Followers

Monday, June 3, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory chapter 15

Written by: Tzekai


_________________________________________________________
                                                                                KEViN BALOT as PRUE

                                                                                  

                                                                                          ARDiE as KREYD

                                                                                        TEEJAY as POPOY



AUTHOR's NOTE:
Pasensya na po kung natagalan ang update,sabi ko naman inuuna ko ang ang posting nito sa wattpad at may tinatapos pa akong kwento heheh ;) anyways, keep your comments coming po, isa yon sa mga nag momotivate sa akin, maraming maraming salamat po ;)
__________________________________
Prue's Pov

"Prue! Saglit lang! Hintayin mo ako!" dinig kong sigaw ni Kreyd habang hinahabol ako. Tumakbo nga ako,baka maabutan pa ako ng mamaw na yan! Naiinis pa din ako sa nangyari!
Bwisit yang Venus na yan! Bwisit yang Mamaw na yan kung bakit pa naging gwapo at hinahabol ng baliw na Venus na yon! Naiinis ako! Naiinis!
Pagkalabas ko ng campus ay nagpalinga linga ako. Bakit walang dumadaang jeep?
Nyemas! Wag naman ngayon! Kailangan ko ng umuwi!
"Prue"
Wala na,naabutan na ko ng kurimaw na mamaw hayst!
"Prue mag usap tayo" anito at hinawakan ako sa braso,pumiksi ako,iniwasan ko ding tingnan sya sa mga mata,diba nga may pagka engkanto yang mamaw na yan? Pagtiningnan ko sya sa mata para akong hinihigop,para syang Vacuum! Janitor fish!
"Wala tayong pag uusapan,umalis alis ka nga dyan! Para makauwi na ako,nanlalagkit ako eh!" inis kong sabi habang patuloy pa din sa pag aabang ng Jeep. Kung bakit kasi hindi pwede yung isa naming driver pag ganitong time,dalawa lang silang Driver,dati ang tatay nyan ni Mamaw at yung isa naming Driver pero mas lagi dati ang tatay ni Kreyd.
"Kailangan natin mag usap,tungkol kay Venus at sa acquaintance,at saka,kung gusto mo ako na din ang maghahatid sayo" anito na napapahawak pa sa batok.
Hoy! Huwag kang gaganyan ganyan porket kyut ka sa ganyang gesture? Hindi mo ako maaakit! May Popoy na ako! Psh!
Tama! Kay Popoy ulit ako magpapasundo.. Ay.. May klase nga pala yun ngayon =__=
"Venus? Wala ako paki sa kanya! Magsama kayo! Lumayo layo ka nga sa akin at baka biglang sumulpot na naman yon at mapadali pa buhay ko! At saka hindi na ako pupunta sa acquaintance! Bahala ka dyan! Si Venus ang idate mo! Buset!" tuloy tuloy kong sabi,walang hingahan yan teh! Try mo? :p
"Pwede ba tumahimik ka saglit para mapag usapan natin ng matino ito!" inis din nyang sabi. Bah? Sya pa may karapatang mainis?
"Hoy! At bakit ikaw pa ang inis? Huwag kang umarte sakin ng gan---" hindi ko na natuloy ang pagdaldal ko.
Humarang kasi ang labi nya sa labi ko. Nanlaki mata ko.Para akong nanginig at nanlambot ang tuhod ko kaya napakapit ako sa batok nya para hindi ako mapaupo,tapos yung sikmura ko parang hinahalukay at bakit parang may music pa akong naririnig?
Ng gumalaw ang dila ni Kreyd papasok sa bibig ko ay parang dun lang ako natauhan at itinulak sya. Hingal na hingal ako,para akong kinapos ng hangin,para akong nag marathon,nanginginig pa din ang tuhod ko.
"Oh edi natahimik ka din" nakangisi nitong sabi sabay kindat, nag init ang mukha ko,alam ko namumula na ako. Napatingin ako sa paligid.
Unyemas! Ang daming nakatingin! Walangya ka mamaw! >_<
Napaupo ako ng tuluyan,hindi ko na napigilan ang paglambot ng tuhod ko. Grabe! Manghihigop sya ng lakas! Bakit si Popoy hindi ako nakakaramdam ng ganito? Mamaw nga talaga ang Kreyd na to!
"Uy! Anong nangyari? Okay ka lang? Tara hatid na kita" aniya sabay lapit sa akin at inalalayan ako makatayo.
"Mamaw ka talaga! Hampasin kita ng T-square na nasa bag mo! Ilang beses mo na ako pinagsamantalahan at ninakawan ng halik?" sabi ko pa habang nauuna maglakad papasok ulit sa campus papunta sa parking kung saan nandun ang kotse nya.
"Whoa! Parang sinasabi mong minolestya kita?" sagot nya at sinabayan ako sa paglakad.
"Hindi nga ba? Kung alam mo lang na hindi ako pinatulog nyang halik mo dati! Buset ka" inis kong sabi at ikinagulat ko ng tumigil sya sa paglakad at humagalpak ng tawa.
At dun ko lang narealize kung anung sinabi ko. Shet! Dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin! Baka kung ano pa isipin ng mamaw na to?
"Ganon pala kalakas epekto ko sayo? Dont worry ako din hindi nakatulog nun,at dun sa sinasabi mong pananamantala,pasensya na,nakaka akit kasi ang mga labi mo,at dun sa pang momolestya,hindi ko iyon balak gawin kung hindi ikaw ang magyayaya" aniya at kumindat ulit. Para akong napipi sa sinabi ni gago.
Ano daw? Pwedeng pakiulit?
"Hmp! Tse! Conceited mamaw!" sabi ko at lumapit na sa kotse nya. Pinagbuksan naman agad nya ako ng pinto kaso hindi maalis yung pagkakangisi nya at yon ang ikinaiinis ko.
Pagdating sa bahay ay nagtaka pa ako na naka park pa rin ang kotse namin.
Hindi pumasok sa work sina Mama at Papa?
"Tara Kreyd,tuloy ka muna,mukhang nandito sina Papa"
Agad na nga kaming tumuloy,sa maliit na gate kami dumaan at nagtuloy tuloy sa front door. Pagbukas ko nito,nagulat pa ako na nandito si Kuya Pao at Janssen.
"Oh anak,nandito ka na pala,mabuti at isinama mo si Kreyd" ani Mama ng makalapit kami,nag manly hug naman sina Kreyd at Janssen,diba nga tropa na sila?
"Magandang tanghali po Tito,Tita at kuya Pao" bati ni Kreyd at nag bless pa. Wow ha? Ako nga bihira kong gawin iyon eh.
"Anak bakit parang nanlalagkit ka?" puna ni Papa. At doon ko lang naalala na ito nga pala ang rason kung bakit ako umuwi.
"Yon nga Pa,natapunan kasi ako sa cafeteria,wala akong dalang extra shirt,sige po maliligo muna ako" sabay baling kay Kreyd "Oy dito ka muna maliligo lang ako".
At agad na din ako umakyat sa kwarto ko,naghahalungkat ako sa aking wardrobe, naks! Wardrobe ang peg! Ng tumunog ang phone ko,pagtingin ko si Phoebe kaya agad kong sinagot.
"Hello? Anong nangyari?" agad agad kong tanong dito,kasi nga diba huli ko silang nakita kanina eh pinagtutulungan nila si Venus.
"Nasan ka?" sagot naman nya.
"Nandito na sa bahay,hinatid ako ni Kreyd,andito nga rin si Janssen at kuya Pao" sagot ko naman at tumungo na sa kama para ilapag doon ang napili kong isusuot.
"Taray mo friend ah? Lumelevel up ka na!" pang iinis nito saka tumawa.
"Nagagawa mo pang tumawa? Anong ngang nangyari bruha ka!"
"Eto,kalalabas lang namin ng Disciplines Office,naloka si Mr.Chancellor at kami na naman daw,pero keri lang friend,mas nagisa si Venus" anito. Oo nga pala,may una ng kasalanan ang babaeng yon.
"Sa susunod deadmahin na lang kasi" pangaral ko pa.
"Ows? Hindi nga ba't ikaw ang unang nagpaka amazona? Anyways yon lang ang itinawag ko,sige nandito na si Prof" anito sabay end call.
Tamo tong bruhang to?! Hindi man lang ako pinag babye?
Inilapag ko na ang phone sa kama at pumasok sa Bathroom,kailangan ko marefresh at makapag isip pano ako titigilan ng Venus na yan.
Matapos makaligo ay itinapis ko na sa sexy kong body ang aking sailor chibi moon towel at lumabas ng banyo.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Kreyd.
Shet! Bakit hindi ko nailock?

5 comments:

  1. Umuusbong na ang relasyong prue at mamaw...nakakiss pa ang mamaw. Thanjs tzekai for dis cute chapter.

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. malapit na po akong makapag update ng sunod sunod :)

      Delete
  2. KILIG MUCH?! Hahahaha.
    Si Kreyd, ang hilig sa halik ni hudas ah. Hobby? Haha.
    Sige po,

    Ang ganda ng po ng kwento. Keep it up!

    -J

    ReplyDelete
  3. KILIG MUCH?! Hahaha.
    Si Kreyd, ang hilig sa halik ni hudas. HOBBY? :D

    Ang ganda na po lalo.

    Keep it up!

    -J.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails