Chapter 7
-Yuri-
Pagdating ko sa faculty office, hinanap ko agad si Prof. Wala na namang masyadong tao dun dahil past
5pm na rin naman. Wala na rin ang
secretary ng office kaya pumasok na ako ng opisina para hanapin ang cubicle ni
Sir.
“Sir, good afternoon po.
Ako nga po pala si Yuri, estudyante sa isang section nyo po sa
programming” panimula ko nang makita ko siya.
Mukhang me binabasa lang naman ito sa celfone nya nung dumating ako kaya
naman hindi na ako nag-atubiling magsalita.
“Ah, I know about you.
Engr. Ramoso told me about your case.
In fact, I’m expecting you to come here even if it’s the start of the
semester. Don’t be shy with me
Yuri. Engr. Ramoso and I will try our
best so you can past this course, with flying colors if you want, as long as
you do your part on it.” Natuwa naman ako sa sinagot ni Sir. Kahit papaano nagkaroon ako ng kaunting
pag-asa para pumasa.
Nagsimula na nga kaming mag-tutoran about sa
computer. Dahil hindi talaga ako
pamilyar sa computer, itinuro lang nya ung mga actual parts na connected din sa
itinuro nya kaninang lecture. Nagbigay
pa siya ng uses ng bawat parts na talagang naappreciate ko naman. At least, hindi na ako bobo pagdating sa
computer. Pero dahil unang lesson ko pa
lang ito, nagdecide na lang muna siya na ayun na lang ang ituro. Nalibang na rin kasi kami sa pagkukuwentuhan
about sa computer kaya naman hindi na namin napansin na dumidilim na pala sa
labas.
Pagkatapos ng lesson, sinabihan ko lang si Sir na huwag
maiinis sa magiging madalas kong pagpunta tuwing consultation hours nya. Natawa na lamang siya sa sinabi ko. Ang sabi pa nga nya, “Naku bibihira ang
estudyanteng gumagamit ng consultation hours naming mga faculty. Kung meron man, may itatanong lang about sa
assignment o sa seatwork. Kaya naman,
welcome na welcome ka sa consultation hours ko.
I’m sure Engr. Ramoso has the same thoughts kaya huwag kang mahihiya.” Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ko
tinungo ang sakayan pauwi sa aming bahay.
Kahit halos madilim na ang buong paligid, naisipan ko na
lang lumakad papuntang sakayan ng jeep deretso sa bahay namin. Pwede naman akong sumakay papunta dun, pero
naisipan ko na lang lumakad para maiprocess ko ang aking naaral sa aking
utak. Mga 20 minutes na lakarin lang
naman ito kung dadaan ako sa shortcut.
Kung tutuusin, hindi na safe maglakad sa shortcut ng
ganitong oras sapagkat ang mga streetlights na dapat magbibigay liwanag ay pundi
na. Pero sanay na akong tahakin ang daan
na ito dahil madalas rin naman akong maglakad dito. Malakas rin naman ang aking pakiramdam sa
paligid, at sa tuwing makararamdam ng masamang pangyayari ay kumakaripas ako ng
takbo palayo dito. Marami- rami na rin
kasi ang nabiktima ng snatching at holdap sa lugar na ito kaya todo ingat
talaga ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng shortcut ng mapansin ko na may
naglalakad na babae sa aking bandang una na sinusundan ng isang lalaki na halos
kasing taas ko lamang. Mukhang hindi
naman magkakilala ang dalawa dahil hindi naman sila nag-uusap at ang lalaki ay
may isang metro ang layo mula sa babae.
Walang anu-ano ay bigla na lang hinablot ng lalaki ang
shoulder bag ng babae at kumaripas ng takbo papunta sa aking direksyon. Mukhang gulat na gulat naman ang babae dahil
ni hindi man lamang ito nakasigaw pagka-agaw sa kanyang bag.
Dalidali naman akong tumabi para bigyang daan ang
lalaki. Nakangiti pa nga ito sa akin habang
tumatakbo. Pero ng dumaan na siya sa
aking tapat, mabilis ko namang iniharang ang aking paa sa dadaanan dahilan
upang madapa ang snatcher. Kinuha ko
agad ang bag na naagaw at binantaan ang lalaking huwag nang uulit sa kanyang gawi.
Pero nang makabawi ang lalaki, imbis na sumagot sa aking
sinabi, bigla naman itong tumayo at binigyan ako ng suntok gamit ang kanang
kamay. Mabilis ko naman itong inilagan
binigyan ng one, two punch sa mukha at hinawakan ang braso na ipinangsuntok gamit
ang aking kaliwang kamay. Mabilis naman
akong pumuwesto patalikod sa kanya, hinawakan na rin ng aking kanang kamay ang
kanyang braso na ipinansuntok at ibinalibag ang lalaki.
Napaaray naman sa sakit ang snatcher pagtama ng likod
nito sa lupa. Nang bibigyan ko na ulit
ito ng suntok sa mukha, sumigaw na ito ng tama na. Tumigil na rin ako ng marinig ko ito. Tumayo na rin ako ng ayos at binitawan na rin
ang kamay nito. Sinabihan ko na lang
ulit ito ng sinabi ko kanina. Imbes na
sumagot, kumaripas na rin ito ng takbo palayo sa akin.
Napailing na lang ako ng makita ko itong magtatakbo. Tinungo ko na rin ang gawi ng babae upang
ibalik ang bag na nakuha ng snatcher.
Tila natulala naman ito sa nakitang eksena. Sinabihan ko na lang ito ng, “Miss next time
huwag ka ng dumaan dito lalo na’t kapag ganitong oras. Alis na rin tayo kasi baka balikan pa tayo ng
mga kasama noon.”
Naintindihan naman ito ng babae at sabay na naming
nilisan ang lugar na iyon. Nang
masigurado na nyang nasa safe na lugar na kami, sa malapit sa sakayan ng jeep
pauwi kung saan maraming tao, bigla naman itong nagsisisigaw ng “You’re Yuri,
right?” Tumango na lang ako at tiningnan
ang reaksyon ng mga tao sa paligid.
“Remember me, magkaklase tayo sa karate.” Bigla ko namang ibinalik ang tingin ko sa
kanya at nagulat na lang ako na ang babaeng ito ay ang babaeng nagtanggol pala
sa akin sa PE kanina. May kaliitan din
siya, pero hindi maitatago ang kagandahan nito.
Matangkad pa ako sa kanya ng mga 1 inch, pero ang kaseksihan nito sa
suot nitong blouse at palda (malamang nagpalit din ito ng damit pagkatapos ng
PE). Sa katangian nitong, maputing
kutis, maliliit at bilugang mata na pinarisan rin ng maliit na ilong na may
katamtamang tangos, masasabing maipapantay ito sa kagandahan sa sinasabing
pinakamaganda sa school na si Katrina. Hindi
lang siguro sinuwerte sa height, kaya naman lamang pa rin si Katrina sa
katangiang iyon.
“Ikaw si Diana di ba? Ikaw ung katabi ko sa linya at ikaw
rin ung nagtanggol sa akin mula sa mga babae kanina. Naku, maraming maraming salamat talaga para
dun.” Ang aking nawika.
“Ano ka ba? That was nothing compared to your help back
then. And for that, maraming maraming
salamat. Hindi mo lang ako isinave dahil
sa pagrecover ng bag ko, isinave mo rin ako sa galit ng mga magulang ko. Kailangan mo rin akong samahan pauwi para
naman makabawi ako sa iyo para dun. At
huwag kang tatanggi. Alam ko namang parehas
lang tayo ng way pauwi. Lagi kaya kitang
nakakasabay sa jeep.” Ang kanyang
deretderetsong litanya.
“Naku, Diana, hindi puwede. Masyado akong gagabihin.” ang pagtanggi ko sa
kanyang paanyaya. “Hindi kasi
naghahapunan si ina hangga’t hindi ako dumadating.”
“Ang baho naman ng pangalang iyan. D na lang ang itawag
mo sa akin. Para bang Princess D.” ang
maarte nyang pagtutol sa aking tawag sa kanya na ikinangiti ko naman. “Ayan, mas guwapo ka kapag nakangiti ka. Sumakay na tayo at sa jeep na lang tayo
mag-usap para hindi tayo masyadong gabihin.”
Sumakay na rin kami sa nakaparadang jeep. Nag-iintay pa ito ng ilang pasahero kaya
hindi pa ito tumatakbo.
“Ganito na lang, tawagan mo na lang ang mother mo. Sabihin mo dun ka na magdidinner sa amin” ang kanyang pagpupumilit. Sasagot na sana ako ng hindi pwede ng, “Ibigay
mo nga yang phone mo sa akin at ako ang kakausap.”
Wala na akong magawa.
Masyadong mapilit ang babaeng ito.
Kaya naman ibinigay ko na lang ang cellphone ko sa kanya pagkacontact ko
kay ina. Nakinig kong nagpakilala siya
bilang kaibigan ko, nakipagkamustahan saglit at nanghingi ng permiso para dun
ako makidinner sa kanila. Nangako pa nga
ito na ihahatid ako gamit ang sasakyan nila.
Nakinig kong nagpasalamat ito kay ina at ibinalik na sa akin ang aking cellphone.
“It’s settled.
Doon ka raw magdidinner sa amin. Mukhang
tuwang-tuwa nga ang mother mo nang marinig na dun ka makikidinner sa amin. Basta huwag ka lang daw magpapagabi ng husto” ang sabi nya habang iniaabot ang celfone ko.
“Alam mo, lagi
kitang nakakasakay sa jeep pauwi sa atin.
Kaso mas una akong bumababa kaysa sa’yo o kaya naman nakasakay ka na
kapag sumasakay ako pacampus. Saan ba
ang sa inyo?” panimula niya sa aming
usapan kasabay ng pag-andar ng jeep. Tatlo
lamang naman ang nakasakay maliban sa amin kaya malaya kaming nakakapag-usap.
Sinagot ko
naman ang tanong niya. Marami pa siyang
itinanong ng tungkol sa pag-aaral tulad ng anong course ko, year level. Pero napansin niya na sinasagot ko lang ang
tanong niya na parang walang interes. Ni
hindi ko man lang nagawang magtanong pabalik sa kanya. Siya na rin ang kusang sumasagot sa mga dapat
kong itinatanong.
Nang makalayo na kami sa campus, biglang nagpalit naman
ito ng topic at tinanong ako ng, “Ayaw mo ba talagang sumama sa bahay?”
Napamaang na lang ako sa tanong nya.
Nang hindi siya nakakuha ng sagot, itinuloy niya ang kanyang sinasabi, “Kasi
naman kanina pa ako dakdak ng dakdak dito pero para namang wala kang interes
diyan. Kung ayaw mo talaga, sige umuwi
ka na lang” Medyo naiinis nyang
itinanong.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. First time ko naman kasing may nakausap ng matagal
tagal kaya naman hindi ko talaga alam kung paano magpatakbo ng usapan. Gusto ko sanang sagutin siya ng ‘oo’ pero
naalala ko naman si ina. Siya na kasi
ang nag-uudyok sa aking makipagkaibigan at kapag umuwi ako agad, malulungkot na
naman ito para sa akin. Nag-isip lang
ako sandali ng mga tamang sabihin bago ko siya sinagot. Si Diana naman ay parang nagtampo dahil ni
hindi na ito tumingin sa akin pagkatapos nyang magsalita.
“Sorry D” ang panimula sa aking sasabihin. Bigla naman itong humarap sa akin at tila
nag-iintay pa ng aking sasabihin. “Sa
totoo lang, hindi pa naman ako nagkakaroon ng kaibigan kaya naman hindi ako
sanay sa mga ganitong klaseng conversation”
pinili ko na lang aminin ang sitwasyon ko. Kami na lang dalawa ang pasahero kaya naman
hindi na ako nag-atubiling mag-salita.
Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Mula kung kailan ako
nagsimulang magsanay, ang pagiging introvert, ang pagkamatay ni ama, pati na
rin ang tunay kong pagkatao na naging dahilan kung bakit ako lumalayo sa tao. Habang ikinukwento ko ang mga ito, tuluy-tuloy
naman ang agos ng aking mga luha. Hindi
ko na pinansin ang magiging reaksiyon ni Diana o ang pagsulyap sulyap sa amin
ng driver sa salamin. Umiiyak man,
nakaramdam naman ako ng pagkagaan ng loob.
Ang sarap pala ng feeling kapag me nasasabihan ka pa ng nasasaloob
maliban sa iyong magulang!
Si Diana naman
ay naantig rin sa aking kuwento dahil habang nagsasalita ako, tuluy-tuloy rin
ang daloy ng luha sa kanyang mga mata. Nang
matapos akong magsalita, nag-isip ito saglit ng sasabihin bago ito nagwika, “Alam
mo, matagal na kitang crush. Kaya lang
naman ako nagcocommute dahil inaabangan kitang makasakay” ang nakangiti niyang pagtatapat. “Kaya naman noong iniligtas mo ako kanina,
hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na makilala kita.”
Ikinuwento rin
nya ang mga pagkakataon kung kailan kami nagkakasabay, kung paano siya pilit
nagpapansin sa akin, at kung paano ko naman dinededma ang kanyang
pagpapacute. Medyo bumabalik na naman
ang luha sa kanyang mga mata habang ikinukwento ito. Marahil dahil ito sa pagkabigo sa pag-ibig.
“Sorry kung
ganito ako” ang malungkot kong sabi habang iniiwas ko ang tingin sa kanyang mga
mata.
Hinawakan naman
niya ang aking mukha ng dalawa nyang kamay at nag wika ng, “Don’t get me wrong
sa mga sinabi ko. Hindi ako galit sa iyo
kahit ganyan ka. Bigo man ako sa iyo, natutuwa
naman ako dahil magiging magkaibigan tayo.
So bestfriend na tayo?” sabay iniabot naman niya ang kanyang kamay.
“Bestfriend” ang aking itinugon sabay abot sa kanyang
kamay at sabay naman kaming nagtawanan ng parang mga baliw. Kanina lang, umiiyak kami, ngayon
nagtatawanan naman kaya panay ang sulyap sa amin ni manong driver.
Matapos ang ilang sandali, bumaba na rin kami sa
jeep. Habang naglalakad papuntang bahay
nila, bigla naman itong nagsalita ng, “Alam mo, mas astig ka pa rin sa
karamihan ng lalaki riyan. Isipin mo,
kaya mo silang bugbugin kahit sampu pa silang magkakasabay at ni hindi ka man
lamang pagpapawisan. Mas gwapo at macho ka
pa sa kanila. Kaya naman pumayag ka nang
maging boyfriend ko. Me boyfriend na
ako, me bodyguard pa” at sabay ulit
kaming nagtawanan.
-Keith-
Hay!
Napakabusy ng araw na ito. Simula kaninang umaga, kung anu-ano na agad
ang inaasikaso ko. Kahit start pa lang ng
sem, ang dami agad hinihinging requirements mula sa OSA para sa tatlong student
organization na ako ang head. Kaya naman
kapag me klase, nakikipagmiting na rin ako sa committee member na kaklase ko
para makasave ng oras. Hindi na nga ako nakakapagfocus sa pakikinig kaya naman wala
akong natutunan ngayon. Buti na lang
lahat ng klase ko ngayon ay sa lecture hall kaya naman kahit makipag-usap ako,
hindi kami masisita as long as we keep our voice low.
Pagkadating ko sa lecture hall ng aming programming na klase,
gustung-gusto ko talagang tumabi kay Yuri.
Binagabag kasi ako ng kanyang mga reaction kahapon ng mag meryenda
kami. Ang kanyang cute na paghingi ng
patawad. Ang kanyang napakagandang ngiti
na tingin ko’y wala pang nabibigyan na kahit sino sa campus. Ang kamay nitong nagdulot ng kakaibang pakiramdam ng kami’y magkadaupang
palad. Sino bang mag-aakala na ang
malahalimaw na hapong ito ay may ganoong side pala? Tumatak sa isip ko ang mga ito.
Noong una, inaamin kong ayaw ko talagang makipagkaibigan
sa kanya. Binalak ko lang naman talaga
siyang turuan para na rin hindi ako mahirapan sa exercises namin. Nainis pa nga ako sa kanyang pambabalewala noong
kumakain kami ng meryenda at sa kanyang pabalang na sagot ng tinatanong ko
siya. Pero lahat ng ito ay nawala ng
bigla na lang siyang humingi ng tawad. Hindi
mawala sa isip ko ang malabatang expression nito ng humingi ito ng sorry at ang
pamumula nito. Sa tingin ko, sincere
talaga ito sa paghingi ng sorry kaya naman ng magpaalam na itong uuwi, hindi na
ako nag-alangan pa para hingin ang kamay nito at yayain siyang maging
kaibigan. Hindi naman ako nabigo dahil
kinuha nito ang aking kamay at binigyan ako ng napakagandang ngiti.
Nagsisimula na ang klase ng dumating ako. Si Yuri naman ay nasa bandang una at halatang
halata na nakafocus sa pakikinig habang nag tatakedown ng notes. Nakita ko rin ang secretary ng isa kong org
kaya naman dito na ako tumabi. Me
ididiscuss ako sa kanya para sa miting namin bukas. Habang nagkaklase at ka miting ko ang aming
secretary, paminsaminsan kong binibigyan ng tingin si Yuri.
Natapos na ang aming klase. As usual, wala na naman akong natutunan. Inaayos ko na ang aking gamit ng mapansin
kong dali-daling umalis ng lecture hall si Yuri. Mukhang nagmamadali ito dahil ni hindi man
lang ito lumingon sa akin. Pagkaayos ko
ng aking gamit (na ginamit sa miting at hindi sa klase), dalidali kong hinabol
si Yuri upang mabati man lang sana. Kaso
sobrang bilis ng kilos nito dahilan upang hindi ko na ito maabutan.
Pumunta na lang ako sa tambayan ng isa kong org at doon
ipinagpatuloy ang aking mga ginagawa.
Nang makalipas ang halos isang oras, naisipan kong maglakad lakad para
naman makahinga sa aking ginagawa. Nang
abot tanaw ko na ang faculty room, nakita ko namang pumasok sa pinto nito si
Yuri. Alam ko namang pupunta ito sa
aming prof sa programming para magpaturo.
Susundan ko sana siya sa loob para man lang batiin ng bigla namang
tinawag na ako ng aking orgmate dahil magsisimula na raw ang meeting.
Mga past 6 na rin ng matapos ang meeting. After nito, nakita ko ang text ng barkada
para raw sabay sabay na kaming magdinner.
Nagyaya pa nga ang mga orgmate kong kumain pero tumanggi na rin ako kasi
minsan lang naman kaming magkasama ng barkada.
Tinungo ko na ang lugar kung saan kami magdidinner.
Pagdating ko sa isang class na
restaurant, nakita ko na rin silang lahat.
Buti naman kompleto ang barkada at wala rin silang kasamang mga
girlfriends kaya siguradong diretso bonding na rin ito. Bonding meaning inuman at barhopping.
Lima lang naman kaming
magbabarkada. Pero dahil iba-iba ang
course namin, minsan lang talaga kaming makumpleto. Naging magbebestfriends din kasi kami since high
school kaya naman hanggang ngayon solid pa rin kaming magkakaibigan. Si Alexander Neil Razon, ang pinakamayaman sa
amin. Kumukuha siya ng business
management na course. Playboy pagwalang
girlfriend pero stick to one naman yan kapag meron. Si Andre Carlo Zubiri naman ang may
pinakamalawak na lupain sa amin.
Haciendero sa Mindanao pero piniling manirahan sa Manila ng high school kung
saan kami nagkakilakilala. Kumukuha siya
ng Agriculture na course. Si Luke Ethan Gregory
naman ay may dugong Amerikano. May
pharmaceutical business sa America ang pamilya pero piniling dito sa Pilipinas mag-aral. Kacollege ko siya dahil Chemical engineering
ang course nito. Si Karl Marx De Vega naman
ay mula sa pamilya ng prominenteng abogado.
Pinakaseryoso sa grupo at kumukuha ng course na Political Science.
Nang dumating ako, nagkamustahan lang
kami. Kanya kanya kami ng kausap ng ilang
sandali pa ay dumating na rin ang mga pagkain.
Umorder na pala sila bago pa ako dumating. Habang kumakain, tuluy tuloy pa rin ang
kuwentuhan hanggang sa matapos ang kainan.
Ilang sandali pagkatapos naming kumain lahat, bigla na lang nagsalita si
Luke at tinanong ako.
“Pare, ano ung usap-usapan na nakita
raw kayo ni Yuri na magka-usap sa may tapat ng computer room ng college natin
kahapon?” ang tanong nya sa akin.
“Si Yuri, ung pinag-uusapan natin nung
Wednesday?” pag-kumpirma ni AN. “Akala
ko ba matalino iyon? Parang hindi naman. Ni hindi niya nakuha ung lesson namin
kanina. Simpleng puwesto lang ng kamay
sa pagsuntok eh lagi siyang nagkakamali.
Napaiyak pa nga kanina kasi lagi siyang kinocorrect ni sensei.”
“Napaiyak!?” naalarma ako sa sinabi
niya.
“Oh bakit parang concern ka diyan?” biglang
tanong ni Karl Marx.
“Ah hindi naman. Eh parang laging blank ang expression
nun. Hindi ko lang maimagine na umiiyak
pala un.” ang mabilis kong sagot. Pero sa totoo lang, concern talaga ako sa
pag-iyak niya. Ano kaya ang
dahilan? Itatanong ko na lang sa kanya.
“Actually, bigla na lang tumulo ang
napakaraming luha sa kanyang mga mata.
Ni hindi nga nagbabago ang expression niya. Mukhang hindi rin nya nga alam na umiiyak na
pala siya kasi nung pinunasan nya ito sobrang daming luha na ang tumulo.” ang
parang may pag-aalalang turan nito.
“Eh bakit parang concern ka rin?”
biglang tanong rin ni Andre kay AN.
“Sa totoo lang, medyo nakakaawa un
kasi parang pinag-iinitan ata ni babes eh.
Ewan ko lang, pero bago pa magsimula ang klase namin kanina nakita kong
tinalapid siya ng mga katropa ni babes eh.
Pero alam nyo ba, imbes na madapa, ung nanalapid pa ang nasaktan.” Ang kanyang pahayag. “At saka nung pagkatapos ng klase namin, kung
anu-ano ang pinagsasabi nung mga yun kay Yuri.
Pinuna pa ung pag-iyak ng tao. Pero
parang walang tao siyang narinig at umalis na lang bigla.”
Mas lalo pa akong nag-alala sa aking
bagong kaibigan dahil sa narinig. Kilala ko si Katrina. Hangga’t hindi ito nakakaganti hindi ito
titigil. Nakita ko na first hand ang
pagkamaldita nito ng bigla nyang sinugod at pinagmumumura ang isa kong orgmate
na nakatagisan nya lang sa isang debate sa isang subject. Hindi ako nito napansin kaya naman derederetso
lang ito sa patutsada ng masasakit na salita dito. Hindi ko na ito sinabi pa kay AN dahil ayaw
ko lang na pagmulan ito ng away naming magkaibigan. Sigurado kasing ipagtatanggol lang nya ang
girlfriend nya at ako naman ay ang aking orgmate kaya hindi ko na ito brinought
up.
Sandali akong nag-isip ng sasabihin para
sa isasagot ko kay Luke. Humarap na rin
ako sa kanya at nagsabing “Partner ko siya sa laboratory class ng programming
course natin. Akala ko, save by the bell
ako sa course kong ito at hindi ko na kailangang gumawa ng exercises. Kaso alam mo bang walang kahiyahiya siyang
umamin na hindi pa siya nakakahawak ng computer sa buong buhay nya.” Natawa
sila sa aking sinabi. “Kaya iyon,
inutusan ako ni Engr. na turuan ko raw si Yuri.”
“Nagkausap kami ng sarilinan at tingin
ko ay ok naman siya kaya kinaibigan ko na rin.
Magtututoran kami sa Sabado sa apartment ko” ang aking naidugtong. Humarap rin ako kay AN at sinabing “Pare, hindi
ko alam ang nangyari kay Yuri pero sigurado akong matalino iyon. Itanong mo pa kay Luke. Baka may bumabagabag lang kaya naman hindi
nakuha ang lesson nyo at umiyak na lang.
At saka pare, kaibigan ko na rin siya kaya naman sana pigilan mo ang
girlfriend mo.”
May pagtatakang tiningnan ako ng
barkada. Alam kasi nila kung paano ako
ipinahiya ni Yuri kaya hindi sila makapaniwala sa aking sinabi. Ipinagkibit balikat ko na lang ang kanilang
mapagtanong na mga tingin.
No comments:
Post a Comment