Followers

Wednesday, April 16, 2014

'Untouchable' Chapter 23

Hello!

I hope that everyone will have a blessed Holy Week. Let's not forget the real purpose of this celebration. It's all for Him.


On that note, medyo nakokonsensya ako dahil sa laman ng update na ito, very untimely, but I can't help it!! I was experimenting. :( :))


BTW, if you get offended by sexual material, please skip that part. Malalaman niyo naman once you reach it. Wala namang pilitan dito hehe.

Please I need your comments regarding this chapter. Maraming salamat for the continuous support.

Happy Reading!


--



Chapter 23

“So magkano every month? Mag-aadvance na ba ako?” tanong ko dito pagkatapos naming pumasok sa unit niya. Medyo kinabahan naman ako dahil baka mahal at singilin nito sa akin. Kahit may naitabi akong pera, at kahit may pera namang binibigay sa akin palagi sila dad ay ayoko naman sanang mabawasan iyon ng sobra. Nagulat na lamang ako ng tumawa ito.

“Mahal...” sabi nito na lalo ko pang ikinakaba.

“...mahalin mo ako.” Akala ko ay nagbibiro ito, ngunit nang hindi ito tumawa ay napaamang na lamang ako at naramdaman ko na lamang ang pamumula ng mga pisngi ko gawa ng sinabi niya. Nang mahalata niya sigurong hindi ako komportable sa ginawa niya ay tumawa na lamang ito at sinabing nagbibiro lamang siya. 

“No, seriously. How much?” tanong ko dito.

“Nah, alam mo namang hindi kita pagbabayarin. Ayos lang sa akin ‘yon. Hindi ko naman kailangan ng pera, eh. Marami ako niyan.” sabi pa nito.

“Eh ‘di ikaw na mayaman.” bara ko dito.

“Ito naman. That was a joke, but seriously okay na ako na libre ka. Isa pa, ayos rin para sa atin ‘to, eh. You get to clear your mind, and I get to spend more time with you. So quits lang tayo.”

Kanina ko pa napapansin ang mga pasakali niya sa akin, kaya naman tinanong ko na siya. Naisip ko rin kasing it’s better to get this over with, para malinaw na rin ang lahat at wala ng pagkalito sa part ko. 

“Can I ask you something?” sabi ko bago tuluyang ihiga ang sarili ko sa couch niya. Tinabihan naman niya ako at ipinatong ang mga binti ko sa lap niya. 

“Shoot.” sagot nito.

“I...” pagsisimula ko, ngunit pinutol ako nito.
 
“Oo.” sagot nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

“Oo. Alam ko naman ‘yang itatanong mo, eh. I can see it in your singkit eyes. Basta ‘yun na ‘yung sagot ko: oo. I don’t want you feeling uncomfortable, but please, just let me do this, okay?” dagdag pa nito. And for some unexplainable reason ay nakaramdam ako ng isang kakaibang sensasyon sa puso ko, something that I’ve never experienced before. Ramdam ko kung gaano ako pinapapahalagahan ni Justin at ang kagustuhan nitong bumawi at patunayang muli ang sarili niya sa akin.

“Uhm... buti pinayagan ka ng parents mo. Hindi ba sila nagtaka?” tanong ko dito. 

“Nah, they never really cared. I think I actually did them a favor sa pag-alis ko.” sabi nito sa akin na parang wala lamang iyon sa kanya, na parang sanay na siya sa ganoong pag-uugali ng magulang niya.

“Do they know na... alam mo na, ikaw... sa akin?” Hindi ako makapagsalita ng diretso na siyang ikinabwisit ko.

“Na mahal kita?” walang kagatol-gatol nitong sabi sa akin.

“That’s such a strong word.” sabi ko dito.

“Eh strong talaga, eh. Wala na akong magagawa... Remember the time when nagkasapakan kami ni Caleb? ‘Yung guy na pumigil sa amin, kuya ko ‘yun.” pagpapaliwanag niya. “And alam niya. Alam din naman nila mama, and they don’t have a problem with it, which was surprising.” sagot nito sa akin. “So you see, Gab. Wala ng problema. Ikaw na lang talaga.” sabi pa nito.

“Paano friends mo? Mga kasama mo sa org? Ano na lang sasabihin nila?” Tanong ko pa sa kanya, dahil for some reason ay gusto ko siyang subukin by throwing these kinds of questions. Malamang dahil bago pa ang lahat ng ito sa kanya ay mag-aalangan pa ito, ngunit nagulat na lamang ako sa sinagot niya sa akin.

“Nako, alam naman sa org. Sa tingin mo paano ko sila napapayag na bigla na lang sumayaw sa AS lobby ng ganun-ganon na lang? Alam mo natutuwa ako dahil tinatanong mo ako ng mga ganyang bagay!” galak na sabi ni Justin.

“Bakit naman? Di ba dapat naiilang ka?”

“Nakakatuwa lang kasi, ibig sabihin, you’re considering having a relationship with me.” tukso nito sa akin, nakangisi. 

“Ah.. eh..”

“Do me a favor... don’t hold yourself back. Sasaluhin naman kita kapag nahulog ka, eh. It’s going to be different this time. Pangako.” pagtatapos niya.

--

Things... were finally falling into place, at sembreak na.

I can’t even believe I just said that, but iyon nga ang nangyayari. To be honest, I haven’t really came into terms of what I’m feeling for Justin, but one thing’s for sure: napatawad ko na siya. Isa pa, there’s this unexplainable nagging feeling in me na ibinibigay niya sa puso ko tuwing magkasama kami, as cheesy as that may sound. Pero napansin ko talaga these past few days kung gaano siya ka-persistent to win my trust back. He surpassed my expectations, and I am still really wondering kung bakit ba ganoon na lang ka-espesyal ang pagtingin nito sa akin. Sa totoo lang, sa tinagal ng fake relationship namin, hindi ko talaga mapagtanto kung bakit ba matapos noon ay pinaglalaban pa rin ako ni Justin. Sa totoo lang, I don’t see anything special in me.

I’m just Gab. Just Gab.

Here I go again with my confidence issues, but that’s just me. These past few days, I felt really special, kasi iba na ‘yung pakikitungo nito sa akin. Tila ba kung tratuhin niya ako ay parang ako na ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Everyday, he would wake me up, prepare me breakfast – hindi ko alam na magaling palang magluto ang gago –and we go to school together. Naeenjoy ko na rin ang setup namin dalawa sa condo niya, and to be honest, living together was probably one of the reasons kung bakit mas mabilis ko siyang tinanggap muli sa buhay ko.

Sabi nila malalaman mo ang tunay na pag-uugali ng isang tao once makasama mo siya sa isang bubong, and based from what I’ve seen from him, I only felt sincerity.

“Why are you staring at me?” tanong ni Justin, naniningkit ang mga mata.

“Natutuwa lang ako sa’yo.” sagot ko dito.

“Ugh, get a room, people!” reklamo ni Trisha na halatang wala sa huwisyo ngayong araw. “Bakit ba ang agit mo? Inggit ka lang sa amin ni Gab.” pang-aasar ni Justin dito. Sa mga lumipas ding araw ay medyo nagkakasundo na rin ang dalawa, ngunit hindi maiiwasan ang mga bangayan minsan. “Oo, inggit ako! Sa barkada ako na lang ang single!” paglalabas nito ng sama ng loob sa amin. 

“Kayo naman. Eh ‘di kayo na lang ni Juno.” biro ko dito. Narinig ko naman ang pagsamid nilang dalawa. “Nagpapatawa ka ba?” tanong ni Juno sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako. “Hay nako, at saka taken na ‘yan. Wala rin naman, eh.” sabat naman ni Trisha na siyang ikinagulat ko.

“Ano? Hoy, June totoo ba?” sabi ko dito bago ko siya itulak ng mahina sa balikat.

Napansin kong napayuko ito at namumula.

“Kaya pala hindi kita mahagilap nitong mga nakaraang linggo! May nilalandi ka pala!” sabi ko dito at doon ay napaangat na siya ng tingin. “Oy, sobra ka ah. Hindi ako malandi!” depensa nito. “Pakilala mo naman ako. Swerte siguro ng babaeng ‘yan. Taga-saan?” tanong ko pa dito. Naghintay ako sa magiging reaksyon niya nang bigla na lamang silang magtawanan ni Trisha.

“HAHAHAHA! Hindi pa pala alam ni Gab!” si Juno.

“TANGINA. BABAE DAW, OH HAHAHA.” reaksyon ni Trisha.

“Wait! Naguguluhan ako.” sabat ko sa tawanan ng dalawa. Maging si Justin, kahit tahimik, ay alam kong naguguluhan din gaya ko.

“Okay, okay! Magkkwento na. Well, don’t be mad at me, dahil ngayon ko lang sasabihin sa’yo, pero... I’m gay.” si Juno at hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

“Weh?” reaksyon ko.

“Oo, Gabby. Ako nga rin hindi ako naniwala at first! At alam mo ba, crush na crush ka niyan at pinagpapantasyahan ka pa niya dati!” si Trisha. Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko at kaunting pagkailang dahil sa sinabi niya.

“Hey! Hindi totoo ‘yan! Gab, huwag kang makinig sa babaeng ‘to. Oo... aaminin ko na! Crush kita since freshman ka pa lang, pero exagg lang talaga ‘tong si Trish!” depensa nito. Naramdaman kong unti-unting kinuha ni Justin ang kamay ko. Hindi ako tanga para hindi makuha kung ano ang gusto nitong iparating kay Juno. Natawa na lamang ako sa loob-loob ko dahil sa pagiging isip-bata nito. 

“Bakit hindi mo sinabi? Wala akong kaalam-alam.” 

“Nah, I want us to stay friends.”

“So sino ba ‘yung special someone mo? Paano kayo nagkakilala.” pagsingit ni Justin sa usapan. 

“Kaklase ko siya doon sa isa kong elective. Nagfield trip kami, and we were roommates and to be honest, na-attract na ako sa kanya noong first day pa lang kaya nagulat talaga ako na hindi siya straight.” pagkkwento nito. 

“Ang hot mo kaya.” komento ni Trisha. 

“Sorry, hindi ka pagbibigyan ni Juno.” biro ko dito.

Natawa naman silang tatlo dahil sa sinabi ko. Si Juno ang unang nahimasmasan, at tiningnan lamang ako nito ng mataman ng ilang segundo bago ito nagsalita. “You know what, Gab? I’m happy for you. Kasi ngayon parang nago-open up ka na. Nagccrack na ng jokes. I miss the old Gab, and I think he’s back now.” nakangiting sabi nito sa akin. Tumango rin si Trisha bilang pagsang-ayon. Ang pinakaikinagulat ko ay ang sumunod na sinabi ni Juno.

“I think it’s because of Justin. He’s good for you, Gab. Huwag mo na ‘yan pakawalan.”

--

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep pauwi – for some reason we decided to commute today – ay sadyang napaisip talaga ako sa sinabi sa akin ni Juno. It’s true. These past few days napapansin kong unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Justin. Hindi ko alam, pero siguro nga maganda ang naging epekto nitong paglayo ko, and to be honest, I’m happy that Justin is with me in this journey.

“Can I ask you something?” tanong ko dito habang naghihintay kami ng masasakyang jeep sa isang waiting shed. Kaming dalawa lang naman ang tao doon kaya naisip kong okay lang na itanong ang tanong na kanina pa nasa isip ko. 

“Why are you so persistent? Hindi naman ako gaanoon kaespesyal para hindi ka sumuko. May pasayaw-sayaw ka pa ng “Not Giving Up” na nalalaman.” biro ko dito.

Nginitian niya ako at bumuntong-hininga.

“You’re so clueless. Kung hindi ka special, mababago mo ba ang pananaw ko sa buhay? Itong orientation ko pa lang big change na, eh. If you’re going to ask me what I find special about you, sorry, but I can’t answer that. Hindi ko maipaliwanag, eh... Ganito, basta kapag kasama kita I feel like I can be myself, na kumpleto ako ganoon. Ang cheesy ko puta haha.” sabi pa nito.

Natuwa ako sa naging sagot niya.

“Pinasaya mo ako nitong mga nakaraang araw, Justin.” honest kong pahayag sa kanya. 

“Hindi lang naman ako ang may naibigay, eh. Ikaw rin naman, may isang bagay kang naibigay sa akin na kahit kailan ay hindi pa nabigay ng kahit sino.”

“At ano naman ‘yon?” tanong ko.

“Hope.”

--

“Para tayong mga timang! Hahaha.” natatawa kong sabi nang makapasok kami sa loob ng condo niya, basang-basa dahil sa hindi inaasahang ulan kanina. Maging ang mga gamit namin ay nabasa. Pero kahit nangyari iyon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako nainis man lang. Si Justin ay parang pareho din naman ang naging reaksyon. Nagdesisyon kaming magpakagago at magtampisaw sa ulan habang ang ibang mga tao ay hindi magkamayaw sa paghahanap ng masisilungan.

“At least we felt like kids again. We should do that again sometime!” parang bata nitong sagot sa akin. 

“Magpapalit lang ako.” sabi ko dito. Tumango ito at nagpunta na ako sa kwarto niya para magpalit ng damit.

Nang makapasok na ako ay laking gulat ko na lamang na kasunod ko pala si Justin. Isinara niya ang pinto matapos siyang pumasok. 

Bakit ang init?

Iyon ang una kong naisip. Nang magkatitigan kami ng maayos ay napansin kong malalim ako nitong tinitingnan. For some unexplainable reason ay may nagtulak sa akin para lumapit dito at ngayon ay magkapantay na ang mga ulo namin at kapwa nalulunod sa mga mata ng isa’t-isa. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng kwarto, at hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Habang nakatingin ako sa mga mata ni Justin, I somehow sensed a certain feeling of longing. I saw sadness in his eyes, and my instincts immediately told me to erase that away. Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi ko sa labi niya.

--

Justin.

I stared at Gab for a moment, wondering if ever magkakaroon pa ako ng chance para buksan niyang muli ang puso niya para sa akin. The moment I found out na mahal niya si Caleb more than in a brotherly way, pakiramdam ko eh lahat na ng insecurities ko sa buhay ay naglabasan, but I did my best for Gab not to notice. Just imagine, ang taong karibal mo sa lahat ng bagay ay matatalo ka hanggang sa pagkuha ng damdamin ng taong minamahal mo. That just sucks, basically. Nakaramdam ako ng lungkot habang tinitingnan ko si Gab, sa basa niyang ayos ay hindi ko mapigilang matuwa dahil lalo itong naging gwapo para sa akin. 

What he did next was unexpected.

Naramdaman ko na lamang ang labi ni Gab sa labi ko. Sa una ay nabigla ako dahil hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya. I’ve been really wanting to do this to him eversince. Namiss ko ang pakiramdam ng labi niya  sa labi ko, I felt complete whenever we kissed. Ngayon ko lamang iyon napagtanto dahil noong niloloko ko siya ay pilit kong iwinawaksi ang namumuong damdamin ko para kay Gab sa tuwing maglalapat ang mga labi namin.

Pinakiramdaman ko muna siya sa susunod niyang gagawin. Unti-unti niyang ginalaw ang labi niya at ako naman ay sinundan ang ritmo ng paggalaw noon. Pakiramdam ko ay parang nakalutang ako sa alapaap sa ginagawa naming iyon. I get the same feeling when I’m dancing, and when I’m one with the music. Ang sarap sa pakiramdam. The moment felt perfect, and soon enough, I tried to be more aggressive. I slid my tongue into his mouth at natuwa naman ako dahil hindi ito nagreklamo at imbes ay sinabayan ako sa aking ginagawa. Unti-unting naging mapusok ang halikan namin ni Gab hanggang sa maramdaman ko na lamang ang mga kamay nito na pumasok sa loob ng t-shirt ko.

Nagdulot iyon ng isang kakaibang sensasyon na hindi ko maipaliwanag, at dahil doon ay hindi ko mapigilang mapaungol. Ginaya ko ang ginagawa niya sa akin, at doon na nagsimula ang mas mapangahas pang mga mangyayari. Hindi ko akalaing dadating kami sa ganitong punto ni Gab, but I’m not complaining. I’m ready whenever he’s ready. No rush, ayoko siyang madaliin kung hindi pa siya handa. Kaya naman hahayaan ko siya sa kung anuman ang gusto o ayaw niyang mangyari ngayong gabi.

And then I realized something.

--

Gab.

Kumalas siya mula sa akin at tinanggal ang basa niyang t-shirt. I stared at the sight before me, and I couldn’t help but be turned on. If I’m going to be honest with you, oo hot si Justin at hindi ko pa rin mapagtanto kung bakit ang isang taong katulad niya ay magkakagusto sa akin, and more importantly, na isang taong katulad niya ang kasama ko ngayon at ginagawa namin ang ginagawa namin ngayon. 

Lalaki pa rin ako, kaya aaminin kong naiinsecure ako sa nakikita ko ngayon. Ang hubog ng katawan niya ay walang panama sa kakarampot na muscles na meron ako. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil sadyang natamaan ang ego ko. Naramdaman ko na lamang na iniangat na rin ni Justin ang t-shirt ko at tumalima naman ako. Inilapat niyang muli ang labi niya sa akin at nagsimula na naman kaming maging isa. 

--

Justin.

Hindi naman niya ako pagbibigyan ng ganito – ni hindi nga ako nagpakita ng kahit anong motibo at never ko siyang tinanong, at siya ang nagsimula nito in the first place – kung wala siyang nararamdaman para sa akin. Doon ay tila isang bato ang tumama sa ulo ko. Kaya naman tinanggal ko ng tuluyan ang t-shirt ko para makakalas mula sa kanya, and to buy some time, dahil I’m still getting my head around on what I’ve just realized.

May namumuo ng damdamin para sa akin si Gab.

Hindi naman niya ito gagawin kung para sa kanya ay wala akong halaga, hindi ba? More importantly, kung wala siyang nararamdamang espesyal sa akin? My heart skipped a beat, and lahat ng libog ko sa katawan ay nawala at napalitan ng purong pagmamahal. Iyon siguro ang nagtulak sa akin para ipagpatuloy pa ang nasimulan namin ni Gab. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaligayahan. Ang ibig sabihin nito ay pinapapahintulutan na niya akong muli ng tuluyan sa buhay niya. 

Lumapit ako dito, at kahit kinakabahan ay iniangat ko na rin ang t-shirt niya. Hindi man kasing ganda ng katawan ko ang katawan niya ay wala na akong pakialam. Hell, kahit pa mataba o sobrang payat nito ay hindi ko na iyon iintindihin, dahil mahal ko siya, eh. And in the first place, I did not love him for his body or for the sex, I love him as him. As a person. As Gab.

Ang lakas na ng tama mo, Justin.

Inihiga ko siya sa kama at pumatong ako sa kanya. Unti-unti kong ibinaba ang halik ko papunta sa panga niya, sa leeg, sa dibdib niya, sa tiyan, hanggang sa marating ko ang bukana ng pantalon niya. Kahit kinakabahan, kahit unang beses ko pa lang gagawin ito sa kapwa ko lalaki, ay tinapangan ko ang sarili ko. Mahal ko si Gab, at handa akong ibigay ang buong sarili ko sa kanya. Gusto ko siyang maging maligaya sa akin.

--

Gab.

Binuksan niya ang butones ng pantalon ko bago ibaba ang zipper. Bumuntong-hininga ako, dahil to be honest, aside sa sensasyon na nararamdaman ko ngayon ay kinakabahan ako. Handa na nga ba ako? Hindi na ako virgin, pero ibang sitwasyon kasi ito, and more importantly, kaya siguro ako ganito kabahan ay dahil si Justin ang kasama ko. Special siya sa akin, at oo, siguro nga mahal ko na siya dahil nitong mga nakaraang araw ay pinasaya niya ako at hinilom ang mga sugat na ginawa niya at ni Caleb sa akin.

“Handa ka na ba?” tanong niya sa akin na may bahid ng pag-aalala. Kita ko at ramdam ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya para sa akin kaya naman napagdesisyonan kong tanggalin na lahat ng alinlangan sa sistema ko at maging handa para sa mga mangyayari ngayong gabi. Ang importante ay kasama ko si Justin. Wala ng iba.

“Eh ikaw, handa ka na ba?” balik kong tanong dito.

Wala siyang naging imik, at imbes ay nagpatuloy na siya sa aming ginagawa. Tuluyan na niyang tinanggal ang pantalon ko at tanging brief ko na lamang ang suot ko ngayon. Hinawakan niya ang pagkalalaki ko at hinimas, na siyang dahilan para mapaungol muli ako.

Tuluyan na niyang tinanggal ang natitirang saplot sa katawan ko. Sandali siyang natigilan sa kanyang ginagawa. Pinagmasdan niya ang buong kahubdan ko at kahit nakaramdam ako ng hiya ay pilit ko iyong hindi pinahalata. Nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

“You’re... beautiful, Gab.” 

Wala akong naging reaksyon at natulala na lamang ako sa kanya. Nang maramdaman ko ang labi niya sa pagkalalaki ko ay tila ba nagdilim na ang paningin ko dahil sa kakaibang pakiramdam na dinulot nito sa akin. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa habang ako’y hindi magkamayaw kung saan ko ibabaling ang ulo ko dahil sa kakaibang sarap na nadarama ko. Hindi siya tumigil sa kanyang ginagawa at ilang sandali pa ay alam kong malapit ko ng marating ang sukdulan.

“Justin, malapit na ako.” impit kong ungol. Ngunit tila wala itong narinig at nagpatuloy lamang hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpakawala sa loob ng bibig niya.

--

Justin.

And there we have it.

Humiga kaming dalawa, side by side, pagod na pagod, ngunit ako ay maligayang-maligaya dahil sa naramdaman ko ng isa ang katawan namin ni Gab. Never in my life would I have done something like this until he came along. Inakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Nag-alala naman ako dahil baka masyado akong naging harsh sa kanya.

“Are you okay? Sorry if nasaktan kita.” nag-aalala kong sabi sa kanya.

“It hurts, but okay lang ako. I wanted you to be my first... and hopefully, my last.” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Me too... I love you, Gab.”

“I love you too, Justin.”

--

Gab.

Weird ang naging pakiramdam ko the moment I woke up. Masakit ang katawan ko, lalo na ang isang area sa likod ko, if you know what I mean. Ngunit masaya ako sa loob-loob ko. Last night confirmed my feelings about Justin. I do love him, and I am certain of it. What’s nice about this is that I know that he really loves me back. Siguro iyon na rin ang naging rason kung bakit tuluyan ko ng ibinigay ang sarili ko sa kanya. 

I turned around and saw him, sleeping peacefully. Ang taong mahal ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kilig sa loob ko. 

“Stop staring at me.” sabi nito, nakapikit pa rin ang mga mata. Medyo nahiya naman ako dahil nahuli niya akong palihim siyang tinitingnan. Ngumisi ito at binuksan ang kanyang mga mata. “On the contrary, look all you want. I don’t care. I like that, in fact.” biro nito matapos ay tuluyan na niyang tinanggal ang parte ng kumot namin na bumabalot sa katawan niya, revealing him in his entirety. 

Needless to say, naulit ang nangyari kagabi sa pagitan namin nang umagang iyon.

--

“Babe, your phone’s ringing!” pagtawag sa akin ni Justin mula sa kusina. Kasalukuyan akong nasa shower nasa kaligtnaan pa lamang nag pagsshampoo. Hindi ko na rin pinansin ang pet name niya para sa akin, but I made a mental note na pag-uusapan namin iyon mamaya. “Sino ‘yan? Paki-check!” sigaw ko dito. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag nitong papalapit sa pintuan ng banyo.

“Kapatid mo!” sigaw nito na siyang ikinadahilan ng pagkabitaw ko sa sabon.

“Tangina! Si Caleb?!” hindi ko makapaniwalang tanong dito. At ang hinayupak, narinig ko na lamang na tumawa.

“Si Selah! Masyado kang tensed, babe. Kulang pa ata ‘yung kanina, eh.” biro nito.

“Ulul. Sagutin mo na lang.” utos ko dito.

Agad kong tinapos ang aking pagligo at tinuyo ang sarili ko. Doon na rin ako sa loob ng banyo nagbihis at nagsipilyo. Pagkalabas ko ay nakita ko si Justin sa may living room at nanonood ng isang cooking show. Tinabihan ko ito at tila awtomatiko naman niya akong inakbayan.

“Ano sabi ni Selah?” tanong ko.

“May outing daw kayo ng family mo bukas... and kasama si Sari, ‘yung friend ni Caleb.”

“Girlfriend.” pagtama ko dito.

“Oh, really?” reaksyon niya.

“Teka, wait... Outing?! No! Ayokong ma-stuck kasama siya!” protesta ko dito. 

“Relax, Gab. Sabi ko sasama ako. Babantayan kita, swear.” pangako niya.

Oh, God. May hindi ako magandang nararamdaman tungkol sa outing bukas, at sana ay mali ako. And what seemed like to be a perfect day was ruined. Alam kong dadating ang panahon kung saan ay kailangan ko muli siyang harapin, pero hindi pa ako handa.


At least ay kasama ko si Justin. I’m just hoping for the best.

Kaya mo ‘to, Gab. sabi ko sa sarili ko.

--

Author's note:

So how was it? Sorry, I couldn't bare myself to write the sex scene in full. I think I might go too far, and baka maging masyadong graphic. I don't want my stories to have scenes like that as much as possible, but then I thought that a little here and there wouldn't hurt. I was just experimenting, and I guess it's good for me as a writer because I achieve some growth in a sense. Leave your comments below (and if you want to tell me to stop entirely with scenes like that, comment niyo lang haha).

Salamat!

18 comments:

  1. To be honest, I've read some really hardcore stuff in other novels, usually Western ones. So I think the one that you did isn't much for me.

    But on the other side, I like how you kept the whole thing wholesome even though there were sexual situations that were implied. It really felt romantic, and I have to compliment you for that. ~Ken

    It's not bad going experimental. I would love to see you evolve/grow as a writer.

    ReplyDelete
  2. Ilove how you did the flow of this story.. Sex scenes are okay especially if the situation calls for it, in this case napakatimid pa nga ng approach mo eh.. Really really good story though..

    ReplyDelete
  3. I like the flow, though feeling ko too slow :p . And nope. I did not find it bastos (the bastos parts :p ) kasi parang akma naman xa sa story. It just complemented to the story's sense. Pero sana naman wag masyadong matagalan ang updates. It made me read previous chapter just to be in "tune" with the latest,if u know what i mean. Tnx author! U have a good (blow?hehe!) job ryt there!

    ReplyDelete
  4. Pakibati nman ako sa nexy chapter! :p

    ReplyDelete
  5. Kasama tlga sa life yan ang sex hahaha ok lang yan author :*>

    Ty sa pag update <3

    Ran.

    ReplyDelete
  6. Ang galing mo author. tinigasan ako hahahaha

    ReplyDelete
  7. First, thanks for the update author..:) Am really looking forward for the next chapter 'coz this story is worth reading among others..

    Second, i want to commend how you add spice to this particular chapter.. Thumbs up.. it's well crafted.. Well delivered..

    Third, just continue what you're trying to experiment.. Keep it up..:)

    -poch

    ReplyDelete
  8. Maganda din naman kung isama mo ang love scenes.Hey, its part of life. kaya nga nagmamahalan ang tao. di ba?

    ReplyDelete
  9. ok naman ang sex scene hindi bastos full of love. tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  10. parati kong inoopen ang MSOB para sa update ng untouchable, sa author eh pwd namang ihiwalay yung sex scene, kung gustong basahin ng reader eh pwd namng mag send kami ng email sau for request na basahin yun, sana magawan ng sex scene yun, sana lang po.please.

    ReplyDelete
  11. no author.. for me I think na ung scenes like that eh Hindi bastos kasi makaktulong un to express what character really feel toward each others which is to make the story more intense.. nasa readers na lang yun kung pagnanasaan nila ung naiimagine nila..

    ReplyDelete
  12. pa update nmn ng next chapter and sana 2 chapters per update xDD
    demanding hehe

    nkaka bitin kase ganda ng story so far eto pinaka magandang kwento nbsa ko

    ReplyDelete
  13. dear author, pwd bang gawan mo ng sex scene pero thru request lang namin pwedeng basahin, pm ka na lng namin sa email mo, ganun an lang, please......

    ReplyDelete
  14. dear author, pwd bang gawan mo ng sex scene pero thru request lang namin pwedeng basahin, pm ka na lng namin sa email mo, ganun an lang, please......

    ReplyDelete
  15. pwede po bng gawan nyu rin ng sex scene pero mababasa lng namin upon request sa email mo, please........

    ReplyDelete
  16. Hi!

    Expect the update this weekend. Sorry for being late, because I went out of the country last Holy Week and may inaasikaso lang ilang things for school. I hope you understand. Thanks for all your comments and support! :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails