Followers

Tuesday, November 2, 2010

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 6

Chapter 6

-AN-

                Sa buong araw ko sa campus, wala namang naging problema sa aking first 3 classes.  As usual, halos lahat ng classmates, pati na rin instructors, ay mababait sa akin.  May mga nagpiprinsita kasi na magpakopya o magpaxerox ng notes nila.  Hindi naman ako tamad mag-notes pero dahil me nag-ooffer sino ba naman ako para tumanggi.  Alam ko namang karamihan sa kanila ay nagpapacute lang pero dahil isa akong ‘one woman man’, hindi ko na lang sila pinapansin.  Merong magaganda at sexy rin pero hindi ko ipagpapalit ang aking girlfriend ngayon.
                Hindi pagmamalabis kung sasabihin kong si Katrina na ang pinakamaganda at sexying babae sa campus.  Bukod pa dito, masasabi ko rin siya ang pinakamagaling kong nakaniig sa kama.  Kaya bilang lalaki, wala na akong mahihiling pa sa kanya.  Mag-si-6 months na rin simula nang kami ay maging magsyota. 
Naalala ko pa, kasama ko ang aking mga kaibigan habang nag-iinuman sa isang malapit na bar dito sa campus, ng lapitan ako mismo ni Katrina.  Siya na ang gumawa ng excuse sa friends ko para mailabas ako sa bar na yun at dumeretso sa aking condo unit.  At nagsex kami ng gabing un.  Kinaumagahan, nagkakwentuhan kami at sinabi nyang bagong transfer lang siya sa campus namin taking up the same course I have.  She take that as a hint para yayain nya akong maging kami.  Yes, siya pa ang nagyaya sa akin.  Dahil wala naman akong girlfriend nung time na yun at hindi ko malimut-limutan ang sex namin kagabi, sinagot ko na rin siya.  Since then, naging kami na.
Ang hindi ko lang magustuhan sa girlfriend ko ay ang medyo kagaspangan ng pag-uugali nito.  Hindi man niya halos ipinapakita sa akin, pero napapansin ko kung gaano siya kaharsh sa ibang tao.  Isang araw nga ng magkikita kami sa isang tagpuan, narinig ko kung paano niya sigawan at murahin ang isang batang musmos na nagtitinda ng sampaguita.  Nakita ko kung gaano siya kagalit sa bata pero ng makita ako ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha.  Kumaripas naman ng takbo ang kaawa-awang bata habang ang mata ay luhaan.  Nang tinanong ko siya kung anong nangyari, nagdahilan lang itong nakulitan siya sa bata kaya pinaalis nya.  May ibang pagkakataong napapansin ko ito pero dahil hindi naman nya sa akin ipinapakita ipinagkikibit balikat ko na lang.         
First time ko lang nakita si Katrina nag-outburst sa buong pagsasama namin.  Ito ay nuong ipinahiya kami noong hapong hilaw naming kaklase. Kahapon ng sabay-sabay kaming maglunch ng aking friends, itinanong ko si Yuri kay Keith, ang college representative ng college nila.  Sinabi nya sa akin kung paano kilala ito sa college nila kahit wala itong kaibigan.  Ikinuwento rin nito kung paano rin siya ipinahiya ni Yuri nuong campaign period ng election.  Nagtawanan na lang kami habang inaasar ito na hindi umepekto ang tinatawag nitong charm.  Bumalik naman ito nang pang-aasar sa akin dahil hindi rin umepekto dito ang sinasabi ko.
.
Ang medyo kakaiba ko lang napansin sa araw na ito ay ang hindi namin pagkikita ni Katrina.  Kalimitan kasi kahit hindi tugma ang skeds namin humahanap pa rin siya ng time para kami’y magtagpo.  Nagtext na lang kasi ito na sa PE na lang kami magkita.
Parehas naming kinuha ang PEng ito dahil ito lang ang tanging PEng may dalawang slot na natira.  Pinipilit kasi ni Katrina na kahit sa PE man lang ay maging magkaklase kami na pinayagan ko na lang.  Umuwi muna ako saglit sa condo upang magpalit ng outfit na requirement sa subject na iyon.  Pinili ko ang isang bagong ‘Adidas’ jogging pants at isang fit na puting damit na nagpakita ng aking kagwapuhan at kakisigan.  Pagkatapos pumasok na rin ako sa aking huling klase sa araw na iyon, ang PE. 
Pagdating ko sa building 10 minutes bago ang time, dumeretso muna ako sa CR.  Umihi lang ako at ng ako’y lalabas na, pumasok naman si Yuri.  Alam kong magpapalit lang ito ng damit dahil nakalabas na ang mga isusuot nito bago pa siya pumasok sa CR.  
Naghuhugas ako ng kamay habang palihim ko siyang inoobserbahan.  Walang anu-ano ay naghubad na lang ito ng damit.  Nakita ko kung gaano kaputi ang katawan nito.  Masasabi ko ring parang naggygym ito dahil sa pagkadefine ng muscles nito.  Bukod kasi sa medyo may kalakihang biceps at triceps, meron din itong medyo may kalakihang dibdib at flat na tiyan na may 6-pack abs.  Kapansin pansin rin ang malalaking pilat sa dalawang tagiliran nito at mga medyo di kalakihang pilat sa harapan at likurang bahagi ng kanyang katawan. 
Bigla ko na lang napansin na nakatingin na siya sa akin habang itinigil naman niya ang kanyang ginagawa.  Napahiya ako sa tingin nya kaya dali-dali ko nang tinuyo ang aking kamay at lumabas.  Hindi ko kasi akalain na ang maliit na taong ito ay may ganoong katawan kaya kahit sino ay makakapansin. 
Dumeretso na ako sa aming room.  Bago pa ako pumasok sa silid, naabutan ko ng nakikipagkuwentuhan si Katrina sa tatlo pang babae na hindi ko na maalala ang pangalan.  Binati naman niya ako ng pasigaw ng mahagip nya ako sa tingin.  Sinenyasan lang nya ang mga kausap bago ako pinuntahan ay biglaang halikan sa labi.  Hindi ko na siya tinugon ng halik dahil lahat ng mata ay nakatingin sa amin.  Tinigilan naman niya ito ng mapansing hindi ako tumutugon at binulungan ko siya ng  “Wag dito”.  Iba na kasi ang audience ngayon, mga kaklase na namin.  Isa pa baka mapagalitan din kami ni sensei pag naabutan nya kami sa ganong lagay. 
Hindi pa man nakakabawi sa eksena namin ni Katrina, pumasok naman si Yuri ng silid.  Suot nito ang puting T-shirt na medyo hapit sa katawan at isang puting ring pang-ibaba.  Hindi ito pants at hindi rin ito jogging pants.  Sa buong klase siya lang ang may suot ng ganong istilo.  
Dahil sa likod na bahagi ng silid inilalagay ang mga bag o gamit ng mga mag-aaral, tuluy-tuloy naman siya sa paglalakad papunta dun.  Napansin ko na lang na isa sa mga babaeng kausap ni Katrina kanina ay nakaupo na ngayon sa rubber mat na tila nagsstretching ng bigla niyang iniharang ang paa sa dadaanan ni Yuri ng malapit na malapit na ito.  Imbes na matalapid sa biglaang pagharang ng paa, napasigaw na lang sa sakit ang babaeng humarang na naging dahilan upang doon mapadako ang tingin ng mga mata.  Nasipa kasi ni Yuri ang paa nito na naging dahilan upang mapaaray ito sa sakit.
“Sorry” ang tangi lang itinugon ni Yuri.  At dumeretso na ito sa paglalakad. 
Ang isa naman sa kasamahan ng babaeng namimilipit pa rin sa sakit ay biglang nagsalita, “Ayun lang ba ang sasabihin mo? Tingnan mo nga itong kaibigan ko, hanggang ngayon namimilipit pa rin sa sakit.”
Wala namang itinugon at ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Yuri sa sinabi ng babaeng ito.  Magsasalita na sana ulit ito ng may isang babaeng biglang nagsalita,  “Miss, hindi mo ba nakita, yang kaibigan mo ang biglang humarang ng paa sa dadaanan ng tao.  Feeling ko nga parang gusto nyang manalapid eh.  Buti nga sa kanya.”  May kaliitan ang babae at tanda kong ito ang nasa unahan ng first line, katabi ni Yuri.  Tiklop naman ang babaeng nagtanggol sa kaibigan dahil hindi na ito nagsalita. 
Nakita ko namang tiningnan ni Yuri ang babaeng nagtanggol sa kanya at binigyan ito ng pagkatamis-tamis na ngiti.  Ngiting parang anghel.  Sandali lamang ito ngunit ang napakagandang ngiti nito ay makakabighani sa sino man ang makakakita. 
Mabibighani?  Am I attracted to HIS smile? Naku, mali.  Lalaki si Yuri.  Malamang dahil ngayon lang ito nagbigay ng hayagang emosyon kaya naman parang anghel ang tingin ko dito.  Ayun na nga siguro iyon.
Nasa ganito akong pag-iisip ng mag-salita ang aming sensei ng “Seiretsu”.  Isang command ito na nakalagay sa readings na ibinigay sa amin ni sensei.  Ibig sabihin, fall in line.  Mayroong hindi nakagets sa sinabi ni sensei kaya nagsalita na ulit ito ng, “By next meeting, I want you to read the pamphlet I gave you. I want you to memorize every command that we will use in this course.  Sa hindi nakakaintindi, ang ibig sabihin ng ‘Seiretsu’ ay fall in line” ang awtoritadong sabi ng aming sensei.
Dali-dali naman kaming luminya lahat dahil na rin sa takot kay sensei.  Pangalawang meeting pa lang, pinagalitan na agad kami.  Mukhang strikto ito.
Nang makalinya ang lahat, nagsimula na rin ang warm-up exercises.  Habang nag-eexercise, palihim pa rin tumitingin kay Yuri.  Mukhang simpleng simple lang ang mga ito sa kanya dahil wala kang makikitang bakas ng paghingal habang nag-eexercise.  Nang matapos na ang warm-up, ni wala man lang pawis na tumulo sa kanya habang ang karamihan kasama na ako ay basang basa na.
“You will learn today some basic stances and some basic punching techniques”, si sensei at nagsimula na nga siyang magturo.  Habang nagtuturo ng punching techniques, ilang beses nyang napuna si Yuri na iba ang ginagawa sa itinuturo nya.  Imbes kasi na sa may baywang mangaling ang suntok, sa ilalim ng kilikili nya hinuhugot ito.  Ang resulta, sa tuwing magagawi si sensei kay Yuri, palagi na lamang niya itong itatama.  Dumating pa nga sa puntong, kailangan na talagang hawakan ni sensei ang kamay nito, para lamang ibaba sa tamang pagmulan ng suntok. 
Habang nililibot ni sensei ang ibang estudyante, napansin ko na lamang na umaagos na ang luha ni Yuri sa kanyang mga mata.  Walang senyales ng takot sa sensei o lungkot sa pagkapahiya dahil ang kanyang default na facial expression ang gamit nito.  Tila hindi nya alam na lumuluha na pala siya dahil ng mapansin nya ito, dali-dali naman nyang pinahid ito ng kanyang shirt na suot. 
Naawa naman akong bigla ng makita ko siyang umiiyak.  Marahil kahit papaano napapahiya pa rin siya sa kanyang pagkakamali.  Tila may kamay na kumurot sa puso ko ng makita ko ito.
Hindi rin nakaligtas kay Katrina, ang pag-iyak ni Yuri.  May mala-demonyong ngiti naman ang sumilay dito ng makita ito. 
Napansin rin ni sensei na umiyak rin si Yuri dahil sa namumugtong mata dulot ng pagpahid ng luha, kaya bago natapos ang klase nagsalita na lang ito ng, “I’m sorry if I’m harsh to everyone.  I’m just doing this for you to learn karate properly.”  At idinismiss na rin kami.  Nakita kong sinenyasan ni sensei si Yuri upang makausap ng sarilinan at nagsi-alisan na rin ang ilan naming kaklase.
Sinabihan ako ni Katrina na maghintay at dali-dali namang pumunta ito sa mga babaeng kausap nya kanina na nasa likuran ng linya.  May ibinulong siya sa mga ito at sila’y naghagikgikan.  Nang makapasok na ulit si Yuri upang kuhanin ang bag, nagsalita ulit ang babaeng nasupalpal kanina ng, “Wow, drama king naman pala eh.  Akala mo kung sinong suplado, bobo naman pala.  Simpleng instruction lang hindi pa ma-gets.” ang maarteng daldal nito ng makitang malapit na sa kanila si Yuri.  At naghagikgikan ulit sila kasama si Katrina.
Tila wala namang narining si Yuri dahil wala man lang itong reaksyon sa sinabi ng babae.  Ni hindi man lang sila tiningnan nito.  Kinuha lang nito ang bag at umalis na.  Mas lalo namang nainis sina Katrina dahil tila walang epekto kung ano mang sabihin nila dito.  Parang sila pa ang napahiya, sa ibang tao dun dahil para silang mga baliw na kung anu-ano ang sinasabi. 
Mabilis naman akong niyaya ni Katrina papuntang kotse at dun nagsisigaw ng dahil sa galit. Hindi ko na lang ulit ito pinansin at pinatakbo ang sasakyan sa patutunguhan.

-Yuri-

                Naging smooth naman ang mga klase ko sa araw na ito.  Kahit sa lecture class ng aming computer subject, walang problema.  Akala ko, mahihirapan ako, hindi naman pala.  Idinidiscuss kasi sa lecture ung pinakabasic tungkol sa computer lalo na ung mga parts nito.  Dahil bago ito para sa akin, talaga namang nakafocus ako sa pakikinig sa aming professor. 
                Napansin ko ring nakaupo sa malayong bahagi ng lecture hall ang aking kapartner sa laboratory class na si Keith at tila busy ito sa pakikipag-usap sa katabi habang naglelecture si Sir.  Kahit natawag ko na siyang kaibigan, hindi pa rin ako sanay na ako ang mag-aapproach sa kanya.  Kaya ng mapansin ko siyang pumasok ng lecture hall, hindi na ako lumipat ng upuan para makatabi siya.  Isa pa, baka labas lang sa ilong nito ang pakikipagkaibigan sa akin dahil kapartner ko nga siya sa laboratory.
                Naikuwento ko kay ina ang aking attempt na makipagkaibigan na lubos naman nitong ikinatuwa.  Nang malaman niyang crush ko ito na naikwento ko na sa kanya, mas natuwa pa nga ito at tila kinilig.  Ang sabi ko na lang, “Ina, kung magiging kaibigan ko siya talaga, ikukwento ko kung ano ako.  Pero baka po kapag matatapos na ang semester para hindi kami mahirapan kung saka-sakaling mag-iba siya dahil sa ipagtatapat ko”  Ang malungkot kong sabi sa huli kong tinuran.
                “Yuri, malaki ka na kaya alam mo na ang tama. Pero dapat magtiwala ka pa rin sa mga magiging kaibigan mo.  Huwag mong iisipin na hindi ka nila matatanggap.  Dahil kung tunay mo talaga silang kaibigan, kahit ano ka pa, basta wala kang inaagrabyadong tao, matatanggap ka nila.” ang makahulugang tugon ni ina.
                Nalibang ako sa pakikinig kaya hanggang matapos ang klase, hindi ko nabantayan ang oras.  Mahigit ten minutes na lang pala at PE na.  Dali-dali akong nag-ayos ng gamit at nagmamadaling tumakbo papuntang kabilang building.  Kailangan ko pa kasing magpalit ng PE attire kaya nung makinig kong tumatawag si Keith, hindi ko na ito pinansin. 
                Pagdating sa building ng PE, dumeretso na ako sa CR upang magpalit ng damit.  Ang isusuot ko lang naman ay puting t-shirt at siyempre ang aking pambabang karate gi.  Inilabas ko na rin ang mga ito habang naglalakad para makasave ng oras.  Pagkapasok ko sa CR, nakita kong naghuhugas naman ng kamay si AN.  Guwapong-guwapo ito sa suot nitong puting shirt at blue jogging pants.
Walang pag-aatubili ko namang hinubad ang aking damit.  Nang mapansin kong nakatitig siya sa akin, tiningnan ko lang din siya ng mariin.  Nagulat marahil siya sa katawan ko dahil kahit maliit ako, halos kalevel ko na ang katawan nya.  Pagkalabas nya, mabilis ko ng isinuot ang aking gagamiting attire sa karate.  Pagkabihis, tinungo ko na ang aming silid. 
Lahat ata ng kaklase ko ay andun na dahil sa rami na ng estudyante ng pumasok ako sa silid.  Buti na lang wala pa ang aming sensei kaya naman nakahinga ako ng maluwag pagkapasok sa silid.  Pero bigla naman itong napaltan ng kurot sa damdamin ng makita kong naghahalikan ang magsyotang AN at Katrina sa loob ng silid.  Sana mapagalitan ang mga ito kapag nakita ni sensei.  Pero nakita kong si Katrina rin ang bumawi sa halikan ng dalawa at may ibinulong si AN sa kanya. 
Nang makabawi sa sandaliang pagkabigla, dali-dali ko namang tinungo ang likurang bahagi ng silid upang ilagay dito ang aking gamit.  May napansin akong tatlong babaeng bukod tanging nakaupo sa rubber mat na parang nagsstretching.  Hindi ko naman sila pinansin pero ng makarating ako sa kanilang gawi napansin kong biglang iniharang ng isa ang paa sa aking dadaanan.  Hindi ko na nabawi ang aking paa bagkus idineretso ko ang paglalakad.  Ang resulta, nasipa ko siya.  Hindi naman ako basta-basta natatalapid ng ganon dahil na rin sa aking alam kaya naman parang nasaktan ko pa siya. 
Humingi na lang ako ng sorry kahit alam kong wala naman talaga akong kasalanan sa nangyari.  Ngunit ang isang kasamahan nito ay hindi ito pinalampas at sinigawan ako ng, “Ayun lang ba ang sasabihin mo? Tingnan mo nga itong kaibigan ko, hanggang ngayon namimilipit pa rin sa sakit”.
Hindi ko rin ito pinansin dahil hindi naman talaga ako nakikipag-argumento.  Nang akmang mag-sasalita ulit ito, meron naman isang babaeng nagsalita ng mahinanhon pero malakas ng, “Miss, hindi mo ba nakita, yang kaibigan mo ang biglang humarang ng paa sa dadaanan ng tao.  Feeling ko nga parang gusto nyang manalapid eh.  Buti nga sa kanya.”  Siya ung katabi ko sa linya. 
Hindi na nakapagsalita ang babaeng kasamahan ng nasaktan kaya binigyan ko naman ng pagkatamis-tamis na ngiti ang babaeng nagtanggol sa akin.  Ginawa ko ito bilang pasasalamat sa kanya kahit hindi ako bastabasta nagpapakita ng emosyon sa ibang tao.  Siya kasi ang unang taong nagtanggol sa akin sa publiko kaya natuwa talaga ako.
Nang nailagay ko na ang aking gamit sa likuran, bigla namang nagsalita si sensei ng “Seiretsu”.  Kaya naman dalidali akong pumunta sa aking linya.  Medyo nagalit pa si sensei dahil karamihan kasi ay hindi agad luminya kahit naibigay na niya ang command.  Nagwarm-up exercises na rin kami para ihanda ang muscle sa gagawing training pero mas matindi pa rin ang aking warm-up exercises sa bahay kaya ni hindi man lang ako pinawisan. 
Hindi ako masyadong nag-alala sa sinabi ni sensei na basic stances at punching techniques ang aming pag-aaralan.  Pero ng dumako na kami sa punching techniques, lagi na lang akong itinatama ng aming sensei sa pagkakalagay ng aking kamay.  Sa istilo kasi namin sa Kyokushin, ang pinagmumulan ng kamay sa pag-suntok ay sa ilalim ng kilikili.  Kaya naman hindi ko inaasahan na malaki pala ang pagkakaiba ng istilong ito sa aking nakagisnan. 
Naalala ko rin ng magsimula akong mag-aikido noong sampung taong gulang ako, limang taon na rin akong nagsasanay sa karate sa ilalim ng aking ama.  Dahil sanay na rin ako sa karate ni ama, masyado rin akong nahirapan sa pagkakaiba ng galaw ng dalawang ito at kinailangan ko pa ng mahigit isang taon mamaster ko lamang ang mga basic na galaw ng aikido. 
Kung noong 10 years old ako kung saan nag-aaral pa lang ako ng limang taon sa karate, kinailangan ko ng isang taon para mamaster lamang ang basic na galaw ng bagong martial arts, paano pa kaya ngayong magbebente na ako kung saan 15 years na akong nag-aaral.  Sobrang mahihirapan ako nito.  Baka nga hindi ko talaga matanggal ang habit ko sa aking istilo at maging dahilan pa ito sa aking pagbagsak sa PE.  Kung nandito lang sana si ama, tiyak akong kahit papaano, matutulungan nya ako sa pag-aadjust sa bagong galaw. 
Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng maramdaman ko na lang na may tumulong tubig sa aking paa.  Hindi ko napansin na naluha na naman pala ako dahil sa pagkakaalala kay ama.  Dalidali ko namang pinunasan ito ng aking shirt na suot.  Napansin kong nakatingin sa akin ang aking dalawang katabi, sa kaliwa, ang babaeng nagtanggol sa akin na may malungkot na ekspresyon at sa kanan, ang babaeng nang insulto sa akin nung last meeting na hindi itinatago ang malademonyong ngiti habang nakatingin sa akin. 
Mukhang napansin rin ni sensei ang aking pag-iyak kaya naman sinenyasan nya ako upang makausap ng sarilinan matapos nya kaming idismiss.  Sinundan ko siya at nang kaming dalawa na lamang, nagsalita siya ng, “Pasensya na Yuri kung medyo naging marahas ako sa pagtuturo sa iyo at parang napapahiya kita sa klase.  Believe me it was never my intention.  Gusto lang naman kitang matuto ng tama.”
“That’s fine sensei.  Hindi naman po dun kung bakit ako umiyak.  Naalala ko lang po ang aking namayapang ama noong nagtuturo kayo.  Before magsembreak lang po kasi siya namatay kaya bago lang.”  Ang pagtanggal ko sa kanyang pag-aalala.  Hindi ako bastabasta nag-oopen up pero mukhang naguilty kasi siya sa pagcorrect nya sa akin kaya nya ako kinausap.  Isa pa, parang nakikita ko sa kanya si ama sa kanyang pagsasalita.  Nakakatakot sa training, malumanay sa personal. 
“Oh really? I’m sorry to here that.”  Ang kanyang naitugon. “Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin.  I’ll try my best to help.”  Pagkatapos noon, nagpaalam na rin siya dahil meron pa raw siyang meeting.  Binilinan pa nya ako na mag-usap raw kami sa ibang pagkakataon dahil meron raw siyang gustong itanong akin.
Matapos ang aming mabilis na pag-uusap, bumalik ako ng silid upang kunin ang aking naiwang gamit.  Pagpasok ko, nakita ko ang tatlong babaeng nakaengkuwentro ko kanina kasama si Katrina.  Nakarinig ako nang mga mapang-insultong kumento pero hindi ko sila pinansin.  Derederetso kong kinuha ang aking gamit at naglakad na tila walang naririnig.

Tinahak ko ang daan patungong college of engineering para makausap ang lecturer sa programming namin.  Binalak ko na ito dahil ang consultation hours nito ay sakto pagkatapos ng PE.  Balak ko rin kasing magpaturo pa ng basic tungkol sa computer para hindi kami masyadong magtagal ni Keith sa Sabado.   

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails