Followers

Friday, November 19, 2010

Mt. Romelo Nights 3

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blogspot: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I have a huge crush on Channing Tatum!



CHAPTER 3


Kinalma ko ang sarili ko. Hindi pwedeng mahalata niya na ganoon ako ka-excited na maka-usap siya. Tiningnan ko siya sa mata. Mula sa liwanag ng gasera ni Nanay Tasing nakita ko ang pagdaan ng pagkainip sa mga mata niya. Matagal kasi bago ako makasagot. Ngunit sinansadya yata ng pagkakataon na hindi niya muna marinig ang aking kasagutan.

“Tingnan mo itong si KC kung makatitig kay Romel, parang wla ako dito ah.” tinig iyon ni Sir Emer na pumutol sa pagtatagpo ng aming mga mata.

“Hindi ah, may iniisip lang ako. Ikaw talaga Sir, alam mo namang kaw lang ang labs ko di ba?” pambobola ko sa kanya sabay halakhak para lang matakpan ang pagkapahiya ko sa sinabi nya.

Gosh!! Masyado na yata ang pagiging transparent ko at sa harap ng ibang tao ay pinakatititigan ko ang lalaking ito. Hinamig ko ang sarili ko at sinagot ang katanungan ni Sir Romel.

“Sir, mahilig kasi ako sa astrology, at madaling malaman ang katangian ng mga Virgo sa itsura pa lang nila.” paunang sagot ko na halatang nagpa-interes sa kanya.

“Sige nga, paano mo nga ba nasabi?” patuloy niya na hindi inaalis ang mga mata sa akin. Kinabahan tuloy ako ng sobra.

“A-ang mga katangian ng i-isang Virgo ay….” naku naman ngayon ka pa ba mauubusan ng salita? Ngayon na ang pagkakataon mo para maka-usap siya. Magpakatotoo ka na at sabihin mo na ang alam mo! Pabilibin mo na ang lalaking ito! Parang timang na sabi ko sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko at muling nagsalita.

“Madali lang sir, for me kasi you looked like you belonged to a group of people known for being a perfectionist with highly analytical minds just like a typical Virgo-an." pakibit-balikat ko pang sabi at tiningnan siya.

"And then?" mukhang na-impress na sabi niya. Ah! Bingo! Nagpatuloy pa ako sa alam ko.

"In a way, Virgos are misunderstood and this attention to detail and striving for excellence has in many circles given you a rather unusual reputation for being extremely critical. The fact is that you aspire to doing things properly, methodically through the work and service that you perform." mahabang paliwanag ko sa kanya.

Isang tango lang ang naging sagot niya na ikinabahala ko, para kasing hindi siya kumbinsido ang lolo niyo sa mga sinabi ko. Biglang nagpalit ng emosyon ang loko. Very unpredictable!

“Eh, bakit ako, matalino din and mahilig mag-analyze ang utak ko parang kay Romel din, eh halos hindi nga rin nagkakalayo ang aming itsura eh.” Epal ni Sir Emer sa usapan naming dalawa.

Binara ko siya ng mga explanation ko.”Hindi Sir Emer, You are warm, bright and self-aware. Therefore, you want to make an impression in everything you are doing, work, in love and in your social life as well. Plus, your ruling planet is the Sun, the centre of our Solar system. You too are a centre of dynamic energy and exhibit the qualities of the Sun in full measure. So, paano nagkapareho ni Sir Romel? Eh, samantalang Leo ka Sir!” matatag at mahaba kong sabi sabat na ikinagulat din ni Sir Emer.

“Alam mo din na Leo ako?” gulat na expression niya. “Sir, kung natatandaan mo, nandun ako nung mag-celebrate ka ng birthday mo sa Anthology. Ump!” may halong katarayan na parunggit ko.

“OO nga pala no, nakalimutan ko eh.!” tatawa-tawa niyang sambit.

“Sir Emer, tawag ka ni Shiela!!” tinig iyon ng isang kasamahan ni Sir Emer.

Hay!!! sa wakas!!! mukhang masosolo ko na ang pangarap kong si Sir Romel. Sana wag siyang umalis dito sa tindahan. Napahitit-buga tuloy ako ng sunod-sunod sa yosing hawak ko. Parang nandun lahat ng lakas-loob na kailangan ko.

“Sige maiwan muna kita KC, mabait yang si Romel, binata pa!” sabay kindat at tapik ni Sir Emer sa aking balikat.

“Kayo talaga Sir!!!” kunwari ay natatawa. Hindi ko malaman ang gagawin ng maiwan kaming dalawa ni Sir Romel sa tindahan. Panay ang tingin ko sa malayo. Umiiwas ng tingin upang di nya malaman na kinakabahan ako. Feeling ko kasi, napaka-transparent ko ng mga oras na iyon at makikita niya na ang lahat ng nasa isip ko.

“Maupo ka KC at ituloy natin ang usapan natin. Huwag kang mahiya.” anyaya niya sa akin na ikinabigla ko. Umurong siya ng konti at pinagpagan ang inupuan kanina ni Sir Emer para siyang maging upuan ko.

Nakaka-excite!!! sabi ng isip ko. Mas lamang ang kasabikan sa maaring maganap sa pag-uusap naming ito. May piping hiling ang aking puso na sana “Maka-round 2 ako!!!”. Haayy!!!! Nakaka-inis nga lang at di ako makapag-umpisa ng usapan.

Nahalata niya marahil ang pagiging awkward ko sa sitwasyon kaya siya na ang nagsimula ng usapan.

“Okay ka lang ba? Bakit parang nanginginig ka?” tanong niya sa akin at hinawakan ang aking balikat. God!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!!! Bakit kailangan niya pa akong hawakan!

Inayos ko ang sarili ko at sumagot sa disimuladong tono. “Ah, eh, maginaw kasi!, Ikaw di ka ba giniginaw Ha, Sir?” balik tanong ko sa kanya.

“Hindi eh, di ba madalas ka dito sa Romelo? Pan-ilang akyat mo na ba dito?” pagtatanong iyon na nakapag-dagdag ng kaba sa akin at siyempre, excitement! Kinailangan ko ang ilang sandali para sumagot.

“Pang-ilan? Hindi ko na mabilang Sir!” sagot ko dahil iyon ang naisip kong isagot at hindi dahil iyon ang totoo.

“Ganun naman pala, bakit giniginaw ka pa?!” takang tanong niya na sinagot ko naman agad.

“Eh, sa giniginaw ako ngayon sir eh.” medyo napataas ang boses na may bahangyang panginginig. Nahalata niya marahil na totoo ang sinasabi about sa pagiging malamig ng paligid kaya di na siya nagsalita pa. Sa halip, ginawa niya ang pinaka di ko inaasahang gagawin niya sa balat ng lupa.

No!!! Hindi niya ako niyakap. Ito yun. “Ito, hiramin mo muna ang jacket ko.” sabay tanggal ng jacket niya sa katawan niya. Tulala ang lola niyo!! Promise!!! Hindi ko makuhang makatanggi dahil, ayoko naman talagang tumanggi! No! never akong tatanggi kapag ganito palagi!

Hinayaan ko siyang ilagay ang jacket niya sa likod ko. Para hindi naman halata, tinanong ko siya kung paano naman siya ng walang jacket. Okay lang naman daw ang sabi nya. Hindi naman niya kailang pa. Saka naka-inom pala siya ng konti. Emperador. Well, brandy yon kaya mas malakas ang tama at may init talagang hatid sa katawan.

Hindi talaga ako mapakali kaya para mawala ang uneasiness ko, nagtanong ulit ako. “Sir, tama ba ako kung sasabihin ko na perfectionist ka pagdating sa love?” tanong ko iyon na hindi tumitingin sa kanya. Hinithit ko ang huling siga ng sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan.

“Well, medyo totoo nga yon, pero sabihin mo nga, kasama ba iyan sa katangian ng isang Virgo? At lahat ba ng mga tao dito sa Romelo alam mo ang Zodiac?” mahaba-habangg katanungan iyon. Hindi agad ako makasagot, hindi ko alam, pero, kapag kausap ko ang lalaking ito, Im always at a loss for words again and again. Haay!!!

Napabuntong-hininga ako, malalim yun at mukhang napasin nya. Naghintay pa siya ng ilang sandali sa sagot ko. Finally, “Sir sa unang tanong mo, oo, kasama iyon. Dun sa pangalawa naman, hindi lahat. Pili lang.” Mahina lang ang pagkakasagot ko pero tama lang para marinig niya ng malinaw at maunawaan.

“Ganun ba? Maswerte pala ako kung ganun. Sa tingin mo, anong Zodiac ang pinakabagay sa akin?” diretso niyang tanong sa akin at ang peste, tumitig pa sa akin. Nakipaglabanan ako ng titig sa kanya at habang ganun ang aming ayos ay sumagot ako sa kanya.

“Ang mga bagay sa iyo, Virgo din, Taurus at Scorpio. Pero…..” bitin ko sa sagot ko. Umusog ako at alam ko na naramdaman niya iyon.

Umusog pa akong konti hanggang sa magkadikit ang aming mga hita. Nang makalapit ako sa kanya, ipinagpatuloy ko ang sagot ko sa kanya. “… mas bagay sa iyo…. ang….Cancer.” mahina pero sapat para maintindihan niya.

“Paano nangyari yon?” tanong niya na hindi rin inaalis ang mata sa akin.

May nakita akong kislap ng amusement sa mga mata niya. Alam ko, gusto niya ang nangyayari sa usapan namin.

“Kasi, they fit together like a hand and a glove." bulong ko sa tainga niya.

"Because Cancer is a Water sign and you are an Earth Sign, chances are good that you will be fruitful." mahina kong sabi sa kanya.

"Besides, these two are the most likely to get along among the Zodiacs." patuloy kong sagot sa katanungan niya na sinamahan pa ng bahagyang pagtaas ng kilay para ipakitang hindi ako intimidated sa usapan.

In fact, mas nag-eenjoy ako. I Think and I can sense na something good is bound to happen maya-maya lang. Itinaas ko ang kamay ko at inayos ang kwelyo ng sportshirt niya na bahagyang nagulo sa paghubad niya kanina ng jacket niya. Hindi naman siya umiwas, o mas tamang sabihin na he did’nt even bother to move.

Walang galit akong nakita. Maski pagkailang. Doon lumakas ang loob ko, sabi ko. This is it! This is Really IT!!! Kailangan na may mangyari ngayon!!! It now or never!!!!

Tumiim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. " So are you saying that..."

Hindi ko na pinatuloy pa ang sinabi niya at ako na ang nagapos noon. "...they are a Perfect Match!"


Itutuloy!!!

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails