Followers

Saturday, November 9, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Teaser]



Note: Magandang araw sa lahat! Tapos na po akong magsulat. Regular po akong mag-uupdate hanggang sa matapos ang kuwentong ito. First time ko rin po magsulat. Baguhan pa lang ako kaya ineencourage ko po kayong magbigay ng criticisms bawat chapter. I would be more than happy. :)

Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!

---

Sa pag-ibig, masarap isipin ang perfect someone. Yung tipong kapag nakita mo na, hindi ka makapaniniwala na maaaring palang magkakatotoo ang iyong mga pangarap, iyong mga ambisyon, iyong mga panaginip.

Ngunit paano kung ang taong mahal mo, at ang pag-ibig na natatamasa mo, ay ang tipo ng pag-ibig na mananakit sa'yo? Handa mo bang ipaglaban ito? Mapapanagutan mo ba ang mga aftermath nito?

At kung mapapanagutan mo ito? Hanggang saan ang kaya mo?

Isang hula lang ang magpapamulat sa kwento ni Angelo.

Ang bruha - Ang taong sisira sa buhay ni Angelo. Gagawin niya ang lahat, mapatumba lang si Angelo. Sino ang bruha sa buhay ni Angelo na magdudulot ng matinding trahedya sa buhay niya?

Ang mandirigma - Ang taong ipaglalaban si Angelo. Palaging nasa tabi ni Angelo at palaging ipaglalaban ang anong nararapat para kay Angelo. Sino ang mandirigma na babawi sa mawawalang dignidad ni Angelo?

Ang nagmamahal - Ang taong mamahalin nang wagas si Angelo. Pagdating ng panahon, hindi masusuklian ni Angelo ang pagmamahal na maibibigay ng "nagmamahal". Sino ang taong ito at hanggang saan ang kaya niyang maging martyr sa ngalan ng pag-ibig?

Ang manloloko - Ang taong tatapos sa buhay ni Angelo. Siya ang magbubulag kay Angelo sa katotohanan, at siya ang liligaw ng landas ni Angelo sa buhay. Siya ang magbibigay katuparan sa mga pangarap ng bruha - na sirain si Angelo. Sino ang manloloko na tatapos sa buhay ni Angelo?

Apat na katauhan ang magbibigay palaisipan sa kuwento, ang magbibigay kabuluhan sa buhay ni Angelo. Magbibigay saya, lungkot, sakit, at galit.


Sundan ninyo ang kuwento ni Angelo, ang taong walang tanging kasalanan kundi ang magmahal. Sa ngalan ng pag-ibig, hahantong ang lahat sa trahedya. Pipigain ang inyong mga puso sa bawat trahedya na dadapo sa buhay ni Angelo...

Malalaman kaya ni Angelo ang mga taong nasa hula?

Maiiwasan ba kaya ni Angelo ang kamatayan na nakatadhana sa kanya?

Hanggang saan kaya ang pagmamahal ni Angelo?

Hanggang saan ang padurusa ni Angelo?

Mabubuhay pa kaya siya?

Abangan...

GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO.

8 comments:

  1. Mukhang maganda ah. Excited na ako!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello -hardname-,

      Maraming salamat po. Excited na rin po ako. Hahahaha. Abangan niyo po ang susunod na mga kabanata. Salamat po! :)

      Delete
  2. Interesting teaser...pero parang di tugma ang title. But anyway i will wait for the first chapter.

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Randzmesia,

      Sinadya ko po talagang di tumugma. Malalaman niyo rin po kung bakit. Thank you po! :)

      Delete
  3. wala masyadong dating ang teaser.
    pero mukang interesting.

    wag nalang gagamit ng english word/words na medyo malalim para mas mabigyan ng buhay at maramdaman ng magbabasa ang gusto iparating.

    ^^,

    goodluck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello ferdinand,

      Thank you po. Sisikapin ko pong maging interesting ito. At saka sa use of words, medyo nahihirapan po ako kasi hindi ako sanay sa tagalog. Hahahaha! Kaya ayun, in-eenglish ko na lang ang hindi ko maipaliwanag. Sisikapin ko po iyan. Maraming salamat po! :)

      Delete
  4. hhmmmmmmmmm.. sana maging kaabang-abang ang bawat chapters...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello arejay! Sisikapin ko po. Huehue. Thank you! :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails