Followers

Friday, November 12, 2010

Now Playing Chapter 15

Posted by: Half
Blogspot: halfofmeisyou.blogspot.com

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa at sumusubaybay sa Now Playing. Sorry for the long wait. May mga inaasikaso po kasi akong mahahalagang bagay at pangyayari, at sobrang busy sa school (ang dami agad load). Hehe.

Nais ko lang batiin ang kaisa-isahang nag-follow ng blog ko. Dun ko muna kasi ipino-post yung mga chapters bago dito para kapag may revisions eh makita ko. Testing area kumbaga. Anyway, thanks.

Sige, enjoy.
-------
Now Playing Chapter 15
Stuck In The Moment

"I wish we had another time
I wish we had another place
But everything we have is
stuck in the moment
And there's nothing my heart
can't do
To fight with time and space
Cause I'm still stuck in the moment with you.."
- Justin Bieber, Stuck In The Moment
-------
Bakit ba ang dami-dami kong problema? Sa dinami-dami ba naman ng tao sa buong mundo, bakit ako pa ang binigyan ng patung-patong na kalungkutan? Ano ba talaga ang dahilan? Una, gusto ko lang naman makawala sa gapos ng nabigong pag-ibig. Konti nalang, alam ko, at makakalimot na ako sa kahapon. Tapos, gusto ko rin lang naman magpatawad sa mga taong trumaydor sa akin. Naibigay ko naman ang pagpapatawad, ngunit bakit panandalian lang ang ngiting dulot n'un sa akin? Natural na magkaroon ako ng problema sa pag-ibig, ngunit kailangan bang maging pahirap sa akin iyon ng apat na ulit? Bakit sa dinami-dami ng problemang mararanasan ko, bakit ang isa pang iyon na halos ikabaliw ko ang siya ko pang nasalo? At wala pang 24 oras, kinuha pa sa akin ang nag-iisang pag-asang ipinulupot ko na sa akin. Akala ko, magagawa ko munang huminga bago muling lumubog sa dagat ng kawalan, ngunit bago pa mangyari iyon ay hinila ako kaagad pailalim ng kamay ng tadhana. Ano ba ang dapat kong gawin para malampasan ko ang lahat ng ito? Dapat bang magpatangay nalang ako sa agos o kailangan ko ring lumaban dito?

Ano'ng magagawa ko kung sa simula pa lang ay talo na ako?
-------
"Bakit sa dinami-dami ng magiging kamag-anak ko, ay ikaw pa? Bakit ganito kasakit ang dagok ng tadhana? Mahal na mahal kita, Edge. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Hindi ko kaya.." ang pagtangis ni Patrick sa akin. Nandito kami sa loob ng kanyang kwarto'ng animo'y nakikitangis rin sa amin.

"Patawarin mo ako, Pat. Kasalanan ko ang lahat ng ito-"

"Wala kang kasalanan. Wala. Biktima lang tayo ng sitwasyong nag-uugnay sa atin. Ang hindi ko lang matanggap ay ang katotohanang ikaw ay kailanma'y hindi na magiging akin. Kung sino pa ang mahal ko, siya pa ang pilit inilalayo sa akin." ang sabi niya habang patuloy na tumatangis sa aking balikat.

"Sa akin nagsimula ang lahat ng ito. Sa akin umikot ang mga tanikalang nagdugtong sa atin. Ako, ako ang may kasalanan nito." ang sabi kong nagsisimula nang magalit sa aking sarili. Hindi ko mapigilan ang galit na iyon. Ang alam ko lang ay ako na naman ang naging sanhi ng pagkabigo at kalungkutan ng isang taong nagmamahal sa akin.

"No. No. 'Wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi natin ito gusto. Alam kong hindi mo sinadya ang lahat ng ito. Wala ka nga'ng kaalam-alam dito, diba? Lahat tayo ay nalinlang ng buhay. Kahit mahirap, kailangang kayanin natin ito." ang sabi niya na nangungumbinsi. Ako nga ba ang kinukumbinsi niya, o ang sarili niya?

"Akala ko talaga, maayos na ang lahat. Sabihin mo, paano ko kakayanin ito gayong may laban pa ako na kailangang tapusin? Alam mo bang nakahanda na akong magmahal ulit? Ikaw iyon. Ngunit kung sino pa ang pinili ko, ay kinuha agad sa akin. Ikaw ang nagmahal sa akin na walang ginawa kundi ang manatili lamang at maghintay sa akin. Sana sa maikling sandaling pinagsaluhan natin, naramdaman mo ang lubos at buong puso kong pasasalamat sa iyo. Kahit sandali, sana naramdaman mo na kahit papano ay minahal din kita katulad ng pagmamahal mo." ang sabi ko habang patuloy pa ring lumuluha.

"Nagpapaalam ka na ba sa akin? Ano nalang ang gagawin ko kapag wala ka na?" ang tugon niya na halos pagsuko na ang himig.

"Oo, nagpapaalam na ako sa iyo. Ngunit nagpapaalam lang ako sa ating dalawa bilang dalawang taong nagmamahalan, hindi bilang magkaibigan. Ito na lang ang tangi nating magagawa. Hindi na natin pwedeng ituloy ang anumang namagitan sa atin. Para sa ikaaayos ng lahat." ang paliwanag kong punung-puno ng hinanakit. Ayoko ng ganito, ngunit sa pagkakataong ito ay suko na ako.

"No, no, NO!" ang galit na sabi ni Pat sabay suntok sa aking dibdib. Kahit masakit ay hindi ko pinigilan, at ikinulong ko siya sa aking mga bisig. Kahit na nasasaktan ay pilit kong kinalma ang kanyang galit. Alam ko namang hindi siya galit sa akin - kahit kailan ay hinding-hindi - galit lamang siya sa sitwasyon namin. Pilit ko siyang pinahinahon at pilit ko ring inintindi.

"Patawarin mo ako.." ang bulog ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita.." ang bulong naman niya sa akin.

"Magiging magkaibigan pa rin tayo, diba?" ang muli kong sabi.

"Gagawin ko ang makakaya ko para tanggapin ang lahat ng ito." ang sabi niya.

Wala na akong masabi pagkatapos n'un. Pagod na pagod na ako sa lahat ng ito. Isa itong dead end sa akin. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pader ng katapusan naming dalawa. Ang yumakap na lang sa kanya ang tangi kong magagawa. Sa balikat ng isa't-isa inilabas namin ang kalungkutang nakapagpabago sa takbo ng lahat. At sa aming mga bisig kumapit kami tulad ng mga biktimang mahuhulog sa bangin. Pareho naming inalo ang kalungkutan ng isa't-isa kahit pareho kaming kinakain ng katotohanan.

Pagtangis lang ang alam naming gawin.
-------
"Tahan na." ang sabi ko habang pinapahid ang kanyang mga luha. Kahit papaano ay kumalma kami pareho. Magkayakap pa rin kaming dalawa, parehong mugto ang mga mata, parehong pagod na sa lahat ng kasinungalingang bumalot sa aming katauhan.

"Hayaan mo muna akong yakapin ka, para kahit papaano.."

"Ssshh. Hayaan mo rin akong yakapin ka, Pat."

"Edge.."

"Pat, gusto ko lang itanong, bakit parang hindi mo alam na magkamag-anak tayo, gayong pinsan mo pala si kuya Cedrick?" ang tanong ko sa kanya.

"Bata pa kasi ako n'ung huli kaming magkita n'un. 5 years old pa lang yata. Simula n'un naging madalang na dahil nga diba sa Quezon sila nakatira, kami dito sa *********. At nag-aral pa siya sa ibang bansa. Hindi rin naman kami close, kaya parang ok lang. Hindi ko rin alam kung ano na ang itsura niya." ang sabi naman niya sa akin. Ah. Kaya pala.

"Pero may mga kapatid pa raw kami. Hindi mo ba sila nakita kahit minsan?" ang tanong ko ulit.

"Siguro once. N'ung birthday ni Lola. Nasa Quezon kami n'un. Wala si Cedrick, hindi daw nakauwi. Si Chuck yung isa, at si Cassidy yung isa pa. Actually, Chuck reminds me of you. Hindi kayo nagkakalayo sa itsura. Ngayon siguro nasa 16 or 17 na silang dalawa. Well, malay ko rin ba na sila pala ang tunay mong pamilya." ang sagot niya. Ah. Chuck and Cassidy.

"Do you think.." ang sabi ko ngunit hindi ko maituloy. Nag-aalangan ako..

"What?" ang tanong niya.

"Do you think.. They will.. Will be thrilled to meet me?" ang sagot ko nalang. Siyempre mga kapatid ko iyon, pero kilalanin rin kaya nila ako bilang kuya nila? Hindi ko kasi alam kung ano ang iisipin. Kapatid ko nga sila pero they might ditch me. Hindi lahat sa mundo ay nakauunawa. O hindi ko lang talaga kayang magtiwala ulit kaagad na ang lahat ay maaayos rin.

"Siyempre naman. Mabait naman yung dalawang iyon." ang malungkot niyang sabi. Alam ko kung para saan ang kalungkutang iyon. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Akmang hahalikan ko siya sa pisngi nang bigla akong matigilan.

Wala na akong karapatang gawin iyon.

"Bakit hindi mo ituloy?" ang sabi ni Pat. Tumingin lang ako sa kanya, wala kasi akong masabi.

"Sige na. Kahit sa huling pagkakataon lang." ang sabi niyang bakas ang pagmamakaawa sa boses. Napabuntong-hininga ako. Oo nga. Hangga't 'di kami lumalabas ng kwartong iyon ay maaari pa naming gawin ang mga bagay bagay kahit sa huling pagkakataon. Inilapit ko ang aking mga labi sa kanyang pisngi, ngunit sinalo niya ito ng kanyang mga labi. Naghinang ang mga ito hindi para mangako ng pagmamahalan, kundi para magpaalam sa damdaming nagbuklod sa amin. Sa halik na iyon ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit, kalungkutan at pagkabigo para sa amin. Nagpaalam ako sa kinabukasan para sa aming dalawa. Nagpasalamat sa lahat ng magagandang napagsaluhan at sa pag-ibig na walang kapalit, at nangakong maging magkaibigan pa rin kahit ano'ng mangyari.

'Paalam na, mahal ko.'

'Kamusta, kaibigan.'
-------
Sa bahay ng mga Achilles na ako kumain ng hapunan, bilang pagtanggap na rin sa paanyaya nila Tito Tristan at Tita Minerva. Masayang masaya sila, maliban sa amin ni Pat. Magkatabi kami ng upuan. Wala namang nagtaka, dahil alam nila na malapit lang talaga kami sa isa't-isa. Ngunit sa ilalim ng mesa, palihim naming hawak ang kamay ng isa't-isa, at bahagyang pinipisil ang aming mga palad. Sa paraang iyon sinasabi namin na kakayanin namin ang lahat. May mga pagkakataon na halos maluha na si Pat kapag napag-uusapan ang tungkol sa akin, kaya mas dinidiinan ko pa ang pagpisil sa kamay niya para sabihing konting tiis na lang at matatapos din ang hapunan. Mabuti na lang at wala sa amin ang bumigay.

Nagpaalam si Pat na matutulog na pagkatapos kumain. Nagtaka naman sila tito at tita kung bakit siya parang laging inaantok. Sinabi ko na lang na napuyat talaga kami, at kahit ako ay medyo inaantok na rin. Niyakap ko muna si Pat bago siya tuluyang pumunta sa kwarto niya at bumulong ako sa kanya. Alam kong magmumukmok siya, kaya pinigilan ko ang balak niya.

"Patrick, enough. Huwag kang magkulong sa kwarto mo, please."

"I can't stand it, Ed. The mere fact that I can't and won't be able to touch you anymore kills me. Paano na lang ang katotohanang pinsan kita? Habang nakikita ko kayong magkasama ni Cedrick, paulit-ulit kong nararamdaman ang sakit na dulot ng katotohanan. Gusto ko ng kahit konting katahimikan. Gusto ko munang mapag-isa. Ikaw, umuwi ka na. Mas malaki ang naging dagok sa iyo, magpahinga ka na muna. 'Wag mong pilitin ang sarili mo sa lahat ng ito. Kailangan mo ring magpahinga." ang bulong niya pabalik sa akin. Bago siya kumalas ay hinagkan ko ang kanyang pisngi, wala akong pakialam kahit nakita kami ng mga narito. Inayos ko ang kanyang buhok, at saka ngumiti kahit pilit.

Kakayanin namin ito.

"O sige na nga, sweet dreams." ang sabi ko na kahit papaano ay nakapagpangiti sa kanya. Piniga niya ang ilong ko, ngumiti, at tuluyan nang nagkulong sa kanyang kwarto.
-------
Sa pagdaan ng mga araw, kahit papaano ay kinakaya ko ang lahat ng mga nangyayari. Nagagawa ko nang ngumiti at tumawa muli nang hindi na gaanong nasasaktan. Medyo nagbago nga lang ang set-up ng mga bagay-bagay. Una si Kuya Cedie. Minsan tinanong ko kung wala ba siyang trabaho, at bakit nandito pa siya sa Pilipinas. Medyo nagtampo pa nga at sinabing pinapaalis ko na daw siya agad. Sa October na raw siya babalik, naaasikaso naman daw niya ang 'trabaho' niya through internet. Takte, ang trabaho pala na iyon, business ang ibig sabihin. May sarili siyang resto at bar sa New York. At sosyo rin siya sa isang textile company doon. Kaya naman pala pa-easy-easy ang kumag na ito. Sinusundo niya ako kapag lunch break at lagi akong nililibre ng lunch. Kapag uwian din ay sinusundo ako, na ikinatampo naman ng barkada. Kesyo daw may bago akong 'manliligaw' at hindi na daw ako sumasama sa kanila. At kung ipinagpalit ko na daw ba si Patrick. Natatawa naman ako sa mga banat nilang ganito, ngunit palihim ay tinitignan ko si Pat. Hindi pa kasi namin napag-usapan ang tungkol dito. Hindi pa kasi alam ng barkada ang tungkol sa pagiging ampon ko, kaya malabong sabihin namin ang tunay na sitwasyon naming dalawa.

Si Clyde, palibhasa alam ang tunay na sitwasyon ko, ay nanatiling nasa tabi ko lang. He's a real angel, that's all I can say. Lagi iyan nangungumusta sa text, nagtatanong kung ayos lang ba ako, kumain na ba ako, etc, etc. I'm so thankful na hindi niya ako iniwan sa panahong ito. Minsan nga na na-empty na ang cellphone ko, hindi ko alam na nagtext at tumawag siya ng makailang ulit. Nagulat na lang ako nang kumatok na naman siya sa bintana ng kwarto ko at pinagalitan pa nga ako dahil sa 'di pagsagot sa tawag niya. Nang in-on ko ang phone ko, aba, 27 messages, lahat galing sa kanya. P*cha ka-sweet naman. Haha. At kapag nandun yan sa kwarto ko lagi niya akong kinakantahan. P*cha na naman kakilig. Hahaha.

Si Pat ay halatang umiiwas sa akin. Hindi ko siya masisisi dahil wala rin akong ibang alam na paraan para tuluyang akong makalimot sa kanya. Well, actually sa school lang naman ang pag-iwas na iyan, kasi kapag dumadalaw ako sa kanila lagi naman iyang nakayakap sa akin. Kahit nakikita nila Tito Tristan at Tita Minerva, parang wala naman silang pakialam, at mukhang tuwang-tuwa pa nga. Matagal, at naging mahirap ang prosesong iyon para sa aming dalawa. Alam n'yo naman na si Pat ang kauna-unahang lalaking minahal ko, diba? Mahal ko iyan, natural, kaya talagang kasalanan para sa akin ang kalimutan siya. Ngunit kahit papaano, kahit ginagapang namin ang pagtanggap sa katotohanan, ay nakakangiti at nakakatawa na kaming dalawa.

Sana magtuluy-tuloy na.
-------
September 11 n'ung bithday naman ni Justin. Siyempre hindi pwedeng wala ako doon. Gusto ko nga sanang isama si Clyde pero hindi daw siya pwede, nagpasama kasi si kuya Adam (kuya niya) sa kung saan. Oh well. Dahil nga hindi na uso sa amin ang simpleng salu-salo, napagpasyahan naming pumunta sa club. Etong mga ito, kahit mga bestfriends ko, hindi ko pa rin kayang sabihin ang mga nangyari. Actually, I was confronted by Sharpay before dinner. Umandar na naman ang matabang utak ng babaeng ito. Sa tingin ko dapat talaga siya ang mas naunang lumabas kaysa kay Xander. Anyway, sa bahay ng mga Sinclair kasi kami kumain ng dinner bago lumarga. Habang tinutulungan ni Xander at Just si Nanay Precy na mag-ayos ng lamesa, bigla akong hinila ni Sharpay papunta sa garden. Kahit nagulat ay sumama naman ako, at bigla naman siyang nagsalita.

"You're not a very good liar, Eddy." ang panimula niya nang makapuwesto kami sa damuhan. Umupo lang kami sa bermuda grass nila, walang pakialam kahit medyo malamig na ang inuupuan.

"What are you talking about?" ang naguluhan kong balik sa kanya.

"Edge, kilala kita. Alam ko kung kailan ka nakangiti, o kung kailan ka nakangiwi." ang sabi naman niya. Tinignan ko siya. Alam ko rin namang madali niyang makikita ang kalungkutan ko. Kahit hindi na ako kasing lungkot gaya ng dati, wala pa ring nagbago dahil malungkot pa rin naman ako. Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita.

"I really can't hide from you, Shar. Tell me, hindi ba ganoon ka-convincing?" ang sabi ko sa kanya.

"Actually, hindi. Well, hindi ka naman ganoon kalungkot, pero hindi ka rin naman kasing saya ng ipinapakita mo. Love life?" ang tanong niya sa akin.

"Teka, dahil lang ba nakabusangot ang isang tao ay love life agad ang problema?" ang medyo natatawa kong tugon.

"Hindi, pero knowing you, Edge? It took you 48 years bago tuluyang makapag-move-on kay Micco. O, nakapag-move-on na nga ba?" ang eksaheradong sagot naman niya. Ang bruhang ito. Aba, teka. Sinali pa nga ang inosenteng (pfft, maniwala) si Micco sa usapan.

"Hey, walang ganyanan. Si Micco ay isang maliit na footnote na lang sa kwento ng buhay ko. Mahirap talagang kalimutan ang isang tulad niya, pero hindi naman love life ang problema ko eh." ang natatawang tugon ko sa kanya.

"Footnote? Hay naku. Sige, sinabi mo eh. Sana nga footnote na lang siya. Baka mamaya niyan siya pa rin ang footprint na sinusundan ng puso mo. Anyway, will you let me know the hardships of an Edgar Chase Villegas?" ang sabi naman niya sa akin. Hay, makulit din talaga ang isang ito.

"Ok, ok. There's just one thing in me that I can't accept easily. If I could, then I would make the time go fast-forward. Pero hindi. Wala akong takas sa mga nangyayari. Gusto kong matapos ang lahat ng ito, o kaya sana bumalik ang lahat sa dati, pero lahat ay dumaan sa pagbabago. Hindi pwede ang gusto ko. Naisip ko nga kung ano ang naging pagkakamali ko at nangyari sa akin iyon, pero sa tingin ko, lahat ng ito ay pagsubok lang para sa akin. Masasaktan ako, makasasakit ako. Madadapa, tatayo, lalakad, tatakbo. Madaling isipin, pero kapag ikaw ang nasa sitwasyon na iyon, mahihirapan ka ng labis." tumingin ako sa langit, at nakita ko ang mga bituing mistulang kumakaway sa akin.

"Gusto ko lang maging masaya. 'Yun lang ang hiling ko." ang halos pabulong na dugtong ko sa sinabi ko kanina. Nakatingin pa rin ako sa langit, at naramdaman kong niyakap ako ni Sharpay mula sa likuran.

"Let it go, Edge. Paano mo magagawan ng paraan iyan? Paano ka namin matutulungan kung lahat ng iyan ay kikimkimin mo lang? Sige na, sabihin mo sa akin. Ayaw naming nahihirapan ka." ang sabi niya sa akin. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nakatingala pa rin ako sa langit, hinawakan ko ang kanyang mga kamay at nagsalita.

"I wish I could. Pero sa ngayon, hindi ko pa kayang sabihin. Bigyan mo pa ako ng konting panahon, kailangan kasi sa akin magmula ang pagtanggap sa bagay na ito. Salamat Shar. Isa lang ang maipapangako ko. I'll survive." kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. Umikot ako upang humarap sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Thanks for listening. I love you, Shar. Salamat."

"I love you too, Eddy. We all do." ang tugon niya. Hinalikan ko ang pisngi niya bilang pasasalamat.

"Ehem. EHEM!" ang biglang pagsingit ni Xander sa eksena.

"Hi Xandy." ang bati ko, sabay kalas sa pagkakayakap kay Sharpay.

"Sige sis, ganyan ka." ang sabi ni Xander na medyo madilim ang mukha. Hmm.

"Kuya, kaninang naglalaro ako ng Pokemon, may nahuli akong Slowpoke. Trade tayo?" ang nakangising tugon nito.

"You-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Xander nang putulin iyon ni Sharpay.

"You love me? I love you too, bro." ang ngayo'y natatawang tugon ni Sharpay sa kakambal. Ang dalawang ito talaga. Halatang inis si Xander, kaya sumingit na ako sa usapan ng dalawa.

"Uh, okkaaayyy. Tara na, nagugutom na ako." nginitian ko sila pareho at nagsimula nang maglakad papasok sa bahay. Naramdaman kong lumapit sa akin si Sharpay at hinawakan ang kamay ko. I saw a mysterious gleam in her eyes, pero hindi na ako nag-usisa.

"Not so fast!" ang sabi naman ni Xander. Lumapit din ito at umakbay sa akin. Pfft, masyado atang possessive ang akbay niya. Oh, well. Nakisakay na lang ako.

"Ano, gusto mo rin ng kiss? Ok." ang sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. 'Nak ng! Namula ang mokong. Naaliw ako sa naging reaksyon niya kaya napangiti ako. Natawa naman si Sharpay.

"Hey, guys! Ano'ng ginagawa n'yo d'yan? Tara na, nakahain na." ang sabi ni Justin na dumungaw sa pinto at pumasok rin pagkatapos. Hawak ang kamay ni Sharpay, sabay kaming naglakad papasok. Nang medyo malapit na kami sa pinto, napansin ko na wala si Xander kaya tumingin uli ako sa garden. Nand'un pa rin siya, nakatingin sa.. Akin? Bumitaw ako kay Sharpay at binalikan si Xander.

"Hoy, tara na!" ang sabi ko sabay hawak rin sa kamay niya. Nakita kong nakangiti si Sharpay, kaya ng makalapit kami ay hinawakan ko rin ang kamay niya.

"Ayan, mamaya bahay-bahayan tayo. Ikaw tatay (sabay lingon kay Xander) at ikaw nanay (tingin naman kay Sharpay). Ako ang anak, syempre. Hahaha" ang sabi ko na lang sa kanila.

"Hindi, kayo nalang mag-asawa, ako ang daughter niyo" ang sakay naman ni Shar. Nakita naming namula ulit si Xandy, at sabay kaming tumawa.
-------
"Happy birthday, Just." ang sabi ko kay Justin nang nasa club na kami.

"Thanks, bro. Mabuti nalang at nandito ka. Madaya ka kasi, hindi ka na nakakasama sa amin." ang sagot naman ni Justin.

"Busy eh. Graduating. Buti nga kayo graduate na. Madadaya. Hahaha" ang sagot ko naman sa kanila. Sa grupo, ako na lang pala ang hindi pa nakakagraduate. 5-year course kasi ang Engineering. Si Xander at Sharpay graduate ng Business Administration, alinsunod sa nais ng mga magulang. At graduate naman ng Accountancy itong si Justin.

"Well graduate nga ako, wala pa akong trabaho." ang sabi ni Just.

"Pfft, e kahit naman hindi kayo magtrabahong tatlo eh kaya ninyong mabuhay ng walang alalahanin." ang sabi ko. Lahat kasi sila may sinasabi sa buhay. Hindi naman kasing yaman ni Justin sila Xander at Sharpay, pero Trust Fund Baby kasi itong si Just n'ung nag-aaral pa, at suportado rin ng mga mayayaman nitong kamag-anak.

"Hindi naman akin iyong pera, sa mga magulang at kamag-anak ko iyon. Gusto ko ring makagawa ng isang bagay para sa sarili ko. Gusto ko ring kumita sa sarili kong paraan.." ang tugon niya sa akin. Ganyan ang takbo ng usapan namin. Naka-upo kasi kami ni Just at nagkukwentuhan habang busy ang kambal sa pagsayaw. Nagulat lang ako nang biglang hawakan ni Justin ang kamay ko.

"Just?" ang takang tanong ko.

"Ssshhh, makisakay ka na lang." ang sabi niya.

"Ha?" ang sagot ko. Medyo malakas kasi ang tugtog, kaya hindi ko gaanong narinig. Inilapit niya ang mukha niya at nagsalita malapit sa aking tainga.

"Sabi ko, ang cute mo." Nang ilayo ko ang mukha ko, nakita kong ngumiti siya sakin. Ano bang nangyayari dito?

"Tara, sayaw tayo." ang sabi niya. Ha? Ano daw? Sayaw daw kami? WHAT? Ang chinitong prinsipeng ito, inaaya akong sumayaw? Nakisakay na rin ako, parang kinakabahan kasi ang itsura niya. Bakit kaya?

Dinala niya ako sa dance floor. Kahit nagtataka ay sige lang naman ako. Isang active pero maharot na kanta ang nakasalang. Medyo tipsy na ako, kaya wala na rin ang mga inhibitions ko. Sayaw lang. Hehehe. Pero hindi ako malantod sumayaw. Pa-macho dancer lang. Hahaha. Tuwang-tuwa naman si Just. Aba, kita mo itong lokong ito, mukang ako ang gustong regalo sa birthday niya. Bigla, kinuha niya ang dalawang kamay ko at isinukbit iyon sa kanyang batok. Hinawakan naman niya ang baywang ko. Tang*na! Pinagti-trip-an ata ako nito ha! Sh*t talaga! Naku ha, kapag ako hindi nakapag-pigil.. Hahaha. Sumakay na lang din ako.. Ulet. Oo nga pala, pwede sa club na ito ang hetero, homo, etc. Kaya kahit maglandian kami dito walang kumukontra.

"Yeah! Ang saya!" ang sabi ni Just sa tainga ko.

"Mokong ka. 'Di bale, birthday mo naman. Hahaha." ang balik ko sa kanya. Sige lang kaming dalawa. May mga sumipol, may mga pumalakpak. Hala, nakagawa na pala kami ng eksena. Pero tuloy lang, mukha namang tuwang-tuwa ang kolokoy.

"Edge!" ang sabi ulit niya. Inilapit ko ang tainga ko para mas marinig ko siya, pero bigla niyang inilapit ang mga labi niya sa mga labi ko! Parang bumagal ang oras. P*cha! The straightest guy I know is actually kissing me! Humigpit ang pagkakakapit ko sa kanyang leeg. Grabe, nanghina ako doon! Pero saglit lang ang itinagal n'un, at siya na rin mismo ang kumalas. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili akong nakatingin sa kanyang maamong mukha na tuwang-tuwa pa sa mga nangyari.

"Oh, that's why those boys can't get enough of you. You're simply 'heaven'" ang sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Tang*na mo Justin! Bakit?

"J-Just?"

"Ayan, nakuha ko na ang regalo ko. Happy birthday to me!" ang nasisiyahan niyang sabi. Oh my.. Teka.. Bakit may.. Palakpakan?

"Whoah! It's getting HOT in here! H-O-T!!" ang biglang sabi ng DJ! Sh*t! Kaya pala! Bravo, Edge. Eksena! Bigla namang may humatak sa akin sa gilid.

"Hey, Mister." ang sabi ni Sharpay.

"Oh, bakit? Ha-Ooommpphhh!" ang biglang halik niya sa akin. P*cha na naman! Kanina yung gwapong chinito, ngayon isang prinsesa naman! Baka hindi ko na kayanin ito. Naman. Nakakabit na naman ba ang 'KISS ME: ANY GENDER ALLOWED' tag sa noo ko? Akala ko smack lang din. Darn, she's digging me in! I felt her tongue lightly pushing between my lips. Naku, sino ba ang makakatanggi sa babaeng ito, e pantasya ito ng mga kalalakihan. Bumigay na rin ako paglaon. Grabe, ngayon na lang ulit ako nakahalik ng babae. Pero naputol ulit ang ligaya ko nang may humatak na naman sa akin.

"Uh.. Hi, Xandy." ang sabi ko, kaya lang parang wala siyang narinig.

"Woi Xandy? Teka, sa'n mo ako dadalin?" ang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, bagkus lalong hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Teka Xander ano ba, nasasaktan ako! Xander!" ang medyo napalakas ko na sabi. Pero parang wala pa rin siyang narinig. At bago ko pa namalayan, nasa loob na kami ng kotse niya.

"Xander? Teka, ano bang problema mo?" ang iritado kong pag-uusisa. Pero wala parin. Binuhay niya ang makina ng kotse at saka ito pinaandar.

"Xander?" ang nasambit ko. Umaandar na ang kotse. Muli ay nagtanong ako.

"XANDER! Ano ba? Saan tayo pupunta? Nasa loob pa sila Sharpay at Just. Pwede ba ha, ano bang drama ito?" ngunit wala talaga siyang imik. Ang mukha niya ay madilim at pawang galit na galit.

Bigla naman akong may naalala.

Aba, ganitong-ganito ang eksena namin ni Micco dati ah. Same club, same place. Ang kaibahan nga lang, may dalawang humalik sa akin. Teka lang ha.

"Gusto mo rin bang i-kiss kita?" ang naalala kong biro sa kanya. Pero wala pa ring nangyari. Nainis ako, pero sa halip na mag-alboroto ako gaya ng dati eh nanahimik na lang ako. Hahayaan ko na lang siyang magsalita ng kusa. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext na lang kay Sharpay

(-v-) hey, nu prob. Kua mu?
(~.~) ewan. Ask mu. San kau?
(-v-) un n nga weh, san n kame? Yaw aq kauspn, tpos ewan san pa kmi punta
(~.~) hay naku, sa wakas.
(-v-) sa wakas?
(~.~) wala. Goodluck!

Ano daw? Goodluck? Para saan? Bigla namang nag-text din si Justin.

(e_e) hey Ed tnx sa kiss. Kaya mu yan. Go! Lols

P*cha pati itong isang ito lakas trip. Magre-reply sana ako nang magsalita si Xander.

"Masarap ba ang mga labi nila?" ang sabi niya na punung-puno ng sarkasmo ang himig. Aba, bakit nagagalit siya? Baka naman.. Hep hep, bawal assuming.

"Hmm, oo. Ang lambot pala ng lips ni Shar, at yung kay Just-"

"Shut up!" ang biglang putol niya sa sinasabi ko. Sige, mainis ka pa. Kadalasan sa mga kaibigan kong lalaki, kailangan mo silang inisin ng sobra para mailabas nila ang mga pinakatatago-tago nilang kung anu-ano. At sa kaso ni Xander, alam kong gagana iyon.

"O bakit naiinggit ka sa kanila? Eto na nga o, pinagbibigyan na kita. Game na. Kiss mo-ooommmppphhh!!" bigla niyang inihinto ang kotse at bigla niya akong hinalikan. Utang na..

I simply wanna die on my seat.
[ITUTULOY]

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails