Followers

Saturday, November 9, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 6




Kinurap-kurap muna na lamang ni Dominic ang kaniyang mga mata nang magising na siya dahil sa malakas na pagkatok at pagtawag sa kaniya ng kaniyang Mommy Juliet mula sa labas ng pintuan ng kaniyang room...

"Doms... Ano ba... Tanghali na at may-naghahanap sa iyo..." Ang muling pag-ulit ni Mommy Juliet nang wala itong naringgang reply ng kaniyang anak.

"SUSME KANG BATA KA... BA't SA SAHIG KA NATULOG..." Ang malakas and gulat na usal ni Mommy Juliet nang pumasok na siya sa room nitong si Dominic.

"Aaaaawwwww..." Ang daing na lamang ni Dominic nang pinilit niyang tumayo mula sa sahig.
That time ay naramdaman ni Dominic ang matinding pagkaka-Ngalay ng kaniyang katawan at ang pananakit ng kaniyang mga kasukasuan lalong-lalo na sa bandang parte ng kaniyang tadyang...

Doon din naramdaman ni Doms na medyo may sting ng panghahapdi sa kaniyang left eye area at medyo mahapdi din ang gilid ng kaniyang lips...

"ANYARE SA'YO DOMS..." Ang malakas na tanong ni Mommy Juliet at talaga namang concern na concern siya sa hitsura ng kaniyang one and only Son dahil gutay-gutay ang suot nito.

"Si Thalia..." Ang naiinis at nakangiwing mahinang sambit na sumbong kaagad ni Dominic sa kaniyang Mommy.

"Anong si Thalia..."

"Basta po..."

"Ayusin mo na yang sarili mo at nandito si Doc Racky..."

"HA???!!!"

"Sabi ko andito si Doc Racky... Hindi daw kayo sumipot ni Thalia kanina sa Jogging session n'yo..."


"WHAT???!!!" Ang tanong pa din ng naguguluhang si Dominic.

"Kaya nga mag-ayos ka na nga dyan at hinahanap niya kayo..."

"What time na po ba..."

"8:30 ng umaga..."

"Sige po mag-aayos lang po ako..." Ang sambit na lamang ni Dominc kay Mommy Juliet habang paika-ika siyang naglalakad papasok sa bathroom ng kaniyang room.

...

...

...

Halos mangGigil talaga itong si Dominic sa kanilang matabang Labrador Golden Retriever dahil sa ginawa nito sa kaniya kagabi...

NangGagalaiting in-Inspection ni Dominic ang kaniyang lasog-lasog na hitsura sa harapan ng salamin and he make sure kung kumpleto pa ang kaniyang dalawang tainga at hindi ito nilapa ni Thalia...

Pumutok ang side ng upper lips ni Dominic plus mayroon siyang mild na Black eye sa left area part ng kaniyang eyes...

Ang tanging naaalala lang kasi niya'y ginagamit niya ang kaniyang dalawang kamay upang ipang-Cover niya sa kaniyang sarili mula sa panghahambalos sa kaniya kagabi ng galit na galit at nagse-Selos na si Thalia...

Dinaganan at hindi siya talaga tinigilan nito kagabi hanggang sa mahulog na siya sa kama at yun na lamang ang natatandaan nitong si Doms at marahil ay nawalan na siya ng ulirat dahil sa pangbubugbog sa kaniya ni Thalia...

"ADIK TALAGA..." Ang galit na sambit ni Dominic nang makalabas na siya ng bathroom at talaga namang plano niyang itali muli itong si Thalia for the whole day.

"SELOS LANG SYA..." Ang wala sa sariling parang batang sambit muli nitong si Dominic for their Chubby Labrador Golden Retriever Pet.

"FUCK..." Ang next na malakas na usal ni Doms nang biglang sumagi sa isip niya ang reason kung bakit nagwating itong si Thalia kagabi.

Mabilis na nanlamig kaagad ang buong katawan ni Dominic ng mga oras na iyon...

...

...

...

Parang nanunuksong nag PlayBack ang mga nangyari sa kaniya kagabi with Doc Racky...

...

...

...

"HOY DOMS... ANO BA't ANG TAGAL MO't  KANINA KA PA NAGHIHINTAY SI DOC RACKY..." Ang malakas na bulyaw nang kaniyang Mommy Juliet nang muli itong kumatok sa kaniyang pintuan.

"ANDYAN NA PO..." Ang tense na tense na reply na lamang ni Dominic.

Kahit na ayaw magpakita ni Doms kay Doc Racky ay wala na siyang nagawa pa at kaagad na siyang lumabas ng kaniyang room nang makapagbihis na siya...

...

...

...

Hindi pa man nakababa ng hagdanan itong si Doms ay nabungaran na niya ang masayang pagkukuwentuhan ng kaniyang Parents and Tita kay Doc Racky kaya nama'y nag inhale and nag exhale muna siya bago siya tuluyang tumungo sa kanilang dining room...

"Andito na pala si Doms..." Ang masayang sambit ni Daddy Elvis nang mabungaran niya ang kaniyang anak.

"ANYARE SAYO DOMS..." Ang sambit naman ni Tita Luisa nang makita niya ang hitsura ng pagmumukha ng kaniyang pamangkin.

"Nagharutan na naman sila ni Thalia..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Mommy Juliet sa mesa.

Nakayuko na lamang itong si Doms na umupo sa kaniyang puwesto sa dining table at pagkaupong-pagkaupo pa lamang niya'y nginitian na siya kaagad ng pagkatamis-tamis nitong si Doc Racky na lalo pang ikinaConscious ni Doms...

Fresh na fresh ang hitsura kasi nitong si Doc Racky that time...

"Sana man lang eh nagtext ka kay Doc Racky na hindi kayo makakasamang magJogging ni Thalia kanina... Nakakahiya naman..." Ang sambit ni Daddy Elvis kay Doms.

"HA..." Ang tanging naiReply na lamang ni Doms dahil wala siyang idea sa sinasabi ng kaniyang Dad sa kaniya.

"Nagpunta dito si Doc Racky to check both of you..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet.

"WHAT..." Ani muli ni Dominic na lalo pang ikinaSmile ni Doc Racky.

"Tinanghali ka ng gising..." Ang explain naman ni Tita Luisa sa naguguluhan pa ding si Dominic.

"SORRY TALAGA DOC..." Ang outburst kaagad ni Doms sa natatawang si Doc Racky nang mahimasmasan na siya't maalalang may Jogging session pala dapat sila kaninang madaling araw.

"That's okay Doms... Ikaw pa..." Ang presko't nakangising reply naman ni Doc Racky sa natigilang biglang si Dominic.

"Sige... Kumain ka pa at huwag kang mahihiya... Madami na kaming atraso sa yo..." Ang sambit naman ni Mommy Juliet habang nilalagyan niyang muli ng fried rice ang empty na plato ng nakaSmile na si Doc Racky.

"Naku... Baka mawili po akong pumunta dito..." Ang masayang sambit naman ni Doc Racky kay Mommy Juliet at pagkatapos ay tinignan niya ng malagkit na malagkit ang nananahimik na si Dominic.

"Nasaan na po ba si Thalia..." Ang tanong naman ni Doc Racky habang kumukuha ulit siya ng kaniyang pang Second round ng Fried Tapa and Egg.

"Kanina eh pakalat-kalat lang iyon sa salas... Nagtatakbong bigla papasok si Thalia nang marinig ang boses mo..." Ang sambit naman ni Tita Luisa kay Doc Racky.

"Baka nahihiya ang baby namin dahil hindi ka nila sinipot sa Jogging session ninyo..." Ang pagbibiro naman ni Daddy Elvis kay Doc Racky.

"Okay lang po yun Tito... Marami pa namang next time..." Ang nakaSmile na reply naman ni Doc Racky.

"Baka napagod lang po si Doms dahil sa event sa Museong Pambata kahapon..." Ang dugtong kaagad ni Doc Racky.

"NapakaBusy mo kasi nkahapon... Di Ba Doms..." Ang next na sinambit ni Doc Racky with matching smile pa na tinunguhan na lamang ni Dominic.

Hindi naman nahihirapang gumising itong si Doms sa madaling araw dahil nasanay na din naman siya dahil iwinoWalking nga niya ang matabang si Thalia kaya nga lang ay na-KnockOut nga siya kagabi ni Thalia kaya siya tinanghali ng gising...

"Doc... Pasensya ka na din pala at hindi ko na nabisita yung mga sinasabi mong mga Antique furnitures nyo na gusto mong ipagbili..." Ang paghingi ng paumanhin naman ni Mommy Juliet kay Doc Racky.

"Don't worry po Tita... Anytime naman po eh pupuwede nyo naman pong makita iyon..." Ang magalang na reply naman ni Doc Racky.

"Kung makaTito't Tita naman ito..." Ang isip-isip ni Dominic habang nilalagyan na din niya ng TapSiLog ang kaniyang plate.

"Ganyan ba talaga kayong magharutan ni Thalia..." Ang next na tanong naman ng nakaSmile na si Doc Racky nang mapansin niya sa malapitan ang bugbog saradong pagmumukha ni Doms.

Natigilan bigla itong si Doms nang biglang naramdaman niyang may kumabig sa kaniyang legs under the table...

"Ah... Naglambing lang si Thalia kagabi..." Ang pagsisinungaling ni Doms habang pinagmamasdan niya ang nakakalokong ngisi sa kaniya ni Doc Racky.

Alam na alam ni Doms na ang legs ni Doc Racky ang umuumpog sa kaniyang legs...

"Ganito na lang... Kung okay lang sa'yo Doc... May appointment kasi ako Today...." Ang pag-sisimula nitong si Mommy Juliet.

"Doms... May gagawin ka ba today..." Ang tanong kaagad ni Mommy Juliet kay Doms.
"Wala naman po Ma..."

"That's good... Ikaw na lang ang tumingin at mag appraise sa mga Antique Furnitures ni Doc Racky.... Okay lang bang Doc na si Doms na lang ang tumingin ng mga Furnitures nyo today..." Ang mabilis na sambit ni Mommy Juliet at hindi na nagawa pang makapagReact nitong si Dominic.

"OKAY NA OKAY PO..." Ang masayang reply naman ni Doc Racky kay Mommy Juliet sabay kabig niyang muli ng legs ni Doms gamit ang sarili niyang legs.

"Buti naman Doc Racky... Don't worry at ako mismo ang nagTrain dyan sa anak ko na magAppraise... Papupuntahin ko siya sa inyo today...." Ang proud na proud na reply naman ni Mommy Juliet sa mukhang nakaJackpot sa Lottong si Doc Racky.

Napalunok na lamang itong si Dominic habang tinitignan niya ang nakaSmirk na si Doc Racky at talaga namang hindi pa niya naAabsorb kasi ang kaniyang situation with him dahil hindi pa kasi niya nakukumpirma kung ano nga ba talaga ang ipinapahiwatig sa kaniya nitong si Doc Racky...

Ayaw na kasing mag-assume nitong si Dominic dahil nadala na siya noon sa kaFB niyang si Harold...

"Teka... Nasaan na ba si Thalia..." Ang curious na pagSingit naman ni Tita Luisa nang makita niyang wala pa sa dining room itong si Thalia at hindi pa nagagalaw ang Dog Food sa Bowl nito.

On Cue namang pumasok itong si Thalia sa Dining Room na siyang biglang ikinatigil naman ng usapan ng lahat...

Bigla kasing umalingasaw ang matapang na amoy ng oil based perfume sa apat na sulok ng dining room nang pumasok itong Thalia...

Napanganga na lamang sina Mommy Juliet and Daddy Elvis habang itong si Dominic nama'y pinipigilan ang matawa nang makita nilang lumapit na itong si Thalia sa side ni Doc Racky...

"WOW.... ANG GANDA-GANDA MO NAMAN THALIA... HA... HA... HA..." Ang masayang usal ni Doc Racky habang hinihimas niya ang ulo ng naglalambing sa kaniyang si Thalia.

Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo from the table itong si Tita Luisa at nagtatakbong lumabas ng dining room upang pumunta  sa kaniyang room...

...

...

...

"SUSME... THALIA..." Ang malakas na tili ni Tita Luisa nang makapasok na ito sa kaniyang room at makita niya ang hitsura ng kaniyang tukador.

Nanlalaki ang mga mata't butas ng ilong ni Tita Luisa habang pinagmamasdan niya ang mga nakabukas at nagkalat niyang mga make-up, Talcum perfumed powder at ang mga bote ng kaniyang mga pabango na nakabukas at nakatumba din...

"ARF... ARF... ARF..." Ang masayang kahol ni Thalia habang piniPet siya nitong si Doc Racky.

Natawa na lamang itong si Dominic habang pinagmamasdan niya na nagpupumilit ulit kumandong sa lap ni Doc Racky si Thalia...

Naglaho na din ang pagkasuya at pagkainis ni Dominic kay Thalia habang tinitignan niya ang hitsura ng pagmumukha ng matabang Labrador Golden Retriever...

Gandang-ganda itong si Thalia sa kaniyang sarili kahit na sabog sabog pa ang mga koloreteng inilagay niya sa kaniyang mukha makapag-pa-impress lamang siya kay Doc Racky...


*******After An Hour*******


Kaagad na naligo na itong si Dominic after nang magpaalam na itong si Doc Racky dahil wala na naman siyang magagawa pa dahil nagDecision na itong si Mommy Juliet na siya ang titingin and mag-a-Appraise sa mga Antuqie furnitures nitong si Doc Racky...

Nang matapos na si Dominic sa pagpre-prepare ay kaagad siyang lumabas sa kanilang backyard upang iCheck kung bakit umaalulong itong si Thalia...

"AWOOOOO..."

"AWOOOOO..."

"AWOOOOO..." Ang malalakas at sunod-sunod na howl ni Thalia.

Pinaliguan kasi right away ni Tita Luisa itong si Thalia upang matanggal ang makapal na make up nito sa mukha at mawala din ang masangsang at matapang na amoy ng pabango mula sa mga balahibo nito...

Bilang parusa'y ikinadena ni Tita Luisa itong si Thalia upang magtanda na huwag nang mangialam pa ito sa kaniyang mga gamit...

"ARF... ARF... ARF..." Ang pagmamakaawang pagkahol ni Thalia nang makita niya itong si Dominic na nakatingin sa kaniya.

"Matapos mo akong bugbugin..." Ang sambit naman kaagad ni Doms na biglang ikinatahimik ng guilting si Thalia.

"Haaay... Ang landi mo kasi eh..." Ang buntong hininga na lamang ni Dominic kay Thalia sabay pasok niyang muli kaagad sa kanilang bahay.

Siniguro muna ni Doms na hindi siya mahuhuli ng kaniyang Tita Luisa kaya nama'y tinignan muna niya ito at napaSmile na lamang itong si Doms nang makita niyang Busy si Tita Luisa sa pagliligpit ng mga ikinalat na gamit ni Thalia sa kaniyang room...

Kaagad na kinuha ni Dominic sa lagayan ang kadenang ginagamit niya kapag iniwo-Walking niya si Thalia tuwing umaga and after that ay kaagad na siyang lumabas muli papunta sa kanilang backyard...

"Kapag binugbog mo ulit ako eh ililigaw talaga kita..." Ang pananakot ni Doms kay Thalia habang kinakalagan niya ito sa pagkakaKadena.

"Tara na... Punta na tayo kina Doc Racky..." Ang next na sambit kaagad ni Doms habang hila-hila na niya itong tahimik na si Thalia.

"MA... PUNTA NA PO AKO KINA DOC..." Ang malakas na paalam lamang ni Dominic bago sila lumabas ng gate.

"BA't DALA-DALA MO SI THALIA... GROUNDED YAN..." Ang malakas na saway naman ni Mommy Juliet sa nagmamadaling sina Dominic.

Nagdire-Direcho na lamang sina Dominic and Thalia na lumabas ng gate at in-Ignore nila itong si Mommy Juliet...

Naisip kasi ni Doms na bitbitin itong si Thalia dahil medyo na-a-Akward siya na sila lamang dalawa nitong si Doc Racky ang magkasama...


**************


Medyo nangingimi itong si Doms habang naglalakad sila ni Thalia papunta sa bahay ni Doc Racky at talaga namang bothered na bothered siya sa mga ikinikilos nitong si Doc Racky Towards him...

Nag-iisip ng paraan itong si Doms habang naglalakad sila ni Thalia papunta sa hous eni Doc Racky kung paano niya ito ia-approach upang maConfirm niya directly from him kung ano nga ba talaga ang ipinahihiwatig nito sa kaniya...

POT! POT! POT!

Dahil sa kaniyang malalim na pag-iisip ay hindi na napansin pa nitong si Doms na nakasalubong na pala nila ang Brand New Honda Civic ni Doc Racky...

"San kayo pupunta..." Ang masayang bati ni Doc Racky kina Doms and Thalia.

"Ahm... Papunta na kami sa house mo para maAppraise yung mga Antiques..." Ang reply naman ng biglang naConscious na si Doms.

"Susunduin na sana kita... Get in..." Ang nakangising sambit na lamang ni Doc Racky sabay bukas niya ng pintuan ng kaniyang car.

Kaagad namang sumakay ang dalawa sa car ni Doc Racky...

Si Doms sa passenger seat at ito namang si Thalia ay sa backseat ng Car...

"Kasama pala si Thalia..." Ang nakaSmile na bati ni Doc Racky sa masayang si Thalia.

"Tinakas ko lang... Grounded yan..." Ang sambit naman ni Doms.

"Teka Doc... Diba mag-a-appraise tayo ng Antique nyo..." Ang pagtatakang tanong kaagad ni Doms nang mapansin niyang palabas na sila ng kanilang executive village.

"Yup..." Ang pilyong reply naman ni Doc Racky.

"Eh bakit tayo palabas ng Village..."

"Bibili muna ako ng Food... Nakakahiya naman sa mga bisita ko..." Ang nakangising sambit kaagad ni Doc Racky.

"Arf..." Ang masaya namang kahol ni Thalia dahil sa sinabi ni Doc Racky.

"Busog pa kami... KakaBreakfast lang natin..." Ang tanggi naman ni Dominic.

"I insist..." Ang reply na lamang ni Doc Racky.

Hindi na pinansin pa ito ni Doms bagkus ay nanahimik na lamang siya sa kaniyang seat at nagsimula na naman siyang muling mag-isip ng magandang way upang i-approach itong si Doc Racky at talaga naman kasing akward na akward na siya dito...


*******After 30 Minutes*******


Hindi na napigilang magtanong ni Doms kay Doc Racky nang mapansin niyang hindi pa sila bumibili ng food at medyo napapalayo na sila sa kanilang biyahe...

"Ahm... Doc Racky..."

"Ano yun Doms..." Ang nakangising reply naman ni Doc Racky.

"San ka ba bibili ng Food..."

"MagDrive Thru na lang tayo... San nyo gustong bumili... Sa McDo or sa Jollibee..."

"Ha..."

"Sabi ko... Saan nyo gustong bumili ng food..."

"Kahit saan na lang Doc..."

"Ikaw Thalia... Gusto mo bang mag Jollibee na lang..." Ang nakaSmile na tanong ni Doc Racky sa matabang si Thalia.

"ARF..." Ang excited na reply kaagad ni Thalia.

"Jollibee it is..." Ang sambit na lamang ni Doc Racky at nang makakita siya ng Jollibee Store ay kaagad na iniliko niya ang kaniyang kotse sa Drive Thru.

"Anong gusto ninyong Orderin..." Ang masayang tanong ni Doc Racky kina Doms and Thalia.

"Okay lang ako... Ikaw na lang..." Ang sambit ni Doms.

"Mag-Order ka na Doms at malayo-layo din ang biyahe natin..." Ang nakangising reply naman ni Doc Racky na ikinalaking bigla ng dalawang mga mata ni Doms.

"HA???!!!"

"Sabi ko mag-Order ka na at malayo-layo din ang biyahe natin..." Ang ulit ng pilyong si Doc Racky.

"Anong malayo-layo... Titignan lang naman natin ang sinasabi mo sa Mom kong mga Antiques ah..."

"Kaya nga..."

"Anong kaya nga Doc..." Ang naguguluhang tanong ni Doms.

"Titignan nga natin ang mga Antiques..."

"Eh bakit sabi mo malayo-layo ang biyahe natin eh babalik tayo ulit sa house mo pagkabili natin ng food..."

"Sinabi ko bang nasa sa bahay ko ang mga Antiques..."

"HA???!!!" Ang naguguluhan pa ding reply ni Dominic sa nakangising si Doc Racky.

"Wala sa bahay ko ang mga gusto kong ipagbiling mga Antiques..."

Hindi na sumagot pa itong si Dominic at hinintay na lamang niya ang next na sasabihin ni Doc Racky...

"Nasa luma naming Bahay..." Ang sambit ni Doc Racky kasabay ng lalo pang pagPilyo ng kaniyang pagkaka-Ngiti kay Doms.

"Saang lugar yung rest house nyo..."

"Sa Batangas lang naman..."

"HA???!!!"

"Sabi ko sa Batangas lang naman... Dadaan tayo sa SLEX para mapabilis ang biyahe..."

"Doc naman... Ba't di mo sinabi sa akin..."

"Sinabi ko kaya sa Mom mo..."

"ALAM ITO NI MOMMY..."

"Yup..."

"BAT WALANG SINABI SA AKIN SI MOMMY..." Ang mangiyak ngiyak na outburst na lamang ni Doms that time.

"Dunno..." Ang inosenteng reply na lamang ni Doc Racky sabay kibit niya ng kaniyang balikat.

"Ano bang gusto mong Order-in..." Ang sweet na sweet na next na itinanong muli ni Doc Racky sa natulalang si Doms.

"Di ko dala ang wallet ko... Hindi ko din dala ang Phone ko..."

"My treat..." Ang nakaSmile na reply na lamang ni Doc Racky  while ignoring Dom's Dilemma.

Hindi na nagsalita pa itong si Dominic dahil biglang gumulo ang kaniyang nararamdaman...

Pakiramdam ni Doms ay para siyang naisahan nitong semikal na si Doc Racky...

Ngunit hindi naman mapapag-kaila ni Doms na medyo nakaramdam siya ng slight na excitement...

"Ako na nga lang ang mag-o-Order..." Ang talunang nasambit na lamang ni Doc Racky.

NagDecide na lamang na manahimik ulit nitong si Doms habang nag-o-Order itong si Doc Racky and just like before ay sumakay na lamang siyang muli sa trip ng guwapong Vet...

Gustong mapikon nitong si Doms that time dahil hindi talaga niya maGets itong si Doc Racky lalong-lalo na ang patutsada't trip nito sa buhay...

...

...

...

"Huwag kang magkakalat dyan Thalia ha..." Ang sweet na sweet na pagre-Remind ni Doc Racky nang inalapag na niya ang styro ng Spaghetti na may Chicken Joy sa tabi ng kinauupuan ni Thalia at the backseat.

"ARF..." Ang behave na behave namang reply ni Thalia at pagkatapos ay kaagad na maganang  inupakan na nito ang in-Order sa kaniyang food ni Doc Racky.

"Let's go na..." Ang masaya't excited na next na sinambit ni Doc Racky nang pinaandar na niyang muli ang kaniyang kotse.

Napakagat na lamang ng kaniyang mga labi itong si Doms dahil sa kaniyang pagtataka kay Doc Racky...

Hindi alam ni Doms kung sinasadya ba talaga nito na ignore-in siya or hindi lang nito nahahalatang slight na nabaBadtrip siya...

"Doms..."

"Ano yun..." Ang monotone na reply naman ni Dominic.

"Baka matunaw yung Sundae... Kainin na natin..." Ang naka-Smile na sambit naman nitong si Doc Racky.

Ang in-Order kasi ni Doc Racky para sa kanilang dalawa ni Dominic ay parehas na Champ Value Meal with Large Fries and Drinks and tig-isa silang Sundae...

Walang imik namang kinuha na ni Doms ang Dalawang Sundae mula sa paper bag ng Jollibee at binuksan at pagkatapos ay nilagyan na niya ng spoon ang mga ito and then ay iniabot niya ang isang Sundae kay Doc Racky...

"Doms..."

"Ano yun..."

"NagDri-Drive ako eh..."

"Ha..."

"NagdriDrive ako eh..." Ang pag-ulit nitong si Doc Racky at hindi talaga nito inialis ang kaniyang attention sa Road.

Agad namang nabigla itong si Doms sa sinabi ni Doc Racky dahil alam na alam niya ang ninanais nito...

"Aaaahhhh..." Ang may sound pang pagnganga ni Doc Racky na lalo pang ikinaPanic ni Doms.

Kumuha talaga ng matinding fighting spirit itong si Doms at mabuti na lamang ay napigilan niyang mangiti ng mga oras na iyon...

"Sige na Doms... Baka matunaw ang Sundae eh... Aaaahhhh..." Ang muling hirit ni Doc Racky kaya naman kahit medyo naiilang itong si Dominic ay sinubuan na din niya ng Sundae ang nagDri Drive na si Doc Racky.

"Mmmmm... Ang sarap talaga kapag sinusubuan..." Ang nakangising sambit kaagad ni Doc Racky nang masubuan na siya ni Doms ng Sundae.

Kinagat na lang ulit ni Doms ang kaniyang lips para pigilan niya ang kaniyang pagNgiti...

Kahit ayaw mang aminin ni Doms sa kaniyang sarili'y kinilig siya sa kanilang ginagawa ng pilyong si Doc Racky...

"French Fries din..." Ang biglang hirit muli ni Doc Racky.

"Lagyan mo ng Ketchup..." Ang pahabol ulit nito.

"Sige lang..." Ang sambit ni Doms sa kaniyang isipan and that time ay nagDecide na lamang siyang kalimutan munang iConfront itong si Doc Racky and just like before ay sinakyan na lamang niyang muli ang wisyo nito.

"Yung Champ naman..." Ang next na request ni Doc Racky na kaagad namang sinunod ni Doms.

Hindi na din napigilan pa ni Doms na mapaSmile dahil nag-e-Enjoy na din naman siya sa kaniyang ginagawa...

Hindi na din namamalayan pa ni Dominic na pinupunasan niya ng Tissue ang side ng mouth ni Doc Racky kapag nalalagyan ito ng Ketchup...

For Thalia nama'y nanahimik na lamang ito sa backseat at natulog nang maubos na niya ang kaniyang Fast Food dahil hindi naman niya maitatangging napakaSweet nina Doc Racky and Doms sa isa't isa...

Gustuhin mang muling dambahin at gulpihin muli ni Thalia itong si Doms ay hindi nito ginawa dahil kinalagan siya nito at itinakas sa bahay...

Malaki din naman kasi ang ipinagpapasalamat ng matabang Labrador Golden Retriever kay Doms dahil kung hindi siya isinama ni Doms ay buong araw siyang grounded and nakaKadena sa Backyard...


*******After A Couple Of Hours*******


Naalimpungatan na lamang itong si Dominic nang maramdaman niyang niyuyugyog na siya ng marahan ni Doc Racky...

Hindi na namalayan pa ni Doms na nakatulog na pala siya habang nagbibiyahe sila...

"Nandito na tayo..." Ang masayang bungad ni Doc Racky nang magising na itong si Dominic.

Unang lumabas itong si Doc Racky ng kotse at kaagad niyang pinagbuksan itong si Thalia ng pintuan and then kaniya namang pinagbuksan itong si Doms...

Kaagad na nag-inat- inat itong si Thalia pagkalabas niya ng Kotse at gayundin naman ang ginawa nitong si Dominic...

"Doc... Sa inyo itong bahay..." Ang impress na impress na sambit ni Dominic nang mapagmasdan niya ang medyo may kalumaan nang bahay.

"Sa Parents ko... Pina-aalaga na lang namin sa Care taker..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Doc Racky.

Malawak ang well maintained Garden ng lumang bahay nina Doc Racky...

Up and Down ang bahay at ang design nito'y parang noong Spanish Era pa...

"Doc... Ilang years na ito..." Ang hindi n\mapigilang tanong ni Doms nang pumasok na sila ng bahay.

"Medyo matanda na ito... Sa Great great Grandfather ko pa kasi ito... Ipinamamana sa next Generation..." Ang explain naman ni Doc Racky.

"WOW..." Ang nasambit na lamang ni Doms nang makita niya ang mga Furnitures sa loob ng bahay.

Katulad ng bahay ay well maintained din ang mga Antique Furnitures sa loob nito...

"MANANG... MANANG..." Ang malakas na pagtawag ni Doc Racky at after ilang seconds lang ay may lumabas nang isang matandang babae.

"AY JUSKO... RACKY... BAT NAMAN HINDI KA NAGSABING PUPUNTA KA DITO..." Ang gulat na sambit ng matandang babae nang niyakap ito ni Doc Racky.

"Biglaan lang naman po Manang... Nga po pala... Si Doms... Si Thalia... Kapitbahay ko sa Manila..." Ang pag Introduce kaagad ni Doc Racky kina Doms and Thalia.

"Ay teka maghahain lang ako...ikaw talagang bata ka..." Ang naghihikahos na sambit naman kaagad ni Manang.

"Naku huwag na po... Kumain na po kami sa biyahe bago tumuloy po dito..."

"ARF... ARF... ARF..." Ang biglang umalingawngaw na malakas na kahol na ikinatigil ng usapan nila.

"Sino yan..." Ang nakangiting tanong ni Doc Racky kay Manang nang makita niyang may lumabas na isang Bulldog at lumapit sa kanila.

"Si Brutus... Kasama ko yan dito kapag nag-iisa ako..." Ang explain naman ni Manang.

Dating Yaya kasi ni Doc Racky si Manang at tumandang dalaga na ito sa paninilbihan sa Pamilya nila...

"Sige Doms... Lahat yan gusto kong ipagbili..." Ang next na sinambit naman ni Doc Racky kay Doms.

"What... Bakit mo ipagbibili..." Ang nagtatakang tanong naman ni Doms.

"Luma na kasi... Gusto kong palitan ng bago..."

"Sayang... Bagay naman sa Bahay ang mga Furnitures eh..." Ang explain naman kaagad ni Doms.

"Ewan ko ba dyan kay Racky kung bakit gustong ipagbili ang mga muwebles... Mga kabataan nga naman..." Ang sambit kaagad ni Manang kay Doms.

"Halika at ipapakita ko sa iyo ang Kuwarto ni Racky kung anong ginawa niya..." Ang sambit muli ni Manang at kaagad niyang hinawakan sa isang kamay ni Doms upang isama sa Second Floor.

Kaagad na umakyat na sina Manang and Doms sa second floor kasunod itong si Doc Racky kaya nama'y sumunod na din sa kanila itong si Thalia.

"ARF..." Ang kahol ng Bulldog na si Brutus na siyang ikinatigil naman sa pag-akyat ni Thalia sa hagdanan.

"Grrrrr..." Ang mabangis na angil lang ni Thalia kay Brutus sabay irap dito at pagkatapos ay mabilis na din siyang sumunod kina Doc Racky sa Second Floor.

...

...

...

Medyo napasimangot itong si Doms nang makita niya ang sinasabi ni Manang na ginawa ni Doc Racky sa room nito...

"Dati niyang kuwarto ito... Dito pa din siya natutulog kapag napapadalaw dito... Tignan mo ang ginawa..." Ang slight na nauunsyameng sambit ni Manang kay Doms.

Tahimik na pinagmasdan ni Doms ang kulay cream na pintura sa wall ng Kuwarto ni Doc Racky...

Unlike sa Salas at sa iba pang part ng bahay ay modern na modern ang room ni Doc Racky...

May Aircon, Flat Screen TV, Home Theater Components at pati ang Bed ay up to date din at modern na modern...

"Maganda naman ah..." Ang parang batang defensive na sambit ni Doc Racky nang makita niya ang dissatisfied na mukha ni Doms.

"Hindi kasi bagay sa bahay..." Ang nasambit na lamang ni Doms sa kaagad namang nagFrown na si Doc Racky.

"Sinabi ko na din yan kay Racky eh... Pero ayaw makinig... Gustong palitan ng mga bago ang  lahat ng mga gamit... Wala naman akong magawa at siya naman na kasi ang nagma-May-Ari ng bahay..." Ang talunang sambit naman ni Manang.

"Manang naman..." Ang nasabi na lang ni Doc Racky sa kanilang care taker.

"Think about it Doc Racky... Kung papalitan mo ng mga bago ang mga Antique furnitures ng bahay nyo eh sayang talaga ang pagiging Ancestral nito..." Ang paliwanag naman ni Dominic sa nakaFrown pa din na si Doc Racky.

"May tao ata..." Ang biglang usal naman ni Manang nang marinig niya ang malakas na pagkahol ng Bulldog na si Brutus sa labas.

"Maiwan ko muna kayong dalawa..." Ang next na sinabi ni Manang kina Doc Racky and Doms bago ito bumaba ng hagdanan.

"Basta Doms... Tignan mo na lang ang buong place and presyuhan mo ang lahat ng mga Antiques..." Ang sinabi na lamang muli ni Doc Racky sa nanghihinayang pa ding si Dominic.

"I can't appraise it right away Doc... Kunan na lang natin ng pictures ang mga Antiques and pati na din ang buong house nyo then ipapakita ko kay Mommy para kaming dalawa ang mag-Assess..."

"Sige..." Ang reply naman ni Doc Racky at pagkatapos ay kaagad na niyang inilibot itong si Dominic sa buong bahay habang kinukuhanan niya sa kaniyang phone ang mga antique furnitures.

Itong si Thalia nama'y tahimik na sumunod na lamang kina Doc Racky and Doms and hindi nito maiwasang maFeel na naa-Out of place siya sa dalawa...

...

...

...

Last na pinuntahan nina Doc Racky and Dominic ang Kitchen ng lumang bahay at doon nila nadatnan itong si Manang na nagprePrepare ng Snacks...

"Racky..." Ang bungad ni Manang nang makita niya ang amo.

"Ano po yun Manang..."

"Mag Merienda muna kayo..."

"Sige po..."

"Nga pala... Aalis na ako at nawala sa isip kong pupunta kami sa lamay ng asawa ng kaibigan ko..."

"Anong oras po..."

"Ngayon na..."

"Anong oras po ang balik nyo..."

"Baka gabihin ako... Ikaw nang bahala sa bisita mo ha..."

"Sure Manang..."

"Teka lang Racky... Dito ba kayo matutulog..."

"Uuwin din po kami kapag dating nyo..."

"Ay... Buti na lang at sinabi mo... Balak ko pa namang magpagabi sa lamay..."

"Okay lang po yun... Kami na lang ang magtatarangka... Nasa sa inyo naman po ang susi di ba..."

"Na sa akin... At kayang-kaya naman ni Brutus na bantayan ang buong bahay... O paano... Maiwan ko na kayo..." Ang last na sinabi ni Manang nang mahainan na niya ng Merienda itong sina Doc Racky.

"Okay na ba yang mga pictures Doms..." Ang tanong ni Doc Racky kay Doms habang nag-i-iSnack silang dalawa.

"Send mo na lang sa akin sa FB para maipakita ko kay Mommy..." Ang reply naman ni Doms habang tinitignan niya ng paulit-ulit ang mga nakuhanang litrato ni Doc Racky.

"Doms..."

"Anu yun Doc..

"Ang cute ng bagong profile pic ko sa FB ano..." Ang parang batang nanunuksong tanong kaagad ni Doc Racky.

"Anong oras na Doms..." Hindi pa nakuntento itong si Doc Racky at bumanat na naman kaagad kay Doms.

Kaagad na napako ang tingin ni Doms sa hawak niyang phone ni Doc Racky nang marinig niyang muli ang tanong ni Doc Racky...

"Ba't ayaw mong magsalita ha..." Ang sweet na sweet na sinambit ni Doc Racky kay Doms.

Hindi na nagulat pa itong si Doms nang makita niyang nakaNgisi na naman sa kaniya ang pilyong Vet...

"Problema mo..." Ang nasambit na lamang ni Doms dahil nakakaloko na itong si Doc Racky.

Hindi na sumagot pa itong si Doc Racky bagkus ay kinindatan na lamang niya itong si Dominic at tumayo mula sa kaniyang kinauupuan sa mesa ng kitchen...

"Tara Thalia... Mag Play tayo nina Brutus..." Ang masayang pag-aya na lamang ni Doc Racky at kaagad namang sinundan siya ng matabang si Thalia palabas ng kusina at naiwang nakanganga itong si Dominic.

...

...

...

"Relax lang Doms..." Ang tanging nasambit na lamang ni Dominic sa kaniyang sarili nang maramdaman na naman niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

Kaagad na tumayo itong si Doms at nilibot niyang muli ang buong bahay upang makapag-isip-isip muli siya ng magandang way para ma-Approach na niya itong si Doc Racky at talaga namang ayaw na niyang makipaghulaan dito...

Medyo nakaramdam din ng takot si Doms habang iniisip niya kung sakali mang tama nga ang kaniyang kutob sa mga patama sa kaniya ni Doc Racky ay ano na ang susunod niyang gagawin...

...

...

...

Almost an hour ding sindaya talaga ni Doms na mapag-isa upang maging maayos ang kaniyang pag-iisip...

Happy and satisfied na si Doms sa pagkakaroon niya ng Big Time Crush kay Doc Racky but he didn't expect na mangyayari ang ganito...

"Calm down Doms... Huwag kang assuming..." Ang pag-papaalala muli ni Doms sa kaniyang sarili para hindi na maulit pa ang tulad ng nangyari sa kanila ni Harold.

NapaSigh na lamang itong si Doms nang pumasok na siya sa Salas at naupo sa Antique na Sofa at doo'y itinuloy niyang muli ang kaniyang pagmumuni-muni about him and Doc Racky...

Alam ni Doms na medyo nakakahiya ang kaniyang gagawing pag-approach kay Doc Racky pero kinakailangan na talaga niya itong gawin at hindi na talaga niya masakyan ang trip nito...

Hindi naman siya manhid at nageGets niya ang mga pahiwatig nito pero for the sake of his Peace of mind ay kailangan niya talagang maConfirm ang kaniyang kutob straight from Doc Racky...

Muling nangamba itong si DOms nang para bang nanunuksong pumasok ang isa pang idea sa kaniyang isipan at talagang naBothered siya dahil dito...

"Am I ready for this..." Ang tanong muli ni Doms sa kaniyang sarili nang maisip niya na papaano kung sakaling tama nga ang kaniyang hinala sa mga pahiwatig sa kaniya ni Doc Racky.

"HEY..." Ang masayang pagpukaw ni Doc Racky sa attention ni Doms nang para bang On Cue na pumasok ito sa salas at dire-direchong tumabi at dumikit sa nakaupong si Doms.

"Thalia... Ayaw mo bang makipag play kay Brutus..." Ang tanong kaagad ng nakaSmile na si Doc Racky nang makita niyang sumunod din pala sa kaniya papasok itong si Thalia.

Parang walang narinig itong si Thalia at dire-direcho din itong sumampa sa isang bakanteng Antique na sofa sa salas...

"Naglibot ka ba ulit sa house..." Ang nakaSmile na tanong naman ni Doc Racky sa nananahimik na si Doms.

Tumungo lang itong si Doms habang nag-iisip siya ng magandang sentence upang simulan na ang pag-Approach niya kay Doc Racky...

"Is there any problem Doms..." Ang tanong again ni Doc Racky nang mapansin niyang medyo gloomy ang mga eyes ni Dominic.

"HA..."

"Sabi ko Is There Any Problem... Kanina ka pa natutulala..." Ang natatawang sambit naman ni Doc Racky sa natauhang si Dominc.

"Kasi Doc... Eh... Ahm... Kasi..."

"Anong kasi... May sasabihin ka ba sa akin..." Ang pilyong ngisi ni Doc Racky sa nauutal na si Doms.

"About last night..."

"What about last night Doms..."

"Yung kagabi Doc..."

"Tinagalog mo lang eh... Ano ba yun..." Ang nakaSmirk na usal ulit ni Doc Racky sabay siksik pa niya sa katabing si Doms.

Slight na nainis itong si Doms sa behaviour ni Doc Racky at talaga namang nakakaloko ang pagNgisi nito sa kaniya...

"ALAM MO NA YUN..." Ang napikong sambulat ni Doms at talaga namang hindi na niya matantiya itong si Doc Racky.

"Anong ano yun..." Ang nakaSmile pa ding usal na pangloloko ni Doc Racky habang itong si Thalia nama'y tahimik na pinanonood na lamang ang dalawa.

"EWAN KO SA'YO... UWI NA NGA TAYO..." Ang naasar na reply naman ni Doms sabay tayo niya para lumayo sa lalo pang sumisiksik sa kaniyang tabing si Doc Racky.

"Biro lang Doms..." Ang mabilis na pagbawi naman ni Doc Racky sabay hawak at haltak niya sa isang kamay ni Doms.

"Huwag ka nang magalit Doms... Nagbibiro lang ako..." Ang sweet na sweet na sinabi ni Doc Racky nang mahaltak na niya paupong muli sa kaniyang tabi si Dominic.

"Joke lang yun kagabi..." Ang next na tanong ni Doms.

"Hindi... Joke lang yung ngayon Doms... I meant what I said to you last night..."

"HA..."

"Palagi ko bang uulitin ang mga sinasabi ko sa iyo..."

"HA... Este... Talaga Doc... Wait... Do you really meant what you said last night..."

"Yup... Halata naman sa bagong Profile pic ko sa FB diba..." Ang pilyong ngiti ni Doc Racky sabay kuha niya sa isang hands ni DOms at pagkatapos ay hinimas-himas ito.

"What make you think that pumapatol ako sa same sex..." Ang defensive at bigla na lamang lumabas sa bibig ni Doms.

Napangisi na lamang itong si Doc Racky sa sinabi ni Doms...

"Bakit ka natatawa..." Ang sambit kaagad ni Doms nang makita niya muli ang malokong smile sa kaniya ni Doc Racky.

"It takes one to know one..." Ang cool na cool na sinabi ni Doc Racky sa natamemeng si Doms.

"Bakit hindi ka nakapagsalita ha..." Ang pang-aasar muli ni Doc Racky sa nagsisimula nang mamulang si Doms.

"Nag-nag-nagkakamali ka Doc..." Ang nauutal na pagsisinungaling ni Doms at talaga namang hirap pa din siyang mag-Out.

"In denial ka pa ba..." Ang pilyong tanong kaagad ni Doc Racky sa kinakabahang si Doms.

"Saan ako In Denial..."

"Sa sexuality mo..."

"What about my sexuality..."

"Doms naman... Huwag na tayong magpaligoy ligoy pa..."

"Hindi ako nagpapaligoy ligoy Doc..."

"ARE YOU STRAIGHT..." Ang straight to the point na tanong ni Doc Racky sa pagmumukha ni Doms.

"Ah... Eh..."

"Huwag ka nang mahiya... I'm gay Doms... Crush na kita noong una pa lang..."

"WHAT..."

"You heard me right Doms..."

"WHAT MAKES YOU THINK NA PAPATOL AKO SA'YO..." Ang pagmamatigas pa din nitong si Dominic.

"Eh bakit nahuhuli kita kapag nagjo-Jogging tayo..."

"Anong nahuhuli Doc..."

"Palagi mo akong tinitignan... Alam ko naman yun... Hindi ko lang sinasabi sa iyo..."

"HUWAG KANG PRESKO DOC... HINDI KITA TINITIGNAN KAPAG NAGJO-JOGGING TAYO..." Ang nagpa-Panic na sambulat nako-Corner na si Dominic.

"Eh bakit nagblu-Blush ka at di ka makatingin sa akin..." Ang banat naman kaagad nitong nakaSmile na si Doc Racky sa guilting-guilty na si Dominic.

"Ha... Eh... Ahm..." Wala na talagang maisip na pang reason-out itong si DOms at talaga namang nabuking na siya ni Doc Racky.

"EWAN KO SA'YO DOMS..." Ang biglang outburst kaagad ni Doc Racky na ikinabigla ni Doms.

Kaagad na itinigil ni Doc Racky ang paghimas-himas niya sa kamay ni Dominic and after that ay kaniya nang binitiwan ito't sumimangot...

Tahimik lamang na tinignan ni Doms itong si Doc Racky...

"I'm a discreet gay Doms... Naglakas loob talaga akong mag-Out sa'yo... Can't you see that..." Ang bitter na sambit muli ni Doc Racky sa natamemeng si Doms.

"MAY PAG-ASA BA AKO SA'YO..." Ang next na inusal ni Doc Racky na lalo pang ikinatameme ni Dominic.

"Ano ba Doms... Isang tanong Isang sagot... May pag-asa ba ako sa iyo..." Ang ulit muli ni Doc Racky nang hindi siya nakatanggap ng reply mula kay Doms.


1 min...


2 mins...


3 mins...


"Doc..." Ang tanging nasabi na lamang ni Dominic dahil magulong-magulo talaga ang kaniyang isipan at damdamin that time at talaga namang hindi niya iniExpect ang ganoong klase ng pag Advance sa kaniya ni Doc Racky.

"Just tell me Doms... Para hindi na ako magsayang ng effort ko sa iyo..."

Lalong hindi nakaSagot itong si Doms dahil parang may labanang nangyayari sa kaniyang puso ng mga saglit na iyon...

Gusto ni Doms itong si Doc Racky but the fact na naging masyadong mabilis ang mga pangyayari at slight na natatakot pa itong si Doms dahil hindi pa siya ready na magkaroon ng partner...

Batid din ni Doms na bagito pa siya sa same sex relationship at wala pa talaga siyang experience sa magkaroon ng actual relationship sa isang guy kaya nama'y kahit na gustong sumigaw sa tuwa ng puso ni Doms ay napipigilan ito ng kaniyang isipan...

"Doc..."

"Let's stop this now Doms... Ihahatid na kita sa inyo... Kapag namatay ako eh huwag na huwag kang makadalaw-dalaw sa burol ko..." Ang parang batang sumbat bigla ng semikalbong si Doc Racky.

"Doc..."

"Basta Doms... Just forget what happened... Huwag kang dadalaw talaga sa burol ko..."

Napakagat na lamang muli ng kaniyang labi itong si Doms at talaga namang hindi niya akalaing magiging harsh sa kaniya words itong si Doc Racky...

"Huwag ka namang magalit ng ganyan... Kahit Burol mo eh hindi ako puwedeng dumalaw... Parang anlaki naman ng kasalanan ko sa'yo..." Ang explain kaagad ng naGuilting si Dominic sa nakasimangot na si Doc Racky.

"BAWAL KA TALAGA SA BUROL KO..." Ang galit warning ulit ni Doc Racky sa helpless na si Dominic.

...

...

...

...

...

Medyo kinabahan itong si Doms dahil first time niyang makitang nagalit itong si Doc Racky.

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...


"KAPAG NAGPUNTA KA KASI SA BUROL KO EH BAKA TUMIBOK ULIT ANG PUSO KO..." Ang biglang banat ni Doc Racky na hindi inaasahan ni Doms.

Parang kinuryente ang buong katawan ni Dominic at tagos na tagos hanggang buto niya ang banat ni Doc Racky kaya nama'y hindi na namalayan pa ni Doms na nakaguhit na pala sa kaniyang mga labi ang isang matamis na ngiti...

Kaagad namang napa-iSmile itong si Doc Racky nang makita niyang napaSmile itong si Dominic dahil iyon ang sign na kanina pa niyang hinihintay...

Magsasalita na sana itong si Dominic ngunit naudlot ang kaniyang sasabihin sana kay Doc Racky dahil naging masyadong mabilis muli ang mga pangyayari...

...

...

...

Namalayan na lamang ni Doms na nakalapat na ang dalawang maiinit na mga palad ni Doc Racky sa kaniyang pisngi at damang-dama niya ang mainit na paghihinang ng kanilang mga labi...

...

...

...

Hindi na namalayan ni Doms kung gaano katagal ang kanilang pagli-lips to lips basta namalayan na lamang niyang tahimik niyang pinagmamasdan ang nakaSmile na mukha ni Doc Racky...

"Bakit ka nakaSmile..." Ang tanging mga namutawing mga salita na lamang ni Doms para kay Doc Racky.

Hindi na siya sinagot pa ni Doc Racky bagkus ay ngumuso na lamang ito at kaagad na sinundan ni Doms ng kaniyang paningin ang inginu-Nguso sa kaniya ni Doc Racky...

NapaSmile din itong si Doms nang makita niyang tinatakpan ng nakaupo sa sofang si Thalia ang mga mata nito gamit ang dalawa nitong front paws...

"Doc..." Ang usal na lamang muli ni Doms nang biglang tumayo mula sa kaniyang tabi itong si Doc Racky at walang pasabing hinawakan siya nito sa kaniyang isang kamay at hinilang patayo.

"Saan tayo pupunta..." Ang kinakabahang tanong kaagad ni Doms nang hinila na siya ni Doc Racky patungong hagdanan.

"Somewhere private at nakakhiya naman kay Thalia..." Ang nakaSmile na explain naman ni Doc Racky.

Parang naHypnotized itong si Dominic at walang kahirap-hirap siyang naisama ni Doc Racky sa loob ng room nito hanggang sa maisara't maiLock na din ni Doc Racky ang pintuan ng kaniyang kuwarto...

...

...

...

NagSigh na lamang itong si Thalia dahil alam na alam niya ang gagawin ng dalawa and that time din ay nag Give up na siyang magpaPansin kay Doc Racky...

Kaagad na tumayo itong si Thalia mula sa pagkakasalampak niya sa sofa at lumabas ng bahay upang puntahan ang Bulldog na si Brutus...

Alam ni Thalia na baka matagalan sa pagja-Jamming nitong sina Doms and Doc Racky kaya nama'y para hindi mamuti ang kaniyang mga mata sa paghihintay ay nagDecide na lamang siya na kilalaning mabuti ang Bulldog na si Brutus...


 Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You




To Be Continued

36 comments:

  1. Friend! Na-miss kita at si Thalia!:))

    Awesome read, as usual. Thanks for the update!:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naging busy lang si Ponse Friend Rico for the past week :))

      Delete
  2. Grabe sobrang nakakakilig...

    Boholano blogger

    ReplyDelete
    Replies
    1. See you sa next prt Kuya Boholano :))

      TC and God Bless palage :))

      Delete
  3. Replies
    1. Nice to meet you kuya Marc :))

      Tenchu sa pagbasa't pag-iwan ng Comment :))

      Delete
  4. "ang saya talaga.,. Masarap talagang ma-in love. Relate ako sobra... 4 months nadin kami ng bf kong doctor...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag Jamming na din ba kayo Kuya Arejay ng BF mo din :)) LOLs!!!

      Delete
    2. yeah... always.. hehehehehe.. later punta kami gym and dinner.. keep up the good work Ponse baby.. muaahh!

      -arejay kerisawa

      Delete
    3. Pagkatapos nyong mag Gym nd Mag Dinner eh Anong Gagawin nyo sunod??? :)) LOLs!

      Delete
  5. Nagpaparaya ka naba thalia kaya dedma ka nalang sa ginagawa ng 2 hehe! Kay brutus ka nalang, mas bagay pa kayo. haha! Bugbog sarado pala ginawa ni thalia, ganun ba kadesperado magselos si thalia? ayan happy na yung dalawa. tuloy-tuloy na sana yang relasyon nyo para masaya.

    Doms, naaalala mo parin si harold, mukang babalikan ka nun ah. Baka me nangyaring di maganda sa magsyota sa baguio. Pag naiisip kasi ang isang tao, bigla-bigla magpapakita nalang yan. Thanks sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na magpaparamdam pa si Harold Kuya 0309 :))

      See you sa Twist natin sa next part :))

      GOD BLESS PALAGE!!!

      Delete
  6. Replies
    1. Everyone needs Kilig Mr.Stan :)) Nyahahaha!!!

      Delete
  7. Grabe kinikilig ako dto sir ponse...ganda ng mga banat ni Doc :)))

    Sobrang Tamis dis episode...saLamuch !!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala ng 'Sir' Kuya Raffy :)) Ponse na laang para ADIK :))

      Delete
  8. Kilig na kilig.....

    #sinbad

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu sa pagbasa't pg iwan ng Comment Kuya SinBad :)) See you sa next part :))

      Delete
  9. cute talaga ni thalia. d love story has begun nagaminan na. tnx ponse

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu din Kuyang Anon :)) NExt time eh lagay ka namang name para sa batian portion natin sa Finale :))

      Delete
  10. Adik talaga tong si Thalia!hahaha!dami kong tawa :D

    Finally nagka aminan na din yung dalawa :)) ang saya!

    Thanks Kuya Ponse na Adik! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkakaaminan na din sila ng mga ugali nila Kuya Riley :)) LOLs!!!

      Delete
  11. salamat sa update kuya ponse pogi...kakain love si semi kal na vet.. Siguro kamukha mo si doc racky....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi Kuya Vince :)) Kamukha ni Ponse si Brutus! Nyahahaha!!!

      Delete
  12. what can i say Ponz kundi EXCELLENT! ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hopefully Tito Robert eh maituloy tuloy na natin hanggang Finale :))

      GOD BLESS PO!!!

      Delete
  13. Gusto ko munang magpasalamat bago ako mag comment. Alpo, salamuch sa patuloy na pag inspire sa aming mga readers, alam kong hindi biro ang ginagawa mong pag balanse ng oras mo kaya para sa akin isa kang bayani.. ;)

    I will go straight to the point. Nabigla ako sa progress ng kwento. I was expecting a long courtship between them. Yung may conflict... i know sobrang cliche na nun but still. I think yun yung nag dadala ng spice sa isang storya.

    pero gaya ng lagi kong sinasabi, you never fail to surprise your readers at alam kong may mga nakatago ka pang pasabog. Hihintayin ko yun and i will look forward para sa isang happy ending... ~ciao ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga Conflict tayo Mr.FrostKing na alam kong madaming makakaRelate. Sa next part na yun :))

      Delete
  14. baka tumibok uli ang puso ko pag pumunta ka sa Burol ko........ wheyyyyyyyyy..... nice line.... hahaha

    ReplyDelete
  15. Talagang iba kung bumanat itong si doc hehehe...kinikilig naman masyado tong si Domz

    Kawawang thalia hahaha kay brutos napunta..hanggang pangarap nalang niya si Doc

    ReplyDelete
  16. Nice chapter mister author.

    ReplyDelete
  17. Ngaun ko pnf nbasa kuya ponse...ntawa ako s pakikialam ni thalia s make up.

    ReplyDelete
  18. Hiyang hiya naman ako sa pagkaselosa ni Thalia, at ang lantod..hahah sya na nag make up at perfume...hahaha nwei ang kilig ko lang sa team DoCky! Haha

    ReplyDelete
  19. There's a kind of hush..

    D ako maka react..

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete
  20. Match yung kanta para sa ending nung story..

    Just the two of us.. And nobody else inside..

    Magaling!

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails