata nya kay franz tapos sila ni joseph sa huli :D
ReplyDeleteyan din ang naisip ko kanina pero si joseph yung naisip kong magdodonate ng mata remember gustung-gusto ni franz ang mata ni joseph
Deleteaaaahhhhaaaaiiiiissssstttttt!!!!!!
ReplyDeletemukhang yung unang ending ang masusunod :'(((
hay ya yay!
nakakafrustrate! dama ko na luluha si joseph :(((
hhhmmm....
isa sa pinakamagandang m2m na nabasa ko pero isa rin sa nagbigay ng pinakamalungkot na pakiramdam sa akin!
For Joseph,
kaya mo yan, ipag patuloy mo lang ang buhay ng wala si Franz kung sakaling hindi maging kayo! ito lang tandaan mo, ipinanganak tayo sa mundo na may kapares kaya hindi ka mag-iisa sigurado yan hintayin mo na lang sya baka hindi nga talaga sya si franz!
For Daryll,
mahalin mo si franz kung sakaling ikaw ang pipiliin nya(ramdam ko ikaw nga!) wag mo sayangin ang pinahalagahan ni joseph ng matagal na panahon! hindi sanaa magbago ang nararamdaman kahit mabulag pa si franz!
For Franz,
kung ako ang magtutuloy ng istorya na ito....hindi kita bibigyan ng happy ending! makasarili ka! kung mahal mo si daryll at hindi si joseph madali mo lang masasabi yun! alam natin na ayaw mo ring masaktan si joseph pero ginagawa mo pa rin masyado kang sadista! salawahan! manindigan ka! kung si daryll ang mahal mo tapatin mo ng buong puso si joseph! paasa ka rin eh! kung ako tatanungin mo....hindi ka karapat-dapat kay joseph man o kay daryll! duwag ka pati sarili mo niloloko mo! alam mas okey pa sayo ang bobo kasi pagtinuruan natututo o ang tanga kasi tanga na talaga yun pero ikaw nagtatanga-tangahan ka sa nararamdaman mo! alam mo kung sinong mahal mo pero mas haay ewan ko sayo sarap mong pektusan at ipakain sa pating nakakairita ka! grrrrrrrrr rooaaaarrrr!!! pinanganak na nga tayong alanganin pati ba naman sa pag-ibig pilit pa rin nagpapaalanganin! Pero kung sino man ang mapili mo sana mahalin mo ng totoo! wag mo ng isipin ang kung sino-sino! wag ka ng magpaasa! hanggat maaari tapatin mo sila para hindi na nila ilubog pa ang sarili nila sa pag-asang mamahalin mo sila! lakas mo makaFRIENDZONE hmp! wapaaaaaakkkk!! paisa lang masyado ka ng pinagpala!
For Bluerose,
Thanks sa walang kapagurang pag-update sa kwentong ito. Alam natin lahat na sinikap mong bigyan ng saya at pag-asa ang bawat, it's so happen lang na hindi lahat mapag-bibigyan mo sa kung anong gusto nilang mangyari sa iyong akda. May madidisappoint sa ending pero okey lang yan kasi yun naman talaga ang gusto mong mangyari ang mahalaga bawat isa sa atin may natutuhan sa kaganapang naangyari! :))) salamat! salamat! sa iyong akda ;))) FIVE STAR ang TWO MILLION THUMBS UP FOR YOU!!! MAHUSAY BRAVO!!!
CLAP....CLAP....CLAP......!!!
Sa susunod na kwento uli :)))
#WuWei
#BahalaNa
nagustuhan ko yung silver na cruxifix simple may dating full of mystery parang it's beauty rely on it's simplicity hindi nakakasawang tingnan :))) sana ganyan din ang pagmamahalan simple pero puno ng pagpapahalaga't kaseryosohan (^w^)
Deleteiextend mo po sna lagyan ko ng marameng twist..magpasok ka po ng ibang karackter na maiinlove kay joseph at si papa franz ay magseselos...
ReplyDeleteteam JOSEPH PA RIN AKO!
ENZOH69
YUN NA NGA! EKSAKTO! INPUNTO!
DeleteHINDI NAKIKITA NI FRANZ ANG HALAGA NI JOSEPH! PERO GANUN TALAGA LET'S SEE!!
dati team JOSEPH AT FRANZ AKO!
ReplyDeleteNGAUN parang gus2 ko na si DARYLL..
Go! Go! Go! lng DARYLL kaya mo yan!!!!
JM
mukhang epic finale to ha...
ReplyDeletegrabe ka author magpakaba sa readers mo. naguguluhan na tuloy ako kung kanino ako mas boto. dun ba sa taong handang ibaba ang pride para sa taong mahal nya o dun sa taong matagal ng nagmamahal at handa ng lumaban.
those two guys deserve to be loved by franz, kaso isa lang dapat ang piliin. right?
if i were franz, pipliiin ko ang taong laman talaga ng puso nya. he does not need to think, he only just need to realize kung sino talaga ang mahal nya. he has to FEEL it.
excited na ko sa monday night for the finale kahit sino pa ang piliin ni franz. :-)
#joseph
-jc ferrero-
Sana hindi maging tragic yung ending yung tipong may mawawala or magpapaalam kela Daryll and Joseph, tapos maging eye donor para kay Franz... Sana happy ending lang without an expense of someones life..
ReplyDelete-jazzuah
Gusto sna mki team joseph kasi sila tlga dpat kaso sa gnwa.mo author mukang daryll na weh
ReplyDeleteSna joseph pa rin
Cord of bulacan
Joseph pa rin ako. Pero mukhang hindi na magiging si joseph kasi panay daryll ang gusto ng mga hinayupak. Kainis gusto ko talaga si joseph. :(((
ReplyDeleteI have a feeling that it will be a sad ending for Joseph. Pero sana wag mangyari yung iniisip ko na heavy and very emotional ending...hahaha.. Galing ng author nito. Great Job.
ReplyDelete-Lantis
Blue, salamat at nagibg fair ka dito.. mahirap ginawa ni erika ha. Pero feeling ko may kinalaman sya sa kwintas na binili ni jasper for daryll... kaya tinanong nya plan ni joseph... now patas na. Pero worried ako kay franz. Sana wag lumala yung mata niya. Parang gets ko na kung bakit all isee is you. Feeling ko lng ha... parang matutuluyan c Franz at puso nya lng talaga yung gagamitin nya para mabuhay sa taong pipiliin nya.. yung yung magiging mata nya.. grrrr...natatakot na ako.
ReplyDeleteBlue iguess may ihahaba pa tong kwento mo.. pahabain mo pa please. Heheheh gaya ng Nicko mahaba..
Gawa na tayo ng Page sa FB. Para close lahat..
Rhafy ;)
Last chapter I was with Team Darryl. Ngayon naguguluhan ako. Naaawa ako for Darryl, nasasaktan ako for Joseph. At naiirita ako kay Franz. Joke. Hahahaha! Kung si Daryl, kaya nyang pagamot si Franz e. Kung si Joseph, alam mong may karamay si Franz as a bestfriend and lover. Kung si Joseph ang pipiliin, pareho ng sawi si Jasper at Daryl at good luck sayo Bluerose. Kung si Daryl naman, uhm, pede na si Joseph kay Chris from Blue or si Jasper feom Nicko. Anyway, bahala ka na Bluerose. Basta promise mo sa amin yung di mapipili e may sariling book ha. Thanks. - Kr!s
ReplyDeleteI love the vulnerability of daryll. So daryll ang pipiliin nya though feeling ko mabubulag si franz and pipiliin nya si joseph kc ayaw nyang saktan si daryll.kc bulag siya.
ReplyDeleteWhether its made of gold or silver, ang mas maganda ay yung galing sa puso.
ReplyDeleteGrabe! Napakaintense naman ng drama sa chapter na to! Just like the other readers, naisip ko rin yung tungkol sa pagiging eye donor noong isa.
ReplyDeleteHindi ko alam! Naguguluhan ako sa mga naiisip ko tungkol sa mga mangyayari. Napakaunpredictable! Si Joseph kasi, alam niya yung sign ni Franz. Parang unfair naman yun para kay Daryll.
Daryll is madly and deeply inlove with Franz, ganun din naman si Joseph. Ang mali lang kay Joseph ay hindi niya agad sinabi kay Franz.
This will be for Franz to decide for the best. Hayst! Dapat kasi kapag mahal mo, isa lang ang nasa puso mo.
Eto na talaga...
ReplyDeleteAll I see is you...
(Hindi pa pala lumabas yung una kong comment, nhuli tuloy)..
Parang ayoko matapos... :'(
Meron talagang may mangingibabaw..
Feeling ko sinumbong no erika kay jasper yung plan ni joseph kaya atat din to sa plano nya... kaya may kwintas din to.. family effort nato versus joseph...
Pero yung sulat kasi no joseph nakaka buhay ng loob... c Franz nahihirapan din.
Cguro c joseph lng talaga yung handang magbigay ng mata nya para kay franz..
Iniisip k din na baka tuluyan ngbulag c Franz.. at kng cnu mn sa dalawa ang mapili eh yun na yung magiging mata neto... sana hindi nman ganun.. pero magandang ending yun.. kaso pa tragic yung dating..
Blue goodluck sayo at mabuhay ka!!!
Gawa kaya tayo ng fb group for blue fans...hook na hook nko!!!
Rhafy
joseph - franz padin akooo..
ReplyDeletekase kilala na nila ung isat isa kahit ung worst part ang isat isa.. unlike daryll na marami pang years kelangan for then to know each other at baka may mga part pa nang buhay nila na d nila mugustuhan.
-dotaboy20
josephh nlg kasee.. hndi nmn cguru mag anlinlangan na mag " i hate you " c franz kung ala tlga sya nararamdaman for joseph.. plus joepsh and franz knew each other already at accept nila ung isat isa kahit ung bad sides nila that love bro..
ReplyDelete#jofranz
oh my gee!! ang ganda tlaga ng story, chus! will 4 me its up to you franz kung sino ang pipiliin mo basta ang sundin mo lng tinitibok at sinsigaw ng puso mo!!!, hindi sa awa, libog, at kung ano anung ka e.chusan lng!!
ReplyDeleteto you mr. author thanks sa pgshare ng yong kakayahan ng pg bu.o ng kwento!! luv yaah!! chus yan lng ahehehe:)
-ajcalago