Followers

Monday, November 29, 2010

Samut-Saring Blah! Blah!

Kumusta po mga fans, followers, readers, and authors of MSOB!

Gusto ko pong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat dahil sa ipinamalas ninyong suporta sa pagboto at pag comment ninyo sa entry natin sa PEBA. Alam ninyo kung sinu-sino kayo at kitang-kita naman sa mga comment profiles ninyo sa PEBA, sa mismong entry natin. Nangunguna po tayo sa poll nila at sa fb comments din. Sana manatili tayo sa top... Kayo po ang dahilan kaya mas naeengganyo po akong magsulat. Kayo ang aking inspirasyon. Kahit hindi man ako nakarereply sa mga emails ninyo, I tried po my best na mapagbigyan ang lahat sa kanilang mga requests (kahit alam kong mayroon ding iba na hindi ako pinagbigyan sa aking kahilingan, pinagbigyan ko pa rin po sila). But my deep gratitude really goes to those whom I felt their sincere support... (drama! lol!)

Ang awarding sa PEBA ay Dec 16 na at ang mga proxies ng MSOB ay sina Newbie, Dalisay, Marqee, Michael Santos (ang naggawa ng MSOB masthead), at si Ferdie, isang buddy and kababayan ko in real life.

Ang awarding naman ng PBA (ibang award-giving group po ito) ay Dec 12 sa RCBC Square. Ang proxy ko ay si Ferdie and another friend.

Makasungkit o hindi ng premyo, the experience po to have been in the contest ay sobra-sobra nang biyaya para sa MSOB. But most of all, ang madama ang support po ninyo ay sobrang nakaka-overwhelm na. And that's the best part. Para sa akin, MSOB have already won. Sananaramdaman niyo rin ang saya at pagmamalaki na naging bahagi kayo sa pagsali ng MSOB sa patimpalak na ito... at naiparating natin ang ating advocacy, tungkol sa isang blog ng mga naiibang pag-ibig at kuwento ng buhay.

Ok... tama na muna an gdrama. Next topic, hehehe.

Kulelat pa po tayo sa fs. Ito naman ang ating i concnetrate din sana. Paki add po ang fs accont ng PEBA sa fs ninyo atsaka magcommet din po dito - http://profiles.friendster.com/pebawards

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-comment d'yan. Parang ang hirap i acces ang page nila sa fs.

Sa comments naman po ng entry natin, may 105 na po pero sana ay iyong hindi pa nakapagcomment, magcomment na rin po - http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/10/ang-aral-ng-isang-ibon.html

At para po doon sa hindi pa nakaboto, paki boto pa po dito - http://www.pinoyblogawards.com/2010/11/vote-here.html entry # 24 po tayo. Paki click lang ang box bseide entry #24 at hit the "Submit Vote"

Another topic...

May fb fan page na po ang MSOB. Sana ay mag like kayo at heto po iyon - http://www.facebook.com/pages/Michael-Shades-of-Blue-Fan-Page/175391315820611?v=wall

Nagsimula na rin poang voting samga entries ng ating "Tol... I Love You!" book cover contest at sana ay magparticipate kayo sa botohan at magcomment na rin. Dito po iyon - http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/p/contest-entries.html

Mag close ang botohan sa Dec end.

Ok, maiba naman tayo. Para po doon sa mga nagrequests ng hidden parts at video ni kuya Erwin, nagkalabo-labo na kasi ang mga requests ninyo at nawiwindang na po ako sa aking gagawin, hehehe.

Pakiusap lang po na kapag nagrequest po kayo, pakilagay naman po sa title ang request ninyo. Please don't blame me kapag wala kayong natanggap na sagot galing sa akin dahil baka walang title ang emails ninyo, sobrang dami pong requests ang natatanggap ko at marami din po dito ay mga spam; walang mga titles. Kulang po ang oras ko upang magbubukas pa ng mga messages na walang laman kundi mga alinks ng viagra, ng mga gamot at kung anu-ano pa. Hindi ko po binubuksan ang mga yan. Help me po na mapabilis ang pagreply ko sa inyo. Mabagal din po ang line ko kaya sayang ang oras.

Ok... ibang topic: Nagrequest sa akin si Oonheru na i-announce ko daw dito na si Jigz na taga Malabon ay nawalan ng cp at nakuha daw noong taga Makati sa bar sa Malate. Panawagan po kay Divo! Kung saan ka man naroon, paki-soli na lang po...

Hayyyy naku... O siya, pag may annoncement pang iba, sige mag-email na lang sa akin.At kung may problema kayo sa pag-ibig, baka pwedeng mag-adbays na rin ako, hehe.

(Why not? Pwedeng pwede tayong maglagay ng isang page dito for people with love and relationship problems. Kahit sino pedeng magbigay ng advice. Mukhang magandang idea. Kasi alam ko, maraming broken-hearted d'yan, hehehe.)

Oo nga pala, nanawagan ako sa mga myembro ng SNMMAP (Samahan Ng Mga Malalamig Ang Pasko). Magsama-sama daw tayo sa isang lugar at mag group hug na lang para uminit ang ating mga katawang lupa - hehehe.

At panawagan na rin dun sa mga nag click sa poll ng MSOB na gusto nilang makatanggap ng torrid kiss galing sa akin, humanda kayo dahil hahuntingin ko kayo sa pag-uwi ko ng Pinas! Binibilang ko kayo! May 29 na kayong lahat sa ngayon, and still counting. Lol!

Ok... I think that's all peepz. At upang lalo kayong ma-hook sa susunod na kabanata ng SUAACK, heto litrato ng pilyong si kuya Erwin:

Disclaimer: MSOB does not claim ownership of this photo. This is only intended to portray a representation of the main character of SUAACK. If you happen to be its rightful owner and don't want it used for the said intended purpose, MSOB will remove it from this post. Thank you.

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails