Anytime from now, i-announce na ng PEBA (ang patimpalak na sinalihan ng MSOB) ang top ten finalists na siyang maglalaban-laban para sa top honors.
Sa unang mga sinabi ko na, hindi ang pagpanalo sa entry ang target ko sa pagsali dito kundi ang karangaln na natanggap at napabilang ang MSOB sa nominasyon; ang pag-undergo natin sa proceso, at ang opportunity na maipakita ang pagkakaisa ng mga supporters and followers ng MSOB.
Ang patimplak sa PEBA ay hindi lamang limitado sa entry na isinumite kundi ang buong blog mismo. Therefore, ang lahat ng nakasulat na kuwento dito ay isa sa mga basehan ng mga judges sa kanilang pagbibigay ng antas.
At dahil marami rin ang mga authors na nagcontribute, sila ay parte rin sa pagsali ng MSOB sa patimpalak na ito.
Ang tema sa patimpalak ng PEBA ay tungkol sa kahalagahan ng isang pamilya. Ang ibig sabihin nito ay isang pamilya na may nanay, may tatay, may mga anak na pinagkaisa ng kanilang pagmamahal.
“Naayon ba ang mga nilalamang blogs ng MSOB sa tema na ito?” Ito ang naitanong ko sa sarili.
Noong tinanggap ng PEBA ang aking nominasyon, ipinaalam ko sa kanila na ang blog ko ay gay-themed at ang mga nilalaman ay maaring hindi angkop sa pampamilyang tema ng kanilang patimpalak. Ngunit laking tuwa ko noong sinagot ang email kong iyon na tanggap daw nila ang aking nominasyon.
Dito pa lang, pakiramdam ko ay nanalo na ang MSOB.
Sa pagtanggap na iyon ng PEBA sa ating nominasyon, ipinahayag nila ang mensaheng kahit bakla o bisexual ka, may karapatan ka sa mundong ito, may saysay ang buhay mo, may leksyon at aral na maidudulot ang mga kwento mo… Isang normal kang tao na kagaya rin ng iba, ay bahagi ng isang pamilya…
Napakagandang mensahe para sa MSOB kung saan ang advocacy ay ang maipahayag ang mga kuwento ng buhay ng mga naiibang pag-ibig, na bagamat kinukutya, nilalait, itinatakwil ng iba, ay may karapatn ding mabuhay, lumigaya, makipaglaban, magbigay ng aral at inspirasyon…
Kaya kung nakikita ninyo, puspusan kong ikinampanya at ipinaglaban ang entry natin, hindi para sa aking sarili kundi para sa isang adhikain na mas malaki pa kaysa personal kong hangarin – na maipamalas sa lahat na kagaya ng mga “normal’ na tao, may isang kuwento rin sa mundong ito na bagamat minsan ay itinatanggi at itinatago, ngunit bahagi ng totoong mukha ng buhay…
Kung tutuusin, tagilid tayo kumpara sa ibang mga entries at suntok na lamang sa buwan kapag naipasok pa tayo sa top ten dahil sa tema ng mga kuwento natin. Ngunit sa sinabi ko na, hindi ito ang target ng MSOB sa pagsali sa patimpalak na ito.
Masaya na ako sa naipamalas na suporta ng mga followers ng MSOB. Masaya na ako na naipaabot natin sa mga tao na kahit ang blog natin ay naglalaman ng mga kwentong “naiiba” natanggap pa rin nila tayo na karapat-dapat mapasali sa nominasyong ng patimapalk na malalim ang tema, malalim ang katuturan at adhikain.
Inaamin ko na noong una, hindi ko ipinaalam ang nominasyong ito sa aking mga kaibigan, kamag-anak, at kasama sa trabaho. Ngunit noong lumaon kung saan nadama ko ang mainit na pangampanya ng ibang mga supporters, naengganyo na rin ako na kahit mga kaibigan kong madre ay hinikayat ko na ring bumoto. Hindi ko nga lang alam kung nabasa na nila ang mga nilalaman ng MSOB. Pero sana nga… para magkaalaman na.(lol!)
Kaya salamat sa lahat ng mga bumoto, sumuporta, at nangmpanya. Para sa akin, tapos na ang patimpalak na sinalihan natin… at panalo na ang MSOB!
-Mikejuha-
------------------------
PS.
Bilang pasasalamat ko sa mga followers, may planong magkakaroon ng EB ang MSOB sa aking pagbakasyon sa Pinas sa darating na June o July. Overnight po ito at gaganapin sa isang resort sa Laguna. Free po ang lahat kasama na ang pagkain, maliban sa mga pamasahe ninyo papunta sa mapipiling resort.
Maximum target na i-accommodate ay 20 ka tao. Pero kung may mas marami pang sasali, tingnan natin kung makakaya ng budget…
Wala po itong “personal” na agenda kagaya ng inisip ng iba sa “pamimilit” ko daw sa pagboto ninyo sa entry natin sa patimpalak. Ginawa ko ito dahil sa matinding kasiyahang aking nadarama sa ipinamalas ninyong suporta. Iyan siguro ang "personal na agenda" na maipagmamalaki ko.
Muli, maraming salamat at mabuhay ang MSOB!
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment