Followers

Monday, April 15, 2013

Unexpected Love Affair - Season 1 - 17 ----The EPIC Finale----

"Unexpected Love Affair pt. 17"
----The EPIC Finale----

By. Iam Kenth

Habang nakikipagbarilan ang syota ni Rico na goons, at habang tumitili si Rico na sobrang sakit na sa tenga, at habang mabilis na minamaneho ni Franc ang sasakyan.

Bigla kong naisip, what if... hindi ko pinatuloy si Franc sa bahay after ko siyang tulungan na makababa sa pagkakasabit niya???

Kung irereplay ko lang ang araw na nakita kong nakatiwarik si Franc sa madilim street. ganito ang gagawin ko.

umupo sya sa bench at akmang matutulog.

"oy dyan ka mtutulog?" tanong ko.

"obvious ba? hihiGa na nga ako eh."

"alam mu ang suplado mu sa personal,bhala ka na nga dyan. goodluck sayo bka pag gising mo nka.sabet kna ulit"

hindi na siya nagsalita, pumikit na ang loko, para siyang bata matulog, naisip ko na baka, antok tlaga siya.

Period.

Hahayaan ko nalang siyang matulog doon. Hindi na ako lilingon pa.

"Hoy! ang sama din ng ugali mo no? alam mong delikado sa lugar na ito, hahayaan mo lang akong matulog dito?? Hindi mo ba ako aaluking tumuloy muna sa inyo?" <--si Franc.

Urgh! mangungulit parin pala siya!

"hindi naman kita kilala talaga, bakit kita patutuluyin sa bahay?" Yan ganiyan ang isasagot ko!

"Hindi kaba naawa sa akin???" <---begging face si Franc.

Urgh! hindi ako maawa sa kaniya! Hindi! Hindeeeee!!!!

"Please? hindi ako mamatulog dito? ayaw ko namang umuwi muna sa amin. please let me in your house? just for tonight? I'm not a bad guy here, i was a victim."

nakatingin ako sa kanya, mukha talaga siyang nagmamakaawa...

nag-iisip ako...

"okay! just for tonight, tapos aalis kana kinabukas. Okay?"

"Wow! thanks!" Tapos tumayo siya at niyakap niya ako..


AY TAE! MASASAMA'T MASASAMA KO PARIN PALA SILA SA BAHAY!!!


**Balik diwa sa sasakyan kung nasaan kami**

"Ehhhhhhhhhhhhh!!!" <---sigaw ni Rico na gumisng sa akin.

"Yam, yumuko ka lang.. baka tamaan ka ng bala!" sabi ni Franc...

BANG! BANG! BANG!

"Fren.. dala mo ba phone mo??" tanong ni Rico. Kinapa ko bulsa ko.

"oo. nandito sa akin..." Inabot ko sa kaniya. May dinialled siyang number..

tapos may kinausap siya...

"baby anong lugar ito??" tanong ni Rico sa jowa niya..

"San Jose mayor road..." tapos hindi ko na nadinig iyong iba pa... kasi ang ingay ng barilan.. tapos pinatay na ni rico ang phone call.

BANG BANG BANG!

"Pre bilisan mo pa, nandiyan na sila!" <--sigaw nong syota ni Rico.

at... BLAGAG!

"ehhhhhhhhh!! mamatay na tayo!!" tili ni Rico. Binubunggo nila ang likuran ng sasakyan na kinasasakyan namin.

"YUKO!" sigaw ng syota ni Rico.

Yuko naman kami. at nagpaputok nanaman ang mga humahabol sa amin.

BRATATATATTAT!!!

"Ihinto mo ang sasakyan!!!" Sigaw ng goons na kasama namin.

"tae kaba?? paghininto namin ang sasakyan, patay tayo! pwedeng ikaw di ka nila papatayin, pero kami??? papatayin kami ng mga iyan!" Sigaw ko sa lalaki.

"Hindi! akong balaha sa inyo! Pre.. ihinto mo ang sasakyan!"

"Franc huwag!" sabi ko.

"pero mas mapapahamak tayo kung magmamatigas tayo sa kanila!" sabi niya pa.

"baby? sigurado ka ba sa sinasabi mo???" tanong ni Rico.

AT BLAG! BLAG! patuloy ang pagbunggo nila sa sasakyan namin!

"Oo baby, sigurado ako, hindi ko hahayaan masaktan ka, pati mga kaibigan mo..." <---goons kay Rico.

TAE! DI KO kinakaya ang sweetings ng dalawang to! tapos! ay, taena! nagtorid kiss pa ang dalawa!

kadiri tong si Rico! ang laswa laswa. pero, nakakainggit parin no! haha!

"pre ihinto mo ang sasakyan."

"Okay pre! i'll put my trust in you, hindi ko narin sila kayang malayuan pa."

so... hininto ni Franc ang sasakyan. bahala na!

Tapos, lumbas kami ng nakataas ang mga kamay namin. Nakadikit ako kay Franc.

Tapos tae si Rico, nakayakap sa jowa niya.

"Josh! Ano ito??? bakit mo sila tinutulungan?? nahihibang ka na ba?" sabi ng isang mukang butiki. at Josh pala ang name niya.

"Hindi sila masasamang tao!" sabi ni Josh.

"Oo! hindi kami masasama!" sabat ni Rico, "iyong nag-utos sa inyo ang masama." dagdag pa niya.

"Mga pare, magkano ba binayaran sa inyo ni Shaun? dodoblehin ko bayad niya sa inyo." <---si Franc.

tapos nagbulungan ang mga halang ang kaluluwa.

"1 Million... tiga-iisa kami!" sabat ng pinaka-pinuno ata nila.

"Fine, i'll make it double. Just let us go." sabi ni Franc.

"Paano kaming makakasiguradong nagsasabi ka ng totoo?" sabi noong mas panget sa kanila, swerte lang talaga ni Rico at pogi itong Josh.

"Sige, magpapa-iwan ako." Presenta ni Rico.

"Fren??" bulaslas ko.

"don't worry fren... magiging okay din ang lahat." sabi niya. Pero okay na sana ang lahat... nagkasundo na eh...

WANG WANG WANG WANG!


"taena may pulis! naset-up tayo ng mga gagong to!" sigaw ng mukhang butiki. kinasa niya ang baril niya at isang malakas na.

BANG!

kinober kaagad ako ni Franc.

"jo---josshh??" <--- si rico iyon. Napatingin ako sa gawi nilang dalawa, nakalupasay na si josh, sinalag niya ang bala na dapat kay Rico tatama. naiiyak si Rico.

"Gago ka! bakit mo binaril si Josh! bakit mo binaril pinsan ko!" nagputukan sila ng baril.

BANG!

BANG!

"ehhhhhhhhhh" sigaw ko, tapos nakita ko parehas bulagta iyong dalawa. Niyakap kaagad ako ni Franc para di ko makita iyon. Bilis tibok ng puso ko.

Tapos dumating na ang mga pulis. Nahuli nila iyong iba. iyong nagbarilan, buhay pa naman pala, tapos si Josh... sa tagiliran lang pala tinamaan.

Tinanong kami ng mga pulis kong okay lang kami.

TAE! akala ko talaga mamatay na ako. Sobra akong kinabahan.

Kaya hinatid na kami sa amin.

nagpaiwan si Rico at sinamahan niya si Josh sa Hospital na pinagdalhan noon. Ex palang pulis ni Rico iyong tinawagan niya.

habang nasa mobile kami, nakayakap ako kay Franc. dala ko parin ang takot at kaba. mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Franc.


PERO HINDI PA DOON NATATAPOS ANG LAHAT. NAWAWALA PA SI SHAUN. ang may pakana ng kidnapping na ito.

Nagpahatid lang kami ni Franc sa labas ng bahay. Tapos noong nakaalis ang mobile, niyakap ako ng pagkahigpit higpit ni Franc.

"I love you Yam, hindi na ako papayag na may mangyari pa sa iyong masama. And i'm sorry kung dahil sa akin nagkakaganito ang buhay mo..." sabi niya. Hinawakan ko siya sa pisngi, wala akong pakialam noon, kung nasa labas pa kami ng bahay. tae pala nila eh.. wala ngang pakialam mga tao kanina noong dinampot kami ni Rico eh.

"I love you too. Huwag mo ng isipin iyon, importante okay na tayong dalawa. Pinili ko ang buhay na ganito dahil pinili ko na makasama ka, wala akong pinagsisisihan doon." sagot ko habang hinahaplos ko ang pisngi niya.

eksena kami sa labas kahit madaming tao at maingay, dahil may sagala. Haha!

"pasok na tayo sa loob." Bulong niya, tapos may ngiti siya sa labi. ang pogi pogi talaga ni Franc.

pagpasok namin sa pinto, biglang bumukas ang ilaw.

AT SYET! NAKATUTOK NA SA AMIN NI FRANC ANG BARIL NA HAWAK NI SHAUN.

agad akong itinabi ni Franc sa likod niya.

"akala ninyo siguro maiisahan ninyo ako no? akala ninyo makakatakas kayo no?"

"Shaun, tigilan mo na ito...put the gun down, and let's talk about it in a nice way..." kalmang pagkakasabi ni Franc.

"NO! there's nothing to talk about, i'll kill you both, now!" syet! kinakabahan na ako ulit.

"Franc.. mahal namahal kita.." bulong ko, atleast nasabi ko man lang sa kaniya na mahal ko siya diba?

"Mahal na mahal din kita..." sagot niya. eh naimbierna si Shaun kaya nagpaputok siya ng isa sa kisame.

BANG! labasan ang mga butiki, ipis, at daga.
pero tae lang, hindi man lang nakaramdam ang mga tao sa labas na may putok ng baril. siguro dahil na din sa maingay na sa labas.

"tigilan ninyo yang, pagmamahalan ninyo sa harap ko!" sabi niya.

"tatapusin ko na mga buhay ninyo. tapos babalik na ako sa states." tinutok ulit niya ang baril sa amin.

"ano bang gusto mo Shaun??" tanong ni Franc.

"all i want is you, i want you back into mu life. pero mas pinili mo ang mangaagaw na iyan kesa sa tunay mong asawa! how could you do this to me!"

"Hindi na kita mahal.. si yam na ang mahal ko... please, tigilan mo na ito oh."

"Shut up Franc! kung di ka mapupunta sa akin, mas maigi pang mawala ka nalang din!" Ipuputok na sana niya ang baril


HUWWWAAAAGGG!!!!

"Shot me first... baka sakaling kung mapapatay mo ako, wala ka ng magiging karebal kay Franc.. mapapasaiyo na siya, ayaw kong mawala sa mundo si Franc ng dahil sa akin." Pumunta ako sa harapan ni Franc.

"Yam.. don't do this.." Humawak sa braso ko si Franc.

"Sounds like a better idea. Kung sabagay, ikaw ang puno't dulo ng gulong ito. Kaya, dahil sa mabait ako, susundin ko ang utos mo na unahin kita!" tapos tinutok na niya ang baril sa akin.

Ilang segundo nalang, mamatay na ako. Biglang tumulo ang luha ko, gusto ko pang makasama ng matagal si Franc, pero sa oras na kumalabit ang galanting ng baril.. sigurado... patay na ako.

"kill me first!" humarang ulit sa harapan ko si Franc.

"no! me first!" <-- ako.

"ako!" <-- franc

"ang kulet nento! sabing ako na eh..." <-- ako

"yam, di ba mahal mo ako? kaya dapat hayaan mo na ako mauna." <-- franc

"ako na.." <-- ako

ayon nahilo ata si Shaun.


BANG!

isang putok ulit sa kisame.

"huwag na kayong mag-unahan dahil parehas din naman na kayong mamatay..." tinutok niya ang baril sa akin.

"oy franc... diba sabi mo ikaw na una?" sabi ko, tapos punta ako sa likod ni franc. bigla akong natakot eh.

tapos handang handa ng kalibitin ni Shaun ang baril ng biglang may lumipad ng kung ano at dumapo sa mukha ni Shaun.

napasigaw ako ng..



EEEHHHHHHHHHH IPISSSSSSSSSS!!!!

"ehhhhhhhhhhhhh!!!" sigaw ni Shaun, halos mataranta na siya. "ilayo nyo sa akin ang ipissss eeeh!!!!" nagtatalon siya sa takot... "eeeeehhh!!!


"nasa likod mo na shaun!!!! eeeeehhhhhhh!!!" sigaw ko. ginawa niya, hinubad niya ang damit niya.. aw! taena, ganda ng katawan ni shaun, pang athlete, ang puti, ang kinis. URGH! nababakla ako sa bakla. Hahhaa!

"shaun nasa pader ang ipisssss!!!" sigaw ko. ginawa niya. pinagbabaril niya ang ipis. Niyakap kaagad ako ni Franc.

BANG!

BANG!

BANG!

BANG!


click--- click--- click---


ayon wala ng bala ang baril ni Shaun.


"ano patay na ba ang ipis?" tanong niya sa amin, malay ko, siya itong bumaril sa ipis eh.

noong natauhan siya, tinutok niya ulit ang baril sa amin. lumapit na ako sa kanya, kasi alam kong wala ng bala iyon.

"huwag kang lalapit sa akin! ipuputok ko toh!" sabi niya. dalawang kamay hawak niya sa baril na hawak niya. pero kinakabahan padin ako.

pumikit siya at..

click-- click---

wala na talagang bala ang baril, inubos nya sa ipis.

at


PAK!

sinampal ko siya.

"para iyan sa pagtatangka sa buhay namin!" sabi ko.

at

PAK!

"para iyan sa panggugulo mo sa amin ni Franc!"

at PAK!

"para iyan s amga sampal mo sa akin.

maga ang maputing mukha ni Shaun, di na siya nakaganti sa akin.

"Tigilan mo na ito Shaun. Tama na, alam kong mabuti kang tao.." hinawakan ko ang baril at ibinaba ko iyon. "Kailangan mo ng tigilan kung ano man yang nararamdaman mo kay Franc, you did everything just to have him back, but it never worked out..just let us be happy... kalimutan na natin ang lahat..." sabi ko. tapos bigla siyang umiyak at yumakap sa akin. so i comfort him.

"ano bang meron ka na wala ako? bakit ayaw na niyang bumalik sa akin?" iyak niya, lumapit na din si Franc.

"dahil minahal niya ako ng walang alinlangan, nakaramdam ako ng kasiyahan na never kong naramdaman noong naging tayo, i'm sorry. i love you Shaun.... but no longer. I love Yam, at sana matanggap mo iyon."

"no. no. no! i just can't accept the fact na pinagpalit mo lang ako sa kaniya." hagulgol ni Shaun. "...pero, sa tingin ko wala na talaga kong magagawa pa.." sabi ni Shaun. umalis siya sa pagkakayakap sa akin.

tumingin sa mga mata ko.

"hahayaan ko na kayo..." tapos tumingin siya kay franc.. "mahal na mahal padin kita, pero.. kung ayaw mo na sa akin, hindi kita pipilitin...but you have to remember this.. i won't stop loving you. and Yam.. i still hate you." Tumayo si Shaun. naglakad papalabas ng bahay.

at mula sa araw na iyon. Hindi na namin nakita pa si Shaun.

balita ko, bumalik na siya sa States.

at si Rico? hmmm.. ilang buwan na rin ang nakakalipas pero, sila parin ni Josh.

at kami ni Franc??? hmmmn.




"Aray! ano kaba? ang sakit sakit eh." nakatpatong sa akin si Franc, hindi ko na idedetalye ha, lamnyu na kung anong ginagawa namin (o^____^o)

"sorry yam.. nangigigil kasi ako sa iyo eh.."

"eh bakit kasi nagmamadali ka??? may lakad ka ba?"

"wala naman..."

"dahan dahanin mo lang kasi, ang sakit sakit eh.. ikaw kaya tirahin ko gusto mo?"

"oh sige na yam, dahan dahanin ko na po...hmmmmm"

niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.. pero, hankulit talaga, binibilisan parin, di na ako umangal pa..

"i love you Yam.." bulong niya sa akin.

"i love you more franc..." sagot ko naman.

sa loob ng aming kwarto ay pinagsasaluhan namin ang init ng aming pagmamahalan.

walang hussle, walang problema, purong love na lang ang natira.


sa mga pangyayaring naganap sa buhay ko na kasama si Franc... paminsan napapaisip parin ako..


paano pala kung hindi ko nakilala si Franc? hindi sana, wala akong inaasahang ganitong uri ng love story.



pero, nakilala ko siya, unexpectedly... kaya, i'm so much happy to have him..




i love you franc... hinding hindi kita ipagpapalit... promise this will be forever :)






---END OF SEASON 1---

MORE OF MY STORIES is on my WATTPAD ^^,)

Follow me on Wattpad:
http://wattpad.com/iamkenth

season 1 on WP:
http://www.wattpad.com/story/4968100-unexpected-love-affair

SEASON 2 & 3 ( FINISHED ):
https://www.facebook.com/Hi.Pogi.2012

**MESSAGE NYO LANG PO AKO FOR THE LINK OF 2 AND 3.
Ilalagay ko din sa Wattpad ang Season 2 and 3 (^__^)

SEASON 4 TEASER:
http://www.wattpad.com/14936182-unexpected-love-affair-the-lucky-one-season-4-3

ULA fanatics group:
https://www.facebook.com/groups/528891273798957/

MY fb:
Myk Ivan ---->
https://www.facebook.com/afiercykendy

Iam Kenth ---->
https://www.facebook.com/IamKenthWRITER



MARAMING SALAMAT PO ^____^

4 comments:

  1. ano po ba ang link sa season 3 ng Unexpected love affair? pwedi pod ba mahingi! masaya kasi basahin ang series na ito! nakakawala ng pagod and bore! plssss pohh!h heheehehe

    ReplyDelete
  2. Mas lamang ang pgtawa q sa emote kc ang kenkoy ni yam eh...pero nice ending,kakakilig..

    ReplyDelete
  3. Sa mga unang chapters ay nakakakilig, nakaka inlove. Then naging nakakaaliw, nakakatawa, nakakaalis ng stress. Para akong may topak habang binabsa ko tong story na ito, tawa ako ng tawa kahit nag iisa. Congrats dear author for a very nice story. Looking forward for your next story. Good Job!

    Ben of Australia

    ReplyDelete
  4. plagay nman po sa wattpad season 3 and 4 pls.............................................

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails