Followers

Thursday, November 7, 2013

blue chapter 22




                   Hapon na yun pero hindi parin nakakauwi si aldred nagtext lang sya na hindi pa daw tapos yung praktis nila.. Naiinip naman ako manuod lang ng tv kaya nagpaalam ako kay mommy na may bibilihin lang... Napagpasyahan kong pumunta sa plaza para bumili ng barbeque dala yung motor ko..pag kapark ko palang ng motor may napansin na kong pamilyar na mukha.. I know her... Saad ko lang sa sarili ko ng makita yung dumaan na babae.. Sinundan ko lang sya ng tingin..lalapit na sana ako sa kanya ng maalalang sya pala yung exgirlfriend ni chris ng  makita kung sino yung nilapitan niya.. Si aldred.. Pinagmasdan ko lang silang dalawa.. Pansin ko yung inis sa mukha ni aldred sa paglapit ni irene..

                  Ilang sandali pang nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.. Sabi ni aldred nasa praktis sya eh bakit sya nandito sa plaza.. Kasama si irene.. Maya maya nakita kong humawak si irene sa braso ni aldred kita ko naman na agad na tinangal ni aldred yung kamay sa braso niya... Hanggang magpasya akong lumapit sa kanila.

                  " hi irene.." ngiti ko.. Kita ko lang yung gulat sa mata ni aldred.

                  " wait i know you.. Yeah ikaw yung kasama ni chris last time sa bookstore right..?" ngiti ni irene sakin.

                  " yeah.. Boyfriend mo.?" saad ko habang nakatingin kay aldred sinimaan naman ako ng tingin nito.

                  " yeah.. He's my boyfriend." saad ni irene saka humawak sa braso ni aldred.

                  " you're out of your mind.. Hindi kita girlfriend bitiwan mo nga ako." asik ni aldred dito.. Tiningnan ko naman si irene na nakakunot ang noo.

                  " huwag mo ko ipahiya aldred..." simangot lang ni irene.

                  " eh hindi naman talaga kita syota.. Blue let me explain.." saad ni aldred sakin.

                  " magkakilala kayo.?" kunot ang noong saad sakinm ni irene pero nginitian ko lang sya.

                  " kailangan niyo ata magusap una na ko.." ngiti ko lang saka tumalikod.. At nagmamdaling naglakad.. Maya maya nakita ko kasabay ko ng maglakad si aldred.

                  " blue wait.. Pwede magexplain.?"

                  " bakit mo iniwan yung girlfriend mo.?.. Ang sama mo talaga."

                  " hindi ko sya girlfirend.. Di ba nakuwento ko na sya sayo before.. Sya yung makulit na girl.. And tama ako sya nga yung secret admirer ko."

                  " bumalik ka na dun.." simangot ko lang sa kanya.

                  " blue naman.?"

                  " nasa praktis pala huh.. Kayong dalawa lang nagpapraktis.?"

                  " eh kasi.. Katatapos lang ng praktis namin.. Eh nagtext yung secret admirer ko i dont know nga kung san nakuha ni irene yung number ko.."

                  " may girlfriend ka pala hindi mo sinasabi.?"

                    " blue naman eh...?"

                    " ano..?" saad ko lang hanggang makarating kami sa bilihan ng barbeque.. " sinungaling ka." mahinang saad ko.

                    " blue naman eh.. Itetext na sana kita na pauwi na ko.."

                    " itetext mo ko na pauwi ka na.. Eh kasinungalingan parin yun eh.. Makikipagkita ka pa nga sa napakaganda mong secret admirer." saad ko lang saka binigay sa tindera yung barbequeng kinuha ko. " pakiluto na po ate."

                    " ah yun nga itetext ko na makikipagkita pa ko.. Blue naman sorry na..?"


                   " dun ka na nga sa girlfriend mo."


                   " blue naman..?"

                   " tigillan mo ko aldred.. Baka makita ka ng secret admirer mo.. Magalit sakin yun.. Kaya konting layo.." bulong ko sa kanya.. " ate antayin ko nalang po dun sa bench huh." ngiti ko sa tindera saka inabot yung bayad... Tumango naman to.. Naglakad lang ako papaunta sa isang bench sumunod naman si aldred sakin na nagkakamot ng ulo.

                   " blue sorry na..?"

                   " sabi ko layo.. Baka makita ka ni irene.."

                   " blue naman eh.. Wala akong paki kahit makita niya ko.. Ano naman eh ikaw naman kasama ko.."

                   " aldred naiinis na ko dun ka na nga sa girlfriend mo.. Akin lang yung barbeque wag kang hihingi huh."

                   " blue sorry na.. Wag ka ng magalit.?"

                   " mukha ba kong galit..?"

                   " parang ngang kakainin mo na ko eh.. Blue sorry na.. Happy birthday."

                   " sinira mo nga araw ko eh."

                     " sorry na.?"

                     " sobrang ganda naman ni irene.. Bagay kayo.."

                     " blue para kang baliw.. Gusto ko lang na malaman kung sya nga talaga yung secret admirer ko kaya pumayag ako makipagkita sa kanya.."

                     " mukha syang prinsesa.. Mukha kang prinsipe.. Perpect match."
                     " naman to oh. Sorry na.."

                     " balikan mo na sya.. Ok lang sakin..."

                     " blue please... Sorry na kasi.. Alam mo namna na mahal na mahal kita eh."

                     " eh bakit ka nagsinungaling.?"

                     " hindi naman ako nagsinungaling eh.." kita ko naman na yung tindera na papalapit na samin yung tindera ng barbeque dala yung pinaluto ko.

                     " salamat po ate." saad kon pagkaabot sa barbeque.. Nilingon ko naman si aldred saka sinimangutan.

                     " blue.. Wag ka ng magalit.. Oh yan yung phone ko para maniwala ka.." saad ni aldred saka nilapag sa upuan yung cellphone niya. " hindi lang nakapagtext sinungaling na agad.?"

                     " eh bakit ka nagagalit.?"

                     " eh pano kung sabihan mo ko ng sinungaling.. Eh hindi mo pa naman alam yung totoong kwento.. Tingnan mo na yung phone ko para maniwala ka.." kinuha ko naman yung phone niya.. Natigilan lang ako ng makitang picture naming dalawa kagabi yung nakawallpaper sa phone niya.

                     " ang panget ko naman dito aldred.. Bakit ito wallpapaer mo.?" simangot ko lang sa kanya.

                     " pakikialaman pa.. Yung mga meassage tingnan mo." simangot pa niya sakin saka tumingin sa malayo.. Nakita ko naman yung meassages sa phone niya mula sa number lang. " oh ano naniniwala ka na.?"

                     " eh pano nakuha ni irene number mo.?"

                     " malay ko.. Akin na nga yang phone ko baka baguhin mo pa yung wallpaper.." agaw niya sa cellphone niya.

                     " baguhin mo nga ang panget ko dun eh.. Tapos ikaw ang gwapo."

                     " ewan sayo." simangot parin ni aldred.

                     " teka bakit ka nagagalit.. Eh ako ang galit kanina ah.?"

                     " sinabihan mo ko ng sinungaling.. Eh hindi naman talaga.. Nacurious lang naman ako kung sino yung secret admirer ko eh.. Saka kung pano niya nakuha yung number ko."

                     " eh pano nga ba niya nakuha.?"

                     " hindi ko natanong.. Bigla kang dumating eh."

                     " kung hindi siguro ako dumating malamang nagdedate na kayo ngayon.. Pasensya huh.. Nasira yung momment niyo."

                     " blue sige mang-inis ka.. Hindi ko naman sya gusto.. Sinasabihan mo ko ng seloso.. Eh anong tawag sayo ngayon.?"

                     " eh sige kung ikaw makita mo kong may kasama.. Tapos kaming dalawa lang anong mararamdaman mo.?"

                     " magseselos.?"

                     " kitams.."

                     " haixt ewan. Basta blue mahal kita.. Si irene.. Hindi ko sya gusto.. Ikaw lang naman nasa puso ko eh."
                   " ows hindi nga.?"

                   " oo nga promise.. Pano mo pala nakilala si irene.?"

                   " ex sya ni chris.. And nakita namin sya sa bookstore.."

                   " ex sya ni chris..? Bagay sila ni chris.."

                   " matagal na daw yun sabi ni chris saka.. May topak daw yun si irene.. Ewan ko lang huh sabi lang ni chris pero mukha ok naman sya di ba.. Maganda pa.?"

                   " ok naman yun.. Narinig ko matalino daw yun kaso mejo loner yung babaeng yun eh.. Mejo mataray kasi.. "

                   " ganun.. Pero pag ngumiti sya.. Parang hindi naman.."

                   " ok na ba tayo blue.. Hindi ka na galit sakin.?"

                   " uhm pagiisipan ko pa.."

                   " blue naman eh.. Bumili ka ng barbeque hindi mo namna kakainin.. Penge nga.?"

                   " eh nakakainis ka kasi."

                   " blue wag ka ng magalit.. Kasi i love you.. Mahal na mahal kita.. Hindi ko magagawang lokohin ka.."

                   " oh." abot ko ng barbeque sa kanya kita ko lang yung ngiti sa labi niya.

                   " hindi ka na galit huh."

                   " hindi na.."



SI ALDRED


                   Monday nun papasok na ko ng shool ng mapansin ko si irene na nakatungong bumaba ng tricycle.. Hindi ko nalanng pinansin tinuloy ko lang yung paglalakad ko papasok ng school... Kung  nasira siguro kami ni blue dahil sa kanya.. hindi ko talaga sya mapapatawad.

                Hanggang maguwian ng alas tres ng hapon.. Tumambay lang ako sa gym ng school.. May praktis daw ng stage play ng 4 pm.. Umupo lang ako sa gilid saka pinanuod yung mga nagpaprakris ng sayaw. Maya maya napansin ko si irene na nakaupo sa di kalayuan.. Halos matakpan na ng buhok niya yung mukha niya habang may hawak na pocket book... Binalik ko naman yung tingin ko sa mga nagsasayaw.

                Ilang minuto pa ang nakalipas ng mapadako uli yung tingin ko  kay irene.. Nakita ko lang na nagpupunas na sya ng mata.. Nagdalawang isip naman ako kung lalapitan sya.. Hanggang magpasya akong lumapit.
                    
                " mas nakakaiyak ba basahin yan pag nakabaliktad.?" saad ko lang paglapit ko sa kanya habang nakatingin sa mga nagsasayaw.

                " huh ah eh..?" saad niya saka binaliktad yung pocket book na hawak niya.

                " panyo." ngiti ko sa kanya saka nilahad yung panyong hawak ko.. Tinanggap niya naman to.

                " ok lang ako.. Nanaginip ba ko.. Nilapitan mo ba talaga ko.? Ako ba talaga yung kinakausap mo." natawa naman ako ng payak saka umupo malapit sa kanya.

                " hindi naman ako yung iniiyakan mo di ba.. Kasi obviously buhay pa ko para iyakan.?"

                " uhm no.. Although masakit yung ginawa mo sakin nung Saturday.. Pero i understand.. Kasalanan ko naman eh."

                " pano mo nakuha yung number ko.?"

                " uhm sa mommy mo.."

                " kay mommy.?"

                " yeah... Lagi kasi akong tumatawag sa house niyo.. Eh mommy mo lage nakakasagot.. Nagulat nga ako kasi binigay niya yung number mo... Baka siguro nakulitan na sakin.." pilit na ngiti ni irene.. Napabuntong hininga naman ako.

                 " irene.. May mahal na ko.. Ayoko sana masira yun."

                 " i know.. Alam mo minsan nakakapagkwentuhan kami ng mommy mo sa phone.. Lagi ka kasing wala sa bahay niyo.. eh nasabi niya sakin na may mahal ka na daw."

               " talaga.. Lage ka talagang tumatawag sa bahay.?"

               " yeah.. Minsan nga pag kagising ko palang. Tumatawag na agad ako kaso nandun ka na daw kala blue kaya hindi kita naabutan."

               "kilala mo si blue.?"

               " nakwento lang ng mommy mo.. Pero kung hindi ako nagkakamali.. Sya yung guy na lumapit satin nung Saturday di ba.? Kaibigan din sya ng ex ko.. Small world right."

               " yeah sya nga.."

               " alam mo aldred..  I don't know bakit ba ganito ako kaobsessed sayo.. I know naman na hindi mo naman talaga ko gusto.. Ilang beses na nga ba ko napahiya.? Ilang beses mo na nga uli ako tinangihan" saad lang ni irene habang nakatingin sa malayo. " kasi ang alam ko lang aldred.. Iba ka.. Aside sa gwapo ka.. I know at nararamdaman ko na kapag nagmahal ka totoo.. "

               " sorry irene kung minsan.. Masama ugali ko."

               " sabi ko nga naiintindihan ko alam ko naman kasi na hindi ka naman talaga ganun.. Nakukulitan ka lang sakin."

               " maganda ka irene.. Sabi nga ni blue para ka daw prinsesa.. For sure madaming nanliligaw sayo."

               " balewala naman yun eh... Kung hindi naman sila yung gusto ko."

               " kasi irene may mahal na ko eh."

               " i know.. Alam mo.. yan yung nakakainis sakin eh.. Kung sino pa yung taong hindi naman ako gusto.. Yun pa yung taong mahal na mahal ko." buntong hininga niya. " yung tipong pwede ko naman makuha yung love na deserve ko sa iba.. Pero heto ako.. Hinahabol at nagsasayang ng oras sa taong hindi naman ako pwedeng mahalin."

                " sorry huh." saad ko lang.

                 " its ok aldred... Psensya ka na sakin huh."

                 " kung hindi ako yung reason kung bakit ka umiiyak ngayon.. Sino.?"

                 " hindi naman tayo close.. Bakit ko sasabihin sayo.?" ngiti niya lang sakin.

                 " uhmm ok... Oo nga noh.? Una na ko may praktis pa kami ng play eh." ngiti ko lang tatayo na sana ako ng magsalita pa sya.

                 " all my life...ang gusto ko lang naman ay yung mahalin ako.. " pilit na ngiti niya.. Hindi ko naman mapigilan tingnan yung maamo niyang mukha. "Yung love na deserve ko.. Pero hindi ko yun natanggap.. Even in my parents.. Bakit ako umiiyak ngayon..? Yung daddy ko sumama na sa kabit niya.. At yung mommy ko sumama na din sa lalake niya.. Ang saya di ba.? Ang saya saya".. Kita ko naman na pumtak yung luha sa mata niya.

                  " anong masaya dun.?" pilit na ngiti ko.

                  " i dont know kung san ako sasama.. Kay daddy ba na kahit kailan hindi ko naramdaman na mahal ako.. O kay mommy na hindi man lang inisip na nasasaktan ako sa mga nangyayare... Magisa na lang ako.. Sila mommy at daddy..  Masaya na sila.."

                   " malalagpasan mo din yan.. Sigurado naman ako mahal ka ng parents mo."

                   " ang daling sabihing malalagpasan mo lang yan.. Pero totoo ang hirap.. Pero aldred masaya ako ngayon.. As in ngayon at this momment.. You know why.?"

                    " why.?"

                    " kasi kausap ko yung taong tuwing makikita ko.. Napapangiti ako.. Yung taong dahilan kung bakit kahit sandali nakakalimutan kong may problema pala ako.. Yung taong dahilan kung bakit nasasabi kong..kaya ko to.. Anjan naman yung future husband ko eh." ngiti niya kasabay ng pagpatak ng mga luha..

                     " irene im really sorry."

                     " wag kang magsorry aldred... Isang ngiti mo lang sakin.. Solve na ko.. Alam ko naman kasi na imposible yung mmaging husband kita eh."

                  " irene.. Ayokong dagdagan yung problem mo.. Pero kasi.. Hindi na talaga pwede eh.. Mahal ko si blue.."

                  " grabe naman... Ngiti lang naman yung hinihiling ko.. Mahirap ba yun.. Basta ikaw yung inspiration ko..  Hanggang nakikita siguro kita.. Ngingiti parin ako kahit pasan ko na ang mundo.. Kahit siguro ibato sakin lahat ng problema.. Ngiti mo palang heaven na heaven na. " napangiti naman ako sa sinabi niya.

                  " irene..."

                  " basta ngiti lang aldred.. Kahit yun lang.. Masaya na ko.." saad niya habang nakatingin sa malayo. Tiningnan ko lang yung mukha niya... Bakit ba parang gusto ko sya yakapin.. Bakit ba parang gusto kong punasan yung mga luha niya. " aldred ngumiti ka lang huh.. Kasi hanggang nakikita ko yung mga ngiti mo.. Gumagaan yung pakiramdam ko.. Parang all is well.. Walang problema.. Parang yung pagiging malungkot nakakalimutan ko."

                  " irene... Sorry kung hindi ko kayang suklian yung feeling mo for me.."

                  " ok lang talaga sakin.. Ok lang.." ilang sandali parehas walang nagsalita samin... Parehas lang kaming nakatingin sa nagpaparaktis ng sayaw. Ng lingunin ko sya nakitako lang na nakangiti sya sakin.

                  " sige na nga..  Gusto mo kumain sa canteen.. Libre kita para gumaan naman pakiramdam mo.." saad ko sa kanya.

                  " niyayaya mo ko magdate tayo.?"

                  " kakain lang sa canteen date agad... Para makabawi naman ako kasi i know naging mean ako sayo."

                  " sure ka ba jan.. Kasi hindi ko tatangihan yan." saad niya tumingin naman ako sa cellphone ko kung anong oras na.

                  " may 3o mins pa ko.. Tara na." saad ko saka tumayo.

                  " sure ka talaga aldred.?"

                  " irene oo nga.. Pangbawi ko sayo."

                  " baka magalit si blue..?"natigilan naman ako sa sinabi niya.. Oo nga pala si blue.. kinuha ko naman yung cellphone saka nagtext.

                  " uhm.. Yan natext ko na kasama kita.".

                  " anong sabi mo bakit mo ko kasama.?"

                   " sinabi ko na you need a friend..kaya im here.. Kung hindi ko man maibibigay yung love na gusto mo.. Pwede naman akong maging kaibigan.."

                   " kaibigan.?"

                   " yeah ayaw mo.?"

                   " gusto syempre.. Ngiti nga lang hiniling ko tapos ngayon friendship na inooffer mo.. Tatangihan ko pa ba.?"

                   " yun pala eh lets go." ngiti ko sa kanya.. Ito lang siguro yung pwede kong ibigay sa kanya.. Yung mapagaan yung loob niya.. Hindi ko naman mapigilan pagmasdan yung ngiti sa labi niya. " you know what irene.. Mas ok siguro kung lagi ka din ngingiti.. Mas maganda ka kapag nakangiti.."

                   " oh my... Totoo ba talaga to.. Aldred kung panaginip lang to wag mo na ko gisingin... Kasi sa panaginip ko lang nangyayare yung mga ganitong eksena.."

                   " maganda ka nga pero mejo oa."ngiti ko lang saka nagsimulang maglakad papuntang canteen.

                   " wait lang.. Dahan dahan tayo.. Lalasapin ko lang tong momment na to kasama yung super crush ko.."

                   " may praktis kami ng stage play eh.. Kaya bilisan natin."

                   " kung pwede ko lang itigil yung oras ngayon gagawin ko.." saad niya na may ngiti sa labi.

                   " hindi naman pwede yun.. Bilisan natin papagalitan ako kapag nalate sa praktis."

                   " ah ganun... Pero thank you aldred huh."

                   " wala yun.. Irene may tanong ako.?" saad ko lang habang naglalakad.. Ng lumingon ako sa kanya nakakunot lang yung noo niya.

                   " ano naman yun.?"

                   " ano pinagkaiba ng crush sa super crush.?" ngiti ko sa kanya.. Natawa naman sya sa tanong ko.

                   " kala ko naman kung ano.. Ang crush.. Is simpleng paghanga lang.. Pero pag super crush.. Oa na yun.. As in super super.. " ngiti niya sakin.

                   " edi oa ka nga.."

                   " hindi ba maggaalit si blue na kasama mo ko.. Baka magaway kayo nun.?"

                   " understanding yun.. Papaliwanag ko nalang sa kanya.. I think naman maiintindihan niya.. Di ba ex mo si chris.?"

                   " yeah nakita ko nga sila ni blue na magkasama sa bookstore..?" hangang makarating kami sa canteen.. Umupo lang kami sa pangdalawahang mesa.

                   " wait lang bibili lang ako.. What do you want.?"

                   " kahit ano.. Basta libre ng super crush ko."

                   " ano yung kahit ano.. May nabibili bang ganun dito.?"

                   " ang galing noh.. Nagjojoke ka pala.. Mejo korni nga lang.. Pero ang super cute.. Lalo tuloy kitang naging crush.." natawa lang ako sa sinabi ni irene saka tumayo para bumili ng pwede naming kainin.. Pagbalik ko sa mesa sinalubong niya lang ako ng ngiti.. Nilapag ko naman sa harap niya yung softdrink at isang burger.

                   " so balik tayo kay chris." ngiti ko sa kanya.

                   " kay chris.. Anong meron sa kanya.?"

                   " naisip ko lang.. Bagay kayo nun..?"

                   " bagay kami o nagseselos ka sa kanya.. Don't tell me may gusto sya kay blue.?" marahan naman akong tumango habang sumisipsip ng softdrinks. " matagal na nung naging kami nun.. Mga 2 years na rin siguro. Kaya malabo na.. Hindi ko na sya gusto."

                   " pero bakit hindi mo itry.. Mabait naman yun.. Sabi nga ni blue mas gwapo sakin yun eh."

                   " sinabi ni blue yun.? Eh para sakin ikaw ang pinakagwapo sa buong mundo kahit buong universe pa.?" natawa lang ako sa sinabi niya. " wag ko nalang kaya kainin to.." saad niya habang nakatingin sa burger na hawak niya.

                   " bakit.?"

                   " kasi galing sayo to.. Tapos baka hindi na maulit.. Ipapaframe ko to promise."

                   " ang oa naman..."

                 " hindi oa yun huh.. First time kong makatangap ng something from you.. So meaningfull tong burger na to."

                 " grabe.. Yung burger lang eh pano yung softdrink.?" natatawa kong saad.

                 " ah eh hindi ko naman pwede iuwi yang bote eh baka mapagilatan ako kaya itong burger nalang.."

                 " alam mo hindi ka lang pala maganda.. Cute ka rin saka nakakatawa." ngiti ko sa kanya.

                 " parang panaginip talaga.. Pinupuri mo ko.. Iba pala kapag yung ultimate crush mo yung nagsasabi na maganda ka.. Feeling ko ngayon parang ako na talaga ang pinakamaganda sa bong mundo."     

                 " seryoso yun huh walang halong joke.. Kaya hindi imposibleng maraming magkagusto sayo."

                 " yun nga ang masakit eh.. Kasi ikaw imposibleng magkagusto sakin.. Pero okay narin atleast napuri mo ko.. Tapos nilibre mo pa ko.. Tapos nakangiti ka sakin ngayon.. Tapos sabi mo friend na kita.. Tapos tapos tapos.. Grabe.. Pwede na kong mamatay."

                 " ang bata mo pa eh."

                 " yung mga gifts ko pala sayo.. Bakit lagi mong binibigay sa mga classmates mo.. Yung chocolate.. Yung flowers..?"

                 " eh ano naman gagawin ko dun.. Saka bakit mo ba ko binibigyan ng mga ganun.?"

                 " wala lang gusto ko lang.. Ayaw mo ba.?"

                 " ayoko.. Hindi naman ako babae para bigyan ng ganun.. Hindi mo ba  alam na sa babae binibigay yung ganun.?"

                 " ganun ba.. Sana kay blue mo nalang binigay.. Natuwa pa yun sayo.?" ngiti niya lang.. Bakit ba pag ngumingiti sya hindi ko mapigilang titigan yung mukha niya.. Ang ganda pala talaga niya tama si blue mukha syang prinsesa.. Napailing naman ako sa naisip ko.

                 " hindi naman mahilig si blue sa ganun..  Ayaw niya ng chocolate.." ngiti ko nalang.

                 " mahal mo ba talaga si blue.?"

                 " mahal na mahal.. I know ang korni pakinggan.. Pero si blue.. He change me.. Binago niya lahat sakin."

                 " nakakainggit sya.. Kasi sya yung mahal mo."

                 " irene may darating din na right guy for you.. Tiwala lang.." ngiti ko.

                 " sana nga.. Sana yung katulad mo.. Syempre sana yung kasing gwapo at kasing bait mo.?" hindi ko naman mapigilang matawa.. " bakit ka tumatawa.?"

                 " wala lang.. Don't worry mas madami namang mas gwapo at mas mabait sakin.. Makakakahanap ka din."

                 " mang huhunting ako." natatawa niyang saad.

                 " ah malapit na mag alas kwatro.. Kainin mo na yan.?"

                 " ayoko..?"

                 " masisira yan.. Babaho pa yan kapag pinaframe mo.?" ngiti ko sa kanya.

                 " eh kasi.. Sayo galing to eh.. Ayoko kainin.."

                 " wag oa.. Kainin mo na.."

                 " uhm basta ayoko.. May isang favor lang ako aldred.?"

                 " ano naman yun..?" tanong ko kinuha naman niya yung cellphone sa bag niya saka pilit na ngiting pinakita sakin.

                 " pwede picture tayo.?"

                 " picture..?"

                 " yeah please.. Ipapabillboard ko tapos papalagay ko sa edsa..?.. Yung malaking malaki.. Sigurado ako madaming maiingit sakin.." ngiti niya kaya natawa ko.

                 " ayoko.. Baka sumikat ako.."

                 " joke lang sige na please..isa lang..?"

                 " sige na nga.. " saad ko lang kita ko lang yung saya sa mukha niya saka tumayo saka lumapit sa isang studyante. 

                 " ate.. Pakiayos huh.. First picture naming magkasama yan.?"

                 " sure.." ngiti ng studyanteng kinuha niya.. Tumabi naman sakin si irene saka ngumiti.. Ngumiti lang ako hanggang matappos kaming kunan ng picture.

                 " perfect.." saad ni irene pag kakita niya sa picture sa cellphone niya."

                 " uhmmm irene i have to go na.. Baka nandun na yung mga kasamahan ko sa stage play."

                 " sad.. Tapos na yung dream ko.. Pero sige.. Slamat uli aldred huh.. Pinasaya mo ko." ngiti ni irene sakin.

                 " wala yun.., sige ingat ka huh.. Kainin mo na yung burger mo."

                 " ayoko.. Galingan mo sa praktis huh." ngiti niya.. Tumayo naman ako.. Atleast kahit paano may nagawa ko para mapagaan yung loob ni irene..

                 " irene oo nga pala.. Wag ka ng malungkot huh.. Keep on smiling.. Sobrang Nakakainlove kasi yung ngiti mo.." kita ko naman na natigilan sya sa sinabi ko.. Agad naman akong tumalikod sa kanya saka nagsimulang maglakad.. Bakit ko ba sinabi sa kanya yun.. Parang sinabi kong nainlove ako sa ngiti niya... Haixtt hindi pwede.. Hindi pwede.. Iling ko lang...

                 Paguwi ko sa bahay agad akong pumunta sa kusina naabutan ko lang si mommy na nagluluto..

                  " mom..?" saad ko lang dito saka humalik sa pisnge nito.

                  " aldred.. Gutom ka na.?"

                  " mommy.. Bakit po niyo binigay number ko kay irene.. Alam niyo naman po na ayoko ng may nakakaalam ng number ko di ba.?" 

                  " mabait naman sya anak ah.?"

                  " mommy.. May syota po ako.. Siguro naman po alam niyo na may gusto sya sakin.. Since lage pala kayong nakkapagkwentuhan sa phone.?"

                  " hindi mo ba sya gusto.. Maganda sya.."

                  " mahal ko mommy si blue.."

                  " ok naman sakin si blue anak.. Pero mas gusto ko si irene para sayo..tingin ko mas bagay kayo.."

                  " mom kala ko po tanggap niyo na kami..?" kita ko lang na umiwas ng tingin si mommy. " mom.. Please naman po oh.. Tanggapin niyo na kami ni blue..?"

                  " wala ka bang narraamdaman kay irene kahit konti lang.? Alam mo anak mabait na bata sya.. I know her story.. About sa parents niya alam mo minsan sakin sya umiiyak.. Sakin sya naglalabas ng sama ng loob.. Ang bata pa niya pero.. Yung pinagdadaanan niya.. Mabigat na.. Nung una nakukulitan ako sa kanya kasi tawag ng tawag.. Hanggang naging kakwentuhan ko na sya.."

                 " maganda sya mommy.. Oo.. Pero mom si blue yung mahal ko.."

                 " ok anak.. May isang favor lang ako.."

                " ano yun mom.?"

                " pwede bang kaibiganin mo sya.. Gusto ko lang kahit paano may nakikinig sa kanya.. Na kahit paano may taong nanjan kung kailangan niya.. Naaawa kasi ako sa kanya eh." ilang sandali naman akong natigilan.. " anak kaibigan lang naman eh.. Hindi mo naman lolokohin si blue.."

                " ok mom.. Pero pwede po bang minsan dito naman kami ni blue sa bahay tumambay.. Para makilala niyo din po sya ng maayos.. Para matanggap niyo na din ng lubusan.?"

                " ok.." ngiti ni mommy.. Napabuntong hgininga naman ako.

                " mom may sinabi kayo kay blue nung birthday niya di ba.? Ano yun?"

                " sinabi niya sayo.?"

                " so meron nga mommy..? Kaya pala parang lumungkot sya nun.? Mommy anong sinabi mo sa kanya.?"

                " kasi anak.. I really dont like him for you.. Hindi mo ba nakikita hindi kayo bagay..?"

                " mommy.. Hindi naman kami talaga bagay.? Tao kami eh.. Mahal ko po sya... Kaya po please.. Wag niyo po sya sabihan ng masama.?"

                " wala naman akong masamang sinabi sa kanya.?"

                " so ano pong sinabi niyo sa kanya.?"

                " na hindi ko sya gusto para sayo."

                " mommy naman eh.."

                " eh kahit naman hindi ko sya gusto para sayo may magagawa ba ko.. Eh mahal mo nga tulad ng sabi mo.. Pero anak.. Tingnan mo rin si irene.. Kasi yun babae.. Bakit hindi mo subukan.."

                " mommy mahal ko si blue.. Paulit ulit na tayo mom.. Kahit isang libong irene pa ang iharap niyo sakin.. Si blue parin pipiliin ko."

                " sigurado ka anak.?" umiwas naman ako ng tingin.. Bakit ba pumapasok sa isip ko yung mga ngiti ni irene.. Haixt.. " magbihis ka na.. Kakain na tayo." saad ni mommy saka ako nilampasan.

                

  
                 Pagkatapos ng dinner ay naglakad lang ako papunta sa bahay nila blue.. Bakit ba hindi mawala sa utak ko sio irene.. Haixt iling ko lang..Naabutan ko lang si blue sa harap ng bahay nila. " anong ginagawa mo jan.?" ngiti ko lang sa kanya.

                 " inaantay kita.. ?"

                 " bakit..? dahil kasama ko si irene kanina.. Di ba sabi ko sayo ikaw ang mahal ko.. Sinimahan ko lang sya kasi kailangan niya ng kaibigan.?"

                 " nagseselos ako aldred.?" nakatungong saad nito.

                 " wag ka magselos blue.. Pinagaan ko lang yung loob ni irene.. Masyado kasi akong naging mean sa kanya before.. Hindi ko alam mabigat pala yung pinagdadaanan niya." ngiti ko saka hinwakan yung kamay niya. " pasok na tayo sa loob.. Nagdinner ka na ba.?"

                 " aldred...i love you.?"

                 " i love you too blue.. "

                 " kasi anong laban ko naman kay irene.. Babae yun..?"

                 " para kang sira blue.. Mahal kita.. Ikaw nga lang di ba.. Yung kay irene.. Sinabi ko naman sa kanya na hanggang kaibigan lang.."

                 " pero..?"

                 " pero pero ka nanaman.. Pasok na tayo.. Pwede ba tayo sa kwarto mo.?"

                 " huh.?"

                 " sige na.. Namiss kita eh.."

                 " aldred huh.. Kumain ka na ba.?"

                 " oo naman.. Full charge ako.. Kaya mataas ang energy.. Tara dun na tayo sa kwarto mo.. Miss na miss na kita." ngiti ko saka kinurot sa pisngi si blue.

                 " ewan sayo.. Ang hilig mo talaga.." simangot lang niya kaya natawa ako..

                 " blue mahal na mahal kita.. Tandaan mo lage yan huh." saad ko saka sya niyakap. "ikaw lang ang nasa puso ko."

                 " aldred wag mo ko iwan huh"

                 " oo naman.. Tara dun na tayo sa kwarto mo..."

                 " sige na nga tara na." saad niya saka pumasok sa gate.. I love you blue.. Ikaw lang ang mahal ko.. Si irene hindi sya makaksira satin.. Hindi ko hahayaang masira ng nararamdaman ko kay irene yung relasyon natin. Saad ko lang sa sarili ko.



2 comments:

  1. pumasok na si irence kay red, kaya papasok narin ang gulo sa knilang relasyon ni blue. dahil jan, nagse2los na si blue. tas yan, lahat n siguro ng lambing ni red kailangan na nyang ibigay haha. thank u sa update.

    0309

    ReplyDelete
  2. Naku prang alam ko na ang manyayari....tsk tsk tsk feeling ko ng dhil kay irene mgkakagulo si red tanger at blue ranger! Pag nanyari un kakalbuhin kia irene!!!
    0702

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails