The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 20
“Sa Unang Pagkakataon”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz
Alfer "Al" Samonte
Author’s
Note:
Gosh, I really
don’t know how to explain myself to you guys. Medyo natatagalan na ang mga
updates ko this past few weeks. And I’m really sorry. Pero salamat pa rin at
nagustuhan nyo yung last update (Chapter 19), and hopefully itong chapter ding
ito. Salamat po sa patuloy na suporta kahit medyo kumukupad na ako sa updates,
at sa mga umuunawa sa mga student-writer na gaya ko. Maraming salamat talaga. I
love you po! :)
As usual,
salamat sa mga nagpahayag ng kani-kanilang mga opinyon at haka-haka patungkol
sa 19, kela Vienne Chase, Mark Azor, HardName, Rye Evangelista, Boholano
Blogger, Yasmeen Elsayed, Red 08 (my number one fan, hahaha!), Jihi of
Pampanga, Kuya Cord of Bulacan, Dave, Sir Ruben Lagronio (Salamat po sa dagdag
bosst at drive na magsulat!), at lalong lalo na sa isa sa mga paborito kong
co-author dito sa MSOB na si Sir Alex Chua. Maraming salamat po sa inyong
lahat! At sa mga kapatid ko pong sina Kuya Mr.CPA, Ken, at Hao Inoue, tampo
tampo din ah? Oh eto, nasa A/N na kayo, wala na sa comments. Hahaha!
Before I let
you read the latest update, lemme just impart this quote for you guys, based on
what I experienced this past few weeks. “Don’t give motives to someone, so that
no one would expect something from you. Paasa or Flirt, mag bigti na kayo!”
Nyahahaha. Tone down muna tayo sa part na to to give way for something i-don't-know, basta. Anyways, eto na po. Sensya sa late update. Enjoy! :D
Jace
===========================================
“The WIND gave way so that he wouldn’t carry
and take the LEAF away, who was clinging on to its TREE. For he knew that he
wouldn’t have the LEAF for himself, he decided to end his story with it, and
take on a new path. The TREE was happy for he was assured that the LEAF will be
his forever. With the WIND’s absence, something ominous was coming their way.
Though the TREE and the LEAF didn’t see it coming, the STORM was an inevitable
force..”
== The Tree
==
Thursday ng
umaga. January 1, New Year. Kakagising ko lang ng makatanggap ako ng text
galing kay Yui.
“Dude. I
need to talk to you. Kita tayo mamaya. Really need your help, again. Thanks.”
Sabi nung text ni Yui.
Agad ko
naman itong ni-replyan. “Is it about your plan?”
“Yes.
Please. Last na to. There’s no turning back Dude.”
“Ok. 11AM.
Will text you kung san.” Reply ko nalang kay Yui. Napabuntong-hininga naman
ako.
Ewan ko. Di
nyo naman siguro ako masisisi kung bakit nate-threaten pa rin ako kay Yui diba?
Pero since kinausap naman nya ako, at naintindihan ko naman si Yui, sige lang.
Yui made a
big decision nung monthsary namin ni Babe. It was when he approached me that
day sa kusina nina Babe. Doon. Nung time na yun, kinausap niya ako tungkol sa
plano niya.
“You okay dude?” Panimula kong
tanong nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng breakfast table at
nakatungkod ang dalawang kamay sa lamesa habang nakayuko at mukhang malalim ang
iniisip. “You seem bothered. What happened?”
I knew that time, that call made him uncomfortable. Nung time na yun,
dun niya binuo ang desisyong maaaring bumago sa mga buhay naming tatlo ni Babe.
“Dude?” Tapik ko pa sa balikat
niya. Nag-angat lang ito ng mukha at tumingin sa akin ng direcho. Mata sa mata.
Napakaseryoso ng mga tingin nito. “May problema ba?”
“A-alfer.” Bumuntong-hininga
ito. “I need a favor from you.”
Right there and then. Kinabahan na ako. Alam kong di ko magugustuhan
ang hihingin nitong pabor. His face was too serious for anything pleasant.
“My Dad’s lawyer called. You’ve
heard it.” Si Yui na nakatayo pa rin sa may breakfast table at nakatingin sa
kawalan.
“What about it?”
“Pinamana sa akin ni Dad ang
lahat ng ari-arian niya. Yung bahay sa Kyoto, ang lupang pagmamay-ari niya sa
Okinawa, at ang mga negosyo niya at iba pang ari-arian. He gave it all to me.
At ngayong malapit na akong mag twenty-one, his lawyer said I should be in
Japan for the turnover of his will.” Malungkot na pahayag ni Yui.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang paghihirap
ng kanyang kalooban. Medyo alam ko na kung san patungo ang usapang ito.
“At kaya kita kinakausap ngayon
ay para humingi ng pabor.”
“Ano yun dude?”
“Kung pwede sana..”
Bumuntong-hininga muna ito ng malalim at tinitigan ako, mata sa mata. “Kung
pwede sanang payagan mo muna akong makalapit kay Jayden every now and then.
Kahit hanggang sa makaalis lang ako. At yung tungkol sa kanila ng papa niya..”
Malungkot pa rin siyang nakatitig lang sa akin. “Just for a couple of days
Dude. 2 weeks siguro.”
“Dude, is it that necessary? Nag-usap na
tayo tungkol dito diba?” Natatarantang tanong ko.
“I know dude, and I won’t break that
promise. I just have to do something first. It was my conviction na dapat
magawa ko yun sooner or later. Pero the circumstances are already presenting
themselves, so dapat gagawin ko na yun ng mas maaga.”
“Dude. Kasi..”
“Dude alam kong natatakot ka. Pero please,
trust me. Kahit ngayon lang. For the last time bro. I’m begging you.” May mga
butil ng luha ng namumuo sa mga mata ni Yui. Nag-iwas naman ako ng tingin.
“Siguro naman bro kung ikaw nasa kalagayan
ko, di ka rin makakapagdesisyon agad diba? Nag-usap na tayo eh.”
“Alam ko dude. At naiintindihan kita. Pero
huli na talaga to. Alam mo na naman ang kwento diba? Just let me do it for the
last time.”
And that was
when we notice na nandun pala si Babe. Dali-dali naman naming inayos ni Yui ang
mga sarili namin at di na nagpahalatang may malalim na pinag-usapan nung gabing
yun. Buti nalang di na nag-usisa pa si Babe tungkol dito. Pagka-uwi ko nung
gabing iyon, tinext ko si Yui at sinabing pumapayag na ako sa hinihingi niya.
Alam ko naman kasing si Yui ang tipong hindi bumibitiw sa usapan.I
know I can trust him, kaya napapayag ako. Siguro mahirap din sa kanyang parte
ang mga nangyayari. Alam kong ayaw lang niyang makagulo sa amin ni Babe kaya
siya lalayo. For that, I really wanna thank him.
Hindi ko napansing andidito na pala ako sa terrace ng aming bahay
habang umiinom ng kape at nagpapahangin habang iniisip ang kalagayan naming
tatlo ni Babe at ni Yui. Nagising lang ako ng maramdamang nasa tabi ko na si
Dad at kinakausap na pala ako.
“Son, mukhang malalim ang iniisip mo ah? New year na new year eh.” At
umupo na rin kami ni Dad sa may lamesa sa terrace. “May problema ka ba? Bwena
mano yan ah.”
“Nothing Dad. May iniisip lang ako.” Pagkikibit-balikat ko.
“Okay, sabi mo eh.” At uminom lang ng kape si Dad mula sa tasang
hawak-hawak nito. “Nga pala, naihatid mo ba kanina si Jayden sa kanila?”
“Yes Dad. Mga 3AM na rin nung hinatid ko siya.”
Dito kasi nag New Year si Babe. Ininvite siya nina Mom at syempre,
ako. Kaya masaya ako kagabi na sinalubong ang bagong taon kasi kasama ko ang
taong mahal ko. Too bad, at hindi pa alam nina Mom at Dad ang tungkol sa amin.
Pero soon enough, magsasabi din ako sa kanila.
“Dad? Question po.”
“Ano yun anak?”
“D-do you still call it l-love when you chose to stay away from the
one you love?” Arrgh! Nabubulol ako. Pano ba naman kasi, di ako ganito dati. Di
ako nag-oopen up ng topic tungkol sa pag-ibig, lalo na kay Dad.
Natawa naman si Dad sa naging tanong ko. Siguro naninibago lang siya
sa akin.
“Dad, don’t make it too awkward than as it is and just start
answering.” Kahit ako natatawa na rin ako sa topic namin ni Dad. Tumikhim naman
si Dad at uminom muna ng kape bago sumagot.
“Alam mo anak, depende yan sa sitwasyon. Kung nilalayuan mo ang taong
mahal mo for no reasons at all when you also know na mahal ka din niya,
katangahan yun. Pero kung nilalayuan mo siya dahil may iba na siyang mahal,
pag-ibig yun. Sabi nga nila, when you love someone, you must set them free.
Pero pag bumalik siya sa iyo ng kusa, ibig sabihin, sa iyo siya.” Mahabang
paliwanag ni Dad.
Ganun pala yun? So ibig sabihin, Yui’s love for Babe far exceeds
mine? “Yung sa inyo ba ni Mom. Alin sa dalawang sitwasyong iyon?”
“Neither. Kasi, when I knew na mahal ako ng Mom mo, I grabbed the
opportunity of knowing her better. Then after 20 years, look at where we are
now.” Napangiti naman si Dad. “Ikaw ba anak? Related ba sa tanong mo ang
sitwasyon mo ngayon? Are you inlove?” Balik-tanong ni Dad sa akin. Namula naman
ako.
“Yes, honestly, I am inlove Dad. Pero yung tanong ko, ahhh, hindi
naman ako nadadaan sa ganung sitwasyon. Natanong ko lang.”
Natawa naman si Dad. “That’s great anak! Pakilala mo siya sa amin ni
Mom mo ah? Finally, sumeryoso ka na ng babae.”
Napangiti nalang ako sa tinuran ni Dad. “Soon Dad. Makikilala nyo rin
sya.”
..
11AM. Kakapasok ko palang sa may coffee shop na pinag-usapan namin
kanina sa phone. Nakita ko agad si Yui na nakaupo sa may sulok.
“Hi Dude. Kanina ka pa?” Tanong ko agad dito. Inabutan naman niya ako
ng paborito kong Moccha Laté. “Thanks. So what’s up?” Dapat nga akong
ma-insecure dito. Haaay.
“Dude, tungkol dun sa napag-usapan natin. Gusto ko sana humingi ng
isa pang pabor.” Si Yui na nakatanaw lang sa labas ng coffee shop.
Are you kidding me? Really dude? “What about it? Kelan alis mo?”
Tinignan na naman ako ni Yui sa mata. “Bukas kasi Dude, birthday ni
Mama. Iimbitahan ko sana si Jayden. Hinahanap na sya nina Mama.”
Bumuntong-hininga si Yui. “Sa susunod na araw na ang alis ko.” Naging malungkot
naman ang ekspresyon ng mga mata ni Yui.
“Are you still coming back?” Nagbawi ito ng tingin. “No, I didn’t
mean na… Pero Yui, desidido ka na ba talaga? I know why you are doing this
drastic change. Pero kung tama naman ako sa iniisip ko, wag nalang. Kaya mo
namang tumupad sa usapan diba?” I don’t wanna look so stupid and so damn
hypocrite, pero threatened pa rin talaga ako everytime na nakikita kong
magkasama sila ni Babe.
Ngumiti naman ito. “Don’t flatter yourself dude. I’m not doing this
either for the both of you. I’m doing this for myself.” Pero alam kong
nagsisinungaling lang ito. Kitang-kita ko talaga sa mga mata nito ang
kalungkutan sa gagawing hakbang.
“Lier. Your eyes say otherwise. Come on Yui. Wag kang duwag!” Ayun!
Sumabog na naman ang ego ko. Why does he have to be such a hypocrite?
“Call me anything you want dude. I couldn’t care less.” Matabang na
sagot ni Yui. “I’m just doing us a favor. Baka sakaling matagpuan nating tatlo
ang katahimikan ng ating mga damdamin.”
“Then go! And don’t bother coming back.” Tumataas na pala ang boses
ko. Nagsisitinginan na ang ibang customers sa amin. “Jayden is mine. He’s all
mine. This is the last favor na ibibigay ko sayo. May usapan tayo. Wag na wag
mong kakalimutan.” Sabay tayo at alis ng coffee shop na iyon.
Alam mo kung bakit ako nagalit? Kasi feeling ko nagpapaka-bida yang
si Yui eh. Kunwari siya ang kawawa, then he will just point the blame on me,
subtlely. Nakakaasar!
I don’t know. Maybe insecured at nagseselos lang ako sa kanya, pero,
di ko talaga maiwasang uminit ang ulo sa mga ginagawa niya. He could have just
fought for Jayden. Then we would have a fair fight, but he chose to run away.
“Pero kung nilalayuan mo siya
dahil may iba na siyang mahal, pag-ibig yun. Sabi nga nila, when you love
someone, you must set them free.” Nag-echo na naman sa akin ang mga sinabi
ni Dad kanina.
Insecured nga ako. Kaya pala uminit agad ang ulo ko. Kaya pala.
Nagseselos ako.
Pagkalipas ng dalawang araw, mas lalo pang tumindi ang pagseselos ko.
Hinayaan ko muna si Babe na sumama muna kay Yui sa birthday party ng mama nito
kagabi, si Tita Pearl.
Well anyways, dalawang araw lang naman. Ngayong araw na to ang alis
ni Yui papuntang Japan. Di ko pa rin sinasabihan si Babe sa desisyon na iyon ni
Yui, kasi he asked for it. Ginagalang ko naman ang naging pasya nito.
“After this, Jayden will be mine. All mine.” Pakonswelo ng utak ko.
Nami-miss ko na si Babe. Ilang araw na akong di nagpapakita sa kanya.
Possessive talaga ako kung minsan. Ay hindi pala minsan. Most of the
times. Lalo na pag-alam kong may karapatan naman talaga ako, at importante sa
akin ang tao o bagay, lalaban ako ng patayan.
Pero sa pagkakataong ito, magpaparaya muna ako. Konting panahon lang
naman eh. Pagkatapos nito, akin na talaga ang pinakamamahal kong si Jayden.
==================================================
== The LEAF ==
Bagsak ang mga balikat na umuwi ako sa bahay. I was disappointed and
devastated. Bakit? Why did he go away without even saying a single word to me?
Yung tagpo kanina sa airport, parang yun yung mga tagpong di na
mauulit sa susunod, kasi mukhang di na babalik si Yui dito. Kung babalik man,
siguro matagal pa. Pero kelan pa? At bakit? Why didn’t he tell me?
Nakahiga lang ako sa kama ko buong maghapon. Kanina, umiiyak ako sa
pag-alis ng bestfriend ko. Si Yui ang taong pinakamalapit sa puso ko. He was my
bestfriend. He was my brother. But why did he have to leave?
Di ko na namalayan ang oras. Di ko na mabilang ang oras na inilagi ko
dito sa kwarto ko. Nakatulala lang ako sa kawalan. Tinatanong ang sarili kung
bakit ako iniwan ni Yui. Kung bakit hindi niya nasabi sa akin ang plano niyang
umalis ng Pilipinas.
Andami-dami pang tanong na bumabagabag sa akin. Every now and then,
the memories I’ve had with Yoh were coming back to me in flashbacks. Naging
masaya naman kami eh, pero bakit ganun?
Ring Ring Ring. Babe, calling..
“H-hello Babe?” Sagot ko sa tawag nito.
“Babe? Are you crying?” Pansin pala nito ang pagka crack ng boses ko.
Arrgh!
“N-no babe. I’m good. N-napatawag ka?”
“Just wanna check up on you. Labas tayo mamaya?”
“B-babe, wala ako sa mood eh. P-pwede bukas nalang?”
Pasinghot-singhot kong sagot. Hindi ko talaga mapigilan eh. Pero, boyfriend ko naman
to. So okay lang.
“Andyan na ba si Nanay?”
“Wala pa babe. Di pa nakabalik. Baka bukas pa.”
“Sige babe. Ako nalang pupunta jan para may kasama ka. Be there in
half an hour. See you babe. I love you.”
“I love you m-more babe. Ingat.” At binaba ko na ang phone.
At bumalik nalang ulit ako sa paghiga. As usual, nakatulala na naman
ako. Naghahanap ng sagot sa mga tanong tungkol sa bestfriend kong agad-agad
nawawala at sumusulpot. Ninja kasi sya eh. Pero sana, this time, susulpot
nalang ito bigla sa tabi ko kung kelan di ko inaakalang magpapakita sa akin.
“Yoh.” Sabi ng aking utak, at tuluyan ng nawala sa kamalayan at
nakatulog.
..
“Wake up sleepy head!” Narinig kong sabi nung pamilyar na boses na
gumising sa akin. “Babe, come. Kain muna tayo. Nagdala ako ng pagkain. Nakapag
lunch ka ba kanina?” Nakahiga lang ito sa tabi ko at umunan pa sa may tiyan ko.
“Babe.” Napabalikwas naman ako ng bangon, pero di ko nagawa kasi
ambigat ng ulo niyang nakadagan sa akin. “Maghihilamos muna ako babe, teka
lang.” Pero bago pa man ako maka-ibis ng alis sa kama, hinila ako nito pabalik
at napahiga ulit ako sa kama. This time, nakaunan na ako sa dibdib niya.
“I love you babe!” Sabay kiss sa pisngi.
“Ay, bakit sa pisngi lang?” Simangot ko. “Dapat sa lips.” Biro ko pa.
“Ayoko nga. Kakagising mo lang eh. Amoy laway ka kaya.” At tumawa pa
ito. Napasimangot pa ako lalo. Nang-iinis eh.
“Ok fine. Wala ng kiss mula ngayon ah? Ginusto mo yan babe.” Sabay tayo at
walk-out na sana, pero nahawakan pa rin nito ang isang kamay ko.
“Asus. Tampo tampo agad. O sige, game na. Dali.” Pumikit sya at
sabay tinuro ang naka-pout na lips.
“Kiss na bilis, bago pa magbago ang isip ko.” Sabi niya na nakaupo na sa gilid
ng kama ko habang ako’y nakatayo lang sa harap niya.
I leaned towards him. Napagmasdan ko tuloy ang magandang mukha ng
aking boyfriend. Ang mukha na pinag-aagawan ng mga kababaihan at mga
in-betweeners na kagaya ko. Hahaha! Ilang segundo ko pang tinitigan lang ang
mukha ni Alfer, at sa halip na idampi ko ang mga labi sa labi niya, kiniss ko
nalang ito sa noo.
“Makahalik ka naman sa noo babe. Ano to, lolo mo ko?” At humagalpak
ako sa tawa sa pagkakasimangot nito. “Sige na, maghilamos ka na. Gutom na ako
babe.”
“Kaw kasi eh, dami mo pang arte.” At tuluyan na nga akong pumasok sa
banyo at naghilamos at nag toothbrush. Nakalimutan kong di pala ako nakakain
kanina pagka-uwi ko mula sa airport. Haaay. Si Yui na naman ang dumadaan sa
utak ko. Asan na kaya yun?
“Babe, bilisan mo na. Una na ako sa baba ah? Sunod ka.” Tawag sa akin
ni Babe na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napapailing nalang akong tinapos
ang pagsisipilyo’t paghihilamos. Nagbihis at bumaba na sa may kusina.
“Babe, gutom na ako. Di ako nakapag-lunch kanina pagka-uwi ko eh.”
Sabi ko nang makababa na ako sa kusina at umupo sa may breakfast table namin.
Nakita ko lang si Babe na pine-prepare ang dala nitong fries, burger at sundae.
“Asan ka galing kanina?” Patay! Di ko pala siya natext kanina nung
dinaanan ako ni Yui. Sa bilis ba naman ng mga pangyayari, makakatext ka pa kaya
sa boyfriend mo? “Babe, are you okay?” Napansin lang ni Babe ang pag-iba nung
aura ko.
“O-okay lang a-ako babe. Sorry kanina, di na kita natext.”
Bumuntong-hininga pa ako ng malalim. “S-si Y-yui. Tumulak na sya papuntang
Japan kanina.” Malamig na tugon ko.
Lumapit naman si Babe sa likod ko at tinapik-tapik ako sa likod ko.
“Babe.”
“Di ko lang siya maintindihan babe. Hindi niya sinabi sa akin na
aalis na pala siya.”
Hindi naman umiimik si Babe na nasa likod ko. Hindi ko nalang ito
pinansin kasi hanggang ngayon, medyo di pa ako nakabawi sa pagkagulat ko sa
nangyari kaninang tanghali.
“D-did he tell you guys?” Lumipat naman sa harapan ko si Babe at
lumuhod para mag-abot ang tingin naming dalawa. His looks were so serious.
“Nope.” Pero bakit ganito na lang ang nababasa ko sa kanyang mga
mata. Then after a while of staring to each other’s eyes, he rolled his and
locked it unto mine again. “Ok, fine.” Bumuntong-hininga pa si Babe at saka
nagpatuloy sa pagsasalita. “Sorry babe, pero alam ko.”
Nagpanting naman ang tenga ko. Ewan ko ba pero gusto kong magalit kay
Alfer for not telling me. I felt betrayed by the two most important person in
my life. Si Yui na best friend ko, at si Alfer na mahal ko. Why? Why didn’t he
tell me? Pero kinontrol ko pa rin ang aking sarili at sinubukang mapakinggan
ang magiging eksplenasyon niya sa nangyari. Nag-iwas nalang ako dito ng tingin.
“Babe, nilapitan ako ni Yui nung monthsary natin.” Pagsisimula niya.
“Sinabi niya sa akin ang naging desisyon niyang pumunta ng Japan. Hindi niya
ako pinayagang sabihin sayo kasi it was his decision not to tell you until the
last minute.”
Hugot ulit ng hininga si Babe. Ako naman ay di pa masyadong
nagsisink-in ang mga sinabi niya. Pero eto si Babe at nakayakap na pala sa
akin.
“Babe, am sorry. Alam kong mali ang maglihim sa iyo. Pero kasi,
kaibigan din natin pareho si Yui. At ginagalang ko ang desisyon niya. Kung
meron mang dapat magsabi sana sa iyo, si Yui sana yun.”
“Pero bakit nga babe? Ang daya naman kasi ng lalaking yun eh.”
Pagmamaktol ko pa. Kumalas naman sa pagkakayakap si Babe at tinitigan lang ako
sa mga mata. Nilagyan ko nalang ng kaunting paliko sa atake ko ng pag-uusisa
kasi baka mahalata ni Alfer na bothered talaga ako sa pag-alis ni Yui. Kahit
sarili ko nga, di ko maintindihan eh.
Siguro dahil si Yui ang best friend ko. Siguro dahil si Yui ang
naging kaagapay ko nung mga panahong nabubuhay akong wala ang kaluluwa sa
katawan ko, at naglalakad sa mundo ng mga buhay. He reached out to me and
brought my soul back to its proper place.
Si Yui. Ang makulit, madaldal, banatero, pero napakabuti at
supportive na best friend ko. Si Yui na itinuturing kong kaibigan at kapatid.
Si Yui. Iniwan na niya ako.
Fuck! Palagi nalang bang ganito? Palagi nalang ba aknong iiwan ng mga
taong mahal ko? Si Alfer, hanggang kelan siya mananatili sa akin? Haaay.
Ang dami na namang mga bagay ang nagpapabigat sa aking isip.
Bumabalik na naman ang pagiging emo ko. Sa sobrang pag-iisip tungkol kay Yui at
sa mga ibang bagay, di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang
nakatulala lang sa kawalan.
Nagising lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng tinutuyo na ni
Alfer ang mga luha sa aking mga pisngi gamit ang mga labi nito. He was kissing
the tears away, literally. Hanggang nung sakupin na ni Alfer ang aking mga
labi. His lips were soft and tempting. It’s like they were assuring me na kahit
anumang mangyari, anjajan pa rin sila para sa akin. Na kahit magunaw ang mundo
ko, may malilipatan pa rin akong mundo, sa piling ni Alfer.
Maya-maya pa’y natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumutugon na
sa mga halik nito. Nakaupo pa rin ako sa may lamesa sa kusina habang siya naman
ay nakaluhod pa rin upang magtagpo ang mga uhaw naming labi. Nagiging mapusok
na ang halikang iyon sa bawat segundong lumilipas. Unti-unti ko ng nararamdaman
ang kamay ni Alfer na hinahaplos ang aking likod at minamasahe ang aking ulo na
nakadikit pa rin sa ulo niya.
“B-babe.” Mahinang sambit ko ng bumitaw kami pareho sa sandaling
iyon. Parehas kaming hinahabol ang aming mga hininga mula sa nakakapasong
halikang iyon. Sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng ganitong klaseng init sa
katawan.
“Shhh.” Then he sealed my lips again with a short kiss. Then he held
my hands and guided me to go upstairs. Dala-dala ang pagkaing dala niya sa
isang kamay, at ang isa’y nakahawak sa akin.
Nung narating na namin ang aking kwarto, nilatag niya agad ang mga
pagkain sa study table ko, at agad-agad na sinunggaban ang aking mga labi.
Nabigla man at napasandal sa may pinto, di ko nalang pinansin ang pagiging
aggressive ni Babe at tinugon nalang ang halik nito. Dumoble pa ang apoy na
tumutupok sa mga katawan namin nung sandaling iyon.
Namalayan kong hinihiga na ako ni Babe habang di pa rin natatanggal
ang mga labi niya sa mga labi ko. He was insanely rubbing his body against
mine. Dun ko pa lang napansing parehas na kaming walang saplot sa katawan kundi
ang mga natitirang tela na tumatakip sa aming mga kaluluwa.
“My goodness! What the fuck is happening?!” Sigaw ng aking utak. Sa
totoo lang, hindi pa ako handa sa ganitong bagay, pero bakit parang
nagugustuhan ko rin ang mga nangyayari. “No.” Sabi pa ng aking utak. “No!”
Nasigaw ko at naitulak ko pa si Alfer patagilid, na nuo’y nakapatong na sa
akin. “B-babe..”
“Babe, what’s wrong?” Tumagilid naman ito paharap sa akin.
Hindi muna ako umimik. Kinuha ko lang ang unan at itinakip ito sa
aking mukha dahil sa kahihiyan.
“Babe? May problema ba? Did I do something you didn’t like?”
“Not that babe. I-it’s just that.. I’m n-not ready yet.” Pautal-utal
kong nasagot habang hinihila na rin ang kumot para itakip sa aking kahubdan.
Nakakahiya! The fuck’s wrong with me?
“Babe.” At niyakap ako ni Alfer, pero maya-maya pa’y kumalas ito at
hinawakan ang aking mukha sa mga palad nito at nakipagtitigan sa akin. “You
know I love you, right? At alam mo ring andito ako palagi sa iyo. Alam kong
nasaktan ka sa biglaang pag-alis ni Yui na best friend mo, pero hey, I’m still
here.” At pilit itong ngumiti sa akin. Tumango nalang ako.
“B-babe, wag mo kong iiwan ha?” At sinugod ko siya ng yakap. I was
resting my head on his shoulder when I felt him nodded. “W-wag mo kong iiwan
babe.”
“I’m always here for you Babe. I love you so much.”
“I love you more babe.” Then he kissed me. At first it was gentle and
sweet. But the moment I felt security in his arms, assurance from his words,
and sincerity from his eyes, I gave him one hell of a kiss. Naging madiin at
mapaghanap ang aking halik. I was like a hungry wolf feeding on his prey.
Goodness, how needy I felt. Unang beses na inapoy ako ng ganitong klaseng
pakiramdam.
At tuluyan na nga akong sumuko sa pagnanasa ng aking kamalayan, at
nagpatangay sa agos ng kamunduhan. Hinayaan ko nalang ang aking mahal na dalhin
ako sa lugar kung saan makakadama ako ng kasiyahan at kapanatagan ng loob.
Mahal ko si Alfer at kaya ko gagawin ang bagay na to. Alam kong ilang
beses ko na rin siyang tinanggihan, pero sa pagkakataong ito, I’m definitely
ready. Kahit di ko alam ang gagawin, I’ve let him do the rest. Di naging madali
ang lahat, pero kinalaunan, naramdaman kong pareho na kaming nasa alapaap ng
kaligayahan. We kissed again to seal off this heat that ensalving us. And then
we dozzed off, holding each other in each other’s arms.
..
Naramdaman ko ang sakit sa maselang parte ng aking katawan nung
imunulat ko na ang aking mga mata. The room was brimming with the sun’s
merciful light. Umaga na pala. Agad na hinanap ng aking mga mata ang mahal kong
ipinadama sa akin ang langit kagabi. At di nga ako nabigo.
Nakita ko si Alfer na mahimbing na natutulog sa aking tabi habang
yakap-yakap niya ang aking katawan na nakatalikod sa kanya. We were both still
naked from last night. Napagod kami pareho, pero it was all worth it.
Ang sarap titigan ng mukha ng taong mahal mo sa umaga, lalo na kapag
ito’y natutulog pa sa tabi mo. His face was as fierce as a lion’s that is pretending
to sleep, just to nab his prey unknowingly. Pero kahit ganun pa man, hindi pa
rin maipagkakaila ang aking kakisigan ng Babe ko.
Ako na ata ang pinakamaswerteng tao sa mundo, ‘cause I’m with the
hottest guy in the whole wide world. Idagdag pa na mahal na mahal ako nito.
Wew! I can die right now.
Kahit masakit pa rin ang parte ng katawan kong sinakop ni Babe
kagabi, atleast di na masyadong masakit ang puso kong nasaktan nang dahil sa
pag-alis ni Yui. Somehow, I forgot the pain I got from lossing a best friend.
Salamat kay Babe.
Di ko mapigilang mapangiti habang tinititigan ko ang maamong mukha
nito. “This guy is perfect!” Ang nasabi ng isip ko. Ginawaran ko ito ng isang
dampi ng halik sa mga labi nito na ikinagising nito.
“Good morning Babe!” Bati ko dito.
“Uhmmmn.” Iminulat nito ng
bahagya ang mga mata nito, at isinara ulit. “Anong oras na babe?” Him while in
his bedroom voice. Ang sexy pakinggan.
Hinagilap ko naman ang aking phone at tiningnan ang oras. “Alas syete
na po ng umaga. Bangon na babe, gutom na ako. Breakfast na tayo sa baba.”
“Five more minutes babe.”
“Babe, we haven’t taken our dinner last night. Tara na.” Pangungulit
ko dito.
“Una ka na babe. Susunod nalang ako.” At nagtalukbong nalang ulit ito
sa kumot.
Haaay. Ang kupad ni Babe. Pero sige lang, mahal ko naman eh.
Kinuha ko ulit ang phone ko at sinubukang i-open ang Facebook Account
ko, baka sakaling may message si Yoh. Pero nabigo akong makatanggap ng kahit
anumang updates mula sa kanya. Hinayaan ko muna. Total, andito naman si Babe.
Mamaya na ako maghahagilap ng eksplenasyon mula kay Yui.
Habang nagfe-Facebook ako, naisipan kong magpost ng status.
“Mornings are at its best when you wake up next to the person you
love.”- Feeling Wonderful with Al Samonte.
Yun ang naisipan kong ipost. Siguro di naman magagalit si Babe na
tinag ko siya for the first time in a post. Napapangiti nalang akong inilapag
ang phone ko sa may side table at kinuha ang tuwalya at itinakip sa aking hubad
na katawan at pumasok ng banyo upang maghilamos muna.
Pagkalabas ko, nagbihis muna ako at kinuhang muli ang aking phone.
Nung inopen ko ulit ang facebook account ko, bumulaga sa akin ang tatlong
comments sa pinost ko kanina, at 36 likes na ang karamihan ay mga friends ni
Babe.
“Hoy! Anyare? Share na yan.” Si Kira. Napapailing akong natatawa na inimagine
ang mukha niya ngayon.
“Ui. May kwento.” Comment nung isang
Chris Ralph Dela Cruz na sa tingin ko’y team mate ni Babe sa Varsity.
“Ahemn! ^-^.. ” Si Paul. Haay. Ang usiserong si Paul.
Naagaw naman ang aking pansin ng may nag pop-up na notification sa
screen.
“Yui Ramirez liked your status.”
Napangiti naman ako na malaman na buhay pa pala ang ugok na iyon.
Mamaya ko nalang ito kukulitin. Magluluto muna ako ng breakfast para sa amin.
Gutom na gutom na talaga ako at alam kong si Babe din.
Kasalukuyan akong nasa kusina ngayon at nagluluto ng hotdog at itlog
para sa aming agahan ng aking mahal. Pakanta-kanta pa ako sa sobrang kasiyahan
dahil sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang mga labi
ni Alfer na naglakbay sa buo kong katawan kagabi. Nakikiliti pa rin ako sa
sensasyong idinulot ng mga halik at haplos na pinagsaluhan namin kagabi. At
biglang..
“Babe!” Nagtatakbong tawag ni Babe sa akin. Para itong natataranta sa
kanyang itsura. Napalingon naman agad ako sa may hagdanan kung san siya
tumigil.
“Babe?”
“Babe, bakit mo ako tinag sa post mo?!” Mas nagulat ako sa pagtataas
ng boses sa akin ni Babe. “I-delete mo yun ngayon din!”
Di naman ako nakapagsalita o kahit nakagalaw sa aking kinatatayuan sa
sobrang pagkagulat dahil sa inis at galit na nahihimigan ko sa tono ni Babe.
Bakit sya galit?
“Babe!” Tawag-sigaw nito sa akin na sinamahan pa ng panlalaki ng mga
mata niya na siya namang ikinataranta ko at patakbong kinuha ang phone ko.
Inopen ko agad ang Facebook App ko at dali-daling binura ang naging status ko
kanina. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko dahil sa sobrang gulat.
“S-sorry b-babe.” At napatalikod nalang ako mula sa kanya at napayuko
nalang. Tumutulo na pala ang mga luha ko. Di ko inaasahang magkakaganito siya
dahil sa isang post lang.
For the first time since we decided to face then world together, he
got so mad at me. It was like he was the angry Zeus, who was about to strike me
with his thuderbolt. I wasn’t expecting this.
“Babe. Am sorry.” Patakbo naman akong sinugod ng yakap mula sa likod
ni Alfer. Kumalma na ang boses nito at mukhang natataranta na sa pag-amo sa
akin. “Babe, sorry. Sorry for raising my voice.”
Di naman ako kumibo. Instead, I was trying so damn hard not to let it
all out. Tumutulo pa rin ang mga luha ko nang pinihit niya ako paharap sa kanya
at pinahid ang mga luha ko.
“Oh babe, I’m so sorry. Kakagising ko lang kasi. I wasn’t thinking
properly, kaya kita nasigawan. Sorry.” At niyakap lang niya ako ulit. “Babe, I’m
sorry. Wag ka ng umiyak please.”
Pinilit ko namang pakalmahin ang sarili ko at inisip na kasalanan ko
din naman ang nangyari. “O-okay l-lang babe. S-sorry din.” At kumawala siya sa
akin.
“Babe k-kasi..” Nag-iwas siya ng tingin at iginiya ako na pa-upuin sa
may silya sa kusina. “Don’t take I the wrong way Babe, pero kasi, hindi naman
lahat ng totoo ay dapat nating sabihin sa lahat, diba? Sana maintindihan mo
ako.”
“O-oo babe. S-sorry din.”
“Babe, hanap muna tayo ng tamang tyempo upang sabihin sa kanila ang
lahat ha? Promise. I’ll do my best para maging legal tayo as soon as possible.
Please don’t cry Babe. I’m sorry.” At hinagod-hagod lang ni Alfer ang likod ko
at pinilit akong kumain na.
Nagulat talaga ako sa nangyari. Pero inaamin ko rin namang may
kasalanan din ako. Pagkatapos naming kumain, parang nawalan ako ng ganang
gumala muna sa labas kasama si Babe. Kaya nagpaalam nalang ito sa akin na uuwi
na muna daw at magkikita nalang kami sa school bukas.
..
Friday ng hapon. Tumatambay ako sa may fountain habang naghihintay
kay Alfer na matapos ang practice game nila sa may Gym ng school, nang
makatanggap ako ng text mula dito.
“Babe, una ka nalang sa pag-uwi. Matatagalan pa kami eh. Si Coach
kasi, pinagpe-prepare kami para sa Tournament Cup sa susunod na buwan. Puntahan
nalang kita mamaya sa inyo. I love you.”
Nagreply nalang ako dito ng isang “Ok” at “I love you too”.
Pagkatapos, nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Naalala
ko lang ang dati.
Kung di ako masasamahan ni Alfer pauwi noon, nandudun si Yui para di
ako mag mukhang tanga at nag-iisa. He makes me smile with his witt and his corny
jokes. At kapag nagugutom ako, di ko pa sinasabi sa kanya pero alam na niya ang
nasa isip ko.
It was like we were having a single brain. Like B1 and B2 of Bananas
In Pajamas. Iisa ang tinatakbo ng utak namin. Walang sabi-sabi, isang text
lang, at anjajan na agad siya.
But shame on me, Yui is no longer around. Wala na ang best friend
kong ipinaglihi sa Mega Phone upang samahan ako sa aking pag-eemo. Wala na ang
best friend kong hari ng positivity at inspirational talks na nagne-negate sa
aking negative side. Haaay.
Di naman nagpakita buong araw si Kira sa akin. Ewan ko ba sa kapatid
kong yun. Siguro kina-career lang ang pagiging Student Council Secretary at
nagiging busy na masyado.
Ako? Eto, mag-isa. Nganga.
Walang magawa, kaya umuwi nalang ako ng maaga. I felt so down sa tuwing
nag-iisa ako. Nasobrahan na ata ako sa pagiging dependent sa iba, kaya
nakakaramdam ako ng ganitong kalungkutan.Bumabalik na naman ata si Jayden na
emo.
Pasalampak akong napahiga sa aking kama at binuksan ang laptop at
nagliwaliw sa Facebook. Wala akong magawa kaya naisipan kong magpost ng status
update..
“We always have the option of letting people stay in our hearts, but
we don’t have the option of letting them all stay in our lives.. :( ”
Maya-maya pa’y may nag pop-up na namang notification.
“Yui Ramirez liked your status.” Sabi nung notification na biglang
lumitaw sa screen.
I wasn’t sure of what to do. Should I send him a message and say hi?
Or will I just succumb into my pride, at magtampo pa rin sa kanya sa hindi nito
pagbibigay ng kahit konting eksplenasyon sa paglayo nito. Sa totoo lang,
nagtatampo ako kay Yoh. Sino ba naman ang hindi?
Nagulat nalang ako ng biglang may nagpop-up na PM sa aking screen..
“Yui Ramirez: heya!”
Napalunok naman ako ng laway ng makita ko ang pangalan ng nagpadala
sa akin ng message. “Yoh..”
- Itutuloy
-