Followers

Thursday, November 21, 2013

PLaRO-Chapter 5 " simpleng araw?"

salamat po sa mga nagbabasa pa rin...

magpopost po ako ng isang short story next week

if you want to talk with me ..

fb. https://www.facebook.com/iwillkillyousoftly

sa wattpad acct ko po 1 week mauuna po akong magpost dun and then dto na po sa MSOB:)

http://www.wattpad.com/user/tridentaquos

GRACIAS

-Trident-

..................................................................................................................................................................................



Jero's POV

5:30 AM- Tuesday

 ♪ ..Booty work ,booty work..boo..boo..booty work .. ♪  -Alarm
Hahahahaha..........Astig ng alarm ko nu? kinuha ko ang aking  cellphone at pinatay ang alarm, pagkatapos ay may text pala akong hindi nababasa, marahil madaling araw o kanina ko lang natanggap.

09478739823: Good morning, Don't forget to eat your breakfast and hav a nice day--4 AM

Kanino kaya ito? ang aga naman magtext tulo laway pa ako sa mga oras na ito eh!! hahahah. Inayos ko muna ang mga gamit na kailangan ko sa school. Pagkatapos ay naligo na rin ako.

Sa aking paliligo ay may mga ritwal akong ginagawa...yung kasama ko si mariang palad.!! basta hahah MEDYO MAEL ako hah ..malibog...Naligo na ako at nagbihis ng uniporme pamasok sa school,magegel,magpapabango,magaayos ng buhok na tatagal lang naman ng 25 mins.ahahh.

Pagbaba ko ay bungad na bungad agad ang mukha ng maganda kong ate na mapangasar. Clarita Cruz ang totoo niyang pangalan pero ayaw niyang magpatawag sa pangalan niyang Clarita,dapat daw ay Clarisse ayaw niya dahil masyadong makaluma daw..wag mo nang subukang bangitin ang totoong pangalan niya sa harapan niya kundi ay babalatan ka niya ng buhay at baka mag meet pa kayo ni San Pedro o ipababa niya sa lupa ang sundo mo..Tanda ko pa noong inaasar ko si ate habang ginagawa niya yung homework niya. Tinawag ko siyang "ATE CLARITTAAAAAA..!!" ayun ang gago hinabol ako ng may dalang meter stick  hanggang sa kabilang kanto akala mo parang witch dun sa left for dead (search mo sa google if di mo alam)  noong tumatakbo siya at hinahabol ako halos hampasin niya ako ng meter stick na hawak niya. Yun yung katawan ko naman parang na exorcist sa dami ng pasa pero mahal naman ako ni ate, Sa kanya ako nagpapatulong sa mga H.W at kung anu ano pa. Alam ni at na BI ako at tanggap na tanggap niya ako.

Back to th reality....pagkababa ko ng hagdan

"Kamusta kapatid? kain ka na at nang makapasok ka na ng school at sabay na tayo pumasok." sabi ni ate

"good morning mama,papa!" masayang sambit ko habang papaupo pa lamang.

"Good morning din iho" bati sa kain ni mama

"Good morning din at kumain ka na .." habang nagbabasa ng dyaryo si papa.

"Papa tignan mo si Jero bastusing bata ...haha binati ko di manlang ako binati din" maktol ni ate.

"Good morning din ate ..kaw pa ! makaklimutan ko ? love kita eh.....joke lang haha" Biro ko.

Ganito ang set-up namin habang kumakain kami ng aming agahan. Si papa ay panay bigay ng reaksyon sa bawat column na nababasa niya sa dyaryo at kami naman ay puro tango na lang haha..Si ate at mama ay merong sariling girl talk at ako na lang ang bukod tanging nakikinig kay papa..

Tapos na kaming kumain at lumarga na kami ni ate. Si Ate ay pumapasok bilang bank teller sa isang sikat na bangko dito sa Pilipinas (sounds like kaha de oro) wahahaha...at umalis na kami ng bahay.

Naghihiwalay na kami ni ate sa kanto dahil iba ang way niya sa way ko papuntang school.

"Ingat ka ate Clari...este ate Clarisse I love you hehehh" Biro ko kay ate 

"Wag mo nang ituloy Jero kung gusto mo pang makapasok ng buhay...I love you too bunso." Pamamaalam sa akin ni ate.

At nakasakay na ako ng jeep...


Pagdating ko sa campus ay naglakad ako papunta sa building namin.

Habang naglalakad ako ay naalala ko ang ccellphone ko at nireplyan ko na yung nagtext sa akin kanina.

To  09478739823: Good Morning din. Sino ka po? Saan niyonakuha yung number ko?-Message sent.

Papunta na ako sa room ko ng 301 para sa accounting 102 ko . 7:15 pa lang hehe, may 15 minutes pa ako para makapagpahinga at biglang may nagtext.

from 09478739823: ako to si discreetboy sa pr ...mccoy...musta Jero?

Jero: Ahm..ok naman hehe nandto ako sa room 301, musta din? saan ka?

Mccoy: Ok naman hehe..nandito ako sa court

Jero:Ano ginagawa mo diyan?

Mccoy:Secret ahhaha...sige ingat tawag na kasi ako..

Jero: Thanks ingat ka din ...

......

"HOY!!" Panggugulat ni Patrick.

"AY..ORANGE NA CHOCO (tang-na-moo)" Gulat na sabi ko
"tae ka dre ..Kung saan saan ka nagsisisulpot  haaha" habang tinatapat ko kamao ko sa kanya.

"Aga-aga Jero, kinakawawa mo bebe patrick ko" sabay lingkis ni Sahara sa braso ni Patrick.

"Hahaha Sahara baka mapikon yan si Jero ang aga aga baka mag emoteyan dito" sabat ni Patricia at bungisngis NI Dolly.

"Sorry si Sahara sa iyo, walang alam dre!!" bulong ko kay Patrick at sabay tingin kay Sahara.

at napatitig sa akin si Sahara.....Lagot ako nito...

"Kayong dalawang kumag ..ano pinaguusapan ninyo? pektusan ko kaya yang mga itlog ninyo eh." banat ni Sahara

"Ewan ko nga kung lalake si Sahara dati eh." Malakas na bulong ni Patrick sa akin at alam kong dinig na dinig ni Sahara.

"PATRICK!!narinig ko sinabi mo ...gusto mo ba malaman kung lalake ako dati?..gusto mu bang mabugbog?" sabay flex ng muscles  sa braso ni Sahara.

"Tara na Sahara...haha makita ka pa ni mam sa ginagawa mong iyan." hatak sa kanya ni Dolly pabalik sa kanilang upuan.

"Teka dre may paguusapan tayo mamaya." sabi sa akin ni Patrick

Kinukutuban ako sa maaring sabihin o tanungin ni Patrick sa akin mamaya.

At dumating ang propesora namin na si Gng. Rosales.


9:00AM

Hay naku 2 hours and 30 mins. sakit sa ulo yung tipong puro numero nakikita mo. Yung pinaguusapan ninyo tungkol sa pera at kinocompute ninyo ang mga malalaking figures ...ang masaklap , wala akong ganoong pera...hanggang compute lang kami hhaha...

Nasa school garden kaming magbabarkada nang hinatak ako bigla ni Patrick..

"Hindi na ba talaga kayo magkakabalikan ni charles, pare?" pagtatanong sa akin ni Patrick

"Huwag na nating pagusapan yan pare at alam mo na ang sagot at saan mo ba nalaman yan?" ang tanong ko sa kanya.

"Nakita ko kayo dito sa likod ng school, dito sa garden..narinig ko lahat dre.." pagamin ni Patrick

"Hindi na dapat iyon pagusapan pa, Kung narinig mo na pala ang lahat, gusto ko munang mapagisa pare, Alis muna ako, Pakisabi na lang sa tropa na babalik ako mamaya sa marketing class natin." sabi ko kay Patrick
 "Ok ..dre ...bastat kung gusto mo may mapaglabasan ng loob nandito lang ako bilang bestfriend mo Jero." sabi sa akin ni Patrick

At bumalik na si Patrick kung nasaan ang tropa..

Ako namay nagpakalayolayo  muna at naglakad muna ako papunta sa study area at naisipan kong itext si Mccoy.

Jero: Saan ka ngayon?

Busy siguro siya. Ano kaya ang ginagawa ng kumag na yun at  naisipan kong itext si Mccoy

Mccoy: Sensya hehe.....kagagaling ko lang ng shower room..Ano meron? hehe

Jero: Gusto ko lang ng kausap hehe...kakahiwalay lang namin ng ex ko.

Mccoy: Sad to hear pare..bakit ba kayo nag break?

Jero:Cheater kasi..basta mahabang kwento.

Mccoy: Ahm..ganun ba? pero kinausap mo na ba ulet para mapaliwanag yung side niya..

Jero: Hindi eh, Pero wala na akong balak kausapin pa siya,,

"Bakit ko pa ba kakausapin si Conrad?" Pagiisip isip ko

Habang ako'y abala sa pagiisip, ay may nabangga akong isang malaking lalaki..

"BLAG!!!!.." natumba ako...laki niya kasi eh

"Tae naman oh!..Hindi kasi nagiingat sa daan eh...sa susunod ingat , ingat naman." sambit ko sa lalaking nasa harapan ko habang pinapagpag ko ang aking sarili.

At pag tinggala ko...

"Sorry din dre hehe...hindi kasi ako nakatingggin sorry." sabi niya sa akin.
"Sa susunod magingat-ingat din pag may time." Pahabol ko.

at naglakad na siya papalayo....

"Si Sanchez yun ah!...yung sentro sa Varsity.." sa isip ko lamang

At itinuloy ko ang pagtext kay Mccoy...at may text pala galing sa kanya..
Mccoy: para malinawagan ka..hehe...malay mo may reason siya..dito na ako sa room, may class na kami Bye,.

Jero: I don't think sopare,sige ingat sa klase.

Mag aalas dies na at papunta na lamang ako sa susunod kong klase. Ang Marketing. Pagbalik ko sa klase, ay naroroon na ang propesor namin at nagsimula na akong makinig at magaral..

Sumapit ang lunch..
"now the class is dismiss" sabi ng prof namin.

Lahat ay nagsilabasan na ng classsroom.

"Oh! alam na ah sa meats and eats tayo kumain,!!" anyaya sa amin ni Patrick.
"Ano pa bang bago ..eh.. doon naman tayo lagi kumakain haha.." banat ni Patricia

At nagtungo na ang grupo namin sa nasabing kainan at tinext ko si Mccoy.

Jero: Mccoy, saan ka? kain na kami ng lunch, Papunta kami ng mga classmates ko sa meats and eats.
Sa di kalayuan ay may naririnig kami na mga tawanan at ingay sa paborito naming kainan.

"Ang ingay naman ng mga basketball players na yan!!!..akala mo sila lang ang kumakain dito." reklamo ni Sahara.
"OO nga" pagsang ayon nila Dolly at Patrick
"Hayaan niyo na, kumain na lang tayo at mind our own business na lang." pagtutol ko sa kanila

"Ako na oorder ng pagkain natin." pagako ni Patrick. at may tinignan siya sa parte ng mga basketball players ng school.
 ♪ ..Booty work ,booty work..boo..boo..booty work .. ♪-message tone

Mccoy: dito meats and eats kumakain ...:)

at nagreply ako..

Jero:Nasaan ka dito? (habang ako'y palinga linga)

Mccoy: basta haha gue gue happy eating...

At saktong nakatingin ako sa isang lalaki na magisang kumakain na itinago ang cellphone at sabay ngiti sa akin." Si Kuya Mak kaya si Mccoy?." tanong ko sa sarili ko.

Si Kuya Mak ay ang silahis na presidente ng isang organisasyon sa aming unibersidad. Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain at nagpahinga lang kami saglit at umalis sa sinabing kainan.

Lumipas ang oras at umuwi na kaming lahat at biglang nagtext si Mccoy

Mccoy: Nandito ako ngayon sa court nanonood ng basketball,saan ka ngayon?

Jero: Heto, Palabas pa alng kami ng school ng mga kabarkada ko , bakit? 

Mccoy: Nuod muna kayo ng Basketball..hehe..gue gue maya na tayo magtext manunuod na ako ng laro..

at may narinig kaming ..
"IIIIIIINGGGGGGGGG,..............."-BUZZER

"Start of the third quarter" sabi ng announcer

Sumilip muna kami saglit. Ang mga varsity players ng ST.LUCY ang nagallaro kalaban ang isa pang kalapit na universityang ST. DOMINIQUE.

Habang kasagsagan ng matinding laro, nang ipapasa na ni (4) Abling ang bola kay (5) Sanchez ay hindi nasalo ni (5) Sanchez ang bola sa sobrang bilis.

"PLak!!." tunog ng bola

sabay sapo ko sa aking ulo na tinamaan ng bola at natumba at napaupo ako.

"Ang sakit..arghh..kakahilo.." pagdaing ko dahil sa akit ng ulo.

"Sorry ..pare, di ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin sa akin ni (5)Sanchez, sabay abot ng kamay niya sa akin at ako'y itinayo.

"Ok lang"Paninigurado ko.

Bumalik na siya sa Laro. at umalis na kami sa campus..

"Nasaan kaya si Mccoy?...nagayaya tapos hindi magpapakita" sabi ko sa akin isipan,,



----------------to be continued----------





tragic and exage comments are accepted...peace haha 


-trident-



3 comments:

  1. Palagay ko c Mccoy at Sanchez ay iisa!

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. ok takbo ng story bitin lang. tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  3. Ung feeling na hinahabol ka ng witch sa left for dead... panic level 999999.99 :D


    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails