Followers

Tuesday, November 9, 2010

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 9

Chapter 9

-Keith-

                Ang balak ko talaga ay simulan ang pagtuturo sa kanya mula scratch.  As in mula parts, function and etc. tungkol sa computer.  Pero mukha ngang mas marami pa siyang alam sa akin tungkol sa mga iyon.  Hindi naman kasi ako nakinig sa last lecture namin sa programming kaya naman hindi ko alam na itinuro pala iyon. Mukhang nakatulong din sa kanya ang pagconsult sa aming Prof dahil naidentify niya ng tama ang mga parts, naibigay ang function at pati na rin ang history ng computer.  Idiniscuss rin niya ung mga specific parts na nasa loob ng CPU na kahit ako ay hindi alam. 
                Pagkatapos kong ipadiscuss ang lahat ng kanyang nalalaman, pinabuksan ko na sa kanya ang computer.  Pumunta rin ako ng CR para na rin umihi at makaisip ng susunod kong ituturo sa kanya.  Ilang minuto rin akong nagstay sa CR.  Wala kasi akong maisip na susunod ko pang ituturo sa kanya. 
                Pagbalik ko galing CR, nadatnan kong nakaupo lang si Yuri sa kanyang upuan at hindi pa rin binubuksan ang computer.  Tinanong ko siya kung bakit hindi pa niya ito binubuksan at sinagot niya ako ng hindi raw siya marunong.  Hindi pa pala naituro sa pagconsult niya ung tungkol sa simpleng pagbukas ng computer!  Sa puntong iyon, alam ko na ang ituturo ko sa kanya. 
                Tinuruan ko siya kung paano mag-turn-on ng computer.  Sinabi ko sa kanya na pindutin sa CPU ung button na may marka ng universal sign ng pagturn-on ng kahit anong electronic device.  Nakuha naman niya ito agad dahil kahit papaano ay mayroon naman siyang celfone na may ganoon ring simbolo.  Nang makita ko ang celfone niya, naalala ko na hindi pa pala kami nagpapalitan ng number.  Kaya naman pala hindi siya nakatext bago pumunta dito kanina.
                Hiniram ko ang kanyang celfone para maitype dito ang aking number habang siya naman ay tinitingnan ang computer pagkabukas nito.  Lumang modelo na ito, ni hindi colored pero mukhang maingat ito dahil kakaunti lang ang gasgas nito.  Pagkatype ko sa aking number, tiningnan ko ang kanyang phonebook para maverify kung nasave na nga ang number ko. 
Nakita ko na lilimang number lang pala ang nakasave dito at kasama na ung sa akin!  Ina, Kuya, Ate, ung sa akin at babaeng Diana ang pangalan.  Mukha ngang wala siyang kaibigan pero meron naman ata siyang girlfriend!  Daig pa ako nito ah!  Hindi naman maipagkakaila na may itsura din ito kahit maliit kaya tiyak na kung may liligawan ito ay sasagutin rin ito.  Isama pa rito ang magaganda nitong ngiti na bibihira lang nakikita ng tao.
Pagkasave ng aking number, ibinalik ko na rin sa kanya ang cellphone.  Nag-isip ako kung paano itatanong sa kanya kung girlfriend nya ung Dianang nakasave sa phone niya.  Hindi naman siguro tama na deretso kong itanong ito sa kanya at baka kung ano pa ang isipin nito tungkol sa akin.  Nag-iintay pa rin kaming magboot ang aking computer hanggang may naisip na rin ako.
“Yuri,” pagtawag ko sa kanyang pansin.  Nawala naman ang tingin nito sa monitor at humarap sa akin.  “Huwag ka sanang magagalit pero nakita ko ung phonebook ng cellphone mo.  Tiningnan ko kasi kung nakasave na ung number ko eh.  Lilima lang pala ang nakasave diyan?”  sabay turo sa cellphone niya.  Tumango naman siya bilang pagsang-ayon at tiningnan ako na parang iniintay ang susunod kong sasabihin.  “Ah wala lang.  Napansin ko kasi na iisang pangalan lang pala bukod sa akin ang nakasave diyan sa phone mo.  Ung iba ina, kuya at ate lang ang nakaname.  Girlfriend mo siguro un ano?”
“Ah, si Diana ba?  Hindi, bestfriend ko iyon.  Pero bago lang din kaming nagkakilala.  Kaklase ko siya sa PE ngayon”  lumiwanag ang mukha nito habang sinasabi ang mga iyon. 
“Sa PE mo? Sa karate?” tiningnan naman niya ako ng nagtatanong.  Hindi pa naman niya kasi nasasabi na karate ang PE nya.  “Kabarkada kasi namin ni Luke si AN.  Naikuwento ka rin nya kaya alam kong karate ang PE mo.”
“Eh paano mo naman naging bestfriend yun kung ngayong semester mo lang din siya nakilala?  One week pa lang ang klase, di ba?” ang muli kong tanong. 
“Ah basta mahabang istorya” ang kanya na lang isinagot.  Mukhang ayaw nitong idetalye kung paano sila naging magbestfriend.
Matapos niyang magsalita, natapos ring magboot ang aking computer kaya naman tumuloy na ako sa pagtututor.  Ipinakita at ipinaliwanag ko naman ang mga importanteng icons sa monitor na dapat niyang matutunan.  Sinubukan ko ring ipagalaw sa kanya ang mouse at inavigate ung mga icons na nasa aking desktop. 
Noong una, naninigas pa ang kanyang kamay sa paghawak sa mouse kaya naman hindi nya manavigate ng maayos ang cursor.  Kinailangan ko pang hawakan ang kamay at iassist siya habang iginagalaw ang cursor.  Katulad noong una, may kakaiba akong kiliti na nadama habang hawak hawak ko ang kamay niya.  Pero tinanggal ko muna ito sa aking isipan para makapagconcentrate ako sa pagtuturo sa kanya.    
Pagkaraan nang ilang sandali at naramdaman kong komportable na siya sa mouse, sinimulan ko namang ituro ang tungkol sa pag gamit sa keyboard.  Itinuro ko kung ano ang tamang porma ng mga daliri sa ibabaw ng keyboard at kung ano ang gagamiting daliri na dapat ipangpipindot sa bawat letra at simbolo dun.  Naisipan ko ring magdownload sa internet ng laro para makapagsanay siya sa pagtatype. Ito na lamang ang ipapagawa ko sa kanya ngayong araw na ito. 
Noong una, nangangapa pa siya sa mga letra kaya kailangan ko pang ituro kung nasaan ang mga ito.  Hindi naman siya nagtatanong pero minsan kapag medyo natatagalan siya bago makita ito, itinuturo ko na.  Nalibang siya sa paglalaro at ako naman ay sa panonood sa kanya habang naglalaro.  Tinutulungan ko rin siya kapag medyo nahihirapan siya sa nilalaro kaya naman nalibang na rin ako ng husto.  Hindi namin napansin ang oras hanggang magring ang kanyang celfone.  Mag-eeleven na pala.
“Hello, Ina? Napatawag po kayo?” hinintay nyang sumagot ang nasa kabilang linya. “Sige po ina pero uuwi na rin ako.  Hindi pa rin po kasi ako nakakapangahoy.  Wala na po tayong gagamitin.”  Naghintay ulit siya bago muling nagsalita “Ganun po ba?  Pasabi na lang po kay kuya na salamat.  Enjoy po kayo” at ibinaba na rin niya ang linya kasabay ang buntong hininga.  “Si ina talaga…” mahina nitong turan.
“Oh bakit, anong nangyari?” ako.
“Wala naman.  Nagsabi lang si ina na hindi ko na kailangang umuwi.  Isasama raw siya sa bahay ni ate para doon mananghalian”  parang tuod na naman ito sa kanyang reaksyon.  Bumalik na naman ang blanko nitong ekspresyon.
“Ano naman ung sinasabi mong ‘nakakapangahoy’?” itinuloy ko na ung pagtatanong dala na rin ng curiosity. 
“Hindi mo alam ung salitang ‘mangahoy’?  Talagang anak mayaman ka” komento nito.  “Kumukuha kasi kami ng kahoy sa gubat para gamiting ‘fuel’ sa pagluluto.  Hindi kasi kasing high tech nung lutuan niyo ung sa amin kaya naman nangunguha pa kami ng panggatong.  Meron rin kaming stove na LPG pero minsan lang namin gamitin.  Kung umuulan o may emergency lang.  Bihira lang si kuya sa bahay pero siya na raw ang nangahoy para sa akin sabi ni ina” paliwanag nito. 
Mukhang mahirap pala talaga ang mga ito.  Kailangan pang manguha sa gubat ng gagamitin para maluto.  Kaya rin naman pala mukhang batak ang katawan dahil rin pala sa trabaho nito.  Lalo akong humanga sa taong ito.  Bukod sa matalino, hindi ko akalain na ganoon pala ang sitwasyon ng buhay nila.
“Eh di mas mabuti para masanay ka diyan sa paggamit ng keyboard at mouse.  Labas na lang tayo mamaya para maglunch. Ako ang taya”  ako ulit.      
“Naku huwag na.  Hindi na ako papayag.  Ako na nga ang tinutulungan mo pagkatapos ako pa ang ililibre mo” naputol naman ang sinasabi nito ng biglang pumasok si Luke sa loob ng kuwarto.
“Marunong ka bang gumawa ng sushi at sashimi?” tumango naman si Yuri sa tanong ni Luke.  “Gusto mo ayun na lang ang lutuin mo para parang treat mo na rin.  Kung ingredients lang ang hinahanap mo, bili na lang tayo sa malapit na supermarket.  Ilista mo lang ang bibilhin para ipabili na lang natin kay Manang Lucing” sabay turo sa aming tagalinis.  Pagtalaga pagkain, ang bilis ng taong ito.    
“Kaso wala akong pera para pambili” sagot naman ni Yuri.
“Don’t worry kami na ang gagastos sa ingredients.  Parang treat mo na rin un kasi ikaw ang magpeprepare.  Tatawagan ko ang barkada para dito na rin sila magtanghalian” sagot muli ni Luke.  Napaisip naman ng saglit si Yuri bago muli nagsalita.
“Kailangan kasi fresh ang mga seafoods kong bibilhin.  Ganito na lang, sasama na lang ako sa kanya pamimili sa wet market” sabay turo kay Manang.  “Medyo sumasakit na rin kasi ang mata ko kahaharap sa computer.  Kayo naman, ililista ko ang bibilhin nyo sa supermarket para mabilis rin tayo.”
Umoo na lang kami sa kanyang sinabi.  Mabilis naman siyang naghanap ng papel at ballpen at isinulat ang ingredients na dapat naming bilhin.  Ipinakilala rin namin siya kay Manang Lucing para maging komportable sila sa pamimili.  Stay-out na tagalinis namin ito dahil kalimitan naman ay sa labas na kami kumakain.  Pero paminsan-minsan nagrerequest kaming ipagluto nito kaya naman maaasahan rin ito sa pamimili lalo na sa wet market ng lugar namin. 
Tinawagan naman namin ni Luke ang barkada.  Kaso, ang tanging tumugon lang sa aming paanyaya ay ang kagigising lang na si AN.  Hindi raw pwede sina Andre at Karl dahil may kanya kanya na raw silang lakad.  Kaya naman sinabi namin kay Yuri na si AN lang ang makakasama ngayon.  Medyo natigilan siya pero mabilis rin niyang binago ang dami ng ingredients na ipabibili niya sa amin.  Isinuggest naman ni Luke kay Yuri na huwag ng bawasan ang pamimilhin dahil tiyak na marami pa rin silang makakain lalo na si AN.          
Pagkapalit namin ng damit ni Luke, pumunta na rin kami sa aking sasakyan.  Napagdesisyonan kasi namin na sasakyan ko na lang ang gamitin dahil magpapadrop na lang daw sina Yuri sa palengke at bahala na raw silang bumalik.  Sinabihan ko silang iintayin ko sila sa palengke pero sila na rin ang nagsabi na mahirap mag-intay sa lugar na yun lalo na kapag may sasakyan kaya pumayag na rin ako. 
Pagkasakay naming lahat tumungo na rin kami sa aming pupuntahan.

-AN-

                Nagising ako sa tunog ng aking cellphone.  Tumatawag pala si Luke!  
Bwisit naman oh…  Ang aga-aga pa! 
Pasado eleven na ng tanghali pero hindi pa rin ako nakakabawi ng tulog.  Dalawang sunod na gabi ba naman kaming nag-inuman at parehas pang madaling araw umuwi.  Sinusulit kasi ng barkadang magkasama habang start pa lang ng klase.  Sigurado, next week hindi na kami makokompleto. 
“Oh ano namang meron?  Kanina nga magkasama na tayo ngayon tumatawag ka pa!”  iritado kong sagot.
“Cool pare.  Mukhang kagigising mo lang ah” sagot niya sa aking singhal.  “Iimbitahan lang sana kitang kumain dito sa apartment ngayong lunch. Magpeprepare kasi si Yuri ng sushi at sashimi.  Di ba gusto mo yun?”  bigla namang nagbago ang mood ko sa balita niya.  Alam kasi niyang mahilig akong kumain sa Japanese restaurant.  Pero dahil walang maayos na Japanese restaurant dito sa campus, matagal-tagal na rin akong hindi nakakain nun.  Lalo na, nagugutom ako.  Tiyak na mapaparami ang kain ko nito. 
Nasabi na rin ni Keith na magtututor siya kay Yuri ngayon sa apartment niya.  Itatanong ko sana kung paano natututong magprepare noon yun pero dahil parang nagmamadali si Luke sumagot na lang din ako, “Call.  Punta ako diyan ng lunch.  Maliligo lang ako”  at tinapos na niya ang tawag. 
Hindi ko na nasabi na iimbitahan ko si Katrina pero alam ko namang alam nila na isasama ko ito dahil lagi ko itong kabuntot sa lahat halos ng aking lakad.  Naalala ko rin ang pagkagalit ni Katrina kay Yuri.  Naisip ko namang ito na rin siguro ang pagkakataon na magkaayos sila.  Mahirap kasi na mayroon siyang kaklaseng kagalit at baka maipit pa ako pagnagkataon.  Tinawagan ko na si Katrina sa kanyang celfone.
“Good morning Sweetie” ang bati ko sa kanya.
“Hello…”  ang kanyang isinagot.  Bagong gising ang boses nito.  Inumaga rin siguro.  Hindi kasi ulit kami magkasama kagabi. 
Kagabi kasi sa bar, hindi pa kami nakakatagal sa aming tinatayuan ay nagpaalam na ito.  Sa mga sis raw muna niya sa sorority siya makikijamming.  Pumayag naman ako kaya umalis na rin siya agad sa bar na ininuman namin ng barkada.  Nagtaka pa nga ang mga ito dahil never pang hindi sumama sa amin si Katrina lalo na’t twice-in-a-row itong nangyari (kagabi at noong Thursday night).  Kaya naman wala akong maisagot sa kanilang mga tanong,
“Lunch tayo kina Keith ngayon.  Japanese food” hindi ko na sinabing si Yuri ang magpeprepare para sumama siya.  “Ano, daanan kita dyan sa inyo?” 
“NO…” nagulat ako sa pasigaw niyang sagot.  Natigilan din siyang saglit bago muling nagsalita.  Marahil narealize nyang napasigaw siya which never pa nyang nagawa.  “I mean, wag ka nang pumunta dito.  Alam mo namang ayaw ko ng Japanese food di ba?  Isa pa, nagdidiet din ako”  parang kinakabahan siyang hindi maintindihan.  “Sige na, ikaw na lang.  Alam ko namang gusto mo yun.”
“Sweetie masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo puntahan kita diyan?” nag-aalala kong tanong.
“Ang kulit, sabing huwag na eh” medyo iritado niyang sagot.  “Sige na, mag-enjoy ka na lang.”
Natapos ang usapan at nagpaalaman na rin kami.  Nagtataka man sa kanyang inasal, hindi ko na ito inisip dahil nagugutom na rin ako.  Dalidali na akong naligo at nagpunta kina Keith.  Dahil puno ang parking space sa apartment nila, nagdesisyon akong sa loob na muna ng campus magpark.  Walking distance lang naman kaya ok lang.
   Dumeretso na ako sa kanilang apartment.  Kilala na ako ng guard kaya naman hindi na ako tinanong nito, bagkus pinagbuksan pa ako ng gate at nakangiti pang bumati.  Derederetso na akong pumunta sa kanilang unit at kumatok.  Pinagbuksan naman ako ng kanilang tagalinis.
“Magandang tanghali Sir AN.  Pasok po kayo.  Hindi nyo po kasama ang girlfriend nyo?”  pambungad nito.
“Manang may gagawin raw” pagdadahilan ko.  “Sina Keith?”
“Naku Sir wala pa.  Naggogrocery pa.  Pero si Sir Yuri andyan po sa kusina at nagluluto na” tugon nito.  Hay naku, nagmadali pa naman akong pumunta.  Pagkatapos wala pa pala ung mga iyon.  “Sir, babalik na po ako ng kusina.  Tulungan ko po si Sir Yuri” at bumalik na rin siya sa kusina.
Pupunta sana ako sa kusina para tingnan ang kanilang ginagawa.   Medyo hesitant ako kasi hindi pa naman kami nagkaroon ng formal conversation ni Yuri.  Isa pa, baka magsuplado na naman ito.  Pero dahil gusto kong makita kung paano magprepare/magluto ng Japanese food at wala rin naman akong magawa dito sa salas, pumasok na rin ako ng kusina.
Pagdating ko sa kusina, ginagawa na ni Yuri ang prawns.  Hindi man lang ito natinag sa pagpasok ko sa kusina dahil busying-busy itong nagtatanggal ng balat at veins nito.  Mabilis nya itong nagagawa pero kapansin-pansin pa rin ang linis ng ginawa nito kumpara sa ginagawa ni Manang Lucing.  Gusto ko sanang batiin at magtanong sa kanya kung paano siya natuto pero ayaw ko uling mapahiya sa kanya.  Natapos ang lahat ng sugpo na ginagawa ni Yuri at Manang Lucing sa pagtusok sa mga ito sa toothpick at pinakuluan sa parang tubig lang. 
Pagkasalang ng pinakuluan, hinanap naman nito ang kutsilyo kay Manang.  Inilabas naman ni Manang ang isang set ng kutsilyo at kinuha naman ni Yuri ang isang medyo manipis ng panghiwa.  Pagkatapos makakuha ng kutsilyo, ipinili na rin ni Yuri si Manang ng isa pang kutsilyo at ibinigay dito.  Pinakuha rin nito ang isda, sa hula ko ay tuna, at sinimulan ng ituro kay Manang kung paano ang tamang paghiwa ng isda.  Napakaprecise ng instructions nito dahil kahit ako ay makakaya ko ng gawin ang gagawin nila. Mabilis rin naman natutunan ni Manang ang paghiwa kaya nagsimula na sila. 
Naaliw ako at namangha sa galing ng paghawak niya sa kutsilyo.  Napakabilis nito at sa isang hiwa lang nakukuha nito ang hiwa para sa sashimi.  Kaya naman hindi ko na nakuha pang magsalita.  Pagkatapos nilang maghiwa at habang naghihintay sa pinakuluan, kinuha naman ni Yuri ang mga talaba o oyster.  Tutulong sana si Manang pero sinabihan siya ni Yuri na kaya na niya iyon at magpahinga na lamang.  Habang hinuhugasan ni Yuri ang talaba sa sink, nagsalita naman si Manang, “Naku Sir Yuri ang suwerte ng mapapangasawa niyo.  Ang dami nyong alam sa kusina.”
“Naku, hindi naman po Manang” nakatingin pa rin sa talaba habang isa isa na nitong binubuksan gamit ang kutsilyo. 
“Anong hindi?” at sa akin naman tumingin si Manang.  “Alam mo ba Sir AN, napakarami palang alam nito sa pamimili sa palengke lalo na sa seafoods.  Ako nga ang tanda-tanda ko na, hindi ko alam kung paano bumili ng masarap na sugpo at talaba.  Sabagay hindi naman ako palagi nagluluto nito.  Pero ang nakakahanga talaga kay Sir ay yung lakas niyang tumawad.  Natutuwa nga ung tindera kasi ang guwapo ni Sir kapag nginitian ang mga ito kaya naman ibinibigay na nila” napatawa naman si Manang habang nagsasalita habang si Yuri ay busy pa rin sa ginagawa nito. 
Napamaang lang ako sa tinuran ni Manang.  Ang taong ito na parang tuod ang itsura, ngumingiti makatawad lang?  I suddenly become curious with his smile.  Ganito ang tumatakbo sa isip ko ng bigla namang, “Wow pare ang aga mo ah.  Kapag talaga Japanese food hindi mo pinapalampas”  Nagsalita si Keith sa may pasukan ng kusina at may daladala ito ng pinamili.  “Hi Yuri.  Pasensya na at medyo natagalan kami, hindi pala alam nitong si Luke kung saan kukunin ung mga pinabibili mo kaya naman inikot pa namin ang supermarket.” Kasunod naman nito ay si Luke na mayroon ring sariling dala. 
“Anong ako? Ikaw nga ang nagmagaling diyan sa pagtutulak ng cart  at nangunguna ka pa” balik panisi nito.  “Sayang naman tapos na pala silang magpeprepare.  Gusto ko sanang magpaturo eh” panghihinayang ni Luke ng maabutan si Yuri na matatapos na sa pagtatanggal ng laman sa talaba habang si Manang naman ay tinatanggal na sa stove ang isinalang na sugpo.
“Hindi okay lang sakto lang ang dating nyo.  Sige na ibaba niyo na yan diyan at kami na ni Manang ang bahala dito.” awtoritado nitong wika.  “Luke, saka ka na magpaturo.  Mukhang gutom na kasi yang kaibigan niyo eh” kuhang kuha niya.  Hindi ko man sabihin, mukhang isang tingin lang nito ay alam na nitong gutom na ako. 
“Mukhang hindi pa kayo magkakilala ah” wika naman ni Keith.  Ipinakilala naman niya kami sa isa’t isa pero hindi na ito nakipagkamay dahil malansa raw ang kamay nito.  Simpleng ngiti lang ang ipinakita nito pero kakaibang pakiramdam ang dulot nito sa akin.  Never ko pa naman siyang nakitang ngumiti ng hayagan kaya naman siguro naamaze lang din siguro ako.
Pagkatapos naming magpakilanlan, lumabas na rin kami ng kusina para hayaan na lamang sina Yuri sa kanilang ginagawa. Pumunta kami sa salas para maglaro muna ng PS3 sa 60” nilang LCD TV.
“Oh bakit hindi mo kasama si Katrina” wika ni Luke.
“May gagawin raw pare eh kaya hindi ko na naisama” pagdadahilan ko.
“Naku AN parang kakaiba yang GF mo ngayon ah.  Biruin mo magsisix months na kayo pero kagabi lang at noong Huwebes lang siya nawala sa gimik natin. LQ ba kayo?” komento naman ni Keith.
“Hindi nga pare eh.  Hindi ko rin alam kung bakit” pagtatapat ko sa kanila.  May kung anu-ano pa silang mga sinabi pero hindi ko na inintindi at nagpatuloy na lamang sa paglalaro. 
“Pre’ kumain ba kayo ng agahan?” tanong ko kay Luke matapos ang 30 mins.  Hindi ko na rin kasi matiis ang gutom. 
“Oo kumain kami.  Ipinagluto rin kami ni Yuri.  Heaven nga ang sarap noon eh” parang nag-iimagine pa ito ng maisip ang kinain kanina.  Magkokomento sana ako para dito ng biglang,
“KAINAN NA!” si manang.  Parang nabuhayan naman ako at dumeretso na sa kusina kung nasaan ang dining table nila.  Hindi ko na hinintay sina Keith.  Nang makita ko ang mga inihanda ni Yuri, mas lalo akong nagutom dahil sa sarap tingnan ng mga ginawa nito.  Kulang na lang ay hilahin ko na sina Keith para bilisang maglakad at maupo para makapagsimula na kaming kumain. 
Bago kami nagsimulang kumain, nagsalitang muli si Manang, “Ito po Sir Keith ung sukli dun sa pinamili namin.”
“Bakit ang laki pa rin nito?” tanong naman ni Keith.
“Hay Sir ang lakas tumawad ni Sir Yuri.  Halos ibigay na nga ung mga tinda dahil sa guwapo ng kasama ko” napatingin naman ako kay Yuri.  Wala man lamang itong reaksiyon sa sinabi ni Manang.  Typical Yuri.
Nagsimula na rin kaming kumain ng kanyang ginawa.  Napasarap ako ng kain dahil daig pa ng ginawa ni Yuri ang mga ginagawang sushi at sashimi sa mga Japanese restaurant na nakainan ko.  Habang pinapapurihan namin ang kanyang nagawa, tanging ngiti lamang ang itinutugon nito.  Mabilis namang naubos ang mga ginawa ni Yuri.  Nagsimula na ring ayusin ni Manang ang aming kinainan.  Habang abala ang lahat sa pag-inom ng ginawa nitong juice, nagsalita naman si Keith.
“That was heaven Yuri” komento ni Keith.  “I bet your mother thought you this as well.” 
“Tuwing may special occasion lang gumagawa ng ganan si ina pero nakikisama ako kasi kahit papaano ay gusto ko namang may matutunan na tradisyon ng hapon kahit sa pagluluto lang” tugon ni Yuri.  First time kong makinig na magsalita si Yuri ng tuluy-tuloy at parang napalitan ang blankong ekspresyon nito ng enthusiastic na itsura.
“Daig pa nito ung sa mga restaurant ah” komento ko naman. 
“Oo ngah! Anong sekreto mo at napasarap mo ito?” tanong naman ni Luke.
“Wala naman basta sariwa lang naman dapat ang isda at seafoods” tugon muli nito.  Make sense.  Baka nalipasan na rin ung sa restaurant kaya naman hindi ito kasingsarap ng ginawa ni Yuri.
 Ikinuwento naman ni Keith ang mga ikinuwento ni Yuri sa kanya tungkol sa pamilya nito ng mapunta ang topic sa ina nito.  Talaga naman palang me lahing hapon ito kaso hindi marunong mag Nihongo.  Pagkatapos ng usapan, niyaya na muli ni Keith si Yuri na ipagpatuloy ang ginagawa nito.
Tinatamad din naman akong lumabas ng apartment nila, kaya nagdesisyon muna akong tumambay sa apartment nila at maglaro ng PS3 kasama si Luke habang si Keith at Yuri ay busy sa room nito habang nagtutoran sila.  Out of curiosity, naisipan kong tingnan ang ginagawa ng dalawa habang nagtutoran at nag-excuse kay Luke na pupunta sa CR.  Bukas naman ang pintuan ng kuwarto niya kaya hindi ako mahihirapan.
Naglalaro lang naman pala si Yuri ng isang computer game sa pagtatype.  Akala ko pa naman seryoso ang dalawang ito.  Pero hindi maikakaila sa dalawa na masaya ang mga ito dahil na rin sa kanilang ngiti.  Masayang masaya si Keith kausap si Yuri habang tinutulungan ito sa nilalaro.  Si Yuri, ang taong parang walang emosyon, naman ay hindi rin mawala ang ngiti.  Mas lalo tuloy akong nacurious sa taong ito.  Pupuntahan ko sana silang dalawa sa loob pero dahil hindi ko pa naman kaclose si Yuri, inunahan naman ako ng hiya.  Isa pa, mukhang hindi pa siya komportable sa akin kaya hinayaan ko na lamang sila.    
Magti-3 PM na nang magpaalam si Yuri na uuwi na.  Pinigilan pa nga ito ni Keith pero dahil mapilit ito, wala rin itong nagawa.  Inalok na lamang ni Keith si Yuri na ihatid na tinanggihan din nito dahil ayaw raw nitong makaabala pa.  Idinahilan pa ni Keith na walang basta basta masasakyan palabas ng campus dahil Sabado pero sinabihan siya ni Yuri na maglalakad na lamang ito na mas gusto naman daw nito.   Ok lang daw na medyo mainitan siya dahil sanay naman daw ito. 
Dahil nababagot na rin ako sa paglalaro, nagdesisyon na rin akong umuwi.  Itinanong ko kay Yuri kung saan siya sumasakay at maikli naman itong sumagot.  On the way lang sa condo ko ang kanyang pangalawang jeep na sinasakyan kaya naman inaya ko itong sumabay na lang sa akin.  Mariin naman itong tumanggi pero dahil na rin sa udyok ni Keith, napapayag na rin ito at nagpaalam na rin sina Keith at Luke sa amin.  Sinabihan pa ni Luke si Yuri na sana raw ay maulit na ipagluto ulit sila.  Umoo naman ito at nakangiti na ring nagpaalam sa kanila. 
At sabay na nga kaming lumabas ng apartment unit nila.


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails