Followers

Wednesday, June 12, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 16,17, and Chapter 18

                                                         Written by: Tzekai



CHAPTER 16

Prue's point of view


"witwiw! Sexy! Ang ganda ng legs,ang kainis" - mamaw.


O_O


"Aba't? Hoy! Lumabas ka dito! Manyakis ka talaga! Sabi ko na nga ba gusto mo akong pagsamantalahan eh!" sigaw ko kay mamaw,at ang engkanto ngumisi lang?! -_-


"Tinanggi ko ba?" sabi pa nito sabay kagat sa pang ibabang labi na parang nang aakit pa!


"Tse! Bakit ka ba nandito? Labas na! Sisigaw ako ng rape sige ka!!" singhal ko ulit. Tengene naman kelangan ko pang lakasan boses ko,pakiramdam ko wala iyong tunog,nag iinit ang buong katawan ko,sheyt!


"Hahaha! Nandito ako para sabihing dalian mo daw dyan at nakahanda na ang meryenda sabi ng parents mo" anito at tumalikod na. Nakahinga ako ng maluwag ng palabas na ito pero nagkamali ako.


Tumigil ito at humarap na nakangisi.


"Nice nips and butt" sabi nito sabay kindat.


Napatingin ako sa dibdib ko,nagloose na nga ang towel at medyo kita na rin pwet ko,namula ako,umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.


"Buset kaaaa!!!" buong tatag kong sigaw at binato sya ng unan pero mabilis syang nakalabas ng pinto at naisara ito,dinig ko pang tumawa ang mamaw.


Ha!! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dun ah?!


Lumapit ako sa pinto at ini lock ito. Ng masiguro kong hindi na ako mamomolestya ng mamaw ay nagbihis na ako at nag ayos saka lumabas at bumaba sa may sala.


Nandun pa din sila at masayang nagkekwentuhan ng kung anu anong kabulastugan na maisip nila haha! Joke lang.


Lumapit na ako sa kanila dahil naramdaman ko na ding may gyera na sa loob ng tyan ko,nakisabay na sa pagmemeryenda nila.


"Anak nabanggit ni Kreyd na sya daw ang magiging date mo sa acquaintance nyo" ani Mama na buong giliw kung magsalita.


"Po? Pero hindi pa ako pum-"


"That would be great son,since mapapabantayan ka namin kay Kreyd,kung pwede nga lang ang outsider ay si Popoy na lang sana" sabi pa ni Papa. I cant believe this! Tinutulak nila ako sa mga lalaking nag uumapaw sa kagwapuhan! On the other hand ay pabor naman ako don.


Tiningnan ko ang mamaw,ang lapad ng pagkakangiti,kulang na lang ay tahiin iyon para maibalik sa dati.


"Tito,balita ko eh kailangan nyo pa ng isang driver para kay Prudencio since yung isang driver ay sa inyo lagi ni Tita naka schedule" pag but in ni kuya Pao sa usapan.

 
Good idea kuya Pao!


"Oo nga pala! Buti at ipinaalala mo,nasanay din kasi kami kay Kebin na sya ang driver" ani Papa. " Ang hirap na humanap ng tulad nyang loyal at mapagkakatiwalaan" dagdag pa ni Papa. Ako naman ipinagpatuloy ang paglapang sa meryenda,Grahams kasi eh kaya natakam ako ng sobra.


"Namiss na nga daw ni Itay ang pagmamaneho sa inyo tito kaya bumili kami ng kotse para sya na ang personal driver ni Inay,si kuya Khyron kasi tamad pag magpapa drive si Inay" ani Kreyd na naka ngiti pa din.


Hindi ba sya nangangawit?


"Ikaw na dude! Haha" ani Janssen na ngayon lang sumali sa usapan,kaya naman pala,busy sa kakapindot sa cellphone,at malamang,ang bruhildang si Paige ang katext nito.


"Tatawagan ko po ang agency na pinanggalingan din ng driver namin at babalitaan ko na lang po kayo" sabi pa ni Kuya Pao na kukuha sana ng grahams pero naubos ko na,natawa pa ako sa reaksyon nito ng manlaki ang mga mata.


"Thats good ijo" ani Papa.


"Oy inubos mo?" gulat na sabi ni Janssen na ngayon palang sana kakain.


"Nagutom ako eh,puro pag pindot kasi inuuna mo" pagtataray ko dito.


"San mo dinadala mga kinakain mo?" sabi pa ni kuya Pao na manghang mangha sa kakayahan kong lumamon.


"Sa bowl syempre" sagot ko na ikinatawa nilang lahat. Napatingin naman ako kay Mamaw na nakanguso o may iningunguso.


Luh?! Gusto na naman nya ng kiss? Nakakarami na sya?! Wala pa nga kaming relasyon,saka hindi ko sya gusto,si Popoy gusto ko,pang gulo lang tong mamaw na to.


Gulat na lang ako ng lumapit sya at tinanggal ang chocolate sa gilid ng labi ko gamit ang daliri nya.


Nakaramdam na naman ako ng kakaiba! Grabe tong mamaw na to! Kung anu-anong pinaparamdam sa akin!


"Ang sweet" sabay na sabi ni kuya Pao at Janssen na mga naka ngisi. Kita ko namang napangiti si Mama at si Papa tumaas ang dalawang kilay.


"Are you two already a couple? Huh Kreyd and Prue?" seryosong sabi ni Papa. Bigla ako kinabahan ng buong husay.


"Naku Pa hindi po!"/Manliligaw pa lang po" halos sabay naming sabi ni Mamaw.


Napalingon ako sa kanya pati sina Mama at Papa,sina kuya Pao at Janssen naman nag apir pa! Mga walangya!


Waaahhh! Bakit parang uminit ang paligid?


"Seryoso ka ba?" ani Mama. Nabaling na naman ang tingin ko kay Mama. Si Kreyd naman ay parang hindi na mapakali.


Ayan kasi! Pabigla bigla! Hindi pa nga ako pumapayag sinabi na agad kina mama! Patay ako nito T_T


"O-opo basta po huwag nyong tatanggalin sa trabaho si Itay" parang ninenerbyos na sabi nito.


HUH? Anung sinasabi ng mamaw na to?!


Bigla lahat sila nagtawanan,lalo na si Papa,ngayon ko lang sya nakitang galak na galak,kita na nga brain cells sa kakatawa eh haha! Charot lang! XD


"ijo,nakalimutan mo ata na matagal ng hindi namin driver ang tatay mo,mas mayaman pa nga kayo sa amin,ninenerbyos ka ba? Huwag kang mag alala,payag kaming ligawan mo si Prue" galak na sabi ni Papa,napakamot na lang sa batok si Kreyd at napangiti.


At ako? Nalaglag ang panga ko sa sahig. Seriously? Pinayagan nila manligaw sa akin si Mamaw? Dapat si Popoy din!


-----


9pm katatapos lang ng dinner,nandito ako sa pool at tinatampisaw ang aking mga paa,taka lang ako bakit hindi pa tumutubo ang mga kaliskis? Diba ang mga sirena pag nabasa ng tubig ay bumabalik ang buntot? Hahaha joke lang!


Ayon,nandito ako,nagmumuni muni,iniisip ang mga bagay bagay,si Kreyd,na talagang desidido na ligawan ako,mula nung araw na umamin sya na gusto nya ako hindi na natahimik ang isipan ko,lagi ko syang naiisip,pero pag nandyan naman sya sa tabi ko eh para kaming aso at pusa,pero masaya ako.


Si Popoy,alam kong matagal ko na syang gusto,pangarap ko nga sya eh,pero bakit ganun? Kahit magkasama kami o pag nag uusap kami,hindi ko nararamdaman sa kanya yung mga nararamdaman ko kay Kreyd.


Posible kaya? Totoong may kapangyarihan si Kreyd? Pero san nya nakuha? O_o ?


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?"


Nilingon ko ito,si Popoy,nakangiti,tumabi sya sa akin at nilublob din ang mga paa sa pool.


"Hindi naman,tamang muni muni lang" sagot ko "Kamusta ang school?" dagdag ko pa at tumingala para tingnan ang kalangitan. Napaka payapa ng gabi,nakalatag sa kalangitan ang madaming kumikinang na mga bituin.


"Ayos naman,medyo stress,malapit na kasi ang exams eh,ikaw kamusta?" sagot at balik tanong nya.
Hindi ako sumagot,at imbis nga na sumagot ay nagtanong ako.


"Poy,pano mo malalaman at masasabi sa sarili mo na nagmamahal ka na?"


Bumuntong hininga si Popoy bago sumagot kaya nagtatakang nilingon ko sya.


"Masasabi mong mahal mo na ang isang tao pag sya na lagi ang iniisip mo,sobrang masaya ka kapag kasama mo sya,at pag napapalapit sya sayo sobrang lakas ng kabog ng dibdib mo." sagot nya habang titig na titig sa akin. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo habang nagtititigan kami.


Can this be love Im feeling right now?


Teka? Bakit parang nadidinig ko boses ni Sarah Geronimo? Ugh!


"Sige na Prue,mauna na ako,maaga klase ko bukas" pagpapaalam ni Popoy at ni-pat pa ako sa balikat.
Anong nangyari?


Makatulog na nga din,ayaw ko i-stress ang sarili ko sa kakaisip,nakakapangit daw yon eh.


Ng maka akyat na sa kwarto ko ay nagpalit na ako ng paborito kong PJ! Ang chibi chibi PJ, kasama to ng chibimoon towel ko,pinabili ko pa talaga kina Mama at Papa to sa Japan ng ma assigned sila dun ng 2weeks.


Nakahiga na ako,paikot ikot sa kama,kaliwa,kanan,kaliwa,kanan,dapa,tiyaha.


Waaaahhh! Hindi ako makatulog! Naiisip ko yung pagpayag nina Mama at Papa na ligawan ako ni Kreyd,naiisip ko si Popoy at ang sinabi nya.


Sinubsub ko ang mukha ko sa Queen Serenity pillow ko and finally,nagtagumpay naman akong makatulog.


Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko,pagtingin ko ay 7:45am na.


OMGSH! Ayoko na ma late! Yan yung first subject namin na terror ang prof! Basta nabanggit ko na sya sa mga nakaraang chapter! Dali dali akong naligo at nagprepare.


Buti available ang natitira pa naming driver kaya nagpahatid ako. Ng makarating sa school ay lakad takbo ginawa ko papuna sa Dept.Bldg namin ng harangin ako ng impaktang si Venus.


"Hoy bakla!!" mataray na sabi nito.


"Oh bakit squatter? Umalis ka dyan at late na ako" taas kilay ko ding sagot sa kanya. Ha! Hindi nya ako masisindak kahit kailan.


"Hindi ko palalampasin ang ginawa nyo sa akin! Magbabayad kayo!" asik nito. Psh! Ganda nga,ang pangit naman ng ugali,sarap ibalibag eh.


"Sabihin mo kung magkano ng maisampal ko sa pagmumukha mo,tsupi! Alis! Male-late na ako" sabi ko at binunggo si Venus at nilampasan ito.


"Humanda ka talaga! May araw ka din!" pahabol na sigaw nito na nanggigilaiti labas litid pa,maputol sana!


"Sabihin mo kung kailan,darating ako,hihi" pang iinis ko pa saka sya tinalikuran at tinungo ang dept.Bldg namin.


Pano kung manghingi nga sya ng pera? Hala?! XD Tss! Panira sya ng magandang mood.


At pumasok na ako sa room.


CHAPTER 17



Kreyd's point of view


Dumating na ang araw ng acquaintance,excited na ako syempre at si Prue ang date ko,hindi na sya nakatanggi ng sabihin ng parents nya na ako ang susundo sa kanya haha!


"Mukhang excited ang mokong ah? Atat ka na makasama si Prue? Eh lagi mo naman kasama sa school yon" ani kuya Khyron habang nandito kami sa leisure room at naglalaro ng xbox.


"Syempre kuya iba to,date to no" sagot ko at ngumisi. "ayan! Talo ka! Kaw ulit magluluto ng lunch" sabi ko pa at tumayo na,kamot ulong tumayo din sya at ini off na ito.


"May magagawa pa ba ako? Pero bilib din ako sayo,dami daming babae dyan sa kagaya pa nya ikaw nagkagusto" sabi ni Kuya Khyron ng palabas na kami sa leisure room,tumigil ako at hinarap sya.


"Kasi kuya walang pinipili ang puso pag nagmahal,someday pag nagmahal ka din ng kapareho mo ng kasarian you will understand me" naka ngiti kong sagot.


"Haha no way! You really love him that much huh? Nasayo ang suporta ko,basta ayoko lang makakarinig ng kung anu-anong masasamang sinasabi nila senyo ni Prue,dahil I swear,I would kill them" ani kuya Khyron at ginulo ang buhok ko.


"Salamat kuya" tanging nasabi ko na lang,pumunta na kami sa kusina at sinabihan ang taga luto na si Kuya ang magluluto ngayon,nakakamiss din yung luto nya eh. Sina Nanay at Tatay pinagbakasyon nina kuya Dex 3 days ago, para daw marelax naman sila,which is a good idea,pagbalik nila pupunta naman kami sa Montenegro Mannor dahil birthday ni lolo,kung sana buhay pa sina Mom at Dad mas masaya sana.


Pinapanood ko lang si kuya Khyron sa ginagawa habang nakapangalombaba. Bakit kaya hindi na naging interesado si kuya na alamin kung sino ang tunay nyang mga magulang? Sa bagay kontento na kami sa pagmamahal nina Itay at Inay,saka maganda na buhay namin at may magandang trabaho din naman si Kuya.


-----

6pm sakto ay nakahanda na ako,nagpa gwapo talaga ako para kay Prue,halos ibuhos ko na din ang pabango sa buo kong katawan.


Ngayon ko na din sisimulan ang panliligaw ng pormal sa kanya since may basbas na ako ng mga magulang nya.


Napangiti pa ako sa harap ng salamin ng makontento na ako sa ayos ko. Hindi ko din lubos maisip na hahantong ako sa ganito,ang magmahal ng bakla,noong una,akala ko natutuwa lang akong inisin at makita sya. Pero hindi nagtagal mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Ang tagal na nga din mula ng aminin ko sa kanya na gusto ko sya pero tingnan nyo at ngayon pa lang ako magsisimulang manligaw,ano ba dapat?


Tulad din ba sa babae? Hindi ko kasi alam pano manligaw ng lalaki eh.


Kinuha ko na ang tatlong rosas na puti at bumaba na,nakahanda na din ang kotse ko,agad na akong sumakay at pinaharurot iyon,excited na kasi akong makita si Prue at kung anong itsura nya ngayon.


Ng nasa tapat na ako ng mansyon nila ay bumusina na ako ng tatlong beses at ilang saglit pa ay lumabas na si Prue,bumaba na din ako ng kotse at sinalubong sya.


Halos malaglag ang panga ko ng makita sya at bumilis na naman pintig ng puso ko. Napakaganda nya. Kahit hindi sya magsuot ng pambabae o panglalaki ay lumilitaw pa din ang karisma nya. Ang damit nya ay yung sakto lang pero bagay na bagay para sa fashion ng mga gaya nya,wala din syang make up at ayoko syang makitang may make up. Ang buhok nya ay nakatali lang ng simple. Kumbaga kung idedescribe ko sya ay simple but gorgeous.


Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat sabay sabing "Lets go my gorgeous one,hinihintay na nila tayo".
Ngumiti lang sya at sumakay na,umikot na ako at sumakay sa at inistart na ang makina.


"Ang ganda ganda mo,akin ka lang" sabi ko bago ko muling pinaharurot ang sasakyan kahit hindi pa man sya nakakasagot.


Kwentuhan lang kami habang nasa byahe,at ng makarating kami sa Venue,na isang gazebo ay kinuha ko na ang tatlong rose,mabilis na bumaba at pinagbuksan ulit sya ng pinto.


"For you" sabi kong nakangiti sabay abot ng tatlong rosas.


"Thank you Kreyd" nakangiti nyang sabi habang nagbablush at tinanggap ito,hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil sa karismang lumalabas sa kanya pag nagbablush,nakakapang lambot ng tuhod.


Hinawakan ko ang kamay nya at pinaghugpong sa akin,dama ko yung kuryente. Naglakad na kami papasok at hinanap ang mga disegnated naming lugar.


Nakita ko si Artemis sa table ng section namin kaya umupo na din ako. Gwapong gwapo din si gago eh,malamang para kay Piper.


"Kreyd,isayaw mo ako mamaya ah?" napatingin kami sa nagsalita,si Venus. Though I dont like her,ayoko namang maging bastos kaya ngumiti at tumango lang ako,maganda sya lalo ngayon na lalong pinatingkad ng suot nyang gown na kulay black at backless,pero hindi talaga ako ma attract sa kanya,kahit na lantaran ang pinapakita nyang pagkagusto sa akin ay umiiwas talaga ako,hindi ko din alam sa kanya kung bakit ayaw nya akong tantanan,alam naman nilang lahat na si Prue ang mahal ko,bagay na talagang kinagagalit nitong si Venus na hindi ko maintindihan kung bakit since in the very first place ay hindi kami at hindi ko sya ginusto,lalo ko syang inayawan at iniwasan nung may mga ginagawa na sya kay Prue na hindi makatarungan.


Nagkwentuhan lang kami ni Art hanggang magsimula na nga ang program,then napunta na sa kainan. Ng matapos ang kainan ay konting mga palabas muna sa pangunguna ng mga student councils at sumunod na ang sweet dance.


Kanya kanya ng kuha ng partner ang mga kapwa ko estudyante at nag sayaw ng sweet,uunahin ko munang isayaw si Venus dahil mamaya sa last dance ay si Prue ang gusto kong kasayaw para diretso alis na din kami,dadalhin ko sya sa bahay para makapag usap ng masinsinan.


"Tara na Kreyd at isayaw mo na ako" sabi ni Venus na pinaunlakan ko na,ngayon lang naman to,nagpunta na din kami sa gitna at sumayaw ng sweet,hinanap ng mga mata ko si Prue,at nakita ko syang nakatingin samin ng blangko ang ekspresyon ng mukha.


"You know Kreyd,I really really like you mula nung una pa lang" nang aakit ang boses na sabi ni Venus at inilingkis pa nya lalo ang mga kamay nya sa aking batok at idiniin ang katawan sa aking katawan,naramdaman kong nagreak ang pagkalalaki ko.


Awkward.


"Alam mo naman Venus kung sino ang mahal ko,lets just be friends,tigilan mo na si Prue at kakalimutan ko mga kasalanan mo" sagot ko. Ngunit hindi sya sumagot,idiniin pa nya ang katawan nya sa akin at parang ikiniskis nya ang harap nya sa aking alaga. Im really having a boner at pinagpapawisan na ako. Hindi ko makita ang expression ng mukha ni Venus dahil nakasandig ang ulo nya sa aking dibdib.
"Hmmn.. I guess kailangan ko na iyong tanggapin. Sige lets just be friends" aniya kumalas sa pagkakalingkis sa akin at hinimas ang aking pagkalalaki na hindi naman din mapapansin ng iba.


Shit this girl!


"Venus what are you doing?!" pasigaw kong bulong.


"Wala pa no? So friends? Tara at mag inum" naka ngisi nitong sabi at hinila ako pabalik ng table namin. Hindi ko maintindihan kung anung gusto palabasin ni Venus,napaka tuso,hindi ako naniniwalang titigil sya.


Ng maka upo ay kinalma ko ang sarili ko para mawala ang paninigas ng aking ari. Wew! Montik na yon,kailangan ko na talaga lumayo sa babaeng ito.


Para akong nauhaw kaya ininum ko ang juice sa baso ko.


"Gosh! May nakalimutan ako sa kotse!" ani Venus. "Pwede mo ba akong samahan sa parking Kreyd?" baling pa nito sa akin. Nagtataka man ay sinamahan ko sya.


Ng makarating sa kotse nya ay nagulat pa ako ng buksan nya ang passenger's seat hindi ako nakapalag dahil nakaramdam ako ng matinding hilo,parang lumilindol,napasandal ako at napapikit.


"Gotcha!" dinig kong sabi ni Venus bago magdilim ang aking mga paningin.

CHAPTER 18


Prue's Point of view


OMGSH?! Totoo ba ang nakikita ng magaganda kong mga mata?! Shit that Venus! Anong palagay nya dito sa venue? Motel? Kitang kita ko kung pano nya hawakan yung ano ni Kreyd! Duh!? Ang cheap nya.

Nakaka kulo ng dugo!


"friend kawawa naman ang tissue gunit gunit na"


"Pigilan nyo ako! May kakalbuhin akong babae!" gigil kong sabi.


"Huh? Sino?" takang tanong ni Paige at tiningnan ang tinitingnan ko.


"Oh,I see.." anito. Kaya nilingon ko sya na kunot noo.


"Hindi mo ba nakikita?! She's, she's... Ugh! Shit" sabi ko na lang. Ewan,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,naiinis,nabibwisit,nabubugnot! At yang Venus na yan! Si Kreyd pa talaga? Eh akin yon eh! I mean nanliligaw yon sakin eh!


"Selos ang tawag dyan friend,ayon oh,paupo na sila,why dont you come over there at yayain sumayaw ang mamaw" ani Paige at uminum ng juice.


"Selos? Duhh?! Si Popoy ang gusto ko noh,saka bakit ako magyayaya sa kanya sumayaw? Sabi nya ako date nya so he should do the honor" pangangatwiran ko. Selos na nga ba tawag dito? Ugh! Pagbubuhulin ko kayo Kreyd at Venus! You will see!


"Exactly,he is your date,so dapat sayo sya ngayong gabi,go ahead,make a move" sagot ni Paige sa akin. "Uh oh,mukhang paalis na sila friend,look" dagdag nito sabay turo kina Kreyd at Venus na palabas na nga ng venue.


"That bitch! Napaka mang aagaw nya! At yang gagong mamaw na yan sabi manliligaw sa akin pero iba kinakalantari? The nerve!" hindi ko mapigilang sabi

.
"Oh really? Ano pang tinutunganga mo dyan? Sundan mo na! Huwag kang slow poke!" ani Paige at kinaladkad kami palabas. Huli na dahil may nakita kaming kotseng kaka alis lang.


"Nahuli tayo,sayang"


Hindi ako sumagot,pakiramdam ko parang kinukurot ang puso ko,isipin pa lang na magkasama sila parang hindi ko maatim,pano pa kung maghalikan sila? Pano pa kung sobra pa dun ang gawin nila?


Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Selos nga ba to? Kaya nasasaktan ako ng ganito? Sa sobrang frustration ko ay napasabunot ako sa sarili.


"Mahal mo na?" seryoso ang boses ni Paige. Hinarap ko sya at hindi ako umimik. "Dont cry Prue,nagsisimula pa lang ang lahat" at pinunasan nya ang luha ko na hindi ko man lang namalayan na pumatak na pala.


I guess dapat ko ng aminin sa sarili ko,na mahal ko nga si Kreyd,kaya pala masaya akong kasama sya,at pag malapit sya sa akin bumibilis tibok ng puso ko at kaya pala lagi ko syang naiisip at hinahanap. All the while ay mahal ko pala sya,infact matagal ko na pala syang mahal.


"Oo,mahal ko sya" mahina kong sagot. Ngayong gabi,inamin ko na din sa wakas na mahal ko ang mamaw na yon.


"Good,ang gusto kong gawin mo ngayon ay pumasok sa loob at magsaya,bukas natin pag usapan ang lahat,on how we can change the course of Venus's plan,I smell something wrong kasi" sabi ni Paige at muli kaming bumalik sa acquaintance.


-----

Kreyd's Point of view


Nagising na lang ako sa init ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto.


I dont remember na nakauwi ako? Ang huling natatandaan ko eh nahilo ako sa kotse ni Venus.


Venus? Shit!


Tiningnan ko ang hinihigaan ko. Damn! Katabi ko si Venus! Nasan ba ako? Hindi ko ito kwarto ah?!
Tiningnan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot,pati si Venus tiningnan ko.


Ganun na lang ang kaba ko na pareho kaming walang saplot. Shit! Fuck! Anong nangyari? Anong ginawa ko? Agad akong bumalikwas ng bangon,nakita ko ang mga damit ko sa sahig at agad ko itong dinampot at nagmamadaling magbihis.


"Ganun lang yon Kreyd? Pagkatapos ng nangyari sa atin basta basta ka na lang aalis?"


Shit! Nagising sya. Mabuti na lang nakapag bihis na ako.


"Ano bang sinasabi mo Venus? Wala akong maalala,uuwi na ako" inis kong sabi. Tangina naman,pano ako napunta sa ganitong sitwasyon?


"How dare you! Pagkatapos ng nangyari sasabihin mo yan?!" galit na sabi ni Venus at ibinalabal sa katawan ang kumot. Napatingin ako sa kama. Shit! May stain ng dugo.


"A-ako ang n-nakauna sayo?" kinakabahan kong sabi,napalunok ako. Bakit ganun? Wala talaga akong maalala?


"Oo,at dapat panagutan mo ako Kreyd"


"What?! Nababaliw ka na ba?Hindi naman kita nabuntis! At wala akong matandaang may nangyari sa atin!" bulalas ko. Naiinis na ako,alam ko na kung san papunta ang lahat ng ito.


"What if magbunga Kreyd? Ikaw nakauna sa akin,ikaw nakakuha ng virginity ko! Kaya dapat akin ka na"


"Hindi pwede yang gusto mo Venus,hindi mo ako mapapaikot" buong tatag kong sabi,alam na alam ko na ang pinupunto nya.


"Okay then,sasabihin ko kay Dad na pinilit mo ako,makakarating to sa mga magulang mo,at lalo na sa buong angkan ng Montenegro, you have your choice,ang maging boyfriend kita at pakasalan mo ako sooner or ang kahihiyan mo at ng buong angkan mo,leave it or take it Kreyd,madali akong kausap" ani Venus habang pinupulat ang mga damit nya sa sahig.


Napabuntong hininga ako,mukhang na corner ako ni Venus,agad syang nakagawa ng kulungan para sa akin,ayaw ko din namang malugmok sa kahihiyan ang pamilya at angkan ko ng dahil sa akin,that would be too much.


"Bakit mo ito ginagawa Venus?" frustrated kong tanong,na para bang makakakuha ako ng paraan para matakasan ang lahat ng ito sa magiging sagot nya.


"Umpisa pa lang Kreyd sinabi ko na sayo,gusto kita"

10 comments:

  1. Ang sama mo venus...kawawa c prue inamin .n.p nman nya n mahal n niya c kreyd. Galing mo tzekai. Tnx

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha thanks,lalo ka maiinis kay Venus sa chapter 19 :)

      Delete
  2. prang ayaw ko na bshin nxt chapter kainis kc..JOWK lol
    pakibilisan lng po update

    tnx
    AtSea

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha naka ready na po ang chapter 19,20 at 21 :3

      Delete
  3. anglandi ni venus. Sarap ipasok sa banga!!!

    ReplyDelete
  4. anglandi ni venus. Sarap ipasok sa banga!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha pagpasensyahan mo na si Venus,ganyan talaga sya xD

      Delete
  5. anglandi ni venus. Sarap ipasok sa banga!!!

    ReplyDelete
  6. gusto ko si venus....

    ReplyDelete
  7. grabe, ang ganda ng flow ng story, sito pa lang mag sisimula ang nag babagang laban ni prue at ni venus, go prue!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails