Followers

Friday, April 5, 2013

Ang RnB 1



Upset na upset na umuwi si Joshua from school dahil hindi niya expected na magpapaSpaghetti ang parents ng kaniyang Bestfriend na si Joaquin. Yun ang paFarewell Party ni Joaquin sa kaniyang mga Classmate dahil naPromote ang kaniyang Daddy sa Company na pinapasukan nito kaya nama'y magreRelocate na sila sa Manila. Si Joaquin lang kasi ang kaisa-isang kaibigan ni Joshua sa School.


Bully ang tingin kasi kay Joshua ng kaniyang mga classmate dahil One time kasi noong Grade One si Joshua ay may tumuksong isa niyang classmate at talaga namang napikon itong si Joshua dito kaya nama'y hindi nito napigilang bigyan ng isang Straight na suntok sa mukha ang tumutukso sa kaniya.

That was the the time na nagStart na maging Notorious sa paningin ng kaniyang mga Classmate si Joshua. That time din naman ay nagTransfer itong si Joaquin sa kanilang school. Naging easy target itong si Joaquin sa mga tukso dahil sa hitsura nitong pagkaNerdy dahil sa pagiging Introvert nito at tahimik sa Class. Nakadagdag pa ang malaking suot nitong Eyeglasses. Naging outcast si Joaquin just like Joshua.

Hindi din naman kasalanan ng kanilang mga Classmate kung bakit naging ganoon ang standing ng dalawa sa kanilang class. They were just being kids at sina Joshua and Joaquin lang ang nakaJackpot  na mabigyan ng label ng kanilang mga Classmate na isang Pasaway at isang Nerd noong grade one sila.

Then nung nagGrade two na sila ay ganoon pa din ang reputasyon ng dalawa and one time nang papauwi na si Joshua from school ay hinabol ito ng isang nagwawating na askal. Magkasing bilis lang sa pagtakbo si Joshua and ang paghabol sa kaniya ng askal hanggang sa mauwi itong si Joshua na makaakyat sa puno at hindi naman siya iniwanan ng askal at talaga namang inaabangan siya nito sa ilalim ng puno.

Eksakto namang napadaan doon si Joaquin at nang makita niya ang situation ng kaniyang Classmate ay agad siyang pumulot ng mga bato para ibato sa askal na nag-aabang kay Joshua. Natakot ang nagwawating na askal nang sinimulan siyang batuhin ni Joaquin at nang tatakbo na ito ay bigla itong natigilan nang mapansin nito ang hitsura ni Joaquin. Napangisi ang askal dahil sa nakita niyang suot na malaking salamin ni Joaquin at napakapatpatin ng pangangatawan ng bata.

Imbis na tumakbo na papalayo ang askal ay galit na galit itong inungulan si Joaquin at malakas na kinahulan ito bago sinugod. Kitang-kita ni Joaquin at labis siyang nagtaka dahil kahit na may hawak-hawak na siyang bato'y hindi man lamang natakot sa kaniya ang askal. NagPanic si Joaquin dahil sa papasugod na askal papunta sa kaniyang kinatatayuan.

Kusang kumilos ang dalawang binti ni Joaquin upang tumakbo ngunit dahil sa natural ang pagkaLampa si Joaquin ay naOut of Balance siya't nadapa. Ipinikit na lamang ng mariin ni Joaquin ang kaniyang mga mata at inihanda na niya ang kaniyang sarili habang hinihintay niyang kagatin siya ng nagWawating na Askal.

"PASAWAY KA!" Ang malakas na boses ni Joshua na narinig ni Joaquin.

Idinilat ni Joaquin ang kaniyang mga mata at laking gulat niya nang makita niya si Joshua na nakababa na mula sa taas ng puno at may hawak-hawak na itong maiksing sanga ng puno na napulot siguro nito. Galit na galit ang mukha ni Joshua at seryosong nakatingin sa askal. Tahimik ding tinitignan ng askal si Joshua at palakas ng palakas ang ungol nito at ang buong tuon nito'y wala na kay Joaquin at na kay Joshua na.

Kinakabahan si Joshua dahil alam niyang maikli lamang ang hawak niyang sangga ng puno at tuyo't na tuyo't ito. Alam ni Joshua na kahit siya'y hindi masasaktan pag napalo siya ng kahoy na hawak niya pero yun lang ang naisip niyang paraan para maagaw ang attention ng askal at hindi mapahamak ang Classmate niyang si Joaquin. Alam ni Joshua na hindi niya kakayanin ang askal na umuungol na ng malakas at galit na galit na ito.

"TUMAYO KA DYAN! KAYANG-KAYA NATING BUGBUGIN ANG PASAWAY NA YAN!" Ang malakas na sigaw ni Joshua kay Joaquin.

Lumakas naman ang loob ni Joaquin sa sinabing iyon ni Joshua kaya nama'y pumulot muna siya ng mga bato saka tumayo. Napansin naman ito nang askal at pabaling-baling niyang tinignan sina Joshua and Joaquin.

"ANO?!" Ang matapang na hamon ni Joshua sa askal.

Lumakas na din ang loob ni Joshua dahil nakaporma na din si Joaquin at handa na nitong batuhin ang askal. Hindi na nagdalawang isip pa ang askal at mabilis pa sa alas-kuwatro'y nagkakahol ito't galit na galit na tumakbo papaalis. Bago pa man ito makalayo ay huminto muna ang askal at galit na galit na tinignan nito ang dalawang magClassmate at malakas silang kinahulan nito.

"PASAWAY!" Ang sigaw muli ni Joshua sa askal na bigla namang nagkakaripas ng pagtakbo.

Sandaling natahimik ang kalye nang magkatinginan ang dalawang bata at wala pang ilang segundo'y nagtawanan sila ng malakas. Tinawanan lang nila ang nangyari pero maya-maya'y nakarinig mula sila ng isang kahol mula sa malayo.

"GRRRR! ARF! ARF! ARF! GRRRR!" Ang iniuungol at ikinakahol ng kaninang nagwawating na askal habang tumatakbo itong papalapit sa dalawang bata.

Ikinalaki ng mga mata nina Joaquin and Joshua naman ang paparating na askal dahil ang akala nila'y tuluyan nang umalis ito dahil natakot sa kanilang dalawa. Laking gulat nina Joaquin at Joshua nang makita nilang may kasamang itong dalawa pang askal. Tumawag lang pala ang Askal ng kaTropa at bumalik para maResbakan ang dalawang bata.

"TAAAKBOOOO!" Ang malakas na sigaw nina Joshua at Joaquin at sabay silang matuling kumaripas ng takbo papalayo sa humahabol na mga askal.

Simula noo'y naging magkaBuddy na sina Joshua and Joaquin sa school at naging magBestFriend na silang dalawa. Lagi na silang magkasama that time at naging comfy and pleasant na ang pagStay nila sa School.

Naging give and take ang relationship nilang dalawa bilang magClassmate and magkaibigan. Tinutulungan ni Joaquin si Joshua sa mga homeworks and si Joshua naman ang bumabarog sa mga nanunukso kay Joaquin. Nagkakilala din ang kanilang mga parents dahil walang bukang bibig ang dalawa sa kanilang family kung hindi ang kanilang bestfriend. Minsan ay nagsliSleep over si Joshua kina Joaquin or the the other way around. Lalo silang naging close and naging mabuting magBestFriend.

When they were in Grade Three naman ay naPromote ang Daddy ni Joaquin sa kalagitnaan ng School Year at kinakailangang magRelocate ulit ang kanilang family and this time ay sa Manila na. Laking gulat talaga ni Joshua nang magpaSpaghetti ang parents ni Joaquin sa kanilang class at that time their teacher announced na aalis na nga itong si Joaquin that day.

Kaya ngayon nga'y Upset na umuwi si Joshua sa kanilang house na hindi niya nakaka-usap si Joaquin and laking gulat niya nang bumisita sa kanilang bahay sina Joaquin and ang parents nito. NagRequest kasi si Joaquin sa kaniyang parents na gusto niyang magbaBye sa kaniyang BestFriend. Pumayag naman ang kaniyang mga Parents para makapagpaalam na din sila sa parents ni Joshua na naging kaibigan na rin nila.

Habang nag-papaalam ang kanilang Parents sa isa't-isa ay niyaya ni Joshua si Joaquin na umakyat sa kanilang bubungan dahil doon minsan sila tumatambay pagwala silang pasok.

"Josh, aalis na kami." Ang malungkot na sambit ni Joaquin sa kaniyang BestFriend.

"Basta yung turo ko sayo ha! Sa ilong mo susuntukin ang kaaway mo." Ang paalala naman ni Joshua sa Nerd niyang Bestfriend. Tumango nalang si Joaquin.

"Basta ikaw lang ang bestFriend ko!" Ang sambit ni Joaquin.

"Hindi kita makakalimutan." Ang sabi naman ni Joshua.

"Pinky Promise?" Ang biglang naisip ni Joaquin na kaniya namang sinabi kay Joshua.

"Ang Corny mo pero Sige!" Ang masayang confirm naman ni Joshua at wala silang inaksayang mga sandali at agad silang nagPinky Promise at nangako na hindi nila kailanman makakalimutan ang isa't-isa.

"Joshua! Nasa bubong na naman kayo! Joaquin, Tawag ka na ng Mommy mo at aalis na kayo." Ang sigaw ng nanay ni Joshua sa dalawang bata mula sa ibaba.

"Ba-Bye na!" Ang mahinang paalam ni Joaqin kay Joshua pero hindi na nagReply sa kaniya ang kaniyang BestFriend. NagSigh nalang itong si Joaquin at kaagad na bumaba mula sa bubong.

"O siya Mare. Paano. Salamat ng marami." Ang sambit ng nanay ni Joaquin sa nanay ni Joshua.

"Sige Mare, Pare. Ingat kayo." Ang masayang paalala naman ng tatay ni Joshua sa buong family ni Joaquin.

Gabi kasi magbibiyahe sila Joaquin paluwas sa Manila para makaiwas sa traffic and mas preffer nila ang ganoong time para hindi mainit. Hindi ipinakita ni Joaquin sa mga adults na umiiyak siya. Nalulungkot and naaUpset talaga siya dahil now lang siya nakakita ng kaibigan na katulad ni Joshua at magkakahiwalay pa sila ng kaniyang BestFriend. Tinignan na lamang ni Joshua mula sa bubong ang papaalis na sasakyan nina Joaquin habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Just like Joaquin ay upset and sad din itong Joshua.

"JOSH! BABA NA AT KAKAIN NA TAYO!" Ang narinig ni Joshua na sigaw ng kaniyang nanay galing sa ibaba. Tumayo itong si Joshua sa bubong para bumaba na at habang nagpupunas siya ng kaniyang mga luha ay naOut of balance siya.

Kaagad na lumabas ng bahay ang nanay at tatay ni Joshua nang makarinig sila ng isang malakas na kalabog sa labas ng kanilang bahay at napasigaw ang nanay ni Joshua nang makita niyang nakahandusay at walang malay sa semento ang kaniyang anak.

"JOSHUAAAA!!!!" Ang sigaw ng nanay ni Joshua at hindi talaga niya expected na mahuhulog sa bubong ang kaniyang anak. Walang kaalam-alam ang bumabiyaheng si Joaquin sa nangyari sa kaniyang BestFriend that time.


****************After 15 Years****************


Nang makapagRelocate na sa Manila sina Joaquin ay naging malulungkutin ito dahil nalayo siya sa kaniyang Bestfriend kaya nama'y gumawa ng paraan ang kaniyang mga Parents para malibang ito. Ipinasok nila si Joaquin sa isang MusicStudio para mag-aral ng kahit anong musical instrument at ang napili ng kanilang anak sa simula'y ang Accoustic Guitar.

Pumupunta sa Music Studio si Joaquin after school and after ilang weeks ng kaniyang session ay nagustuhan na ng bata ang magGuitara. Kinalauna'y hindi lang guitara ang itinuro ng teacher ni Joaquin sa Music Studio kungdi'y isinabay nito ang pagvoVoice lesson sa bata.

Sa simula'y Guitar ang tinutugtog ni Joaquin and then pinag-aralan naman niya ang Keyboard na naging mas madali para sa kaniya dahil marunong na siyang magGuitara at kinalauna'y pati na din ang Drums pero ang higit sa lahat ay mas nagConcentrate ang Music Teacher ni Joaquin sa pagEnchance pa nito ng boses ng bata at naging maganda naman ang Outcome dahil bukod sa talino't pagkakaroon ng kaGwapuhan ay nabiyayaan din si Joaquin ng magandang boses. Habang natutunan ni Joaquin ang mag Instruments ay unti-unti na niyang nakakalimutan ang kaniyang BestFriend na si Joshua.

Simula noo'y nakahiligan at naging Passion na ni Joaquin ang music until he graduated from College. Kumuha siya ng IT course pero he pursued a career in Music. Naging supportive naman ang Parents niya sa kaniyang Dacision and Passion kaya after ilang years ng pagtitiyaga at pasusumikap ay nakabuo ng Band si Joaquin at wagas na wagas ang kanilang mga Gig Schedules sa mga Bar. Nandoon pa din ang pagkaNerdy niya sa kaniyang personality at hindi talaga makapaniwala si Joaquin sa kaniyang sarili na magiging isa siyang Rakista.

Normal ang naging buhay ni Joaquin pero ang hindi alam ng lahat ay may itinatago itong isang napakalaking Secret. Natanggap na ni Joaquin na isa siyang Bisexual when he was still in College and hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam nito dahil very discreet at maingat si Joaquin. Hindi talaga mapaghihinalaang Bi itong si Joaqin dahil napakaGwapo nito't napakaCharming sa mga girls. Ngitian lang niya ang sinumang babae habang nakasalang siya sa stage ay talaga namang naiInlove sa kaniya. Nakailang girlfriend na din itong si Joaquin dahil talaga namang may karapatan siyang magbilang ng mga Girlfriend with his looks and dahil na din sa kaniyang Industry.

Ngayon nga'y pagod na pagod itong sina Joaquin dahil kakatapos lang ng kanilang Gig sa isang Club na kanilang regular na pinagtutugtugan ng kaniyang binuong band. This is the last night  na tutugtog sila sa isang Gig dahil natanggap na ang kanilang Band sa Bahrain at 2 years ang kanilang magiging Contract. Mas pinili nilang magpahinga muna habang inaayos ng kanilang Agency ang kanilang mga Papers.

Sa simula'y nagSet sila ng kaniyang mga BandMates ng Goal na makakuha ng Local Recording Contract pero kahit na nakakailang submit na sila ng kanilang Demo Music sa maraming Local Music Company ay tila ba hindi ngumingiti sa kanila ang kapalaran at noong malapit na silang magGiveUp ay nakaisip silang magApply na lamang sa Abroad bilang isang Banda. Gusto kasi nilang kumita gamit ang kanilang Passion sa pagtutugtog bilang isang Band.

"Wax! Pakape ka naman!" Ang biro ng kanilang drummer kay Joaquin habang nasa biyahe sila. Wax ang naging nickname na ni Joaquin.

"Sure. Ayan may Starbucks." Ang tinatamad na sambit ni Joaquin sa kanilang drummer na siya ring Driver ng kanilang Band. Agad namang nagPark ito dahil once in a Blue Moon lang kung mangLibre ang kanilang Lead Vocalist and Guitarist na si Wax.

Pinagtinginan sila Joaquin nang mga tao sa Starbucks nang Pumasok sila sa store and talaga namang nagBlush ang female Barista na nagTake ng kanilang Order hindi nito mapigilang tignan ang Nerdy Cute and Cool na si Joaquin. Ganoon ang usual na Reaction ng mga Girls sa Rakistang si Wax. Tuwang-tuwa ang ibang BandMates ni Joaquin dahil sa attention na nakukuha nila from the customer pero iba ang trip ng kanilang Vocalist.

Sa katunaya'y pagkapasok na pagkapasok ng isang paa ni Joaquin sa Starbucks ay agad na niyang namataan ang isang Cute at Gwapong Barista. Hindi matandaan ni Wax kung nakita na ba niya ito dahil pamilyar na pamilyar ang mukha nitoo sa kaniya. Aminado si Joaquin sa kaniyang sarili na madali siyang maDistract pag may mga Goodlooking na lalaki sa paligid pero hanggang doon na lamang siya dahil talagang discreet na discreet siya at alam ni Joaquin na makakasira naman talaga sa kaniyang Rakistang Image kapag nabuking siya.

Kahit na madaming Goodlooking na lalaki sa loob ng Starbucks ay nagbubukod tangi ang kagwapuhan ng Barista para kay Joaquin. Meztiso, lalaking-lalaking tignan at kahit na Cute ang Barrista ay may bahid ng slight na pagkaBadboy ang looks nito. Pero ang gumugulo sa isipan talaga ni Joaquin ay pamilyar na pamilyar sa kaniya ang mukha ng Barrista at habang nag-oOrder sila'y pilit na inaalala ni Joaquin kung saan ba niya nakita ang Gwapong Barrista or kung may kamukha lang ito. Hindi talaga nagpapahalata si Joaquin sa kaniyang mga kasama dahil hindi talaga niya mapigilang tignan ang Rugged Handsome Face ng Barista.

Matapos silang mag-Order ay agad silang humanap ng puwesto and after ilang minutes lang ay nagkaroon ng slight na commotion sa loob ng Starbucks. Napansin ni Joaquin na may pinapalabas ang Manager ng Starbucks na mga Conyong lalaki sa Store. Medyo nagwawating na ang group nang mga Conyo and halatang-halatang may mga amats ang mga ito at talaga namang mga pasaway. Kasama din ng Manager ang Security Guard ng Store and ang Goodlooking na Barista na kanina na naging Crush agad ni Joaquin sa simula pa lamang.

Automatic na nagCome to the Rescue itong si Joaquin para tulungan ang staff ng Starbucks and para magpapansin na din sa gwapong Barista. Hindi na sumunod ang kaniyang Bandmates dahil alam nilang hindi dehado sa Rumble itong si Joaquin. Kilala nila at nakita na kasi ng mga Bandmates ni Wax ang kaniyang signature na pamatay na Straight nitong suntok. Hindi kasi minsang maiwasan ang Rumble sa mga tinutugtugang Bar nina Joaquin. Ang sabi lang ni Joaquin sa kaniyang mga Bandmates ay natutunan niya iyon from his BestFriend.

"Hey, Calm down." Ang bungad ni Joaquin sa mga lasing. Hindi natatakot si Joaquin sa mga ito kahit na mga maskulado ang mga lasing na Conyotic.

"Wash yer problem Dude!" Ang sluggish na sambit ng isang lasing kasabay ng pagbigay nito ng walang pasabing Left Hook kay Joaquin. Pero mas mabilis ang reflexes ni Joaquin kaya nama'y nakaiwas siya sa suntok ng lasing.

"THAT'S IT! ILABAS N'YO NA SILA!" Ang galit na sinabi ng manager ng Starbucks sa kasama nitong gwapong Barista.

Agad namang binitbit ng Barista palabas ang dalawang lasing. Ang guard naman ay yung isang kasama ng mga ito at si Joaquin naman ay ang lasing na muntik nang sumuntok sa kaniya. Nag-aabang ang lahat lalong-lalo na ang mga kaBandmate ni Joaquin kung papalag ba ang mga lasing na Conyotics but to their dismay ay tahimik lang ang mga ito habang inaalalayang lumabas nina Joaquin.

"Thank you sir." Ang masayang sambit ng Baristang lalaki kay Joaquin nang mailabas na nila ang mga lasing from the store at madala na nila ang mga ito sa parking lot.

Medyo na Conscious ang pamintang Rakistang si Joaquin nang nginitian siya ng Barrista at iniabot nito ang kamay sa kaniya para makipagShakehands. Minsan lang magGwapuhan itong si Joaquin sa isang lalaki at talaga namang nakapasa ang Barista sa criteria nitong si Joaquin.

"Joaquin. Just call me Wax." Ang cool na sinabi ni Joaquin sa Brrista habang nakikipagShakehands siya dito. Titig na titig ang paningin ni Wax sa dalawang dimples ng kaharap niyang Barista.

"I'm Joshua. Josh nalang po Sir." Ang magalang na sabi naman ng Barista.

Biglang natigilan itong si Joaquin dahil parang automatic na nagSwitch sa kaniyang isipan ang pagbuhos ng kaniyang mga alala tungkol sa kaniyang nakalimutang Bestfriend. Pinagmasdan muli ni Joaquin ang gwapong mukha ng Barista kasabay ng pagiging malinaw na malinaw ng larawan ng pagmumukha ng kaniyang BestFriend sa kaniyang isipan.

"Joshua Ramirez?" Ang gulat na tanong ni Joaquin sa barista habang bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Tumungo lamang ang kaharap niyang Barista at nakitaan ni Joaquin ng isang malaking question mark sa mukha nito.

"Nag-aral ka ba sa Barrio Ignacio Elementary School?" Ang sunod na tanong ni Joaquin sa Barista. Hindi talaga makapaniwala si Joaquin that time. Tumungo lang ulit ang Barista na siyang lalong ikinaKabog ng dibdib ni Wax.

"JOSH!" Ang malakas at masayang sambit ni Joaquin sa kaniyang kaharap sabay yakap ng mahigpit dito. Hinding-hindi talaga makapaniwala si Wax na muli niyang makikita ang kaniyang BestFriend. Lalo pang humigpit ang kaniyang pagkakaHug sa Barista nang maramdaman niyang firm na firm ang mga muscles nito sa Chest, Shoulders and Back.

Kasabay ng pagbuhos ng pagkaMiss ni Joaquin sa kaniyang BestFriend ay ang pagbabalik sa kaniya ng kaniyang nakalimutang pakiramdam ng pagkaMiss kay Joshua. Matagal na matagal na niyang gustong makita ang kaniyang Bestfriend kaya lang nga ay nawalan siya ng time when he was still in School and lalo na nang nagkaroon na siya ng Band. Pakiramdam ni Wax that time ay para siyang nakaJackPot dahil si Josh pala ang gwapong Barista at nayakap pa niya ito.

Minsan ay pumapasok sa isip ni Joaquin ang kaniyang bestfriend na si Joshua kaya lang ay nawawaglit kaagad ito sa kaniyang isipan dahil sa sobrang pagkaBusy niya. Nagtinginan lang ang Guard at ang Gwapong Barista dahil pareho silang nagulat talaga sa biglang ginawa ni Joaquin.

"I'm Joaquin. Joaquin Gonzales! BestFriend mo! Classmate mo noon sa Elementary!" Ang masayang sambit ni Joaquin kay Joshua pero mukhang Clueless pa din ang Barista. Napasimangot si Joaquin dahil hindi siya nakilala ng kaniyang BestFriend.

"Nanay mo si Aling Myrna at Tatay mo si Mang Cesar di ba?" Ang muling tanong ni Joaquin sa Barista para makasigurado.

Tumungo ulit ito at napakalaki na ng question mark ang nakita ni Joaquin sa mukha ng kaniyang bestfriend. Nagkaroon na ngayon ng malaking-malaking Resemblance ang gwapong mukha ng Barista sa mukha ng kaniyang Bestfriend.

"Si Joshua nga ito." Ang isip-isip ni Joaquin and 100% sure siyang ito na nga yun. Kaya lang ay nagtataka siya kung bakit hindi siya nito nakilala o kaya'y maalala man lang.

"Ako ito! Classmate mo noong Grade one hanggang Grade Three. Ako ang Bestfriend mo Josh. Ako si Joaquin! HINDI MO BA AKO NATATANDAAN?!" Ang sambit muli ni Joaquin kay Joshua.

Pilit na inaalala ni Joshua kung may Bestfriend ba siya noon at tinanong na niya sa kaniyang sarili kung kakilala nga ba niya ang kaharap niya Customer ngayon.

Ang hindi alam ni Joaquin ay nagkaroon ng slight na amnesia itong si Joshua noong mahulog ito sa bubong noong time na lumuwas sila ng kaniyang Family going to Manila. Hindi naman napansin iyon ng mga Parents ni Joshua dahil He can still remember them kaya nama'y hindi pumasok sa isipan ng mga ito na may Amnesia ang kanilang anak.

Ang pagkaka-Kalog ng utak ni Josh noong nahulog ito sa bubong habang iniisip niya ang kaniyang Bestfriend na si Joaquin ay ang naging cause ng slight Amnesia nito. Tanging ang Bestfriend lang nitong si Joaquin ang nabura sa kaniyang Memory dahil ito ang iniisip niya bago siya mahulog.

Hindi talaga makapaniwala si Joaquin na hindi siya maalala ni Joshua at nagStart na siyang makaramdam ng pagkaPanic at pagkaUpset nang biglang napansin niya na lumalapit sa kanila ang mga lasing na Conyo.

Tumagal lang ng three minutes ang naging Rumble at umalis sakay ng kanilang sasakyan ang apat na Conyo with their noses bleeding. That time ay sure na sure na ni Joaquin na si Joshua nga ang Barista dahil kitang-kita niya kung paano ito magThrow ng isang matinding Straight Punch sa ilong ng kanilang mga kaRambol.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" Ang muling tanong ni Joaquin kay Joshua. Umiling lang na nakaSmile si Joshua at kitang-kita ni Joaquin ang dimples nito na nakikita niya dito noong mga bata pa sila sa province.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Ang malakas na sigaw ni Joaquin sabay tulak niya sa Baristang si Joshua dahil naiinis talaga siya dito at hindi siya nito maala-alala. Gusto ng magwala at umiyak that time si Joaquin dahil hindi iyon ang kaniyang naiImagine noon ng pagkikita nila.

"Sorry talaga Sir. I really Don't know you?" Ang mahinang paghingi ng paumanhin ni Josh kay Joaquin nang makita niyang may mga namumuo ng mga luha sa dalawa nitong mga mata.

Dito magsisimula ang kuwento ng Rakistang si Wax at ang Baristang si Josh. 

'Ang R&B' For Short.








To Be Continued

31 comments:

  1. Embedded Music Comes From Jose Marichan's
    'CAN WE STOP AND TALK A WHILE' Covered by Ms.Leah Salonga :)))

    Ang gustong sabihin ng isang tao pag nakita si Crush :))) Hahaha! :)))

    Hugot naman tayo sa mga OPM :)

    GoodEvening Po Senyong Lahat :))) Ingatz Palage and Regards Senyong Family :)))

    P.S.

    I'll make it sure na mahihirapan na kayong hulaan ito :)))


    Ingatz Ulet :)))

    ReplyDelete
  2. Sakit non ha na hindi ka maalala ng taong malapit sa'yo.... JJ

    Nice nice nice BTW di ko to talaga mahulaan kasi hindi ako manghuhula hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu po Kuya PjBerdz sa pagbasa't PagComment :))) sa mga bandang patapos na ang hulaan hahaha :))) Ingatz ka po palage and Regards seyong family :)))

      Delete
  3. kht kelan tlaga ang bad ng dogs! humpf!!!

    so ang rakista&barista pla ang titulo, akala ko’y kung anu na.
    katotong alpy, hindi ba maaaring dalawang beses sa isang linggo ka naman magposte ng iyong obra? sige na naman oh, puhleeeze :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll Try Mr.Lawfer :))) Susubukan ko para sayo :))) Hahaha :)))

      Delete
  4. Uhmmm medyo nalilito ako bakit kasi pareho ang name na nagsisimula sa J? Di ko tulog minsan makonek kung sino ung nerdy kay basagulero kay rakista at barista. Binasa ko ulet pero nalito pa din ako hehehehe.
    Anyways exciting tong RnB. Hula ko gagaling si josh, tapos si wax naman maaksidente tapos amnesia din. Hehehe too early to tell.
    Agree ako sana twice a week ang posting. Another epic story from ALPOnse. Keep it up!!!!! Mwahugsssss!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Josh ang Barrista na Basagulero...
      Si Wax ang Rakistang Nerdy po Mr.Stan... :)))
      Sa next part eh Wax na ang gagamitin nya kasi po...
      See you on Part 2 Mr.Stan :))) HUGZ :)))

      Delete
    2. Ok now may guide na ako hehehe. Salamat ALPOnse inispoiled mo ako ha. See you sa part 2 :)

      Delete
  5. galing galing talaga ni kuya ponse! so nice!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch Kuya Simom :))) hindi po ako magaling... adik po si Ponse :)))

      Delete
  6. Ang sweet naman ng first chapter. pure and innocent...ano kaya twist nito :)) Sana kuya di siya masyado predictable a :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Mr.LoveDoctor :))) Nawili kasi yung iba na hulaan na yung kwento ng kuya mo :))) Hahaha! :)))

      Delete
  7. at last naumpisahan muna pla ponz ang bago mong obra! he he he. nice and cute start but start na agad ang pain sa part ng gitna til sa last . anu ba yan? he he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basta po dating gawi Mr.Mendoza :))) Hahaha! :))) TakeCare po palage :)))

      Delete
  8. I miss your stories ALPOnse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. don't worry po Mr.Stan :))) nagsisimula na ako sa 'Kwentutan' ko po :)))

      Delete
    2. Yehey!!!!!!!!!!!!!!

      Delete
  9. Nice! Mukhang maganda, pero kuya ponse, nasa scene parin dun sa aso yung utak ko. LOL! Bentang benta saken yun, natawa talaga ako dun sa part na ngumisi yung aso kay wax, at bumalik yung aso na may kasama ng iba pang askal, lol may ganon talaga? Pigil tawa ko sa jeep.

    ReplyDelete
  10. Nice! Mukhang maganda, pero kuya ponse, nasa scene parin dun sa aso yung utak ko. LOL! Bentang benta saken yun, natawa talaga ako dun sa part na ngumisi yung aso kay wax, at bumalik yung aso na may kasama ng iba pang askal, lol may ganon talaga? Pigil tawa ko sa jeep.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Syempre naman Mr.Andy :))) kasama ang mga ADIK (kahit aso eh adik din) sa kwento :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :)))

      Delete
  11. nice story :D

    sana may next part na :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. i'll post it po sa friday or Saturday po Mr.Unknown :) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) TC palage :)))

      Delete
    2. luhhh, tagal pa.. haha anyways, worth it naman kasi gusto ko din yung mukang magiging bonding. nila. hihi. keep up the good work Sir Ponse. God Bless ^^

      Delete
    3. God Bless Din Mr.Unknown :)))

      Delete
  12. Nice start. Sana mas exciting pa ang mga susunod na chapter.good luck:-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu po sa pagbasa't PagComment Kuyang Anon :))) Regards po senyong family :))) Para po senyong lahat ang story na ito :)))

      Delete
  13. D ako nakakamove on sa nagwawating askal... Ahahaha nakakainis feeling ko napaka slapstick hehehe

    ReplyDelete
  14. hi ponce after reading your story na ang tutor(ako yung silent reader if you could remember me AKA papz) mas maadik ata ako dito hehe nice story keep it up! Uhmm question lang si Alex goot ba model mo? hehe nice choice!

    ReplyDelete
  15. Interesting. Teka, pano po ba mag submit ng stories dito? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. PM mo yung may ari ng Blog na si Tito Mike kuya Dylan...

      Click here: https://www.facebook.com/mikejuha

      Or PM mo ako : https://www.facebook.com/Kuya.Ponse

      Delete
    2. Nag PM na po ako sa'yo pero di ka pa nagrereply. haha

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails