Followers

Friday, November 15, 2013

Blue Chapter 24



SI ALDRED


                 " yeah.. Mas sobrang bagay tayo.."

                 " ah ok.. Una na ko huh.. Sunduin ko pa pala si blue eh." ngiti ko lang.

                 " sige.. Ingat ka crush." saad lang niya tinanguan ko naman sya saka pinaandar yung motor.. Tama ba tong ginagawa ko.. Naawa lang ako sa kanya.. Hindi naman siguro iba yung nararamdaman ko.. Napabuntong hininga nalang ako.. Naalala ko naman yung I.D sa bulsa ko saka hininto yung motor.. Ilang sandali akong nakatitig sa I.d na hawak ko saka nagpasyang bumalik.. Napuno lang ako ng pagtataka sa nakita ko.. Kotse  ba yun ng daddy ni blue?.

                  Nang iparada ko yung motor sa likod ng sasakyan kita ko lang yung pagpasok ni irene sa bahay nila kasunod yung daddy ni blue.. Bakit parang nag-aaway sila?.. Ng makita kong nakabukas yung gate nagdalawang isip pa ko kung papasok ako.. Hangang maulinagan ko yung sigaw ni irene.. Nagpasya naman akong pumasok.. Nakita ko lang na bukas yung pinto, nagkubli lang ako sa gilid upang hindi nila mapansin yung presensya ko. Halos manghina ako ng marinig lahat ng sinabi ni irene.. Hangang isang sampal ang narinig ko.. Kasunod nun ay isang kalabag ng isang pinto..

                  Nanlaki lang yung mata ko ng makita yung daddy ni blue sa harap ko. " tito.?"

                  " aldred..?" kita din yung gulat sa mukha nito.

                  " tito hindi ko sinasadyang marinig.." natatarantang saad ko. Napalingon lang kami sa loob ng marinig yung pagwawala at sigaw ni irene sa loob ng kwarto nito.

                " alam ba ni irene na babalik ka..?" agad naman akong umiling. " tara sumakay ka sa kotse ko."

                " ah yung motor ko po tito.?" napailing naman to.

                " oo nga pala.. Ok sundan mo nalang ako." saad nito saka lumabas ng gate at tumuloy sa kotse nito.. Muli lang akong lumingon sa bahay nila irene bago sumakay sa motor ko.. Sinundan ko lang yung sasakyan ng daddy ni blue hanggang makarating kami sa isang coffee shop.. Pagkapark ko ng motor ay sinundan ko lang sya sa loob at umupo.

                " tito.. Hindi ko po sinasadya.?"

                " narinig mo ba lahat.?" marahan naman akong tumango.. Kita kolang na napabuntong hininga sya. " may nararamdaman ka ba kay irene.?"

                " uhm tito.. Inaamin ko po ginugulo ni irene yung utak ko.. Siguro po.. Pero pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi niya.. Nabura lahat yun... Hindi ko hahayaang saktan niya si blue.. Hindi ko po hahayaang mangyare yung pinaplano niya..mahal na mahal ko po si blue.."

                " aldred.. Si irene anak ko din sya."

                " at hindi po alam ni tita at ni blue yung tungkol dito..?"

                " oo aldred."

                " tito I know wala po akong karapatan sumabatan kayo.. O kahit magtanong lang.. Pero po bakit.? Bakit po niyo nagawa to.?"

                " hindi ko sinasadya aldred.. Hindi ko to ginusto."

                " masasaktan po si tita at lalo na si blue sa oras na malaman nila yung tungkol dito.."

                " alam ko.... Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano gagawin ko.. Si irene desidido syang makuha ka.. Disidido syang saktan si blue."

                " hindi mangyayare yung gusto niya tito.. Si blue po ang mahal ko.. Mas lalo kong napatunayan yun ngayon."

                " aldred pwede mo bang itago muna to.?"

                " tito.. Darating ang panahon malalaman nila yung tungkol dito.. Lalo na po ngayon na kumikilos si irene.."

                " yun nga sana ang ipapakiusap ko sayo aldred.. Sa oras na malaman ni irene na alam mo na yug plano niya.. Guguluhin niya kami.. Sisirain niya yung pamilya namin."

                " ano pong gusto niyong gawin ko.?"

                " wag mo ipahalata kay irene na alam mo na.. Kumilos ka ng normal.."

                " pero po tito.. Hanggang kailan.. Kung ako lang po kasi.. Hinding hindi ko na sya lalapitan... Kahit kapatid pa sya ni blue"

                " aldred.. Panahon na rin siguro para malaman ng asawa at anak ko ang tungkol dito.. Aldred nakikiusap ako sayo.. Hahanap lang ako ng tyempo.."

                " tito hindi ko alam kung makakakilos pa ba ko ng katulad ng dati sa harap ni irene.. Sa oras ng masaktan si blue hindiko po sya mapapatawad."

                " sandaling panahon lang aldred.. Nakikiusap ako.."

                " pero po tito.."

                " please aldred.." ilang segundo naman akong natigilan saka bumuntong hininga.

                " ok po tito.. Pero sana po masabi niyo na po sa kanila.. Ayoko pong magsinungaling kay blue.. Ayoko po syang masaktan..?"

                " salamat aldred.. Tama nga si blue.. Iba ka.. Natutuwa ako hindi nagkamali ng pinili si blue ng mamahalin.." napangiti naman ako.

                " may kasalanan nga po ako sa kanya eh.." natigilan naman ako. "tito patay ako.. Susunduin ko pala si blue ngayon.?"

                " huh.. Hindi ka nagtext.?"

                " aixt magagalit po yun.? Pwede na po ba kong umalis.?"


                   " ok.. Aldred yung pinagusapan natin huh.?"

                   " opo.. Pero tito promise niyo po sasabihin niyo po sa kanila sa lalong madaling panahon huh.. Kasi po hindi ko kayang nagsisinungaling lalo na po kay tita.. Kay blue ok lang.." ngiti ko.." joke lang tito." napangiti naman to.

                    " ok.. Aldred.. Pangako.. Bilisan mo na lagot ka sa anak ko.." tumango naman ako saka tumayo. " magingat ka sa pagdadrive.. Mapapatay kita pag nagalusan si blue."

                   " yes tito.." saludo ko saka umalis na lugar na yun.

                   Saktong pagparada ko sa tapat ng schoool nila blue ay palabas palang ito ng gate napangiti lang sya ng makita ako..dapat ko bang sabihin sa kanya.. Pero nangako ako..saad ko lang sa sarili ko.

                   " kanina ka pa jan.?" bungad lang ni blue sakin..

                   " hindi naman.. Hows school.?" pilit ang ngiting tanong ko sa kanya.

                   " ok lang.. Sensya kung matagal ako lumabas.. Kinausap pa ko ni sir eh.. Sorry aldred huh tagal mo ata nagantay dito.? Nawala kasi sa isip kong magtext eh"

                   " hindi naman masyado.."

                   " sorry huh.."

                   " ok lang tara na..."

                   " may problema ka ba.. Bakit parang iba yung dating mo ngayon.?"
    
                   "anong iba.? Gutom na ako eh..?"

                   " ah ok." nakita ko naman si chris na tinapik si blue sa balikat. " oh chris uwi ka na..?"

                   " yeah.. Aldred musta.?" baling nito sakin.

                   " ok lang tol." ngiti ko lang.

                   " ok sige una na ko.. May gagawin pa ko eh.. Blue.. Ingatz.." saad ni chris tumango naman si blue saka sumakay sa likod ko nagsimula naman maglakad si chris.

                 " hoy magingat ka din." sigaw pa ni blue dito lumingon lang to saka ngumiti. " tara na red.. Gutom na din ako eh.."

                 " yeah.." saad ko lang saka pinaandar yung motor... Pagdating namin sa bahay nila bumaba lang si blue sa motor nakita ko naman na nasa garahe na yung kotse ng daddy niya.

                 " andito na si dad ang aga niya ngayon ah.?"

                 " mukha nga.." ngiti ko.. " bibihis muna ako blue huh.. Babalik ako." ngiti ko.. Tumango naman sya saka pumasok sa gate nila.. Pinagmasdan ko lang sya.. Dapat ko bang sabihin sa kanya....hanggang kailan ko ba to itatago.. Napabuntong hininga namaan ako.. Bahala na.

                 Pagbalik ko sa bahay nila naabutan ko lang yung daddy at mommy ni blue sa sala.,. " goodevening po." ngiti ko.

                 " nasa kwarto si blue.. Aldred may nakwento ka sakin nung nakaraan.?" saad ng mommy ni blue.

                 " ano po yun tita.?"

                 " yung tungkol sa stage play mo.. Tinawagan ko yung mommy mo kung pupunta sya.. Pwede ba kaming pumunta dun.?"

                 " gusto niyo po manuod.?"

                 " oo naman..?" napatingin naman ako sa daddy ni blue.. " gusto kita mapanuod.. Saka si blue sabi niya bibigyan mo daw sya ng ticket.. Dapat kami din.?"

                 " ah ok po tita.. Im sure magiging fans ko na kayo after niyo ko mapanuod dun." ngiti ko nalang.

                 " yabang.. Honey ikaw gusto mo sumama.?" baling nito kay tito ngumiti naman to.

                 " kapag hindi busy sa work.."

                  " ah sige po.. Akyat na po ako.." saad ko lang.

                  " hoy teka aldred.. Nagpaalam ka ba sa mommy mo na dito ka magdidinner..?"

                  " ah opo nasabi ko.. Luto na po yung adobo.?" natatawa kong saad.

                  " baliw kang bata ka ah.. Pano nalaman na adobo yung ulam.?"

                  " syempre.. Knows na knows na kita tita.." natawa lang to sa sinabi ko kahit yung daddy ni blue. " akyat na po ako.. Mis sko na si blue."

                  " miss.? Araw araw naman kayong magkasama.?"

                  " ganun po talaga pag inlove.. Akyat na ko tita inaantay na ko nun eh.?" saad ko lang habang nagkakamot ng ulo.

                  " ok fine.." saad nito.. Ngumiti lang ako saka umakyat sa hagdan naabutan ko lang si blue na nasa harap ng computer niya.

                  " ang ingay niyo naririnig ko kayo dito.?" saad lang ni blue lumapit naman ako sa kanya saka tiningnan yung screen ng computer.

                  " anong ginagawa mo.?" tanong ko lang.

                  " ah ang tagal mo kasi kaya nagopen muna ako ng facebook.. Aaccept ko lang sana si chris pero nakita ko inaadd ako ni irene mo.?"

                   " anong irene ko.?"

                   " joke lang.. Magkaapilido pala kami noh.? "  natigilan naman ako sa sinabi niya.

                   " common naman kasi yung apilido mo.." saad ko nalang.

                   " friends mo ba sya sa facebook.?"

                   " hindi.."

                   " bakit.,? Teka kapag ba friends na kami sa facebook ibig sabihin friends ko na talaga sya."

                 " hindi naman porket friends mo na sa fb>? Friends mo na talaga sa personal.. Namiss kita blue.?" niyakap ko naman sya saka hinalikan sa pisnge.

                 " magkasama lang tayo kanina eh.." ngiti niya sakin.

                 " eh bakit ba namiss talaga kita eh..Tama na yan dun tayo sa kama.?" ngiti ko.. Lumingon naman sya sakin..

                 " aldred.. Grabe ka.?" saad niya yumakap lang ako sa kanya saka pinasok sa tshirt niya yung kamay ko. " seryoso ka aldred.?"

                 " eh kasi namiss nga talaga kita.?" hinarap ko lang yung upuan niya saka sya hinalikan sa labi. " i love you blue." saad ko ng maghiwalay yung mga labi namin.

                 " malapit na magdinner eh..?" tulak niya sakin pero muli ko lang syang hinalikan sa labi.

                 " kiss lang.. Ang sarap talaga ng lips mo eh." kinabig naman ni blue yung ulo ko saka Mapusok na hinalikan. Sinagot ko naman yun maya maya lang humiwalay sya sakin. Saka muling humarap sa computer niya. " blue.?"

                 " oh.?"

                 " eh dun tayo sa kama mo.?"

                 " eh kasi sa pagkakarinig ko lang.. Sabi mo masarap yung lips ko.?"

                 " oo.. Sinabi ko nga yon..? tara na.". Yakap ko sa kanya.. Tinanggal naman niya yung kamay ko sa leeg niya.
                                   
                 " so yung lips ko lang ang masarap.. Hindi kasama yung katawan ko.?" ngiti niya sakin kaya natawa ako.
               
                 " to talaga.. Syempre lahat sayo masarap.. Cute mo talaga." kurot ko sa pisnge niya. Napatingin naman ako sa screen ng computer.. " wait teka.?" agaw ko sa mouse na hawak niya.

                 " anong aggawin mo.?"

                 " teka lang.." saad ko saka minimize yung chrome., sinimaan ko naman sya ng tingin ng makita yung wallpaper ng computer niya.yung picture nila ni chris.

                  " ahhh ehh kasi aldred hindi ko pa nababago..?"

                  " bakit hindi mo pa binabago.?"

                  " nakakalimutan ko lage eh." sinimangutan ko naman sya.. Umiling lang sya saka tumayo at kinuha yung cellphone niya. " smile.?" saad niya saka dinikit yung mukha niya sa mukha ko. " ngumiti ka." saad niya ng makitang nakasimangot parin  ako. Imbis na ngumiti humalik lang ako sa pisnge niya. " sabi ko ngiti eh.?" tiningnan niya naman yung cellphone niya.

                  " yan maganda.. Pasa mo sakin yan huh.?"  pumunta naman sya  sa cabinet saka kinuha yung card reader pagkatapos ay nilagay sa computer.

                  " satisfied ka na.?" saad niya pagkabago ng wallpaper ng compter niya.

                  " ang gwapo ko noh.?" ngiti ko habang nakatingin sa screen.

                  " wehh gwapong gwapo sa sarili kamo.?"

                  " hoy blue grabe ka huh.. Gwapo naman talaga ko ah.?"

                  " woooshhhhuuuu.."                 

                  " ah ganun.." hinila ko naman sya patayo sa upuan niya pagkatapos ay inihiga sa kama.

                  " hoy aldred tumigil ka.." saad niya pero pinatungan ko lang sya. " ang bigat mo.?" nguso niya lang.

                  " sabihin mo gwapo ako."

                  " panget si aldred.." ngiti niya sakin hinalikan ko naman sya sa labi.

                  " sabihin mo gwapo si aldred..."

                  " ang panget ni aldred.." saad lang uli niya kaya hinalikan ko lang uli sya hiawakan ko lang yung kamay niya ng aktong itutulak niya ko..

                  " pag sinabi mong panget ako hahalikan lang uli kita sige.."

                  " panget si aldred.. Panget si aldred.. Panget panget panget. Madami yan kaya madaming kiss.?" ngiti niya kya natawa ko.

                  " gusto mo lang ikiss kita eh..?" ngiti ko.. Kinabig niya naman yung ulo ko saka tinulak para ako naman yung patungan niya.. Sinagot ko naman yung halik na yun.. Hanggang bumaba yung halik niya hanggang sa leeg.. " ahhhh"

                  " wag kang maingay.?" ngiti niya sakin.

                  " may tape ka ba jan blue.?" tanong ko lang tumingin naman sya sakin na nakakunot ang noo.

                  " anong gagawin mo sa tape.?"

                  " ilalagay ko sa bibig ko.. ?" ngiti ko lang.

                  " baliw ka..?" saad niya saka tumayo.. " tayo ka na jan.. Malapit na magdinner.

                  " wait wait teka lang,, tuloy na natin.?'

                  ' suntok gusto mo.. Magdidinner na.. For sure kakatukin tayo ni mommy.?" ngiti niya umupo naman ako sa kama saka nagkamot ng ulo.

                  " naman..?"

                  " mamaya nalang.?"

                  " wait ikiss mo muna ko dito.?" turo ko sa leeg ko.. Tumingin lang sya sakin. " kiss lang please.?"

                  " kilala kita aldred.. Mamaya nalang.."

                  " naman.?" nguso ko lang.. Bumalik lang sya sa kama saka yumakap at humalik sa leeg ko. Niyakap ko naman sya ng mahigpit. " huli ka.!"           

                  " sabi ko na nga ba.. Bitiwan mo ko.. Hindi ako makahinga."

                  " weehhhh." saad ko saka hinalikan sya sa labi.. Natigilan lang kami sa katok sa pinto agad naman akong humilay kay blue. Dun naman bumukas yung pinto.

                 " anong ginagawa niyo huh." saad ng mommy ni blue pagsilip sa pinto.

                 " wala po tita.?"

                 " ows.. Baba na kayo.. Kakain na tayo."

                 " ok mom sunod kami.." saad ni blue saka dumila sakin.

                 Pgpasok ko kinabukasan tulad ng inaasahan naabutan ko lang si irene sa harap ng room namin.. Pinilit ko namna nkumilos ng normal saka ngumiti.

                 " goodmorning crush." masiglang bati nito..

                 " goodmorning din." ngiti ko lang hindi ko naman mapigilan titigan yung mukha niya.. Mejo may pagkakahawig nga sila ni blue.. Lalo na yung mga mata.

                 " hey aldred wag mo naman akong titigan ng ganyan.. Nakakailang.." ngiti niya sakin,

                 " ang ganda pala ng mata mo noh.."  natigilan naman sya sa sinabi ko.. Kita lang yung pagbabago ng mood niya. " why.?"

                 " ah may naalala lang ako.."

                 " ano naman.?"

                 " parehas kami ng mata ng kapatid ko.. " pilit ang ngiting saad niya.

                 " may kapatid ka.?"

                 " yeah.. Pero patay na yun.. Matagal na.." ngiti niya.." here oh.. Sandwich again.." abot niya sa hawak niya... Kinuha ko namna yun saka tiningnan.

                 " anong name ng kapatid mo.?"

                 " xander.." saad niya.. Napangiti lang ako sa pagkakabanggit niya ng pangalan na yun.. " bakit ka nakangiti.?"

                 " since may naalala ka.. Meron din akong naalala sa name na yan.."
                " talaga.? Sino.?"

                " ah nevermind.. Oo nga pala.. Pano ka nakapasok eh nasa akin yung I.D mo.?" saad ko saka kinuha sa bag ko yung I.D niya.

                " pano napunta sayo to..?"

                " naiwan mo kahapon ng umaga. Nakalimutan ko lang ibigay sayo.. Sige pasok na ko huh.. Thanks sa sandwich." ngiti ko.

                " ok sige., alis na ko." ngiti niya.. Tumalikod naman sya saka nagsimulang maglakad pinagmasdan ko lang sya habang palayo sakin napangiti lang ako.... "Xander... Alexander blue sebastian.. "

9 comments:

  1. Irene hindi k mag tatagumpay laban s power rangers LoL'

    Ang galing mo sir' ^__-
    Update na mr. Author
    Keep it up'


    _ace

    ReplyDelete
  2. ngayon, bistado na ni red si kontrabida girl. diko nmn masisisi c girl, me ganun talaga na nangyayari. pero suportado nmn yata sila eh. kaya ang bagay na tawag sa kanay ay KSP. ganda nga nya, dapat magaral nlang syang mabuti at magsumikap.

    ang sweet-sweet namn ni blue at red. kakainggit nmn ng tukaan at yakapsul nila. naalala ko tuloy ang mahal ko. parang gusto ko ng umuwi ng pinas ah.

    ReplyDelete
  3. hindi mo talaga inaccept yung comment ko sa previous chapter?? ang haba ng sinabi ko dun, nagbigay ng pointers. wow ha, Im disappointed. tsk! paki explain.

    ReplyDelete
  4. hindi mo talaga inaccept yung comment ko sa previous chapter?? ang haba ng sinabi ko dun, nagbigay ng pointers. wow ha, Im disappointed. tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. NagkaProblema sa pag a approve ng comments Andy. Nakita ko yung sinabi mo about using "?". paki ulit na laang yung comment mo (11 comments yung hindi na-approve at na delete. Sorry.

      NaExplain ko na. LABYU!

      Delete
    2. Nagkaproblema sa mga comments ANDY kaya di lumabas (11 na comments sa mga stories kasama nung sa iyo) ulitin mo na lang para mabasa ng author.

      Na Explain na namin. LABYU!

      Delete
  5. Buti na lng nalaman ni red ang totoo. Dahil kung hindi at sinaktan nya c blue eh mayayari sya sakin.

    ReplyDelete
  6. oh, okay, thank you. lab you too. :) thanks.

    ReplyDelete
  7. Tagal ng mag update nkakatanad na tuloy basahin

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails