Followers

Tuesday, April 16, 2013

Ang RnB 3



Part1 Part2


6:00am palang ay nakaReady na si Wax at habang nagkoCoffee siya ay nanonood siya ng news sa T.V.

Kahapon pa malakas ang hanggin at nasabi sa kaniya ng kanilang drummer na may paparating na Bagyo kaya nama'y tutok na tutok si Wax sa harap ng T.V. at inaabangan ang Weather Forecast.

"Signal number one lang pala." Ang mayabang na nasambit ni Wax nang mapakinggan niya ang sinabi ng PAGASA representative sa T.V.

Kaagad na pinatay ni Wax ang T.V. at mabusising nagDouble Check ulit siya sa loob ng bahay at nang makasigurado siyang nakaLock na ang lahat ng Pintuan at Bintana sa bahay ay pumunta siya sa pinakaMain Switch ng apartment. Pinatay ni Wax ang main Switch at pagkatapos ay naglakad na siya papuntang salas.

NagText si Wax sa kaniyang mga kaBand Mates at sinabi niyang may pupuntahan lang siya.

Bago lumabas ng Apartment si Wax ay tinignan muna niya ulit ang loob ng kaniyang dadalhing  'The North Face' na backpack para iDouble Check niya ang mga dala-dala niyang mga gamit.

3 T-Shirts ü

1 Cargo Short ü

2 pairs of Briefs ü

1 pair of Islander Flip-Flops ü

Charger ü

Towel ü

"Ayos na siguro ito." Ang mahinang sambit ni Wax sa kaniyang sarili habang isinasara niyang ulit ang kaniyang backpack.

Pagkalagay ni Wax sa kaniyang likod ng kaniyang bag ay huminga siya ng malalim at hindi niya mapigilang mapaSmile dahil ito ang first time na mag-aOut of Town na mag-isa lang siya. Hindi naman masyadong gala si Wax at mas gusto pa niyang magStay na lamang sa bahay kaysa lumabas-labas at mamasyal. May pagkaOA na HomeBuddy si Wax.

"Are you ready?" Ang parang batang sinabi ni Wax sa kaniyang lumang Accoustic Guitar.

Pinagkakagastusan talaga ni Wax ang pagmeMaintain ng kaniyang Guitara dahil may Sentimental value ito sa kaniya. Ito ang kauna-unahan niyang Guitarang ibinigay sa kaniya ng kaniyang Parents noong matuto siyang tumugtog ng guitara noong nag-aaral pa siya sa Music Studio. Hindi pangbatang size na guitara ang binili ng Parents ni Wax kungdi'y Standard size kaya nama'y tuwang-tuwa si Wax that time nang iniabot ito sa kaniya ng Parents niya.

Talo pa sa GirlFriend kung ituring niya ang kainyang guitara  kaya nama'y dadalhin niya ito sa pagpunta niya sa Quezon. Itinuturing din ni Wax na Lucky Charm niya ito at kahit na Electric Guitar na ang kaniyang ginagamit sa kanilang mga Gig ay dala-dala pa rin niya ito.

"Let's Go!" Ang masaya't excited na sinabi ni Wax nang binitbit niya ang kaniyang Guitara at excited siyang lumabas na ng apartment.

Walang pakialam si Wax kahit na napakalakas ng haging sumasalubong sa kaniya habang papasakay siya sa kaniyang Revo. Ang tanging nasa isipan lamanng ni Wax ay ang katanungan sa kaniyang isip na kung ano ang magiging reaction ni Josh kapag kumatok siya sa kanilang bahay.

Sinugurado muna ni Wax kagabi kung nasa saan si Josh at baka na naman maging sablay kagaya kagabi ang kaniyang planong pag-sunod sa kaniyang bestFriend sa Province. Late ng nakaPagReply si Josh sa mga text ni Wax at kagabi lang niya sinabi kay Wax na umuwi nga siya ng Quezon dahil na din sa Request ng kaniyang nanay.

Hindi na inusisa pa ni Wax si Josh kung ano yung niRequest ng nanay nito basta ang importante'y nasa Calauag si Josh at higit sa lahat ay hindi ito makakaalis sa kanila dahil may Bagyo. Ayon sa PAGASA representative na nasa T.V. kanina'y Signal No.1 lang naman sa CALABARZON kaya ngiNgisi-ngisi itong si Wax at talaga namang wala nang palya pa ang kaniyang naisip na plano para makita niyang muli si Josh.

"Don't fail me!" Ang naiusal ni Wax habang iniStart na niya ang kaniyang Revo.

Bukod sa kaniyang lumang guitara'y parang tao din ang turing niya sa kaniyang sasakyan. Halos lahat ng Gig nila'y ito ang ginagamit nina Wax at kasa-kasama niya ang kaniyang Revo sa anumang lakad nila ng buong Band and sa mga lakad niya with his Parents noong nasa Pinas pa ang mga ito't kasama niya kaya nama'y naging Part na ng Family ni Wax ang kanilang Revo.


************************


Makalipas ang Dalawang oras ng pagdra-Drive ni Wax ay saka lang siya nagDecide na magStop Over sa isang Gasoline Station at doon lang niya napansing pasungit ng pasungit ang Panahon. Lumalakas na ang hangin ngunit walang patak ng ulan. Tinignan ni Wax ang Oras sa kaniyang WristWatch at pasado 8:30am na ngunit madilim pa din pero hindi na nakabawas ang masamang panahon sa Good mood nitong si Wax.

Pagkatapos niyang magpaGasolina't ilang minuto lang ang kaniyang itinagal sa ExpressWay ay huminto siya sa isang Stop Over ng mga Bus at pumasok siya sa Jollibee upang Jumingle at magTakeOut ng BreakFast.

Pagkakuha ni Wax ng kaniyang Order ay wala siyang inaksayang sandali't bumalik na siya sa kaniyang Revo upang ipagpatuloy na ang more than 4 hours niyang pagdriDrive papuntang Calauag.


************************


Medyo slight na nag-alala si Wax nang mapansin niyang malakas ang pagGalaw ng mga puno na nasa  tabi ng HighWay kaya nama'y binuksan niya ang Radio ng Sasakyan upang makabalita kung ano na ang update sa weather forecast.

Ikinataas ng dalawang kilay ni Wax nang marinig niyang nasa Signal No.1 pa din ang CALABARZON kaya nama'y medyo nagLieLow ang pangangamba niya sa kaniyang biyahe.

Ang Normal na 4 hours and 30 minutes na drive ni Wax papuntang Calauag ay nabawasan dahil sa tulong ng Sungit ng panahon. Naging Smooth Sailing ang pagbabagtas ng Revo ni Wax papunta kina Josh dahil wala siyang naEncounter na traffic sa daan.


************************


Nang makarating na si Wax sa Town Proper ng Calauag ay para bang automatic na nagFlashBack ang lahat ng kaniyang childhood memories na lalo pang ikinatuwa at ikinaExcite ni Wax.

Kasabay ng pag-ala-ala ni Wax ng mga nangyari sa kaniya noong bata pa siya sa Calauag na kasama si Josh ay inaalala din niya ang daan papunta sa Yaganak, Ang baranggay na dating tinirhan nina Wax at kung nasa saan ngayon si Josh kasama ang Nanay at Ate nito.

Hindi na nagdalawang isip pa si Wax na magtanong sa unang taong kaniyang nakita sa daan at laking gulat ni Josh nang ibaba niya ang salamin ng sasakyan sa driver's seat dahil para siyang binugahan sa mukha ng 20 na industrial fan dahil sa sobrang tindi ng hanggin.

Nahirapang intindihin ni Wax ang sinasabing direction ng taong napagtanungan niya kaya nama'y tinandaan na lamang niya ang mga keywords sa sinabi nito. Hindi din naman kasalanan ni Wax kung bakit nagmamadaling magsalita ang napagtanunggan niya dahil nga'y nagmamadali ito't pasama ng pasama ang panahon.

Habang binabagtas ni Wax ang daan at tinitignan niyang mabuti ang mga LandMarks na sinabi sa kaniya ng napagtanungan niya'y unti-unting nagdiDilim ang paligid na para bang magtatakip silim na kaya nama'y binuksan niya ang radyo ulit at binuksan na din niya ang headlights ng Revo.

"OH COME ON!" Ang naiinis na naibulalas ni Wax nang sinabi muli sa Radio na Signal No.1 pa din sa CALABARZON.

"MANIWALA AKO!" Ang sunod na iniusal ni Wax kasabay ng kanyang pagbuntong hininga. Hindi naiwasan ni Wax na mapapikit nang napahikab siya at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkabigla kasabay ng mabilis at madiin niyang pag-apak sa brake.

SCREEEETTTTCCCCHHHHH!!!

Tumama ang dibdib ni Wax sa manibela dahil sa kaniyang biglaang pagbreBreak. Hindi kasi nakaugalian ni Wax na magsuot ng SeatBealt sa PagDriDrive. NagngiNgitngit na binosinahan ni Wax ang Askal na bigla na lamang na tumawid sa kalsada.

"Aba!" Ang hindi makapaniwalang nasambit ni Wax nang hindi umalis sa kalye ang pasaway na Askal.

POT! POT! POT! POT! POT!

"ARF! ARF! GROOOWWWL! ARF! ARF!"

Hindi talaga nagpatalo ang Askal sa malakas na pagBosina ni Wax at sinasabayan din niya ito ng kaniyang galit at malalakas na kahol.

"Mga siga talaga ang mga aso dito." Ang galit na nasambit ni Wax.


5 seconds...


10 seconds...


15 seconds...


20 seconds...


"NANDITO NA NGA AKO!" Ang masayang naibulalas ni Wax nang makita niya ang isang sign na may nakalagay na 'BRGY YAGANAK' at pagkatapos ay biglang naalala ni Wax ang time na una niyang nakaEncounter si Josh noon.

"ADIK!" Ang masayang naibulalas ni Wax patungkol sa Askal na nakaharang sa daan dahil naala-ala niya ang Askal na umaway sa kanilang dalawa noon ni Josh.

Marahang pinaandar ni Wax ang kaniyang Sasakyan upang takutin ang sigang Askal sa kalye pero hindi pa din ito natitinag sa pagkakatayo. Lumingon-lingon si Wax sa paligid pero wala siyang makitang mga tao na pupuwedeng bumugaw sa sigang Askal. Takot din na bumaba si Wax sa kaniyang sasakyan at baka sugudin siya ng Askal.

NapaBuntong hininga ulit si Wax at nag-isip na lamang siya ng paraan para mapalayas ang Askal sa dadaanan ng kaniyang sasakyan.

Sa hindi maipaliwanag na dahila'y walang pasabing biglang nagtatakbo ng mabilis ang Askal na siyang ikinagulat naman ni Wax at makailang segundo'y narinig na niya mula sa bubong ng kaniyang kotse ang tunog ng malalaking patak ng ulan.

Nakangiting pinaandar na muli ni Wax ang kaniyang sasakyan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Dahan-dahang binagtas ni Wax ang kalyeng patungo sa bahay nina Josh. Kahit na hindi masyadong makita ang daan dahil sa lakas ng ulan ay hindi naman nahirapang matunton ni Wax ang daan papunta sa bahay nina Josh.


************************


"HOY JOSH! TIGNAN MO KUNG SINO YUNG TUMATAWAG SA GATE!" Ang malakas na sigaw ni Aling Myrna sa kaniyang bunsong anak.

"Wala yun Nay! Sino bang sira ang mangangapitbahay sa ganitong panahon." Ang sagot naman ni Josh kay Aling Myrna.

"MERONG TAO SA LABAS!" Ang galit na sinabi naman ni Aling Myrna.

"Wala nga po eh!" Ang hindi papatalong reply naman ni Josh habang naglilipat siya ng channel sa T.V.

"Hindi mo pa nga tinitignan!" Ang biglang sambit naman ni Helen sa kaniyang kapatid habang naghahain siya sa Mesa. Magtatanghalian na sa mga oras na iyon.

"Wala nga eh!" Ang hirit muli ni Josh.

"Pano kung meron!" Ang banggit naman ni Helen.

"BAKA GUSTO MONG TUKTUKAN KITA!" Ang banta ni Aling Myrna sa kaniyang anak sabay amba ng hawak-hawak niyang mahabang sandok na ginagamit niya na panghalo sa Filling ng Buko Pie nila.

"Gusto pang masaktan bago sumunod!" Ang nakaNgiting sambit ni Helen sa bunso niyang kapatid.

"Sino naman kayang sira ang susugod sa bagyo?" Ang mahinang nasambit lang ni Aling Myrna habang isinasabit na niyang muli ang mahabang sandok sa lagayan nito.


************************


"TAO PO? TAO PO?" Ang malakas na pagtawag ni Wax habang nakatayo siya sa harapan ng gate nina Josh at kahit na may hawak siyang payong ay hindi siya nito naprotektahan mula sa pagkabasa ng ulan. Mas matindi at malakas ang bagsak ng ulan at hangin ngayon kaysa kanina.

Habang hinihintay ni Wax na may lumabas sa pintuan ng bahay nina Josh ay magiliw niyang pinagmasdan ang bahay nito at matagal niyang tinignan ang bubungan nito na kung saa'y dati silang tumatambay ni Josh sa tuwing nagpapalipas sila ng Oras pagkatapos ng klase o kaya nama'y walang pasok. Hindi mapigilang mapaSmile ni Wax nang maalala niyang dyaan sila huling nag-usap ng kaniyang BestFriend bago sila magkahiwalay.

"SINO YAN!" Ang malakas na boses ni Josh mula sa pintuan ng bahay nila na ikinapukaw naman ng attention ni Wax. Kung gaano kaSungit ang kasalukuyang panaho'y kabaligtaran naman ng biglang naramdaman ni Wax nang makita niya si Josh.

"JOSH! SI WAX!" Ang malakas na tawag naman ni Wax sa kaniyang kaibigan.

"SINONG WAX?" Ang sigaw naman ni Josh mula sa pintuan na siyang ikinatigil bigla ni Wax.

"SIGAW KA NG SIGAW! PUNTAHAN MO KASI!" Ang malakas na boses ng isang babaeng narinig naman ni Wax mula sa loob ng bahay.

"ARAY!" Ang naisal ni Josh. Kitang-kita ni Wax sa kaniyang dalawang mata ang paghampas ng matandang babae ng hawak nitong payong sa ulo ni Josh.

"NAGSISISIGAW KA PA DYAN EH KUNG PAPASUKIN MO KAYA!" Ang sermon pa ng matandang babae kay Josh. Matagal na pinagmasdan ni Wax ang hubog ng matabang pangangatawan ng babaeng nanenermon kay Josh at nang makatiyak siyang ito ang Nanay ni Josh ay walang kasing tamis ang ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi.

"ALING MYRNA! ALING MYRNA! SI JOAQUIN PO ITO! ANAK PO NI TETANG AT JOSE!" Ang masaya't malakas na pagtawag ni Wax mula sa labas ng gate na siya namang ikinatigil ng panenermon ni Aling Myrna kay Josh.

"Joaquin...???" Ang nasambit lamang ni Aling Myrna't hindi niya talaga inakalang makikita pa niya ang anak ng kaniyang kaibigan.

"AY PUTRES! PAPASUKIN MO NGA ANG KAIBIGAN MONG BATA KA!" Ang masayang bulyaw ni Aling Myrna kay Josh kasabay ng malakas na pagtulak niya sa anak para kumilos na. Nakalimutan na ni Aling Myrnang ibigay ang kaniyang hawak na payong sa anak.

Hindi maiwasang tignan ni Wax ang mga muscles ni Josh lalo na ang Shoulders at ang abs nito habang pinagbubuksan siya nito ng gate. NakaBasketball shorts lang kasi si Josh at walang pang-itaas. Hindi na rin niya naiwasang maImpress sa kanyang kaibigan dahil nagDoble pang lalo ang level ng kaGwapuhan ni Josh sa pagkakaroon nito ng Wet Look.

Biglang nag-init ang mga pisngi ni Wax nang walang pasabing inakbayan siya ng matitikas na braso ni Josh para makisilong sa hawak niyang payong habang naglalakad sila mula sa gate papunta sa kinatatayuan ni Aling Myrna.

"SUSME KANG BATA KA! SANG LUPALOP KA NANGGALING! ANG LAKING DAMULAG MO NA DIN!" Ang sobrang tuwa't hindi maiwasang maibulalas ni Aling Myrna kay Wax nang makaharap na niya sa kanilang Terrace ito. Nangiti lamang si Wax sa sinabi ni Aling Myrna.
"HOY! HINDI MO BA SIYA NATATANDAAN?" Ang malakas na tanong ni Aling Myrna kay Josh dahil napansin niya na tahimik lang na pinagmamasdan sila ng anak. Labis din na nagtaka si Wax dahil hindi katulad ni Josh si Aling Myrna at natatandaan siya nito. Walang imik lang na tumango si Josh sa kaniyang nanay.

"EH PARANG HINDI KA NATUTUWANG MAKITA SI JOAQUIN HA?!" Ang sunod na sinabi naman ni Aling Myrna sa kaniyang anak.

"Ikaw na ba yan Joaquin?" Ang biglang singit naman ni Helen.

Hindi ito nakatiis na hindi pumunta sa terrace dahil akala niya'y kung ano ng Commotion ang nangyayari sa labas. Tinanguan lang siya ni Wax. Lalo pang nagtaka si Wax dahil kahit ang Ate Helen ni Josh ay naaalala pa siya.

"Damulag na damulag na kayong dalawa!" Ang hindi mapigilang nasambit ni Helen dahil kahit siya'y natutuwang makita itong si Wax.

"Pumasok na muna tayo. Tamang-tama't manananghalian na!" Ang masayang sambit naman ni Aling Myrna sa lahat. Excited na excited talaga ang nanay ni Josh na makibalita sa kung ano na ang nangyrai kina Wax simula nang lumuwas ang buong pamilya nito paManila.


************************


Itinuro ni Aling Myrna ang kuwarto ni Josh at doon niya ipinalagay kay Wax ang dala nitong 'The NorthFace' na Backpack. Tahimik namang pumasok si Wax sa silid at pagkatapos ay sumunod naman itong si Josh.

"Oist! Bigyan mo ng tuwalya yang kaibigan mo para makapagpunas." Ang masungit na utos ni Aling Myrna kay Josh.

"Magpatuyo ka anak at magpalit para pagkatapos ay sabay-sabay na tayong makapagtanghalian." Ang sweet na sinabi naman ni Aling Myrna kay Wax bago nito isinara ang pinto ng silid ni Josh. NgiNgisi-ngisi lang itong si Josh dahil sa pagiging Imba ng kaniyang Nanay.

"Eto ang gamitin mo Tol." Ang masayang sambit ni Josh kasabay ng pagbibigay niya kay Wax ng towel. Nahihiyang nginitian lamang siya ni Wax nang kinuha nito ang iniaalok niyang towel.

"Thank you." Ang nahihiyang sinabi ni Wax kay Josh. Hindi maintindihan ni Wax ang kaniyang sarili dahil pakiramdam niya'y para siyang batang nasa sa harap ang Crush.

"Hindi talaga kita maalala Tol." Ang sunod na sinabi ni Josh kay Wax habang siya naman ang kumukuha sa cabinet ng tuwalya. Hindi niya narinig ang sinabing 'Thank You' ni Wax.

"Nakakatuwa naman!" Ang nabigkas sunod ni Josh habang nagpupunas siya ng kaniyang upper body. Titig na titig si Wax kay Josh. Napalunok ng laway si Wax kasabay ng pag-init ng kaniyang pisngi nang walang pasabing magkasabay na biglang ibinaba't hinubad ni Josh ang suot nitong BasketBall shorts at Brief. NagPanic si Wax sabay talikod niya sa nakaBold na kaibigan. Parang inukit sa memorya ni Wax ang makinis at maumbok na puwitan ng kaibigan.

"Kilalang-kilala ka nina Nanay at Ate." Ang namamanghang sambit muli ni Josh kay Wax habang wala itong pakialam na nagpupunas ng kaniyang maputi't hunky na katawan.

"Talo pa ako. Ha ha ha!" Ang masayang pagpapatuloy ni Josh at natawa na lamang siya sa sarili.

"Magpalit ka na ng damit! May dala ka ba? Gusto mo bang pahiramin kita?" Ang sunod na sinabi ni Josh kay Wax ng mapansin niya itong hindi kumikilos na ikinaPanic naman ng isa.
"Ah... Eh.. Meron..." Ang naiusal lamang ni Wax.

Nakatalikod pa din siya kay Josh. Kahit na nahihiya si Wax kay Josh ay naghubad na din siya ng kanyang basang damit at brief at pagkatapos ay nagpunas na din siya.

Concious na concious si Wax sa kaniyang sarili dahil pareho na silang nakaBold ng kaniyang kaibigan. Hindi naman magpapatalo sa katawan itong si Wax kaya lang ay mas lamang ang pagiging maMuscle ni Josh sa kaniya. Lean and fit lang ang katawan nitong si Wax pero pareho silang makinis at maputi.

"Tara na!" Ang yaya ni Josh kay Wax nang makapagbihis na sila lumabas na at pakapagPananghalian na.

Kinuha na ni Josh ang mga basang damit at underwear ni Wax at dinala sa kusina habang pinaupo na ni Aling Myrna si Wax sa lamesa.

"Mabuti nalang at marami tayong bahaw! Dalawang barako ang kasabay natin." Ang natutuwang sambit ni Aling Myrna habang panay ang lagay niya ng kanin sa Plato ni Wax. Tuwang-tuwa talaga siya dahil bulinggit pa si Wax nang huli niya itong makita.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Wax habang kumakain silang apat dahil sa sunod-sunod na pagtatanong sa kaniya ni Aling Myrna tungkol sa Whereabouts ng kaniyang Parents.

Labis na ikinagalak ni Aling Myrnang mabalitaan na nasa abroad na ang kaniyang kaibigan at ganundin naman ang tuwa ni Wax nang mapag-alamanan niya na kaya umuwi si Josh from Manila ay kakailanganin kasi ni Aling Myrna ng tulong mula sa kaniyang anak dahil medyo naging madami na ang Order ng kanilang Buko Pie at lumaki na din ang demand sa kanila.

"HA?! HINDI MO NAAALALA NA MAY BESTFRIEND KA?!" Ang laking gulat na naibulalas ni Helen kay Josh nang maikuwento ni Wax kung papaano sila muling nagkita ni Josh.

"HINDI NGA ATE! ANG KULIT!" Ang naiinis na sambit naman ni Josh dahil nakukulitan na siya sa same reaction ng kaniyang Nanay at Ate.

"Hindi nga kayo mapaghiwalay niyang si Wax noong bata pa kayo." Ang nasabi naman ni Aling Myrna sa anak.

"Talaga ho?" Ang nagtatakang tanong naman ni Josh sa Nanay niya. Hindi talaga  makapaniwala si Josh sa sinasabi sa kaniya ng tatlong kaharap sa Mesa.

"Bakit ba ayaw mong maniwala!" Ang sinambit naman ni Helen sa kapatid.

Nakangiti lang si Wax na nakikinig sa tatlo habang kumakain siya. Madami siyang nakain dahil ngayon lang sya ulit nakatikim ng tinolang may SeaWeeds. Kilala kasi ang lugar nila sa main product nitong 'SeaWeeds'. Ang last na kain ni Wax ng ulam na may SeaWeeds ay noong bata pa siya't nakatira sa Calauag bago sila lumipat sa Manila.

"AY ANO BA YAN! SIGNAL NO.1 LANG EH NAGBROWNOUT PA!" Ang biglang naibulalas ni Aling Myrna sa mesa nang namatay bigla ang ilaw.

Automatic namang tumayo si Josh para kumuha ng kandila at habang nagsisindi ito'y kinausap naman ni Aling Myrna si Wax.

"Ay teka anak. Dito ka na magpalipas ng gabi. O kung gusto mo hanggang sa magPiyesta na lang!" Ang natutuwang alok ni Aling Myrna kay Wax. Halos pumalakpak ang dalawang tainga ni Wax sa narinig niya mula sa Nanay ni Josh at hindi niya iyon tinanggihan.

Habang nagbibiyahe kasi kanina itong si Wax ay nag-iisip siya ng magandang rason na sasabihin niya na kung pupuwede'y makitulog na lamang siya kina Josh. Nagkaroon din ng back up plan si Wax kapag nahiya siya kina Josh ay magmoMotel na lamang siya. Kagabi pa nakapagCheck si Wax sa internet ng mga available na pupuwedeng mapagStay-an sa Calauag.

"Nakakahiya naman ho." Ang pagpapakipot ni Wax.

"Para na kitang anak at alam ko namang gusto ninyong magkamustahan ni Joshua." Ang masayang sambit lang ng Nanay ni Josh.

"Mga damulag na kayo. Dati'y ang liliit nyo pa noong nakikitulog pa kayo sa bahay ng isa't-isa. Ang hilig ninyo noong makipag-away!" Ang birit naman ni Helen kay Wax.

Hindi maipaliwanag ang labis na kasiyahan ni Wax that time pero may kumukurot pa din sa kaniyang puso dahil sa pagkakalimot sa kaniya ng kaniyang BestFriend na si Josh.


************************


Maghapong walang kuryente sa buong Calauag at habang gumagabi'y lalong pasama ng pasama ang panahon. Laking pasasalamat naman ni Wax at hindi pa siya naloLowBatt at malakas ang signal ng Globe kaya nama'y nakapagCheck siya ng News at pare-pareho silang apat na nadismaya dahil ang Weather ForeCast ay Signal No.1 pa din sa Quezon.

Maghapong kinamusta ni Aling Myrna't Helen itong si Wax at si Josh nama'y nililinis ang kaniyang kuwarto't doon muna kasi matutulog si Wax hanggang sa Fiesta. Hinayaan muna ni Josh na masolo ng kaniyang Ate't Nanay si Wax at pagnakahiga na sila ay doon niya ito tatanungin ng tatanungin tungkol sa sinasabi nilang magBestFriend sila dahil curious na curious talaga si Josh sa mga kuwento ng kaniyang Ate't Nanay tungkol kay pinagsamahan nila ni Wax noong mga bata pa sila.


************************


Matapos na maghapuna'y nagkape lang silang apat at makalipas ng kalahating oras ng pagkukuwentuha'y nagpaalam na sina Aling Myrna't Helen kina Josh at Wax na magpapahinga na sila dahil BrownOut at hindi naman sila makakapanood ng mga sinusubaybayan nilang mga teleNovela sa T.V.

"Pasok ka na Tol sa kwarto't magtatarangka lang ako." Ang bilin ni Josh kay Wax na kaagad namang sinunod ng isa.

Sa katunaya'y patang-pata na ang katawan ni Wax nang gabing iyon dahil sa pagod niya dahil sa mahabang pagdriDrive at mabigat na din ang kaniyang ulo't pakiramdam kaya naman nang lumapat ang kaniyang likod sa kama ni Josh ay wala pang ilang minuto'y nakatulog na siya agad.

Laking gulat naman ni Josh nang makita niyang parang mantika ng natutulog si Wax kaya nama'y tahimik na lamang siyang nahiga't tumabi dito. Matagal ding pinagmasdan ni Josh ang natutulog na maamong mukha ni Wax dahil napakadami niyang gustong itanong at malaman dito.

Ang pakiramdam ni Josh habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Wax ay napakalaki ng bahagi nito sa kaniyang buhay na gusto niyang matuklasan. Ito ang laman ng isip ni Josh hanggang sa makatulog na din siya.


************************


"ATE! ATE! ATE!"

TOK! TOK! TOK!

"NAY! NAY! NAY!" Ang malalakas na pagtawag at pagkatok ni Josh sa pintuan ng silid ng kaniyang Ate't Nanay.

"PROBLEMA MO BA?!" Ang galit na bungad ng nanay ni Josh nang buksan nito pintuan ng kanilang kuwarto.

"Alas Dos na ng madaling araw Josh! Ano ka ba?!" Ang reklamo naman ng kanyang Ate Helen.

"Mataas po ang lagnat ni Wax!" Ang nagpaPanick na sambit lang ni Josh sa kaniyang Nanay at Ate.


************************


Tahimik lang na tinitignan nina Josh at Helen si Aling Myrna habang nilalagyan nito ng basang bimpo ang noo ni Wax. Napainom na nila ng BioFlu si Wax at bumaba na ang temperature nito.

"Sana wala na siyang lagnat mamaya." Ang nasambit lang ni Helen habang nakatingin siya sa natutulog na si Wax.

"Hindi na nagbago ang batang ire. Lampa pa din!" Ang sambit naman ni Aling Myrna.

"Huwag kang mag-alala Helen at gagaling na si Wax kaya tuloy pa din ang plano." Ang sunod na sinabi ni Aling Myrna sa kaniyang anak na babae.

"Anong plano?" Ang clueless na naitanong naman ni Josh sa kaniyang Nanay at Ate. Lalong ikinaCurious ni Josh at ikinakunot ng kaniyang noo nang mapansin niyang may pilyang mga ngiti sa labi ang kaniyang Ate't Nanay.

"Ipapakita namin siya kay Banessa!" Ang masayang sambit lang ni Helen na ikinaPanic bigla ni Josh.

"Ba't ganyan ang hitsura mo? Sabi naman ni Joaquin eh hanggang sa Fiesta siya dito. Sa Sabado na ang Sagala!" Ang iniusal naman ni Aling Myrna kay Josh.

"Matutuwa niyan si Banessa at may mga gwapo na naman siyang Escort sa kaniyang Sta.Cruzan!" Ang hindi mapigilang maibulalas ni Helen.

"Sino kaya sa inyo ni Joaquin ang mapipiling Escort ng Reyna Elena?" Ang nanunuksong sambit ni Aling Myrna kay Josh.

"HUWAG N'YO NGA AKONG ISAMA SA KALOKOHAN N'YO NINA BANESSA!" Ang naiinis na sambit ni Josh sa kaniyang Nanay at Ate habang nagdadabog itong lumabas ng kuwarto.

Inis na inis si Josh habang nadidinig niya ang masayang usapan at hagikhikan ng kaniyang Ate't Nanay dahil sa pagiging Excited ng mga ito sa darating na Fiesta't Sta.Cruzan ni Banessa.

Kahit na malaki't matanda na si Josh ay hindi pa din nawawala ang kaniyang galit sa kaniyang kaklaseng si Banessa dahil sa malaking atraso nito sa kaniya noong Elementary pa sila.

Naging Classmate din nila ni Wax si Banessa noong elementary.









To Be Continued

33 comments:

  1. Embedded Music Comes From Noel Cabangon's
    Tuwing Umuulan At Kapiling Ka
    One of the Many OPMs na Kinikilig ako sa tuwing pinakikinggan ko :)))

    GoodEvening Sa inyong Lahat :)))
    Take Care Everyone :)))


    P.S. I'll be serious na sa Story Telling at Simula na :))) Hahaha! Ingatz ulit kayo parati :)))

    ReplyDelete
  2. ayos to manong ah! sayo pala to.. hihihi Bisayang-bisaya naman ang BANESSA LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. To Makki :))) ayos talaga yang si Banessa :))) Promise :)))

      Delete
  3. Kakexcite naman. Kuya Ponse kinikilig ako sa kwento mo hehehe. Ingat ka palage :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lagi na laang kasing sa City ang setting kasi natin Mr.Stan :))) hahaha! Sa probinsya naman para maiba :))) Ingat ka din palage ♥ :)))

      Delete
  4. i love the song lalo na kay regine v. na version :-)

    i love globe also hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. May song ako ni Regine na iiEmbed sa RnB :)))
      Take Care ka plage Mr.PjBerdz :)))

      Globe din ang gamit ni Ponse :)))
      ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥

      Delete
  5. ay un pla ung baby gitara hahaha eukulele :p

    may santa cruzan! wee gs2 q manuod! x3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo Mr.Lawfer :))) Masayang magpaSta.Cruzan si Banessa :))) Nood ka :))) ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥

      Delete
    2. kaw mag reyna elena aq konsorte mo :))

      Delete
    3. Si Banessa ang nag-aayos ng mga ganyan Lawfer :))) Doon ka sa kaniya magpalista :)))

      Delete
    4. d kmi close eh, d q kc kilala haha

      Delete
  6. Replies
    1. Para po talaga yaan sa inyong lahat Mr.Mendoza :))) take care po palage :))) Regards po senyong Pamili :)))
      ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥

      Delete
  7. Kakakilig po. More hehe. :p

    -tomas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Every Three days na po Kuya Tomas :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) Take Care :)))

      Delete
  8. Wow i love the story... Excited na ako para sa next chapter

    ReplyDelete
  9. I love the story... Excited na ako sa next chapter...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to meet you po Kuya Richie :))) Salamuch po sa pagbasa't pagComment :))) Para sa inyo po talaga yaang mga ikinukuwento naamin :))) GOD BLESS :)))

      Delete
  10. Hmmm, excited na ko sa next chapter alps..

    -unosalas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Regular na siyang after 3 days posting Kuya Uno Salas :))) Salamuch po palage sa pagsama kina Wax and Josh :)))

      Delete
  11. Replies
    1. Salamuch po sa pagbasa't pagComment Kuyang Anon :))) Next time po eh lagay ka po ng Name para masaya sa Finale :)))

      Delete
  12. Kuya Ponse gling m tlga gumawa ng story thanks and miss u :)

    Always Take Care,

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. NaMIIIISSS Din kita ng bigtime Kuya Vhin :))) HUGZ :))) INGATZ KA DIYAN PALAGE :)))

      Delete
  13. Bannessa....nakankacurious tuloy ano mayroon sa kanya...anlandi na pakipot naman ni Wax...haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Diba Mr.LoveDoctor :))) Hindi na Predictable :))) Sabi mo kasi Eh :))) Hahaha!

      Delete
  14. Habang tumatagal lalo yatang gumaganda ang istorya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Panget po ba sa simula kuyang anon :))) Joke laang :))) paAdik ng paAdik ang Term po :))) Nice to meet you po :)))

      Delete
  15. san n next chapter???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko pa po nasisimulan kuyang Anon... Wait wait lang po... :))) TC palage :)))

      Delete
  16. Matagal na kaya Mhi Mhiko :))) hahaha :)))

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails