Followers
Thursday, November 25, 2010
Adobo Amnesia
“Baliw ang tawag sa isang taong umaasang maibabalik pa ang nakaraan”
Gumising ako ng maaga, hindi ko alam kung paano ko nagawa ito. Karaniwan akong nagigising ng alas-diyes ng umaga araw-araw. Biruin mo…alas nuwebe y medya….nakabangon na ako…..Pambihira!!! Tinulungan ako ng palpak kong biological clock na gumising…ayaw na siguro ng utak at katawan ko ng isa pang malalim na bangungot sa pagtulog. Ayaw na siguro ng utak at katawan ko (lalo na ang aking tenga) na marinig ang sigaw ni yaya….”Jhong!!! Gising na…tanghali na!!!” Haaayyy…salamat bio clock!
Binuksan ko ang aking cellphone…..hindi ko inunang tingnan ang mga nagpadala ng mga text. Binuksan ko agad ang kalendaryo sa cellphone…..ahhh……june 8...unang araw ng pasukan…araw ng pagkikita natin muli mula sa halos dalawang buwan na bakasyon, dalawang buwan ng hindi pagkikita…
“Parang wala nang patutunguhan itong relasyon natin” walang alinlangan mong sinabi sa akin habang magkausap tayo sa cellphone. Wala akong imik noon sa mga pinagsasabi mo. Tanging hininga ko lang at tahol ng aso sa labas ng bahay ang naririnig mo. Para mo akong sinuntok sa mukha kaya ako natahimik. Wala akong nais sabihin, ayokong umiyak at magmakaawa para sa relasyon natin…ayaw kong maawa ka sa akin. Ang tanging nasa isip ko ay kung bakit tayo nagkaganito?
“Aahhh…..sige sa bakasyon wag tayong mag-ugnayan. Walang text. Walang tawagan.” alok ko sa’yo. Sana wag mong tanggapin. Reverse psychology lang iyon para sa iyo.
“Sige…o paano…sa pasukan na lang” ang sagot mo na para kang nanalo sa lotto. Pucha! Yan lang nasabi ko sa sarili ko.
Tapos nun ay hindi ka nga tumawag o nagtext o nag-email o nagpakita, kahit anino mo ay inaabangan ko sa labas ng bahay namin. Hindi naman ako makapunta sa inyo sapagkat ayaw mo. Baka mabuking ka ng parents mo. Pagkatapos ng pag-uusap nating iyon ay nagsave ako ng entry sa calendar ng phone ko….sa june 8 dun kita muli masisilayan. Ngunit hindi naging madali ang Abril at Mayo. Dalawang buwang paghihintay. Ang daya kasi…parang Dalawang taon para sa akin iyon. Dalawang buwang walang halikan, walang hipuan ng patago sa pampublikong lugar. Tigang! Hindi ka nagpaalam. Ako rin naman. Walang kasiguraduhan kung tayo pa ba sa pasukan o hindi na. Pero bale wala iyon……inaalala ko lang ang boses mo at ang mga pinagdaanan natin…ok na ako.
June 8 na ngayon…unang araw ng pasukan……panghapon ang iskedyul kong kinuha…ikaw naman daw ay pang-umaga ang kinuha….bakit kaya?!?! 9:30 ng umaga. Hindi pa ako naghihilamos o nagsipilyo ng ngipin….pagkatingin sa kalendaryo ko ng cellphone ko tinawagan kita. June 8 na….sa wakas tapos na ang tag-tuyot at tag-tigang.
“Ahh…hello!” ayan pa lang nasasabi ko…..nang biglang
“teka sandali lang” sabi mo. Pinaghintay mo na naman ako. Wala akong maisip kung bakit ka humingi ng isang saglit. Kumakain ka kaya at malapit nang matapos?! Naglilinis ng kuwarto?!?! O baka nagjajakol ka na naman dahil nagising kang nakatayo ang ari mo?!?!?! Ewan! Napadasal na lang ako. “Aba ginoong maria ang tagal mo Paolo asan ka na ba napupuno ka ng grasya sa wakas pasukan na. Mahal kita. Bilisan mo na dyan amen.” yan lang ang nasa isip ko at bigla kang sumagot muli.
“Oh! Bakit tumawag ka?!?!” tamang tanong mo sa akin.
“Ah ehh……pagluluto kita….kainin natin mamaya. Ano bang gusto mo?” tanong ko sayo…..ewan ko ba bakit yan ang nasabi ko.
“Sige! Pork adobo. Kita tayo mamaya sa skul…bye!” yan lang ang isinagot mo. Pero parang mahaba na para sa akin iyon…
Adobo?!?! Pork adobo! Sige ayan ang gusto mo, iyan ang ibibigay ko. Naaalala ko, kumain tayo sa karinderya, adobo ang inorder mo. Kumain tayo sa restaurant, adobo pa rin order mo. Sa canteen sa school, sa bahay namin, sa mall…puro ka adobo. Pero dahil iyan ang paborito mo (sa aking palagay)….gagawan kita ng espesyal na pork adobo.
12:30 pm ang lagi nating lunchtime. Hindi ko alam kung ano ang aasahan. Baka pati iyan ay nakalimutan mo. Basta, alas dose pa lang nasa canteen na ako.
Meron akong tatlong oras para magluto, maligo at bumiyahe papasok ng eskuwelahan.
> 9:50 <
Wala na sila mama at papa. Nasa trabaho na. Tinawag ko si Aling Simang para tulungan ako. Inaamin kong hindi ko kasing galing si Aling Simang sa pagluluto pero alam ko kaya kong maging magaling tulad niya sa pagluto ng paborito mo.
Naghanda na kami ng mga kina-kailangan. Mga armas sa pakikipaglaban sa kusina. Isang kawali, kaldero, kutsilyo at sangkalan at ang shanse (ah yun na yun!). Heto ang mga sangkap…1/2 kilong pork liempo (cut into pieces); ¼ cup suka (cane vinegar is highly recommended); ¼ cup toyo; 1 tbsp bawang at sibuyas; 2 pcs dahon ng laurel; ½ tsp dinurog na peppercorns; ¼ cup water; 1 tbsp catsup; 1 tbsp Worcestershire sauce and 10 kilos of love (hekhekhek)
Binalatan ko ang sibuyas hanggang maging three-fourths na lang ito ng orihinal niyang laki. Hiniwa ko ang mga sibuyas. Pinaiyak ako nito kasama na ang alaala nang minsan ay sinabihan kitang mahal na mahal kita at ikaw naman ay parang walang narinig…sa halip tinulugan mo pa ako. Naisip ko rin na bakit sa bawat pagtatalo natin ay hindi ka man lang humihingi ng “sorry”. Lagi na lang ako ang nauunang magpakumbaba. Binalatan at dinikdik ko ang mga bawang. Pinagtiyagaan ko ang trabaho ng bawang. Parang ikaw. Pinagtitiyagaan mo na lang ata ako.
Hinihiwa naman ni Aling Sinang ang baboy na pakwadrado. Nakita ko rin na sinimulan niyang kunin ang kaldero at inilagay ang baboy at sapat na tubig para palambutin ito. Nilagyan niya ng kaunting asin at paminta. Naalala ko ang kulay natin. Ewan ko ba kung bakit pati kulay natin ay hindi magtugma. Maputi ako at Moreno ka (kung hindi ka pa gumamit ng papaya soap ay hindi pa titingkad ng kaunti ang kutis mo).
Nagsimula nang kumulo ang baboy. Maiingay. Klok! Klok! Klok! Klok! Klok! Kasing lakas ng pagkulo ang pintig ng aking puso sapagkat mamaya ay heto na ako at nakatayo sa harapan mo…susuyuin ka at gagawin natin ang mga gawain natin noon. Nang husto na ang lambot ng baboy ay pinaggisa na ako ni yaya. Naglagay ako ng 3 kutsarang vegetable oil sa kawali. Inuna ko ang mga sibuyas (ganon talaga kasi mas matagal maluto ang sibuyas) , isinunod ko ang mga bawang…umiyak ang kawali ng pagkalakas-lakas. Maingay nguinit napakabango ng kusina sa pinaghalo amoy ng dalawa na nasa kawali, parang tayo, pag tayo ay nagnanaig sa aking kuwarto. Ang amoy mong nakakalibog at ang amoy ko na kumukulob sa sarado kong kuwarto.
Nang magisa na ng husto ang bawang at sibuyas ay isinunod ko na ang baboy. Bahagyang tumahimik ang putukan kanina ng mga panggisa. Nabasa ng pinakuluang baboy ang mantika. Sinunod ko ang paminta kasunod ang dahon ng laurel. Nilagay ko kasunod ang suka…pinakuluan ng konti….sunod ang toyo…kulo ng konti….tapos ang ¼ na basong tubig at huli ang catsup at ang Worcestershire sauce. Pinakuluan ko ito hanggang sa medyo natuyuan na ng konti ang sabaw. Ang bango…..ang sarap sa pakiramdam na nakapagluto ako ng pork adobo sa tulong ni Aling Simang na nagtetext habang naka subaybay sa pagluluto ko.
Tapos na! Pork Adobo ala Jhong!
Naligo ako ng mabilis, nagbihis, nagayos ng mukha, naglagay ng gel sa aking buhok, nagpabango…Kinuha ko ang aking bag at ang pinaglagyan ng niluto kong pork adobo. Dumiretso na ako sa school.
12:15. Dumating na ako sa canteen. May oras pa ako para magayos muli ng aking sarili. Binuksan ko ang aking bag upang tingnan ang school registration form ko upang tingnan ang aking iskedyul sa araw na ito. Ahh! Yes! Dalawang minor subjects lang ang iskedyul ko. Hindi ko sila papasukan tutal unang araw naman ng pasukan. Dumating ang ilan nating barkada sa canteen. Nakipagbatian na ata ako sa lahat ng estudyante sa eskuwelahan natin ngunit wala ka pa rin. Siguro late ka lang. Hindi kita maitext sapagkat wala akong signal sa loob ng canteen. Nakita ko rin na pumasok si Mr. Villarama. Ang prof natin noon sa Trigonometry na talagang kinababaliwan mo. Ang guwapo pa rin ni Sir. Sigurado kung nandito ka….tatayo na naman ang titi mo sa itsura at porma niya ngayon. Lumingon si Sir sa direksyon ko. Kumindat. Ako naman ay tumango. Yun na ang batian naming dalawa noon pa. Samantalang ikaw ay hindi mo magawa sa kanya sa sobrang laki ng paghanga mo. Minsan sinabihan mo ako na sana siya na lang ang nobyo mo. Pucha!
12:48. Wala ka pa rin. Ano bang ginagawa mo? Hindi naman trapik. Wala pa ang kotse mo sa parking area. Ayaw kong umakyat ng building baka makita ko ang mga prof natin at usisain bakit hindi pa ako pumapasok.
Lumipas ang anim na oras. Anim na oras. Ang adobo na pananghalian ay nanlamig at tila sa hapunan pa siya matitikman. 6:55 nang dumating ka sa canteen. Andun pa rin ako sa kinauupuan ko sa canteen sa may gilid ng water station. Ang naguumapaw kong sigla at pananabik sayo kanina ay napalitan ng pagkairita at pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin o itatanong sayo. Pinagmasdan kitang naglalakad papunta sa kinalalagyan ko. Nakayuko ka at akoy titig na titig sayo. Nang magkalapit na tayo halos ay walang imikang naganap sa una. Nagkakamot ka ng ulo at nakayuko ka pa rin. Ako naman ay napatingin sa labas, sa kawalan, sa langit. Ewan! Isang buntong hininga ang sagot ko sayo sa bawat kamot mo sa ulo.
“Akala ko kasi hapunan” ang pambasag mo sa katahimikan. Hindi ako umimik.
“Eto na ba yung pork adobo mo?!? Wow! Mukhang masarap. Kain na tayo.”dugtong mo. Para kang gago ngayon na naglalambing sa akin. Nagawa mo akong paghintayin sa canteen sa loob ng ilang oras. Ang daming pumasok sa isipan ko. Ang daming gumulo sa damdamin ko. Tapos heto ka at umaarte na parang walang nangyari. Parang wala lang sayo ang paghihintay ko ng halos 2 buwan sayo.
Pumunta ka sa cashier at umorder. Nakita kong bitbit mo ito gamit ang tray. Nabigla ako…tatlong kanin, tatlong softdrinks. Tatlong plato, baso, kutsara at tinidor. Hindi pa rin ako umiimik.
“Dadating si Emmanuel. Siya pala ang bago kong bestfriend. Mamaya mami-meet mo sya. Cute yun sobra.” Sabi mo habang pinupunasan mo ang mga kutsara’t tinidor ng tissue. Nagkuwento ka ng kung anu-ano tungkol sa kanya. Nakalimutan mong ako ang bestfriend at boyfriend mo na hindi mo man lang kinamusta noong bakasyon. Nakakainis at sayo pa nanggaling na kayo palagi ang magkasama noong Abril at Mayo. Tama nga si Chad. Nakita niyang parang may isang lalaki kang kasamang pumasok sa isang restau-bar at magkahawak kamay pa kayo. Dumilim ang paningin ko. Hindi chismis ang nasagap ko sa kaibigan ko.
Dumating si Emmanuel na bestfriend mo. Nakipagkamay sa akin. “Hi! Hello!” (translated as hayop kayong dalawa! Masunog sana ang kaluluwa niyo sa impiyerno kasama ang adobo ko). “Hi! Hello!” Bati niya sa akin at sayo. Sinimulan ninyong kainin ang Pork Adobo ko. Bakit kailangan ikaw pa ang magsandok sa kanya ng niluto ko????
“Masarap ba?!?! Alam ninyo sandali lang yan niluto pero sumarap yan kasi sa sobrang pagmamahal ko kay Paolo.” Ang nakangiti kong sabi at bigla kayong natahimik ng bestfriend mo.
Hindi ko alam kung bakit namutla si Emmanuel mo at tumayo ito sa kalagitnaan ng paglamon niyo. Nagpasalamat sa sarap ng Pork Adobo. Nagpaalam sa akin ngunit hindi man lang nagpaalam sa iyo. Ay!!! Nasaktan ko. Bwahahahaha! O baka sumakit ang sikmura niya sa niluto ko kasi alam ng pork adobo ko na ako ay si Pao lang ang dapat kumain nito. Buti nga!
“Bakit mo sinabi sa kanyang tayo?!?” pagalit mong tanong. Nagtinginan pa nga sa atin ang ibang tao. 7:30 na noon, wala na masyadong tao kaya ok na siguro kung ilabas ko ang nararamdaman ko. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko at ang plastic container ng adobo na isinilid ko sa paper bag. Umiinom ka ng softdrinks at nilalaro mo na lang ng tinidor ang putaheng niluto ko. Lumapit ako sayo at isang malakas na mura ang kumawala sa bibig ko. Ang sarap ng pakiramdam. Ganito pala ang pakiramdam pag nagaaway sa publiko. Akmang tatayo ka ng isang kaliwang kamao na galing sa kawalan ang sumuntok ng malakas sa pisngi mo. Napabagsak ka ng kamaong ito. Nakita kita na napaupo sa sahig. Parang basang sisiw na hindi malaman ang gagawin.
Umalis ako sa canteen at hindi na kita inasikaso pa. Hindi kita tinulungan mula sa pagkakasuntok sayo. Hinayaan lang kita.
Dire-diretso akong lumabas ng school at tumungo sa parking area. Binuksan ko ang aking kotse. Pinaandar ko ang makina. Pinatugtog ko ang paborito kong tugtog (emotions by destiny’s child). Napaiyak ako ngunit pagkatapos ng kanta ay sabay na tumigil ang pagpatak ng mga luha ko. Parang nagliwanag ang isipan ko nang sinimulang kong baybayin ang Taft Avenue. Iniisip ko ang mga nangyari kanina…..wala akong maalala. Salamat at nabura sa isipan ko ang mga pinagdaanan ko sayo. Wala akong iniisip kundi kung paano babangon at magsisismula ng wala ka. Ang kantang “Leave” ni Jojo ang tumutugtog sa cd player ng kotse ko. Napakagandang kanta! Malapit na ako sa bahay ng mapatingin ako sa kamao ko….namumula at medyo mahapdi. Bakit kaya?!?! Ako ba yung sumuntok kay Pao kanina?!?! Haaayyyy!!!! Ewan!
_----------------------------------------------------------_
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment