Posted By: Half
Blogspot: halfofmeisyou.blogspot.com
Sorry for the late update. In-enjoy ko lang ang student week namin. Haha
Enjoy enjoy lang mga parekoy. Hahaha.
-------
Now Playing Chapter 16
Lucky
"They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I wait for you I promise you, I will
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday.."
- Jason Mraz and Colbie Caillat, Lucky
-------
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ano ito, pakunswelo ng tadhana para sa sakit na binigay niya sa akin? Aba, ito ang ikatlong langit na narating ko ngayong gabi. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makapag-isip ng kung ano. Nanatiling nakalapat ang mga labi niya sa mga labi ko, at unti-unti sinasakop niya ako. Naging mapusok, agresibo at mapanakop ang halik na iyon. Aminin ko man o hindi ay nadadala ako ng mga labing iyon. Nawawalan ako ng kakayahang mag-isip ng tama, nabubulag ako ng temptasyong nakalingkis sa akin. Ako ay dahan-dahang natatangay..
BBBEEEEEEEEPPPPPPPP!!!
Bigla akong bumalik sa realidad. Napamulat ang mga mata ko, at nagulat ako sa mga nangyayari. Sabay kaming kumalas ni Xander sa halik na iyon. Napayuko na lang ako, habang si Xander ay itinabi sa gilid ng daan ang kotse. Pareho kaming tahimik, hindi malaman ang sasabihin. Ilang saglit kami sa gan'ung sitwasyon nang pinaandar ulit ni Xander ang kotse at patuloy na nagmaneho. Napatingin na lang ako sa bintana, nag-iisip. Bakit ganito ang reaksyon ko? Pagkatapos naming maghalikan nila Sharpay at Justin kanina masaya pa kaming nagbibiruan. Eh bakit nung kami naman ni Xander ay naiilang ako? Bakit parang galit siya kanina? Bakit ako hinalikan ni Xander? Ibig bang sabihin n'un ay gusto niya ako? Oo, bisexual si Xander, pero pwede bang maging kami? At bakit nadala ako ng halik niya? Nagustuhan ko ba ang mga labing iyon?
Biglang bumusina si Xander. Dahil sa mga katanungang pilit na sumisiksik sa utak ko, hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami ng mga Sinclair. Bumukas ang gate at ipinasok niya ang kotse. Pagkapatay ng makina ay dali-dali rin itong lumabas. Naiwan ako sa loob na nakatunganga. Sh*t talaga. Ano'ng gagawin ko? Gusto ko siyang kausapin, pero paano ko gagawin iyon? Ano'ng sasabihin ko? N'ung niyaya niya akong mag-lunch 'date', ibig sabihin ba n'un talagang date ang gagawin namin? May gusto sa akin si Xander? Hindi ako makapaniwala. O ayaw ko lang paniwalaan na isang prinsipe ng Inglatera ay magkakagusto sa akin. Well, hindi siya tunay na prinsipe, anak siya ng isang English Gentleman mula sa England. Pero kahit na. Xander naman eh, ano ba itong ginawa mo sa akin?
Tok Tok Tok!
Huh?
Si Justin. Nakauwi na pala sila. Ang tagal ko pala sa loob ng kotse. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Inakbayan niya ako at nagsalita.
"Oh, ano'ng balita?"
"Balita?"
"Kayo ni Xander."
"Ha?"
"Lumagok ka na naman ba ng anesthesia? Manhid ka talaga." ang sabi niya.
"Ibig sabihin, may alam ka." ang sagot ko na lang.
"Uhuh. Parang gan'un na nga. Alam mo naman si Xander, kailangan mo pang i-provoke para umakto." ang tugon niya. Talaga palang may gusto sa akin si Xander. Kahit confirmed na, hindi ko pa rin mapaniwalaan. Para sa akin kasi, isa siya sa mga taong kailan man ay hinding-hindi ko maaabot.
'Tanga ka ba?' yan ang sabi ko sa sarili ko. 'Hindi mo nga maabot, ngunit siya naman ang nais na hawakan ang kamay mo.' ang muli kong sabi sa sarili.
'Masyado kang mataas kung mangarap.' ang sabi ko ulit sa sarili.
'Eh ano naman, ang pangarap na iyon naman ang nais yumuko para sa akin.' ang muli kong pagkontra. 'Nak ng..
Nababaliw na ata ako.
"I need to talk to him." ang bigla ko na lang naibulalas. Tumingin sa akin si Justin at ngumiti. Hay, naman.
"Sige, sige." ang tangi niyang sinabi, at marahan akong tinulak papasok ng bahay.
-------
"Xander! Open the door!" ang pasigaw na sabi ni Sharpay habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Xander. Sinabi kasi ni Justin na gusto kong makausap si Xander. Sa tingin ko, ito na ang ika-lima niyang pagtawag dito.
"Xander, you brat! If you don't open this door, I swear, I'll castrate you!" ang patuloy na pagsigaw ni Sharpay. Yup. Si Sharpay yan. Hahaha. Ganyan talaga iyan, anghel na may armalite sa bibig.
"You jerk! Open this-"
"WHAT?!?!" ang pasigaw din na sabi ni Xander pagkabukas ng pinto. Nainis na ata sa kapatid kaya napilitang harapin ito.
"Okay, go!" ang biglang tulak ni Justin sa akin papunta kay Xander. P*cha! Nag-ekis ang mga paa ko, at naramdaman ko na unti-unti akong bumabagsak. Parang nag-slow motion ang paligid. Unti-unti akong sumusubsob, ngunit bigla akong sinalo ni Xander. Napahawak ako sa likod at bewang niya, samantalang halos nakayap na siya sa akin.
"Oooppss.. Sorry." ang nakangiting sabi ni Justin sabay sara ng pinto. Putakte ka Just, may araw ka rin. Narinig ko ang pagtawa ni Sharpay mula sa likod ng pinto, at hindi pa nga nakuntento, may isinigaw pa ngang halos tumunaw sa akin.
"Come on, Eddy. Make my brother moan!"
Oh God.
Dahil 'dun, alam kong namula ako ng sobra. Ito'ng mga ito talaga.. Tsk.. Nakakahiya tuloy kay..
"Xander-"
"Edge-" ang sabay naming sabi. Nakatingin ako sa mukha niyang maamo. Isa na namang anghel ang nasa harapan ko. Ewan ko ba. Alam kong gwapo si Xander (understatement na nga iyon eh), pero sa halos 3 na taon naming magkaibigan, ngayon lang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Maybe because of the kiss we shared why I see him in a whole new light. Or maybe - just maybe- I've something for him that I never knew existed.
Oh.. Where did that came from?
"Ed, he needs a VERY GOOD HUMPING. Hahahaha!" ang pahabol ni Sharpay mula sa labas. Dahil d'un ay parang natauhan ako. Nahihiya man ay ako ang kumalas sa pagkaka-alalay niya sa akin.
"Uh.. Thanks." ang tangi ko na lang nasabi. Sandali kami natahimik. Pareho kaming nakatayo at nakaharap sa isa't-isa. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Pero kailangang isa sa amin ang magsimula.
"I'm sorry." ang mahina niyang usal na pumutol sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Malungkot ang mga mata niya, ewan ko lang kung bakit.
"Why are you saying sorry? Wala ka namang kasalanan, ah." ang sagot ko. Parang tanga! Bakit iyon lang ang nasabi ko? Nanatili siyang tahimik at bigla siyang yumuko, kaya muli ay nagsalita ako.
"Xander, just tell me the truth." ang sabi ko. Hinawakan ko ang kanyang mga mukha para iangat iyon sa pagkakayuko, at tinignan ko ang kanyang mga mata.
"I love you EVERSINCE, Edge." ang sagot niya. Oh my.. For three years, he's secretly loving me!
"Xander-"
"The first time we met is the happiest day of my life, Ed. The moment my eyes saw you for the first time during that eyeball 3 years ago put my heart into a restless state. Natatandaan mo pa ba n'ung biglang sumingit si Sharpay sa usapan n'yo ni Micco? Sa malayo pa lang nakatingin na ako sa iyo. I'm so jealous, yet the idea is so ridiculous. Hindi pa natin kilala ang isa't-isa n'un." ang sabi niya. Naalala ko tuloy yung mga eksena n'ung eyeball 3 years ago.
-------
"Kier! S'an ka pupunta? 'Nak ng. Hoi! 'Wag mo akong iwan dito!" ang sigaw ko kay Kier. Tao'ng ito. Inaya akong sumama sa eyeball, tapos iiwan lang ako.
"Edge, sorry talaga. Si Alice kasi eh, nagpapasama. Pasensya na talaga, 'tol." ang sagot naman niya habang kumakaway paalis. Si Alice ang girlfriend niya.
"Hay, naman." ang mahinang usal ko. 'Di bale, gwapo ka naman, ang dugtong ko sa isip ko. Haha.
"Mukhang iniwan ka na ng boyfriend mo, ah." ang narinig ko mula sa likuran. Lumingon ako upang tignan ang pinagmulan ng tinig. Pusa.. Naman oh..
"Hi. I'm Micco." ang sabi niya sabay ngiti at lahad ng kamay. Utang na loob! Tao ba ito? O anghel na nagkatawang tao? Matangkad, maputi, makinis, matangos ang ilong, may biloy sa dalawang pisngi, pantay at mapuputing ngipin, at mga labing sing-pula ng rosas. Pero ang tunay na nakapagpahinto sa akin ay ang kanyang matang malamlam at kulay bakal na punung-puno ng misteryo. Ewan ko, panandaliang huminto ang mundo ko sa kanyang mga ngiti. P*cha.
"Uh, may dumi ba ako sa mukha?" ang nakangiti pa rin niyang sabi. Nagbalik ako sa realidad at alam kong pinamulahan ako ng mukha. Come on, Edge. Think! Nakakahiya kapag nagkataon.
"Uh, uhm, a, wala, may naalala lang ako." ang nauutal kong sagot. Hay naku, ang lakas kasi ng dating ng taong ito. Honestly, pagdating namin dito, isa siya sa iilang taong gusto kong titigan. Haha parang tanga.
"So, may I know your name?" ang sabi niya na nakalahad pa rin ang kamay. Naka-plaster na ata ang ngiti sa mukha niya. Hay naku ha, mabuti na lang at kakagaling ko lang sa break-up at kahit papaano ay mahal ko pa rin si Charie, kung hindi... Hahahah. Pilit kong kinalma ang sarili mula sa hindi makontrol na paghanga sa lalaking ito, at pinilit ko ring sumagot sa kanyang tanong.
"E-Edge. I'm Edge." ang sagot ko, sabay abot sa kamay niya. Bakit pati kamay ng taong ito ay kasing lambot ng mga ulap?
"Edge. Astig ha. Pero ang cute mo." ang tugon niya. Pusang gala naman oh. Kahit ayaw ko sa salitang cute, ewan ko ba, masarap pakinggan kapag siya ang nagsabi.
"Uh.." ang tanging nasambit ko. Speechless!
"Don't worry, I don't bite. Iniwan ka kasi ng boyfriend mo, kaya lumapit ako. Baka kasi kailangan mo ng kausap." ang sabi naman niya. Ha? Si Kier, boyfriend ko?
"Hindi ko boyfriend si Kier." ang sagot ko. Nakangiti pa rin siya sa akin.
"Talaga? You two look perfect pa naman. Hahaha" ang sabi niya. Ano daw? Oo, gwapo yung mokong na 'yun. Pero friend lang talaga ang tingin ko 'dun (nag-deny ang malandi. Haha).
"Yes, he's not my boyfriend." ang nakangiti kong tugon. Ano ba 'yan, kaya pala minsan masama ang tingin sa akin ni Alice. Hahaha.
"Pero papunta na doon?" ang tanong niya ulit.
"What? NO!" ang natatawa kong sagot sa kanya. Ang kulit naman pala ng mamang ito. Sabay kaming tumatawa nang may isang tinig ang nagsalita mula sa likod namin.
"Hey. Pwede maki-join?" ang sabi ng isang magandang babae. Para siyang isang prinsesa sa fairytale. May kasama siyang dalawang lalaking papable (ayan, makasalanang mata). Isang chinito, at isang- Prince Charming? Pakshet ka Kier, bakit ang daming magagandang nilalang dito?
"Sure. I'm Micco, and this is Edge." ang pakilala ni Micco sa kanila.
"I'm Sharpay." ang sabi ng babae sabay abot ng kamay niya. Kinamayan namin siya, at pusakal na naman, parang narinig ko ang libo-libong ibong nagkakantahan.
"This is Justin." ang pakilala ni Sharpay sa chinito. Ayii.. Ang init naman ng palad niya. Pwedeng makatunaw sa nagyeyelong puso. Hahaha.
"And this is Xander." ang pakilala naman niya kay Prince Charming. Grabe ang isang ito. Nakakakuryente ang palad niya. Parang nahihiya pa siyang makipagkamay. At napansin kong nakatitig siya sa akin habang nakikipagkamay. Hoi Edgardo, tumigil ka. Hahaha.
"Uh, hi Xander. Pwede ko na bang mabawi ang kamay ko?" ang sabi ko nang medyo matagal na niyang hawak ang kamay ko. Pinamulahan siya ng mukha at dali-daling binawi ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya, at lalo pa nga siyang namula. Hala, ano'ng nangyayari sa kanya?
"Are you alright? Namumula ka oh. Nilalagnat ka ba?" ang sabi ko. Inilagay ko ang likod ng palad ko sa kanyang noo. Ay naku, kung posibleng mamula pa siya ng mas malalim kesa kanina, siguro nangyari na 'yun.
"I-I'm f-f-fine. Thanks." ang sagot naman niya. Nakita ko ang pag-ngisi ni Sharpay, at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Justin. Nilingon ko si Micco at nakita ko ang naaaliw niyang ekspresyon sa mga nangyayari.
"Are you sure? Umupo ka muna dito oh." ang sabi ko sabay hatak sa kanya. He silently followed, not minding Sharpay's and Justin's laughter.
"Drinks, gusto mo?" ang tanong ko ulit sa kanya. Umiling siya, at biglang nagsalita si Sharpay.
"Husband material. Love it!" ang sabi niya at parang kinikilig.
"Shut up!" ang sagot ni Xander. Mapula pa rin ito hanggang ngayon.
"So, boyfriend mo iyon?" ang biglang tanong ni Justin. Tumingin ako sa kanya, naguguluhan sa kanyang sinabi.
"'Yung nang-iwan sa iyo?" ang dugtong niya.
"Naku kanina pa niya dini-deny 'yan." ang pagsabat ni Micco.
"'Hay, ano ba? Hindi nga! Hinde!" ang natatawa kong tugon. Ang kulit naman pala ng mga ito.
"Talaga?" ang sabi ni Xander. Bakit parang napaka-over eager ng tanong niya?
"Oo nga, ang kukulit nyo naman." ang sagot ko.
"E itong si Micco?" ang tanong uli niya.
"Ano si Micco?" ang tanong ko.
"Boyfriend mo?" ang sabi ni Xander. Ha? Ano daw? Tumingin ako kay Micco na halatang nagpipigil ng tawa. Pero hindi rin nito napigilan ang sarili at tumawa ito. Bigla niya akong kinabig at inakbayan.
"Oo, boyfriend ko si Edge." ang sabi ni Micco. Tang*nang ito. Pauso. Pero kakakilig. Hahaha.
"Hoy, magtigil ka nga! Kakakilala pa lang natin, ah. Baka sabihin ng nanay ko naglalandi na agad ako. Hahahaha" ang natatawa kong tugon. Nakitawa naman sila maliban kay Xander na parang naiinis sa takbo ng usapan.
"Pero, seriously, Micco. Bi ka ba?" ang prangkang tanong ni Sharpay. Tumingin ako kay Micco, at sinagot ang tanong sa kanya ng nakangiti.
"Yes." ang honest na sagot niya.
"Bingo! Eh ikaw Edge? Ang hirap mo kasing basahin. Ewan ko, parang pumalya ang gaydar ko sa'yo." ang natatawang sabi ni Sharpay. Nag-isip muna ako bago sumagot. Wala naman sigurong mawawala kapag sinabi ko ang totoo. After all, bago pa lang kaming magkakakilala.
"Yes. But very discreet. Hindi nga alam nung kasama ko kanina na Bi ako." ang sabi ko sa kanila. Bakit ganun, lahat sila parang tuwang-tuwa sa sinabi ko?
"Bakit labas gilagid ang mga ngiti ninyo?" ang natatawa kong tugon.
"WALA!" ang sabay-sabay nilang sagot.
-------
"Xander.."
"I wanted to be as close as I can get to you, yet you're still unreachable. Nahirapan akong abutin ka sa paraang alam ko. I did my best para mapansin mo, I did everything to impress you. Pero sa iba mo ibinigay ang mga tingin na gusto kong mapasaakin. It's hard, but slowly I accepted the fact that not all things are meant to be mine. That's the day you ang Micco.." hindi na niya naituloy ang sasabihin. Tahimik siyang yumuko at lumuha.
"Xander.."
"I'm sorry, Ed." ang sabi na naman niya.
"P* cha naman Xander, bakit ka ba sorry ng sorry?" ang medyo mataas na tono kong sabi. Napatingin siya sa akin. Agad ko naman siyang hinila para yakapin.
"Sana noon pa lang sinabi mo na. Ikaw tuloy ang nahirapan. Xander, I should be the one saying sorry. I'm so clueless. Pasensya ka na at manhid ako." ang sabi ko sa kanya. Kumalas ako sa yakap na ginawa ko at ikinulong ng aking mga kamay ang kanyang mukha. Tumingin ako sa kanyang mga matang nangungusap.
"I can't promise anything, Xandy. But I want you to know that I'm within your reach." tumigil ako sandali upang kabisahin ang kanyang mukha. Isa siyang tunay na anghel.
"You'll always be my Xandy." ang sabi ko, sabay halik sa kanyang pisngi.
"Ed.."
Nginitian ko na lang siya. Hindi ko alam kung may nararamdaman na ako para sa kanya. Ewan. Hindi ko alam kung ang halik na pinagsaluhan namin ang magdidikta ng lahat. Ang alam ko lang...
Isang tao lang ang itinitibok ng aking puso.
"Matulog ka na. Alam kong pagod ka na." ang sabi ko kay Xander.
"Matulog na tayo." ang sabi niya sabay ngiti. Hay, buti naman at ngumiti na siya. Bigla naman niyang kinuha ang kamay ko sabay sabing "Game!"
"Ha? 'Dun ako sa guest room matutulog." ang sagot ko naman.
"Hindi. Dito ka matutulog." ang sabi niya sabay turo sa kama niya. 'Nak ng pusa naman oh. Tae, hindi pwede ito. Baka hindi ako makapag-pigil. Hahaha.
"Ah eh.." ang tanging nasabi ko. Nag-init ang mukha ko dahil sa naisip. Ogag ka Edge, malisyoso!
"Matutulog LANG tayo, Ed. PROMISE!" ang natatawa niyang sabi, sabay taas ng kamay niya.
"Hindi ako naniniwala." ang sabi ko.
"Bakit naman?" ang tanong niyang nakataas pa rin ang kamay.
"Kaliwang kamay kaya ang itinaas mo. 'Diba 'pag nanunumpa kanang kamay ang itinataas?" ang sagot ko sabay nguso sa kamay niya. Natawa naman kaming pareho dahil doon.
"Ok, sige. Kukunin ko lang ang gamit ko sa guest room." ang sabi ko sa kanya sabay lakad papuntang pinto. Bago ko pa makalapit ay niyakap niya ako mula sa likod sabay halik sa pisngi ko. Agad din naman siyang kumalas at naglakad patungo sa banyo sa kanyang kwarto.
"Para saan naman iyon?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman." ang nakangiti niyang sagot sabay pasok sa loob ng banyo. Ano daw?
Napailing na lang ako.
-------
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Hmm..
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Huh?
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Naalimpungatan ako sa tunog na iyon. Ano kaya iyon? Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto ako ni Xander. Saan kaya nanggagaling ang tunog na iyon?
Bzzzzzttt. Bzzzzzttt.
Napalingon ako sa side table. Ayun. Ang cellphone ko pala. Naka silent kasi iyon at naka- vibrate mode. Nakataob kasi ang pagkalapag ko dito kaya walang ilaw na makita. Kinuha ko naman ito, at nagtaka ako sa nakita.
Clyde.
Tumatawag si Clyde? Ang oras sa cellphone ko ay 1:47 am. Ang aga namang tumawag nito. Bakit kaya? Para hindi maistorbo si Xander ay dahan-dahan akong bumaba sa kama. Nahirapan pa nga ako dahil nakatihaya ako at nakadantay naman ang kamay at binti niya sa akin habang nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko. Hay, naman. Hindi nagtagal ay naka-alis na rin ako. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa balcony ng bahay nila.
"Hello?" ang sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
"Edge? Edge.." ang sabi ni Clyde. Hala..
"Lasing ka ba?" ang tanong ko. Ang mokong na ito, ano kayang nangyari sa kanya?
"Hindi.. Nak.. Naka-inom lang.." ang sagot naman niya. P*cha, naka-inom nga siya.
"Ok.. Asan ka?"
"Nandito na ako.. Sa amin.." ang sagot niya. Siguradong may problema ito kaya hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.
"May problema ka ba?" ang tanong ko.
"Oo.. Alam mo kase.. May m-ma.. Mahal akong.. Hindi naman a..ako mahal.." ang sabi niya. Nalungkot ako bigla sa narinig. Ang lalaking lihim kong iniibig ay may minamahal na pala. Alam ko namang hanggang bestfriends lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Straight si Clyde. Pero kahit na gan'un, sinubukan ko pa ring tugunan ang sinabi niya.
"Paano mo naman nasabing hindi ka mahal ng taong iyon?" ang tanong ko sa kanya. Sa pagkakataong ito unti-unti akong kinakain ng kalungkutan. Hay, naman. Naiintindihan ko kung bakit hindi sinabi ni Xander na may damdamin siya para sa akin. Mahirap kasi talaga. Isa pa, ayokong i-risk ang friendship namin ni Clyde.
"Paano? Tuwing mag.. Magkasama kami laging ibang tao ang.. Bukang.. Bibig ni..ya.. Ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya.. Ang nararamdaman ko.. Pero wala.. Nagpa-impress a..ako.. Wala.."
"Clyde-"
"Bakit kasi napakaduwag ko at hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Alam mo.. Lagi niya akong pinasasalamatan dahil.. Malaki ang pinagbago niya nang.. Magkakilala kami.. Ang hindi niya alam.. Ako ang nabago niya.." at kasabay n'un ang mahinang pag-iyak niya. Umiiyak si Clyde? Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko hindi lang ito dahil sa kalasingan.
"Ssshhh best.. 'Wag kang umiyak. Tahan na best.." sh*t talaga.. Kung kailan kailangan niya ako saka pa ako wala sa tabi niya.
"I c-can't help it, Ed.. He's the one I wanted.." ang sabi niya. Ano daw? He? Lalaki ba ang tinutukoy niya? No, scratch that. Imposible. Maaaring dala lang ng kalasingan kaya mali ang nasabi niya. Oo, tama. Hindi ko na lang binigyan pa ng pansin ang bagay na iyon.
"Ok, Clyde. Ssshhh. I'm sorry hindi agad ako makapunta diyan. But I promise, pupuntahan kita pagkadating ko, ok? For now, take a rest." ang sabi ko sa kanya sa pinakamahinahon kong boses.
"Edge.."
"Clyde.. Just take a rest. I'll be there, I promise." ang sabi ko. Patuloy ko pa rin siyang pinapatahan nang marinig kong ibinaba na niya ang tawag. Hay, naman. Napatingala ako sa langit. Hindi ko man lang siya madamayan ngayon.
Sana bukas ay ayos na siya.
-------
Pagkakain ng agahan ay nagpaalam na ako kila Xander. Kailangan kong puntahan si Clyde ngayon. Sa buong agahan, napansin ko lang ang weird na tingin ni Justin at Sharpay sa akin. Ito talagang mga ito. Kaya bago pa ako mapag-trip-an ng mga ito, nagmadali na ako sa pagkain.
"Stay a little longer, Ed." ang pakiusap ni Justin sa akin nang ihatid na nila ako sa terminal ng bus. Gustuhin ko man ay hindi maaari.
"Sorry guys. I've an appointment today. Nakapangako ako eh. Next time ulit." ang pagtanggi ko.
"Ok, but could you tell the real score between you and Xander?" ang sabi ni Sharpay. Hala, ang babaeng ito. Kakulit.
"We're friends." ang tanging sagot ko.
"Gwapo ka, Edge. Pero, kailangan showbiz?" ang taas-kilay na sabi ni Sharpay.
"Kailangan din taas-kilay? 'Wag pagdikitin, baka mag-uni brow.." ang sagot ko naman. Natawa naman kami sa takbo ng usapan.
"Bye Edge." ang tanging sabi ni Xander. Niyakap ko siya at binulungan.
"Xandy.."
"Ed.." kumalas ako sa yakap at tumingin sa kanya.
"Smile naman d'yan." ang sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi. At hindi ako nabigo, ngumiti siya gaya ng inaasahan ko.
"Ayan, ang gwapo ng prinsipe ko." ang nasabi ko. Hala, bakit sinabi ko iyon? Nawawala ata ako sa sarili. Dahil doon ay pinamulahan ng mukha si Xander na ikinatawa naman nila Shar at Just.
"Sige na. Happy birthday ulit, Justin. Sa uulitin!" ang sabi ko. Niyakap ko silang tatlo at hinalikan sa pisngi.
"Sige. Ingat!" ang sabay-sabay nilang sabi.
"Ingat, mah..." ang mahinang sabi ni Xander. Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya dahil sa biglang pagbusina ng isang bus.
"Ano iyon?" ang tanong ko.
"Ah, wala. Sige na. Aalis na ang bus." ang nakangiti niyang sabi.
-------
Ding Dong!
Nasa tapat ako ng gate ng bahay nila Clyde. Ito pa lang ang pangalawang pagkakataong nakapunta ako dito. Noong unang punta ko dito, kaming dalawa lang ni Clyde ang nandito. Hoy, 'wag malisyoso. Nag-review lang kami dahil may exam kami noon. Hahaha.
May-kaya ang pamilya nila Clyde. Kung hindi pa ako nakarating dito sa kanila ay hindi ko pa malalaman iyon. Simple lang kasi si mokong. Natural na pumorma iyan paminsan-minsan, pero, basta. Hindi mo aakalain na may-kaya pala siya. May sarili siyang motorsiklo na ayaw naman niyang gamitin. Nang tanungin ko kung bakit ay ngiti lang ang isinagot niya. Siguro may kwento iyon, pero hindi ko na inusisa pa. May alaga din siyang siberian husky na si Jacob. Tae 'to, kapangalan pa nga ng isang character sa Twilight saga. Hahaha.
Ayan, lumilipad na naman ang isip ko. Hahaha. Pinindot ko ulit ang doorbell at sa pangatlong pagkakataon ay bumukas na ang gate.
"Yes, sino po sila?" ang tanong ng isang lalaking kahawig ni Clyde. Teka, siya kaya si Kuya Adam? Malamang. Hindi ko pa kasi siya nakita sa personal, puro kwento lang ni Clyde. Palibhasa favorite kuya niya ito.
"Ako po si Edge. Nand'yan po ba si Clyde?" ang tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin na parang nangangain ng pagkatao. Hala, may sayad din ata ito, ah.
"Oh. So ikaw pala si Edge. I'm Adam." ang sabi nito sabay abot ng kamay niya. Nakipag-kamay naman ako. Ewan ko ba, nakakailang namang tumingin ito.
"Ah, eh, si Clyde po?" ang tanong ko. Bakit ba ayaw niyang bitawan ang kamay ko?
"Nasa loob siya, nagpapahinga." ang sabi nitong nakangiti pa rin sa akin. Oh God. Ano po ba ito? Parang may X-ray vision ang lalaking ito. Pati ata buto ko (no pun intended, Ilocanos!) nakikita nito.
"Hoy Adam tigilan mo nga 'yang bata." ang sabi ng isang babae. Agad binitiwan ni Adam ang kamay ko, at gumilid sa kaliwa. Lumapit sa amin ang isang magandang babae na sa tingin ko naman ay ate ni Clyde.
"I'm Francheska. Halika sa loob, hinihintay ka ni bunso." ang sabi nito sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob. Ano kayang meron dito? Nanahimik na lang ako habang papasok sa bahay.
"Off limits itong si Edge. Ok?" ang biglang sabi ni Ate Cheska sabay lingon kay Kuya Adam na nakasunod sa amin. Napatingin ako kay kuya Adam. Itinaas nito ang dalawang kamay na sinasabing wala siyang gagawin. Lumingon ako kay ate Cheska, at ngiti lang ang itinugon niya sa akin.
Okkaaayyy... Sana naman alam ko ang nangyayari.
Pagpasok namin sa loob ay agad namang sumigaw si Ate Cheska.
"Ma, Pa! Nandito na po si Edge." ang sabi nito. Hala, tama daw bang i-announce ang pagdating ko. Ang nakapagtataka nga lang, parang ini-expect nila na darating ako. Sinabi kaya ni Clyde sa kanila? Paano, eh lasing iyon kagabi. Ah, ewan.
"Iho. Ikaw pala si Edge! Alam mo ba lagi kang bukang-bibig ni Clyde? Pa-kiss nga si tita Cynthia." ang sabi ng mama ni Clyde. Hala, ano daw? Lagi akong ikinikwento ni Clyde? At pa-kiss daw siya? Hala naman. Ang weird naman ng mga ito. Lumingon ako sa dalawang kapatid ni Clyde na halatang nagpipigil ng tawa. Oh God.
"Aba, nandito na pala ang favorite friend ng bunso ko. Tito Earl nalang ang itawag mo sa akin." ang sabi naman ng papa ni Clyde sabay ngiti. Utang na loob naman oh. Nagpapa-cute ba ang papa nila?
"All of you, leave him alone!" ang sigaw naman ng isang paos na tinig mula sa hagdanan. Bumaba ang may-ari ang boses at nalaman ko rin kung sino ito.
"Hi Clyde." ang sabi ko sa kanya. Nakapagtatakang namumula siya. Lumapit siya sa amin, at walang sabi-sabi ay hinila ako paalis sa kumpulang iyon. Dire-diretso kami hanggang sa hagdanan. Dadalhin ata ako nito sa kwarto niya. Lumingon ako sa pamilya ni Clyde na mga nakangisi. Ano ba! WEIRD!
"Go bunso!" ang malakas na sabi ni kuya Adam. Natawa ang lahat ng nasa sala. Eeehhh. Naman eh. Ano ba itong napuntahan ko? Nainis yata si Clyde, kaya lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Oh, well. Your family may annoy you to death sometimes. Hahaha.
"Uh, Clyde?" ang sabi ko ng marating namin ang kwarto niya. Binitiwan na rin niya ang braso ko at pareho kaming nakaharap sa isa't-isa.
"Edge, uhm, pasensya ka na sa kanila, ha? 'Wag mo na lang silang pansinin, ok?" ang tila nahihiyang sabi niya sa akin.
"It's ok. Nakakatuwa nga sila eh. Weird nga lang. O ano na? Bakit ganyan ang boses mo? Palaka. Paano mo na ako kakantahan niyan?" ang sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya. Namula ulit si mokong. Parang tanga lang.
"Eh kasi.."
"Iinom-inom ka tapos hindi mo ako isasali? Madaya." ang sabi kong patampo sa kanya.
"Pfft, eh kung sinu-sino nga ang kahalikan mo kagabi." ang mahina niyang sabi. Kahit mahina iyon ay narinig ko pa rin. Tahimik kasi sa kwarto niya.
"Hey. Nasa **** ka rin kagabi?" ang tanong ko sa kanya.
"Ah, eh.." ang tanging nasabi niya.
"Ikaw! Bakit 'di mo ako tinawag? Ipapakilala pa naman kita dun sa mga bestfriends ko. Kasi bestfriend din kita. Mokong ka." ang sabi kong nagtatampo pa rin.
"Eh di naistorbo ko ang eksena n'yo kagabi." ang medyo sarcastic niyang sabi.
"Eh kahit na! Hmmpp. Tapos ano? Magpapakalasing ka? Tapos may problema ka pala. Ni hindi man lang kita nadamayan sa drama mo kaninang madaling araw. Ano? Alam mo, ang dami-dami kong gustong malaman sa iyo. Alam kong may mga itinatago ka pa rin. Madaya ka Clyde. Hindi kita bati." ang sabi kong parang bata. Tampo effect lang kunyari. Pero ang totoo, marami pa talaga akong gustong malaman at itanong sa kanya.
"Nagtampo ka na niyan? Halika nga dito, favorite friend." ang sabi niya sabay yakap sa akin. Ay.. Naman eh. Masarap yakapin ang taong mahal mo, pero mas masarap kapag yakap ka niya. Ahahaha.
"Favorite lang?" ang tanong ko ulit.
"Bestfriend." ang sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Aaayyyiiieee!! Hahaha.
"May paghalik?" ang sabi ko.
"Ayaw mo?" ang natatawa niyang tanong.
"Ito naman, 'wag mo nang bawiin. Binigay mo na nga eh." at sabay kaming tumawa.
Kkkrrriiinnnggg!
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Hinila ako ni Clyde papunta sa kama niya. Dumapa siya doon habang ako ay naka-upo lang. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Patrick.
Aba. Si Pat. Pinindot ko agad ang green button.
"Pat?"
"Ed. Kamusta?"
"Ito, ayos lang. Ikaw? Kumain ka na? Ang aga mo namang tumawag." ang sabi ko sa kanya.
"Ayos lang naman. Oo, kumain na ako. Uhm.. Ed?" ang alangan niyang tugon.
"Yeah?"
"Libre ka ba ngayong hapon? I mean, uhm, labas, err, gala naman tayo oh." oh. Nag-aayang lumabas si Pat. Hay, siguro nalulungkot na naman ito. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa.
"Sige ba. Ano'ng oras ba? Sunduin kita mamaya."
"Mga 4:00. Sa labas na tayo mag-dinner. Ayos lang ba?" ang paninigurado niya.
"Oo naman. Sige sige." ang tugon ko. Kahit ano ay gagawin ko para sa kanya.
"Ok. Bye Ed. Thanks." ang sabi niya.
"Thanks? Saan?" ang takang tanong ko.
"Sa pagpayag mo."
"Ito naman, para yun lang. Sige na, baka maubos ang load mo." ang natatawa kong sagot. Ito talaga.
"Ok. Bye bhe.." ano daw?
"Huh?" ang tanging nasabi ko.
"Best." ang paglilinaw naman niya.
"Ok. Hahaha. Bye." at ibinaba na niya ang tawag. Si Patrick talaga. Ibinulsa ko na ang cellphone ko. Tumingin ako kay Clyde na ngayon ay nakatihaya na at nakatingin sa kisame. Mukhang malalim ang iniisip nito.
"Clyde?" ang pagpukaw ko sa atensiyon niya. Tumingin naman siya sa akin. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata. Ito na ang hinihintay ko. Dapat ay mag-open na siya sa akin.
"Clyde, sige na. Nakikinig ako." ang sabi ko. Wala sa sarili ay hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. Nagulat naman ako nang biglang pumatak ang luha niya. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ng kamay ko, ngunit patuloy pa rin siya sa pagluha.
"Clyde.."
"It's getting harder to keep this, Edge. Everytime I tried to hold it in, it's viciously trying to get out. I'm going crazy, Ed. I can't. I can't keep it anymore."
"Clyde.." ang tanging nasabi ko. Inalalayan ko siya paupo sa kama, at niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit ako, nasasaktan sa mga nangyayari. Ayaw kong nakikita siyang ganito. At isa pa, alam kong ang sinasabi niya ay may kinalaman sa taong mahal niya, na kailanman ay hindi magiging ako.
"Ed, ayoko nang maglihim pa." ang sabi niya.
"Ssshhh. Clyde, you don't have to tell me everything. It's ok. Just calm down. Tahan na." ang sabi ko naman.
"No, Edge. I must say this." ang matigas niyang sabi.
"Clyde." at ang mga sumunod na narinig ko ang nakapag-pabaligtad sa mundong ginagalawan ko.
This is real.
"I love you, Edge."
[ITUTULOY]
Followers
Sunday, November 21, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
O may gad parang feeling ko matatapakan ko na ang buhok ni edge sa kinatatayu.an ko sa haba nang hair nya.
ReplyDelete