Followers

Sunday, November 28, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 5

Photobucket

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.


CHAPTER 5



MALALAKAS na katok ang gumising kay Bobby mula sa pagkakatulog. Pupungas-pungas na tumingin siya sa wall clock sa ding-ding. Ala-una pa lang ng tanghali. Mga limang-oras din siyang nakatulog. Papatayo na siya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rovi at dalawa pang lalaking kasama nito. Matitikas din at may magagandang pangangatawan bagama't yung isa ay nakangiti habang ang mas matangkad sa dalawa ay napaka-seryoso at nakaka-intimidate ang dating.

"Kayo pala Sarge. Bubuksan ko na sana kaso naunahan niyo ako." aniya sa mga ito.

Nilangkapan niya ng bahagyang sarkasmo ang tinig para iparating ang disgusto niya sa ideya na malaya ang mga itong makakalabas-masok ng silid na inuukopa niya. Hindi naman siguro masamang magkaroon siya ng privacy kahit pa halos bihag din siya roon kung maituturing.

"Pasensiya ka na. Pero kumatok naman kami. Hindi ka nga lang pwedeng magkaroon ng privacy kasi kailangan namin ng impormasyon sa iyo every now and then." ani Rovi na parang nabasa ang naisip niya.

Nailang siya sa matiim na titig ng mga ito lalo na yung pinakamatangkad. Tiningnan niya ang mga ito isa-isa. Mukhang kung lalaban siya sa mga ito ay mapupuruhan siyang tiyak. Teka, mga kasamahan yata ito ni Rovi. Naalala niyang bigla ang tiyahin.

"Kayo po ba ang kasama ng tiya ko papunta rito?" tanong ni Bobby sa mga kasamahan ni Rovi.

"Hindi. Pero narito na ang tiyahin mo. Nasa ibaba. Siya nga pala, mga kasamahan ko. Sila Tinyente Rick at Sarhento Jerick. May itatanong lang sila sa inyo ni Mandarin mamaya." sagot ni Rovi sa kanya sa halip na ang mga ipinakilala.

Inilahad niya ang kamay kay Rick pero tiningnan lang nito iyon at sa halip ay si Jerick ang kumuha sa kamay niya ng akmang ibababa na niya iyon.

"Hello. Akala ko kanina nabuhay na si Rico Yan." nakangiti nitong sabi sa kanya.

Napatawa siya sa biro nito. "Hawig lang po kami. Mas magandang lalaki naman ako dun." ganting biro niya.

"Nakakita ka lang ng gwapo nagkaganyan ka na. Umayos ka nga. Parang di ka Sarhento sa inaasal mo. At ikaw, chummy ba tayo para makipag-handshake ka?" mahina lang ang boses nito pero damang-dama niya ang iritasyon sa bawat katagang binitiwan ni Rick.

Bahagyang napapitlag si Bobby sa angas na iyon ng Tinyente. Putsa! Kahit pala lalaki siya pwede siyang tumiklop sa ganitong klase ng kabaro niya. Pero siyempre, mas nanaisin pa niyang tumalon sa bangin kaysa ang ipakita sa mga ito na naintimidate siya.

"H-hindi naman sa G-ganoon, T-tinyente." nauutal niyang sabi. Lihim niyang pinagalitan ang sarili.

"Huwag mong pansinin iyan. Kung baga sa babae kasi nagkaka-PMS iyan. Halika, tingnan natin ang Tita mo sa ibaba. Tiyak matutuwa iyon na makita ka." sabi sa kanya nung Jerick sabay hila sa kanya sa braso. Inismiran naman nito ang tinyente.

"And where do you think you're going? Sinabi ko bang pwede mo iyang palabasin ng kwarto? Nang-iinis ka talaga no, Jerick?" mataas ang boses na sabi ni Rick.

Napalingon silang pareho. Siya ay napapahiya ang reaksiyon. Daig pa niya ang batang nahuling nang-uumit ng kendi. Habang si Jerick ay naka-isang linya ang kilay at agad na namula sa galit.

"Sa ibaba. Pupuntahan namin ang tiyahin niya, in case you haven't heard it right. At ipapaalala ko sa iyo Lt. Col. Rick Tolentino. Hindi siya bihag dito. Narito siya para makumbinsi natin na maging isang witness at proteksiyunan. Lumalabas tuloy, na sa inaasal mo ay parang narito siya para magbilang ng araw niya kung kailan siya bibitayin. Ano bang nangyayari sa'yo ha?" mahaba at nagagalit na ring sabi ni Jerick sa kausap.

"Ang sabihin mo, umiral na naman ang kalandian mo! Nakakita ka lang ng gwapo nagkaganyan ka na. You're sick kung inaakala mong papatulan ka niyan. Eh, mukhang straight yan. Malandi!" maanghang na balik ni Rick kay Jerick.

"Malandi? Ang kitid talaga ng utak mo Rick. Wala talagang kupans ang katalipandasan ng pag-uugali mo. And you have a very sick head above your shoulders. Isipin mo na ang gusto mong isipin. Hindi ako apektado. Lalo pa at sa ating dalawa ikaw ang may tantrums dahil bigo ka! Halika na!" mahabang sabi nito kay Rick.

Sa lahat ng iyon ay nakamasid lang sila ni Rovi sa dalawa. Naaaliw na may sinusupil na ngiti sa labi ang reaksiyon ni Rovi habang siya ay nagtataka at namamangha sa mga natutuklasan niya. Malandi? Nakakita ng gwapo? Bading ba itong si Jerick? Ah! Naguguluhan siya.

"Aba't..." may sasabihin pa sana si Rick ng makitang tumalikod na silang dalawa at bumaba habang narinig naman niyang inawat ito ni Rovi.

"Pare, tama na iyan. Kailangan talagang magbangayan kayo ni Jerick sa harap ng ibang tao?" si Rovi kay Rick.

"Hindi ka ibang tao pare." napu-frustrate na wika nito. Bumugha ito ng isang napakalakas na hininga.

Tinapik ni Rovi ang balikat nito at niyayang maupo. Sumunod naman ito sa kanya at padaskol na umupo sa kama habang siya ay sa isang kahoy na silya paharap dito.

"Napapansin ko pare na panay ang asaran ninyong dalawa ni Jerick ah. May kailangan ba akong malaman? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Wala kang kailangang malaman pare. Normal lang yung talakan namin ng ungas na iyon. Parang di ka na nasanay." patamad na sabi ni Rick sa kanya.

"Hindi pare. May itinatago ka sa akin. Kung ano man iyon, I intend to find out. At base sa nakita ko kanina, parang may something sa inyong dalawa ni Jerick. Why, you sounded like a jealous boyfriend a while ago." tukso niya rito. Malakas ang loob niyang gawin iyon dahil sa buong TFE, siya ang pinaka-close dito.

"Barilin kaya kita diyan." asik nito sa kanya.

"Huwag mo ng ikaila pare. May past ba kayo ni Salmorin?" tukoy niya sa last name ni Jerick.

"Huwag ka ring makulit pare. Baka makulitan ako sa iyo at mabalian kita ng buto." naiinis ng wika nito.

"Madaya ka pare. Ako alam mo lahat ang sikreto. Ikaw, hindi? Tapos mangbabanta ka pa? Unfair pare! Unfair ka!" nagda-dramang sabi niya rito.

Isang mahinang suntok sa balikat ang napala niya dahil doon. Natatawang tumayo siya at hinawakan ang braso nito at mabilis na nag-mwestra para sa isang kajutsu throw. Mukhang nabigla si Rick pero sa bilis ng reflex nito at sa mas matinding training na pinagdaanan nito ay mabilis nitong naikawit ang kaliwang paa sa kanyang kaliwang binti para hindi niya maisakatuparan ang pagbalibag dito.

Sa halip, umangkla ang isang libreng kamay nito sa katawan niya habang ang isang paa ay itinukod at ginamit ang kanyang sariling pwersa para mai-angat siya sa ere na hindi niya napaghandaan. Ang nakakawit na paa nito kanina ay nagawa nitong pakawalan ng hindi niya namamalayan kaya ngayon ang katawan niya ay nasa balikat nito ready for a slam.

Hinintay niya ang paglapat ng katawan sa sahig. Sa halip, ang katawan niya ay tumalbog sa kalambutan ng kama. Natatawang bumalikwas siya ng bangon. Hinihingal man ay naiiling na pinapurihan niya ito.

"Kahit kailan talaga... Wala ka ring kupas... Rick... Ha!" sabi niya sa pagitan ng bahagyang paghahabol ng hininga.

"Ganoon pa lang ang ginawa natin hinihingal ka na. Mas bata ka sa akin Rovi. Mag-exercise ka naman para hindi ka ganyan'" pang-aasar nito sa kanya. Parang hindi man lang ito hiningal sa munting taijutsu nila.

"Ungas! Nagdya-jogging ako palagi. Wala lang time masyado sa gym!" depensa niya bagama't nakangiti.

"Kow! Busy ka ba para mawalan ng time? Mukhang iba ang ine-ehersisyo mo pare!" pang-iinis pa rin nito sa kanya.

"Bahala ka sa kung anong iniisip mo. Kay Jerick na lang ako magtatanong. Mukhang ayaw mong pag-usapan ang past ninyo." sabi niya rito sabay takbo palabas.

Nakita pa niyang natigilan ito bago pa nakahuma sa sinabi niya. "Ulol ka Rovi. Bumalik ka rito at babalian kita talaga." natatawang bumaba na siya ng tuluyan at isinara ang pinto.


SAMANTALA, masayang sinalubong ni Bobby ang Tiya Edna niya pagkababa, kahit na umuukilkil pa rin sa isipan niya ang nalaman niya at hinala tungkol sa bagong dating na si Jerick.

"Bobby. Anak... Naku, mabuti at ligtas ka." mangiyak-ngiyak na sabi sa kanya ng tiyahin.

"Tiya... Okay naman po ako. Kamusta po ang biyahe ninyo?" nag-aalala niyang tanong rito.

"Okay naman ako anak. Hindi ko lang maintindihan noong una kung bakit napakalayo ng ospital na pinagdalhan sa iyo. Ang sabi sa akin ay naaksidente ka raw sa Batangas. Nagtaka lang ako dahil ang alam ko ay nasa Quezon City ka lang anak." naluluha pa rin nitong sabi. Bakas ang pag-aalala sa mukha.

Hindi malaman ni Bobby ang isasagot sa tiyahin. Obvious na alam nito na may mali sa mga pangyayari. Kasi kung naaksiente siya kagaya ng pagkakasabi ng mga nagdala nito sa kinaroroonan niya ay bakit hindi sa ospital ang naging destinansyon ng mga ito.

"Ah, Tiya, saka ko na po ipapaliwanag ang lahat. Kasama ko po Mandarin na kasamahan ko sa club. Doon po muna kayo sa silid niya. Pangakong ipapaliwanag ko ang lahat ng dapat niyong malaman." mahabang sabi niya rito.

"Ku, ikaw na bata ka. Pinag-alala mo ako ng husto. O siya, sige at napagod ako sa biyahe, saka na ako magtatanong kung bakit wala tayo sa ospital. Ang akin lang ay salamat at walang masamang nangyari sa iyon. Maraming salamat mga amang." nilingon nito ang mga pinasalamatan na ngayon lang niya napansin.

Tinanguan niya ang mga ito at tumalikod na papunta sa kwarto ni Mandarin. Napatingin silang lahat ng kumalabog ang pintuan at kasunod noon ang tatawa-tawang si Rovi na nagmamadaling bumaba.

"Ay sino areng mga lalaking ito anak? Bakit kayo naririto?" mahinang tanong ng tiyahin niya.

"mamaya ko na po ipapaliwanag tiyang. Sa ngayon magpahinga po muna kayo." nakangiti at disimulado niyang yakag dito at ipinagpatuloy na ang pagpunta sa kwarto ni Mandarin. Kinatok niya ang babae at di nagtagal ay bumukas iyon. Ipinakilala niya ang tiyahin dito at saka nagpaalam na pupuntahan niya ang mga nagdala rito para kausapin.



"SARHENTO Jerick, pwede po ba kayong maka-usap?" tanong ni Bobby sa tinawag.

"Ah, tungkol saan?" nagtatakang tanong nito.

"Basta po. At kung maari sana, sa labas na lang tayo mag-usap." sabi niya saka tumingin kay Rovi.

Mukhang nakuha naman nito na nagpapa-alam siya rito kaya tumango na ito at tinungo ang kusina.

"Halika. Doon tayo sa labas." sabi ni Jerick sa kanya.

Nang makarating sa labas ay dumistansya siya ng bahagya dito.

"Ano iyong nais mong ipakipag-usap sa akin?" nakangiti nitong tanong bagama't may pagtataka sa boses.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan at itinapon ang pag-aalinlangan. "Ahm... Iyong tungkol sana sa narinig ko kanina, Sarhento."

"Anong tungkol doon?" sabi nito na mas tumindi ang pagtataka.

"Ah eh, ayon kasi sa narinig ko kanina na pagtatalo niyo nung si Tinyente eh, naisip ko kung b-bakla ka?" may alinlangan niyang tanong.

Nawala ang ngiti sa labi nito. "Paano mong naisip iyan?" sabi nito sa mapanganib na tono.

"Wala naman po akong ibang intensiyon. Naisip ko lang kasi yung sinabi ni Tinyente Rick na nakakita ka lang ng gwapo ay lumandi ka na." nalilitong tanong niya.

"At sa tingin mo, ikaw yung gwapo?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Hindi naman po masyado." alanganin siyang ngumiti.

"Huh, eh ano kung bading ako? Anong gagawin mo?" nanghahamong tanong nito.

"Wala naman po. Hindi lang ako kumportable sa bading." may katotohanang sabi niya rito.

"Huwag kang mag-alala tol. Hindi kita type. Pero clear ko lang. Hindi ako bading. Chickboy ako, pwede sa chicks, pwede sa boy." nakangiti ng sabi nito.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" mas nalilito niyang tanong.

"Na pwede siya sa babae, pwede rin sa lalaki. Na isa kaming silahis. Bakit? May reklamo ka?" boses iyon ni Rovi na nasa likuran niya na pala ng hindi niya nalalaman.

"Tumpak pare!" nag-high five pa ang mga ito.

Mas lalo naman siyang nalito. "May ipinagkaiba ba iyon sa bading? Di ba, bakla lang pumapatol sa kapwa lalaki?" nagtatakang-tanong ni Bobby sa dalawang Sarhento.

"Hindi naman kami sa lalaki lang naaakit. Pati rin sa babae. Kung tinitigasan ka sa babae kami rin. Yun nga lang pati sa kapwa namin lalaki." simpleng paliwanag ni Jerick sa kanya.

"Paanong nangyayari iyon?" nalilito pa rin siya. Aware siya sa mga ganoong klase ng tao. Pero ang malaman na ang mga katulad nila Rovi, Jerick at marahil na pati si Rick ay lubhang nakapagpamangha sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa totoo lang. Parang tinamaan siya ng kidlat sa pagkakatayo niyang iyon doon.

"Paanong nangyari? Hindi ako makapaniwalang wala kang ideya sa mga tulad namin." si Rovi na nakataas ang nakakunot-noong sabi sa kanya.

"Meron naman. Kaso,.." pinutol ni Rovi ang sana'y sasabihin niya.

"Kaso ano?"

"Kso, di lang ako makapaniwala na mga ganoon kayo. I mean, mga lalaking-lalaki hitsura niyo." frustrated niyang sabi.

"Bakit? Di ba kami mga lalaki sa tingin mo?" nakakalokong tanong ni Rovi.

"Hindi naman sa ganoon. What I mean is..."

"Uy, english! All right. What do you mean?" nakaka-insultong pigil nito sa sasabihin niya.

Namula ang mukha niya sa pagkapahiya. Hindi na lang niya itinuloy ang dapat na sasabihin. "Ang ibig kong sabihin ay wala sa hitsura ninyo ang pagiging silahis." desperado na niyang paliwanag sa mga ito.

Natatawang pinigilan ni Jerick si Rovi sa akmang pagsasalita. "Huwag ka ng mang-asar pare, kita mong nahihirapan na itong si Bobby. We'll take that as a compliment pare." Baling nito sa kanya.

"Wala pong anuman Sarhento." nahihiyang tumango siya rito. "Sige po." sabi niya ulit saka pumasok sa kanila.

Tumalikod na siya papunta sa loob ng bahay. Nalilito pa rin siya. Paakyat na siya sa kahoy na hagdanan ng bumukas iyon ay iniluwa si Rick. "Ah, Tinyente. Makikiraan po." sabi niya rito.

Walang imik na tumabi ito at lumagpas sa kanya. Akmang papasok na siya ng biglang nagsalita ito. "Pakitawag si Mandarin dito sa labas." iyon lang at walang lingon-likod itong lumapit sa nagtatawanan pang sila Rovi at Jerick.

Nakadama siya ng inis ng makita ang eksenang iyon. Mukhang minamaliit siya ng mga AC/DC na iyon. Naiirita niyang nilagpasan ang mga pulis rin siguro na tinapunan lang din naman siya ng tingin para puntahan sa kwarto si Mandarin.

Lumabas agad ito pagka-katok niya. "Tawag ka ng Tinyente na si Rick." sabi niya rito. "Sige." parang robot na sagot nito sa kanya sa pagtataka niya. Parang uneasy ito.

"Okay ka lang ba?"

"O-oo." Hindi lumilingong sagot nito. Pumasok na siya sa kwarto at kinausap ang tiyahin.



"KAMUSTA ka na Apple?" si Rick kay Mandarin. Nagtatakang tiningnan ni Rovi si Rick.

"A-apple?" takang tanong niya.

"Ah, si Apple nga pala. Siya ang informer sa loob ng club ni Park Gyul Ho." kaswal na sabi ni Rick sa kanya.

"What?" napamulagat siya sa sinabi nito.

"What, what ka diyan. Hindi ka makapaniwala no? Ang galing ko talaga Rick. Hindi ako nakilala ng mayabang mong tauhan." nangiinis na sabi nito sa kanya habang umaangkla kay Rick.

Sumama agad ang timplada niya. Nakakarami na ang babaeng ito.

"Bakit di mo sinabi sa akin Rick na ito pala yung taong itinanim mo sa club ng koreanong iyon." naiinis na sabi niya.

"Hindi ka naman nagtatanong pare." tinatamad na sabi nito.

"I don't believe this. Porke hindi ako nagtatanong..."

"Pwede ba? Huwag ka ng tumalak diyan at ang ingay mo. Nakalimutan mo na ba ang ibig sabihin ng "Undercover"?" sabi nito sa kanya with obvious mockery and disgust.

"Shut up, woman!" naiinis na sabi niya.

"Shut up ka rin!" balik nito sa kanya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" nanggigigil na sabi niya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" she parroted.

"Bitch!"

"Faggot!"

"That's it. I'm gonna kill you." nagagalit na siya ng husto.

"Oh, sure. C'mon sweetie, let me see you try!" kumalas ito sa pagkaka-angkla kay Rick at pumorma ng fighting pose ala Charlie's Angel.

Inawat siya ni Jerick samantalang iniharang naman ni Rick ang katawan kay Mandarin na Apple pala ang pangalan.

"Guys, stop it. Magkaka-kampi tayo rito. Peace!" sabi ni Jerick.

"You knew about this?" tanong niya rito.

"Yes."

"Shit!"

"What's the fuss Rovi? Kaya nga ito undercover diba? You don't expect Apple to just tell you that she's the one I planted on the club, do you?" tanong ni Rick.

Napahiya siya sa sinabing iyon. Kumakalmang inayos at pinakawalan ang sarili kay Jerick. Nauunawaan naman niya ang punto. Iyon nga lang, malakas mang-asar ang babaeng ito kaya nawalan siya ng paningin sa rason.

"I'm sorry guys. Sige pare, doon muna ako sa loob." sabi niya sa mga ito at naglakad patungo sa bahay.

"Ayun naman pala. Marunong ka naman palang mahiya. Masyado ka kasing mayabang eh, meron ka lang hindi nalaman nanggalaiti ka na agad. Ako nga na maraming alam sa kasong ito eh hindi na nagtanong nung sinabi ni Rick na Sabayan ko ang sa tingin kong bagong courier. Buti nga sayo." nang-aasar pa rin na sabi ni Apple/Mandarin sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Nanghahamon ang tingin nito. "You know what. Next time you think you know it all and you are perfect. Try walking on water, bitch!" maanghang niyang balik dito saka tinungo ang bahay.

Naiwan itong nakanganga at napapahiya ang hitsura.

"Serves you right." sabi niya sa isip.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails