Followers

Sunday, August 31, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2 [Part 01, Chapter 06]


GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)


Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue


Teasers:  Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur

Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5
_________________________________________________________________________________




STOP AND STARE - ONEREPUBLIC


(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. Maraming salamat.)
_________________________________________________________________________________


Part 1: "Sorpresa"
Chapter 6: "Bestfiends, no more?"

Tandaan mo, ang tiwala ng tao saglit lang. Pag napanatili, lalaki. Pag napabayaan, maagnas!
Vergel Santos

---


Chapter 6

Tumalikod si PM at hinarap ang tao na nasa kanyang likod.


“Kanina pa kita hinahanap kasi may kelangan ka pirmahan.” Matigas na utos ni Riza dala-dala ang facilities form ng university.



Napabuntong-hininga na lang si PM.

“Istorbo ka naman pala Riza eh. Kita mo na nagpapahinga ang tao ginugulo mo. Ewan ko talaga bakit ang hilig hilig mong manggulo.” Mataray na usal ni PM.

“I'm sorry,” sarkastikong sabi ni Riza, “pero sumusunod kasi ako sa batas palagi. Hindi ako yung uri ng tao na magpapatulong sa lahat ng tao at pagkatapos humingi ng tulong, iiwan na lang sila sa ere. Kaya ako, ginagawa ko talaga lahat ng bagay as soon as possible. Kung may problema ka diyan, pwede mo naman wag gamitin ang SEA University sa kabaklaan mong pelikula eh.” Sagot ni Riza.

Bahagyang tumawa si PM.

“I'm sorry?” Pag-papaulit ni PM.

“I'm sorry mo iyang mukha mo. Hindi porke't galing ka abroad, o sikat ka doon, o magaling ka sa ginagawa mo, o kahit anak ka man ni Dean Jonah, makakalusot ka sa mga proseso dito. Just so you know, walang lalabag sa batas. Tandaan mo iyan.”

Inabot ni PM ang facilities use form na hinahawakan ni Riza at nilagdaan ito.

“Grabe ka naman, Riza. Pinagtulakan lang kita, ang bitter bitter mo na.” Pagtukso ni PM kay Riza.

Napakagat-labi naman si Riza.

“Anong pinagtulakan? Bakit? Akala mo talaga bumubuntot ako sa'yo palagi noon para ikaw pa talaga ang may karapatang magsabi na pinagtulakan mo ako?” Tumaas ang kilay ni Riza at napakapeke ng kanyang ngisi. “PM, ako ang kusang lumayo. Kung ayaw mo sa akin, fine! Pero I'm only doing my job as the facilities manager dito sa SEA University at dapat mo iyang tanggapin. So kung may ipapagawa ako sa'yo, lalo na't ikaw ang may kailangan sa akin, dapat sundin mo. Dahil sa ating dalawa dito sa SEAU, ako ang mas may karapatan kung ikaw ang mas may kailangan. Naintindihan mo?” Diretsong sagot ni Riza.

Matapos lagdaan ni PM ang forms ay binigay niya ito kay Riza.

“Fine. Ikaw ang mas may karapatan kung iyan ang gusto mo. Gusto mo pa nga bilhan kita ng sanglibong alipin at paluhod ko sa'yo para ipasok mo diyan sa kokote mo at kainin mo iyang tanginang pusisyon mo. Because by the end of the day, Riza, I'm still PM Realoso. Whatever I'm making, kahit pa nasa SEAU ang setting, you'll never be part of any credit.” Ngumisi si PM.

“All credit is mine... After all. My name is PM Realoso?” Kumindat si PM.

“Masyado kang bilib sa sarili mo. Dapat subukan mo naman magpakumbaba at tingnan ang paningin ng mga tao na nasa baba.” Sagot ni Riza.

“So you're saying na nasa baba ka talaga? My God, Riza, you're lacking out of reasoning. I can't even believe you're a lawyer with this simple argument we have. Are you really a lawyer? Did you really pass the bar? You actually sound like somebody who had to take it thrice.” Nilalaro ni PM ang kanyang ngipin gamit ang kanyang dila.

“You know what, wala akong time para makipagchichahan sa'yo PM. You're full of shit.” Tumalikod si Riza at diretson naglakad.

Nang mawala na sa tingin ni PM si Riza, nagkibit-balikat na lang ito at ngumiti. “Well, if she's like that because of what I told her, I probably deserve to be treated like this.”

“Anak!” Pagtawag ni Dean Jonah, “nasa sasakyan na lahat ng gamit mo. Andun na rin yung kay Arthur. Uwi na tayo?”

“Opo. Pero mamaya, may activity ako kaya baka sa NGC muna ako.”

“Okay. Ako na lang bahala sa mga gamit niyo.”


At tinungo ni PM at ni Jonah ang sasakyan.




Nay,” paglambing ni Gio kay Tita Criselda, “pakausap po kay tatay please.” Nagmamakaawa ang tono ni Gio na para bang nagkasala ng malaki sa kanyang ama.

Anak,” tawag ni Tita Criselda, “wag na lang muna ngayon. Hindi pa nahimasmasan ang tatay mo sa mga pinaggagagawa mo. Next time na lang.” Malungkot ang boses ni Tita Criselda na para bang nanghahaplos.

Sige nay. Pakisabi na lang po na mahal ko si tatay.” Malungkot ang tono ni Gio.

Anak, nabubulag lang iyang tatay mo sa ngayon. Kahit ganyan si Vergel, mahal na mahal ka niya. I love you anak. Pag-igihan mo ha?”

Opo. I love you. Bye.” Binaba ni Gio ang tawag at nilingon si Arlene, ang kanyang manager na matanda sa kanya ng dalawang taon. Minsan silang naging magkasintahan pero ayaw na ni Gio dahil sa una, si Angelo pa rin ang mahal ni Gio. Ngunit si Arlene, pagbalik-baliktarin man ang mundo, mahal na mahal ni Arlene si Gio.

Nang nagtama ang kanilang mga tingin, ngumiti si Arlene kay Gio sabay yakap dito, “magkagalit pa rin kayo ng tatay mo?” Malambing na tanong ni Arlene kay Gio. Tumango naman si Gio.

Ay naku Gio, kahit ganon iyong kaibigan mo, hindi mo rin kasi sana ginawa iyon. Hindi mo masisisi ang papa mo kung ganon siya magalit. Naging bahagi na rin kasi ng puso ng papa mo si Angelo. Mabait naman siya di ba? Alam mo kahit break na tayo, handa akong palayain ka kung siya naman pala ang papalit sa akin.” Hinaplos ni Arlene si Gio sa ulo.

Walong taon na Arlene. Walong taon na! Hanggang ngayon siya pa rin... Ang sakit pala kung paulit-ulit mong maaalala na wala na ang taong mahal mo... ang taong mahal mo na nawala nang dahil sa'yo rin pala. Ang sakit pala Arlene. Ang sakit sakit!”Iyak ni Gio habang inaalo siya ni Arlene.

Sige na,” kumalas sa yakapan si Arlene at kumuha ng panyo, “past is past. Kailangan mong maipasa ang audition na'to. Big time ang director. Kung makukuha ka rito, malaki ang chansa na magkakaroon ka ng pangalan sa international scene. Kaya ayusin mo ha?” Ngiti ni Arlene habang tinatapik ang pisngi ni Gio.

Tumango lang si Gio bilang sagot.

Nga pala Arlene, di ba gay movie to?”

Oo, bakit? Ayaw mo?”

Hindi... ano bang role na sinulat mo na papasukan ko?”

Leading man.”

...eh puro leading man naman to Arlene eh. Wag ka nga magbiro. Gay movie nga di ba?”

Leading man nga! Bakla yung bida. Pero mas asatig tingnan iyong leading man. Lalaki fan base mo rito dahil sasabihin nila na hindi ka takot kumuha ng challenging na role. Hahangaan ka ng LGBTQQI community at magkakaroon ka ng limpak limpak na award. Kaya ayusin mo to ha? Alam ko may talent ka. Manager mo ako. Wag ka magpadala masyado sa tema. At higit sa lahat, wag kang magpahalata na bakla ka. Baka lugi tayong dalawa pareho nito.” Authoritative na boses ni Arlene habang inaayos ang buhok ni Gio.

Sige Arlene. Eto na.” Tumayo si Gio at kinundisyon ang sarili na wag madala sa tema ng script. Kailangan kong makuha to. Kailangan kong kunin to. Akin tong role na to. Hindi ka pa nabigo sa mga casting roles na gusto mo Gio. 28 ka na, sa tanda mong iyan kaya mo pa. Go Gio, go!

Next na po!” Sigaw ng kuya paglabas ng isang closed room. Sumunod si Gio kay kuya at pumasok sila sa closed room. Bago pa man nakapasok si Gio, nilingon niya si Arlene na nakasmile sa kanya. Para bang nagsasabing: “Kaya mo yan!”

Nang nilingon ni Gio ang loob ng closed room, nakakasinag ang araw. Tantya niya maduduling siya sa sobrang ilaw. Sinikap niyang tingnan ang nasa harap at nakita niya ang isang babae na nasa edad 40's, isang lalake na nasa edad 20's, at isang matanda na mga 60's. Siguro yan ang direktor. Mukang batikan eh. Kaya to Gio. Go for gold!

Nilibot pa ni Gio ang kanyang tingin at nakita niya ang isang lalaki na malaki ang katawan, naka-ball cap na nakalabas ang tab, naka-scarf, naka-shades, at mariin na tinitignan ang laptop na parang walang paki sa nag-audition. Nasa gilid talaga siya ng silid at nawewerduhan si Gio sa kanya dahil hindi pa nabigo si Gio na mang-akit ng tingin.

Hi Gio.” Bati ng babae na nasa edad 40's.

Hello po.” Confident na sagot ni Gio sabay kindat dito.

Just introduce yourself. Tapos here's the script. No need to memorize. Basahin mo lang tapos exagge mo ang feelings.” Sabay abot ng babae sa script kay Gio. Tinanggap naman ito ni Gio at nagsimula na siyang magbasa: “SUNOG!! SUNOG!! SUNOG!!” Sigaw ni Gio na para bang natataranta.

"Galing ng trip ko 'tol noh? Di nga maipinta ang mukha mo sa taranta. Hahaha." Sabay palakpak na para bang natutuwa.

Tangina mo naman Gio oh, pinagtitripan mo na naman ako!” Basa ng isang staff na nasa gilid ng camera sa harap ni Gio.

"Teka lang! Ano ka ba, kailangan mong magising kasi nga di ba may racket tayo ngayon? Para kang mantika sa ref eh, tagal mong gisingin." May halong inis na giit ni Gio.

Teka, familiar to ha? Parang... parang...Pagtataka ni Gio. Parang may mali.

Teka ma'am,” pagputol ni Gio, “wala na po bang ibang script diyan? Para kasing awkward ng script na to. Kung pwede lang naman po.” Nahihiyang tugon ni Gio. Nagtinginan ang mga panelists, pati na rin ang babae at tiningnan siya ulit. Maya-maya, napansin ni Gio na nagprint ang taong naka-scarf at naka-shades at naka-cap. Tinignan ito ng babaeng nasa edad 40 at inutusan ang staff na kunin ang naka-print para kay Gio.

Eto po sir oh.” Tinanggap naman ni Gio ang script at binasa niya ito bago nagsalita.

GIO: Angelo, tingnan mo nga ako? (Naiinis) Ilang beses kayo nagtatabi ni Gab matulog? Bakit di ko alam to? Sabihin mo nga! Bakit hindi ka nagpapaalam sa akin? May nangyari na ba sa inyo? (Insistent tone)

[Angelo, no dialogue, typing. Gio, tayo. Mamemewang.]

GIO: Angelo, kausapin mo nga ako! Ano ba kasi ako sa'yo? Bakit wala na akong ideya tungkol sa buhay mo? Bakit ka na ba lumalayo sa akin? Di mo ba alam araw-araw kitang hinahanap? Iniisip kita, for goodness' sake! (SIGAW)

[Angelo, no dialogue, typing. Gio, tayo. Kakamot sa ulo.]

GIO: Yan kasi ang hirap sa iyo Angelo eh! Ikaw na nga ang kinakausap, nagmamatigas ka pa. (SIGAW) Subukan mo kayang wag masyadong magmatigas upang mapakikinggan mo ako, at ang lahat ng tao! (SUMBAT) Sabihin mo nga, mahalaga pa ba ako sa'yo kagaya ng pagpapahalaga ko sa'yo?! (SUMBAT)

No, this can't be.” Umiling si Gio. “Ma'am, with all due respect, bakit po ang mga script niyo masyadong true to life? I'm sorry for being unprofessional right now, pero ma'am do I smell someone in here?” Tuloy-tuloy na tanong ni Gio na may halong inis. Nagtinginan ang mga panelist.

Better script please.” Hiling ni Gio na may halong sarkastikong tono.

Maya-maya tumunog na naman ang printer ng lalakeng naka-cap, scarf, at shades. Kinuha na naman ng staff at binigay kay Gio. Binasa na naman niya ito bago bigkasin.

GIO: I don't know what to believe in Angelo (ILING) I'm sorry Angelo. Galit na galit ako sa'yo hanggang ngayon. I never thought na magagawa mo iyon sa akin. Gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang ibasura. I don't like you anymore. Hindi dahil sa binaboy mo ako, pero dahil ayokong may kaibigan akong baboy, malandi. I'm sorry. I sure do hope it's alright with you. (SILENT BUT DEADLY)

ANGELO: Thanks for the friendship Gio. Thanks. Wala akong magagawa kung hanggang dito na lang ako sa buhay mo. Always remember na I stand by what I believe in, it was unintentional. Alam kong nandidiri ka sa akin, but maybe that's just it. And I never regret anything in our friendship, sa buong labing apat na taon na nabubuhay ako, isa kang mabuting kaibigan. Whether you think I was not a good friend to you or otherwise, it depends on you. Ingat ka na lang palagi. (LUHA, SILENT CRY)

Teka,” tumaas ang tono ni Gio. Kumunot ang noo niya at tinapon ang script na kabibigay lang, “sino ba ang director at scriptwriter dito?! Bakit ang pepersonal ng script?! May kilala ba ako? Sino ba ang director?!” Galit na galit na sigaw ni Gio. Mistulang tumaas kaagad ang blood pressure niya dahil sa pagiging personal ng script. Maya-maya, tumayo ang lalaki na naka-scarf. Tinanggal niya ang scarf, ang sunglass, at cap niya.

Hindi nakagalaw si Gio sa kanyang nakita.

Hello. Those three in the table are my producers and co-producers. I don't think it's ethical to shout to your potential money-makers. You are looking for me, I will be most pleased to let you know I'll direct this movie, and I'll write the script. Now, answer my question, do you want it or not?” Nagbabantang tanong ng lalake na ikinataas ng tensyon sa loob ng silid.

Hindi makapagsalita si Gio sa nalaman. Ang director pala ay nasa gilid lang, tapos parang umaasta pa siyang boss.

Ngunit higit sa lahat, mas nagulat si Gio sa sunod niyang malalaman.

Mabigat na nilapitan ni Gio ang lalake. Nanlalabo ang mga paningin ni Gio dahil sa namumuong luha at mistulang may daga siya sa dibdib.

Hindi maaari,” mahinang sabi ni Gio, “Angelo?” pinatong ni Gio ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ng lalake. Tinignan ng lalake ang mga kamay ni Gio at bumalik ng tingin sa mga mata nito. Masama ang tingin nito kay Gio at kunot noo itong nakatingin na parang nakasimangot.

You got me mistaken for somebody else,” sabay hampas sa mga braso ni Gio upang mabitiwan nito ang mga balikat niya.

...or not," ngumisi ng pakutya ang lalaki 

"I'm PM Realoso.”

Hindi nakagalaw si Gio ng matagal na sandali habang pinagmamasdan si PM. Habang ganon ang kinatatayuan nila, pinagtitinginan na sila ng mga tao sa loob ng audition room.


“So what now Mr. Santos? Are you going to finish your audition or do we have to kick you out?” Seryosong tanong ni PM.



“I-I-I'm sorry,” nakagising si Gio sa pagkatulala kay PM. Minasahe niya ang sentido niya at bumalik sa harap ng kamera, “Tatapusin ko itong audition na to.”

“Tsss.” Sagot ni PM, “good for you at alam mo kung saan ka lulugar.” Bumalik sa pag-upo si PM at tinupi ang kanyang mga braso.

“Read the latest audition piece na binigay ko sa'yo. Act your voice out. Prove to me you have any worth.” Utos ni PM.


Humingang malalim si Gio bago niya sasabihin ang piyesa niya. Pumikit siya at tinatanggal sa isipan na ang kaharap niya ngayon ay si Angelo. Malamang si PM iyan. Di mo pa nakikilala si PM. Di mo siya kilala. Tangina. Bakit pareho naman sila ng mukha! Bakit??

Start.” Cue ni PM.

I don't know what to believe in Angelo. I'm sorry Angelo. Galit na galit ako sa'yo hanggang ngayon. I never thought na magagawa mo iyon sa akin. Gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang ibasura. I don't like you anymore. Hindi dahil sa binaboy mo ako, pero dahil ayokong may kaibigan akong baboy, malandi. I'm sorry. I sure do hope it's alright with you.”


Pagktapos sabihin ni Gio ang kanyang piyesa, tumatango ang casting staff mistulang nagustuhan ang kanilang nakita.



“H-How d-did I do b-boss?” Kabadong tanong ni Gio habang lumilingon kay PM.

“Magaling. The best I've seen for today.” Payak na sabi ni PM, “but who's saying na we're needing a Gio? We are needing an Angelo. Do Angelo's line.” Striktong utos ni PM.

Kinabahan bigla si Gio sa narinig. Di niya aakalain na ang movie pala na gusto niyang gawin ay ang story ng buhay ng dating bestfriend niya.

“I'm sorry?” Pagpapaulit ni Gio.

“Do Angelo's line. Magaling ka di ba? Asia's best ka di ba? Show me you deserve that title.” Paghahamon ni PM kay Gio.

Dahan-dahan umangat ang kamay ni Gio na hawak-hawak ang script at binasa ito sa kanyang mata.

“Thanks for the friendship Gio. Thanks. Wala akong magagawa kung hanggang dito na lang ako sa buhay mo. Always remember na I stand by what I believe in, it was unintentional. Alam kong nandidiri ka sa akin, but maybe that's just it. And I never regret anything in our friendship, sa buong labing apat na taon na nabubuhay ako, isa kang mabuting kaibigan. Whether you think I was not a good friend to you or otherwise, it depends on you. Ingat ka na lang palagi.” Dramatic na tono ni Gio na tila ba nagpaparaya.

“Parang may kulang.” Sabi ni PM, “parang kulang sa emosyon. Ganyan ba ang Angelo na nakilala mo noon? Ganyan ba ang pagsabi ni Angelo sa kanyang damdamin ilang taon na ang nakalipas? Ganyan ba ang sakit at hapdi na naranasan ni Angelo sa pang-iiwan ni Gio sa kanya?” Dire-diretsong tanong ni PM kay Gab.

Imposible. Paano niya kilala si Angelo? Paano niya alam ang mga pinagsasasabi namin noon? Paano niya alam lahat lahat tungkol sa amin? Gusto ko man isipin na hindi ito si Angelo... pero may bahagi sa loob ko na nagsasabing parang kilala niya si Angelo... o baka nga siya si Angelo maliban sa tumangkad na siya, maayos pumorma at lahat lahat. Pero papaano? Nalilito na ako. Ang gulo na. Mga naglalaro sa isip ni Gio habang pinagmamasdan si PM.

“HOY!” Paggising ni PM sa ulirat ni Gio, “narinig mo ba ako?!” Sigaw ni PM.

Nataranta naman si Gio at kaagad na umayos. “O-Opo.”

“Kanina ka pa nakatulala sa akin ah! Don't you know that might affect your audition results?! Work on your ethics!” Sigaw ni PM.

Napayuko na lang si Gio sa hiya at naguilty. “I-I'm sorry boss.”

“Perfect, I want you to do Angelo's line again. Gusto ko iyong umiiyak. Gusto ko iyong buo ang emosyon. Gusto ko mas mabigat pa kesa noong sinambit ni Angelo ang mga salitang iyan.” Pagdedemand ni PM.

“After all, magaling ka umarte di ba? Magaling pumeke. Magaling umarte. Magaling magpaasa. Talent mo na ba talaga iyan Gio?” Panggigisa ni PM.

“H-Hindi po-”

“Pathetic. Start!” Cue ni PM.


Nakatulala muna si Gio kay PM. Sa bawat characteristic ng mukha ni PM, ang naaalala ni Gio ay ang mukha ni Angelo – ang dating kaibigan niya – na di niya akalang mahuhulog siya.


Maya-maya, tumulo na ang luha ni Gio dahil sa lungkot.



“Thanks for the friendship Gio. Thanks. Wala akong magagawa kung hanggang dito na lang ako sa buhay mo. Always remember na I stand by what I believe in, it was unintentional. Alam kong nandidiri ka sa akin, but maybe that's just it. And I never regret anything in our friendship, sa buong labing apat na taon na nabubuhay ako, isa kang mabuting kaibigan. Whether you think I was not a good friend to you or otherwise, it depends on you. Ingat ka na lang palagi.”

Pagkatapos umiyak ni Gio, pinagmasdan niya si PM mula sa malayo.


Nakangiting demonyo ito at tila ba masayang-masaya sa kanyang nakita.



“Okay. Thank you. We'll just call you back if you got in.” Sabi ni PM sabay tayo mula sa pagkakaupo.

Ngunit nakatitig pa rin si Gio kay PM.

“I said: 'thank you. We'll just call you back if you got in.'” Pag-ulit ni PM sa kanyang sinabi kanina. Dahan-dahan na lumabas ng audition room si Gio at nilapitan si Arlene.

“O, kamusta ang auditions? Bakit ka umiiyak?” Pag-aalala ni Arlene sabay punas sa kanyang mukha na namamaga dahil sa pagpapaiyak ni PM.


“I-I-” pag-uutal utal ni Gio. “Palagay ko buhay si Angelo eh.” Sumimangot si Gio at lumuha.



Tinignan naman ni Arlene ang mukha ni Gio nang buong pagtataka. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito samantalang alam ni Arlene na matagal nang patay si Angelo.


“Ha? Eh nakalibing na iyon di ba? Paano siya mabubuhay?” Pagtataka ni Arlene.

“Di ko rin alam Arlene. Di ko alam kung namatay ba talaga siya o hindi o nabuhay o namatay o nabuhay o napako sa krus. Pero kahit ako hindi ako makapaniwala.” 

“Bakit kasi, kamusta ang audition at paano napadpad si Angelo doon?”

“Simple lang,” panimula ni Gio sa mahinang boses, “Sa palagay ko si Angelo ang direktor. At ang kwento na gagawin ko kung sakaling makapasok ako...” pambibitin ni Gio.

“Ano??” pagmamadali ni Arlene.

“Kwento ni Angelo.”

Nagkita ang dalawang kilay ni Arlene at babatukan na sana si Gio dahil sa kanyang mga biro.

“Wag kang ganyan Gio ha. Nakakabwisit. Hindi ka nakakataw-” Natigilan sa pagsalita si Arlene nang nakita niya ang matangkad, puti, matangos ang ilong, malaki ang katawan, at higit sa lahat ang hawig ni Angelo na lumabas mula sa studio A1.

“Holy sh-” Pagmumura sana ni Arlene nang mapansin niya ang hawig ni PM na dumaan sa harap nila.

Tumingin din naman si PM kay Gio, hinead to toe ito, at ngumisi na parang aso.

Nang makadaan na si PM sa kanilang harapan, lumingon si Arlene kay Gio. Sinuklian din ng tingin ni Gio si Arlene.

“See?” Sabi ni Gio.

“I don't know what's happening. Di ko alam kung pinaglalaruan mo ako o hindi, pero seriously Gio, ano pang tinatayo mo diyan? Kung sa tingin mo siya na talaga iyan, e di kausapin mo! Wala tayong mapapala kung magpapakatanga lang tayo. Lapitan mo na!” Binatukan ni Arlene si Gio sabay iling.


Kaagad na hinabol ni Gio si PM at tinapik ito sa likod. Tumalikod si PM at hinarap si Gio.


“H-Hi, s-sir...” panginginig ni Gio, “I was just wondering, maybe we can have coffee together, later?” uutal-utal si Giong nagsasalita.



Napatingin lang ng blangko si PM.

“Okay. Starbucks Buhisan Branch. 3 PM.” Kaagad na tumalikod si PM at diretsong naglakad.

Dali-daling napatakbo palapit si Arlene kay Gio at nangumusta: “oh, ano sabi?”

“Magcoffee daw kami mamaya. Sa Buhisan Starbucks.” Medyo nawalan na ng bakas ng kaba ang mukha ni Gio.

“Ayos! Kung ako sa'yo Gio, kilalanin mo muna kung si Angelo ba talaga iyon. Malay natin, pinaglalaruan ka lang. Alam mo na? Mejo hawig yung mukha, tapos mejo maangas kasi pinaghihigantihan ka lang. Baka kambal iyon ni Angelo, mga ganon ganon.” Nagkibit-balikat si Arlene.

“Kaw talaga Arlene, puro ka biro. Kung anong mangyayari mamaya, kung ano ang magiging takbo ng usapan namin, bahala na.”

“Good!” Sigaw ni Arlene, “Kung sa tingin mo siya talaga iyon, which is unlikely to be true kasi nga patay na siya, or if even lang mangyari yun, you really have to make it up to him.”

“Tama ka, Arlene. Bago man lang siya nawala, sobra-sobrang sakit ang binigay ko sa kanya. Pero alam mo, kahit alam kong imposible, palihim kong hinihiling na sana si Angelo lang talaga iyon. Sana, alam mo na, kagaya ng mga telenobela, di talaga siya namatay at napulot lang siya ng taong malapit sa kanya, at andito siya para maghiganti. Alam ko mahirap mangyari at mahirap harapin iyon pero gustong-gusto ko talagang mangyari ito. Gusto kong lumuhod sa harap niya at magsorry ng paulit-ulit.”

Tinapik ni Arlene si Gio. “Ikaw na ang bahala diyan.”




Gab489: I hope I can see you more PM. :( <3

Montemayor88: Gago ka ba? Di nga kita kilala. Malay ko ba ikaw si Gab Victorio at pinaglalaruan mo lang ako.

Gab489: Tama! Joke lang. I'm not him.
Montemayor88: Wag mo akong niloloko, Gab.
Gab489: Well, may iba tawag din sakin Gab eh. So yeah, ako si Gab.
Montemayor88: How did you know I'm PM?
Gab489: Ummmm, profile?
Montemayor88: K.
Gab489: Eto naman oh, parang ang sungit. Pahabaan mo na man ang conversation natin...
Montemayor88: I'm not obliged.
Gab489: Sungeeet!
Gab489: Hoy!!!
Gab489: Sungetttt!!!!!

Pinatay na ni PM ang kanyang cellphone at uminom na ng kape. Nasa loob siya ng starbucks at naghihintay ng 3 PM para makarating si Gio na pinangakuan niyang kikitain niya ng alas-tres.

Tinignan niya ang kanyang relos at 3:05 PM na pala.

Maya-maya, nakarating na si Gio na tumatakbo at humihingal.

“Hi direk! Sorry I'm late.” Umupo sa harap si Gio at sumandal sa mesa habang nakaupo.

“I now have a reason not to pick you for the movie.” Masungit na sagot ni PM habang inayos ang kanyang salamin.

“Na-late lang kasi ako. Madalas ka rin pala dito sa Buhisan Starbucks?”

“You're still not excused from my impression. I would just like to remind you Gio, I'm almost done with my casting verdict. You better make yourself look good as long as you're seeing me before I come up with my decision. This can greatly affect my decision. I might have already chosen you, I might not have. So please lang, ayus-ayusin mo ang sarili mo. Kung may pwedeng ma-late, ako lang iyon. Okay?” Matalas ang titig ni PM na tila ba pinagagalitan si Gio.

“Yes sir, I'm sorry.” Yumuko si Gio at nilalaro ang daliri. Senyales ng pagkakaba.

“Don't play with your fingers. Of course, I always hang out here. Since I moved in here, this has been my hang out area. I always chill with Arthur, or when we are sometimes really, really drunk, we come here to get less drunk. It's actually a fun place.” Nagkibit balikat si PM.

“Do you want something to drink? Or titingin ka na lang sa akin?” Pag-follow up ni PM. Ngunit dahil sa kaba, hindi nakapagsalita kaagad si Gio.

“You're stupid,” Tinaas ni PM ang kanyang kamay at nagtawag ng isang service crew, :”Please give him something like mine. Grande. Less fat, okay?” Pag-instruct ni PM habang inabutan ng pera ang service crew.

“I'm sorry sir, we don't do non-counter order-”

“Or I can have you fired in a minute. Pili ka, boy?” pagbabanta ni PM sa service crew.

“Y-Yes sir. Right away.” Tumango lang ang service crew dala ang pera ni PM at dumiretso sa counter.


So, Gio, why do you want to sit down and to have coffee with me today? Hihilingin mo ba na kukunin mo ang lead role?” Pagtutukso ni PM kay Gio.

U-Ummm, actually... Gusto lang kita makilala direk.” Bakas sa tono ni Gio ang kaba na kanyang nararamdaman.


Tumawa si PM.



“Is this how you got all the lead roles you had, Gio? Iniinvite mo for coffee ang lahat ng baklang direktor na mahadera na pinag-au-auditionan mo tapos lalandiin mo?” 

Umiling si Gio.

“I'm sorry, pero hindi mo ako madadala sa ganyan. I have qualities. Pwede mo naman akong landiin eh, nagpapalandi naman ako. Pero I would like to remind you that you won't get the spotlight that way. Kung ganito lang naman, we can flirt with each other some time.” Tumayo si PM at inabot ang kanyang bag.

“Teka, wait!” tumayo si Gio at hinawakan sa kamay si PM.

Napahinto si PM sa paghakbang at napatingin siya sa kamay ni Gio na nakahawak sa kanyang kamay. Nang napansin ni Gio, tiningnan niya rin ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ni PM at dali-daling napabitaw.

“I-I-I'm sorry. Just please sir, let's talk.” 

Tinignan ni PM ang mukha ni Gio. Tumaas ang kanyang kilay at napa-iling.

“Okay. Fine.” Umupo si PM habang nakaplastar sa kanyang mukha ang ngisi na nakakainsulto.

“So, what do you want to talk about?” Sumandal palapit si PM sa mesa para ilapit ang mukha kay Gio.

“I'm going to be straight forward, direk.”

“Sure.”

“You look like one of the people that's so close to me from the past.” Tinignan ni Gio ang mata ni PM nang buong tapang kahit kinakabahan siya.

“Oh, you mean Angelo Montemayor?”

“Bakit ganito ang kwento mo direk? Could it be ikaw si-”

“HAHAHAHAHAHA” Tumawa si PM. “Obvious naman di ba? Ano pa bang itatago ko sa'yo Gio? Hindi naman ako yung mga bida sa mga pelikulang pinagbibidahan mo na pag nabuhay ulit iyong patay. tinatago pa rin at ikinakaila ang katauhan kahit masyadong obvious na ito? Hindi naman siguro kayo mga bobo para hindi makakapansin?”

“Bakit di mo tinatago... Angelo?” Hinahamon ni Gio ng titig si PM.

“Bakit ko ba itatago, Gio? Yayaman ba ako? Hindi rin ba kayo magdududa kahit itatanggi ko? Wag nga tayong magtangahan, please?”

“Pero patay ka na-”

“Yan ang inaakala niyong lahat. Pero sa totoo lang, anong pruweba meron ka para mapatunayan na patay na ako noon?”

“Kamukhang-kamukha mo iyong bangka-”

“Eh muntikan na ngang maagnas ang mukha ng taong iyon, gago ka ba? Paanong magiging ako iyon?”

“So, ano Angelo, kagaya ng mga telenovela, maghihiganti ka rin?”

“HAHAHAHHAHA” Tumawa si PM sabay palakpak. “Bakit Gio, magsosorry ka ba kagaya ng dapat gawin ng mga taong nananakit sa mga bumabalik at nabubuhay na bida?”

“Hindi.” Kinakabahang sagot ni Gio.

“It's okay with me Gio. That's your call. Sana nga lang, pag dumating na sa panahong magkakasakitan tayo, I don't want to see your sorry ass. I don't want you to ask for forgiveness. And the only thing you can do, is to take my revenge, or fight against it.”

“Paano kung lalaban ako?”

“Then that'll make things even interesting.”

Biglang nagbago ang mukha ni Gio. Tumayo siya at napailing.

“You're not the Angelo that I used to know.”

“Bakit, sino ba ang may gawa sa 'bagong' Angelo? And for the record, Angelo doesn't exist. PM does. My name is PM Realoso, kelangan ko pa bang uulit-ulitin iyan hanggang sa makuha mo?” Tumayo na rin si PM at naglakad palapit sa bathroom.

Kaagad namang sinundan ni Gio si PM.

“I don't get it Angelo. Why like this? Anong gusto mong mangyari? Gusto mo bang masaktan kaming lahat na nanakit sa'yo?”

Pumasok ng bathroom si PM at naghugas ng kamay.

“Nope, I want more than that.” Tumalikod si PM mula kay Gio habang nakaharap silang dalawa sa salamin.

“Harapin mo nga ako.” Sabay hila paharap ni Gio kay PM.

“What do you want me to do?” Diretsong nakatingin si Gio sa mga mata ni PM.

“Hahahahhahaha, akala ko ba hindi ka magsosorry?” 

“You're not answering my question.”

“Okay, kiss me then.” Si PM. Hindi na nag-aksaya si Gio at sinugod niya kaagad amg mga labi ni PM. Hindi rin nanlaban si PM at sinuklian niya rin ng matinding halik si Gio habang naglalaro ang kanilang mga labi.

Maya-maya, tinulak ni PM si Gio habang nakadikit ang kanilang mga labi. Ginapang ni Gio ang mga palad sa likod ng ulo ni PM at dinaramdam ang bawat segundong hinahalikan ang taong mahal niya.

Tinulak ni Gio si PM sa dingding at pinagpi-piyestehan ang leeg nito habang hinahaplos ang likod ni PM. Di kalaunan, binalikan ulit ang mga labi ni PM at mistulang walang bukas kung halikan ito.

Habang ginagantihan ni PM ang halik ni Gio, dahan-dahan naman niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagtipa ng message para kay Arthur.

Art, help, man. Starbucks right now. The usual. Some freak is trying to rape me.” Ang text ni PM kay Arthur. Maya-maya, na-send niya ang mensahe kay Arthur. Nang masend na ang message, binalik niya kaagad ang cellphone niya sa bulsa.

“Hindi ko alam ganito ka pala kasarap humalik, Angelo. Sayang nga lang at galit ka sa akin ngayon. Kung pwede lang natin ibalik ang dating pagkakaibigan natin, siguradong liligawan kita.” Sabay halik sa leeg ni Angelo.

“Bakit Gio? Kahit ganito ako ngayon, hindi mo ba ako magawang ligawan? Natatakot ka ba na baka hindi kita sagutin dahil sa galit na meron ako sa'yo?”

Tumigil sa paghalik si Gio at hinaplos ang ulo ni PM.

“Hindi pa rin nababawasan ang talino meron ka, best friend.” Sabay halik ulit sa labi ni PM.

Maya-maya, hindi na gumanti ng halik si PM at dinikit ang kanyang mga braso sa dingding. 

“Gio, wag mo akong hayaang makagalaw. I-lock mo ang mga braso ko.” Malanding alok ni PM na ginawa din naman ni Gio.

“Submissive ka pala. Gusto ko ito Angelo. Shit! Nakakaloko!” Sabay pagpiyesta sa leeg ni PM.

Di kalaunan, biglang tumunog ang pintuan nang pagkalakas-lakas.

BOOM! Kaagad na may naramdaman na kamay si Gio sa kanyang likod na hinihila siya papalayo at isang suntok ang kanyang naramdaman sa kanyang pisngi.

Biglang natapon si Gio sa sink at nilapitan siya ng isang Amerikano na malaki ang katawan at pinaulanan siya ng suntok.

Nang makaipon na ng malay-tao si Gio, pinansin niya si PM na nasa gilid ng bathroom at hindi sila inawat.

Biglang umingay si PM at nag-iiyak.

“Arthur, he was trying to rape me. He was so strong I couldn't move. You saw it right? You saw him over-powering me! I was so scared Art!” Sabay tago sa likod ng amerikano.

“What's your problem, man?” Galit na galit ang mukha ni Arthur.

Hindi naman makapaniwala si Gio na sinet up siya ng dating kaibigan.

“Bakit mo to ginagawa Angelo?” Sigaw ni Gio habang naiiyak.

Iyak ng iyak pa rin si PM habang nakahawak sa mga balikat ni Arthur.

“See that Art? He even calls me name I-I don't know! He's a creep, Art. I'm telling you he really is trying to creep me and rape me and kill me!!” Sigaw-iyak ni PM habang tulo-tulo ang kanyang luha.

Hindi naman nagdalawang isip si Arthur na hugutin si PM papunta sa kanyang katawan.

“Dumbfuck, you listen up.” Banta ni Arthur.

“You don't touch this guy right here. Alright? Nobody will! When I see your stupid face near him, I won't think twice sticking up a knife down your organs. Alright?!”

Hindi makagalaw si Gio na naisahan siya ni PM. Naloko siya ni PM at pinagmukha siyang tanga nito.

Kumapit si PM kay Arthur habang dahan-dahan siyang nilakad papalabas ng bathroom. Hindi pa rin magkamayaw ang bawat malasibat na tingin ni Arthur habang papalabas silang dalawa.

Si Gio naman, naiwan nakaupo, hindi makapaniwala sa ginawa ni PM.

Nagbago na talaga si Angelo. Ang bilis. Ang tindi ng ginawa ko sa kanya para magbago siya ng ganito... Sabay tulo ng kanyang luha habang tinutulangan ang sarili na makatayo.

Ikaw kasi Gio.


Tok tok tok! Mga katok na narinig ni Criselda sa kanyang pintuan.

“Sandali lang! Andiyan na!” Pinahid ni Criselda ang kanyang mga palad sa kanyang tuwalya para matanggal ang mga sangkap sa pagluluto na nakadikit dito.

Pagbukas ng pintuan ni Criselda, nabasag ang kanyang puso sa kanyang nakita.

“Hi nay... Gusto ko lang umuwi...” Kaagad na yumakap si Gio sa kanyang mama.

Tinanggap naman ni Criselda ang yakap ng anak. Nalulungkot siya sa bawat hininga na ginagawa ng kanyang anak. Napabuntong hininga na lang si Criselda habang hinahagod ang likod ng anak.

“Sabihin mo na ang problema mo sa akin anak...”


“Yun na nga nay. Di ko naman sinasadya eh. Tinukso ako ni Angelo para halikan siya tapos eto ngayon sinet up niya pala ako. Nay nagmukha akong tanga!”

Humugot ng malalim na hininga si Criselda.

“Yan naman kasi anak eh... Simula nang mawala siya hindi mo na maiwasang magpakagago sa lahat ng bagay na nakakapag-alala sa'yo sa kanya. Etong akala mo siya na iyang taong iyan, ginago ka niya, napahamak ka pa! Sigurado ka bang siya talaga?”

“Oo nga nay! Kinuwento ko nga sa'yo di ba na siya mismo umamin! Nay, di ko alam ang gusto niyang mangyari. Di ko alam kung anong mga gusto niyang mangyari. Pero takot na takot ako ngayon. Parang pag andiyan siya, wala akong magawa kung hindi ang maging masaya. Pero hindi ko siya pwedeng lapitan o kausapin kasi alam kong galit siya sa akin.”

Tumulo ang luha niya at pinahid niya ng panyo ang kanyang mukha.

“Gago ka pala eh. Nilalandi mo iyong tao, dinidilaan mo ang bibig tapos eto ka ngayon iiyak-iyak kapag napuruhan ka. Wag ka ngang pakatanga.” Sarkastikong sabi ni Vergel habang pumasok siya sa sala upang makinood ng TV.

“Iyan din iyong ginawa mo kay Angelo noon. Nilandi mo. Pinachupa mo diyan sa titi mo. Nahuli mo noon, tapos nilalayo mo. Nawala si Angelo iyak ka ng iyak. Nahulog ka sa patibong ng trabaho mo. Kung kani-kaninong bakla ka na nagpapagamit para lang makuha iyang trabaho mo. Kung minsan kahit di ka sigurado kung may tulo ang baklang direktor, niyayari mo pa rin, maging sikat ka lang. Gago ka talaga Gio. Di ko alam kung anak ba talaga kita sa kakitiran ng utak mo. Sayang naman at matalino ka pa. Ay mali, akala ko lang pala.” Sunod-sunod na pang-iinsulto ni Vergel habang nakapatong ang paa sa coffee table.

“Vergel! Tigilan mo iyan! Kita mo na ngang namomroblema ang anak mo kung paano niya lalapitan si Angelo ngayong nagkita na naman sila! Sa halip na tulungan mo ang anak mo, pinapalala mo pa ang nararamdaman! Anong klaseng ama ka ba?!” Hampas ni Criselda kay Vergel.

“Criselda, tigil-tigilan mo ako ha. Oo, alam kong chickboy yang anak mo. Kahit bakla pa tirahin niyan, wala akong pakialam. Pero yung gawin niya yan sa bestfriend niya? Tangina Criselda, alam natin kung gaano kabait iyong batang iyon, tapos eto iyang anak mo, hinahamak pagkatao ng isang mabait na bata. Napalapit na rin sa akin ang batang iyon, at parang anak na rin ang turing ko doon. At di ko alam kung paanong nabuhay iyang batang iyan base sa kwento ng gago mong anak. Pero sinasabi ko sa'yo ngayon Gio, hindi mo na iyan makukuha. Wala akong pakialam kung bakla ka. Pero kung magiging lalake ka rin naman pala tapos ganyan kapangit ang ugali mo? Tigilan mo ako. Hindi kita anak.”

Mistulang mga sibat na tumutusok sa lahat ng bahagi ng katawan ni Gio ang bawat insulto na natatanggap niya mula sa kanyang sariling ama.

“Huwag mo nang pakinggan iyang papa mo anak. Mahal ka niyan pero kagaya ng pagmamahal niya sa'yo, ayaw ka niyang maging pariwara.”

“Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nagpalaki ako ng ana na walang hiya at walang modos. Tapos eto, nakita niya ulit si Angelo, binastos na naman. Ayun nasapak! Bagay lang sa'yo yan, tarantado ka! Tandaan mo, ang tiwala ng tao saglit lang. Pag napanatili, lalaki. Pag napabayaan, maagnas!” Tumawa si Vergel.

“Hindi naman po itay, naset up ako. Sinet up niya akong ginagahasa ko siya. Sinaktan niya ak-”

“Bakit, hindi mo rin ba siya nasaktan noon?” Diretsong balik-tanong ni Vergel kay Gio.

Napatingin lang si Gio kay Criselda.

“Hoy Vergel, lumabas ka nga! Linisin mo iyong sasakyan, o makipagsabong ka. Wag mo na dagdagan ang sakit ng damdamin ng anak mo. Layas! Alis!” Sabay sunod-sunod na hampas sa kanyang asawa.

“O na! Istorbo iyang batang iyan! Gusto ko manood ng TV, ako pa mapapaalis sa sarili kong bahay. Tangina naman oh!” Sinuot ni Vergel ang kanyang tsinelas at nagmartsa palabas ng bahay.

Nagkatinginan ng matagal na segundo si Gio at Criselda.

“Galit pa rin ata si tatay sa akin nay.” Sabay iling ni Gio.

“Hayaan mo na ang tatay mo anak. Ganyan talaga. Hindi mo rin siya masisisi kasi, malaki ang tingin niya sa'yo... Proud na proud nga kami ni tatay nung graduation mo... hanggang sa malaman namin mula kay Riza na...”

“I'm sorry nay. I'm sorry. I'm sorry para kay tatay. I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko. Handa ko naman ituwid lahat eh. Hindi naman ako magdadalawang-isip magbago eh. Itatama ko lahat ng mali ko noon. Kailangan ko lang naman ng chance. Sa halip na suportahan ako ni tatay dahil mas mahirap na ang pakikipagsapalaran ko kay Angelo ngayon, dinidiscourage niya pa ako.”

“Wag mo pakinggan iyang tatay mo. Kaya mo iyan anak. Nasa likod mo lang ako palagi. Gawin mo sa tingin mo ay tama.” niyakap ni Criselda ang kanyang anak habang patuloy sa pagluha si Gio.

“Nay, salamat at andiyan ka palagi ah. Simula noon, hindi mo ako iniwan.”

“Oo. Siyempre naman. Mahal kita eh!” Hinaplos ni Criselda ang kanyang anak at tumayo.

“O siya, sige. Kanina pa handa ang pagkain. Adobo?” Ngumiti ito habang niyaya sa hapag ang kanyang anak. Hindi naman nagdalawang-isip si Gio na tumayo at umupo.


“Arthur, it's already ten in the morning, five hours since we started this thing, and there's not even a single lady that's fitting up my expectation. They all can't sing or dance or both! They don't even have that face we're looking for!” Sigaw ni PM habang tinapik si Arthur na umiinom ng kape.

“Let's just wait for a little while and someone will show u-”

“Hi there!” Bati ng babae sa kanilang harapan.

Humikab si PM sabay stretching sa leeg. “I hope you can sing and dance, or any, at the least?”

“And not just that, I'm pretty!” Kinindatan ng babae si PM.

“Okay, cue your music.”




Napatango naman si PM sa kanyang nakita. Samantalang si Arthur, bahagyang napapalakpak.



“Can you dance?” Sabay laro ni PM sa kanyang dila sa kanyang bibig.



“Gimme my music, love.”

“Cue music!” Sigaw ni Arthur.




Nang matapos nang magsayaw ang babae, mas lumakas pa ang palakpak at ngiti ni Arthur.


“So far, you're doing an amazing job. I am really, really impressed. So you're name's Ashley Whittie?” Tanong ni Arthur habang tinitignan niya ang form ni Ashley.



“Yes. 19 years old. I'm from California, heard that you'll be releasing an international all-girl group so I flew all the way to here to try my luck out!” Sabay ngiti ni Ashley.

“That's a lot of effort. And I think you're pretty. Do you have any plan to be promoted world wide? I mean, you might wanna consider going to school and getting a degree. You're still 19, and you know how America favors education among the rest.”

“Well, if I'd be in, and if I do my part in the business with you, and if you do your part, we all make money, and I get my share, what's there to study for?” Umiling si Ashley.

“I think you're a lazy bum in school. Well anyway, you are pretty decent to Arthur. So, just keep your lines open, most especially the number that you put in on your form, we'll just call you if you got a slot out of five. Thank you!”

“Bye!” Sabay kindat kay PM at umalis.

Nang makaalis na si Ashley, tumingin si Arthur kay PM.

“You like her.” Diretsong akusa ni Arthur kay PM.

“Well, the group's already have their leader. I take her in the group. Make sure you connect to her after the audition period. So, the girl-group saga is about to start, eh?” Tumayo si PM at nagstretching ng braso.

“Yup. And they'll be famous.”

“And they'll make Corina crawl out of poverty. Anyway, my girl is there. Name them 'Pink Rocket'. She's gotta be something else.”

Sabay walk out ni PM sa set.

“You get the other 4. We make history, love.” Sabay kindat kay Arthur.

Naglakad si PM papunta sa kanyang office. Nang makaabot na siya sa harap nito, nanibago siya sa set up ng door mat. Parang may nakapasok. Isang apak na napakalakas na nakapag-ngiwi sa set up ng door mat.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at nang makapasok na siya, kaagad niyang sinarado ito.

Nilibot niya kaagad ang kanyang paningin sa paligid. Dahan-dahan siyang naupo sa kanyang mesa at binuksan ang kanyang desk. Napansin niyang mejo nakagulo na ito at may isang folder na nawawala.

Hindi niya alam kung sino ang nakapasok. At hindi niya alam kung ano ang pakay ng nakapasok sa kanyang opisina. Pero isa lang ang alam niya... may nagmamanman sa kanya.



Nang marinig ni Dimitri ang mga apak ni PM na papalabas ng opisina, binuksan niya ang ceiling entry at binaba ang built-in ladder. Dahan-dahan siyang bumaba para hindi makagawa ng ingay. Nang makababa na siya, dahan-dahan niya namang iniangat at niligpit ang ladder at sinarado ang ceilng entry. Kaagad siyang lumakad papunta sa pintuan. Nang makalabas na siya, may napansin siyang taong nakatayo mula sa gilid ng pintuan at naka-tupi ang mga braso.


“So, anong nahanap mo sa opisina ko Dimitri?” Si PM, umiinom ng kape.



Biglang bumagsak ang kalamnan ni Dimitri nang nahuli siya ni PM.

“Wa-wala! Hahahaha, may tinitignan lang ako sa opisina mo nung nakaalis ka-”

“I'm sorry, I didn't see you enter my office.” Diretsong sagot ni PM sabay sabong ng mga kilay.

Napayuko si Dimitri.

“Alright. I'm sorry. I was there to prank you.”

“And?”

“Nothing more. Wala akong ginalaw pa. Ito lang ang kinuha ko.”

PROJECT GIRL GROUP. Ang nakasulat sa envelope.

“Sinoli mo rin. Good. Hindi naman to confidential sa'yo Dimitri eh. You can always ask permission kung gusto mo tong makita. Wala ka na ba talagang kinuha pa?”

“Wala na. Iyan lang. Ang side cabinet ko lang ang binuksan ko.”

Something's not right... Paanong bumukas ang desk ko kung ang side cabinet lang ang ginalaw ni Dimitri? Pagsisiyasat ni PM.

“You mean, hindi mo ginalaw ang desk cabinet ko?” Tanong ni PM. Umiling lang si Dimitri.

“Naka-lock ito nang pumasok ako. Tapos narinig kong papalapit ka, diretso na lang akong kumuha ng dokumento sa side cabinet mo. Iyon lang ang bukas eh. Nung may nahablot ako, nagtago ako sa CR mo. At ayun pumasok ka. Nang nakaalis ka na, sinuri ko pa iyong side cabinet mo, wala na akong nahanap pa ngunit pumasok ka ulit. Nagtago naman ako ngayong sa ceiling mo. Nang makaalis ka na, bumaba ako. At eto, nahuli mo na ako.” Yumuko lang si Dimitri at nilalaro ang mga daliri.

May mali. Isang beses lang akong pumasok sa opisina. Kung merong kopya si Dimitri sa lahat ng susi ko, kelangan ko itong makuha. Kung naiwala niya, tiyak ang taong pumasok bago ako pumasok, nasa kanya ang susi.

“So, nasaan ang susi ko? Yung ginamit mo para makapasok. Ako lang ang may kopya sa opisina ko. So nasaan ang duplicate?”

Namutla bigla si Dimitri.

“Shit! Naiwan ko pala sa desk mo nang nakapasok ako!” Kaagad na pumasok si Dimitri at tinignan ang mesa ni PM.

Sumunod si PM, ngunit wala siyang nakita.

“Don't tell me-”

“I'm sorry PM. I must have misplaced it somewhere!” Kaagad na naghanap si Dimitri sa iba't-ibang bahagi ng opisina ni PM.

“You know what Dimitri, you don't have to do that. Okay na ako. Okay lang. Ngayon, get the fuck out of my office bago kita ireklamo for misbehavior. Layas!” Sumigaw si PM sabay suntok sa mukha ni Dimitri. Di naman nakalaban si Dimitri at kaagad na naglakad papalabas ng opisina.

“PUTANGINA!” Sigaw ni PM. Maliban kay Dimitri, tiyak, may isa pang nagmamanman sa akin. Di ko kilala kung sino, di ko alam kung bakit, pero alam ko hindi lang ito ang nawawala sa opisina ko.. Sabay tingin sa contrata na nakuha niya mula kay Dimitri.

At andito lang siya sa tabi tabi. Kaagad na kinuha ni PM lahat ng dokumento na nasa lahat ng cabinet ng kanyang mesa at pinasok ang mga ito sa isang malaking kahon.

Dapat maging preparado tayo bago may makatunog. Delikado ito.


“Hello, Riza?” Bati ni Gab.

“Anong kailangan mo?” Mapakla na sagot ni Riza.

“I am just wondering kung may balita ka na kay PM?” Tanong ni Gab.

“Oh. Good. Alam mo na rin pala ang tungkol kay PM.” Sarkastikong sagot ni Riza.

“Oo. So..?”

“I'm sorry. Hindi niya ako gusto maging kaibigan at ayos lang sa akin. Wala na akong pakialam sa kanya. Kung gusto mo ng updates, doon ka kay Dean Jonah. Wag sa akin. Masyado akong busy ngayon.”

“Ha?”

“Tinakwil niya ako Gab. Wala na siyang pakialam sa akin. Ang sakit sakit. So now leave me alone. Don't call me again.” Sabay baba ni Riza sa phone.

Napatingin si Gab sa kanyang phone. “Anong nangyari doon?” Kaagad na binuksan ni Gab ang kanyang laptop at tinignan ang mga dating larawan nila ni Angelo noong magkasama pa sila bago nawala si Angelo.

May magkayakap sila, sinusubuan ni Gab si Angelo, yung nakaselfie.

Napangiti lang si Gab sa bawat ala-ala na bumabalik sa kanyang isip.

“Hi baby, what are you doing!” Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Nina. Lumapit kaagad siya sa mesa ni Gab at napatingin sa kanyang laptop.

“Oh, that's the guy you took away when we had coffee, right?”

“Mhm. Pogi niya ano?” Ngiti ni Gab.

“Well, he looks rather fat back then. Pero I must admit Gab, ang sarap na niya ngayon. Ang chest! Ugh, grabe!” Tili ni Nina sabay kagat sa kanyang mga daliri.

“Tumahimik ka kasi hindi ka papatulan nun. Lalake gusto nun! Ako lang gusto nun!” Singhag ni Gab sabay browse pa sa mga litrato nila ni Angelo noon.

“Well, I actually Gab, between sa aming dalawa sa'yo, mas lamang ako kasi babae ako at lalake siya. Alam ko ako pa rin ang pipiliin mo.”

“Talaga lang ha! Paano kung sabihin ko sa'yo ngayon na naging bakla ako sa kanya?!”

“E di papatayin kita.” Sagot ng tatay niya mula sa kanyang likod.

“Pa, anong ginagawa niyo dito sa cafeteria ko?!” Sigaw ni Gab.

“Masama bang kamustahin ng tatay ang kanyang sariling anak? Nina, hija, get back to your photoshoot muna. My son and I will have to have a private talk together.” Sabay upo sa upuang nasa harap ng puwesto ni Gab.

“Yes daddy. Bye daddy! Bye baby!” Sabay halik sana sa pisngi ni Gab ngunit nilayo nito ang kanyang mukha.

Nang makaalis na si Nina, kaagad na bumulong ng buong diin ang tatay ni Gab.

“Gab, listen closely, hindi ka bakla! Babae ang dapat mong mahalin at hindi lalake! Kung iyang baklang iyan ang dahilan bakit hindi ka pa nagpapakasal sa ngayon, sasabihin ko, isusumpa kita!”

“E di isumpa niyo! Katangahan! Ilang taon niyo na nga akong pinarusahan ni nanay. Hindi niyo ako inatupag dahil busy kayo sa mga kanya-kanya niyong pamilya, pera lang ang pinaka mabibigay niyo sa akin. Tapos nang lumaki ako mag-isa at nakuha ko na lahat ng gusto ko sa sariling sikap matapos nang pati si lola mawala, sasabihin niyong may karapatan kayo sa akin? Bakit, ano ko ba kayo?”

“Tatay mo ako Gab. Tatay mo ako! Susundin mo ako, sa ayaw at sa gusto mo!”

“Kaya siguro kayo nagkahiwalay ni mama dahil diyan sa ugali mo. At kaya siguro kayo nagkahiwalay ng kabit mo dahil din diyan sa ugali mo. Kita mo tay, walang makakasikmura sa ugali niyo! Walang babaeng tumatagal sa'yo! Nung iniwan mo ako, iniwan rin ako ni mama. Kay lola lang ako humihingi ng tulong. Lahat ng birthday ko, wala kayo, si lola lang ang andiyan. Pera lang ang natatanggap ko sa inyo. Next time naman, kung gusto niyo ng respeto, e di sana respeto ang naibigay niyo sa akin noon!”

“Tatay mo pa rin ako Gab. Kung sasabihin kong magpakasal ka kay Nina, magpakasal ka! Hindi kita pinopondohan ng pera para maging bakla!”

Ngumisi si Gab sa narinig ng tatay.

“At higit sa lahat tay, hindi ako nabubuhay para diktahan mo! Get your life straight!”

“No, Gab, you get your life straight! 29 years old ka na, pero hindi ka pa nakakakuha ng babaeng pakakasalan dahil sa kabaklaan mo! Ayusin mo ang buhay mo at wag mong sayangin ang gandang lalaki mo!”

“Kahit sa lalake ako magpakasal, maikakalat ko ang lahi. Tay, kung didiktahan mo lang ako, at kung nagbabalik ka lang naman para ipamukha sa akin kung ilang milyones na ang nabuhos mo sa akin, fine! Ibabalik ko bawat sentimos na inulan niyo sa akin wag niyo lang akong diktahan. Pero kung sa tingin mong pagdidikta lang ang pinakamagandang gawin, okay!”

Tumayo si Gab at sinara ang laptop.

“Mauna na lang kayong mamatay.”

“Anong sinabi mo? Hiniling mo ba na sana mamatay na lang ang sariling ama mo?”

“Hindi...” Tumalikod si Gab, “hinihiling ko na sana wag na akong guluhin ng tatay ko kung anak talaga ang tingin niya sa akin. Sa bagay, buong buhay ko wala naman talaga siyang nagawang mabuti. At kung pera niya lang ang pambato niya sa akin ngayon, ipapadala ko na ito sa account niya, ngayon din... Wag niya lang akong madiktahan.” Sabay lakad papalayo sa kanyang papa.

“Gab! Gab! GAAAB!” Sigaw ng tatay niya ngunit hindi niya man lang ito nilingon at diretsong sumakay ng elevator.


“San ka na naman nanggaling Dimitri at bakit ang tagal mong nakauwi? Sa tingin mo natutuwa na ako sa mga inaasal mo sa amin ng anak mo?!”

“Chill ka lang babe... Pumasok lang ako sa opisina ni PM upang maghanap ng mga dapat mahanap.” Umupo sa sofa si Dimitri sabay tanggal ng kanyang sapatos.

“Good. Siguraduhin mo lang na hindi ka naglalandi sa kanya dahil pag nangyari iyon lahat, tiyak guguho ang mundo ng bawat tao. Anong nahanap mo?” Tanong ni Corina.

“Well, yung contract niya lang sa shares. Other than that, wala na. Tas nahuli niya pa ako. Takte talaga!” Hinubad ni Dimitri ang kanyang polo at nilapitan si Corina.

“Matutulog na ako Corina, puntahan ko na lang si Monte sa loob ng kwarto at matutulog na kami. Good night!” Sabay halik sa pisngi ni Corina.

Naiwan namang nakatayo si Corina sa sala, nagtataka sa bagong ugali ni Dimitri.

Nakakapanibago ang ugali ni Dimitri... Parang masayahin at parang aktibo palagi... Lahat nang ito, nangyari simula nang bumalik si PM...

Hindi kaya, si PM pa rin ang laman ng puso niya? Hindi kaya, minahal talaga ni Dimitri si PM ngunit hindi ko lang maamin sa sarili ko na ganon?

Pero, hindi naman siya nanlalamig sa akin? Ako pa rin naman ang mahal niya?

“Corina!! Halika na!! Nasa kabilang kwarto na si Monte!! Matulog na tayo!!” Silip ni Dimitri mula sa pintuan, nanunukso.


At ngayon, aktibo ulit sa sex... Talagang nagbalik na ba talaga ang pagmamahal niya sa akin dahil andito na si Angelo o di kaya may gusto lang siyang patunayan? Pahamak kasi talaga iyang baklang iyan eh... Jun naman kasi eh... Sabi ng gumalaw na tayo bago mahuli ang lahat!

Andiyan na babe!” Sigaw ni Corina sabay lakad papunta sa kwarto nila ni Dimitri.


Nalilito ako.




Nang makapasok na ang sasakyan ni Arthur sa bahay nila PM, tinapik ni Arthur si PM.

“Hey, PM, we're already home.” Kaagad namang gumising si PM at nahiga sa sofa.

“Art, do you want to just deliver our dinner over here? I'm so tired going out now.” Sabay stretching at ayos ng sarili sa sofa.

“No need, love. A-kow nah ang gaga-wa ng hapunan.” Pilit na pagtatagalog ni Arthur. Napatingin naman si PM kay Arthur habang hinahanda na ang mga sangkap para sa dinner nila.

“What did you say?” Pagpapaulit ni PM kay Arthur habang nakangiti dahil sa pilit na pagtatagalog ni Arthur.

“Sa-bi kow, a-kow na ang gaga-wa ng hapunan.” Ngumiti si Arthur habang nagpapainit na ng pan.

“HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!” Hindi magkamayas sa tawa si PM.

“You are so cute when you speak in Filipino... even though it doesn't sound as perfect as it should be!” Tumayo si PM at pinuntahan si Arthur sa kusina.

“Nope, I don't intend to make it sound perfect.” Sabay hablot kay PM at pulupot ng mga braso sa katawan nito.

“I just want it to sound interesting. And it did! Now I deserve a kiss!!” Sigaw ni Arthur sabay kiliti sa tadyang ni PM.

“No.. HAHAHA, NO OH MY GOD STOP!!!!!!” Sigaw ni PM.

“Get me my kiss! Or I'll rape you tonight?!”

“Okay, okay!” Pagpapatigil ni PM kay Arthur sa pangingiliti sa kanya, “you get your kiss. But it's only a friendly kiss, okay? I don't want you to translate it to something else!” At sinugod ni PM ng halik ang pisngi ni Arthur.

Ngunit lumingon si Arthur kay PM sa sandaling magkalapat na sana ang pisngi at labi. Naglapat tuloy ang mga labi ng dalawa.

Siyempre, nagulat silang dalawa, lalo na si PM. Pero tinuloy pa rin ni PM ang halik kay Arthur at dinaramdam ang pagmamahal na ginagawa ni Arthur sa kanya. Nang kailangan na nila ng hangin, nilayo ng dalawa ang kanilang mga ulo.

“Wow.” sabi ni PM, “that was a different kiss.” Tumawa bahagya si PM.

“Thank you for that, though... But I still get to rape you tonight!!!” Kiniliti ulit ni Arthur ang kanyang kaibigan hanggang sa nasusunog na ang ginisang bawang ni Arthur.

“Your sautee's burning! LOL, stop tickling me, man!” Sigaw ni PM. Tumunog ang cellphone niya, senyales na may bagong message na natanggap.

“I AM BACK. WATCH OUT.” Biglang nagtaka si PM sa natanggap na mensahe mula sa unregistered number. Maya-maya, tumunog ang cellphone niya ulit at may tawag na papasok sa kanyang line, isang unregistered number na naman.

“Hello?” Diretsong tanong-bati ni PM sa taong nasa kabilang linya.

“Hi, Angelo, si Tita Criselda mo ito!” Bati ni Cres kay PM. Kaagad namang nag-loudspeaker si PM para marinig ni Arthur ang conversation nilang dalawa. Naglakad papunta sa kusina si PM at umupo sa countertop ng kitchen.

“What do you need?” Tanong ni PM. Nagdududa naman ang mga tingin ni Arthur.

“Sabi ko na nga ba, si Angelo eto eh! Hay nakong bata ka, marami ka talagang ikukuwento sa akin. Hindi ko alam kung paano ka nabuhay, pero marami kang dapat ikwento.”

“Just go straight to the point!”

Sandaling katahimikan.

“I'm sorry... So, lately, napadaan dito si Gio sa amin. Ngayon, papabalik na siya ng Maynila, at di ko alam kung andiyan na ba siya. Kinuha ko ang number mo mula sa kaniya habang natutulog ito sandali. Kaya, Angelo, parang awa mo na oh, bilang nanay mo na rin ako noon kahit papaano, paki-check naman kung andiyan na ba si Gio sa Manila. Hindi niya kasi kasama si Arlene, kaya sa ngayon, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.”

“You should go and ask Arlene, not me.”

“Angelo, please?”

Nagtinginan si Arthur at PM. Tumango naman si Arthur at pinatay ang ginisa niyang bawang.

“Okay, we'll check on him now.” Sabay baba sa tawag.

“Who's in danger?” Pag-ulit ni Arthur.

“Gio.”

“Oh your old-bestfrien-”

“SHUT UP! Get in the fucking car now! I'm driving.” Mala-otoridad ang tono ni PM. Lumabas sila ng bahay at kaagad na dumiretso sa sasakyan. 

Tanga ka pa rin kahit papaano. Komento ni PM kay Gio.


“Panginoon, ngayon po nakita ko ulit ang best friend ko. Ang saya saya po pala sa pakiramdam na nahanap mo na ang taong ang tagal mo nang hinahanap. Kaso po, may kasalanan akong nagawa sa kanya, kaya hindi ko maaaring lapitan siya agad agad. Galit po siya sa akin, ramdam ko iyon, pero siguro po, kagaya ng ginawa niyong sakripisyo para sa lahat ng tao, siguro ako rin, dapat ko tanggapin ang lahat ng sakit na darating para mapatawad niya ako? Iyan lang ang kaya kong gawin eh para mapatawad niya ako...

At saka, ang pogi na niya po. Kanina nagkita kami, parang kinain ako ng kati ko. Nahalikan ko po siya. Ang landi ng paghahalikan namin... Ramdam kong may nagbago sa kanyang ugali maliban sa kanyang paghalik. Naging agresibo siya. Grabe, alam kong ang lahat ng pagbabagong ito, isa ako sa mga dahilan kung bakit naging ganito siya. Sana lang po, gabayan Niyo ako sa darating na mga pangyayari. Iiwan ko po lahat sa inyo, pati sarili ko. Kayo na po ang bahala sa akin, at sana gabayan Niyo ako sa lahat ng desisyon na gagawin ko. Kayo lang po ang poprotekta sa akin, at sana po, sa pagpoprotekta Niyo sa akin, sana dahan-dahan ding makita ni Angelo na mahal na mahal ko siya, at ngayon, kahit hindi niya man ako mahalin, kahit mapatawad niya lang ako, ayos na. Pero gagawin ko po ang lahat, lahat-lahat, mahalin niya lang ako.

Oo, alam ko po nagkamali ako noon, pero handang-handa na akong itama lahat ito. Sana lang po, makita niya lahat ng mga sakripisyo kong gagawin kalaunan.

I love you po.”

Tumayo si Gio at nag-sign of the cross bago lumabas sa lumang simbahan. Nang tinignan niya ang kanyang relos, alas-onse na pala ng gabi.

Dumiretso siya sa kanyang sasakyan, at napansin niyang flat lahat ng gulong niya. Kinakabahan siya kasi malayo pa ang Manila at nasa dapit-probinsya pa siya. Palingon-lingon siya sa paligid pero masyado nang madilim at parang nakatulog na lahat ng tao.


Patay...” Napakagat-labi siya nang mapansin niyang may tatlong lalakeng papalapit sa kanya na nagdadala ng baton, kahoy, at kutsilyo.


“Parang wala ka nang mapupuntahan tol ah... Amin na lang iyang pera at lahat ng gamit mo kung ayaw mong mamatay! Taga Manila ka pa naman, gagala-gala kasi mag-isa...”



“HINDI!” Kaagad na tumakbo papalayo sa mga lalaki si Gio nang mapansin niyang nagtatatakbo na rin pala ang mga ito para kunin siya.

“TULONG!!!” Nagawa niya pang sumigaw sa kabila ng kaba, kahit alam niyang wala nang saklolo pang darating.

“TULONG NAMAN PO PLEASE!!” Sigaw niya kahit sobra na ang adrenaline sa kanyang katawan.

“TULOOOOOOONNNNGGGGGGGG”



Itutuloy...
 

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails