Followers

Sunday, June 1, 2014

Fated Encounter 12





CHAPTER TWELVE



Magbabakasyon muna ako, Vin. I'll give you time to think. Sana pagkatapos mong mag-isip ay maging okay na ulit tayo.
            Ang mahinang pagbasa ni Vin sa text message na natanggap niya mula kay Joen. Habang binabasa niya iyon ay nakadama siya ng lungkot. Parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi dito na hindi muna sila magkita. Dahil isipin pa lang niya iyon ay nalulungkot na siya at na-mi-miss niya ito. Pero kailangan niyang panindigan iyon para sa ikabubuti nila. Napapailing na lang siya sa pagiging fickle minded niya. Noong una ay gusto niya na makapag-isip para sa kanilang dalawa. Pero ngayon na nabasa niya ang text ay gusto niya iyong bawiin. Para lang siyang tanga.                                   
            Nag-ta-type na siya ng message nang matigilan siya sa naisulat niya.
            `Wag ka na magbakasyon, binabawi ko na ang mga sinabi ko.
            Dali-dali niyang binura iyon. Inilapag niya ang cellphone sa kama niya at nagdesisyon na huwag na lang sagutin ang text ni Joen. Mas okay na huwag na siyang mag-reply dito para hindi siya magkamali. Sapat na sa kanya ang kaalaman na magbabakasyon ito at nagpaalam sa kanya kahit hindi na kailangan. Isa pa ay, nagpaalam lang ito. Wala ng dahilan para mag-reply siya. Praning lang talaga siya.
            Humiga siya sa kanyang kama at tiningnan ang kisame ng kwarto niya. Kahit na wala ang mukha doon ni Joen ay tila nakikita niya ito doon. Baliw, praning at sobrang gusto na niya talaga ang lalaking iyon. Nakakabaliw at nakakapraning ang sitwasyon niya.
            Tiningnan niya ang kanyang cellphone nang mag-vibrate iyon. Kinuha niya iyon. Binasa niya ang text message na galing kay Mack.
            Can we go out tomorrow.
            Iyon ang text message na galing kay Mack. Walang pag-aalinlangan na sinagot niya iyon. HIndi na niya pinansin na magiging date ang paglabas nila bukas. He think he owe one to him. Sa pag-iisip niya at pagtitimbang ng bagay na nadama niya ng gabing mangyari ang halikan nila ni Joen. At maabutan si Mack na nasa kusina nila-- ay nalaman niya na hindi siya confused sa nadarama niya. Si Joen ang tunay na tinitibok ng puso niya. Pag-aalala lang ang nadama niya sa isipin na baka nakita ni Mack ang nangyari at kung ano ang isipin nito sa pinsan nitong si Joen. Kahit na kasi magpinsan ang dalawa ay hindi niya hawak ang naiisip nito. Baka isipin nito na katulad na rin nila si Joen kaya siya hinalikan ng lalaki.
            Okay
            Agad na nag-vibrate ang cellphone niya.
            Thank you. Bukas na lang natin pag-usapan kung saan. Pupunta ako dyan sa bahay n'yo ng maaga.
            Ikaw ang bahala. Ang sagot niya.


KINABUKASAN ay maagang nagising si Vin. Inaasahan niya kasi ang maagang pagpunta ni Mack sa bahay nila. Agad siyang nagluto ng agahan nila ng Lola Fe niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pagsasangag ng kanin nang marinig niya ang may kalakasan na pagkatok sa gate nila. Hininaan niya muna ang apoy bago niya iwanan ang ginagawa.
            Nang buksan niya ang gate ay tumambad sa kanya si Nick. Nagulat man siya na makita ito sa harap ng bahay nila ay hindi niya pinahalata. Sa halip ay binigyan niya ito ng malawak na ngiti.
            "Ang aga natin, ah. Paano mo nalaman ang bahay namin?"
            "I have my sources," pilyong sabi nito. "Pwede ba akong pumasok."
            Napahiya siya sa sinabi nito. Bigla-bigla na lang siyang nawawala sa sarili.
            "Pasensya ka na," paumanhin niya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. "Pasok ka na."
            Agad naman itong pumasok. "Nice place," anito. "Sino ang mga kasama mo dito?"
            "Ang lola ko lang sa ngayon. Sina tita kasi at ang mga pinsan ko ay umuwi sa probinsya."
            Tumango-tango ito saka naglakbay ang paningin sa bahay nila.
            Tumingin siya sa labas ng bahay nila.
            Mukhang napansin iyon ni Nick. Nakangiti itong nagtanong. "May inaasahan ka ba na bisita ng ganito kaaga, Vin?"
            "Meron," sagot niya. "Hinihintay ko si Mack. Pupunta siya ngayon dito kasi may pupuntahan kami."
            Nawala ang ngiti sa labi ni Nick. "Saan kayo pupunta ni Mack? Sinabi na niya ba sa `yo na gusto ka niya?"
            Nagulat siya sa tanong nito. "Alam mo na may gusto rin sa `kin si Mack."
            Tumango ito. "Yeah. N'ung isang araw, nang mag-joke ako na boyfriend kita ay napag-usapan ka namin. Katulad ko ay may gusto rin siya sa `yo."
            "Pinag-uusapan niyo pala ako," naiilang na sabi niya.
            Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga sinabi ni Nick. Kahit nga ang sinabi nito na manliligaw ito sa kanya ay wala pa siyang kasagutan. Sumasagi naman iyon sa isipan niya ngunit natabunan iyon sa nangyari sa kanila ni Joen. Kahit ang pagtatapat ni Mack ay hindi rin niya masyadong naaalala. Si Joen lang ang umu-okupa ng isip at puso niya.
            "Yeah," sang-ayon nito.
            Hindi na siya tumugon. Magkasabay sila nitong pumasok ng bahay nila. Eksaktong pagkapasok nila nang maalala niya na may niluluto pala siya.
            "Maiwan muna kita dito, Nick, `yong niluluto ko."
            "Sasamahan na kita," boluntaryo nito.
            "Ikaw ang bahala," aniya saka tumakbo papunta ng kusina.
            Nang makarating siya doon ay nakahinga siya nang maluwang. Natatawa na lang siya sa sarili niya dahil nakalimutan niya na pinahinaan pala niya ang apoy bago siya umalis.
            "Gusto mo tulungan na kita magluto."
            "`Wag na Nick. Dito ka na lang mag-almusal, ah. Tutal marami naman `to," pagbibiro niya.
            "Grabe ka. Parang ang takaw ko naman kumain nyan."
            "Hindi ba, Nick."
            "Hey!" anito. "N'ung araw na iyon ay gutom lang talaga ako kaya ganoon ang nangyari." Pagtatanggol nito sa sarili. Of course, they were talking about the day he knew that the three man he encountered were cousins.
            "Umupo ka na nga lang dyan," utos niya dito na agad naman nitong ginawa.
            "Vin, may itatanong ako sa `yo," biglang pagseseryoso nito.
            "Ang bilis naman magbago ng mood mo," puna niya. "Ano naman ang itatanong mo?"
            "Well, hypothetical question lang naman."
            "Ano? Spill it." Pinatay niya ang stove at pumunta sa harapan ng dish drainer. Kumuha siya ng plato at baso. Inilapag niya ang mga iyon sa mesa. Sunod niyang kinuha ang lalagayan ng sinangag.
            "Paano kung isang araw malaman mo na ang kinalakihan mong pamilya ay hindi mo pala tunay na pamilya? Na ampon ka lang. Ano ang gagawin mo?"
            Nagulat siya sa tanong nito. Dahil doon ay nabitawan niya ang hawak na lalagayan. Nagdulot ng ingay ang pagkabasag niyon.
            "Vin, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Nick.
            "O-okay lang ako. Nagulat lang ako sa tanong mo. Wait lang, ah. Kukuha lang ako ng dustpan at walis," paalam niya dito saka lumabas ng kusina.
            Nakakagulat ang tanong ni Nick sa kanya. Ano nga ba ang gagawin niya kapag nalaman niya kung ganon nga ang senaryo niya? Mapait siyang napangiti. Hindi pa ba?
            Umiling-iling siya saka kinuha ang pakay niya. Bumalik siya sa kusina. Nandoon si Nick at isa-isang pinupulot ang basag na bahagi ng lalagayan.
            "Ako na ang gagawa niyan, Nick. Baka masugatan ka pa." Hindi siya nito pinansin.
            Lumapit siya dito at pinatabi ito para mawalis na niya iyon. Umalis rin si Nick pero makikita sa mukha nito ang kaseryosohan. Naiilang siya sa tingin na ibinibigay nito sa kanya.
            "Bakit ka nakatingin ng ganyan?"
            "Masyado kang affected sa tanong ko, Vin. Hypothetical question lang naman `yon. Pwede mo bang sagutin kung ano ang gagawin mo kapag ganoon?"
            "Hindi ko alam. Siguro, kung may pera ako hahanapin ko ang totoo kong pamilya. Kapag nahanap ko na sila, magtatanong ako kung bakit nila ako pinaampon. Kung magagalit o tatanggapin ko ang paliwanag nila ay hindi ko alam." Naisip niyang bigla ang sinabi ni Joen nang sabihin nito sa kanya na ampon ito. "O hindi kaya ay hindi ko na sila hahanapin dahil sapat na sa `kin ang kinalakihan kung pamilya. Hindi na ako magsasayang ng oras, para saan pa?"
            "I'm satisfied with your answer," anito, nakangiti.
            "Bakit ka ba nagtatanong ng mga ganoon, ampon ka ba?"
            Natawa ito sa tanong niya. "Hindi ako ampon. Tunay akong anak ng magulang ko. Sabihin na natin na may kakilala ako na nasa ganoon na kalagayan. Hindi ko lang alam kung alam na niya na ampon siya."
            Nabigla siya sa sinabi nito. Alam na ba nito na ampon si Joen, na hindi nito tunay na pinsan ang lalaki? Pero ang sabi sa kanya ni Joen ay walang alam si Mack at Nick sa tunay na pagkatao nito. Baka ibang kaibigan ang sinasabi nito.
            "Ang ganda mo naman maging kaibigan, Nick. Masyado kang maalalahanin."
            "Kung kaya ako sa `yo. Pumayag ka nang ligawan kita."
            Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Parang biglang naging awkward.
            "I'm just joking, Vin. I'll wait, kagaya ng sinabi ko sa `yo pero nag-e-expect ako ng positive na result."
            "`Wag na muna nating pag-usapan ang ganoon na bagay, Nick. Hindi ko kasi `yon naiisip." May katotohanan na sabi niya.
            "Ikaw ang bahala." Ang sabi nito saka lumapit sa kanya.
            Binigyan siya nito ng halik sa pisngi.
            "Para saan `yon?"
            "Pampagana."
            "Baliw."
            "Kasalanan mo `to. I'm glad that you're at ease with me. Sana walang magbago kahit na sinasamantala kita."
            "Napansin mo rin pala `yon," pagbibiro niya.
            Si Nick na ang tumapos ng ginagawa niya. Pagkatapos ay kumain na sila. Eksakto namang patapos na sila kumain nang dumating si Mack. Pinagbuksan niya ito ng gate. Nagulat ito nang makita si Nick at agad na nawala ang ngiti sa labi.
            "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong nito kay Nick.
            "Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik-tanong ni Nick.
            Nakadama agad siya ng tensyon. Bago pa lumala iyon ay pumagitan na siya.
            "`Wag kayong mag-away. Pareho ko kayong bisita."

MACK THOUGHT THAT HE will have his time alone with Vin, but just like before it was just a 'thought'. Ang buong akala pa naman niya ay maaga na siya sa oras na alas-nuwebe ngunit naunahan siya ni Nick. Talagang nagulat siya na makita ang pinsan sa bahay nila Vin. Sa pagkakaalam niya ay sila lang ni Joen ang may alam kung saan nakatira si Vin, mali pala, dahil alam na rin ng pinsan niya.
            Napapabuntung-hininga na lang siya habang kaharap ang dalawa sa hapag-kainan nila Vin. Katatapos pa lang kumain ng mga ito. At dahil sinabi niya na hindi pa siya nag-aalmusal ay sinamahan siya ni Vin na kumain at siyempre umeksena si Nick. Hindi niya tuloy masabi kay Vin ang itinerary nila ngayong araw. Marami siyang plano na puntahan nila ni Vin pero ayaw niyang i-discuss iyon na nasa paligid si Nick. Mahirap na, baka sumama pa ito.
            "Can you leave us, Nick," padaskol na utos niya sa pinsan.
            "Ayoko nga. Nandito si Vin kaya dito rin ako dapat."
            "Mag-uusap kami ni Vin."
            "Problema ba `yon, `di mag-usap kayo habang nandito ako. Bakit sekreto ba ang sasabihin mo sa kanya kaya ayaw mong nandito ako?"
            "Pwede ba tumigil nga kayong dalawa," saway sa kanila ni Vin. "Magpipinsan nga kayo. Ang gugulo niyo."
            "Si Mack, eh," parang bata na sabi ni Nick at tila nagpapakampi kay Vin.
            "Ako pa talaga. Ikaw kaya ang agaw eksena dito sa `tin. Kami dapat ang magkasama ni Vin ngayong araw tapos bigla ka na lang pupunta dito ng walang pasabi. Paano mo pala nalaman na dito ang bahay ni Vin?"
            Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ng pinsan niya. Tila nang-aasar. "I have my sources. `Di ba, sinabi ko naman sa inyo ni Joen na kapag interesado ako sa isang tao ay gagawa ako ng paraan para malaman ang lahat sa kanya." Habang sinasabi nito iyon ay kay Vin ito nakatingin. Kumindat pa ito. Napayuko naman si Vin.
            "Stop flirting with him!" Nanggigigil na sabi niya.
            "Possessive? As far as I know, we have the same standing to Vin. Pareho nating sinabi sa kanya na gusto natin siya at gustong ligawan pero wala pa siyang pinapayagan. Kaya `wag mo akong sawayin pinsan."
            "You are absolutely flirt."
            "You are acting as a possessive jealous boyfriend to him."
            "Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa?! Umalis na nga lang kayo."
            Sabay silang napatingin ni Nick kay Vin sa sinabi nito.
            "A-anong sabi mo?" tanong ni Nick.
            "Kung magbabangayan kayong dalawa nang dahil sa `kin, umalis na lang kayo. Kung magsagutan kayo ay parang wala ako sa harapan niyo. Para sabihin ko sa inyong dalawa, pareho lang kayo ng standing para sa akin. Wala akong sinabi na magpapaligaw ako. Pinag-iisipan ko iyon pero bihira lang `yong sumasagi sa isip ko. You two were stressing me out."
            "I'm sorry, Vin," agad niyang paumanhin.
            "I'm sorry too," ani Nick."
            "Sorry din. Please lang. `Wag kayong mag-away nang dahil sa `kin. Ayokong masira ang relasyon niyong dalawa nang dahil sa `kin. Ayokong mangyari `yon."
            Sa sinabi nito ay nakadama siya ng konting pagsisisi sa ginawa niya kay Joen kahapon. Nang dahil sa ginawa niya ay mukhang sira na ang relasyon nilang mag-pinsan.
            It's acceptable, Mack. You were jealous that's why you did it. Pagtatanggol ng sarili niya sa ginawa niya kahapon.
            Dumaan ang sandaling katahimikan sa kanilang tatlo. Walang balak magsalita. Natigil lang iyon nang mkarinig sila ng malakas na katok sa gate ng bahay nila Vin.
            "Maiwan ko muna kayong dalawa. May tao sa labas," paalam nito.
            Nang sila na lang ni Nick ang nasa kusina ay matalim na titig ang nag-uugnay sa kanila.
            "Can you just go, Nick. Gusto kong maging araw namin ni Vin ito. `Wag mong gayahin si Joen na panira ng moment."
            "So you mean, Joen also ruined your day with him?" Natatawang sabi nito.
            Ayaw man niyang umamin ay tumango siya. "Yeah."
            "He also ruined my day with him but it's now okay with me. May pogi points naman na ako kay Vin. Nasubuan, nahalikan at nahawakan ko na ang kamay niya. Nag-date na rin kami. Well, sa side ko lang `ata ang ispin na ganoon." Pagpapa-inggit nito.
            Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Nahalikan na nito si Vin.
            "Saan mo siya nahalikan?"
            "Sa lips," nakangising sabi nito.
            Kumuyom ang kamao niya. Ano ito katulad ni Joen na nahalikan na rin sa labi si Vin? Hindi siya makapaniwala sa katinikan ng mga ito.
            "Masyado kang hot, Mack. I'm just joking. Sa cheeks ko lang nahalikan si Vin, two times nga lang."
            Hindi nabawasan ang pagkaasar niya sa sinabi nito. Parang gusto niya rin itong suntukin.
Ang titinik ng mga pinsan niya. Ang bibilis gumawa ng paraan. Siya lang ang mahina. Nakakaasar lang!
            "Kung may moment ka na sa kanya. Leave now." May diin na utos niya dito.
            "Ayoko nga. Hindi ako papayag na maka-iskor ka sa kanya. Ako lang dapat."
            "Sino ngayon ang nagiging possessive sa `tin na dalawa?"
            "Pareho kayo."
            Sabay silang napalingon sa nagsalita. Isang gwapong lalaki iyon na kapansin-pansin ang malalim na biloy sa pisngi.
            "Sino ka naman?" sabay na tanong nila dito ni Nick.
            "Kaibigan ako ni Vin. I'm Charles."
            Duda siya sa sinabi nito na kaibigan ito ni Vin. Katulad rin nila ito na may pagtingin kay Vin.
            "Kaibigan? Maniwala ako sa `yo, dude," ani Nick.
            "Katulad ka rin namin ni Nick na may gusto sa kanya, eh."
            Ngumiti ito saka umiling. "Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin basta nagsasabi ako ng totoo. Hindi ba kayo nahihiya na nagyayabangan kayong dalawa sa loob ng bahay ni Vin. Base sa narinig ko ay pareho kayong may pagtingin sa kanya at pareho na ninyong nasabi iyon sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabi na pagpayag kung magpapaligaw siya. Kung ako sa inyong dalawa ay sumuko na lang kayo. Sa umpisa pa lang ay talo na kayo dahil may laman na ang puso ni Vin. Sad to say, hindi kayo iyon."
            "Sino ka para sabihin `yan?" Bwisit rin ang lalaking ito. Intrimitido. Basta-basta na lang umeeksena tapos hindi pa magagandang bagay ang maririnig sa bibig nito.
            "Katulad ng sinabi ko sa inyo, kaibigan niya ako."
            "Wala kang kwenta," ani Nick. "Intrimitido ka na, eavesdropper pa. Wala kaming pakialam sa mga sinasabi mo. Ano naman ngayon sa `min kung may laman na ang puso ni Vin? Pwede naman kaming magkapuwang doon. Tiyaga lang, tol"
            "Bahala kayo sa buhay niyo. Kayo naman ang uuwing luhaan." Ang sabi nito saka sila tinalikuran.
            "Paki mo," halos magkasabay na sabi nila ni Nick.

HINDI ALAM NI Vin kung ano ang gagawin kay Mack at Nick. Ang aga-aga ay nagbabangayan ang mga ito dahil sa kanya. Kahit na sinaway na niya ang mga ito ay hindi pa rin nagpatinag ang mga ito. Pinapaalis na niya ay hndi naman ginawa at humingi lang ng sorry. Mabuti na lang at may kumakatok sa gate nila. Itinuring niya iyong saviour niya. Nabubwisit na kasi siya sa dalawang lalaki. Nang buksan niya ang gate ay si Charles ang nakita niya doon. Naisip niyang humingi ng tulong dito at nakahinga siya nang maluwang ng pumayag ito.
            Nang sumingit si Charles sa usapan ni Mack at Nick ay nasa likuran lang siya ng pintuan. Nakadama pa nga siya ng hiya para kay Charles sa mga narinig nito. Abnormal talaga ang mga lalaking ito at nagyabang pa talaga si Nick na agad namang kinagat ng isa.
            Nang matapos ang mga ito sa pag-uusap ay agad naman tinalikuran ni Charles ang dalawa. Nabibigla pa rin siya sa sinabi nito na may nagpapatibok ng puso niya. Tama naman talaga ito dahil si Joen ang laman ng puso niya pero transparent ba siya. Napansin ba iyon agad ni Charles kahit na isang beses pa lang silang nagsasama ng matagal kasama si Joen?
            "Thank you, Charles."
            "Sus, walang anuman iyon. Makulit pala ang dalawang iyon. Tawagin ba naman akong intrimitido at eavesdropper. Well, totoo naman talaga `yon, masakit lang na marinig." Natatawang sabi nito.
            "Makukulit nga kaya walang epekto ang sinabi mo."
            "Oo nga, kahit nagsinungaling na ako na may napupusan ka na wala pa rin."
            Nakahinga siya nang maluwang sa sinabi nito. Ibig sabihin ay wala itong napansin. Sinabi lang nito iyon para ma-deprive ang dalawa. Akala pa naman niya ay halata na siya.
            "Paano kaya titigil ang dalawang `yan?"
            "Kapag may ipinakilala ka na na boyfriend." Agad na sagot nito.
            Tumawa siya. "Siguro nga."
            "Wala ka bang pagtingin sa kanila?"
            Hindi niya ito sinagot. "Ano pala ang pakay mo dito?"
            "Si Lola Fe."
            "Tulog pa. Nagpagabi kasi kaya hanggang ngayon ay tulog pa. Mga alas diyes na `yon gigising. Kung gusto mo hintayin mo na lang."
            "Hindi na. Aalis na rin ako. Mamaya na lang."
            Hinatid niya ito sa labas ng bahay nila. Bago ito umalis ay nagbilin pa ito.
            "Mag-iingat ka sa mga manliligaw mo. Ang cute mo kasi."

BINALIKAN NIYA ang dalawa sa kusina. Tahimik na ang mga ito. Nililigpit ni Mack ang pinagkainan nito samantalang si Nick ay nakaupo lang at tinitingnan ang ginagawa ng pinsan. Hindi na siya nagkomento sa ginagawa ng mga ito. Nakikiramdam lang siya.
            Nang hindi siya makatiis ay nagsalita siya.
            "Saan tayo pupunta Mack? Ngayon na ba tayo aalis? Ikaw, Nick? Saan ka pupunta pagkatapos mo dito?"
            "Uuwi na. Kung pwede lang na sumama ako sa inyo ay sasama ako."
            "Hindi pwede," agad na sagot ni Mack.
            Lihim na naman siyang napailing. Mukhang mag-uumpisa na naman ang bangayan ng mga ito.
            "Hindi ka pwedeng sumama sa `min ni Mack, Nick." Pamamagitan niya.
            Nakita niya ang malawak na pagngiti ni Mack. Tumamlay naman ang hitsura ni Nick.
            "Ganoon ba. Sayang, sa ibang araw na lang ako kukuha ng tiyempo para makasama ka." Bumaling ito kay Mack. "Nanalo ka ngayon, sa susunod ako naman," anito.
            "Ewan ko sa inyong dalawa. Sana kapag nag-uusap kayo tungkol sa `kin ay wala ako sa paligid. Ako ang nahihiya sa ginagawa n'yo."
            Hindi tumugon ang dalawa. Nagpaalam na si Nick na aalis na. Nang makaalis ang lalaki ay si Mack naman ang inintindi niya.
            "Saan ba tayo pupunta?"
            "Mag-de-date tayo ikaw ang boss ko ngayon at ikaw ang bahala kung saan mo gustong pumunta."
            "Ganoon ba. Paano `yan, wala akong balak puntahan ngayong araw."
            Nag-panic si Mack. "Hindi pwede `yon. Kung wala kang gustong puntahan ngayon, ako na lang ang bahala. Sumama ka lang sa `kin. Okay ba sa `yo `yon?"
            Tumango siya. "Okay lang basta ba hindi ako mapapahamak."
            "Hindi mangyayari `yon. Habang sa tabi mo ako hindi ka mapapahamak."
            "Then you are the boss."


NAGING MASAYA ANG BUONG araw ni Vin kasama si Mack. Wala silang ginawa maghapon kundi ang mamasyal at magtawanan sa palitan nila ng corny jokes. Ang huli nilang destinasyon ay sa isang seafood restaurant. Habang kumakain sila ay asikasong-asikaso siya ni Mack. Kitang-kita niya ang effort at ka-sweet-an nito sa kanya. Nandyan na `yong pagbabalatan siya nito ng hipon kahit kaya na niya. Aabutin na lang niya ang inumin niya ay uunahan pa siya nito at ito pa ang maghahawak niyon na parang hindi niya kaya.
            Ang mga pinapakita nito ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso niya ngunit hindi kilig na nadarama niya kay Joen tuwing kasama niya ang lalaki kahit wala naman itong ginagawa para kiligin siya.
            Sa totoo lang ay gusto na niyang sabihin ang totoo kay Mack at Nick. Ang totoong nararamdaman niya para sa mga ito. Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula at kung sa paanong paraan niya iyon sasabihin na hindi masasaktan ang mga ito.
            "Kumain ka ng marami, Vin," ani Mack habang nilalgyan ng pagkain ang plato niya.
            "Salamat," nakangiting sabi niya.
            "Masyado mo akong pina-pamper, Mack. Hindi mo na kailangan pang gawin `yon."
            "Gusto kong gawin `to, Vin. Hayaan mo na ako, sa ginagawa ko ako masaya."
            "Ikaw ang bahala."
            "Masaya ka ba Vin na kasama ako?" tanong nito.
            Tinitigan siya nito sa mata.
            "Masaya ako na kasama ka," buong sabi niya. Masaya naman talaga siya na kasama ito. Kaso ang kasiyahan na iyon ay parang kulang. Parang hindi siya buo dahil kahit na nagtatawanan sila at nagpapalitan ng mga jokes ay isang tao ang nasa isipan niya. Ang taong nagpapatibok ng puso niya.
            Ang sama ng ng tingin niya sa sarili dahil sa ispin na ganoon. Kung mababasa lang ni Mack ang nasa isipan niya ay masasaktan ito. Mahalaga si Mack sa kanya, bilang kaibigan at ayaw niya itong masaktan.
            Ngumiti si Mack. "Masaya ako dahil masaya ka. Sana ay maulit ito."
            Ngumiti lang siya. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin dito. Tumingin siya sa labas.
            "Vin," tawag sa kanya ni Mack.
            "Bakit?" aniya at humarap dito.
            "Mahal kita."
             


8 comments:

  1. Yes, kahit wala c joen sya pa rin ang nasa isip ni vin!

    Go #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. Ang swerte naman ni Vin. Pero mahirap na kalagayan.

    ReplyDelete
  3. Hinihintay ko na agad yung pagbalik ni joen #teamjoen :) - dave

    ReplyDelete
  4. ang daya ni esfren di ako binate kakatampo! huhuhu
    siya nga pala best wala na po ung JIM U LYK NA acc..
    may sumira ng account naming mga admin sa PEYMOUS FACEBOOKERS!


    IBA na po acc.. add nalang po kita! salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya, pwede magtanong, para kanino ang message na `to? Hehe

      Delete
  5. #TeamJoVin! Haha! Namiss ko to! Thanks, Vienne!

    ReplyDelete
  6. author kahit si Charles na lang ang saken! CHARRR!!

    -Lightless

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails