Followers

Tuesday, April 30, 2013

CAMPUS TRIO 17

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Ito na naman...another kilig moments haha...

Happy Reading!

"Anong gusto mong kainin?" ang tanong ni Bryan kay Andrew nang marating nila ang lugar.
"Kahit ano na lang. Hindi naman ako mapili sa pagkain."
"Sige ako na bahala. Hanap ka na ng mauupuan natin." ang utos nito sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Bryan dala ang isang tray ng pagkain.
"Here's the food." ang sabi nito pagkalapag sa mesa. "Kain na tayo!" ang yaya pa nito.

"Salamat sayo Bryan, ang totoo niyan ngayon lang ulit ako nakakain sa ganitong lugar. At unang pagkakataon kong mabilhan ng mga bagong damit." ang pahayag ni Andrew habang kumakain sila. Hindi na niya naitago pa ang kasiyahang nadarama sa kabaitang pinapakita sa kanya ni Bryan.
"Ang gusto ko lang naman ay sumaya ka Andrew dahil special ka sa akin." ang sagot nito.
"Sa totoo lang, naisip kong ikaw na ang hulog ng langit sa akin. Simula nang magkakilala tayo, kahit hindi naging maganda ang unang pagtatagpo ng landas natin ay dumating na sa amin ni nanay ang swerte."
"Talaga. E di parang guardian angel niyo na pala ako." ang may biro nitong sagot.

Natawa si Andrew sa narinig na sagot. "Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis ang pagtataka na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, ilang buwan pa lang tayo nagkakakilala pero tinatrato mo na ako ng tulad sa isang matagal mo nang kaibigan."
"Hmmm... nagkakamali ka diyan."
"Bakit?"
Alam mo naman ang dahilan di ba?" ang tanong nito sa kanya.
"Na interesado ka sa akin ganun ba? Kay Troy ko kasi unang nalaman iyon."
"Oo pero noon iyon. Ngayon gusto na kita." ang deretsahang at seryosong sagot nito.

Napatingin si Andrew sa paligid dahil sa malakas ang boses ni Bryan nang sabihin iyon.
"Nakakahiya naman Bryan."
"Bakit naman? Sinasabi ko lang ang totoong nararamdaman ko." mas lalong lumakas ang boses nito. Napapansin na ni Andrew na pinagtitinginan sila ng mga taong kumakain din sa lugar na iyon.

"Hindi naman sa ganoon, siyempre ang weird naman na isang tulad mo ang nagsasabi niyan sa isang tulad ko na kaparehas mo ng kasarian."
"I dont care kung anuman ang sabihin ng iba sa akin."

Nabigla si Andrew sa sumunod na ginawa ni Bryan na nakaagaw-pansin sa mga taong naroroon.
"Sa mga naririto ngayon gusto ko pong sabihin sa inyo na ang taong kasama ko ngayon ay mahal ko." ang kanyang pagsigaw sabay tingin kay Andrew.

"Bryan naman tumigil ka na para kang tanga." ang nahihiyang reaksyon ni Andrew.
"Gusto mong tumigil ako, pero sa isang kondisyon." ang malakas pa ring boses ni Bryan.
"Sige na kahit ano pa yan gagawin ko."
"Sabihin mo na mahal mo rin ako."
"Bryan naman, ano kuwan..." Nalilito na si Andrew sa kaba at hiya. 
Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagsigaw ko dito ng nararamdaman ko sa iyo para aminin mo na rin ang totoong feelings mo sa akin?"

Hindi inaasahan ni Andrew na magiging ganun kadesperado si Bryan sa kanya. Habang nag-iisip ng kanyang gagawin ay naririnig niya ang mga sinasabi ng ibang tao na naroroon.
"Ang swerte mo boy, ang gwapo ng jowa mo!"
"Kung ako sa iyo di ko na siya papakawalan pa."
"Wag ka nang mag-isip, sagutin mo na siya!"
"Kakainggit naman kayo!"

Tumingin siya kay Bryan na naghihintay sa kanyang isasagot. Lumingon din siya sa paligid at nakita niya na sa kanila nakapokus ang mga tao na naroroon na naghihintay rin sa mangyayari sa kanilang dalawa. Mistulang isang shooting ng pelikula ang eksena nilang dalawa.
"Sige sasabihin ko na." Bununtong-hininga si Andrew bago magpatuloy. "Gu... gusto rin kita."
"Hindi yan ang gusto kong marinig!"
"A...ano ba gusto mong sabihin ko?
Nilapit naman ng kaunti ni Bryan ang mukha niya kay Andrew."
"Na mahal mo rin ako."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa pinapagawa sa kanya ni Bryan. Ipit na siya sa sitwasyon sa mga oras na iyon kaya wala na siyang ibang choice kundi sabihin ang totoo niyang nararamdaman.

"Sige na, mahal din kita Bryan"
"Lakasan mo naman Andrew" si Bryan na nakangiti. Gusto kong marinig ng lahat ang sagot mo."
"Kailangan pa ba nun?"
"Oo."

Sa pagkakataong iyon ay tumayo na rin si Andrew. "I love you Bryan!" ang kanyang pagsigaw.

"Yahooo!!!!!"ang naging reaksyon ni Bryan.
Natawa naman si Andrew sa ginawang pagtatalon ni Bryan sa tuwa. Para siyang nanalo sa lotto sa kanyang ginawa.
"Yes!!! Narinig niyo iyon, sinagot na niya ako." ang sabi niya sa mga tao sa paligid.

At nabigla siya sa sumunod na ginawa nito sa kanya. Niyakap siya nito at binigyan ng isang mabilisang halik sa labi.

Nagpalakpakan ang mga taong naroroon. Kita ni Andrew sa kanila ang kilig at saya para sa kanila. At mayrooon ding napapataas ang kilay. Pero hindi na niya pinansin pa ang mga iyon. Dahil ang nasa isip niya ay ang ginawang paghalik sa kanya ni Bryan. Iyon ang kanyang first kiss. Masaya siya dahil nanggaling pa iyon sa taong gusto niya. Hindi lang niya inaasahan na gagawin nito ang paghalik sa harap ng maraming tao.

"Ang saya ko ngayon Andrew. Sa wakas! Ang tagal kong hinintay ang oras na ito." ang masaya pa ring pahayag ni Bryan.
"Oo na, teka hindi na ako makahinga." ang sabi ni Andrew sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Bryan.

Sa nangyaring iyon ay mas lalong napabilib si Andrew. Dito niya napatunayan na seryoso talaga si Bryan sa kanya. Hindi siya nahiya bagkus ay pinagmalaki pa nito ang kanyang nararamdaman at walang pakialam sa magiging reaksyon ng ibang tao.
______
"Nandito na po kami nay." ang bati ni Andrew pagkarating nila ng bahay.
"Aba ang dami naman ng mga binili niyo." ang namamanghang tugon ng kanyang ina. "Naku nakakahiya naman sayo Bryan."
"Ok lang po sa akin nay. Sa susunod po kayo naman ang bibilhan ko ng mga bagong damit." ang sagot ni Bryan.
"Ganoon ba e ngayon pa lang magpapasalamat na ako sa iyo."
"Opo. Siyanga po pala nay may maganda kaming balita sa inyo ni Andrew."
"Sige, ano ba iyon anak?" ang tanong nito kay Andrew.
"Ano po nay, ahm.... kami na po...." ang pagsagot sana ni Andrew na agad dinugtungan ni Bryan.
"Napaamin ko na po ang anak niyo nay. At sinagot na niya ako."ang masayang-masaya sambit nito sabay akbay kay Andrew.
"Talaga paano iho?"

Agad namang sumagot si Andrew. "Napilitan lang akong gawin iyon dahil nahihiya ako eh nagmumukha na kaya siyang tanga sa mall kanina."
"Wala naman akong pagsisisi sa ginawa ko. Masaya pa nga ako dahil effective di ba?"
"Kasalanan mo naman yan eh.  Matagal na akong nagpapahiwatig, nagpapakabait at nang-aakit pero nagdedeny ka pa rin. Kung noon mo pa sinabing love mo ko eh hindi na hahantong sa ganoon."
"Aba at ako pa ang sinisi mo. Ngayon ko lang kaya nalaman ang feelings mo sa akin."
"Pero matagal nang sinabi ni Troy sa iyo na interesado ako sa iyo. Commonsense naman Andrew."
"Ikaw kaya ang lumagay sa katayuan ko. Siyempre mahihiya ka ring umamin ng nararamdaman mo sa taong lalaking-lalaki kumilos at pantasya ng buong campus lalo na kung hindi pa kayo matagal na magkakilala."

"O siya tama na yan mga iho." ang pagputol ng nanay sa sagutan nila ni Bryan.
"Ito lang ang masasabi ko. Bryan, yung usapan natin kanina huwag mong kalilimutan lalo na yung mga pinangako mo. Sa iyo naman Andrew anak, hindi ako tutol sa relasyon ninyong dalawa dahil ang importante sa akin ay ang maging masaya ka."

Tumango ang dalawa sa mensahe ng ina.
______
Sa araw na iyon ay hindi na muna nagtutor si Andrew. Gusto ni Bryan na masulit nila ang unang araw nilang dalawa bilang magkarelasyon. Nagpalipas na lang sila maghapon sa kwarto.

"Andrew pikit ka." ang utos ni Bryan kay Andrew. Kasalukuyan silang nakahiga magkatabi sa matigas na kama kinagabihan.
"Bakit?"
"May surprise ako sa iyo."
"Ano naman iyon?"
"Kapag sinabi ko hindi na surprise. Bilis pikit na."
"Sige na nga." Pinikit na ni Andrew ang kanyang mga mata.
"Upo ka." ang dagdag pang utos ni Bryan. Sumunod ulit si Andrew sa kanya.

Maya-maya lang ay naramdaman ni Andrew na may sinusuot si Bryan sa kanyang leeg.
"Pwede ka nang dumilat."
At nang tignan ni Andrew ang bagay na iyon ay lubos ang kanyang pagkamangha.

"Sinadya ko talaga yang bilhin para sa iyo. Ang "A" sa pendant ay ang unang letra ng iyong pangalan."ang pahayag ni Bryan. Maya-maya lang ay may dinukot pa siya sa kanyang bulsa na isa pang kwintas.
"Ito naman ang para sa akin." ang dagdag nito habang sinusuot ang kaparehong kwintas na letrang B naman ang pendant.

Naalala ni Andrew na ito yung mga  kwintas na binili ni Bryan nung araw na nagpunta sila ng Baguio. Hindi niya akalain na para sa kanya pala ang isa nito.
"Hindi ka ba masaya?" ang tanong nito sa sinabi ni Andrew.
"Masaya pero hindi naman kailangan na ng mga ganitong bagay e."
"Sabi ko sa aking sarili na kapag naging tayo na saka ko ibibigay ang kwintas na ito. Para sa akin kailangan yan dahil ang mga ito ang sumisimbolo ng pagmamahalan nating dalawa kaya palagi mo dapat isuot yan ha. Lagot ka sa akin kapag hindi ko nakita sa iyo o mawala mo yan."
"Oo na iingatan ko ito." ang masaya pa ring sambit ni Andrew. "Salamat..."
"Good!"

"Maiba naman ako Bryan. Ano pala yung pinag-usapan niyo ni nanay kanina?"ang sunod na tanong ni Andrew nang maalala ang usapan nilang dalawa ng kanyang ina.
"Yun ba, maaga kasi akong nagising kanina kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni nanay na makapagkwentuhan. Nagpasalamat siya ulit sa akin sa mga naitulong ko sa iyo, nagtataka nga siya kung bakit ganoon ako kabait. Kaya pinagtapat ko na ang totoo kong feelings sa iyo. Nangako ako sa kanya na aalagaan kita. Kinuwento niya sa akin ang tungkol sa pagkamatay ng iyong tatay. At  nalaman ko na may lahi pala kayong Amerikano."

"Ah yung tatay ko. Half-American lang naman siya eh."
"Kaya pala medyo maputi ka, tapos may dimples ka pa at kulay blue ang mata. In short, ang cute mo. Kaya nga gustong-gusto kita makita palagi. Kulang na lang gawin kitang baby ko." si Bryan sabay kurot sa pisngi ni Andrew.
"Aray! Bolero ka talaga."
"Sensya na nanggigigil lang kasi ako sa iyo." si Bryan sabay pisil ulit sa magkabilang pisngi ni Andrew. "Kung hindi nga lang kita gaano kilala iisipin kong foreigner ka. Tapos nangangalakal ka pa. Hindi yun bagay sa itsura mo kaya gumawa ako ng paraan para tumigil ka na sa ganoong trabaho.
"Aray naman!" ang sambit niya dahil sa sobrang pagpisil ni Bryan.
"Sensya na ulit di ko kasi mapigilan, sobrang gigil ko lang sa iyo. Pero may tanong ako sa iyo. Nagtataka lang ako kung bakit kayo mahirap samantalang may ibang lahi ang iyong tatay."
"Ano yung itatanong mo?"
"Kung paano naging ganito ang buhay niyo. Hindi ko na kasi pinatuloy si nanay na magkwento dahil nakikita kong maiiyak na siya.  Naiintindihan ko naman siya sa kanyang nararamdaman."
"Kahit ako rin Bryan. Namimiss ko na rin si tatay. Sobrang bait niya at mapagmahal. Pinaglaban niya kami sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga magulang. Siyempre mahirap lang si nanay. Pitong taong gulang ako nang ipakilala kami ni nanay sa kanyang pamilya ngunit hindi nila kami tinanggap. At nang papiliin siya kung ang mana o kami ni nanay, mas pinili niya kami.  Dahil doon ay naghirap siya at tinaggalan ng mana. Kaya nagpursige siya sa pagtatrabaho para buhayin kami. Hanggang sa namatay siya dahil sa stroke." ang mahabang salaysay ni Andrew.

"So may mga kamag-anak pa pala kayo na mayaman."
"Oo pero hindi na namin alam kung nasaan sila.  At wala kaming balak na hanapin sila."
"Ah ok. Hayaan mo Andrew, isipin mo na lang na ako ang pumalit sa tatay mo. Handa ko kayong suportahan at tulungan ni nanay sa abot ng aking makakaya."
"Salamat Bryan." ang sambit ni Andrew. Nag-uumpisa na siyang maiyak dahil sa magkahalong kalungkutan sa kanyang ama at kasiyahan sa pinapakita ni Bryan sa kanya.
______
Kinagabihan, nagpasya si Bryan na doon ulit siya matutulog sa silid ni Andrew.

Habang nakahiga si Andrew ay napansin niya ang paghuhubad ni Bryan ng suot nitong shorts at underwear na lang ang tinira.

"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.

Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.

"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.

"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.

Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
  
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.

Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto. 

 Itutuloy...

The Yuppie Is My Papi 1


Yuppies or Young Urban Professionals ang kinaasaran talaga ng 32 yrs Old na SM Saleslady na si Charito. Hindi malaman ng mga kasambahay ni Charito kung anong dahilan kung bakit biglang na lamang napagTripan nitong magalit at maBadtrip sa lahat ng mga Yuppies sa buong Metro Manila.

"Ang yayabang talaga ng mga pagmumukha!" Ang sambit ni Charito para sa mga Yuppies na nasa picture habang halos punitin na niyang binubuklat ang Inquirer Broadsheet na ipinabili niya sa kaniyang bunsong kapatid na si Jun-jun.

"Hoy Chai! Gusto mo talagang sinisira ang araw mo! Ang mahal ng diaryong yaan ah! Pwede ka namang magbasa ng Bulgar, Tempo, Pilipino Star Ngayon, yung mga mura!" Ang sambit naman ng nanay ni Charito sa anak ng hindi nito mapigilan ang sarili dahil sa pagNgakngak ng kaniyang anak.

"Ano naman ang makikita ko doon Mommy?! Walang sense ang mga news doon!" Ang mabilis na sagot naman ni Charito sa Ina.

Kaya naman palaging nagpapabili itong si Charito ng Broadsheet ay para lamang matignan niya ang mga latest na Fashion Style in the Metro. Mas nakakamura kasi itong si Charito kung BroadSheet ang bibilhin instead of Fashion Magazine.

Monday, April 29, 2013

CAMPUS TRIO 16

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Sa mga nabitin sa last post ko, narito na po ang karugtong. Baka sa mga susunod na araw ay bumalik na ako sa double posting gaya po ng request ng iba.

Happy Reading!



[16]
Kinaumagahan, naramdaman na lang ni Andrew ang pagkawala ng katabi sa kama kaya agad siyang bumangon.

Pupungas-punas at naghihikab siyang naglakad palabas ng kanyang silid. At sa pagbukas niya ng pinto ay napahinto siya nang marinig ang boses ng kanyang ina at si Bryan. Nagtago muna siya sa gilid para alamin kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ako tututol kung anuman ang gusto mong gawin. Alam ko naman na mabait kang tao."
"Salamat po nay, hayaan niyo po na hindi ko kayo bibiguin." si Bryan.
"O sige iho, maiwan ko na muna kayo ni Andrew at pupunta lang ako ng Quiapo."
"Magsisimba po ba kayo?"
"Oo iho, isasama ko sana si Andrew, pero hindi na muna ngayon kasi nandito ka."
"Ganoon po ba? Sasama na rin po kami sa inyo ni Andrew."
"Aba e mas maganda kung ganoon. Sige iho gisingin mo na si Andrew."

Nacurious naman si Andrew kung ano yung pinagsasabi ni Bryan na agarang sinang-ayunan ng kanyang ina. Minabuti niyang tanungin na lang ito mamaya.

Agad siyang nagpakita sa kanilang dalawa. "Gising na ako. Tama ba yung narinig kong sasama ka sa amin ni nanay na magsimba?" ang tanong ni Andrew. 
"Oo naman."
"Talaga lang, baka masunog ka pagpasok mo ng simbahan."
"Grabe ka naman Andrew, parang sinasabi mong masama akong tao."
"Ikaw ang nagsabi niyan ha."
"Itigil niyo na yan, mabuti pa at bilisan niyo na para hindi tayo tanghaliin." ang pagputol ng nanay ni Andrew sa usapan ng dalawa.
______
"Doon ka na sa likod bahay maligo, ako sa banyo para mabilis." ang sabi ni Andrew matapos ibigay ang twalyang gagamitin ni Bryan.
"Ako pa talaga ang maliligo sa labas?" si Bryan.
"Oo. Punta-punta dito tapos aangal ka jan."
"Hindi naman. Nag-aalala lang kasi ako."
"Ano yung inaalala mo?"
"Na may ibang taong manilip sa akin.Mabuti sana kung ikaw boboso ok lang, hihilain pa kita papasok sa loob." ang sagot nito sabay hagikgik.
"Siraulo ka talaga Bryan. Hindi naman ako bastos tulad mo."
"E di sabay na lang tayo maligo."

Sa sinabing iyon ni Bryan ay may naramdaman bigla si Andrew na kakaibang init. Aminado naman siyang pabor sa kanya iyon dahil makikita na rin niya ang kabuuan ng katawan nito na nagpapatuliro ng kanyang isipan.Ngunit pinili pa rin niyang magpigil.
"Ayoko. Hindi ako sanay maligo nang may kasama." ang pagtanggi niya para hindi mahalata na naapektuhan siya sa sinabi nito.
"Sayang naman. Sige na doon na lang ako sa likod-bahay."

Matapos maligo ay nagbihis na si Andrew.
"Iyan lang ang suot mo?" ang tanong ni Bryan nang mapansin nito ang bihis ni Andrew na medyo nangingitim nang puting t-shirt, maong na short at tsinelas.
"Ito talaga ang ginagamit ko pag nagsisimba."
"Ganoon ba e sobrang luma na niyan. Tapos hindi ka pa nakasapatos."
"Wala akong sapatos pang-alis. Sige lalabas na ako para makapagbihis ka na doon muna ako sa sala."
"Hintayin mo na ako dito." ang pagpigil ni Bryan sa kanya habang kinukuha ang kanyang damit na susuotin sa dala niyang bag kagabi. Nang makuha ay lumingon siya kay Andrew. Napansin naman niya ang pag-iwas ng tingin nito sa kanya. Tumalikod kasi ito at tumayo na tinungo ang bintana ng silid.
"Ikaw naman Andrew, ano pa bang ikinahihiya mo, pareho naman tayong lalaki."

Bumalik na si Andrew sa kama at umupo. Nang makita niyang nagtatanggal ng tapis si Bryan para suotin ang brief ay napatakip siya ng kanyang mukha. Pagkakataon na niya ito para makatsansing ngunit pinilit niyang pigilan ang sarili. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sabihin ni Bryan na tapos na siyang isuot ang damit. Hindi na naiwasan pang pagmasdan ni Andrew ang bihis nito na nag-aayos ng kanyang buhok. Naka puting polo shirt ito na hapit sa kanyang katawan at maong na pantalon.
"Kahit ano yatang ipasuot sa taong ito bagay sa kanya." sa isip ni Andrew.

At mas lalo siyang namangha sa nakita nang matapos ito sa pagbibihis. Mistulang isang modelo ang nasa harapan niya dahil sa tindig at porma nito. Mula sa out of bed style ng buhok hanggang sa suot na sapatos. Nakadagdag as kanyang kagwapuhan ang suot nitong shades. Amoy din niya ang mamahalin nitong pabango.

"Uy gising ka pa ba?" ang tanong ni Bryan na nagpabalik sa kanyang ulirat. Nasiyahan naman siya, dahil nakadagdag na naman siya ng pogi points kay Andrew.
"Obvious ba tignan mo dilat ang mata ko."
"Oo nga naman dilat na nakatitig sa akin.  Ayaw mo pa kasing umamin na pinagpapantasyahan mo ako eh."
"Kapal mo talaga." ang nasabi na lang ni Andrew. Pilit pa rin ang pagtanggi niya kahit huli na sa akto.
Natawa na lang si Bryan sa kanya.
______
Matapos ang misa ay naunang umuwi ang ina ni Andrew. Si Bryan naman ay niyaya si Andrew na mamasyal sa mall.  Pagkakataon na iyon para sa kanya na makapag "date" silang dalawa.
"Saang mall mo gusto pumunta?" ang tanong ni Bryan sa kanya habang naglalakad papunta sa sakayan.
"Hindi ko alam. Bahala ka na" ang sagot ni Andrew.
"Bakit hindi ka pa ba nakakapunta ng mall?"
"Sa tingin mo ba may oras pa akong gawin ang mamasyal sa ganoong lugar, sa estado ng buhay namin? Para sa aming mahihirap mas priority namin kung paano mapupunan ang kumakalam naming sikmura."
"Wow ang lalim yata nun ah. But I agree with you." Ang may pagkabilib na tugon ni Bryan sa pahayag ng kausap.
."At ngayon maswerte ka dahil mararanasan mo na ulit ang maglibang lalo na at kasama mo ako."
"Oo na. Salamat sayo ha." ang may ngiting sagot ni Andrew. 

"Buti naman at ngumiti ka na ulit sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na nginingitian ka rin ng taong gusto mo."
"Ganoon sige sisimangot na lang ako ulit." ang pagbibiro naman ni Andrew.
"Wag naman. Ang sakit sa damdamin nun."
"Biro lang." ang natatawa nang tugon ni Andrew. 

Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad.
"Maiba ako, matao pala ang lugar na ito ano."
"Oo naman, dahil maraming mga tindahan at bangketa dito at siyempre malapit sa simbahan. Gusto mo bago tayo pumunta ng mall, libutin muna natin ang buong lugar?"
"Mainit na Andrew oh, pero sige para sa iyo magpapaaraw ako."
"Tama yan para umitim ka naman."
"Ok lang sayo? Baka ma turn-off ka na sa akin niyan pag nangitim na ako."
"Ewan ko sayo Bryan."

Habang naglalakad ay panay ang tanong ni Bryan sa mga nakikita niya doon na sinasagot naman ni Andrew. Nagtagal sila ng halos kalahating oras.
"Nakakapagod pala. Gutom ka na ba Andrew." si Bryan.
"Medyo."
"Sige tara alis na tayo. Ay teka."ang sambit ni Bryan nang mapansin niya ang mga matatandang nakaupo sa gilid ng simbahan. Tinanong niya si Andrew kung ano ang ginagawa nila.
"Mga manghuhula ang mga yan. Sila ang mga taong nagsasabi ng kapalaran ng isang tao sa hinaharap."

Bigla namang ngumiti si Bryan na tila may pumasok na ideya sa kanyang utak. "May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyaya nito.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang kanyang pagtanggi. Hindi kasi siya naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala sa atin diba?  kaya tara na."

Hinatak siya ni Bryan patungo sa isang manghuhula na kasalukuyang nag-aayos ng mga baraha.
"Magandang tanghali po manang. Mag papahula lang po kami ng kasama ko." ang malugod na pagbati ni Bryansa matanda. 
"Sige maupo muna kayo diyan. Sino gusto mauna sa inyong dalawa?" ang tanong ng manghuhula.
Nagkatinginan silang dalawa. "Ako na lang po muna." ang tila excited na pahayag ni Bryan.
"Sige ikaw muna, iho tutal gwapo ka naman." ang nakangiting sagot ng matanda.
"Kita mo Andrew pati si Manang naguwapuhan sa akin haha." ang tila pagyayabang naman niya.
Nginitian lang siya ni Andrew.

At sinimulan na ang panghuhula. Isa-isang nilapag ng matanda ang kanyang mga baraha sa mesa. Maya-maya lang ay tinignan na nito ang kanyang hinuhulaan na si Bryan.

"May kasintahan ka na ba iho?" ang pambungad na tanong nito sa kanya.
Tinignan saglit ni Bryan ang katabi niyang si Andrew bago sumagot. "Sa ngayon po ay wala pa Manang."
"Ganoon ba iho. Ayon kasi sa aking baraha ay magkakaroon ka ng kakaibang pag-ibig."
"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Pwede po bang pakilinaw niyo manang?" ang pagsingit ni Andrew na curious na sa sinasabi ng manghuhula.
"Ang pag-ibig na ito ang siya pa ring mananaig sa huli. Iyan lang ang masasabi ko."

Nabitin naman si Bryan sa sinabing hula sa kanya.
"Mayroon lang ako kaunting paalala sayo iho." ang pagpapatuloy ng matanda.
Ano naman po yun?" si Bryan ulit.
"May matitinding pagsubok ang darating sa buhay mo pati ng mahal mo."

Naging seryoso ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Ngunit nakikita kong malalampasan mo iyon iho, at magiging maligaya pa rin kayo sa huli."
"Wow, buti naman kung ganoon." si Bryan na nakangiti nang muli. "Yung kasama ko naman po manang."

Muli ay isa-isang nipalag ng matanda ang baraha sa mesa.
"May minamahal ka na ba ngayon iho?" ang paunang tanong naman nito kay Andrew na sa mga oras na iyon ay hindi agad nakasagot.

Samantalang si Bryan naman ay naghihintay lang sa sasabihin ni Andrew. Sa totoo lang ay umaasa siya na sana umamin si Andrew ng nararamdaman nito para sa kanya. 

"Wa...wala pa po Manang." ang simpleng sagot ni Andrew.

Nadismaya naman si Bryan sa kanyang narinig dito.

"Pero may nagugustuhan ka na ngayon di ba?" ang sunod na tanong ng manghuhula. "At hindi mo lang masabi sa kanya na mahal mo siya dahil may bumabagabag sayo."

Sapul kay Andrew ang sunod na sinabi sa kanya ng manghuhula.

"Ayon sa aking baraha ang pag-ibig mo sa kanya ang  makapagbabago ng buhay mo iho."
"Ganoon po ba?  ang tanong ulit ni Andrew. Ngunit sa isip niya ay marami siyang katanungan sa hula.
"Meron pa. Darating ang matinding kalungkutan sa buhay mo."

Hindi nagustuhan ni Andrew ang sumunod na sinabi ng manghuhula.
"Pero huwag kang mag-alala iho, pag-ibig lang ang susi upang makamit ang kaligayahan."ang makahulugang pahayag pa nito.
"Pwede po bang ipaliwanag niyo?" ang tanong ni Andrew.
"Iyon lang ang masasabi ko iho."
______
"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng manghuhula?" ang tanong ni Andrew kay Bryan habang nag-aabang sila ng masasakyan.
"Wala namang mawawala kung papaniwalaan natin di ba. At least magiging guide natin iyon."
"Sa bagay tama ka. Pero nacurious ako sa hula sa iyo ha. Magiging kakaiba daw ang pag-ibig mo. Siguro iibig ka sa babaeng ubod ng pangit."
"Hindi yun ang nasa isip ko Andrew." ang sagot ni Bryan.

Napansin na lang ni Andrew na nakatingin sa kanya si Bryan sa mata. Lingid sa kaalaman ni Andrew na iniisip na ni Bryan na siya ang kakaiba niyang pag-ibig na di pangkaraniwan sa lipunan.
"Bakit ka nakatingin diyan?" ang tanong ni Andrew sa kanya.
"Wala. Yung hula naman sa iyo. May gusto ka na palang tao eh. Nililihim mo pa sa akin."
"Hula lang iyon Bryan."
"Alam kong totoo iyon. Bakit hindi mo na kasi sabihin sa kanya ang nararamdaman mo kung nakikita mo naman na gusto ka rin niya?" ang tanong ni Bryan. Nagpapahiwatig na siya sa mga oras na iyon.

"Sineryoso mo naman yung hula. Huwag na nating bigyan pa ng pansin yun." ang pag-aalibi na sagot ni Andrew.
"Pero yun daw ang makapagbabago ng buhay mo."
"Hindi naman ako naniniwala doon. Kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon. Pero sa totoo lang naisip ko yung isa pa niyang sinabi, na dadanas ako ng matinding kalungkutan. Sana hindi naman mangyari iyon ano."
"Kita mo e di naniwala ka rin." ang paghuli sa kanya ni Bryan.  "Para sa akin lang ha, lahat naman ng tao ay darating sa punto na magiging malungkot sila. Siguro mga challenges iyon tungkol sa buhay pag-ibig mo"
"hmmm... Ewan ko ba."
"Pero bumawi naman ang manghuhula sa huli, magiging masaya ka ulit, siguro pag na overcome nyio ng mahal mo ang lahat ng challenges na iyon."

Nilapit naman ni Bryan ang kanyang bibig sa tenga ni Andrew.  "Isipin mo na lang na ang pagmamahal mo sa akin ang magiging susi sa tunay na kaligayahan mo."

Natawa si Andrew sa narinig. "Assuming ka na naman diyan. Ikaw talaga."
"Pero hindi mo ba naisip na ako iyon? Eksaktong-eksakto kasi haha."
"Hay ewan ko sa iyo, tara na nga, oh ito na jeep."
"Taxi tayo ano?"
"Jeep na lang, mahihiluhin ako sa taxi eh."
"Bili muna tayo ng candy bago sumakay."
______
Nagdesisyon si Bryan na sa isang mall sa San Lazaro sila magpunta. Habang naglilibot sila ay napapansin ni Andrew ang mga taong nakatingin kay Bryan na ang karamihan ay mga estudyante na nakauniporme din marahil ay nag-aaral sa isang unibersidad din na malapit doon. Hindi na siya nagtaka pa, talaga namang agaw atensyon ito dahil sa itsura nitong artistahin.

Pumasok sila sa isang department store.
"Mamili ka na nang mga damit at pantalon na gusto mo." ang sabi ni Bryan sa kanila.
"Bibilihan mo ba ako, nakakahiya naman sa iyo."
"Oo naman, gusto ko kasing maging kaaya-aya ang itsura mo lalo na kapag kasama mo ako. At saka tigilan mo na nga yang hiya-hiya hindi bagay sa iyo."
"Hindi na kailangan Bryan." ang pagtanggi pa rin niya. Ayaw kasi niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabaitan na pinbapakita nito sa kanya.
"Kusang loob kong gagawin ito sa iyo. Please lang malulungkot ako kapag tumanggi ka pa. Sasakit na naman ang damdamin ko niyan." si Bryan sabay hawak sa dibdib na animoy nasaktan.

Napangiti naman si Andrew sa pag-arte nito. Ang cute kasi nitong tignan para sa kanya.

"Sige na nga. Salamat Bryan."

Si Bryan na pumili ng mga damit ni Andrew. Isa-isa niyang pinasukat sa kanya ang mga ito para alimin kung ano ang nababagay dito.
"Hindi ka naman mahirap pilian ng damit Andrew. May itsura ka rin naman kasi. Kung mag-aayos ka lang at magdagdag ng laman sa katawan mo tiyak magiging gwapo ka rin."

Lubos naman ikinatuwa ni Andrew ang pagpuri na ito ni Bryan sa kanya. Bukod kay Dina may ibang tao pa pala ang magsasabi sa kanya ng ganoon.

"At kapag nangyari iyon, tiyak mas magiging bagay tayong dalawa." ang paghirit pa ni Bryan.

Natawa si Andrew sa huli nitong sinabi. "Ikaw talaga Bryan."

Makalipas ang halos isang oras ay natapos na sila sa pamimili ng mga damit. 
"Malaki na yata babayan mo niyan, pwede namang bawasan natin ito."si Andrew habang nakapila sila sa counter para magbayad.
"No, parang hindi mo naman ako kilala." ang pagtanggi ni Bryan. "Hindi naman mauubos pera ko nito dahil lang dito."
"Ay oo nga pala mayaman ka kasi."
"Kaya nga dapat umamin ka na gusto mo ako. Ano pa ba ang hahanapin mo, na sa akin na ang lahat. Gwapo, Macho, Mabait, Sweet at Mayaman."

"Aba lumakas yata ang aircon dito. Lumamig bigla. Tara bilisan na nga natin" ang pagbibiro naman ni Andrew sa kanya. Sa isip niya kasi ay may katotohanan naman talaga ang mga sinabi niya. Kumbaga may karapatan naman talaga siyang ipagyabang ang sarili nito.
"Andrew naman..." ang nasabi na lang ni Bryan na medyo natatawa. 

Matapos bayaran ang lahat ay dumeretso ang dalawa sa foodcourt sa ibaba para kumain.

Itutuloy...

Sunday, April 28, 2013

Ang RnB 6



CAMPUS TRIO 15

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Muli po akong nagpapasalamat sa mga walang sawang nagbabasa lalo na sa mga nagbibigay ng comment sa story.

Alam ko pong excited na kayo sa continuation ng kwentong ito. Kaya kaunting tiis na lang haha...

Simula po pala ngayon ay one by one na ang pagpost ko dahil sa mga ilang pagbabago sa takbo ng story like additional scenes.  Dont worry dahil mabilis lang naman ang interval ng reposting.

Happy Reading!


 [15]
"Hindi ah!" ang nasambit ni Andrew sa kabila ng nararamdaman niyang kaba base sa nakita niyang seryoso ni Bryan.
"Umamin ka na. Tayo lang naman dalawa ang makakaalam."
"Sabi nang hindi..." ang pagtanggi pa rin ni Andrew. Iniwas na niya ang kanyang tingin sa kausap.
 
 Ilang minutong niyang hindi narinig na nagsalita si Bryan. Dahil sa iniiwas niya ang tingin dito ay wala siyang ideya kung ano na itsura ng mukha nito. Medyo pinagpapawisan na siya sa mga oras na iyon dahil sa kaba.

At nabigla siya sa sumunod na ginawa nito.
"Relax lang nagagalit ka kaagad nagtatanong lang naman ako." ang pahayag nito sabay tawa ng malakas.
"Tignan mo sarili mo Andrew, para kang basang sisiw diyan. Ganyan ka pala kapag kinakabahan ka."ang pagpapatuloy nito.

Wala pa ring tugon si Andrew dahil sa pagtataka.
"Effective! ang natatawa pa rin nitong sambit. "Sorry Andrew kung natakot ka. Pero sa totoo lang wala namang problema sa akin kung sino ka pa o anuman ang sexual preference mo."

Tila naman nabunutan ng tinik si Andrew sa kanyang narinig. At sa mga oras din iyon ay mas lalo pa siyang humanga ka Bryan dahil sa pagiging maunawain nito sa mga tulad niya.

"Oh magsalita ka naman diyan." si Bryan nang mapansin ang pananahimik pa rin ni Andrew.

"Eh.... pano yan nalaman mo na, kaya  maiilang at maasiwa ka na talaga niyan sa akin. Maiintindihan naman kita kung ganoon ang mararamdaman mo."

"Noon pa lang nung nasa Baguio tayo nahalata na agad kita dahil sa paraan ng pagtitig mo sa akin.At ngayong confirmed na, sobrang tuwa ko dahil may chance na talaga ako sayo."
Napaisip naman si Andrew sa huling sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin? Anong chance ang pinagsasabi mo?" ang sunud-sunod nitong tanong.
"Na maging tayo. I know naman na attracted ka sa akin di ba. At gusto mo rin ako."

Hindi makapaniwala si Andrew sa naging pahayag nito. Wala kasi sa personalidad ng isang tulad ni Bryan ang magsabi ng mga ganoong bagay.
"Naglolokohan lang yata tayo dito." ang nasabi na lang ni Andrew.  "Umayos ka nga sa daan ang tingin baka madisgrasya tayo."

Agad namang binalik ni Bryan ang atensyon niya sa pagmamaneho. Pero nakuha pa rin nitong humirit.
"Lahat ng sinabi ko sayo ay totoo Andrew. Kaya ngayon umamin ka na rin kung may feelings ka sa akin."
"Wala akong gusto sayo." ang agarang sagot ni Andrew.
"Puro ka na lang deny." si Bryan sabay buntung hininga. "Kailan mo pa kaya aaminin sa akin na gusto mo rin ako?"

Napansin naman niya ang mukha ni Andrew nang sulyapan niya ito. "Oh namumula ka na."

Agad namang inayos ni Andrew ang sarili. Nagpahalatang hindi naapektuhan sa mga tanong ni Bryan sa kanya.
"Oh sagot na. May gusto ka sa akin di ba?" ang tanong ulit ni Bryan sa kanya.
"Wala ano. Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo."
"Talaga lang ah. Kaya pala hindi agad nakasagot sa tanong ko."
"Hindi ko lang inaasahan na magtatanong ka ng ganyan."
"Ganoon ba, pasensiya na kung nabigla ka. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong magtanong."

"Ano daw, napigilan?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. "Ibig bang sabihin nito na naghihinala na siya sa akin. Naku dapat siguro na mag-ingat na ako."

"Oh anong iniisip mo diyan?" si Bryan nang mapansin ang pananahimik ni Andrew.
"Wala."
Napapailing na ngumiti si Bryan sa kanya.
______
"Ilang buwan na kayong magkasama, hindi mo pa rin siya napaamin?" ang tanong ni Michael matapos ikwento ni Bryan ang naging usapan nila ni Andrew kagabi.
"Mga tol, Kahit hindi niya sabihin ang totoo, alam ko naman na may gusto siya sa akin. But I cant understand kung bakit hindi niya iyon masabi-sabi sa akin eh." ang medyo naiinis na tugon ni Bryan. "Lahat na ginawa ko para sa kanya. Sinabi ko na rin na wala akong problema sa kanyang sexuality."

"Sa tingin ko tol, kailangan mo pang dagdagan ang efforts mo." si Troy.
"Ewan ko ba pero tama ka tol. Sa tingin niyo, ano pa ba ang mga dapat kong gawin?"
"Tol ikaw ba yan? Unbelievable, isang Bryan Luis Sebastian ang nagtatanong ng ganyan." ang natatawang kantyaw ni Michael sa kanya."
"Upakan kaya kita diyan. Seryoso na kaya ako." ang nakasimangot na tugon ni Bryan.
"Tol naman kasi, hindi bagay sa grupo natin ang magtanong ng ganun. Di ba nga expert tayo pagdating sa mga ganyang bagay." si Michael.
"Alam ko iyon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakasalalay na dito ang future ko."
"Oh Sige na nga. Troy ano kaya ang pwede nating itulong sa kaibigan natin?" 
"Iyan ang dapat nating pag-isipan." ang tugon naman ni Troy.
______
"Perfect!" si Andrew matapos icheck ang pinagawa niyang exercises kay Billy. Magkatabi silang nakadapa sa kama nito. "Ang galing mo na talaga Billy." ang pagpuri naman niya dito.

"Siyempre po magaling ang tutor ko." ang tugon ng bata.
Napangiti naman si Andrew. "Ikaw ha binobola mo ako."

"Totoo kayang magaling ka at matalino pa." si Bryan na pumasok sa kwarto. "Meryenda muna kayo."
"Wow, hamburger weeee!" ang masayang sambit ng bata matapos makita ang dala nitong pagkain. Napapangiti na lang si Andrew sa kainosentehan ng bata.
"Nakakatuwa talaga yang kapatid mo Bryan. Ni isang beses hindi ako binigyan ng kunsumisyon. At ang daling matuto." si Andrew habang pinapanood niyang kumain si Billy.
"Siyempre naman kanino pa ba magmamana yan. Alam mo na." ang sagot ni Bryan sabay turo sa kanyang sarili.
"Oo na lang. Sige ikaw na." ang nasabi na lang ni Andrew na medyo natatawa.
"Siya nga pala Andrew, sa inyo ulit ako matutulog ngayong gabi ah." ang pagpapaalam ni Bryan sa na ikinataka ni Andrew.
"Ha bakit na naman?"
"Basta."
"Hindi pwede kung wala kang sasabihing dahilan." ang pagtanggi niya.
"Andrew naman." ang tila pagmamaktol nito. "Sige na nga aaminin ko na. Gusto ko lang kasi na makasama ka."
"Aba di ka pa nakuntento? Halos araw-araw na nga tayo nagkikita."
"Hindi iyon. Gusto ko kasi na makatabi ka ulit." 

Natigilan naman si Andrew sa kanyang narinig.
"Bahala ka." ang nasabi na lang niya. Sa loob niya ay may kilig siyang nararamdaman.
_______
Gaya nang napag-usapan ay sinabayan ni Bryan si Andrew pauwi. Nagdala naman siya ng isang bag na naglalaman ng ilang damit na kanyang gagamitin. Nagcommute na lang silang dalawa.
"Nandito na po ako nay, kasama ko po si Bryan." si Andrew pagkapasok ng bahay.
"Oh halina kayo at sumabay nang kumain." ang alok ng kanyang ina sa kanila.

"Good evening po nanay." ang magalang na bati ni Bryan sabay mano. "Tamang-tama po gutom na ako."
"Gutom ka na naman, kakakain lang natin kanina sa inyo ah."
"Eh, kumalam ulit ang tiyan ko eh, kainan na." si Bryan na umupo agad sa mesa at nagsandok ng kanin at ulam.

Napapangiti si Andrew sa mga pinapakitang asal ni Bryan.
"Ang sarap po ng sinigang niyo ah, the best to!" ang sambit nito na may kanin pa sa loob ng bibig. "Mas masarap pa sa luto ng mga maids namin sa bahay. Parang gusto ko nang dito tumira."
"Mabuti naman iho at nagustuhan mo sige, kain ka pa."
"Waaahhh.... ang takaw mo talaga Bryan." ang sambit ni Andrew. "At ikaw isang mayamang nilalang, gugustuhing tumira sa lugar na ito, unbelievable.
"Pwede naman ah. Tao rin naman ako gaya niyo."
"Ewan ko sa iyo. Hays ang takaw mo talaga!"
"Kung matakaw ako, dapat gayahin mo para tumaba ka naman. "
"Napagtripan na naman ang katawan ko." ang napapailing na si Andrew.
"Tama siya anak dapat magpataba ka naman, tignan mo si Bryan malusog na macho pa." ang nanay ni Andrew.
"Tama po kayo nay. Ang katawan kong ito ang aking asset na pang-akit ko sa iba kaya maraming nagkakagusto sa akin lalo na sa school." ang pagmamalaki nitong pahayag.
"Ayaw nga lang umamin ng iba jan." ang kanyang pagpapatuloy sabay tingin kay Andrew.

Hindi nakapagsalita si Andrew sa pagparinig na ginawa ni Bryan sa kanya.

"Grabe busog na busog ako." si Bryan habang hinihimas ang kanyang tiyan. Nasa sala sila at ang nanay na ni Andrew ang nagligpit ng kanilang kinainan.
"Ayan mawawala na yang mga abs mo magiging tabs na." si pangangantsaw ni Andrew sa kanya.
"Hindi mangyayari iyon. Alaga yata ng work-out sa gym tong katawan ko kaya never akong tataba. Mahirap na baka hindi mo na ako magustuhan niyan."
"Ano sabi mo? Hoy Mr. Bryan Luis Sebastian wag ka ngang masyadong assuming jan."
"Sus. Pakipot ka lang sabihin mo."
"Ewan ko sa iyo, tara matulog na nga tayo."
______
"Talagang nakaready ka ha." si Andrew nang mapansin ang suot na boxer ni Bryan nang hubarin ang short nito.
"Siyempre naman." si Bryan sabay hubad ng t-shirt.
"Kailangan pa ba talagang magtanggal ng t-shirt" si Andrew na agad umiwas ng tingin sa hubad katawan ng kausap.
"Siyempre naman. This is my asset nga di ba kaya dapat lang na ipakita ko ito."

"Ano ba ang pinaggagawa ng taong ito?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. Natutukso na kasi siya sa mga pinapakita nito.

"Ok, tulog na tayo." si Bryan at humiga na sa kama ni Andrew. "Higa na dito." ang utos niya kay Andrew.
"Tabi na naman tayo? Doon na lang ako sa kama ni nanay."
"No, dito ka kaya nga ako nakitulog para makatabi kita." ang sagot nito.

Natawa ng hilaw si Andrew. "Sige na nga, basta huwag mo lang ako dantayan ha."
"O sige yayakapin na lang kita."
"Lalong di pwede."
"Andrew naman, sa ilang buwan nating magkakilala ganyan ka pa rin kailap sa akin."
"Iyon na nga eh. Buwan pa lang wala pang taon. Siyempre di mo ko masisisi kung ganoon pa rin ako sa iyo."
"Hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko sa iyo. Sinusunod ko naman ang gusto mo. Nagpapakabait na ako at nakikisama sa inyo ni nanay, at kilala ka na rin ng pamilya ko."
"Basta Bryan, mahirap ipaliwanag."
"Kasi pilit mong tinatago ang nararamdaman mo."
"Ano namang alam mo sa nararamdaman ko?"
"Na gusto mo ako."
"Ikaw talaga Bryan. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga."
"As always tatanggi pa rin siya. Halika na tulog na tayo." si Bryan na hinila ang braso ni Andrew.

Halos kalahating oras nang nakahiga ang dalawa sa madilim na kwarto ni Andrew. Nakatalikod si Andrew kay Bryan. Hindi naman siya makatulog sa mga oras na iyon.

"Sa ilang buwang magkasama tayo, talagang nagustuhan na kita Bryan. Pasensya ka na siguro kung hindi ko pa masabi sayo. Hanggang ngayon kasi may mga pag-aalinlangan pa ako." ang pagtatapat niya sa kanyang sarili.

Nasa kasagsagan siya ng pag-iisip nang biglang magsalita ang kanyang katabi.
"Gising ka pa ba Andrew?" ang tanong nito sa mahinang boses. Hindi siya sumagot sa halip ay pinakiramdaman lang niya ang susunod na gagawin nito.
"Tulog na yata." ang sabi nito nang wala itong narinig na pagtugon. 

Naramdaman na lang ni Andrew ang malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.
"Payakap na lang ha." ang bulong nito sa kanyang tainga. Hindi pa rin siya gumalaw. Pinakinggan lang niya ang mga sumunod na sinabi nito.

"Alam mo Andrew, ang saya-saya ko talaga dahil nakatabi ulit kita. Gusto kong maulit lagi ito. Kung pwede nga lang ay habambuhay na."
Hinigpitan pa niya ang yakap kay Andrew at dinantay na ang kanyang mga binti.

Muli ay napangiti si Andrew sa kanyang narinig. Hinayaan na lang niya ang pagyakap ni Bryan sa kanya.

Itutuloy...

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 9]




Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 9]



By: Crayon




****Aki****

7:13 pm, Monday
March 14




Nagising ako pasado alas siyete ng gabi. Kailangan ko ng magluto ng hapunan namin ni Kyle dahil iinum pa sya uli ng gamot. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mga sandaling iyon sinalat ko ang kanyang noo. Bumaba na ang kanyang lagnat. Bukas ay maari na siyang makauwi. Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumungo ng kusina.

"Grabe pinagsasamantalahan mo ang tulog...", nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Kyle.

"Bakit mo ko hinahalikan ha?", dagdag pa niya habang matamang nakatingin sa akin.

"Ha? Kasi ano... ano lang... may ano ka kasi... may lamok! Oo may lamok sa noo mo! Pinaalis ko lang...", kabado kong sagot...

"Hinahalikan mo ang lamok para umalis, ganon?", halata ang pagpipigil niya ng tawa.

"Oo, sige na dyan ka muna, handa ko lang yung dinner natin.", paalam ko sa kanya. Hindi na siya sumagot, narinig ko na lang siyang tahimik na humahagikgik. Dumiretso na ako sa kusina.

Pumunta ako ng lababo at ilang beses rin akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili dahil medyo napahiya ako sa ginawa ko. Nakakahiya dahil nahuli niya ako na nagnanakaw ng halik. Arggggghhhh... Isinantabi ko muna iyon at sinimulan ko ng lutuin ang pinamili ko kaninang umaga. Balak kong gumawa ng sinigang na hipon para may hihiguping sabaw si Kyle.

"Ano yan?"

Damn! Muntik na kong mabawasan ng daliri. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kyle habang naghihiwa ako ng mga pang-rekado.

"Sinigang.", maiksi kong sagot.

"May maitutulong ba ako?"

"Ah wala, kaya ko na to. Wag mo muna pagurin ang sarili mo."

"Ok."

Nakita ko siyang tumungo sa may verandah. Iniwan ko muna sandali yung niluluto ko at sinundan siya. Nakita ko siyang sinisindihan ang isang yosi. Tama ang aking hinala, pasaway talaga ang isang 'to.Agad akong lumapit at hinablot ang nakasupalpal na yosi sa bibig niya, kinuha ko na din ang lighter para di siya makapagsindi muli. Tiningnan niya ko na parang nagtatanong kung bakit ko ginawa iyon.

"Bawal magyosi, may sakit ka pa.", yun lang ang sinabi ko at bumalik na ng kusina.

Maya-maya lang ay nakita ko si Kyle na umupo sa may dining table malapit sa akin. Trinabaho niya ang pagpuputol ng sitaw para sa ulam namin. Hinayaan ko lamang siya at inasikaso ko ang paghahanda ng sinaing.

"Bakit ang tagal mo nawala Aki?", di ko inaasahan ang tanong na yun mula sa kanya. Medyo seryoso ang boses niya tila nang-uusig.

"Work. Nagkaproblema sa site namin sa Davao, ako ang na-assign para umayos nun at medyo natagalan bago maging ok ang lahat.", diretsa kong sagot.

"Hmmm, eh bakit parang nagtago ka? Kahit mga kaibigan mo hindi mo binabalitaan?"

"Ha? Hindi naman sa nagtago sobrang busy lang?"

"Oa naman sa pagkabusy yung hindi magawang magtext kahit isang beses sa loob ng isang taon.", tawa lang ang naisagot ko kay Kyle. Mabuti nang hindi na ako magkomento dahil baka may masabi pa akong hindi dapat.

"Single ka pa din?", mas kaswal na ang tono niya ngayon, parang yung Kyle na kinagiliwan kong kausap dati. Yung kapag pinikit mo ang mata mo at pinakinggan siya magsalita, alam mong nakangiti siya habang nakikipagusap sayo.

"Hindi ka naman nag-dedeliryo niyan? Kung anu-ano naiisip mo e."

"Hahaha, hindi ah, dali na sagutin mo na yung tanong ko."

"Bakit ba gusto mo malaman?"

"Wala lang, nakikibalita lang sayo. Tsaka para alam ko din kung may biglang mananakit sakin kasi niyakap kita kanina."

"Haha, kulit mo talaga. Oo single pa din ako."

"Wala kang nagustuhan o niligawan sa Davao?"

"Wala."

"Siguro di ka maka-move on sa akin no?"

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan yon.

"Joke yun, tumawa ka.", dagdag pa ni Kyle habang nakangiti. Nyeta, bwiset din tong isang to minsan.

"Ewan ko sayo, lakas na naman ng topak mo."

"Hindi naman pinipilit ko lang maging masaya.", seryoso niyang sabi.

"Oh magda-drama na naman."

"Hindi ah. Mag-stay ka na ba for good dito sa Manila o bigla ka na namang mawawala."

"Baka dumito muna ako pansamantala. Bakit ba puro ako tinatanong mo, ikaw ba anung balita sayo?"

"Ganun pa din naman, wala naman masyadong bago."

"Hindi ka na nag-aral uli?"

"Hindi na uli pero baka matuloy na this sem."

"Good for you."

"Oo, kesa mamroblema ako sa lintik na pag-ibig na yan. Mag-aral na lang uli ako. Naisip kong magandang diversion yon kesa trabaho. Toxic na kasi sa work ko ngayon e. Balak ko na nga mag-submit ng resignation.", mahaba niyang paliwanag.

"Saan ka ba nag-aaral dati?"

"Sa Laguna."

"Wow, bulacan, laguna, isang sakay lang ng jeep ha. Bakit dun?, anung school ka ba?"

"Hindi lang halata pero UPLB ako. Isko."

"Uy! Matalino."

"Pero iniisip ko wala na ako halos kakilala nun sa mga kakurso ko malamang naka-graduate na yung mga ka-batch ko. Kaya medyo tinatamad ako kasi malamang I'll be a loner."

"Samahan na lang kita."

"Sira. Bahala na. Basta tatapusin ko muna yang pag-aaral ko para tigilan na din nila papa ang pangungulit sa akin."

"So ikaw naman ngayun ang mawawala ganun?",may himig ng pagtatampong sabi ko sa kanya.

"I guess,part ng plan ko yun ang mawala. Ayaw ko munang magpunta sa mga lugar na pinupuntahan ko noon. Ayaw ko muna maglandi. Ayaw ko munang magpakita sa mga taong nakakakilala sa akin dito sa Manila. Gusto ko muna makalimot at ayusin muna ang sarili ko. Baka nga masyado na akong pariwara tulad ng sinasabi nila. Kapag bumalik na ako sa UP, i'll start building a new me. Lahat ng naging mali ko itatama ko."

"Kung kelan naman ako nakabalik tsaka ka aalis."

"Sinu ba kasi nagsabi sayong umalis ka noon. Huwag ka magalala di mo naman ako katulad. Pwede mo naman akong i-text o tawagan."

"Hahaha, pwede din ba kitang puntahan sa laguna?" 

"Bahala ka."

"So we'll be expecting a new you pagbalik mo?"

"Hahaha maganda yang ideyang yan. Bakit hindi? Malay mo pagbalik ko transgender na ako. Tahahahaahaha", nagtawanan lamang kami sa biro niya.

"Tapatin mo nga ako, kaya mo ba to ginagawa ay para maging mas bagay ka sa taong gusto o para mas magustuhan ka niya?"

"Honestly, hindi ko alam. Siguro umaasa ako na magustuhan niya ako o magiba ang tingin niya sa akin, maari din na gusto kong ipakita sa kanya kung anung nawala sa kanya. O pwedeng masyado akong nasasaktan ngayun na mas gusto ko na lang ang lumayo. Hindi ko alam, Aki. Napakagulo ng utak ko, di ko alam kung anu na talagang nararamdaman ko. O kung anung dahilan ng mga gagawin ko."

"Mamimiss kita.", sinsero kong banggit sa kanya.

"Uguk! Isang taon ka nga nawala hindi mo man lang naisip na itext ako, tas ngayon aartehan mo ko na mamimiss mo ko... sinong maniniwala sayo.", pabiro niyang sagot sa akin.

Tumalikod na lamang ako kay Kyle at hinarap ang niluluto ko.

"Kung alam mo lang Kyle.", mahina kong sabi sa aking sarili.

--------

Nang matapos akong magluto ay masaya kaming kumain ni Kyle. Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa nagdaang taon. Wala na ang tampo niya sa akin at sa mga sandaling iyon ay di mo rin iisipin na may pinagdadaanan siya. Para lang kaming dalawang masayang magkaibigang sabay na kumakain.

Sabay din naming niligpit ang aming pinagkainan. Naghaharutan pa kami habang naghuhugas ng pinggan. Nang papainum ko naman siya ng gamot ay tila bata siyang nagtatakbo sa loob ng unit ko at nagpapahabol sa akin. Sinakyan ko naman ang trip niya, para lang kaming tangang nagpapaikot-ikot sa loob ng bahay. Puro tawa lang, tila hindi namin alam kung paano ang malungkot. Ang sarap isipin na lagi lang kaming ganito, pero alam kong hindi ganon ang realidad.

Nang mapansin kong mag-aalas diyes na ay inaya ko na siyang mahiga sa kwarto.

"Dito na lang tayo sa sofabed mo matulog, hindi masaya sa kwarto e.", hiling niya sa akin.

Hinanda ko na ang aming tutulugan. Bago mahiga ay pinatay ko na ang lahat ng ilaw, hindi kasi ako sanay matulog ng maliwanag.

"Kyle, ok lang ba, papatayin ko lahat ng ilaw ah." Tumango lamang siya sa akin bilang sagot.

Nang makahiga na ako sa sofabed ay kusa nang kinuha ni Kyle ang kanang braso ko at ginawa muling unan. Siniksik niya ang sarili sa akin. Iniyakap ko na rin ang kaliwa kong kamay sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo.

"May lamok uli?", biro ni Kyle sa akin.

"Hehehe oo eh."

"Thank you Aki."

"For what?"

"For being there when i needed a friend.", hinalikan kong muli siya sa noo.

"Like what i said pwede mo kong kuya o bespren, and open pa rin yung offer ko kung gusto mo ko maging boypren."

"Hahah sira, ayaw ko muna ng ganyan. Aayusin ko muna sarili ko."

"Right.", saka muling halik sa noo niya. 

"Magsindi na kaya tayo ng katol o kaya magspray na tayo ng baygon sa paligid. Masyado atang madaming lamok, nakakarami ka na eh."

"Hahaha, sorry kala ko di mo binibilang.", kinurot niya ako sa tagiliran na lalo ko lang ikinatawa.

Natahimik kami sandali. Ilang minuto ding walang nagsalita, akala ko ay nakatulog na si Kyle kaya hindi ko na siya kinulit pa.

"Aki..."

"Hmmm?"

"Nagkagusto ako kay Renz nung umalis ka. We became friends after you left. Madalas kaming magkasamang lumabas. And you know me, you know i'm a flirt. We had sex not just once, several times. Actually, we became some sort of fuck buddies.", sa puntong yon ay lalo kong niyakap si Kyle, alam kong nahihirapan siya magkwento. Narinig ko na siyang suminghot marahil ay lumuluha na naman siya. "Gusto kita sabihan non kaso di na kita makontak. I know we dated once and that wouldn't happen kung di ka naman interesado sakin. So i guess it would be proper to set your expectations kaya gusto kita makausap. After a month or two of going out and making out, i realized i was falling for him. I can't believe it at first kasi parang masyadong mabilis at di ganun ang konsepto ko ng pag-ibig. Pero habang tumatagal nun ko nakumpirma na na-in love nga ako sa kabarkada mo.", ramdam ko na ang pamamasa ng manggas ng suot kong shirt.

"I didn't tell Renz, kasi natatakot ako. Ayaw kong masayang ang pagkakaibigan namin. I tried to stop myself from loving him but its like stoping my heart from beating. Hindi madaling gawin at hindi ko kayang gawin. You know Renz, he's naturally sweet and caring, kaya ang hirap na hindi siya mahalin. Kontento na ako maging magkaibigan lang kame. But things just got messed up, so messed up. Everything was shattered, i dont know what's left of us. I'm not blaming him for what happened, i'm hating myself for what i've done. Ang hirap ng ganito. Yung pakiramdam na ang laki ng nawala sayo dahil yun ang pinili mo. I decided to let go, kasi hindi ko kayang panindigan. Kasi natatakot ako."

"Shhh... i know, hindi na natin mababago ang nangyari na. But you have a life ahead of you, and you always have the choice to do things right this time. Bata ka pa Kyle, you won't be able to do all things right. You will always come to a point where you will make mistakes, but its not about how many mistakes or failures you've had, but on how you learn from these things."

"Nakakatakot kasi, para bang hindi matatapos yung sakit. Parang ayaw ko ng magmahal muli."

"You can never be happy if you will always be afraid to do what makes you happy. Alam ko nasasaktan ka, trust me i know the feeling ng masaktan ng dahil sa pag-ibig. Like you, i decided to let go of the person i love, hindi ko pinanindigan yung nararamdaman ko. Nagpadaig ako sa takot ko at insecurities. And that was my biggest mistake cause it didn't brought me anywhere, letting him go didn't make me happy, seeing him cry over another guy didn't make me any happier, and i know for a fact that wasting the chance of being with him again would take away my happiness. "

"Hindi ko alam Aki, napapagod na din kasi ako. Parang di ko na kayang sumugal uli. What do i have to offer kung naipatalo ko na ang puso ko?"

"Hindi ko naman sinabing gawin mo na lahat ngayon. Pick up your heart's broken pieces, then put them back together. You definitely need time to do that. You don't need to be on a rush. Ngayun nasasaktan ka, umiyak ka lang wala ka namang choice eh, hindi naman instant ang makapag move on eh. Kapag ok ka 
Na uli at napag-isipan mo na ang mga nangyari, you start setting things right. Kung gusto mo si Renz make him fall for you."

"Haaaayyy. At kung hindi niya talaga ako mahal?"

"Ako ang magmamahal sayo. Hehehe", biro ko sa kanya.

"Tado. Seryoso ako."

"Then we'll take it from there."

"Hindi kasi ganung kasimple yun."

"Makulit ka talaga nu?", tumawa lamang si Kyle ng mahina. "Bakit di mo simulan sa pagtulog para gumaling ka na. Saka mo na isipin kung anung susunod mong gagawin kapag magaling ka na."

Siniksik lamang ni Kyle ang kanyang mukha sa dibdib ko at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Goodnight Aki."

"Goodnight little prince."

Nakakalungkot lang isipin na kahit gaano kami kasaya kanina still bago siya matulog ay si Renz pa rin ang iniisip niya. At sinulsulan ko pa siya na paibigin ang karibal ko sa pag-ibig niya. Minsan talaga kahit anong diploma sa eskwela meron ka, nagiging tanga ka pa rin pagdatinh sa pag-ibig.




****Kyle****


9:23 am, Tuesday
March 15




Ayaw ko munang idilat ang aking mata. Hihintayin ko na lang na gisingin ako ni Aki. Magaan na ang aking pakiramdam, sa tingin ko ay kaya ko ng umuwi ng Bulacan mamaya. Hindi na muna ako papasok sa trabaho ko, tatawagan ko na lang aking bisor upang ipaalam na may sakit ako.

May naramdaman akong panginginig sa aking tabi. Napilitan akong dumilat at lingunin si Aki. Nakatalukbong siya ng kumot, namamaluktot habang nanginginig sa ginaw. Sinalat ko ang kanyang noo at leeg. Mainit ang kanyang katawan, mukhang nahawa siya ng sakit sa akin. Na-guilty ako dahil ako ang nagpupumilit na tumabi sa kanya, sa kanya tuloy nalipat yung sakit ko.

Tumayo na ako mula sa sofabed, tinungo ko ang kusina upang maghanap ng maaaring lutuin. Naisip kong gumawa ng sopas, yun lang kasi ang kaya kong lutuin na may sabaw. Tiningnan ko ang laman ng ref, mukhang walang pang-rekado sa sopas na nabili si Aki. Naisipan ko na lang sumaglit sa malapit na grocery store na pinuntahan niya kahapon. Naghilamos na lang ako at nagmumog ng mouthwash tsaka umalis ng unit niya.


------------


Wala pang kwarenta minutos ay nakabalik na ako. Nakarinig ako ng malakas na boses mula sa lobby ng condo ni Aki. Nakita kong kausap ni Aki ang isa sa mga security guard. Nakasuot lang siya puting v-neck na t-shirt at boxer shorts na pinantulog niya.

"Bakit niyo kasi hinayaang makalabas? May sakit yung taong yun. Paano kung bigla na lang siya mag-collapse sa daan.", narinig kong sigaw ni Aki sa walang malay na security guard.

"Pasensya na po sir...", sagot ng security guard.

"Anu pang magagawa ng pasensya mo.", naisip ko ng sumabat dahil naawa ako sa walang salang security guard.

"Aki!", tawag ko sa kanyang pansin. Lumingon naman siya sa direksyon ko at mabilis na lumapit.

"Saan ka ba nanggaling ha?! Hindi ka ba marunong magpaalam?!", galit na bati niya sa akin. Hindi niya na ako hinintay makasagot. Hinila niya na ako sa aking kamay patungong elevator. Gawa ng pagkabigla ay di na ako nag-abala pang sagutin ang kanyang tanong.

Tahimik lamang ako sa loob ng elevator. Marahil ay labis siyang nag-alala sa akin kaya siya galit na galit ngayon. Hindi ko na kasi naisip magpaalam o mag-iwan ng note dahil sa pagmamadali.

Nilingon ko si Aki para tingnan ang kanyang mukha. Nakasibangot pa rin siya at salubong ang kilay. Nang bumukas ang elevator sa floor niya ay muli niya akong hinila papunta sa unit niya. Naiwan pang nakabukas ang pinto ng unit niya. Nang makapasok kami ay lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Aki, masakit.", mahina kong usal.

"Sa susunod naman na aalis ka, sabihan mo naman ako. Kung di mo magawang magpasalamat, magpaalam ka naman ng maayos para di ganito ang pag-aalala ko sayo.", medyo mahinahon na siya ngayon pero halata pa rin ang inis sa boses niya. Napayuko na lamang ako.

"Sorry, bumili lang naman ako saglit sa grocery. Hindi ko alam na magigising ka agad.", medyo nanginginig pa ang boses ko dahil parang naiiyak ako sa ginagawa niyang pagpapagalit sa akin. Naaalala ko ang pagtatalo namin ni Renz nung isang gabi.  Pilit kong pinipigil ang aking luha, hindi naman pwede na laging ganito ako ka-sensitive sa lahat ng mangyayari sa akin.


Bumuntong hininga na lang si Aki at tumalikod na sa akin. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto niya. Dinala ko na ang mga pinamili ko sa kusina. Saglit akong umupo sa dining table at yumukyok sa aking braso. Nang medyo kumalma na din ako ay inasikaso ko na ang pagluluto ng sopas. Malamang ay gutom na si Aki at kailangan pa niyang uminom ng gamot.

Sinikap kong pasarapin ang sopas na niluluto ko dahil balak kong gawin yung peace offering. Nang matapos ay pinagsalin ko si Aki sa isang mangkok at nilagay sa tray. Nagtimpla rin ako ng juice.

Dinala ko ang tray sa kwarto niya. Mahina akong kumatok sa pinto bago pumasok. Dinatnan kong tulog si Aki at nakatalukbong muli ng kumot. Nilapag ko muna ang aking niluto sa kanyang side table.

"Aki...", mahina kong tawag sa kanya ngunit di siya sumagot. Sinubukan ko muli siyang tawagin at nilakasan ko na ang aking boses ngunit di pa rin niya ako sinagot. Naupo ako sa gilid ng kama niya sinubukan ko siyang yugyugin.

"Hmmm...", mahina niyang ungol.

"Gumawa ako ng sopas, kain ka na. Tsaka, bati na tayo please. Hindi ko naman naisip na mag-aalala ka ng ganun. Sorry talaga, hindi na mauulit.", humarap naman siya sa akin at umupo mula sa pagkakahiga.

"Pasaway ka kasi. Akin na nga yang sopas, kanina pa ako nagugutom eh.", ngumiti na siya sa akin this time. Kinuha ko naman ang tray para makakain na siya, nilapag ko ito sa kanyang harapan. Sinalat kong muli ang kanyang noo. Nagulat ako dahil lalo siyang uminit kumpara kanina. Nakasama ata sa kanya ang pagkagalit niya kanina.

"Aki kaya mo pa ba? Ang taas na ng lagnat mo eh, dalhin na kaya kita sa ospital.", iniiwas niya naman ang kanyang mukha.

"Hindi na, lagnat laki lang 'to", panggagaya niya sa sinabi ko kahapon.

"Siraulo! 6' 2" na ang height mo, tas gusto mo pa lumaki. Balak mo maging higante?"

"Hahaha, 6 flat lang height ko. Kaya ko pa naman. Kumuha ka na lang ng pagkain mo. Di ba nga sabi mo di masaya kumain mag-isa, kaya sabayan mo ko kasi may kasalanan ka pa sa akin."

"Grabe, pinagluto na nga kita ng peace offering eh."

"Kulit mo talaga. Kumuha ka na nga ng pagkain mo."


Kumuha ako ng sariling pagkain at sabay kaming kumain ni Aki. Matapos yon ay pinainom ko na siya ng gamot upang bumuti ang kanyang pakiramdam. 

"Kyle tulog tayo.", yaya niya sa akin.

"Sige lang, magpahinga ka lang diyan. Babantayan kita."

"Ee, gusto ko katabi kita eh. Tara na.", hindi na ako umangal pa upang makapagpahinga na siya. Nahiga ako sa kanyang tabi. Katulad ng dati ay hinayaan niya akong mahiga sa kanyang braso at saka ako mahigpit na niyakap. Panatag ang loob ko sa tuwing ganito ang posisyon namin ni Aki. Makalipas ang ilang minuto ay nakadama na ako ng antok kaya di ko na napigilang matulog.



****Kyle****

11:13 am, Wednesday
March 16




Bumuti na ang pakiramdam ni Aki, halos wala na siyang lagnat. 
Mabuti na lamang at malakas ang kanyang resistensya. Kailangan ko ng umuwi ng Bulacan at bumalik sa trabaho bukas ng gabi. Since ok na ang pakiramdam ni Aki ay maari ko na siya sigurong iwan.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng aming pananghalian.

"Masarap ka pala magluto no?", bati ni Aki sa niluto kong afritada.

"Natuto lang ako kay mama.", sagot ko sa kanya. "Aki, uuwi na pala ako ng mga after lunch. Pupunta pa kasi ako ng bahay sa Bulacan at kailangan ko na ding pumasok sa work bukas ng gabe."

"Sino ng magbabantay sa akin?", nagpapaawa pa ang mukha niya habang nagtatanong.

"Bakit masama pa ba ang pakiramdam mo? Wala ka naman na halos lagnat ah."

"Hehehe wala na nga. Ayaw ko lang na umalis ka na.", seryoso niyang sagot. Di na ako umimik at tinuloy na lang ang pagkain.

"Wag ka na lang muna kasi pumasok", biglang sabi ni Aki.

"Hindi pwede, ilang araw na nga akong wala eh."

"Kelan kaya uli kita makikita?"

"Ewan. Ikaw ba, di ka na babalik ng Davao?", tanong ko naman sa kanya.

"Sa 19 ko pa balak bumalik dun."

"Hmmm..."

------

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay Aki na aalis. Nagpasalamat ako sa lahat ng naitulong niya. Nagpumilit pa siyang ihatid ako sa terminal ngunit hindi na ko pumayag dahil medyo mainit pa siya dahil sa sakit niya.

Nagulat naman ang aking mga magulang sa biglaan kong pag-uwi. Nagpalusot na lamang ako na wala akong pasok sa opisina kaya naisipan kung umuwi. Nagpahinga lamang ako sa bahay nnamin. Namiss ko din ang aking sariling kwarto at kama. Gusto ko lang umuwi ng Bulacan dahil iba pa rin ang pakiramdam na makapagpahinga sa kinalakihan mong tahanan. Kaya wala akong ginawa kundi ang matulog sa aking kwarto. Pilit kong iwinaksi sa aking isip ang mga problema ko, saka ko na lang sila muling haharapin pagbalik ko ng Maynila. 

Kinabukasan ng gabi ay umalis din ako ng bahay upang pumasok sa trabaho. Hindi ko naman maaring takasan ang work ko dahil sa personal kong problema. Tutal dalawang araw na lang naman at off ko na din uli.

Kailangan kong ituloy ang buhay ko dahil di naman titigil ang pag-ikot ng mundo kahit gaano kabigat ang problema ng isang tao. 


...to be cont'd

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails