by: bx_35
e-mail address/YM ID: bx_35@yahoo.com
blog: xxbndikxx.wordpress.com
Chapter 9 – Family problem
“Adik, may sasabihin akong seryoso sa’yo mamaya, sa ngayon matulog kana muna” bungad sa akin ni Ethan pagpasok ko sa kwarto nya. Kakagaling ko lang sa trabaho, pang-gabi na naman.
“Adik ka talaga, sa palagay mo makakatulog ako ng maayos, siempre iisipin ko kung ano ang kailangan mong sabihin sa akin” sagot ko sa kanya.
“Sige na, wag ka nang makulit. Eto ang kiss mo, matulog ka na” lambing ni Ethan.
“Ok, ikaw naman lagi ang masusunod kaya matutulog na nga ako” sagot ko ulit sa kanya.
Zzzzzzzzzzz.
Gising.
Kain.
Ligo.
Usap.
“Ano ang sasabihin mo sa akin?” tanong ko kay Ethan.
“Ok, simulan ko na” seryosong sabi ni Ethan.
“Sige, makikinig ako” sabi ko.
“Kinausap ako ni nanay, nakiki-usap sana siya na kung pwede ay uwi ka muna sa inyo. Simula ng ilabas kita sa kwarto, nahiya kasi siyang humarap sa iyo. Nahihiya siya sa sitwasyon namin na makita mo kung paano kami nahihirapan araw-araw” paliwanag ni Ethan.
Tahimik.
Nag-isip.
“Alam ko ang nangyayari, ako pa nga ang dapat mahiya, pero nilalakasan ko ang loob ko, kinakapalan ang mukha ko para makasama kiya. Alam kong mali ito, pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa inyo kahit na alam kong nahihirapan kayo. Ayaw kong umalis dito, kung kailangan ibigay ko ang lahat sa natitira sa sahod ko, ibibigay ko para pandagdag sa panggastos mo” sagot ko kay Ethan.
“Ako rin naman, gusto ko na laging nandito ka, ikaw pa lang ang nakapagpasaya sa akin ng ganito kaya ayaw ko rin sana na umalis ka dito. Pero kung yan ang gusto mo, sige huwag ka na munang umalis, gagawa tayo ng paraan at ako na ang kakausap sa nanay ko. Kung kailangang mangutang ako para may makain tayo, gagawin ko iyon” pagsang-ayon ni Ethan sa akin.
“Maraming salamat. Alam mo naman ang sitwasyon ko, sa halos isang buwan na pagtira ko dito, lagi akong nakayuko kapag papasok na ako ng bahay nyo, kung pwede nga lang na gumawa ako ng shortcut mula sa kanto papasok dito sa kwarto mo, gagawin ko iyon para hindi nila ako makitang dumarating dito” sabi ko kay Ethan.
“Hay naku, kailan ka kaya magbabago? Seryosong usapan na nga, hinahaluan mo pa ng biro. Kaya nga mahal na mahal kita kasi lagi mo akong napapasaya” lambing ni Ethan.
“Kahit naman ako, lagi mo akong pinapasaya, makita lang kita, masaya na ako” sagot ko naman sa kanya.
Nahiga.
Yakap.
Kiss.
Tulog ulit. Zzzzzzzzz.
--------------------------
Picture ni Randolph.
Ilang buwan na akong halos araw-araw na nasa loob ng kwartong ito, pero parang bakit ngayon ko pa lang napansin ang picture na iyon. Habang nakatingin ako doon, pakiramdam ko nakikita nya lahat ng ginagawa namin ni Ethan, ang lambingan, yakapan, halikan, iyakan, lahat. Parang nakikinig din siya sa lahat ng mga usapan namin ni Ethan. Ang weird, ang tanga ko, bakit?
“Ano naman ang tinitignan mo dyan?” tanong sa akin ni Ethan.
“Etong picture ni Randolph, pakiramdam ko nakatingin sa atin” sagot ko kay Ethan.
“Adik, picture lang yan, huwag mong seryosohin” sabi ni Ethan.
“Pwede bang maki-usap?” tanong ko sa kanya.
“Ano?” si Ethan.
“Pwede bang itago mo ang picture na yan. Kung pwede lang” sabi ko sa kanya.
“Sige” pagpayag ni Ethan.
“Ok, salamat” sagot ko kay Ethan.
“Ako naman ang hihingi ng pabor sa iyo” sabi ni Ethan.
“Ok, ano iyon?” tanong ko sa kanya.
“Magdala ka ng picture mo bukas, papalitan ko iyan, para may bago na akong katabi, he he” lambing ni Ethan.
“Ayoko, ganyan na lang ba, ipapalit mo lang ako sa kanya. Gusto ko bagong pictures at frame” sabi ko sa kanya.
“Ok, sige. Kapag nagkapera tayo bili tayo ng bagong picture frame, itatapon ko na yong luma, ang kulit mo talaga, pa kiss nga” lambing ulit ni Ethan.
Sandali. Di ko pa pala natatanong kay Ethan kung naka-usap na niya si Randolph para klaruhin ang bagay-bagay sa kanila. Pero sige, hayaan ko na lang muna, siguro kailangan pa niya ng panahon.
Masaya ulit.
Kulitan.
Ligo sa ulan.
Surprise. Pupunta sya ng office pagdadala ako ng lunch or dinner. Tambay siya doon at sabay kaming uuwi sa kanila.
---------------------------
“Bry, may sasabihin ako sa iyo” bungad ng nanay ko pagdating ko sa bahay, day-off ko kasi.
“Ano po iyon?” tanong ko sa nanay ko.
“Totoo bang nakatira ka sa accommodation sa trabaho mo?” tanong ng nanay ko sa akin.
“Opo” maikling sagot ko sa nanay ko.
“Huwag ka na sanang magsinungaling. May nakakita kasi sa iyo na bumaba sa may lugar nina Ethan. Pumayag ako na umalis ka sa bahay kahit na masakit sa akin, lalo na malapit lang naman ang lugar ng trabaho mo dito. Tapos ngayon malalaman ko na hindi ka naman pala tumutuloy doon at kina Ethan ka pa nakikitira na mas malayo pa ang bahay nila. Hindi ka ba nahihiya, ano na lang ang iisipin ng ibang tao?” sabi ng nanay ko.
“Ilang beses ba nila akong nakitang bumaba doon? Nay, isang beses lang akong nakitang bumaba doon at nag assume na kayo ng ganyan. Alam nyo naman na may kasama ako sa trabaho na malapit lang doon, may hinatid kasi akong mga documents sa kanya, pero dumaan muna ako kina Ethan bago iyon” paliwanag ko sa nanay ko, siempre confident ang pagharap ko para di mahalatang nagsisinungaling ako.
“Di ko alam, pero malakas ang loob ko na hindi ka nakatira sa accommodation. Nakiki-usap ako na sana ay bumalik ka na sa bahay, miss ka na ng mga pinsan mong makukulit. Alam mo naman na gusto nila na lagi kang kasama” paki-usap ng nanay ko.
Senti mode.
Ilang buwan na ba akong wala sa amin, lima. Oo pala, madalang ko ng makasama ang mga makukulit kong pinsan. Ang panonood namin ng Pokemon at iba pang cartoons tuwing umaga bago ako matulog, ang pag-gising nila sa akin kapag kakain na. Pakikipaglaro ng taguan at habulan sa kanila. Ang dami ko na pala na-miss, kailangan bumawi sa kanila. Sa mga tita ko, marami sa kanila ang nagsasabi na nagbago daw ako at marami ng napalampas na okasyon. Dati kasi wala akong pinapalagpas, kung kailangan mag absent sa trabaho para lang makapag attend, gagawin ko iyon.
Masama na ba akong tao? Nakaya kong iwanan ang pamilya ko para makasama araw-araw ang taong mahal ko. Tapos di na ako na nahiyang makitira sa kanila, alam ko ng ganoon ang sitwasyon nila, pero pinagsiksikan ko pa rin ang sarili ko.
Buhol-buhol na ang utak ko sa kakaisip, pero kahit anong gawin ko nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kung meron man akong nagawang mali, lilipas din iyon, mabubura din ng panahon ang sakit at kahihiyan na naidulot, ang importante, naging masaya ako kasama si Ethan. Masama man ako sa paningin ng iba, pasensya na, nagmamahal ako. Malakas lang ang loob ko kasi kahit na anong gawin ko, alam ko mapapatawad rin ako ng pamilya ko at pinapangako na makakabawi din ako sa kanila. Sa ngayon, pasensya na muna sila, nagmamahal ako.
No choice. Kunwari umuwi ako sa amin, binalik ko ang ibang gamit. Alam ko na ang ganitong set-up, ginawa ko na dati. High school ako ng mahuli ako ng nanay ko na nakikipag-inuman, disappointed, Catholic School at nasa Honor section, tapos makikita ako ng nanay ko na nakahiga sa kwarto ng ka-barkada ko na hindi na maka-uwi dahil sa sobrang kalasingan. Nakatira ako sa bahay ng lola ko noon, at matapos noon ay pina-uwi muna ako sa amin, pero matapos ang ilang araw lang, balik ulit ako sa bahay ng lola ko. Kaya malakas ang loob ko na ulitin iyon, ilang araw lang, siguradong makaka-alis na naman ako sa amin, babalik na naman ako kina Ethan.
Ganoon nga ang nangyari, naglagi ng ilang araw sa amin. Bumawi sa mga pamangkin ko, sinamahan ko ulit sila sa cartoon marathon at nilibre ko sila sa paborito nilang fastfood chain. Bumalik ako kina Ethan pero mas dumalas pa rin ang pag-uwi ko sa amin. Mas inuuna ko ng puntahan ang family gatherings at kung may trabaho, absent ulit para makapag attend.
Bumawi rin sa mga kabarkada kong madalang na makita. Nakiki-usap kay Ethan na kung pwede ko silang puntahan pa-minsan-minsan at pumayag naman siya.
Simula noon ay nakikisabay na rin kaming kumain ni Ethan sa mga kapatid at magulang niya. Sa loob ng ilang buwan ng pagtira ko sa kanila ay noon ko pa lang sila lubusang nakilala. Nakikipagkulitan na rin sa mga pamangkin niya, nood ng panghapong palabas sa TV kasama ang mga magulang niya, naglalaro ng tong-its kasama ang mga kapatid niya, ligo ulit sa ulan, sa pool, bili ng merienda.
Pagkatapos ng pagbawi ko ng oras sa pamilya, pinsan, at kabarkada ko, muling umikot ang mundo ko kay Ethan. Madalas, kung kailangan pumili, siya pa rin ang pipiliin ko, mas mahal ko siya, eh.
“Masaya ka pa ba?” tanong ni Ethan.
“Oo naman. Di ba sinabi ko naman dati sa’yo na ipaglalaban kita. Sa ilang buwan ng pagsasama natin, naging masaya tayo, pero meron tayong nasasaktan na mga tao, pero alam ko darating din ang araw na maiintindihan nila tayo” sagot ko kay Ethan.
“Ako rin, mas sumaya pa ako ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal” sabi ni Ethan.
“Pero kailangan maghanda pa rin tayo, kasi alam kong mas marami pa tayong magiging problema. At nakiki-usap ako na sana huwag kang bibitiw. Kung sakali mang bibitiw ka, sabihin mo ng mas maaga para hindi gaanong masakit” sabi ko kay Ethan.
“Alam ko naman iyon, mas marami pang problema ang kailangan nating harapin. At huwag kang mag-alala, hindi-hindi ako bibitiw” sagot ni Ethan.
“Adik, ang drama na naman natin. Tulog na nga tayo” sabi ko kay Ethan.
“Adik, oo nga, sige tulog na tayo, kiss ko” lambing ni Ethan.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment