Followers

Tuesday, November 26, 2013

Notes Ko Sa Flash drive (Short Story)

good morning:)
readers...
sana magustuhan nio ..salamat :)

gracias

-trident-


.
....................................................................................................................................................................................
Pumunta ngayon si Max sa isang sementeryo.
Nagalay ng bulaklak,Kandila at isang panalangin para sa taong nagligtas ng buhay niya mula sa kapahamakan.
Halos taon taon sa Pagdalaw niya dito ay isang ala ala na hindi niya malilimutan.
Ang pagligtas sa kanya ng taong iyon upang maging buhay at maligaya...
Kahit na Masama ang loob niya dito ay pinatawad na niya ito dahil sa Pagligtas nito sa kanyang buhay




Flash back...



 regular day....
same routine everyday....
trabaho...sa araw
sa bahay naman sa gabi...
yan ang routine ni Max everyday at rest day niya every sunday...
isa siyang office worker ....
Encode ng mga papers,at ibat iba pang gawain sa office

isang araw hiring sa kanilang office...ay may bagong hired na mga bagong empleyado
nakita ni Max ang mga bagong empleyado sa kanilang opisina,at nakita niya na may papalapit na sa kanya.
Sa tabi ng cubicle ni Max naupo ang bagong empleyado.

"hi, good morning,ako gagamit ng table na ito. Im Raffael, just call me Raf." sabi ni Raf.

Hindi pa rin patuloy sa pag eencode si Max at hindi kinikibo si Raf.

"Ah ikaw pala si Max, Nakita ko na nakalagay na doodle sa may wall ng cubicle/area mo.Nice meeting you." sabi ni Raf 

At naupo na si Raf at nagsimula nang magtrabaho.


Lunch time at nagmamadaling tumayo si Max at napansin ito ni Raf.

"MAX!!." pag tawag ni Raf

Pero hindi pa rin siya nililingon ni Max

"Please wait" Hinawakan ni Raf sa balikat si Max

"wag mo nga akong hawakan,dre.." angal ni Max habang hawak siya sa balikat 

"Eto Max oh...phone mo naiwan mo sa table mo." sabay abot ni Raf ng cellphone ni Max

"Thanks" walang emosyon na pasasalamat ni Max

at naglakad papalayo ng mabilis si Max.sumusunod naman si Raf

"wait ,MAX!" paghabol ni Raf.

"Wag mo na nga ako sundan." Inis ni Max

"Yun ba talaga pangalan mo?pde ba malaman kung un nga?" tanong ni Raf
at nanatiling walang imik si Max

"tawagin na lang kitang max ah"...paninigurado ni Raf

"hey..max!!..gusto ko lang naman sabihin na .ang Cute mo.." pangiinis ni Raf.

"shut up! wag ka na nga mang inis" inis na sabi ni Max

"kasi ano eh.....GUSTO KITA MAX" pabirong sabi ni Raf

"wow ...ah  tantanan mo ko ha.." sabat  ni Max


at umalis na papalayosi Max. 


Kinabukasan sa Trabaho.......

"Since mataas ang sales natin, i bloblowout ko kayo ahm...magbabaguio tayo next month."sabi ni boss.

"wohoo...bakasyon din !! libre pa !! " sabi ni Raf.

"Thank you boss !!...." sigaw ng lahat

"You're welcome guys..by the way since ang rooms doon ay good for two yang mga katabi nio na ang partner nio sa rooms . bye .ahm sa next month na pala yun ah ...kaya be prepared ..mga 3 days tayo dun." sabi ni boss.

"Oh...Max partner daw tayo ..payag ka ba?" tanong ni Raf

"OO na nga may magagawa pa ba ako?? eh yun na ang utos ni boss...." sagot ni Max

"Talaga di na labag sa loob na magpartner tayo? ..yahoo...!!!" sabi ni Raf.

"Ungas!!! magpartner sa room " paglilinaw ni Max

"Oo nga sa room nga ...ano ba iniisip mo na magpartner? hehe " sabay ngiting aso ni Raf.

"Bahala ka nga diyan...tapusin ko pa itong trabaho ko." Sabi ni Max


at nag continue na sila ng trabaho



bakasyon day.
sa kwarto

"May bf ka na ba?" tanong ni Raf.

"Tigilan mo nga ako sa manga tanong na yan,nandto tayo para magbakasyon ...iwan kaya kita dito? nu?.." sabi ni Max

"ui wag naman ..fine!" sabi ni Raf


a moment of silence

"Bakit ka ba nag apply dto sa office namin sa dinami dami ng office dto pa?" tanong ni Max

"Dahil sayo.."sagot ni Raf

"Iwan talaga kita dito!"sigaw ni Max at papalabas ng kwarto

"ui JOKE LANG naman usap pa tayo.." pakiusap ni Raf.

"kaya lang naman ako lumipat kasi di ko na gusto ang mga ugali ng mga katrabaho ko ..dyan lang sa kabilang bldg.thats all"paliwanag ni Raf.

"ah ganun .." sagot ni Max

"Eh ikaw bat wala kang bf??"tanong ni Raf

"Ganun ba ako kahalatang bi ako at tinatanong mo iyan?"usisa ni Max

"Hindi naman ..ako halata bang bi ako?? expressive kasi akong tao at kapag gusto kong sabihin sinasabi ko." paliwanag ni Raf

"HALATA KA KAYA!!!...ahahaha" sabi ni Max habang tumatawa

"ah ganun.." sabay simangot ni Raf

"OI!! RAFFAEL hindi bagay sa iyo hahah."sabi ni Max habang kinikiliti si Raf.

"ahh .haahhha ...tamanaaaah Max hahaha nakikiliti ako TAMA na..!!!" tawa pa rin ng tawa si Raf

Habnag kinikiliti ni Max si Raf ay di sinasadya na pagiwas ni Raf ng kanyang ulo ay nahagip niya ang labi ni Max.

awkward moment....

namula parehas ang dalawa.

1

2

3

4

5....



sabay alis ni max sa pwesto at kinuha ang laptop at si Raf naman ay lumabas ng kwarto..



2ND DAY ng bakasyon.

awkward pa din ang samahan ng dalawa..

sa kwarto ..

"Sorry kahapon.."paumanhin ni Raf

"Wala yun kasalanan ko din naman eh ..kung hindi kita kiniliti hindi mangyayari yun.."Sabi ni Max

"Gusto ko rin naman yun ahahah ....pede isa pa?" Banat ni Raf.

"lol mangisay ka! hahaha " tutol ni Max sabay hampas ng Unan kay Raf.
at nagkaroon ng pillow fight .hampas dito hampas doon ..

at biglang ninakawan ng halik ni Raf si Max.

at may kumatok..

TOK TOK TOK.....

"Pasok" sabay na sambit nila Max at Raf.

"kain na tayong lahat ng lunch then magayos na kayo dahil lalabas tayo at maglilibot libot."

Nag take na ng lunch ang lahat then nagprepare para sa paglilibot

naglibot ang lahat pero may sariling moment ang dalawa.

sumakay sila ng kabayo..

namili ng jacket ..souveniers...nakisayaw sa mga natives..sumakay ng bangka

habang nagsasaya ang dalawa ay may nag mamatyag na mga paningin sa kanila.

Pag uwi sa kanilang tinutuluyan ..Sa kwarto.

"ahahh saya mag ikot sa buong Baguio..kaw nasiyahan ka ba?" tanong ni Raf

"ou naman sobra sobra pa nga eh hahah ..." sagot ni Max

"Masaya ka lalo dahil kasama mo ako?" Sabi ni Raf.


"Hindi no ............kapal naman ng mukha mo hahaha..gabi na at magayos na tayo"sabi ni Max


Unang naligo si Raf.

At nag open si Max ng kanyang laptop at pinasok ang kanyang Flash drive at may ginagawa

pagkatapos maligo ni Raf ay ineject Mx ang kanyang flash drive at pinatay (shut down) ang kanyang laptop.Inilapag niya ito sa kama at pumasok na si Max sa banyo.

"Oi... Max kung ano pa gawin mo dyan ah ..haha"sigaw ni Raf sa labas ng banyo.

"Gago! magbababad lang ako ..." sagot ni Max



Habang naliligo si Max
pinakaalaman ni  Raf ang Laptop ni Max ..nag browse ng konti at May nakita siyang Flash Drive sa kama..
"Ano kaya meron dito siguro porn??ahahahah " bulong ni Raf sa kanyang sarili.

Pagpasok niya ng Flash Drive at ang pangalan ay "NOTES"..

"Anong meron dito?ahah matignan nga?" bulong ni Raf

puro mga notepad...

browse
browse
browse

"PETS ARE NOT ALLOWED?....anu to?"pagtatakang sambit ni Raf

eto ang laman ng note

[hi....Mr. UNKNOWN
Ang ganda ng araw ko ngaun ..sobrang kumpleto hahahaa
(marami akong nabasa tungkol kay Max si Raf until nabasa niya ito)
May bagong Hired na employee dito sa amin ,ang cute niya hahahha...
Pagkakita ko pa lang he's so damn hot ..Maraming pogi dito sa Office pero iba siya lalo na ung nagpakilala siya ..Minsan sumisimpleng silip ako sa kanya ...Wahahahah Nakita ko yung Biloy niya ...hahah weakness ko yun eh...yung pag kakita ko sa kanya from the door alam kong siya na nga ..
and then dun pa siya magwowork sa tabi ko..grabeng biayay na to lord ahahh ..;)
Kinakausap niya ako ..kaso hindi ko pinapansin baka mahalata ako eh ahah ...Discreet ako hahaa Then nung lunch habulin ba ako ..ako naman parang walang naririnig..gusto ko na nga siya kausapin kaso ayoko nga magpahalata..
At lalong sumaya naman ako nung inamin niya na GUSTO NIYA RIN AKO....sana naman hindi joke yun...hahah papahirapan ko muna siya para malaman ko kung totoo ba....sana ganito siya sa akin habang buhay at least sumaya ang buhay ko dito sa work pati na rin ang personal kong buhay,..etc
tinutukoy ko mr.unknown ay si Raf ang Raf-Raf ko:)

reading .

reading

reading

HEy!!!..Mr unknown
Masaya ako ngayong araw ..NaKISSan ako ni Raf-Raf hahaha....i love that feeling sana maulit pa ulit tatagalan ko na...............

ciao...mr.unknown
Nagsorry si Raf -RAF ehehehhe..tanggap ko naman eh...tas humihiri pa siya ng isapang kiss....kaso yoko muna baka makahalata eh ..hahah baka maadik na ako if itrytry ko ulit (sabay bungisngis at ngiti ni Raf sa mga nababasa)..nag ikot ikot kami sa buong Baguio......humiwalay kami sa mga katrabaho namin at nagpakasaya ..iba rin kasi tong trip ni RAF-RAF eh ..hah basta sobrang saya ko ngaun....



"May Pagasa ako kay Max??...Mahal ko na talaga siya....!!! kaso paano yung?? basta sasabihin ko naman sa kanya eh sa tamang panahon.."bulong ni Raf sa sarili

Tumigil na ang lagaslas ng tubig galing sa loob ng banyo,

"Putcha ..bat ko pa la ito binasa??? ...."sabi ni Raf,

Nagmamadali siyang i eject ung usb at shutdown ung Lap top..

Paglabas ni Max...nakatapis lang siya ng twalya..

Maganda ang hugis ng katawan ni Max tamang tama lang sa kanya.

"woot woot.." sipol ni Raf.

"pakyu..."sabay middle finger ni Max

"woi Max wag mu akong hamunin hahah ...are you seducing me??if yes, then you won..haha"Biro ni Raf kay Max

namula si Max

"Magbibihis na nga ako at matulog na tayo." sabi ni Max habang papunta sa Bag niya.

"Oi sungit ka nanaman o di na kita bibiruin...SEXY HAHAHA" Biro pa din ni Raf .

Hindi man lang umimik si Max

at bigla niyang sinabi.

"Oi umalis ka dyan sa Kama ko matutulog na ako."sabi ni Max

"oi Max wag naman ganyanan..."buyo ni Raf kay Max

Nagtalukbong ng kumot si Max

AT NAMUMULA SI MAX!!

"hahha i love you Raf-raf"bulong ni Max sa sarili

Inuugoy ugoy pa din ni Raf si Max...

"Tumigil ka na nga Raf...!!!"sabay ngiti at nagtawanan ang dalwa buong gabi..



nagikot sila for the last day nila sa baguio..


nagpatuloy ang kulitan ng dalawa hanggang sa paguwi nila sa Manila.
Parang magsyota sila kung ituring kung hindi mo sila kilala.
Pero ang tingin nila sa isat isa ay pawang mag best friend ....BEST FRIEND nga ba? hanggang sa...


after 3 months.

"Max...punta ka dito sa greenfield may sasabihin ako"-Text ni Raf
"Gue Raf pupunta ako wat tym ba?"-reply ni Max
"7:30 PM sharp..:) see you later "-Text ni Raf

...Dumating ang 7: 30 @ greenfield

"Max pumasok ka kaya dto sa loob ng resto at hindi ka dyan sa labas ....haha"-Text ni Raf

"Oo na ..eto na nga papasok na oh..Bat ikaw lang ang nandyan? nalugi na ba ung resto na yan?"-Reply ni Max

"Bsta ..papasok ka na lang ingay pa eh ahha "-Reply ni Raf

pumasok na si Max sa loob ng Resto.

"Anong pakulo to Raf? ahha" Sabi ni Max

"Wala lang kakain lang tayo hhee" biro ni Raf

"WOW....sarap ng soup wahhh..haha" puna ni max sa pagkain.

At napangiti na lamang si Raf sa inastang parang bata ni Max.
Kumain sila at pinagusapan ang kung anu anong mga bagay bagay na napagkakasunduan nilang dalawa.

"Wahhh blueberry cheese cake.... at ice cream ,Thank you Raf ahhaha ...tagal ko nang di nakakain nito sa sobrang busy naten sa work,," masayang sabi ni Max

HANGGANG,,,,

"Raf may nakain akong kakaiba...kasama ba to sa cake??" tanong ni Max
nakapa na ni Max ng dila niya ang bagay na nakalagay sa cake.

"Sing sing?....bakit Raf?" tanong ni Max.
sabay punta ni Raf sa harapan ni Max at sinabing

"Can you be my Boyfriend?" sabi ni Raf kay Max sabay luhod.

"Raf? seryoso ka ba dyan sa pinag gagawa mo?" tanong ni Max

"Max kahit everyday kitang binibiro seryoso naman ako ..lalo na pagdating sayo." paliwanag ni Raf

"Can you promise that you will love me forever even if you see my flaws and dark secrets that I have." tanong ni Max.

"Yes,I do ....so can you be my boyfriend now?"Tanong ni Raf

"Last question ano nagtulak lakas gawin to ..paano kung bastedin kita?"tanong ulit ni Max.

"Remember when we are in a vacation in Baguio?"sabi ni Raf 

"oh? then?" sabi ni Max

"2nd day ...Habang naliligo ka ..pinakeelaman ko yung laptop mo then I saw your Flash Drive...I Browsed it and then I found some notes about your Mr.Unknown and you told him your experiences, feelings and the one you love.....and I found out na ako yun (namula si Max) ....ui namumula siya and lastly i like the way you call me ......RAF-RAF....ahahahah..sorry...that time mahal na kita" Pag amin ni Raf kay Max

"Your so bad RAFFAEL ....ANG TANGA ko talaga kung bakit napaka burara ko ...kainis.." sabay takip ng mukha ni Max

"At least nalaman kong may pag-asa ako di ba? so ...can you be my boyfriend now?...and forever.."Huling tanong ni Raf kay Max
kumuha si Max ng dalawang cherry at inilagay ng magkadikit sa plato ni Raf.

"Anu to Max?ayaw mo ba ng  cherry sa ice cream mo?..thanks ang sweet mo naman" sabi ni Raf.

"So ano Max tayo na ba???...." Tanong ulit ni Raf

"Hay naku ...kulang pa rin talaga ang neurons mo sa utak ..at hindi nag tratransmit yang dendrites mo haha ...nakita mo ba yung cherries na binigay ko sau? yun ang sagot.."paliwanag ni Max

"Ano sagot dun???" pangiinis ni Raf 

"Ung hugis ng dalawang cherries.....dalawang bilog ...OO" Sagot ni Max

"YES!!! KAMI NA NG BABY MAX KO!!!YAHOOOOO!!!A ko ang pinaka masayang lalake sa buong mundo."Pagmamalaking galak ni Raf
sabay tayo niya sa upuan at yakap ng mahigpit kay Max..at binuhat niya ito ( looks like idawn zulueta mo ako lifting wahhaah)..

"I LOOOOVE YOU BABY MAX!!!PROMISE DI KITA SASAKTAN MAGPAKAILANAMAN" Pangako ni Raf

"I LOVE YOU TOO!!! BABY RAF-RAF " Sabi ni MAX.

"Kahit anong mangyari magtitwala tayo sa isat isa at walang bibitiw sa ating dalawa kahit na may dumating na problema ha BABY MAX ko." sabi ni Raf

"Oo promise BABY RAF-RAF ko..I love you ,,,"sabi ni MAX

"I love you more than you do BABY MAX KO" sabi ni Raf sabay halik ng napakatagal na binigay nila sa isa't isa




AT naging masaya ang gabi ng dalawa...............



lumipas ang mga masasayang araw,at buwan ng pagsasama ng dalawa.

Alam sa kanilang pinagtratrabauhan kung anong klaseng merong relasyon ang dalawa..

Malaman ng lahat kung ano sila ay walang pagbabago sa pamamaran ng pakikitungo sa kanilang dalawa.

Tanggap na tanggap silang dalawa .



dumating ang araw na di inaasahan at kinatatakutan ni Raf



lunch Break nila sa opisina.
Pumunta sa Comfort room si Max upang magbawas.pumasok siya sa cubicle ....
may narinig siya na mga kalalakihan na pumasok sa loob ng CR.
Kyle: Migs ....ano na nangyari sa pustahan natin nila Raffael ??hahha

"Nakipag pustahan si Raf?" bulong sa sarili ni Max

Migs :Ayun mukhang tagilid ata tayo...sila na ni Max eh

Nagpupuyos sa galit si Max sa mga nalaman niya..halos di mapigil ang galit ni max.

Kyle:kailan mo sisimulan ang pagbabayad ng pusta kay Raffael? yung libreng lunch at dinner niya for the whole year.

Migs: bukas na bukas din pre kaso nakokonsensya  ako sa giina...(biglang)


BLAG!!!

lumabas si Max sa cubicle at namutla ang dalawa sa kanilang nakita..halos hindi sila makagalaw dahil sa nakita nila si Max sa loob ng CR.

Kyle: Narinig niya ata ang lahat lahat


lumabas sila at sinundan si Max


Halos parang sasabak sa giyera si Max sa asta niya ng paglakad ung ultimong may susugurin dahil may ginawang hindi kanais nais.

HInanap ni Max si Raf at saktong nasa table nia pa ito at nagaayos ng gamit.

"Kamusta BABY MAX ko?? nag lunch ka na ba ?? sabay na tayo ..teka ayusin ko lang ito" sabi ni Raf

"Raf magusap nga tayo.....dun tayo sa parking lot sa baba" walang emosyon na sabi ni Max

Nakakutob na si Raf kung ano ang mangyayari ..natatakot siya sa kung anong maaring gawin at sabihin ni Max sa kanya.paano niya nakutuaban?? Nakita niya sina Kyle at Migs na nakatingin sa kanilang dalawa at ginantihan ito ng Raf ng masamang tingin.

Nagpunta sa parking lot ang dalawa


"Raf..Tama ba ang narinig ko sa usapan nila Migs at Kyle sa Cr?"Tanong ni Max

"Ano yung pinagusapan ba nila?"sagot ni Raf
sa oras na ito natatakot na si Raf

"Na nakipag pustahan ka sa kanila at ako ang pinagexperimentuhan nio?" Usisa ni Max

"Sorry na Baby Max please .....minahal naman talaga kita eh ..oo at first pinagpustahan ka langtalaga namin nila Migs pero nuon yun dahil narealize ko nong nasa Baguio pa lamang tayo ay minahal na kita ....."mangiyak ngiyak na sabi Raf.

"Putang ina naman Raf ...ginawa mo akong gago alam mo ba yun??? 8 months ako naniwala at nabulag sa mga kasinungalingan mo gago ka...ngayon hihingi ka ng sorry??? Napakagago mo Raf ..Pinagkatiwalaan kita....sabi ko sa sarili ko na ayoko nang sumugal pa ulit sa gagong pag-ibig na to kaso sinubukan ko ulit para sayo...ang galing mo umarte Raf Panalo ka na....panalo ka na ....sa loob ng 8 buwan na naging tayo ...nabubuhay lang pala ako sa isang kalokohan...yoko na Raf.." mangiyakiyak na sabi ni Raf.
magpapaliwanag sana si Raf at luluhod ay lumayas si Max at sinabing wag muna akong susundan..


Sinundan pa rin siya ni Raf

sa pagluha ni Max ay hindi niya alam na nasa kalagitnaan na siya ng kalsada..

iiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeennnggggg....screeech...blagg

nabangga si Max ...at himalang nakaligtas siya  pero may nakita si Max na lalaki  na nakayakap sa kanya at duguan..

"Max mahal na mahal kita ..hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa ganoong lagay..patawad kung nasaktan kita..sana ay mapatawad mo rin ako." sabi ng lalaki

at unti unti nanawalan ng malay ang lalaking kausap niya...hindi niya makita ng klaro ang kanyang paligid sa sobrang sakit ng kanyang ulo...at isinugod na si Max at ang nasabing lalaki sa ospital.




Present.

"Salamat sa pagmamahal mo ah..taon taon na pagdalaw ko dito sa puntod mo ,,ibig sabihin ay napatawad ko na kayong lahat at isa ka na rin doon..salamat sa pagsagip ng buhay ko tatanawin ko pa itong isang utang na loob..magingat ka dyan sa langit ah..isa kang tunay na kaibigan."Sabi ni Max

Habang nakatingin sa puntod ni Migs.

"BABY MAX magseselos ako niyan kay pareng Migs eh...hahah sorr pareng Migs ah akin lang kasi tong si BABY MAX KO EH....kiss mo nga si BABY RAF RAF MO DALI..."sabi ni Raf habang pisil pisil ang mga pisngi ni MAX
"OO na pede naman kasing sa bahay na lang eh..haha mwah ..I LOVE YOU BABY RAF RAF,"sabi ni MAX
"I LOVE YOU FOREVER BABY MAX...MWAH...hahah tama na baby baka magselos pa si pareng Migs bumangon pa sa hukay yan.joke lang ah wag mong gawin un Migs"Biro ni Raf



Flash back.

OK na ang lagay ni Max konting pahinga na lamang ay makakalabas na siya
Paggising pa lamang niya ay si Raf kaagad ang kanyang nakasalubong at humihingi ito ng tawad.. pinatawad niya agad si Raf dahil mahal niya nga yung tao.
"BABY MAX ko sorry ...sorry sa mga kasalanan ko sayo hindi ka madidisgrasya kung hindi sa akin..please patawarin mo na ako.."pagmamakaawa ni Raf kay Max
"Sino ka??Hindi kita..kilala ..hindi ko maalala"Biro ni Max
"BABY wag kang magbiro ng ganyan please hindi ko kakayanin..." iiyak na si Raf at napaluhod 
"oi Raffael di bagay sayo hahaha...bleeh..OO na napatawad na kita sino ba ako para hindi magpatawad ..at mahal naman kita eh  I LOVE YOU BABY KO".pag amin ni Max
"BABY sa susunod wag ka na magjojoke ng ganun ah ..ikamamatay ko pag nangyari yun." paglungkot ng mukha ni Raf
"Wag ka na nga sumimngot dyan ..may tanong ako BABY." tanong ni Max
"Ano yun?"tanong din ni Raf

"BABY RAF RAF....ikaw ba ang nagligtas sa akin?" tanong ni Max kay Raf
"hindi ei ililigtas sana kita kaso biglang may nauna sa akin at hinagip ka niya. bakit mo naitanong?" usisa ni Raf
"may sinabi kasi siya sa akin..at ang akala ko ay ikaw yun BABY RAF RAF..."sabi ni Max
"Ano ba ang sabi?" tanong ni Raf
"Ang sabi niya,-Max mahal na mahal kita ..hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa ganoong lagay..patawad kung nasaktan kita..sana ay mapatawad mo rin ako.- ayun ang sabi niya" ang paliwanag ni Max
"Gusto mo ba siyang makita?" sryosong tanong ni Raf
"Kung pwede lang BABY KO" hiling ni Max kay Raf

at pumunta sila sa isang pribadong kwarto ...

pagbukas ng pinto ni Raf ay nakita ni Max si Migs,si Kyle at ang mga magulang ni Migs.
"sige mga iho iwanan muna namin kyo para makapag usap." sabi ng nanay ni Migs

"MIgs?? ikaw ba ang nagligtas sa akin?.."tanong ni Max
"Hindi nakapagsasalita si Migs..na comma na siya " malungkot na sabi ni Kyle.
"Kyle si Migs ba ang nag ligtas sa akin saa aksidente?" tanongni Max kay Kyle
"OO Max , Si Migs ng nagligtas sayo...oo nga pala may sinabi sa akin si Migs na dapat malaman mo ngayon." sabi ni Kyle
"Ano yun Kyle?"Tanong ni MAX
"Matagal nang may pagtingin sa iyo si Migs bago pa dumating si Raffael sa  buhay mo..inamin niya ito sa akin nung panahon na nagtatalo kayo ni Raf sa parking lot. Sinabi niya sa akin na gusto ka niya kaya nagawa niya iyon..naduwag siya na ipagtapat iyon sa iyo Max..kaya ang naisip niyang paraan eh gamitin si Raf upang malaman kung Bi ka at para malaman din kung may pag-asa ba siya sa iyo ....nakipagpustahan siya kay Raf dahil sa tingin niya ay kumakagat sa pustahan si Raf na siya ngang nangyari. In times na umamin ka na na may gusto ka kay Raf ang tingin ni Migs na mangyayari ay sasaktan ka ni Raf pero iba ang nangyari parehas kayong NAINLOVE SA ISA'T ISA  ni Raf.....Balak sanang saluhin ka ni Migs kapag nasaktan ka ni Raf....yun ang mga dapat mong malaman Max" Ang kwento ni kyle kina Raf at Migs
Pumunta si Max kay MIgs ..Hinawakan ang kamay ni Migs at sinabing.

"Salamat sa pagmamahal ni ibiigay mo sa akin ..patawad kung sa pagmamahal mo sa akin ay naaksidente ka pa ..patawad..magpakatatag ka at magpalakas para sa muli nating pagkikita tutulungan pa kitang maghanap ng taong para sa iyo..mabait ka naman di lang showy...sorry heheh ..your always included na sa mga prayers ko for the you to be healed at lumakas ka pa ng husto..Pagaling ka kaibigan ko..Bye Migs" pamamaalam ni Max kay Migs


Pagkalipas ng ilang buwan ay pumanaw na si Migs dahil hindi na talaga kaya ..tanging ang makina na lamang ang bumubuhay sa kanyang katawan.Nailibing ng maayos lahat ng mga kaibigan ay nandoon din...

Present

 "Tara umuwi na tayo BABY MAX at uulan ata.."sabi ni Raf
"sige uwi na tayo BABY RAF RAF paalam Migs kung nasaan ka man ngayon alam kong nasa magandang kamay kana ng ating Panginoon."
at umulan nga ng malakas.
"Sabi ko sa iyo BABY EH KULIT MO AH ..AHHHH NANDYAN NA AKO.." sigaw ni Raf habang basa na sila ng ulan at hinahabol si Max upang kilitiin.
"Wahahah tama na BABY Raf maka PDA tayo dito wagas hahah..ahhh..ahahha ..tama na..haha ." habang tumatawa si Max




-FIN-


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
WAHAHAH sana magustuhan nio ..whhehehe ..pa vote please:) ..
ahm pag pray nio ppo yung mga mahal niyo sa buhay na namayapa na..

-trident-



2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails