BY:UNBROKEN
EMAIL:Iheytmahex632@gmail.com
❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
“Unbroken 9”
3.0:Thinking of you
“In your eyes,I'd like to stay.”
-Katy Perry,Thinking of You
At isang yakap nga ang nagpakalma ng aking naghuhulagpos na emosyon. Luhaan,sugatan,di mapakinabangan. Those words explain everything.
❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Everything seemed normal. Everything seemed fine. Madami na din nagbago. Masakit ang nakaraan pero siguro nakapamove on na ako. Naging mahirap sa umpisa,pero kinaya ko naman din. Lahat ng sakit ay sinubukan kong kalimutan. Tinapon ko lahat ng negativity na dinala sa akin ni Daniel. Mahirap pero dapat. Mahirap pero kinaya ko. Narealize ko kung gaano pala ko katatag,tinuloy ko ang buhay ko from the point na akala ko ay wala na lahat. Kinaya ko.
Naayos ko na ang buhay ko. Bumalik na sa dati. Balik trabaho. Balik sa pagiipon at sa kung ano-anong sideline. Ginawa kong abala ang sarili ko. Ginawang araw ang gabi para sa trabaho, Sinasabi nga nila na daig ko pa daw si Curacha sa mga sideline. Sa tatlong taon na yon,nabigyan ako ng pagkakataon na magipon ng husto at makakuha ng sariling bahay. Naging preoccupied ako sa trabaho. Naging alipin ng pagtatrabaho na nagbunga naman, Tama nga yung narinig ko sa TV,kung sa pera ka magiinvest tutubo yan,kung sa lalaki? Wala, Heart ache.
Malamig na ang simoy ng hangin. Dala na rin siguro ng nalalapit na Pasko. Naisipan kong umuwi ng maaga ngayon para umuwi sa bahay nila Mama. Tinawagan nya ako dahil daw nagluto sya ng sinigang na baboy. Ano bang meron? Anniversary ba nila ni Papa? Hay. Ano ba to? Sarili kong pamilya di ko na nakikita dahil sa trabaho ko. Ganyan ako naging kaworkaholic.
6:30 P.M.
Bumaba na ako mula sa 11th floor ng Raffles Bldg. Sa may Ortigas. Salamat naman at wala akong nakasabay sa elevator. Medyo natatakot kasi ako kapag nagiging crowded na sa elevator. Hindi ko malaman kung “Claustrophobic” ba ako or talaga lang maarte. Anything goes. Mabilis kong narating ang ground floor at kaagad akong lumabas ng building. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.
Ilang steps din ang hinakbang ko bago makalapag sa kalsada. Naglalakad na ako papunta sa sakayan
ng bus sa may Galleria ng biglang may bumusinang isang pamilyar na sasakyan sa akin. Binaba ng nakasakay ang bintana at agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
“Hoy Gwapong nakablack! Sakay ka na!” sigaw nito sa akin. Nakangiti.
“Sorry! Di ako cheap!” sigaw ko pabiro.
“Dali na,magkano ba?” sabi nito pabiro.
“Magkano ba kaya mo?” balik kong sagot.
Pinagtitingan kami ng mga tao pero para lang kaming mga ewan na nagagaguhan sa kalsada. Matatamis na mga ngiti ang aming palitan. Magaan ang pakiramdam na may isang taong nandiyan lagi para sayo. Masayang isipin na mayroong isang nagtyaga sa akin lalo na nung mga panahong tinalikuran ako ng lahat. May isang nagantay ng tamang panahon para maibalik ko ang dati kong sarili. May isang taong nagmahal sa akin sa paraang alam nya at sa paraang tanggap ko. He's loving me for me. Unconditionally. And I felt so alive.
Agad akong sumakay sa sasakyan. Tumabi agad sa driver's seat. Umupo na parang kamaganak na sobrang at home sa magarang sasakyan na ito. Agad kong sinandal ang likod sa upuan at nagbuntong-hininga.
“Whew. Kapagod. Lakas toyo ka din no? Di ka man lang nagpasabi na susunduin mo ko?” sabi ko.
“Kailan ba ko nagpasabi na susunduin kita?” Pabiro nyang tanong.
“Oo nga naman. Lagi ka palang sumusulpot nalang. Hehe.”sabi ko.
Sinara na nya agad ang bintang at pinaandar ang sasakyan. Tinted naman ito kaya okay lang. Di masyado aninag kung may gawin man kaming kalokohan. Tuwing nagdadrive sya ay palaging seryoso ang mukha nya,marahil na rin siguro sa mata nya. Lagi syang nakasalamin dahil gaya ko,medyo malabo na din ang mata nya. Papalabas na ng Rob Galleria,kakanan na kami sa may tapat ng 7eleven sa may AIC. Nagkaroon ng bahagyang pagbagal ng mga sasakyan. Umangat ako sa upuan at lumapit sa kanya sya'y humarap sa kanya.
“Uy umayos ka nga,baka mauntog ka FR.” sabi nitong punong-puno ng concern.
“Okay lang yun,bukol lang naman kung sakali to Carlos.” sabay ngiti ng pilyo.
“Ah.. Teka para san yang ngiting yan...?”sabay ngiti.
Mula sa ganung posisyon ay hinarap ko ang kanyang mukha sa akin. Dali dali kong hinalikan ang kanyang mga labi. Pagdampi nito ay naramdaman ko muli ang fulfilling sensation na tila nakakahypnotize. I can't stop wanting him. I can't. And I don't want to stop wanting this man.
Tumagal ang pagtatama ng aming mga labi ng ilang segundo. Bumalik ako sa upuan at muling inayos ang aking sarili. Lumitaw ang ngiti sa aking labi at ako'y napabuntong hininga. Tila napansin ito ni Carlos.
“Buntong hininga na naman? Something's wrong? Or nadala ka ng kiss?” pabiro nitong sabi.
“Adik. Pero seriously,namiss kita.” sabi ko. Naramdaman kong nagblush ang mukha ko after kong umamin na namiss ko sya. Ang weird. Siguro natakot na ko magexpress ng feelings. Kaya naging unusual sa akin nung sinabi ko yun sa kanya.
“Wow. Salamat!”sabi nito na namumula.
“Ang cute mo pag namumula. Para kang ewan.” sabi kong nangaasar.
“Nagulat lang ako,kasi hindi ka na masyado vocal. Kaya nagulat ako. Pero sobrang happy.” sabi nito. Halatang nagulat at natuwa ng sobra. Mula ng mangyari lahat ng nangyari ay nagiba ako. At isa sya sa mga taong naapektuhan ng pagbabago ko pagdating sa pagibig.
“Sus. Gumaganon pa? Bilisan mo nalang magdrive. Inaantay na tayo nila Mama sa bahay. Nagluto daw sya sinigang. Ano ba meron?” nagtataka kong tanong.
“Ewan. Parang mas alam ko pa ang mga events sa pamilya mo ha?” sabay ngiti.
“Eh dun ka ba naman halos umuwi eh? Paanong di mo malalaman?” sagot ko.
“Oh sya. Bilisan na natin. Gutom na din ako.” sagot nito sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.
Mabilis ang naging takbi ng sasakyan. Wala pa atang 8PM ay nakarating na kami sa bahay. Mukhang may fiesta,nangangamoy ang inihaw na liempo sa labas palang. Ipinark ni Carlos ang sasakyan. Pababa na ako ng bigla nya akong pinigilan.
“Wag ka bababa,ako ang magbubukas ng pinto.” sagot nya.
“Ha? Wag na. Nakakahiya.” sabay blush.
Dali dali syang bumaba ng sasakyan para buksan ang pinto ng sasakyan sa aking gilid. Iba ang pakiramdamn ko. He treats me so well. Parang wala na kong mahihiling pa. After facing the bitter reality that Daniel had left me,Carlos became my saving grace. Siya ang nagmistulang sandalan ko sa lahat. Kung may tao akong papasalamat bukod sa pamilya ko,walang iba kundi si Carlos yun. Si Carlos na nandyan sa akin in a major way.
Binukas na nya ang pinto at inalalayan ako pagbaba. Agad nyang sinara ang pinto ng sasakyan at akmang babaling na papasok ng bahay,pinigil ko sya at hinawakan ang kanyang kamay. Humarap sya sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis.
“Oh? Bakit FR?” sabi nitong nakangiti.
“Wala lang. I just want to hold your hand.” sabi ko,naglalambing.
“Sus. Naglalambing ang pogi.” sabi nito sabay haplos sa aking mukha.
“Thanks sa lahat. I mean,thanks sa lahat.”sabi kong naiiyak.
“I told you not to cry.”sabi nya. Halatang masaya.
“I can't help it. I just realized kung gaano kalaki na pala ang hirap mo sakin. I mean,lahat ng oras na ginugol mo sakin,lahat ng pagiinitindi sa mga mood swings ko,sa lahat lahat. I really owe you a lot.”
At bigla na namang tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Pero this time,hindi ito dala ng sakit,dala ito ng sobrang kasayahan dahil sa isang taong walang ibang ginawa kundi intindihin at iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. This is awesome. Naging passionate ang sumunod na mga nangyari. Naramdaman kong nagdikit ang aming mga katawan at ang aking mga braso ay nakaangkla sa kanyang mga balikat. Kami ay nagyakap. Mahigpit. Tila ayaw nang bitiwan ang isa't isa. I couldn't ask for more.
“Carlos,Thanks for everything.” binulong ko sa kanya. Sinsero. Heartfelt.
“Wala yun,I just want to make you feel better.”sabi nito.
“I'm better now. And I'm happy because you're there.”sabi ko.
“Masaya na ko to now you're happy.” Ramdam ko ang contentment sa tono ng boses nya.
“I couldn't have done it.” sagot ko.
“Kaya mo. I knew it from the start.”
“I couldn't have done it without you.” dugtong ko.
Kumalas si Carlos sa aming pagkakayakap. Tumingin ito sa aking mga mata. Nangungusap ang chinitong mga mata nito. All I want to do is to run away with this guy. Kahit saan nya ko dalhin game. Basta sya ang kasama ko. Ngumiti ito at dinampi ang kanyang malambot na labi sa aking kanang pisngi. Ngumiti ako at nagpacute. Pinindot ko ang kanyang ilong.
“I have something to give you FR.”sabi nya. Nakangisi.
“Ha? Ano yun? Bakit ano ba meron?”nagtataka kong tanong.
Nagmamadali syang pumunta sa compartment at binuksan ito. Mababakas mo sa kanyang mukha ang excitement at kaba habang nilalabas nya ang isang malaking kwadradong regalong nakabalot sa isang simple ngunit mukhang eleganteng wrapper. Inabot nya ito sa akin at bigla syang napayuko.
“Sana magustuhan mo.” sabi nya,halatang nahihiya.
“Ha? Ano ba to? Nagabala ka pa? Ano ba meron? Salamat Dito Carlos.”
“Happy Birthday FR.” sabi nito habang nakatitig sya sa akin.
“Birthday? What?” Nagulat ako sa narinig.
Kasabay nito ay natawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam na birthday ko pala ngayon. I mean,sa sobrang busy ko ay nakaligtaan ko na birthday ko pala ngayong araw na to. Kaya pala naghanda din si Mama ng pagkain, Tila fiesta sa bahay. Niyakap ko si Carlos at labis na pinasalamatan. Tinulungan nya ko sa pagbuhat ng kanyang regalo dahil may kabigatan ito. At kami'y pumasok na sa bahay.
Napuno ng tawanan ang bahay habang nagsasalo salo sa mga pagkaing hinanda nila Mama. Naging at home na rin si Carlos sa aming bahay. Nakuha nya agad ang loob ng Mama ko. Naging kasundo naman nya ang aking tatay sa kanilang mga Tennis moments. In short,good shot si Carlos sa kanila.
Sarap na sarap ako sa sinigang na baboy na niluto ni Mama. Maging si Carlos ay napasubo sa kainan. At syempre hindi magpapatalo si Pixel. Nakailang balik sa kanin at sa mga ulam. Kumain ng sinigang,afritada at liempo. Wala talagang kaarte arte sa katawan. Balahura sa kainan. Walang kapoise poise. In short,PG.
“Best,in fairness ha? Shoot sa banga ang sinigang.” sabi nito habang ngumunguya.
“Halata nga best,nakailang balik ka na sa kaserola eh.” pambabara ko.
“Eto naman,nakikikain na nga lang ako nagdadamot ka pa.” sabi nito.
“Ay? Ako pa nagdadamot? Eh ikaw na nga tong pinapakain. Umalis ka nga dito.” pabiro kong sabi.
“Wag naman ganun best,binibiro na nga lang kita eh. Wag naman ganun.” sabi nito.
“See? Kairita ka. Hehehe.”sabi ko.
“Mudra,pwede ba kong magbalot? Kahit yung sinigang lang,pati yung kare-kare,tsaka yung liempo.” sabi ni Pixel kay Mama.
Natahimik ako bigla. Pinipigilan kong tumuwa dahil nasa harap kami ng hapagkainan. Nagkatinginan nalang kami ni Carlos at sabay na ngumisi.
“Gurrlll,keri lang. May dala ka bang plastic dyan?” sabi ng nanay ko.
Agad na tumayo si Pixel at tumakbo sa bag nyang nakalagay sa sofa sa may sala. Pagkabalik nito ay nanlaki ang mata ko sa kakatawa. Ready talaga sya. May dala syang 3 microwaveable na lagayan ng ulam. Nang makita ni Carlos ito ay hindi nya napigilang tumawa ng malakas. Ganun na din ang aking nanay at tatay. Napuno ng tawanan ang aming hapunan. Sa isip isip ko,swerte talaga ako sa bestfriend ko. Hindi ko maimagine na kung gaano sya kaganda,ganun din naman ang kabaklaang nasa utak nya. Akala ko dati ay sobrang pino kung kumilos,pero I was completely wrong.
❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
Masaya ang aking naging kaarawan. Masarap ang simoy ng hangin. Maganda ang panahon. Masarap ang mga ulam na niluto ng Mama. Kasama ko ang aking pamilyang sobrang mapagmahal.
Andyan ang bestfriend kong nagbigay ng walang humpay na kakatawanang si Pixel. At syempre,nandyan ang aking savior na si Carlos. Salamat sa Diyos at okay na ako.
Nakahiga na ako sa kama. Nakatitig sa dingding na minsan na ring nakasaksi sa nadurog kong puso.
Sa ilang taong nakaraan nakita ko ang growth ko bilang tao,mula sa pagiging sobrang devoted sa isang tao,sa tingin ko ay naturuan ko ang sarili kong mahalin ulit ang sarili ko higit sa lahat. Naibalik ko ang respeto ko sa sarili ko,naramdaman kong nabuo ulit ang aking sariling nawala for a while. I can feel the contentment na dala ng mga tao sa paligid ko sa akin. Sobrang saya ako sa companionship na dala nya. And I know magiging okay pa lahat.
Nasa ganun akong posisyon ng kumatok si Pixel sa kwarto. Mukhang makikitulog na naman dito.
Agad agad syang umupo sa kama. Parang bahay na nya. Lumingin sa mga ulok ng kwarto ng may makitang kakaiba.
“Best? Ano yung malaking gift na yun sayo?” sabi nyang may halo ng excitement at kaba.
“Ah? Yun ba? Regalo ni Carlos yun.” sagot ko.
“Wow. Opening na natin best!” sabi ni Pixel.
“Sige. Pwede.” sagot ko na may halong excitement.
Dali dali naming kinuha at nilapag sa kama ang regalo ni Carlos. May kabigatan ito at hindi ko mawari kung ano. Nakabalat ito sa blue na wrapper at may gold na lace na nakaribbon dito. Agad agad kong sinira ang balot dahil na rin sa paniniwala na pag sinira mo ang wrapper ng regalo ay mauulit ang pagreregalo sayo ng taong iyon. Pinagtuluyan naming sirain ni Pixel ang wrapper. Unti-unti ng lumadlad ang regalo. Sobrang humanga ako sa nakita. Isa itong Portrait ko na gawa sa charcoal. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay napakaespesyal ko para kay Carlos para iguhit nya ko. Magaling din syang pintor. Hilig nya na talaga ang pagguhit mula noon. Kaya nga lang ay pinilit sya ng kanyang tatay na maging doktor.
“Best,bongga! Ang ganda ng painting!” sabi ni Pixel.
“Wow. I'm speechless best.” sabi ko na naiiyak.
“Best? Wag ka nga umiyak dyan. Binigyan ka na nga ng ganyan eh,iinarte ka pa.” sabi nito.
“Timang! Tears of joy to.” sabi ko.
“Kailangan talaga may timang? Kaloka.” sagot ni Pixel.
Ngumiti lang ako sa kanya. Sa lahat ng unos at ligayang dumating sa buhay ko ay kasama ko sya. Sila ni Carlos. Sobrang saya ng pakiramdam. I felt that I'm a renewed person. Salamat. Napabuntong hininga ako. Agad kong nilagay ang aking portrait sa wall. Sakto naman at may pako butas at pagsasabitan na ito.
Pagkatapos isabit ang larawan ay bumalik na ako sa kama. Inilatag ko ang aking katawan at humugot ng isang malalim na hininga.
“Oh? Best? Buntong hininga ulit? Paulit-ulit?” sabi ni Pixel.
“Gago.”
“Sama mo naman.” nagiinarteng sagot.
“Adik. Sobrang happy ako ngayon.” sagot ko.
“Really? Di ako alam best kung maniniwala ako o hindi.” sabi nito. Seryoso.
“Ha? Bakit naman?” sagot ko.
“Ewan ko. I feel that your emotions are animated.” sagot nito.
“Animated? Ano ibig mo sabihin?”
“Okay ka. You feel stable. You really are stable. Pero I'm sure hindi ka pa nakamove-on.” sabi nya.
“Ha? I already moved on best! Sobrang happy ko na ngayon. Kuntento na ko sa kung anong meron ako at sa mga bagay na hindi ko hawak. Masaya na ko.”depensa ko.
“Okay best. You say so. Pero kilala na kita bago pa man tayo tubuan ng pubic hair. Kaya alam ko lahat. As in lahat. In a major way.” sabay ngiti nito.
Tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit sa sinabi nya o dapat ko pa bang usisain kung anong ibig nyang ipahiwatig. Paano nya nasabi na hindi pa ako okay? I have my work,my family,my friends and Carlos. He's been with me mula pa noong nadurog ako. So how can she say na I haven't moved on? Di ko maintindihan.
“Best,I really can't understand. Anong ibig mong sabihin sa Animated ang emotions ko at hindi pa ako nakakamoveon? Ipaliwanag mo.” sabi ko.
“Best,I want you to read between the lines. Matalino ka best. Alam kong naiintindihan mo ako. Nagtatangatangahan ka lang.” sabi nya.
“Best. I'm happy with Carlos. Okay na yun,I've moved on.” sabi ko. Pilit na kinukuha ang panniniwala ni Pixel.
“You're happy with him. He's there for you. At ayon ang set up nyo. Bakit? Mahal mo na ba si Carlos?” tanong nito.
“Ha??” nangangatal kong sagot.
“See? You can't even answer me straight. Ni hindi ka nga din makatingin sa mga mata ko. I knew it from the start.” sagot nito.
“But Best, Okay na yung kami ni Carlos na ganito. Kasi sabi nya masaya naman daw sya na magkasama kami,okay na yun.”sabi ko.
“Kayo ba?”putol nito.
“Hindi.” sagot ko,nakayuko.
“See? Ni hindi kayo. Sino ang may gusto ng ganyang set up? Ikaw?”
“Oo best. Okay naman daw sa kanya eh,mahalaga magkasama kami. Masaya na kami dun.”
“Di pwede maging kayo kasi alam mo dyan sa sarili mo kung sino ang mahal mo. You know that you're still inlove with that guy. The guy who once broke your heart. You can't admit it but you're still in love with Daniel. Hindi kaya possible na kaya hindi mo maisip na maging kayo ni Carlos ay dahil unconsciously nagaantay ka pa din kay Daniel? Kahit na sinasabi mong sobrang sakit ng pinaramdam nya sayo ay mahal na mahal mo pa din sya. And unconsciously,you're still waiting for him.”mahabang tugon nito.
Natahimik ako sa narinig. Hindi ko alam na maaaring ganun na nga ang nangyayari sa akin. Sa tagal ng pagkakakilala namin ni Carlos ay hindi man lang naging kami. Weird pero sobrang saya ko naman sa kanya. Nandyan sya pa lagi ko syang kailangan ko sya. He never failed me. Kung tutuusin nga sobrang laking tulong ng presence nya para maging okay ako eh. Pero hindi ko alam,okay na ba talaga ako? Ang mga binitiwang salita ni Pixel ay masyadong mabigat. Nawala ako sa wisyo. Parang totoo na ewan. Parang gusto kong maniwala. Pakiramdam ko sinasabi ng isip ko na okay na ako pero
emotionally I'm not really fine. Maybe she's right.
“Oh best? Natahimik ka dyan?” tanong ni Pixel.
“Wala best. Pagod lang to.” palusot ko.
“Nope. You're not tired. I know na iniisip mo kung tama ba ako o hindi. I'm afraid I'm right.” sabi nito habang hinahawi ang buhok na tumakip sa kanyang mata.
“Best. I really don't know.” sagot kong litong-lito.
“Okay. Best,hindi mo maintindihan nararamdaman mo.mas lalo naman ako. Inaanalyze ko lang lahat. Hindi ko alam kung ano ba. Pero I have my way on viewing things. At ganun na nga nakikita ko.”sagot nito.
“Ano ba nakikita mo?” sagot ko. Tulala. Nalilito.
“Nakikita? Manghuhula? Hay. Kasi kung mahal mo man sya? Bakit hindi kayo? I mean,diba pag mahal mo ang tao binabakuran mo na? I mean,dapat may commitment. Eh sa ngayon wala eh,take note best,3 years na kayo magkasama.”. Paliwanag nito.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga.
“Ewan ko best. I must admit na nalilito ako.”
“See? Sa bibig nahuhuli ang isda. Sayo na din naman nanggaling na nalilito ka. You're cofused because alam mo pa din na hanggang ngayon that Daniel still has a space sa puso mo. Kahit ilang taon na ang lumipas,your love for him is “Unbroken”.” sabi nito sabay yakap sa akin.
Marahil nga ay tama si Pixel. May puwang pa din talaga siguro si Daniel sa puso ko. Kasi kung wala,bakit pa ba ako malilito ngayon? Kasi kung wala,bakit pa ba ako umiiyak ngayon? Kasi kung wala,bakit ko sya biglang naisip?
“Best. Let's take a walk outside. I need some fresh air.” sabi ko.
❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
Malamig ang hangin habang binabagtas namin ang subdivision. Tumatama sa amin ang malamlam na sinag ng buwan. Saksi ang mga bituin sa damdaming aking nararamdaman ngayon: CONFUSION. Bakit pa kasi naisipan ni Pixel na sabihin sa akin ang mga bagay na sinabi nya? Bakit pa ba nya pinaalala si Daniel sa akin? Bakit pa ba nya inisip na hindi ako masaya? Pero marahil tama sya. Kahit pala halos nasa akin na lahat ng higit pa sa kailangan ko,darating pa din ako sa punto na mararamdaman kong may kulang pa.
“Best,I have a question?” sabi ni Pixel.
“Ano naman yun?”
“Paano kung sakaling bumalik si Daniel? Paano na si Carlos?”
Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba? Yayakapin ko ba sya pag nakita ko sya?
Iiyak ba ko? Magsosorry ba ko? Magagalit ba ko sa kanya? Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakaling makita ko sya. Marahil nga ay tama si Pixel. Mahal ko pa din siguro si Daniel.
“Ewan ko best. Siguro magdedecide ako pag nakita ko na sya ulit. Mahirap magsalita ng tapos.”
“See? Now best,confirmed ko na. You're still in love with Daniel.” sabi nito.
Ako'y napabuntong-hininga.
Nakabalik na kami sa bahay at nakapasok na sa kwarto si Pixel. Naisipan ko uling bumaba para magisip isip. Umupo ako sa may labas ng gate namin. Tumingala at nagantay ng shooting stars. Pero wala. Inalat sa paghahanap ng shooting stars. Buntong-hininga. Makalipas ang 15 minutes ng pagiisa ay nakaramdam na ako ng pangangati,dala na rin marahil ng lamok na pumapakpak sa akin.
Agad akong tumayo at tumungo na sa gate. Dahan dahan kong inaangat ang bukasan at ako'y papasok na sana ng biglang..
“Happy Birthday FR.”
Nagitla ako sa narinig. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko malaman kung haharap ba ako o tuluyan na bang papasok sa loob ng bahay. Naramdaman kong bumiglang bumagal ang aking paghinga. Bumigat ang aking dibdib. Nangilid ang aking mga luha. Muling bumalik ang galit. Nahukay ang poot na nabaon na sa limot.
Dahan dahang akong lumingon. Di ko namalayang bumabaha na pala ng luha ang aking mga mata.
Humarap ako sa huling taong bumati sa akin ng “Happy Birthday” sa gabing ito. Humarap ako sa kanya. Nakatikom ang kamay mga kamay. Tikom ang aking bibig. Nakita ko muli ang kanyang mukha. Makalipas ang tatlong mahabang taon. Ang lalaking dumurog ng aking puso. Ang lalaking aking minahal ng husto. Ang lalaking patuloy ko pa ding minamahal.
“Happy Birthday FR. Hindi mo ba ko narinig?”ulit nito.
Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili akong nakatayo sa aking kinalalagyan. He left me speechless. I can't move. Nakatitig ako sa kanyang mukha,wala naman masyado nagbago sa kanya. Maliban nalang sa kalbo nyang buhok. Bumagay sa kanya ang pagkasemikal dahil na rin sa magandang features ng kanyang mukha. Nandun pa din ang matangos nyang ilong. He's still got the almond eyes na lagi kong tinititigan. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng mainit na butil nang luha sa aking mga mata. Nagbalik na si Daniel. Hindi pa rin ako makapaniwala.
“FR,Happy Birthday. FR. FR.”sambit nitong puno ng pagsisisi.
Nanatili akong walang imik. Naninigas ako sa galit,sa excitement at sa saya. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Nanatili akong nakatayo. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng aming mga labi at ang isang mainit na yakap. Ganun pa rin. Mahigpit at passionate.
“Daniel.” sabi ko.
“Hush FR. Nandito na ko. Some good thinds never change.” sabi nito.
At muli nitong dinampi ang kanyang labi sa akin.
ITUTULOY...
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
gago tanga ka talaga F.R buset!!!!
ReplyDelete