Followers

Monday, November 22, 2010

Chapter 3 : Ang Mga Pangarap Ni Fredo

by: Jayson
email: king_sky92@yahoo.com
blog: www.jaysoncnu.blogspot.com
----------------------------------------------------------------
Sa mga naghintay, pasensya na po at medyo natagalan, dami ko kasi ginagwa lately sa work eh. Salamat at naisulat ko din ang chapter 3 ng kwento kong ito. Maikli lang ang tagpong ito ngunit Im hoping na may mapulot kayong aral. Isusulat ko na rin ang next chapter within this week. Salamat nga pala sa sumusunod sa pagbasa at pagsuporta sa kwento kong ito:
Ace, Rodgie, Greg,  Robin, Jay, Eunso, Jheyvee, Jemuel, Ramen, Marlon, Emray, Joseph, Kenneth, Lance, Paulo Manuel at Ramil    
---------------------------------------------------------------
Sa aking nabasa mula sa diary ng aking anak, parang gumuho ang aking mundo. Ang aking anak na inalagaan at pinalaki na matakutin sa Diyos ay naligaw ng landas na di ko man lang nalalaman. Ang akala ko ay alam ko ang lahat sa kanya ngunit aking napagtanto na pinipili ko lang pala ang aking nais malaman.
“Ma, uminom ka muna ng kape.”si Jason nakapasok na pala siya sa aking silid. Nilapag ko ang diary sa ibabaw ng lamesa at kinuha ang dala niyang kape.
“salamat anak.” Hinigup ko ang kape at tahimik lang, habang si Jason uy naupo sa aking tabi.
“Ma, miss na miss ko na si Fredo.” Malungkot na sabi ni Jason
“Ako din anak, buti sana kung nasa langit siya!”
“Ma sa tingin mo nasa impyerno ngayon ang kapatid ko?” tanong ni Jason sa akin.
“Marahil..” maikli kong sagot.
“Bakit mo naman nasabi yan ma?” tanong niya ulit.
“Nakasaad sa Bibliya na ang mga bakla ay di makakapasok sa kaharian ng langit at isa pa nagpakamatay ang kapatid mo! Ayoko man isipin ngunit di natin maipagkakaila na nagkasala ang iyong kapatid.. Nabigo ako!” pahayag ko habang tumulo ulit ang aking luha.
“Alam ko ang iyong nararamdaman Ma, alam niyo po lately nakausap ko ang isa sa mga kaibigan ni Fredo sa Theology school at may natutunan ako sa kanya. Di po ba ang Diyos ay pag ibig? At hinuhusgahan niya tayo di lamang kung ano ang ating nagawa kundi kung ano ang laman ng ating puso.” Kinuha niya ang bibliya na nasa tabi ng diary ni Fredo at binuklat ito.
“Ayon sa libro ni apostol Lukas kapitulo 16 bersikulo 15 : (At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa't nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka't ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios.) Ang sulatin po na ito ang nagbibigay sa akin ng pag asa, kasi nga po di naman natin alam ang tunay na saloobin ni Fredo, di natin nakikita ang mga nais ng kanyang puso, di natin nakikita ang kanyang mga pagdurusa. Marahil nakikita natin ang kanyang kamalian ngunit aminin na natin na ang Diyos ay patas at hindi niya tayo katulad kung manghusga sa ating kapwa.” Binuklat niya ulit ang bibliya at inilipat sa ibang libro.
“Ang libro ni Juan kapitulo 8 besikulo 15 ay nagpapatunay na ang Diyos ay di mapanghusga, bagkus nakakaintidi siya sa sigaw ng ating mga puso, sabi po rito :Nagsisihatol kayo ayon sa laman; ako’y hindi humahatol sa kanino mang tao. Ma, di naman sa hinahanapan ko ng justification si fredo ngunit sa palagay ko dapat lang na buksan natin ang ating mga mata, at di lamang basta maniwala sa kung ano ang sabi ng simbahan. Dapat din po nating matuto mula sa mga salita ng Diyos mismo.” Di ako makapaniwala sa mga sinabi ng anak at nakinig lamang ako sa kanya. Binuklat niyang muli ang bibliya at binasa ito.
“Sa libro ni propeta Isiah kapitulo 55 bersikulo 8 hanggang 9, sabi po dito (8   Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
9   Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.) Ma, ngayon niyo po sabihin sa akin kung nasaan si Fredo? Hindi po tayo Diyos upang sabihin na nasa impyerno o nasa langit si Fredo.” Marring tanong ng aking anak pagkatapos ng kanyang pahayag. Di naman ako naka imik at natulala ako sa aking narinig, tila ba nakipag usap sa akin ang panginoon gamit ang aking anak.
“Tama ka anak, tama ka..” tumulo ulit ang aking mga luha at niyakap ng mahigpit si Jason.
“Ma, magpahinga na po kayo ha? Bukas may ipakikilala ako sa inyo.”
“At sino naman yang ipakikilala mo sa akin? Tanong ko sa kanya.
“Kaibigan siya ni Fredo, marami siyang alam tungkol kay Fredo na di natin alam. Sa tingin ko matutulungan niya tayong maintindihan ang lahat.” Ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng isang good night kiss.
Pilit kung ipinikit ang aking mga mata ngunit di ako dinalaw ng antok. Ang daming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Di ako mapakali. Kaya’t bumangon ako, binuksan ang lamp shade at kinuha ko ang Diary ng aking anak na nasa ibabaw ng aking drawer. At sinimulan ko ulit basahin ang karansan ng aking anak, naalala ko ang sulat niya “sana sa aking pagpanaw, may mga tanong na mabibigyan ng kasagutan” determinado akong hanapin ang mga sagot na iyon para na rin sa aking katahimikan.

-itutuloy-

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails