Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 12]
By: Crayon
****Kyle****
3:30 am, Saturday
June 03
Nakatulog
akong may ngiti sa aking mga labi. Labis akong natutuwa dahil okay na
kaming muli ni Renz. Parang wala nang bahid na nagkaroon kami ng
pagkakatampuhan noon. Namiss ko din ang kumain sa labas at matulog na
kasama siya.
Naalimpungatan ako
mula sa aking pagkakatulog at namalayan kong wala na si Renz sa aking
tabi. Bumangon ako para sana hanapin siya ng may matanaw akong anino sa
gilid ng aming kama. Nang tingnan ko ay nadatnan ko si Renz na nakahiga
sa carpet ng kanyang kama, nakapikit ang mga mata habang mabilis na
hinihimas ang kanyang alaga.
Hindi
ko na napigilan ang matawa ng malakas ng makita siya sa kanyang
ginagawa. Agad naman siyang dumilat ng marinig ang aking tawa. Halata
ang pinaghalong gulat at hiya sa kanyang mukha. Sumakit ang aking tyan
sa kakatawa. Dapat pala ay kinuhanan ko siya ng video sa kanyang
ginagawa.
Nakita ko siyang
bumangon at tumungo sa banyo. Bumalik naman ako sa aking pagkakahiga at
natatawa pa din sa aking nakita. Makalipas ang mahigit sampung minuto ay
lumabas si Renz at tumabi muli sa akin sa kama. Pinipigilan ko na ang
aking pagtawa para hindi na siya masyadong mapahiya.
Tumalikod na akong muli sa kanya. Naramdaman ko naman ang muling pagyakap niya sa akin.
"Nakatapos ka ba?", natatawa kong tanong.
"Hindi eh, kaw kasi eh.", sagot nito sa akin. Tumawa lang ako at bumalik na sa aking pagtulog.
Maya-maya ay naramdaman ko ang matigas na bagay na idinudunggol ni Renz sa aking likuran.
"Hoy Renz Angelo! Lumubay ka.", saway ko sa lalaking nakayakap sa akin.
"Isa
lang please. Miss na miss kita Kyle.", wika nito sa aking tenga halata
ang libog sa bawat salitang binibitiwan niya. Nangahas na din siyang
halikan ako sa leeg. Alam kong kapag hindi ako tumutol ay bibigay agad
ako sa nais niya.
"Renz,
magagalit ako sayo.", seryoso kong sabi. Halos ayaw lumabas sa bibig ko
ng mga pagtutol na iyon dahil may parte din ng sarili ko ang
nagugustuhan ang ginagawa niya.
Agad din namang tumigil si Renz nang marinig ang ikalawang pagtutol ko.
"Sorry...",
mahina niyang bulong sa akin. Agad naman akong humarap sa kanya. Nakita
ko siyang mataman na nakatingin sa akin. Dinampian ko ng isang mabilis
na halik ang kanyang mga labi.
"Matulog
ka na starfish...", pagkasabi noon ay iniyakap ko ang aking sarili sa
kanyang katawan at isniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin at muli na akong
nakatulog.
-------------------------------------------------
Pasado
alas-nuwebe na ako nagising kinabukasan. Sinusubukan ko pa ring bumawi
ng tulog mula sa dalawang araw kong pagpupuyat. Hindi ko na dinatnan si
Renz sa aking tabi. Tinungo ko ang banyo upang makapaghilamos. Naghintay
ako ng kaunti hanggang sa bumalik si Renz pero agad akong nainip at
naisipan kong lumabas na ng kwarto nito. Pamilyar na din naman ako sa
bahay nila kaya kumportable akong lumabas ng kwarto ni Renz.
Pababa ako ng hagdan ng matanaw ko ang ina ni Renz sa may dining area na naghahanda ng almusal.
"Good morning po tita!", magiliw kong bati sa ginang.
"Oh
my God!", malakas na sambit ng ina ni Renz. "Ikaw na ba yan Kyle?
You're looking great! Oh my! Was it 2 years that you're gone?",
dire-diretsong wika ni Tita.
"Hehehe opo. Kayo din po very pretty pa din, parang di kayo tumatanda.", pambobola ko.
"Ay
naku ikaw talaga! Marami kang utang na kwento sa akin ha! Mamaya ka na
umuwe. Tara na dito at ng makakain ka na.", imbita niya sa akin na agad
ko namang pinaunlakan.
"Kayo po
ba ang nagluto ng lahat ng ito? Parang andame ah, may okasyon po ba?",
tanong ko habang pinagmamasdan ang mga nakahain sa lamesa. May French
toast, scrambled egg, bacon, hotdog, garden salad, fresh fruits, at kung
anu-ano pa.
"Ay hindi ko nga
alam eh, si Renz ang nagluto lahat niyan at ayaw pa nga magpatulong sa
akin eh. Gusto daw niya siya ang may luto ng lahat, kaya pasensya ka na
kung hindi kasing sarap ng luto ko.", mahabang sabi ni Tita.
"Ma,
grabe ka hindi pa nga natitikman ng tao yung pagkain, sinisiraan mu
na.", sabat ni Renz na kalalabas lamang mula sa kusina at may dalang
tray ng pesto. "Good morning Kyle!", masayang bati nito sa akin.
Sinuklian ko naman siya ng isang malapad na ngiti.
"Bakit andami mong niluto? May bisita ba kayo?", tanong ko kay Renz.
"Wala,
nakakahiya naman kasi sayo kung pa-uulamin kita ng tuyo baka sabihin mo
ginugutom kita, hindi ka na uli bumalik dito sa amin.", biro ni Renz sa
akin.
"Hahaha sobra ka naman."
"Tara kain na tayo.", wika niya sabay upo sa aking tabi.
"Tita, sabayan nyo po kami. Husgahan natin tong niluto ni Renz.", aya ko sa ina ni Renz.
Sumalo
nga sa amin si tita at sabay-sabay kaming nag-almusal. Masaya ang aming
naging kwentuhan habang kumakain, balitaan sa mga nangyari sa amin sa
nakalipas na dalawang taon. Na-miss ko ding ka-bonding ang mommy ni Renz
dahil likas itong magiliw at mabait sa akin.
"Mabuti
naman iho at tinapos mo pa din ang iyong pag-aaral. Ako din ay
nagpapasalamat dahil nagpapakatino na rin sa wakas ang bestfriend mo.",
wika ng ina ni Renz.
"Ma naman nagdrama pa, baka kung anu pa ikwento mo kay Kyle ha.", singit ni Renz.
"Alam
mo ba Kyle na bago magdesisyon na magnegosyo yan eh sobrang pariwara na
yan. Halos gabi-gabi yang nag-iinom, minsan hindi pa umuuwe sa bahay.
Balak ko na talaga siyang ipa-rehab noon kasi nababahala na ako.",
napatingin naman ako kay Renz sa sinabing iyon ng kanyang ina.
"Hindi
ko nga alam kung anong problema nitong batang ito eh. Ang hinala ko
binasted ng nililigawan niya. Kilala mo ba yung pinopormahan nitong
binata ko?", natatawang dagdag ni Tita.
"Hahaha
hindi po eh, wala naman po siyang nababanggit sa akin. Pero mukhang
okay naman na po siya ngayon.", sagot ko sa ginang. Hindi ko naman
mapigilang isipin kung ganoon nga ang naging lagay ni Renz nung
magkaaway kami at kung ako nga ba ang naging dahilan ng mga kalungkutan
niya noon.
Matapos ang isang
masayang almusal ay nanatili pa ako sa bahay nila Renz. Bumalik kami sa
kwarto niya para maglaro ng xbox. Para kaming mga bata na
nagpapaligsahan sa paglalaro. Nang magsawa ay nagpaalam na ako na uuwi
na sa amin. Tumanggi na akong kumain ng tanghalian sa kanila dahil busog
pa din naman ako mula sa kinain namin kanina. Inihatid lamang ako ni
Renz hanggang sa terminal sa Cubao at nagpaalam na kami sa isa't-isa.
------------------------------------------------------------------------------
Nang
makarating sa bahay ay binuksan kong agad ang aking laptop, na-miss
kong bigla si Lui dahil ilang araw ko din siyang hindi nakausap dahil sa
pagka-busy ko sa work. Sakto naman na naka-online din siya kaya agad
kaming nag-video call.
"Kamusta ka bebe ko?", bungad sa akin ni Lui, abot tenga ang kanyang pagkakangiti.
"Bebe ka dyan, hehehe.", hindi ko mapigilang mapangiti sa kanyang biro. "Okay naman ako. Ikaw ang kamusta?"
"Ganun pa din, kita mo naman di ba? Poging-pogi pa din. Hahaha.", pagmamayabang niya sa akin.
Hindi
ko namalayan ang pagtakbo ng oras habang kausap ko si Lui. Masaya
naming ikinuwento sa isa't-isa ang mga nangyayari sa aming mga buhay.
Kasama sa aming napagusapan ang bumubuti naming relasyon ni Renz.
"Ok,
so in lababo ka na naman sa tukmol na yon? Ganun ba?", nagulat ako sa
tanong ni Lui. Hindi naman siya mukhang nang-uusig o nagseselos sa halip
ay ramdam ko ang concern niya sa akin bilang isang kaibigan.
Hindi
agad ako nakasagot sa tanong niya dahil sa pagkabigla. Kahit kasi ako
mismo ay hindi pa naisipang itanong ang bagay na iyon sa aking sarili.
Sa nakalipas kasi na mga taon ay pilit kong tinanggap na maaaring hindi
para sa akin si Renz. Dahil doon ay hindi ko pinagtuunan ng atensyon ang
tinitibok ng aking puso nang muli kaming magkita ni Renz.
"Hindi ko alam, wala naman ako sinabing mahal ko na siya ah.", sagot ko kay Lui.
"Eh bakit ang tagal mo mag-isip?"
"Eh kasi nga hindi ko alam ang isasagot ko."
"Asus!
The fact na napaisip ka sa tanong ko ibig sabihin kinokonsidera mo pa
din na baka nga mahal mo pa yung bestfriend mo.", sermon sa akin ni Lui.
"Eh
kung sakaling mahal ko pa nga siya, katangahan ba kung papayagan ko ang
sarili ko na ma-in love pa din sa kanya?", seryoso kong tanong.
"Hmmm,
hindi naman siguro. Kasi ganyan din naman ako sayo, mahal pa din kita
kahit na alam kong di naman ako ang taong mahal mo.", nakangiting sabi
ni Lui pero ramdam ko na may pagtatampo sa pahayag na iyon.
"Lui naman eh, di ba napag-usapan na natin yan?"
"Oo
alam ko naman yon at hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo.
Mahirap lang talaga pigilan ang puso na magmahal. Alam mo yan kasi
napagdaanan mo na ang ganito noon di ba?"
"Haayyyy.
Tama ka pero sana wag mo isarado ang puso mo sa mga taong pwedeng
magmahal sayo.", wika ko sa kanya na sinagot naman niya ng isang malakas
na tawa. "Bakit ka natawa?"
"Wala
para ka kasing tanga. Ikaw pa nagsabi sa akin ng ganyan samantalang
nung broken hearted ka ganyang ganyan ang ginawa mo, inilayo mo ang
sarili mo sa lahat ng taong nagmamahal sayo.", hindi naman ako na-offend
sa sinabi niya. Natawa rin ako sa aking sarili.
"Hahaha kaya nga wag kang tumulad sa akin."
"Eh kamusta naman kayo nung isa mo pang kaibigan slash ex-manliligaw slash boss mo na ngayon?"
"Ayun
ganun pa din. Akala ko mapaparesign na ako sa report na pinagawa niya
sa akin. Buti na lang at natapos ko sa loob ng dalawang gabing wala
halos tulugan. Hahaha. Tas kahapon binilhan niya ako ng pancake tsaka di
na ako pinagtrabaho, siguro reward ko.", pagkukwento ko kay Lui.
"Malaki
din talaga sira ng ulo mo no? Iyan pa ang isang bagay na hindi ko
maintindihan sayo Kyle. Bakit ka nagtitiis sa kanya sa kabila ng trato
niya sayo? Binigyan ka lang ng pancake parang wala na yung mga ginawa
niya sayo."
"Malalim naman kasi
yung pinaghuhugutan niya ng galit sa akin. Nasaktan ko siya noon,
intentionally itinaboy ko siya palayo sa pagsasabing boyfriend na kita
at di ko na siya kailangan. Gusto ko talaga na magkaayos kami. Maging
magkaibigan uli, kaya kahit na nahihirapan ako tinitiis ko na lang kasi
gusto kong makabawi sa kanya.", pagdedepensa ko sa aking sarili.
"Ewan ko sayo.", iyon lang ang nasabi ni Lui.
"Alam
mo Lui kung sakaling magkagulo tayo at alam kong ako ang may kasalanan,
gagawin ko rin to sayo. Lahat ng kayang kong ibigay para magkabati lang
tayo gagawin ko."
"Weh? Pano kung hilingin ko na pakasalan mo ko?", pang-aasar sa akin ni Lui.
"Kung
ganyan naman ang kundisyon mo, hahanap na lang ako ng bagong kaibigan.
Yung tipong hindi takas sa mental na katulad mo.", pang-aalaska ko din
sa kanya.
Matapos
kami mag-usap ni Lui ay natulog akong muli. Kain, tulog, gym lang ang
naging routine ko noong off. Napagod din talaga ako sa nagdaang linggo
kaya sinikap kong bumawi ng lakas dahil tiyak na hindi rin magiging
madali ang darating na linggo.
****Aki****
7:26 am, Monday
June 05
Katulad ng aking inaasahan ay dinatnan ko na si Kyle na nagkakape sa kanyang desk nang dumating ako sa opisina.
"Good
morning Aki! Salamat pala doon sa pancakes last Friday.", magiliw na
bati sa akin ni Kyle. Kaming dalawa pa lamang ang nasa silid na iyon at
bakas sa kanyang mukha ang saya sa araw na ito.
Sa
halip na matuwa ay bumabalik na naman sa akin ang pamilyar na inis
kapag nakikita siya, lalo na noong maalala ko na magkasama sila ni Renz
noong Biyernes at mukhang masaya na naman silang dalawa. Iyon halos ang
laman ng aking utak sa nakaraang dalawang araw. Kahit ako ay naiinis na
sa nagiging takbo ng aking pag-iisip.
"How
many times do i have to tell you not to call me by my nickname? I don't
know if you're simply stubborn or stupid.", naiinis kong sagot kay
Kyle. Hindi ko na napigilan ang emosyong kinikimkim ko sa nakalipas na
dalawang araw. Alam kong nagseselos ako sa pagkakakita ko sa kanila ni
Renz, sadyang ayaw ko lang aminin sa aking sarili.
Nakita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Kyle. Tila may mga nagbabadya pa ngang luha na tutulo mula sa mga mata nito.
Para
naman akong sinipa sa aking dibdib. Pamilyar ang pakiramdam na ito.
Tandang-tanda ko ang epekto ng mga papaiyak na mga matang iyon sa akin.
Ganitong-ganito ang aking nararamdaman noong minsan ko siyang masigawan
sa aking condo dahil hindi siya kumain kahit na may sakit siya. Gusto
kong kutusan ang aking sarili dahil sa aking nagawa.
Agad
akong naglakad patungo sa aking opisina. Hindi ko inaasahan na
makaramdam muli ng ganito kay Kyle. Yung feeling na frustrated ka sa
sarili mo dahil napaiyak mo ang isang taong espesyal sa iyo.
Nanatili
lamang akong nakatayo sa likod ng pinto ng aking opisina. Hinayaan ko
mahulog ang tangan kong bag sa sahig. Pilit kong pinapakalma ang aking
sarili pero paulit-ulit na bumabalik sa aking gunita ang papaiyak na mga
mata ni Kyle. Sa tagal niyang nagtatrabaho sa akin at sa napakaraming
beses kong pamamahiya sa kanya ay ngayon lang ako naging apektado sa
kanyang reaksyon.
Shit!!!! Anu
na namang ginawa mo Achilles?!! Pinikit ko ng mariin ang aking mata
upang makapagisip. Ilang beses rin akong huminga ng malalim para
kumalma. Nang idilat ko ang aking mata ay binuksan kong agad ang pinto
ng aking opisina at naglakad patungo sa desk ni Kyle.
Nakayuko
siya at matamang nakatingin lamang sa kanyang kape. Ramdam ko ang
pagnanais niyang magtago para hindi ko siya mapansin. Lalo lang akong
nainis sa aking ginawa dahil nararamdaman ko ng natatakot sa akin ng mga
sandaling iyon si Kyle.
"Kyle?",
mahina kong tawag sa kanya. Halos hindi pamilyar ang aking bibig sa
pagbanggit ng kanyang pangalan. Parang kay tagal simula ng hayaan ko ang
aking sarili na banggitin ang pangalan na iyon.
Nagtaas ng tingin sa akin si Kyle. Kita ang pagkabahala sa kanyang mga mata, tila naghihintay ng sermon mula sa akin.
"I'm
sorry for what i said, i was just having a bad morning. Sorry if i had
to take it on you.", paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Tumango lamang
siya bilang tugon pero alam kong kulang pa ang ginawa kong paghingi ng
tawad, alam kong nasaktan siya sa aking mga sinabi.
"Ahmmm,
ano... kung..... ano kasi... well....", hindi ko magawang ituloy ang
aking sasabihin. "Ahhhh..... gusto ko kasi ng kape pwede mo ba ako
itimpla?", tangina! Ang tanga ko!?! Bakit iyon ang lumabas sa aking
bibig!?! Hindi ko intensyon na pagmukhaing nagsorry ako sa kanya para
ipagtimpla niya ako ng kape. Gusto kung lumubog sa aking kinatatayuan,
nahiya akong lalo sa aking sinabi...
Tiningnan
ko ang reaksyon ni Kyle. Halata ang pagkalito sa kanya. Lalo akong
nagsisi sa aking sinabi. Muli na sana akong magsasalita para bawiin yung
sinabi ko ng mapalitan ng ngiti ang pagkalito sa mukha ni Kyle.
"Sige po sir, saglit lang po.", magiliw na sabi ni Kyle.
Tumayo
siya sa kanyang lamesa at tinungo ang coffee table sa sulok ng silid.
Naupo naman ako sa upuan sa harap ng kanyang lamesa. Mataman ko siyang
pinagmasdan habang nakatalikod sa akin at gumagawa ng kape.
"Tsaka
pwede mo na akong tawaging Aki kapag tayo lang dalawa. Pasensya ka na
talaga sa akin kanina.", lumingon lamang sa akin si Kyle at ngumiti.
Base
sa reaksyon niya ay mukhang hindi na siya nagdadamdam pa sa aking
sinabi pero sa kabila noon ay hindi pa rin ako kuntento sa aking
paghingi ng paumanhin. Kung tutuusin kasi ay hindi lang naman ngayon ko
siya nasigawan at napahirapan.
Dinala
sa akin ni Kyle ang tasa ng kape, agad ko naman itong kinuha mula sa
kanya at nagpaalam na akong papasok na muli sa aking opisina.
Nang bubuksan ko na ang pinto ng aking opisina ay muli ko siyang nilingon.
"Uhmmmm, Kyle?", hindi ko mapigilang kabahan sa aking ginagawa.
"Yes?", taka niyang tanong sa akin.
"Ano kasi... kung ok lang sayo.... i mean kung wala kang gagawin.... ahhh.... ano.... kasi..... hmmmm... pano ba?.... sana...."
"Ok lang po ba kayo sir?", nalilito nang sagot ni Kyle dahil sa pagkabulol ko ng mga sandaling iyon.
"Ah
oo, gusto ko lang kasing ano.... aahhhmmm... sana sabay tayo maglunch
mamaya.... kung ok lang naman sayo at wala kang plans later....", hindi
ako magkandatuto sa pagbigkas ng mga salitang iyon. Parang may malaking
batong nakabara sa aking lalamunan.
"Ah sige po. Wala pong problema."
"Ok sige, pasok na ako.", iyon na lang ang aking nasagot at dumiretso na ako sa aking lamesa.
Nang
makaupo ako sa aking upuan ay ramdam ko ang mabilis at malakas na
pagtibok ng aking puso kahit na hindi pa ako humihigop sa kapeng dala
ko.
Kinuha ko ang aking laptop
sa bag at binuksan iyon. Nakatunganga lamang ako sa screen ng aking
laptop habang iniisip ang mga nangyare lang kanina.
Did
i just ask him to lunch? Hindi ako makapaniwala sa imbitasyong ginawa
ko. Maliban doon ay hinayaan ko siya na tawagin ako sa aking palayaw, as
if im inviting him to be my friend again
Anu
nang nagyare sa plano kong lumayo sa kanya at panatilihin ang aking
distansya? Sa ginagawa ko ngayon lalo akong magiging vulnerable sa
kanya. Inuulit ko lang ang mga pagkakamali na ginawa ko noon.
Napabuntong
hininga ako dahil sa sobrang gulo ng aking isip. Nang magtagal ay
napagdesisyunan kong ito na ang huling beses na magiging soft ako sa
kanya. Hahayaan ko siyang tawagin ako sa aking nickname pero dapat kong
panindigan ang pagiging cold sa kanya. Ayaw kong maulit pa ang mga
pagkakamali na nagawa ko noon.
Sa
kabila ng pagtutol ng aking isip sa mga ginawa ko kanina ay di ko
maitatanggi na tumatalon ang aking puso ng mga sandaling ito. Masaya ako
na kahit sandali ay parang bumalik ang dati naming pagkakaibigan ni
Kyle. Hindi ko rin mapigilan ang masabik sa lunch namin mamaya.
****Kyle****
10:05 am, Monday
June 05
Dalawang
oras pa bago ang lunch pero hindi na ako makapaghintay. Kapansin-pansin
ang aking pagiging masaya ng araw na iyon. Kahit si Sam ay binati ang
pagiging masayahin ko ngayong araw.
Hindi
ko alam kung anung nangyare kay Aki at biglang nagbago ang pakikitungo
niya sa akin. Kanina ay muntik niya na akong mapaiyak dahil sa
panenermon niya sa akin, nagulat ako ng muli siyang lumabas ng kwarto at
humingi ng tawad. Hindi ko din alam kung bakit niya naisipang
magpatimpla ng kape sa akin. Basta masaya ako na maipagtimpla siya ng
kape kanina. Matagal kong pinaghandaan yon kahit na araw-araw niyang
tinatanggihan ang alok ko.
Hindi ko ikinuwento kay Sam ang nangyare pati na ang plano namin na pagkain ng lunch mamaya.
Nang
tumuntong ang alas dose ay inaya agad ako ni Sam na kumain sa labas
pero tumanggi ako. Hindi naman na nagtanong pa si Sam kung bakit. Nakita
ko naman na pumasok ng opisina ni Aki si Lyka. Marahil ay aayain nitong
kumain sa labas si Aki. Medyo kinabahan naman ako dahil baka
makalimutan ni Aki ang pagkain namin ng sabay at sumama na lang kay
Lyka. Ngunit wala pang limang minuto ay lumabas na si Lyka at nanghahaba
ang nguso. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa isiping tinanggihan
siya ni Aki na samahan dahil kakain kaming dalawa ng sabay.
Nanatili
lamang ako sa aking lamesa habang hinihintay kong lumabas si Aki.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina.
Agad akong lumingon sa direksyong iyon at nagtama ang aming mga mata.
Agad naman siyang naglakad papunta sa akin at di ko maalis ang kabahan.
"Can you wait for me for a little more? I just have to drop by Mr Salvatierra's office.", paalam nito sa akin.
"Sure.", tipid kong sagot. Umalis siya agad at binalik ko na lang ang atensyon ko sa naiwang trabaho.
Mahigit
labing limang minuto rin ang dumaan pero hindi pa nakakabalik si Aki.
Medyo naiinip na ako dahil excited na ako na makausap si Aki tulad ng
dati.
Kasalukuyan akong
gumagawa ng isa pang report para sa board meeting na paparating.
Binigyan naman ako ni Aki ng sapat na panahon para tapusin ang pangalawa
kong report hindi tulad nung una. Pinagsusumikapan ko lang na matapos
ito ng maaga para kung sakaling may gusto siyang ipabago ay may sapat pa
akong panahon para maayos ito.
Hindi
ko na namalayan ang takbo ng oras dahil na-focus ang aking atensyon sa
aking report. Nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto, akala ko ay si
Aki na yun pero mukha ni Sam ang bumungad sa akin.
"Hindi ka ba nag-lunch bebe?", tanong nito sa akin ng makita ako sa aking desk.
"Ah
hindi pa. Busog pa naman ako eh.", sagot ko. Nang tumingin ako sa aking
relos ay limang minuto na lang bago matapos ang aking lunch. Hindi ko
mapigilang malungkot dahil hindi kami natuloy ni Aki.
Huminga
lang ako ng malalim at bumalik sa aking ginawa. May tira pa naman akong
biskwit mula sa kinakain ko kaninang umaga at pinasya kong iyon na lang
ang kainin kasi medyo nagugutom din talaga ako.
Nang
pumatak ang ala-una ay napalingon ako sa pinto sa matinis na pagtawa ni
Lyka, kasunod nito sa likod si Aki. Mukhang kanina pa magkasama ang
dalawa.
"Kyle, hindi ka ba naglunch?", takang tanong ni Lyka. Tumingin muna ako kay Aki bago sumagot.
"No, i'm good.", tinuro ko din ang biskwit na pinagtyatyagaan kong kainin ng mga oras na iyon. "Diet.", dugtong ko pa.
"Ok,
dapat pala inaya natin si Kyle Boss para nasira ang diet niya. Ang
sarap kasi Kyle ng pagkain dun sa kinainan namin at tiyak na di mo
mapipigilan ang iyong sarili na kumain.", mahabang litanya ni Lyka,
halatang intensyon nitong inggitin ako o kami ni Sam.
Ngumiti
lang ako at binalik na ang aking tingin sa aking computer. Hindi na
akong nag-abala pang tingnan si Aki. Di ko kasi mapigilang magdamdam.
Masyadong obvious na pinagtripan nya lang ako at napakatanga ko para
umasa.
"Ah, Kyle gusto mong
pagpadeliver ka na lang namin?", tanong nito. Hindi ko alam kung bakit
nagtatanong pa siya ng ganoon. Sa pagkakaintindi ko ay wala naman talaga
siyang pakialam sa akin. Marahil ay isa na naman ito sa kanyang mga
pakulo.
"Wag na po Mr. Del
Valle. Busog na po ako sa biskwit na kinain ko.", pagtanggi ko. Hindi ko
siya tiningnan dahil lalo lang akong maiinis.
Ang
inakala kong masayang araw ko ay natapos ng may simangot ako sa labi.
Siguro may mga bagay talaga na mahirap baguhin. Matitiis ko siguro yung
mga bulyaw niya sa akin at pagpapahirap sa trabaho pero yung harapang
pagpapamukha sa aking tanga ako tulad ng ginawa niya kanina ay sobra na.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang ganoon pagtrato
mula kay Aki.
....to be cont'd....
Author's note:
Waaaaaahhhh!!!!! sori po talaga kung ngayon lang nasundan yung post ko! alam kong sobrang tagal, pasensya na po talaga... sobrang dami ko po kasing ginawa ngayong buwan halos hindi ko na maisingit yung pagsusulat ko...
Nais ko pong magpasalamat sa mga sumusubaybay sa story nila Kyle, Aki, at Renz. sa mga lagi pong nag-aabang ng updates at palagiang nag-iiwan ng comment at feedback, thank you, thank you po talaga... :)
Kung mapapansin niyo po dalawa lang yung chapter ng update ko ngayon dahil po iyan sa suggestion ni Vien.Montillano (siya po ang sisihin niyo! hahahaha), naiintindihan ko po na nawawala ang momentum ng mga reader kapag sobrang tagal ng updates. Alam ko po ang pakiramdam noon dahil mambabasa rin ako. Salamat vien sa suggestion, makakatulong talaga yun para mas madalas ako makapagupdate. Bale ang mangyayare po ay baka dalawang post na lang ako per week, nagawa ko na po yung Chapter 13 &14 at nakaschedule na sila ng posting sa Friday, so sigurado pong may update tayo next week at hindi nganga! hahahaha
Salamat po sa pagsuporta at pagbabasa.... feel free to leave comments or feedback binabasa ko po lahat iyon.... sa mga nag-leave ng comment last time sori ngayon lang ako nakareply sa mga comment nyo hahahahaha...salamat na din po sa pang-unawa... Enjoy reading...!
--------crayon :)