Chapter 11
-Yuri-
Nagkamali talaga ako ng
akala sa dalawang courses ko ngayong semestre!
Ang akala kong
napakahirap at halos sigurado kong ibabagsak noong una ay ‘di ko akalain na
mag-eexcel pala ako! At ang akala ko
namang napakadali sa akin ay siya palang ikakadelikado ko ngayon!
Nagmidterm exam
kami sa lahat ng courses ko ngayong semestre bago mag-christmas break except sa
PE. Sa lecture class ng programming,
nagdulot ang malimit kong pagconsult sa aking mga instructors ng TOP 1 sa
exam. Hindi naman nakakagulat dahil kung
magbabasa ka naman ng notes sigurado namang makakakuha ka ng mataas na marka at
di kailangan na marunong ka sa computer.
Ang siste nga lang kahit ung 10-point bonus score ay nakuha ko kaya
naman ang grade ko sa midterm ng aming lecture class ay 110 out of 100! Sa laboratory class naman, nagdulot din ang
ilang beses na pagtutor ni Keith sa akin sa kanyang apartment at pati na rin sa
library ng top 1 rin. Hindi naman pala
ganoon kahirap dahil kung mag-iisip ka lang ng mabuti, makukuha mo rin ang
hinahanap sa programming.
Hindi naman nagtaka si Keith kung bakit ako nakatop 1 sa
lecture at laboratory class ng programming dahil alam naman daw niya ang aking kakayahan. Mas higit pa nga siyang nagtaka dahil ang
grade niya sa parehong midterm exams ay nasa 90% na noong highschool lang daw
ata nito last nakuha! Ako naman hindi
nagulat dahil sabay rin kasi kaming nagreview para sa mga exams na ‘yun at
kahit papaano alam ko na rin ang kanyang kakayahan. Tinuruan ko rin siya tungkol sa iba niyang courses sa basic
engineering na karamihan ay nakuha ko na.
Mas ikinagulat niya dahil kasama siya sa Top 10 sa midterm exams sa lahat ng courses na itinuro
ko sa kanya.
Tatlong Sabado
ako natutoran ni Keith sa kanyang bahay at sa tuwing tuturuan niya ako, palagi
naman silang nagrerequest na ipagluto ko sila ng Japanese food. Ang tatlong Sabadong ito ay noong start
lamang ng semestre dahil naging busy rin si Keith sa kanyang mga orgs. Pero lahat ng ito ay naging produktibo dahil
natuto din ako ng WORD, EXCEL at POWERPOINT na tiyak raw niyang aking
magagamit. Nareview rin ako sa mga softwares
na ito sa aking pagcoconsult kaya naman naging bihasa na rin ako bukod pa dun
sa software na ginagamit sa programming.
Simula ng maging busy si Keith, hindi na rin kami
nagkikita sa labas ng aming klase dahil sa kanyang mga mitings. Kung aattend naman siya ng klase sa lecture
at laboratory class, kalimitan, sandali lang din siya at aalis na rin ng
palihim para raw matapos ang kanyang mga dapat matapos. Ako na halos ang gumawa ng aming lab
exercises kaya naman sa review ako pa ang nagtutor sa kanya na naging dahilan
rin para makakuha siya ng mataas na marka.
Hindi ko lang masigurado, pero parang iniiwasan niya
ako. Siguro busy lang talaga siya kaya
naman hindi ko na siya tinanong tungkol doon.
Isa pa, kung ayaw niya akong maging kaibigan, eh wala na talaga akong
magagawa. Hindi ko naman ipagsisiksikan
ang aking sarili sa taong ayaw naman sa akin.
Sa ikalawang Sabado sa pagtutor sa akin ni Keith, nagkataon
na pumunta rin si Diana sa campus dahil may tatapusin raw silang magka-labpartner
sa isang course sa advance Chem. Nagulat na lang ako na ang kanya palang
ka-labpartner ay si Luke! Pumunta kasi
rin siya sa apartment nina Keith dahil dun daw nila tatapusin ang kanilang lab
exercise. Nagpakilala kami ni Diana
bilang magbestfriend pero hindi na namin sinabi ang detalye kung paano iyon nangyari.
Sa aking huling Sabadong pagpunta sa kanilang apartment,
kinausap naman ako ni Luke dahil gusto raw niyang magpatulong manligaw kay
Diana na ikinatawa naman ni Keith at sinabing ‘Napakamahiyain mo talaga at kay
Yuri ka pa magpapatulong’. Hindi naman
ako tumanggi, sa halip, inilakad ko naman siya kay Diana. Pagkatapos ng isang buwang panliligaw niya
dito, sinagot na rin siya nito. Hindi
nga akalain ng aking bestfriend na isa sa ‘campus royalty’ ay manliligaw at
magiging boyfriend pa niya.
Naging mas close rin kami ni Diana sa dumaang mga araw
kahit pa noong nagkaboyfriend na ito.
Isinuggest ko rin sa kanyang mag-aral siya ng aikido kasama namin ni ina
dahil akmang-akma sa kanya ito sa liit ng katawan niya tutal halos mahigit 5-min
drive lang naman ang bahay namin mula sa kanila. Noong una tumanggi ito dahil ang aga raw ng
call time namin pero pumayag na rin siya magkakalaon. Dahil recognized naman si ina ng Philippine
Aikido Federation bilang isang sensei, may karapatan siyang mag-award ng belts
kaya sinimulan niyang bigyan ng white belt si Diana. Napag-kasunduan namin na TThS ang schedule
niya para sabay-sabay kaming tatlong magtraining. Bumili rin siya ng aikido uniform dahil
mahirap magtraining gamit lamang ang normal na damit. Inilihim naman namin ang activity naming ito
sa ibang mga tao at sa kanyang boyfriend dahil gusto raw niya itong sorpresahin
kapag magaling na siya. Bago
mag-Christmas break, naging yellow belter na rin siya. Naging close rin si ina at si Diana dahil na
rin sa pagiging magbestfriend namin ni Diana.
Sa aming PE naman
ni Diana, kinausap ako ni sensei bago mag-christmas break. Binalaan niya ako dahil ‘unacceptable’ daw
ang aking performance. Kung hindi ko raw
matututunan ang basic sa karate baka raw mahulog pa ako sa klase. Sinabi ko na sa kanya na 2nd dan black
belter na ako sa ‘Kyokushin’, pero dahil ‘Shotokan’ ang aming istilo sa klase,
dapat matutunan ko raw iyon. Ika pa nga
niya, ‘When in Rome, do what the Romans do’.
Pero kahit anong pilit kong pagbabago ng istilo sa klase, palagi pa rin
akong nacocorrect ni sensei. Nagrereview
pa nga kami ni Diana ng mga basic dito pero kapag nakafocus na ako sa klase
bumabalik at bumabalik ang aking natural na istilo. Kaya naman lubos na ang kaba ko sa course
kong ito. Biruin mo naman sa PE pa ata ako
babagsak!
Pagkatapos ng unang
Sabado naming pagkikita ni AN kina Keith, mas lalo naman kaming nagka-ilangan
sa isa’t isa. Noong Martes sumunod doon,
sa aming PE, ipinakilala niya ako sa kanyang girlfriend na si Katrina. Nakipagkamay sa akin si Katrina at simula nuon
hindi na inulit nito ang ginawa nito sa akin pero hindi naman kami halos
mag-usap tuwing klase. Mukhang nadamay
din dito si AN dahil hindi rin kami nagkaroon ng pagkakataong magkausap simula
noong araw na iyon. Hindi nga rin ito sumama
sa amin noong ikalawa at ikatlong Sabado kahit sinabi pa nina Keith at Luke sa
kanya na magluluto ako ng paborito raw nitong Japanese food.
Pero paminsan-minsan, nahuhuli ko itong nakatingin sa
akin na pasimple naman nitong binabawi. Sa
tuwing mangyayari ito, mas lalo naman akong nacoconcious sa aking sarili at
halos hindi malaman ang gagawin. Kahit magdadalawang
buwan na ang klase, hindi pa rin ako mapalagay sa tuwing andiyan siya sa
paligid. Ikinukwento ko ito sa aking ina
at kay Diana, at sinabi nilang baka higit pa sa crush ang nararamdaman ko para dito. Ipinag-kibit balikat ko na lang dahil hindi
ko naman alam ang ibig nilang sabihin doon.
Tuwing itatanong ko ito sa kanila, parehas nilang sinasabi na malalaman
ko rin iyon sa pagdating ng panahon.
Huling araw ng
aming klase bago mag-christmas break, tinawagan ako ni Keith na sabay kaming
maglunch sa isang mamahaling restaurant malapit sa campus at may sasabihin raw
siya sa aking mahalagang bagay. Tumanggi
pa ako noong una dahil nagtitipid na rin ako sapagkat hanggang ngayon ay hindi
pa nakakakita si ina ng pagkakakitaan. Pero
sinabi niyang treat niya iyon dahil sa pagtututor ko sa kanya kaya naman hindi
na rin ako tumanggi.
Pagkadating
namin sa restaurant, umorder na rin kami ng aming makakain. Habang nag-iintay ng aming kakainin, tinanong
ko siya kung ano ang sasabihin niya sa akin.
Pero nagwika lang ito na pagkatapos na naming kumain niya
sasabihin. Nagkuwento lamang ito tungkol
sa kung papaano siya nakapasok sa Top 10 sa lahat ng midterms na tinuruan ko
siya at dumating na rin ang pagkain. Mukhang
alam na rin niya ang aking ugali tuwing kumakain kaya naman tahimik na lang
kami. Pagkatapos naming kumain,
nagsalita na rin ito.
“Yuri, free ka
ba sa December 20?” ang paunang tanong ni Keith. Birthday ko ito pero dahil hindi naman talaga
kami nagcecelebrate ng kaarawan kaya free na rin ako. Sa Lunes na ito pero bakasyon na rin kaya
wala rin akong gagawin maliban sa pagtulong ko kay ina sa gawaing bahay na
pwede ko ring ipagpaliban. Sumagot na
lang ako ng oo sa kanya.
Pagkasagot ko
ng oo, magsasalita na siya ng bigla namang tumanog ang celfone nito. Nag-excuse lang ito at sinagot ang tawag. Hindi naman siya umalis sa upuan kaya narinig
ko na rin ang kanyang mga sinabi.
“Hey babe!” Tumigil lang ito ng ilang saglit muling
nagsalita. “Sige papunta na ako. Pasabi
sa kanila saglit lang!” Hinintay nito
ang sinabi ng nasa kabilang linya at muling nagsalita. “Bye!
I love you too!” mahinang bulong
nito pero narinig ko pa rin. Mukha atang
may girlfriend na rin ito. Noon kasing
napag-usapan ang mga girlfriend noong last na tutoran niya ako sa kanyang bahay
(after noon ng mag-ask si Luke na liligawan raw niya si Diana), nasabi rin
nitong wala siyang girlfriend kaya naman medyo nagulat rin ako. Mukhang nakahanap siya noong time na hindi
kami masyadong nag-uusap.
Hiningi na rin
ni Keith ang babayaran bago muling nagsalita.
“Si Tania, secretary sa isa sa org ko at girlfriend ko na rin.” Hindi naman niya ito naikwento sa akin noong
tinuruan ko siya last week kahit ilang araw din kaming nagmeet noon kaya naman
nagtaka ako. “Sorry hindi ko naikwento”
medyo natigilan siya.
“Ano ka
ba? Okay lang yun. Bihira lang naman tayo magkita kaya naman
naiintindihan ko iyon. Last week naman nakafocus
tayo sa pag-aaral kaya siguro hindi mo rin naikwento sa akin.” Nagsalita na ako dahil mukhang nag-aalala siya. “Tandaan mo, ikaw ang aking pinakabestfriend
sa lahat ng aking lalaking kaibigan kaya naman huwag kang mag-aalala para doon.” Pagtanggal ko sa kanyang pag-aalala. Simula kasi ng magkaroon ako ng mga kaibigan
(Si Diana, Si Keith, Si Luke, Si AN, pati na rin Andre at Karl na nakilunch sa
amin noong 2nd and 3rd Sabado) hindi na rin ako
nagsusuplado sa ibang tao kaya naman meron na ring nakikipag-usap sa akin kahit
papaano at ikinukonsidera ko na silang kaibigan.
“Ano nga pala
ulit ung sasabihin mo?” tanong ko sa kanya.
“Ah, iinvite
sana kita sa aming house sa Makati. May
party. Birthday ko kasi.” wika
niya. Tingnan mo naman ang pagkakataon
birthday rin pala niya. “At huwag kang
tatanggi. Kasasabi mo lamang na wala
kang gagawin.” Noon kasing pumupunta ako
sa apartment nila, iniinvite ako nila Keith na sumama kapag mag-iinuman sila. Pero dahil hindi naman talaga ako umiinom, palagi
ko lang din silang tinatanggihan.
“Eh ano kasi”
sa nahihiya kong tono. “Alam mo naman
sigurong hindi pa ako nakakaattend sa kahit anong party di ba? Pagkatapos party mo pa ang una kong
pupuntahan. Siguradong pangmayaman naman
yang partyng yan kaya wag na lang.”
“Ano ka
ba? Hindi naman pangsosyal ung party ko
eh. Ang ipapaorganize ko ay para lang sa
pamilya at kaibigan. Dadating rin
karamihan ng orgmates ko kaya naman hindi formal event yun.”
Magsasalita sana ako ng biglang muli siyang
nagwika. “I will not take NO as an
answer. Pati si Diana sasama rin kaya
naman sumama ka! Bawi ko na rin un sa
pagtututor mo sa akin.”
Napakamot naman ako sa ulo at pumayag na lang din. Hindi naman mawaglit ang ngiti nito sa labi.
“Susunduin ko na lang kayo ng mga 3pm ni Diana sa inyo
para sabay sabay na tayong pumunta doon.
Alam na naman ni Luke ang kina Diana kaya sa kanya na lang kami
magpapaturo papunta sa inyo. Magprepare
ka rin ng gamit kasi doon na rin kayo matutulog sa amin at sa 21 na lang din
kayo umuwi. Don’t worry ihahatid ko kayo pabalik.”
At doon pa talaga kami matutulog sa kanila. Kumbinsido na talaga akong ayokong pumunta sa
party niya. Magsasalita na sana ako na
hindi ako sasama pero bigla namang nagpaalam si Keith matapos nitong bayaran
ang aming kinain. Kailangan na raw niyang
pumunta sa tambayan nila para sa kanilang emergency meeting. Nagpaalam na rin ito na hindi na muna ako
ihahatid sa sakayan at tuluyan na ngang umalis ng restaurant.
Naiwan ako sa upuan habang iniisip ang mangyayari sa
Lunes. Naisipan ko namang tawagan si
Diana para kumpirmahin ang party.
“Oh. Kumusta
naman ang gwapo kong bestfriend?” bungad ni Diana sa celfone.
“Anong kumusta?
Sabihin mo nga, alam mo ung party kina Keith, di ba?” ako.
“Oo. So friend,
napapayag ka ba niyang sumama?” excited nitong tanong.
“Oo pero hindi ko alam na doon pala matutulog. Sasabihin ko sanang ayaw ko na pero bigla
namang umalis si Keith” ako muli.
“Friend hayaan mo na yun. Para naman makaranas kang mag sleep over sa
hindi mo bahay. Don’t worry hindi kita
pababayaan dun” si Diana.
Napabuntung-hininga nalang ako. “Wala rin akong isusuot na maayos na
damit. Tiyak ko, kahit hindi formal
event yun, hindi babagay dun ang aking mga pansimba.”
“Huwag ka ring mag-alala. Ihihiram kita kay kuya. Hindi na naman niya isinusuot ung karamihan
dun dahil napaglakihan na rin niya yun.”
Wala na akong nagawa kundi pumayag na sumama sa
kanila.
-Keith-
Hindi ko talaga akalaing magtotop ako sa lahat ng
engineering courses ko ngayon. Laking
pasalamat ko talaga kay Yuri para dun.
Pinagtiyagaan niya akong turuan noong isang linggo kahit halos wala
talaga akong natutunan sa klase. Isang
linggo rin akong nag-excuse sa mga org ko para magreview sa exam kaya naman
nakapagfocus rin ako. Tuwing break at
after class, tinuturuan naman ako ni Yuri ng mga techiniques kung paano
masasagutan ang mga problems na pwedeng itanong sa exam.
Bagsak kasi ako sa mga quizzes kaya naman baka ikahulog
ko kung pati exam ay ibabagsak ko rin. Kaya naman medyo nagtaka rin ang aking
mga prof dahil sa pagkakasama ko sa top scorers ng exam lalo na si Ma’am
Marquez. Ako kasi ang nagtop 1 sa
midterm exam niya! Nang ibinalik niya
ang exam, nagwika na lang ito ng ‘Yuri seems to have a good influence to
you. Thank him for that and keep up the
good work.’
Ang laki talaga ng aking pag-sisisi ng tatlong linggong
pag-iwas ko sa kanya. Totoo naman naging
busy rin ako sa orgs na palaging idinadahilan ko sa kanya pero kung tutuusin
pede ko namang ipagawa ang karamihan nun sa ibang committee members. Napagdesisyonan kong kunin ang
responsibilidad para magkaroon ng excuse na umiwas.
Sa loob kasi ng tatlong Sabado na tinuruan ko siya ay
palagi na kaming magkasama. Iniinbitahan
ko palagi siya noong kumain ng lunch at meryenda. Maraming nagtatanong sa akin kung bakit kami
palaging magkasama noon pero ang palagi kong dahilan ay dahil magkapartner kami
sa lab ng programming at tinuturuan ko ito ng tungkol sa computer. Pero
nahahalata na rin ang pagkagaling ni Yuri sa computer kaya sa tingin ko,
hindi ko na rin ito kailangang turuan at idahilan sa iba na tinuturuan ko
siya. Natsitsismis kasing bakla si Yuri
dahil sa pagiging malapit namin at biglang pagbabago nito nasa tingin nila ay
ako rin ang dahilan. Sa dinami dami ba naman ng taong una niyang magiging close
eh ako pa kaya naman may mga taong nakaisip na bakla ito. Isa sa dahilan kung kaya nagdesisyon akong
umiwas sa kanya ay ayaw ko ring pagtsismisan nanalilink sa bakla!
Ang pinakamabigat na dahilan kung bakit ko talaga siya iniiwasan
ay parang lumalalim na ang pagkagusto ko sa kanya ng higit pa sa kaibigan. Umabot kasi sa puntong ayaw ko ng nawawala’y sa
kanya at hinahanap hanap ko talaga siya.
Itinetext kung tapos na ang klase niya para magsabay kaming magmeryenda
o maglunch. Niyayaya sa library para
turuan ko siya sa computer gamit ang aking laptop. O kaya’y iniintay siya sa klase para ihatid
siya sa sakayan pauwi. Kung wala ngang
nagkomento sa akin na palagi kaming mag-kasama ni Yuri, malamang hindi ko pa
rin ito narerealize. Parang nananabik
ako sa kanya unconsciously kaya naman hindi ko na rin napapansin ang aking mga
gawain.
Noong Sabadong nagkasabay si Yuri at Diana sa aming
apartment, hindi ko maintindihan pero parang nagseselos ako sa tuwing nag-uusap
ang dalawa. Siya pala ung babaeng
nakasave sa celfone nito. Para talaga
silang magbestfriend pero ang totoo naman ay wala pa silang isang buwan naging
magkaibigan. Kaya naman nang
mapag-alaman kong matagal ng type ni Luke si Diana (maraming beses na rin naman
silang naging magkaklase dahil sa pagiging malapit ng course nila), ako pa ang
nag-open ng usapan para mailakad ni Yuri si Luke kay Diana. Pinakiramdaman ko si Yuri kung magkakaroon
siya ng kakaibang reaksyon para doon, pero mukhang okay naman sa kanya kaya
naman tingin ko walang gusto si Yuri kay Diana.
Hindi ko alam, pero ng maisip ko ito, sobrang tuwa ang aking
naramdaman.
Dahil dito, nagsimula kong kuwestiyunin ang aking
pagkatao. Nagkakagusto ba ako kay
Yuri? Pero dahil lalaki si Yuri, ibig
sabihin ba noon na bakla ako? Nang
magsimula na akong isipin ang mga bagay na ito, doon ko lang talaga narealize
na hindi ko yata kayang mamuhay sa kahihiyan.
Sa guwapo ko ba namang ito, magiging bakla ako! Paano ko sasabihin sa aking pamilya, sa aking
mga kaibigan? Hindi naman sa galit ako
sa mga bakla pero ang pag-isipan ng ganon ay hindi ko ata makakaya. Isa pa, wala sa traces ni Yuri na
nagkakagusto siya sa lalaki kaya kung tatanggapin ko na ganito ako, matatanggap
kaya niya ako?
Dahil sa hindi ko gusto ang pupuntahan ng aking mga
tanong sa isipan, nagdesisyon akong umiwas sa kanya. Baka sa ganitong bagay ay mawala rin ang aking
nararamdaman. Niligawan ko rin ang aking
secretary sa isa kong org na si Tania upang tuluyan ko na itong malimutan. Si Tania, isang babaeng may katamtamang taas
pero ubod ng ganda, ay matagal na ring nagpaparamdam sa akin. Sobrang bait rin nito kaya kahit sinong
lalaki ay mapapaibig talaga nito. Isang
linggo ko lang siyang niligawan at naging kami rin.
Kahit may espesyal na namamagitan sa amin ni Tania, mas
nangingibabaw dito ang relasyon namin bilang president-secretary kaya naman ang
pinaka-oras lang talaga naming magkasintahan ay tuwing kainan. Ni hindi ko pa nga rin siya naiimbita sa
aking apartment para maghang-out man lang dahil wala talaga kaming oras sa
isa’t isa.
Hindi ko akalain na ang lahat ng aking efforts ay hindi
pala magiging epektibo! Sa halos isang
buwan na aking pag-iwas, Imbes na tuluyang makalimutan, mas Ialo naman siyang
bumaon sa aking utak dahil sa pagkamiss ko sa kanya. Hinahanap ko ang kanyang malumanay na boses, ang
ngiting nagdadala sa akin sa langit, ang kanyang mapagkalingang presensya. Hindi ko maintindihan, pero kahit sobrang
liit niyang tao, pakiramdam ko, sa kanyang tabi ang pinakasafe na lugar na
aking puntahan!
Ipagpapatuloy ko
sana ang aking pag-iwas pero dumating ang midterms at ayaw ko namang
bumagsak. Wala na akong choice kaya niyaya
kong magreview kami ng aming programming na subject kahit alam kong mas lalo
lang akong mapapalapit sa kanya. Dati
naman, okay lang kung magseself study na lang ako sa exam at never pa akong
nagpaturo kahit marami namang willing magtutor sa akin. Pero dahil siya ang halos gumawa ng aming
exercises at hindi makukuha sa self study ang mga lessons sa exercises,
kailangan ko talagang magpaturo sa kanya.
Nalaman ko ring natake na niya halos lahat ng basic engineering courses (ahead
kasi siya sa akin ng one year) na kinukuha ko ngayon at nagsuggest itong turuan
ako para dito.
Simula ng turuan ako ni Yuri para sa midterm exam, never
akong tinanong ni Yuri kung bakit ako umiwas sa kanya. Siguro ganoon lang talaga siya at hindi
mapaghinala. Hindi rin niya ako
sinusumbatan para gumawa ng exercise sa klase. Sa halip, siya pa ang nagsasabing siya na ang
gagawa dahil mukhang kailangan ko na raw umalis. Pero dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya,
lahat ata ng sinabi niya ay aking natandaan na naging dahilan para makakuha ako
ng top sa mga exam.
After naming magreview, naggive-up na rin akong iwasan
siya dahil talagang hindi ko kaya. Alam
ko namang mali ito dahil may girlfriend akong tao at iba ang aking iniisip pero
makasama lamang siya ay sapat na para sa akin.
Saka ko na lamang iisipin pa ang mga mangyayari.
Sa December 20 ay kaarawan ko na kaya naman panay ang
tawag sa akin ni mama para sa gagawing party sa bahay. Isinuggest ko sa kanya na sa apartment na
lang gawin dahil karamihan naman ng aattend ay malapit lang sa campus pero
ipinilit niyang sa bahay na lang. Mas
malawak daw dun kaya naman mas makakabuting doon na lamang. Sinabi ko na lamang na huwag gawing formal
event iyon sa halip mga kamag-anak at mga kaibigan ko na lamang ang imbitahin
at pumayag naman siya.
Naisipan ko ring imbitahin si Yuri para doon. Naisipan ko ring doon na patulugin si Yuri sa
aming bahay dahil tiyak na gagabihin ang aking party. Dahil alam na ni Luke ang magaganap na party,
nalaman rin ni Diana ito. Sinabihan ako
nitong huwag sasabihing doon matutulog hangga’t hindi ito pumapayag dahil tiyak
na hindi raw ito sasama. Kung maaari nga
raw, pagkasabi kong doon matutulog ay biglaan akong umalis para hindi na ito
makatanggi pa.
Kaya naman ung araw na iimbitahan ko siya, ang huling
araw ng klase bago mag-christmas break, itinaon kong mayroong kaming
‘emergency’ miting sa org para lang mapilitang sumama si Yuri. Iimbitahan ko na
sana siya ng bigla namang tumawag si Tania.
Pinapupunta na ako sa lugar dahil malapit na raw magsimula ang miting. Nag-I
love you pa ito, kaya naman napilitan naman akong mag-I love you rin. Habang sinasabi ko ang katagang ito, palihim
naman akong tumingin kay Yuri. Napansin
kong mariin lang itong nakatingin sa akin.
Hindi ko pa pala naikukwento sa kanya si Tania kaya malamang nagtataka
na ito!
Kaya naman pagkababa ng tawag, sinabi ko rin sa kanya
ang tungkol kay Tania. Medyo nag-aalala
pa ako dahil baka magalit ito sa aking pagtatago samantalang halos two weeks na
rin naman kaming nagkikita. Kaibigan ko
siya kaya naman dapat ang mahahalagang pangyayari sa aking buhay ay mashare ko
man lamang sa kanya. Pero sa halip na
magalit, siya pa nagtanggal ng aking alalahanin sa pagsasabi nitong
naiintindihan niya. Napakabait talaga
nito. Nagtataka nga ako kung bakit hindi
siya nagkaroon ng maraming kaibigan. Lalo
tuloy akong naguiguilty sa aking pag-iwas lalo na ng sinabi nito na ako ang
pinakabestfriend niya sa lahat ng kanyang kaibigang lalaki.
Katulad ng payo ni Diana, agaran ko ring nilisan ang
restaurant na aming pinag-kainan pagkatapos kong sabihin sa kanya na doon
matutulog sa aming bahay. Mukhang tama ang sinabi ni Diana na hindi ito sasama
dahil akmang magsasalita ito nang bigla na lang akong magpaalam. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong
magsalita kaya naman kahit ihatid man lamang siya sa sakayan pauwi ay hindi ko na
nagawa.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Ilang araw rin akong hindi nakipagkita sa
kanya. Ayaw ko kasing kausapin pa niya
ako na hindi siya sasama kaya talagang pinagtiisan ko siyang hindi makita
hanggang sa araw ng aking birthday.
Sa araw ng aking birthday, nagdesisyon si Luke na huwag
ng dalhin ang sarili nitong sasakyan dahil kailangan pa naming daanan si Diana
na siyang magtuturo sa bahay ni Yuri. Nagsuggest
pa itong sila na lamang ang magsasama kay Yuri at magrelax na lang ako sa bahay
pero dahil na rin sa pagkasabik kong makita si Yuri nagdahilan na lang ako sa
kanila na baka hindi sumama si Yuri kapag hindi ako ang sumundo sa kanya. Si Tania naman ay nagsabing tutuloy na lamang
sa aming bahay para sa party dahil ang kanilang tinitirhan ay malapit lamang
din sa aming subdivision.
Si Luke ang nagdrive hanggang sa bahay ni Diana. Hindi kasi ito pumayag na ako ang magdrive
dahil birthday ko naman daw. Pagkasakay
ni Diana sa unahang upuan ng kotse, pinuri ko naman ito sa napakagandang ayos
nito. Kahit sinabi ko sa kanyang hindi
formal na event ‘yun, nagpumilit pa rin itong gown ang suotin na talaga namang
nagpalabas ng kagandahan nito. Itinanong
ko rin dito kung nasaan ang gamit nito nagagamitin para sa sleep over nito. Kasama rin kasi siya sa matutulog sa bahay
dahil hindi raw talaga papayag si Yuri na siya lamang ang matutulog sa aming
bahay kaya naman hinayaan ko na rin ito.
Sinagot naman nito na nakina Yuri na ang kanyang gamit at pinagsama na
nila ito. Nagtaka man sa sagot nito,
dumeretso na rin kami sa bahay ni Yuri.
Pagdating sa bahay nina Yuri, bumusina na lang si Luke
para lumabas na lamang ito dahil alanganin pa raw na lumabas si Diana sa
sasakyan. Mula sa labas ng bahay, nakita
ko ang bahay ni Yuri. Malawak naman ito.
Pero gawa lang sa lumang kahoy ang
haligi kaya mapapansin na malayo sa pagiging marangya ang pamumuhay nito.
Mabilis namang lumabas nang bahay si Yuri kasama ang isang
maliit na babae na sa tingin ko ay ang ina nito. Mas mataas pa ng ilang pulgada si Yuri pero
mapapansin ang malaking pagkakahawig nito sa ina. Ang kaibahan lamang ay ang buhok nito at ang
kutis dahil kung si Yuri ay mahahalata ang pagkasunog sa araw, napakaputi naman
nito. Mapapansin ang lahi nitong hapon
at ang kutis nitong napakaputi na galing naman sa mga intsik. Napakaganda nito, kaya naman pumasok sa isip
kong napakaganda rin siguro ni Yuri kung babae siya!
Pero ang nakaagaw talaga ng aking atensyon ay si
Yuri. Sobrang gwapo nito sa suot nitong red/black
checkered long sleeves na itinupi para maging ¾ at itim na pantalon. Lumabas rin ang kakisigan nito sa hapit na
hapit na suot nitong pang-itaas dahil sa pumuputok nitong braso. Hindi ko alam
na makakakuha ka pala ng ganitong katawan kahit hindi naggygym.
Pinuri naman namin itong lahat na mas lalo namang
ikinapula ng mukha nito. Halatang hindi
siya sanay magsuot ng mga ganong damit dahil mukhang nahihiya ito sa aming mga
papuri. Kinuha naman ni Luke at ipinasok
ang dala nitong bag nasa tingin ko ay naglalaman ng gamit ni Diana at niya.
“Wow sobrang gwapo mo naman!” wika ni Diana. “Sabi ko na nga ba eh, babagay sa iyo iyang
damit na yan” nagpause siya saglit. “Para
tuloy gusto ko nang hiwalayan si Luke para ligawan ka!” sabay sabay kaming
nagtawanan sa biro ni Diana. Ipinakilala
rin kami ni Diana sa ina nitong si Matsuko.
Binati rin ako nito ng happy birthday.
Bago kami umalis, nagsalita naman ang ina ni Yuri “Yuri,
anak, alam kong malaki ka na kaya naman alam ko na kaya mo na ang iyong sarili.
Wala na akong ipapaalala sa iyo kundi mag-iingat ka” ang wika nito sa heavy
Japanese nitong accent. Hindi talaga nawala
ang pinagmulan nito sa kanyang pananalita.
“Opo. Pero ina
sigurado ba kayong okay na kayo?” wika naman ni Yuri.
“Ilang beses mo ng itinanong yan di ba?” tila
nagbibirong wika ng ina nito. “Ang sabi ko sa’yo, doon na muna ako sa bahay ng
kuya mo hanggang bukas kaya huwag ka nang mag-alala. Ikaw nga, sabi ko sa iyo, huwag ka nang
magsibak ng kahoy pero mapilit ka rin.
Napagod ka pa tuloy. Akala mo
naman ang tagal mong mawawala.”
“Eh ina mabuti na po iyon para masigurado kong hindi
niyo gagawin iyon” ang magiliw nitong wika sa ina. Nakatanga lamang kami sa usapan ng dalawa dahil
parang ibang Yuri ang nakikita namin.
Sobrang close ng dalawa dahil habang nag-uusap, nakayakap lamang sila sa
isa’t isa. Para tuloy ang tagal nilang
hindi magkikita. Kumalas naman sila sa
pagkakayakap ng bawat isa at namaalam na rin kami sa kanya.
Namaalam na rin ito sa aming lahat pero bago kami
tuluyang pinakawalan ay muli itong nagwika.
“Happy birthday anak. Pakasaya ka
ha.” At tuluyan na rin itong pumasok sa
loob ng bahay.
Tiningnan naman namin ni Luke si Yuri. Tila nahihiya naman itong tinanggal ang
tingin habang tinitingnan namin hanggang si Diana na rin ang nagsalita, “Ayaw
niyang ipaalam kaya hindi ko na sinabi.”
Hindi ko akalain na kabirthday ko pala ito! Ibig sabihin nito, 20 years old na rin pala
siya. Nadelay lang naman ako sa pagpasok
dahil sa America ako pinatira ng aking mga magulang ng magsimula akong
mag-aral. Doon sana ako mag-aaral pero
dahil narealize daw nina mama at papa na may mga school na halos kasing
exclusive rin ng sa America, dito na rin nila ako pinag-aral. Ang nangyari bumalik ako sa Grade 1 kaya
naman mas matanda talaga ako ng isang taon sa aking mga kaklase since
elementary.
Binati naman namin ito ni Luke ng happy birthday. Binati rin ako nito tulad ng pagbati niya sa
akin. At sabay sabay na rin kaming
sumakay ng aking kotse.
Habang nasa biyahe, tahimik kami ni Yuri sa likod habang
sina Luke at Diana ang nangunguna sa usapan.
Pero mukhang napansin ni Diana ang pagkapagod ni Yuri, katulad ng sabi
ng ina nito, kaya naman sinabihan na niya ito na matulog para magkaroon ng
lakas para mamaya sa party at natahimik na kami sa loob ng sasakyan. Hindi nagtagal, nakatulog naman si Yuri
habang nakasandal sa upuan. Namiss ko
talaga siya kaya ni hindi ko nagawang makatulog. Ilang beses ko itong ninanakawan ng tingin habang
tulog. Isa rin kasi ito sa side ni Yuri
na ngayon ko lang nakita kaya naman manghang mangha ako dun. Napakainosente kasi niyang tingnan habang
natutulog.
Matagal tagal na rin kaming nagbibiyahe at malapit na
rin kaming makarating sa aming bahay habang mahimbing pa rin ang tulog ni Yuri
sa aking tabi. Tahimik ang sasakyan
(tulog din si Diana sa unahan ng sasakyan at kami lamang ni Luke ang gising) ng
bigla namang sumigaw si Yuri.
“AMA!!!!!!” nabigla at napatingin naman kaming lahat sa
kanya dahil sa kanyang sigaw. Kahit si
Diana ay nagising rin nito. Mukhang
nananaginip lang naman siya dahil pagkasigaw nito, hindi na ito nasundan ng iba
pang sigaw kaya mukhang hindi rin siya binabangungot. Pero matapos niyang
sumigaw, bumuhos naman ang masaganang luha mula sa nakapikit pa rin nitong
mata. Walang tunog ng pag-iyak pero sa
dami ng luhang lumalabas sa mata nito ay masasabi mo siyang umiiyak.
Akmang gigisingin ko siya dahil sa pag-iyak nito pero
pinigilan naman ako ni Diana. Nagwika
ito ng, “Hayaan mo na siya. Hindi naman
binabangungot iyan eh. Baka kapag
nagising yan, maalala lang nyan ang panaginip at mas lalo lang yan malungkot”
nagpatuloy rin ito habang ang atensyon namin ay na kay Yuri. “Ayan pala ang sinasabi ni titang sumisigaw
siya kapag tulog. Sabi rin ni tita hindi na siya masyadong nananaginip ng ganan
simula ng magkaroon siya ng mga kaibigan kaya naman nagtataka ako kung bakit
ngayon pa bumalik yan.”
“Bakit naman kaya ganoon ang sigaw niya?” tanong ni
Luke.
“Hindi ba niya nasabi sa inyo?” tanong nito sa
amin. “Talagang ito si Yuri ang hilig
magsarili ng problema.” Nagpatuloy muli
ito. “Ilang buwan pa lang na namamatay ang
tatay niya. Bago magsimula ang second sem
ngayong taon.”
“Ngayong sem?
Ibig sabihin, mahigit dalawang buwan pa lang patay ang kanyang tatay?”
ang gulat kong katanungan kay Diana.
“Oo. And take
note, biglaan lang basta nangyari.
Mukhang sa bangungot lang daw. Kaya
naman ang laking dagok noon sa kanya”
pagpapatuloy muli ni Diana. “Alam
nyo naman sigurong wala siyang kaibigan dati, di ba?” tumango na lang kami sa
tanong nito. “Ang magulang kasi nito ang
tinuturing nitong bestfriend. Kaya naman
hindi lang basta magulang ang nawala sa kanya, nawalan rin siya nang isa sa
dalawa nitong natatanging kaibigan. Pero
I heard from his mom, na once lang siya nagpakitang umiiyak simula ng mamatay
ang tatay nito. Noong burol lang daw. Mukhang nagpapakatatag ito para sa kanyang
ina. Kaya tingin ko, hanggang ngayon
hindi pa siya nakakaget-over sa pagkamatay ng tatay niya dahil hindi naman niya
nilalabas.” Kaya pala hindi siya
komportableng pag-usapan ang ama niya dati.
“Kawawa naman pala si Yuri” wika ni Luke.
Ako, wala akong masabi sa aking nalaman tungkol sa
kanya. Mas lalo tuloy akong naguilty sa
pang-iiwan ko dito ng mga ilang linggo.
Hindi ko alam na may mabigat pala itong pinagdadaanan at sinasarili
lamang pala nito. Sarili ko lamang ang
aking iniintindi at hindi ko naisip ang sitwasyon nito. Kahit kasi hindi ko alam na may pinagdadaanan
itong mabigat, hindi ko pa rin ito dapat iniwan lalo na’t ako ang pinakauna niyang
kaibigan. Kung naging mas malalim pa ang aming pagkakaibigan marahil nag-open
up na ito sa akin ng kanyang mga problema at hindi ito nahihirapan sa
pagsasarili ng mga ito.
Habang tinititigan ang payapa, may bahid ng luha nitong
mukha, sinabi ko sa aking sarili na hindi ko na siya iiwan kahit ano pa ang
kahinatnan ng aking nararamdaman.
--------------------------------
Author’s note:
Kung sino pong may comment, reaction, and suggestion sa
aking akda, mag-e-mail lang po kayo sa akin sa karatekid.stories@gmail.com. Salamat po sa pagsubaybay.
yey.. excited na k sa next chapter.. ty sa msob..
ReplyDeletebinabalik balikan k to sa bol. ala na update..
update na pls..:) marami nagaantay sa story nito..
ReplyDelete