Followers

Monday, November 8, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 10


BY: James wood
Email: james.wood86@yahoo.com
Blogsite:akosijamesw.blogspot.com


NGAYONG HAPONG ITO ALAS 3:48, ORAS SA DUBAI, UAE. SA  IKA-WALO NA ARAW NG NOBYEMBRE, TAONG 2010. AKING TINITIPA SA AKING KEYBOARD ANG MGA PANGALANG UMALALAY AT NAGING INSPIRASYON KO SA PAGSULAT NG UNANG PAMPUBLIKONG ISTORYA NA NAG MULA SA AKING IMAHINASYON. SA MGA SUMUSUNOD WALANG SAWANG PASASALAMAT ANG AKING NAIS  IPA-ABOT.

UNA SA LAHAT ANG MAY ARI NG BLOGSITE NA ITO, SI KUYA MIKE, ANG ISANG TAONG NAGBIGAY NG INSPIRASYON SA AKIN NA MAGSULAT AT PATULOY PARING NAGBIBIGAY NG INSPIRASYON. NA MAY AKDA NG “IDOL KO SI SIR, ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN, SI UTOL AT ANG CHATMATE KO” THANK YOU SIR.THANK YOU PO SA PAGPAPAHINTULOT NG ESPASYO PARA SA AKING MALIIT NA GAWA. SALAMAT PO.

CHRONODRILLER – PINUPUNTAHAN ANG DALAWANG BLOGSITE AND BUMIBISITA SA STORY KO, SALAMAT PO MULI.

ROYVAN –SALAMAT, MWAH MWAH DIN... HEHEHE

DARKBOY13 – SALAMAT PO, SALAMAT SA PAGBABASA

WHITE PAL – BUNSO SALAMAT PO SAYO.

MARQEE – KUMUSTA KA NA, SALAMAT SA YO

LOTSOFLOVEMAC- I TREAT MO KO SA MANG DONALDS.

SK8RKID – THANKS PO

CUTEE06- MARAMING SALAMAT DIN PO.

CHACK – SALAMAT PO SA KILIK COMMENT

GHIIN – THANK YOU SA PAG APPRECIATE

SAIMY- NA PAIYAK DIN, SALAMAT PO

DION –SALAMAT PO SA WALANG SAWANG SUPORTA

DOSE 12 – LETTER NA NUMBER PA. SALAMAT PO

JHAY L –THANK YOU PO. MY EMAIL ADD IS MY FB ACC. 

AT SA MGA ANONYMOUS JANSALAMAT DIN PO.

SA INYONG PAGTANGKILIK, PAGBABASA, PAGKUKUMENTO, PAGTUTUWID, PAG-GABAY, PAGPAPATAWA, PAGPAPALUHA, PAGIGING KAIBIGAN SA FB, AT YM, PAGIGING MASASANDALAN SA ORAS NG PANGANGAILANGAN, AT PAGIGING KA –MSOB. 

LAHAT SA INYO, MERON PO KAYONG NAGAWA PARA SA AKIN, HINDI KO NALANG SASABIHIN DAHIL SA PALAGAY KO AY KARAPATAN KONG ITAGO ANG REGALONG BINIGAY NYO SA AKIN. PERO BAGAMAT HINDI  MATUTUMBASAN NG SALAMAT ANG REGALONG ITO. SALAMAT PARIN SA INYONG LAHAT. MAY NAKALIMUTAN MAN AKO, PERO IKAW NA NAKALIMUTAN KO, SALAMAT DIN SA IYO.


NAIS KO NAMANG MAGPAHINGA SA 3 BUWAN AKING GINUGOL SA ISTORYANG ITO.
MAMI-MISS KO KAYONG LAHAT...






CHAPTER TEN... (LAST CHAPTER)


ANG NAKARAAN...

Pagkatapos ng pag-aakalang patay na si Pa, ay sinorpresa nya ako sa bahay namin. Lahat ay lumuha ng kaligayahan at wala na akong pagsidlan ng aking kasiyahan dahil sa ang pinakamahalagang kahilingan ko sa buhay ay natupad, ang mabuhay siya. Wala kaming inaksayang oras at nagpunta agad kami sa resort ng mga Salvador dahil miss na miss na namin ang lugar na iyon. At naging masaya ang lahat ng mga kaibigan ko at ang pamilya namin ni Pa.

Sinabihan kami ni Mommy Glenda na ibo-book na kami papunta sa Australia para makasama ang lolo at lola ni Pa, ngunit nagtanong si Pa kung sasama ba ang magulang niya.
MRS. SALVADOR: “Of Course we do, susunod kami ng Dad mo at si Balae at si Linet kulet, hehehehe. Is it nice?”

AKO at si NICK: “Alright” At tawanan kaming lahat...




PAGPAPATULOY...



Dumating ang araw ng aming pag alis, nakaupo na kami ni “Pa” sa 3rd row ng business class. Syempre doon ako sa may bintana, hindi dahil gusto kong makita ang pag lipad ng eroplano, kundi gusto ni Nick na lagi akong protected. Diba ang sweet. Habang inihahanda ng piloto ang makina ng eroplano para sa gagawin nitong pag lipad. Abala naman si “Pa” sa paghahanap ng mga bagong movies. Hindi pa man nakakaalis ng bansa ang eroplano, nami-miss ko na agad ang Davao, ang bayan na naging saksi sa lahat. Mula sa pagkasilang sa akin hanggang sa kung ano man ako at meron ako ngayon. 

Nami-miss ko rin si Pau at Amy, na malapit ng ikasal sa susunod na taon, at syempre hindi mawawala kaming dalawa ni “Pa” bilang best man at abay sa kasal nila. Si Pau na naging kababata ko, kuya, kaklase, kabarkada, karamay, kapatid, at pinaka-natatanging kaibigan. Hindi ko malilimutan ang huli nyang sinabi sa akin.


PAU: “Mag-iingat ka doon best, alam mo kung gaano kita kamahal, sunod sa Diyos, magulang ko at kay Amy. Hindi ko mapapatawad si Nick pag may nangyaring masama sayo. Ok? Kaya alagaan mo ang sarili mo ha habang wala ako sa tabi mo, at wag mong kakalimutang balitaan ako. Mahal na mahal kita Best ko.” 

AKO: “Oo Best, salamat po, hindi kita malilimutan, saan mang sulok ng Australia at anu mang oras na gising ako, mami-miss ko ang pagsasamahan natin. Mahal na mahal din kita Best, payakap nga.”
Syempre iyakan moment kami ni Pau sa isang sulok ng airport.
Nag moment din kami ni Amy, Si Amy na nakakakilala din ng mga kalandian ko. Ang clown ng buhay ko. Meron din syang pahabol na salita.

AMY: “Bhe, mamimiss kita, wala na akong kachorvahan. Ang updates ko... Mag-iingat kayo ni Nick. I’m so happy you’ve been this far. Unawain nyo lagi ang isa’t isa, hindi mawawala sa relasyon ang away. Balitaan mo rin ako ha.” Nguyngoy ng gaga. 

AKO: “Anu kaba syempre may updates ka parin, lalo na ngayong malayo sa isa’t isa ang dalawang maganda sa earth. Hehehe. Ingatan mo si Pau, sya lang ang kapatid kong lalaki. Wag ring kayong mag-aaway, wag mo  kong kakalimutan. Mahal ko kayong dalawa.” Pina-iyak din ako nito.


Naghatid din si Angela, at Leo, Pero si Kiko hindi daw makakasama, busy sa itinatayong business. Kaya tumawag nalang sa amin ni “Pa”. Si Issa naman binalitaan ako, may nanliligaw daw sa kanya, sinabi ko na sana kasal na sila pag balik ko ng bansa at ipaghanda nya ako ng maraming banana cue dahil siguradong mami-miss ko iyon sa bansang pupuntahan ko. Pero hindi rin nakasama si Issa sa pag hatid. 

Ang Mommy Glenda umiiyak habang paalis kami, walang katapusang 


MRS. SALVADOR: “Ingat kayo doon, tatawag kayo pag nakarating na kayo ha.” Hindi kami bitawan ni Nick sa pagkakayakap. 


Ang mga tita at tito ni “Pa” ay naghatid din, isang mahigpit na yakap naman ang iniwan sa amin ni Daddy Roman. May Pahabol din ito sa akin.


MR. SALAVADOR : “Mga anak, wala ako sa tabi nyo, kaya alagaan nyo ang isa’t isa, Jake anak,sumbong mo sa akin si Nick pag hindi sumusunod sayo ha. At ikaw Nick, mamahalin mo to, hindi mo alam ang sakripisyo ni Jake sayo” Tango lang kami ng tango ni Nick. Iba talaga pag may ama. Nami-miss ko tuloy si Tatay.

At ang Nanay at si Kulit Linet, syempre malungkot. Sinabi ko sa nanay na susunod naman sila pagkatapos  ng isang linggo. Kaya wag na nilang pabigatin ang loob ko kasi ang hirap umalis ng malungkot.


NANAY: “Nak, hindi natin hawak ang buhay natin, kaya isang aral din sa akin na sabihin ko ito sa inyo ng kapatid mo, anu man ang mangyari, lagi mong tatandaan mahal ko kayo ng kapatid mo” Singkit na naman ang mata ko, si nanay kasi, basta ina sobrang lambot ng puso ko.

NANAY: “Nick, anak, alagaan nyo ang isa’t isa, mahal na mahal din kita anak” at niyakap kami ni Nanay.


Si Ken, nagpakalayu-layo na, nagka-ayos na rin ang mga magulang ni Ken at sina Mommy Glenda at Daddy Roman.  Sinabi ko kay Nick  na paano kami makakapagsimula ng tahimik kung meron kaming dinadalang bigat sa dibdib, kaya napatawad na nya si Ken.

Bigla kong naramdaman ang labi ni “Pa” sa pisngi ko, 


NICK: “O anung iniisip ng mahal ko, hindi na ako naririnig.” May pagtatampong himig ni Pa.

AKO: “Wala, ok lang ako, namimiss ko lang silang lahat”

NICK: “Ako nalang isipin mo, ok. Para smile kana” 


Napatawa naman ako sabay tahimik ng maalalang nasa business class area kami.


AKO: “Ikaw kas-” naputol ng biglang halikan ang labi ko.

NICK: “I love you Pa.” Nakatitig sa mga mata ko.


Hinalkan ko ang Noo, ang Ilong at ang labi nya. Umaapaw ang kasiyahan na nadarama ko. Nakarating din kami sa Australia at sinundo kami ng lolo at lola ni Pa.



Sa Sydney Airport...


Sinundo kami ng mag-asawa, ang mga lolo at lola ni Pa, na naging pangalawang lolo at lola ko narin dahil wala na akong nakilalang mga lolo at lola dahil maagang pumanaw ang mga ito, sina nanay at tatay kasi ay mga nag-iisang anak, unico hija at hijo ika nga. Kaya excited din ako kung paano ba magkaroon ng lolo at lola. Bagamat nakikita ko kung paano ang pakikitungo ng mga lolo at lola ni Pau sa kanya, iba parin ang pakiramdam na ako mismo ay magkakaroon na ng sariling mga lolo at lola sa pamilya ni Pa.


GRANDMA SALVADOR: “Nick, hijo, mabuti at nakaligtas ka,huhuhu” Umiiyak na salubong sa amin lola ni Nick, hinahagod naman ni lolo ang ulo ng apo nila. Kitang kita ang pagkamiss at pagaalala  ng mag- asawa. Maliit pala ang lola ni Pa, pero maganda, at ang lolo kamukha ni Eddie Gutierez at matangkad, halatang may itsura sya nung kabataan.

NICK: “La enough na, I’m ok and I have someone for you” 


Kumalas naman ang matandang babae at sabay tumingin sa akin ang dalawang matanda, sabay pahid ng luha ng lola. Ngumiti sila sa akin at.


GRANDMA SALVADOR : “Naku hijo, pasensya kana apo, ikaw ba si Jake? Halika dito, lumapit ka, naku ampogi pogi pala ng boyfriend ng apo ko” Sabay lapit ko sa kanila at yakap din.

GRANDPA SALVADOR: “Aba oo nga, hijo ituring muna kaming mga lolo at lola mo ha, dahil malapit na kayong ikasal ni Nico.” Sabay patong ng kamay sa ulo ko gaya ng ginawa nya kay Nick. Nico pala ang tawag nila kay Pa.
Hindi ako makapagsalita, yakap at ngiti ko nalang ang pinakita ko sa dalawang matanda tanda ng labis kong kasiyahan una sa pagkakaroon ng mga tunay na lolo at lolang maituturing, pangalawa sa mainit nilang pagtanggap sa akin, at pangatlo sa pagsuporta sa pagmamahalan namin ni Pa.  

NICK: “La Let’s go, my baby is hungry” Sabay akbay sa akin.

GRANDMA SALVADOR : “Oo nga naman, matagal ang byinahe ng mga apo ko, at nakaprepare narin ang pagkain sa bahay, kaya tayo na.”


Nakarating kami sa 2 storey na bahay nina lolo at lola, Puno ng halaman at mga puno ang bahay, sa malaking bakod ay umaapaw ang nagagandahang bulaklak na siguradong si lola ang nag-aalaga. Parang pilipinas pero mas may kalidad nga lang ang mga materyales na ginamit sa naturang bahay. Pag pasok namin sa gate ay walang katao tao.


AKO: “La, bukod po sa inyo sino pa pong nakatira sa bahay na ito.”

GRANDMA SALVADOR: “Kami lang hijo ng lolo mo ang nakatira dito. Kaya apat lang tayo sa bahay na ito. Pero pag kasal na kayo, ipapakita ko sa inyo ang bago nyong bahay. Pero syempre dapat lagi parin kayong papasyal sa amin kasi ma-miss ko kayong dalawa ni Nico”

NICK: “Ofcourse nman ‘la, dito kaya nakatira si Pubu at Madrigal, asan na nga pala sila”

AKO: “Sino si Pubu at Madrigal?”

GRANDPA SALVADOR: “Tayo na sa loob at nang makilala mo sila.”


Kaya pagpasok ko sa bahay ay namangha ako sa linis at ayos ng bahay nina lola, sobrang cozy ika nga, na feel ko agad ang pagod nang makita ko ang lavander na sofa, parang ang sarap-sarap humiga at magpahinga doon. Ang ganda ng wooden furnitures na inayusan ng mga thin glasses figurines, malaki ang spaces ng bahay, pero wow naman sa mga appliances, na kung saan nakikita ko lang ang  mga ito sa mga MTV cribs o yung mga hollywood celebrity houses. Speechless ako sa crib ni lola at lolo. Hehehe.
 
Bigla namang bumaba sa sofang iyon ang isang super duper cute na aso, na noon ay diko alam ang tawag sa family classification ng aso pero kalaunan ay sinabi rin sa akin ni Pa na iyon daw ay isang Westie dog. At lumapit agad ito sa paanan ni Pa at dali-dali namang kinarga ito ni Pa at niyakap at hinalik-halikan, nakaka-overwhelmed na makita ang dalawang cute na nilalang sa harapan mo. Si Pa na talagang cute at ang karga nya na sobrang cute din, hindi ko namalayang abot tenga na pala ang ngiti ko. At naramdaman ko nalang na lumapit sa akin si Pa para ibigay ang aso.


AKO: “Anung name nya Pa? Babae ba ito?”

NICK: “Oo babae si Pubu”

AKO: “Ah, aso pala si Pubu, ang cute naman nito, ang bait nya ano, di sya galit sa ibang tao”

NICK: “Matapang yan, pero alam nya kasi na kilala kita kaya maamo sya sayo”

GRANDPA SALVADOR: “Alam ni Pubu kung sino ang magiging asawa ng amo nya”


NAgtawanan nalang kaming lahat at nagyaya na si Lola sa dining area para makapagsimula na kaming kumain, kahit gusto kong isama sa lugar si Pubu, pero kailangan parin ang right manners sa hapag kainan, kaya binalik ko nalang si Pubu kay Pa at kinuha nya ito at bago ibaba ay hinalikan ulit.


AKO: “Mag tooth brush ka ha”

NICK: “Ayaw ko nga, hindi ako magto-tooth brush kahit hahalik ako sayo”

AKO: “Subukan mo lang”

NICK: “Hehehe, biro lang Pa.”



Nang makarating naman kami ng kusina ay pinakilala ni lola si Madrigal, isa pala syang Parrot. At tinawag agad nito ang pangalang ni Pa, nasinasabing.



MADRIGAL: “Nico, nico, nico, ang pogi pogi mo nico, kumusta nico”



Napatawa naman ako sa galing ng ibon na magsalita, alam ko tinuruan yun ni Pa kung ano ang sasabihin. Nag simula na din ang dinner. Kahit nasa ibang bansa kami, gulay ang pagkain, tortang talong, amplayang may itlog, sinaing na tulingan na may gata na nasa palayok pa talaga, litsong kawali, at sariwang juice na galing sa kinatas na orange. Grabe ramdam kong namamasa ang lalamunan ko. Sobrang sarap ng kakainin namin.


AKO: “La buti nalang hindi nyo binabago ang pagkain na nakasanayan na natin.”

GRANDMA SALVADOR: “Syempre hijo, ito yata ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo”


Wala kaming inaksayang panahon at kumain na kami habang panay ang tanong sa akin ng dalawang matanda mula ng simula kaming magkakilala ni Nick hanggang sa bago kami umalis ng pilipinas. Maraming nabuksang mga bagay bagay at mga impormasyong nagdala sa aming lahat upang higit na makilala ang isa’t isa. Naging masaya ang aming hapunan at nagsimula nang magsipaghanda para sa gagawing pamamahinga dahil siguradong bukas at sa mga susunod na mga araw ay magiging abala na kaming lahat sa preparasyon ng aming kasal ni Nick.
Naihanda ko narin ang singleness papers ko bago ako umalis sa pinas, sabay kaming nag pa-authenticate ng singleness sa government na isa sa mga kakailanganing dokumento para sa pagkakasal.

Dumating ang bukas at kasama sa aming pag to-tour ay ang pagpaplano ng mga bagay bagay, mabilis na lumalakad ang mga araw at dumating narin sa wakas ang nanay at si Linet kasama si Mommy Glenda at Daddy Roman. Abalang-abala kami sa mga preparasyong katulad ng mga isusuot namin ni Nick sa Civil Wedding Ceremony, natural pareho kaming naka coat and tie hehehe, ang mga witnesses ay kinuhanan narin ng mga sukat para sa tatahiing mga damit, at syempre sina lolo at lola ay hindi papahuli sa attire, gorgeous blue floral print Organdie shift dres na matching pa sa hat with feathers. Syempre deep midnight blue ang motif kaya yun din ang kulay ng gown ni Lola at si Lolo naman ay black suit with same motif color ang inner nya. Parang sila ang mag go-golden wedding. Maganda rin ang gown ni nanay, mommy at ni Linet. 

Sobrang gwapo naman ni daddy sa suot ng gray suit. Pinuntahan din namin ang mga kilalang hotels para piliin ang lugar kung saan idadaos ang reception, iba talaga si lola, masyadong galante pagdating sa amin ni Pa. Kasundong kasundo ni Lola si Linet dahil sa kakulitan nito. At binibiro naman ni Lolo si nanay na may ipapakilalang matipunong biyudo sa araw ng kasal para sa kanya. Natatawa nalang kami ni Pa at ni Linet sa naririnig. Nahihiya man ang nanay ay nginingitian nalang nito ang lolo. Hindi rin namin pinalampas honeymoon location. At ang Cable Beach Club Resort & Spa ang napiling lugar. 

Bawat gabing magkatabi kami ni Pa ay labis na kasiyahan ang pinapakita ko sa kanya. Sana hindi na magwakas ang kasiyahan sa aming mga puso. At ang araw nga na aming pinakahihintay ay dumating.

Naging isang parang fairytale ang buong umaga para sa akin, kahit mahirap tanggapin ay lagi kong ginigising ang aking sarili na ang aking nakikita ay totoo, oo ikakasal na rin ako sa lalaking aking pinag-alayan ng aking puso. Hindi ganun karami ang bisita, pero lahat naman sila ay kakikitaan ng pagiging masaya, tanda na tanggap nila ang aming pagmamahalan. Hindi ko alam, pero sobrang biyaya ang tinamasa ko mula sa Kanya, alam ko wala sa banal na kasulatan nagpapahintulot sa pagsasama ng dalawang magkatulad na sekso, pero wala akong ibang pagaalayan ng pasasalamat kundi sya lang.

Nasa loob na kami ng isang korte at isa isa na kaming tinanong ni Mrs. Thomson ang county commissioner na napili ng lolo na magkakasal sa amin. 

MRS. THOMPSON: “Ok where is the ring?”


At nilabas nga namin ang sing sing.


MRS. THOMPSON: “Perfect, hold the ring you will be given to your partner, Ok Nick, you will say the vow first because you are older than Jake, Ok Nick, dear, ready the ring to be place in Jake’s Ring finger and insert it after you repeated all what I will say. Let’s start, I (your name), take you (his name) to be my husband”

NICK: “I, Nick Salvador, take you, Jake Garcia to be my husband”

MRS. THOMPSON: “And I promise to always be loyal”

NICK : “And I promise to always be loyal”

MRS. THOMPSON: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

NICK: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

MRS. THOMPSON: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

NICK: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

MRS. THOMPSON: “Excellent, now insert the ring, ok good, Now, Jake your turn. Prepare the ring in Nick’s Ring Finger and insert it after you repeated as well what I’ve said. Ready?”

AKO: “Yes” Habang lumalagas ang luha sa aking mga mata, kahit si Nick at ibang tao sa loob ng court, umiiyak din.

MRS. THOMPSON: “I (your name), take you (his name) to be my husband”

AKO: “I, Jake Garcia, take you, Nick Salvador to be my husband”

MRS. THOMPSON: “And I promise to always be loyal”

AKO : “And I promise to always be loyal”

MRS. THOMPSON: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

AKO: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

MRS. THOMPSON: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

AKO: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

MRS. THOMPSON: “Awesome, now insert the ring, ok perfect.”


Syempre nagkiss kami pero smack lang kasi may ibang tao sa korte.


MRS. THOMPSON: “Ok if you don’t mind, please come over here and sign this papers, which legally proves that the two of you are joined by the law of Government of Australia. Ok Nick, come over here, and signed this paper”
At Pagkatapos ay ako naman ang tinawag at ang mga witness.

MRS. THOMPSON: “Ok you still not married because I still not signing” Pagbibiro ni hukom na nag-alis pansamantala sa kaba ng kasalukuyang nagaganap sa kwartong iyon.”

MRS.THOMPSON: “Ok i will sign. There you go... Now I legally pronounce that Nick and Jake are couple this day of _________.


At nagpalakpakan ang lahat. Sinalubong kami ni nanay, mommy at daddy, pati si linet. Ang dalawang matanda ay sumalubong din ng yakap at halik. Lahat ng bisita ay bumati at hindi rin namin nakalimutan ang taong tumulong sa pagiisang dibdib namin na si Mrs. Thompson. Invited si Mrs. Thompson sa reception pero sa araw din palang iyon ay pabalik na sya sa UK para sa reunion nilang pamilya. 

Maraming naganap sa receptional area. After nun ay pinuntahan din namin ang bahay na pinagawa sa amin ng lolo at lola ni Nick. Wala akong masabi, dahil para sa akin kahit gaano kasimple ay sobrang maaapreciate namin iyon. Pero sobrang ganda talaga ng regalong ito sa amin. Pero mabilis lang ang takbo nang oras at namalayan nalang namin na nasa isang duyan kami ni Nick, sa lugar kung saan namin gaganapin ang honey moon namin. Dinadama namin ang isa’t isa ang ligaya na hindi na kami maghihiwalay dahil sa aming pag iisang dibdib. Hinahaplos haplos ang kamay ng bawat isa. Masuyong hinahalikan ang mga labi at mukha. Tinig lang ng pintig ng aming mga puso ang aming naririnig. At masuyong paghinga lang ng bawat isa ang aming nalalanghap.

Ngayong papunta na kami sa kabanata na kung saan ay uumpisahan na namin ang buhay para sa aming dalawa. Kasama ng mga taong tunay na nakakaintindi at tunay na nagmamahal sa amin. Wala na akong mahihiling pa. Hanggang sa pagtanda, aalagaan kita “Pa”. 


AKO: “Mahal na mahal kita kasi IKAW ANG PUSO KO” 

Hinawakan nya ang kamay ko.

NICK: “Alam mo ba kung bakit ako nakarecover?” 

Umiling ako


NICK : “Dahil IKAW  NAMAN ANG BUHAY KO”


<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<FOREVERMORE>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times

When I just want to feel your embrace
In the cold night
I just can't believe that you are mine now


You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore


All those years,

I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night,

I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine

I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore


Time and again
There are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore


Wishing you would be mine
I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world


As endless as forever


Our love will stay together


You're all I need to be here with forever more

(As endless as forever
Our love will stay together)


You're all I need


To be here with forevermore...


<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>




1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails