Written by: Tzekai
AT MARAMING SALAMAT KAY SIR MIKE FOR GIVING ME THE OPPORTUNITY ;)
Thank you po ng madaming madami sir! ;)
GRAND FINALE
Prue's POV
Kinabukasan,pag gising ko ay wala na si Kreyd,nag iwan lang sya ng note na magkita na lang kami sa school.
Hindi pa din ako kumikilos,nakahiga pa din ako at nakatingin sa salamin.
Totoo ba ito? Totoo ba ang lahat ng nangyayari sa buhay ko? Hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga nalaman,kapatid at kakambal ko si Seiji,hindi ako tunay na anak nina Mama at Papa at itinago nila yon sa akin for 18 years! Idagdag pang nanganganib na naman ang buhay ko! Bakit ba nararanasan ko ang lahat ng ito?
Nagdesisyon na ako,kailangan kong makausap sina Mama at Papa tungkol dito,para hindi ako magkimkim ng sama ng loob sa kanila.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maligo,at ng matapos na ako ay nagbihis at bumaba na ako kahit medyo masakit pa din ang paa ko.
Kailangan matapos na ang lahat ng problema,ayoko ng pakiramdam na madaming iniisip at namimigat ang dibdib.
Naabutan ko sina Mama at Papa sa dining,si Papa nagbabasa ng news paper,si Mama nagti-tea.
"Ma,Pa, I want to talk with you" seryoso kong sabi ng makaupo, seryoso nila akong tiningnan.
"About what anak?" tanong ni Mama.
"Is it true? Ampon lang ako? Please dont lie,nagkita at nagkausap na kami ng kakambal ko" matatag kong sabi. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin,halatang nabigla sila sa aking tanong,nagkapalitan sila ng tingin.
"Yes its true,we're so sorry at inilihim namin sayo,we thought na hindi mo na dapat pa iyong malaman dahil masaya naman tayo at mahal ka namin" ani Mama.
"Kung mahal nyo po ako,sana noon nyo pa sinabi! Hindi yong sa iba ko pa malalaman at sa mismong kakambal ko pa!" hindi ko na maiwasang hindi lumakas ang boses.
"Makinig ka muna anak,Youre Mom is one of those women na may difficulties sa pagbubuntis,one day after ng pagsisimba namin may lumapit sa aming babae bitbit ang isang sanggol,ibinigay ka nya sa amin at sinabi ang nangyari at buong puso ka naming tinanggap dahil matagal na kaming humihiling na magkaroon ng anak,at ikaw ang katuparan non" seryosong sabi ni Papa,sa narinig ko ay agad ding nawala ang tampo ko.
Sino ba ako para magtampo at magalit? Dapat nga magpasalamat pa ako dahil itinuring nila akong sa kanila mismo.
"S-salamat po" nahihiya ko ng sabi.
"Gusto namin makilala ang kakambal mo at ang mga umampon sa kanya" pagkuway sabi ni Papa, napangiti na lamang ako dahil doon.
Ng nasa school na ako ay saka ko lang naisipang tingnan ang phone ko, ang daming missed calls at text messages.
Kagabi pa to ah? Binasa ko ang nasa pinaka taas na text.
"I need you,we need to talk,nasa parking ako" ang sabi sa text,agad akong nagpunta sa parking at nakita ko nga sya na nakasandal sa kotse nya.
"Sakay na,may importante tayong pag uusapan"
-----
Kreyd's POV
"Kreyd!" napalingon ako sa tumawag sa akin, kakapark ko pa lang.
"Huwag ka ng bumaba!" dagdag pa nito.
"Ha? Bakit? Anong meron?" taka kong tanong.
"Huwag kang mabibigla,pero nasa panganib ang buhay ni Prue,may natuklasan kami kahapon pag uwi natin,si Seiji na ang sasama at magpapaliwanag sayo,dalian nyo na!" hysterical na sabi ni Phoebe,nagtaka at kinabahan ako. Sumakay na si Seiji sa passenger's seat ng kotse ko.
"Please mag ingat kayo,kailangan mahabol nyo sila" dagdag ni Piper. Nagtataka man ay tumalima ako at pinaandar na ang sasakyan.
"Sundan natin ang kotse ni Vera,naglagay ako ng tracking device sa kotse nya na connected sa phone ko tol,malalaman natin kung nasan sila" sabi ni Seiji habang nagmamaneho ako.
"Vera? Bakit si Vera?" taka kong tanong.
"Napag alaman naming kakambal din sya ni Venus at gusto nya ipaghaganti ang kapatid nya,narinig daw sya nina Piper kagabi na nagsasalita mag isa at binabanggit nya ang paghihiganti kay Prue na ngayon daw nya gagawin" sagot ni Seiji. Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan,hindi pwedeng mangyari to. "lumiko ka sa unang kanto tol at tumbukin mo ang NLEX" dagdag nya na agad kong sinunod.
Kaya pala parang pamilyar sa akin si Vera? Kaya pala kakaiba ang tingin ko sa kanya.
-----
Prue's POV
"San tayo pupunta at mag uusap Vera? Saka dahan dahan sa pagmamaneho,may phobia na ako sa ganyan" sabi ko kay Vera ng mapansin kong nasa Express way na kami.
"Sa impyerno,kakausapin mo si Venus,tanda mo pa ba sya? Namatay sya dahil sayo"
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya,hindi ako makapaniwala sa sinabi nya,natakot ako bigla.
"K-kilala mo si Venus?" hindi makapaniwalang sabi ko,tumawa sya ng nakakakilabot at lalo binilisan ang takbo ng kotse,napahawak ako sa upuan.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ofcourse! She's my twin sister,tanda mo ba pano sya namatay? Sa ganito din diba? At ipapadanas ko yon sayo" nanlilisik ang mga matang baling nya sa akin.
"Parang awa mo na Vera,tigilan mo to,aksidente iyon,ang mga magulang mo pinatawad kami,sana ikaw din" nagmamakaawa kong sabi,kailangan makumbinsi ko sya,alam kong mabait sya tulad ng una nyang ipinakita sa amin.
"Dahil bobo at tanga sila! Alam mo hindi ka dapat naman sa ganitong paraan mamatay,niligaw kita sa gubat,naglagay ako ng pampadulas sa hagdan pero nakaligtas ka pa din,pero sabi nga ng kambal ko,walang ginawang bading,at ang mga bading dapat mawala,lalo kana! Kaya pasensyahan na lang at ito ang huling option para sa kamatayan mo!" singhal nya sa akin. Hindi ako makapaniwala! Sya ang may gawa ng mga iyon? Pinagkatiwalaan ko pa naman sya!
"Ikaw may gawa non?"
"Oo,at ihanda mo na ang sarili mo sa kamatayan! Magsasama tayo sa impyerno! Magbabayad ka sa nangyari sa kambal ko!" aniya at itinodo ang bilis ng sasakyan.
Agad akong nag isip ng paraan,hindi pwedeng matatapos ang buhay ko sa ganito lang. Hindi totoo ang sinasabi nyang mawawala ang mga tulad ko. Dahil kung totoong walang ginawang tulad ko,bakit kami nandito at nagmamahal? Hindi ako pwedeng mamatay,madami pa akong gustong gawin.
Mabilis kong inagaw sa kanya ang manibela,gusto ko ito itigil sa isang tabi para makalabas ako,ngunit marahas nya akong binalya kaya nauntog ako sa harapan ng kotse,nakaramdam ako ng matinding hilo.
"Akala mo makakaisa ka huh?" aniya at humalakhak. Sinapak ko ang mukha nya dahilan para mabitawan nya ang manibela,hinawakan ko ito at sinubukang iliko patabi sa kalsada npunit laking gulat ko ng hawakan nya ang manibela,nag agawan kami, hanggang sa makita kong pabunggo kami sa isang puno,pilit ko pa ding iginalaw ang manibela,kasunod nun ay ang pagdilim ng paligid.
Nagmulat ako ng mata ng makaramdam ako ng matinding kirot sa ulo, pagkapit ko sa aking ulo at tiningnan ang aking kamay puro dugo ito.
Napatingin ako sa paligid,pero halos walang tao,naaamoy ko na din ang gas ng kotse. Tiningnan ko si Vera,duguan habang nakasubsob ang ulo sa manibela.
Tumingin ako sa labas,nakita ko ang kotse ni Kreyd at lumabas sya dito.
Tinanggal ko ang seat belt at binuksan na ang pinto. Palabas na sana ako ng may humablot sa akin pabalik sa loob.
"Saan ka pupunta? Hindi ka makakatakas" sabi ni Vera,halos hindi ko na sya makilala,nakakatakot na talaga sya. Pumiglas ako kahit sobrang nanghihina at nahihilo na ako ngunit hablot pa din nya ang buhok ko.
May nadinig akong nagsalita.
"Im sorry Vera"
"Bitawan mo ako!!"
Nakita kong nakalapit na si Kreyd,pumikit ako,naramdaman kong binuhat nya ako,ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog saka ako tuluyang nilamon ng dilim.
And so tinungo ko ang fourth floor kung nasaan ang laboratory at talagang nagtayuan ang balahibo ko dahil deserted na ang fourth floor,wala ng katao tao.
Minadali ko na ang paglakad at sa wakas narating ko na ang Lab! Nasa dulong room kasi eh!
Pag pasok ko agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin
Ano to? Bakit bukas ang aircon? Aksayado sa kuryente ang school na to!
Ng bigla akong may marinig na ungol. Talagang nagtayuan angmga balahibo ko sa katawan!
Huh? Shit! Ano yon?
At umungol ulit ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa takot!
Sabi na eh! Totoong may mga kakaibang nilalang sa school pag sapit ng gabi!
"WAAAAHHH!! Tulooonggg!! May MAMAW!!" sigaw kong ganyan at napa atras,hindi ko namalayan na naatarasan ko switch ng ilaw at bumukas ito.
Lumiwanag sa buong Lab. Huh? Oo nga pala? Bakit ko kasi hindi nga agad binuksan ang ilaw pagkapasok ko pa lang?
"Ang ingay mo! Nagising tuloy ako dahil sa pag sigaw mo! At sino ang sinasabi mong Mamaw?!"
Nilingon ko ang nagsalita. At talagang napanganga ako at napakurap ng ilang beses!
Shit? Mamaw nga! Mamaw sa kagwapuhan!!
"Kasi naman akala ko Mamaw! Patay ilaw tas may uungol? Sinong hindi matatakot nun aber?" sabi ko namang ganyan,kunwari mataray ang lola nyo.
"Pinagbantay kasi ako kanina dito,nakatulog ako sa pagod" sagot naman nya.
"Huh? Bakit hindi ka ba estudyante dito?" agad kong tanong,ewan bigla ako nacurious eh.
"Working student ako dito sa school,sa pagod ko kanina sa paglilinis sa buong building ay nakatulog na pala ako habang nag babantay dito" sabi naman nya. So it means janitor sya dito sa school after ng mga class nya?
Ang unfair naman ng school nato? May mga agencies naman na pwede kuhaan ng mga janitors pero bakit estudyante pa? Sayang ang sobrang kagwapuhan ng mamaw na to kung janitor ang peg nya.
"Uhm alam mo ba san nakalagay mga test papers ni Mr.Kapritso?" tanong ko na lang para maiba usapan.
"Ayon sa may dulong table,sa tabi ng mga test tubes" aniya sabay nguso sa direksyong itinuro.
Agad ko ito tinungo at kinuha ang mga test papers.
"Ano,uhm salamat,una na ako" paalam ko sa kanya at lalabas na sana pero tinawag ako.
"Saglit lang,sabay na tayo,uuwina din ako, grabe gabi na pala" aniya at lumabas na kami at sinara na nya ang pinto
Napangiti na lang ako ng maalala ko ang unang araw ng pagkikita at pagkakakilala namin ni Kreyd.
"Mahal! Sabi ko na nga ba at nandito ka sa Lab eh!" ani Kreyd ng lumapit sakin at halikan ako.
"Wala lang,tiningnan ko lang itong Lab sa huling pagkakataon,ang sarap kasi balik balikan ng unang araw ng pagkakakilala natin" sabi ko naman at inihilig sa balikat nya ang ulo ko habang nakatayo kami sa labas ng Laboratory.
"Oo nga,ang unique ng pagkikita natin diba? Tingnan mo ngayon,ito na tayo Mahal,mag asawa na tayo,wala ng makakapag hiwalay sa atin" aniya,inakbayan ako at hinalikan sa ulo.
"Ang dami nating pinagdaanan,malungkot lang na kailangang may magbuwis ng buhay,pero ganun talaga,sana kung nasan man sina Venus at Vera,napatawad na nila tayo" sabi ko naman.
"sshhh,huwag na sabing isipin yon,kung nasan man sila alam ko nahanap na nila ang liwanag at napatawad na nila tayo,apat na taon na din ang lumipas mahal,pakawalan mo na ang guilt sa puso mo okay?"
Tama sya,apat na taon na yon,panahon na nga siguro talaga para pakawalan ko na ang guilt sa puso ko. Ngayon kakatapos nga lang ng Graduation namin at dito ako dumiretso,kumbaga huling sulyap kung san nagsimula ang lahat.
"Kahit graduation maglalampungan pa din ba kayo? Kambal hinahanap na kayo ng Mama at Papa nyo,tumawag daw si Manang na hindi daw sila magkanda ugaga ni Popoy sa mga pamangkin ko at sa pagluluto kaya dalian nyo dyan" nagulat kami sa biglang pagsingitni Seiji sa usapan namin. Nagkatinginan at humagikgik kami ni Kreyd.
"Tara na nga! May celebration pa tayo ng tropa mamayang gabi" ani Kreyd at sumunod na kami.
Tama po kayo ng nabasa,mga pamangkin ni Seiji,it means,mga anak namin ni Kreyd,ang panganay ay produkto ng Surrogacy nung 3rd year kami,si Zander,sperm ni Kreyd ang gamit at nitong 4th year sperm ko naman ang gamit sa surrogacy at si Gero ang kinalabasan,at yung isa,adopted namin si Nichie na napaka gandang bata,ang tatlong iyan ay mahal na mahal namin.
Sinong nagsabing hindi pwede magmahalan ang parehong kasarian at hindi pwedeng magka anak at lumigaya? Bakit kami ng Mamaw ko ay nakamit ang lahat ng iyon?
Masaya ako sa tinakbo ng buhay ko,ang dating simple kong buhay ay nagbago at nagkaroon ng kulay,ng dahil sa nakilala kong Mamaw sa Laboratory.
Kung tatanungin nyo kung kamusta ang tropa? Ayon going strong naman ang mga relasyon nila,alam nyo na siguro kung sino ang para kanino.
Ang kambal ko namang si Seiji ay naging close kina Mama at Papa,ganun din ako sa mga magulang nya,at ang maganda dun,close ang mga magulang namin.
"Papa! Mama!" agad na salubong samin ng dalawang taong gulang naming anak na si Zander. Kinarga agad ito ni Kreyd.
"Hows our little man?" lambing dito ni Kreyd,ang sarap lang tingnan ng mag ama.
"Okay lang po! Si Tito Popoy at Lola Manang ang nag alaga samin nina Gero at Chichi" bibong sagot nito, Chichi ang tawag nya kay Nichie.
"Oh eto na mga anak nyo,dyan na kayo para mapagpatuloy ko pagtulong sa pagluluto,ang daya nyo talaga" ani Popoy sabay abot sa akin ng natutulog na si Nichie at kay Seiji naman inabot si Gero.
"Tutunganga na lang ba kayo dyan? Asikasuhin nyo ang bisita" ani kuya Khyron na biglang sumulpot sa kung saan,isa nga pala din sya sa nagluluto,masyadong pinaghandaan itong graduation party namin.
"Haha saglit kuya,dalhin lang namin ang mga bata sa kwarto nila" sagot ni Kreyd dito.
"Nandun si Kebin,natutulog na" sabi ni kuya Khyron na ang tinutukoy ay ang 1 year old din nyang anak.
"Ah okay,sige kuya" at umakyat na kami at pinatulog muna ang mga bata. Ng makapag bihis na kami,nakita naming inaasikaso ng mga magulang namin ang mga bisita.
Ng sumapit ang gabi,nagdatingan ang tropa,kantahan,sayawan,inuman at lasingang walang humpay,sa wakas! Papasok na naman kami sa panibagong mundo.
Matapos ang party ay dumiretso na kami sa aming kwarto.
"Napagod ako,pero may gusto pa akong gawin" pilyong sabi ni Kreyd pagkahiga pa lang namin.
"Gawin mo na habang kaya ko pa sumabay,inaantok pa man din ako" nakangisi ko namang sagot sa kanya.
"Ah ganon!" at bigla syang pumatong sakin at dinilaan ang tenga ko,dun kasi ako nanlalambot talaga.
Hanggang sa napunta na nga sa mainit na pagtatalik ang aming ginawa.
Kahit lumipas na ang apat na taon,parang tulad pa din ng una ang lahat,bawat halik,bawat haplos,bawat ulos at bawat pagbitaw ng mga salita ni Kreyd kung gaano nya ako kamahal ay parang nung una lang,nagdudulot pa din ito ng kakaibang kiliti at kaligayahan sa aking pagkatao.
"Mahal na mahal kita Prue,kahit paulit ulit ko tong sabihin hindi ako magsasawa,ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa ating pagtanda,hanggang sa mag asawa na din ang mga anak natin,hanggang sa mamuti ang buhok natin,ikaw lang,hanggang kamatayan,ikaw ang aking mamahalin" madamdaming sabi ni Kreyd ng matapos ang aming pagniniig,hindi ako nakasagot,tumagos sa puso ko ang mga sinabi nya,at hindi ko man lang namalayang naluha na pala ako,luha ng kaligayahan.
"Mahal na mahal din kita Kreyd,ikaw lang ang nag iisa sa puso ko,ikaw lang ang mamahalin ko,at ikaw lang ang Mamaw na mamahalin ko habang buhay" sagot ko at niyakap sya ng mahigpit.
Sino bang mag aakala na hahantong ang buhay ko sa ganito? Ng dahil lang sa Mamaw sa Laboratory.
WAKAS :)