Followers

Wednesday, April 16, 2014

Start Over 6

"Holy 5hit!" tanging sigaw ko nang makita ko sa orasan ni JM na pasado alas sais na pala ng umaga. Dali dali akong bumangon hanggang sa napalingon ako sa katabi ko. "Oh my God!"sunod na sigaw ng utak ko, nakadapang hubo't hubad si JM, at kitang kita ko ang kabuuan ng likuran nito. Nanikip ang aking lalamunan at nag-init. Bumangon ako at dali daling tinungo ang banyo para mag ayos, "What the fck?!" pangatlong sigaw ng aking isipan, kitang kita ko rin sa salamin ang sarili ko na walang kahit na kaonting tela ang nakatakip. Halos iuntog ko ang aking ulo sa pader, pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Napapikit ako at puwersahang hinuhukay sa ilalim ng aking utak ang mga nangyari. I can see pictures of him kissing me from lips going down, I can see him on my top, I can see him undressing me. That's all. Ano pa?! Aaaargh! Lumabas ako ng banyo na nakatakip ang aking kamay sa gitna ng aking mga hita, hinahanap ko ang aking damit. Hindi ko ito makita. Sa ilalim ng kama, WALA! Sa may lagayan niya ng maruruming damit, WALA! Aaargh! Maya maya, gumalaw si JM, gising na ata ito. Halos lumipad naman ako pabalik ng kama para kunin ang unan at takpan ang dapat takpan. Bumaliktad ito sabay sabing "Good Morning.". Hindi ko alam ang gagawin, nakatayo ako sa tabi ng kama na may takip na unan sa harapan. I heard him chuckled. Tinignan ko siya and Holy Fcking Mary, kitang kita ko ang lahat lahat ng pagkatao ni JM, pati kaluluwa lumabas narin. Jusko po! Sayang ! Sana pumayag nalang ako nung una siyang nag-aya -sabi ng malanding parte ng utak ko. Namutla ako. Kinuha ko ang isang unan at pinatong sa harapan niya na lalo naman nitong ikinatuwa.

"J-j-JM, It's already past 6." nauutal kong sabi. Napamura naman ito at dali daling tumakbo para magbihis, ang SARAP este CUTE, (sige CUTE nalang) niya tignang tumatakbo habang nakahubad, ang sarap habulin at ikulong sa aking mga braso. Sira ulo ka! Malalate ka na, inuuna mo pa ang pagpapantasya! Sigaw ko sa aking sarili.

"Sorry, Sorry, Sorry." paulit ulit nitong binibigkas habang sinusuot ang damit.

"ah eh J-j-JM, yung damit ko?" pautal kong tanong. Nakalimutan niya atang tanging unan lang ang nakatakip sa akin.

"Ay Oo nga pala, natapunan ko kasi siya ng Soda kagabi, kaya andoon sa banyo, nakababad. Pahiramin nalang kita ng masusuot." sagot nito.

"ah.. uhm pati underwear ko?" nahihiya kong tanong.

"sinali ko naring ibabad, ako nalang maglaba. " aniya sabay abot sa akin ang isang puting underwear, short at sando.

"Di ko pa nagamit yan, medyo masikip kasi. Unless gusto mo yung nagamit ko na.haha" dagdag nito. Hinampas ko naman siya ng unan at hinablot ang inaabot na damit. Late ko na napansin na ang naihampas ko pala ay ang unan na nakatakip sa aking kamunduan.

"Oh hello there, Good Morning." sabay kaway sa aking kaluluwa. Halos mamatay ako sa kahihiyan. Namula ako. Tumalikod ako at dali daling sinuot ang binigay nito.

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos kong magbihis. Nag-alok naman itong ihahatid raw niya ako sa baba, hanggang sa may parking lot ng building. Bago pa man kami makalabas ng pintuan, he grabbed my hand and pulled me back para mapaharap sa kanya. Then he kissed my lips, a kiss that I call romantic and passionate. His hands started to rub my back. I stopped and slightly moved back.

"I should go." I said. He again grabbed me and hugged me so tight.

"I'm gonna miss you. I'll keep my promise, I'd bring back the JM you love. And Thank You. You don't know how you complete me. I now have reasons again to live. I'll see you soon." he whispered and kissed my forehead. I smiled and hugged him back.

"You take care of yourself and I'll see you soon." I replied. He smiled back. Hinatid nga niya ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse. At before pa man paandarin ko ang kotse, pinasok niya ang ulo nito sa bintana and kissed me on my cheek. 

"Ingat sa biyahe, babe." he said. I smiled and waved my hand. Parang bata naman itong nagflying kiss pa. Napangisi ako.

Buti naman at hindi pa masiyadong traffic sa mga oras na iyon. I grabbed my phone para tawagan sana si Nay Cleng, baka kasi nag-aalala na iyon, di na'ko nakapag paalam kahapon na mag overnight ako. "5hit!" sigaw na naman ng mapagmurang parte ng isipan ko. Lowbat ang phone. Halos paliparin ko ang kotse para umabot sa una kong klase. 8:15 na nangg marating ko ang bahay. Dali dali akong pumasok para maligo at magprepare para sa school. Nasa sala si nay Cleng ng nakapasok ako, hinug ko ito at nagpasorry dahil di ako nakauwi at nakapag paalam. Umakyat na ako ng kwarto at naligo.

Quarter to 9 na ng makaalis ako ng bahay. Gusto ko sanang daanan pa si jekjek pero baka nakaalis na rin ito, saka wala akong makitang tao sa harapan nila para ipagtanong sana siya.

2 minutes before 9, nakapasok na ako sa room. Lahat nakaupo at tahimik. Tanging ako nalang ang kulang. Lahat napatingin. Binati ako ng good morning ni Sir, at ganoon din ako. Umupo ako sa tabi ni jekjek at binati ko siya, tinignan lang ako nito. Suplado. Kinakausap ko ito at nangangamusta pero tango lang ang nakukuha kong sagot. Di ko alam anong mayroon. Bakit kaya napaka Cold nitong si jekjek? Hmmm...

Natapos ang aking unang klase nang di man lang ako kinibo ni jekjek. Siguro masama lang ang gising nito, o di naman namimiss lang niya ang kanyang misis at anak. Hinayaan ko nalang ito at dali daling lumabas. Pumunta ako ng pantry para kumain, di pa kasi ako nagbreakfast. Gutom much.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may nangalabit sa akin. I lifted my head to check and saw tyler, smiling. May dala dala rin itong pagkain.

"Can I join you?" He asked and winked. Naalala ko na naman kung paano niya ako pinahiya last time. Kung paano ako nagmukhang tanga sa harapan nito at pinagtawanan. I didn't answer him back at tinuloy ko nalang ang pagkain. He sat in front of me and sinimulan naring kumain. Tahimik. He was staring at me while drinking his Milk as if he was trying to bring up something. He chuckled. I looked at him straight in the eye. He smiled.

"You can at least try to hold yourself and not be that fidget when I'm near you. It's kinda obvious." bulong nito. Parang dalawang malalaking kampana ang kinalampag sa aking magkabilang tainga. Ang kapal. Aaargh!

"Well, that is true, I honestly feel uneasy when I am near you, or even seeing you. Who doesn't? Who's numb enough to feel nothing being with such an arrogant and self-aggrandizing person like you?" sagot ko.

"is that really it? or you actin' like that coz you feelin' something else?"

"too much assumptions could kill you."

"I am willing to walk on a thousand miles and solve even the trickiest puzzle just to see what's really hidden inside of you."

"Don't bother, hear this out, NOTHING but HATRED."

"I don't believe you."

"you're not obliged to do so."

"that's correct. And I'mma tell you this, I know you like me."

"Oh you figured out? Shame on me!"

"I knw it, you're into me." hahaha

"Oh yeah, I really like...(pause) to go now.. I may not be able to forgive myself spending more of my time talking to a blowhard." sabay tayo at lakad palayo. Tinatawag ako nito pero hindi ko nalang pinansin. Ang kapal kapal ng mukha. Pero aminin mo, gwapo! OO na! Inarte.

Habang naglalakad ako, nakita ko si jekjek papasok ng library. Sinundan ko ito. Umupo siya sa may pinakadulong table. Kumuha muna ako ng book kunwari at umupo sa tapat nito,same table. Napatingin ito, nginitian ko pero yumuko lang. Suplado. Tinapakan ko sapatos niya, napatingin ulit ito pero gaya kanina, walang kibo. Aba! Aba! Bakit kaya ganito ang taong to ngayon? May nagawa ba ako? Pilit kong inalala yung last time kaming nag-usap, bakit ganito nalang ako dedmahin ng mokong na to. Ah OO, dapat pupuntahan niya ako last night sa bahay. Tsk!

"May regla ka?" tanong kong pabiro. Napangiti naman ito pero mga ilang segundo lang. Sinubsob niya ulit and mukha sa libro. Tahimik. Kinuha ko yung laruan na Recca mula sa aking bag at parang tangang kinausap ito.

"ikaw na nga lang kausapin ko, baka sakaling mas marunong ka pang magsalita kaysa sa iba diyan." sabay nguso sa kay jekjek. Napansin ko naman itong napangiti ulit.

"alam ko may nagawa akong kasalanan, nawala kasi talaga sa isip ko na dapat pupuntahan mo ako kagabi. Sorry na. Hindi kasi ako nakatanggi sa mga kaibigan ko. Huwag ka na magtampo no? At saka ang dami dami pang mga susunod na gabi, I'm not going anywhere." para akong batang nakikipag-usap sa isang laruan at hinalik halikan pa ito. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang pagtawa ni jek pero nasa libro parin ang mga tingin. Hinablot ko ang hawak nitong libro at siya naman ang kinausap ko.

"Sorry na." sabay sad face. Tinitigan lang ako nito pero halatang halata ko ang pigil nitong tawa.

"para kang tanga, pati laruan kinakausap." sambit nito.

"mas mabuti nang kausapin ang laruan kaysa sa taong tuod." sagot ko. tumawa naman ito.

"bati na tayo." hiling ko.

"ewan ko sayo."

"may regla nga siguro" pabiro ko ulit. At kami'y nagtawanan sinyales na napatawad na nga ako nito. Tinanggap naman nito ang paumanhin ko. Kinuwento ko sa kanya mga nangyari kahapon except siyempre sa part na doon ako natulog sa place ni JM at pati ang mga kahalayang nangyari. Hindi ko kasi alam paano magiging reaksyon nito, kaya mas mabuti nalang na itago muna.

After namin sa library. Niyaya ko siyang kumain sa labas. Hindi ko kasi masiyadong na enjoy yung pagkain ko kanina dahil sa kumag na Tyler na yun. "Paano mo maeenjoy kung sa ibang bagay ka naman nahuhumaling?" tanong ng kontrabidang parte ng isipan ko. San naman? sagot ng isip ko. Di sa mukha niya. aminin! "Ewan ko sa'yo." sambit ko.

"Ano sabi mo?" singit naman ni jekjek habang naglalakad kami palabas.

"Ah wala. May naalala lang akong isang bagay na nakakabuwisit." Sagot ko

"Kwento mo." aniya

"Naku huwag na. Huwag natin sayangin ang ating oras sa mga bagay na kasuklamsuklam, baka mawalan pa ako ng apetite kumain." palusot ko na sinang ayunan naman nito. Naglakad lakad kami sa labas ng school para maghanap ng makakainan. Walang nakapukaw sa aking paningin. Mag aalas Dose palang, mamaya pang alas Dos ang susunod naming klase at talagang ramdam kong gutom na gutom parin ako. Niyaya ko siyang punta nalang kami sa Mall. Pabalik na sana kami ng parking lot ng school para kunin muna ang sasakyan nang mapadaan si manong nakabiseklita.

"jek, ayan oh, gusto ko yan." sabi ko.

"sigurado ka? kumakain ka niyan?" tanong nito.

"Oo naman, namiss ko yan oh betamax saka isaw, pati adidas." sabay turo sa tinda ni manong.

"hahaha. sige, eto nalang kainin natin. Pili ka na, sagot ko."

"wow, sabi mo yan ha." di naman ako nagpatumpik tumpik pa at nag pa ihaw ako ng tatlong betamax, tatlong isaw, dalawang paa, isang ulo ng manok pati hotdog. Napalingon ako kay jekjek at ngumingisi ngisi lang ito.

"Oh ikaw, ano sa'yo?" tanong ko.

"ah, wala pa ba sakin niyan? akala ko dinamay mo na ako sa inorder mo, ang dami eh. haha" sagot nito sabay kamot ng ulo.

"kulang pa nga yan eh, pili ka na nang sayo. padagdag ng isaw. haha" utos ko. Tawanan kami, pati si manong nakisali narin. Inantay naming maluto ang mga ito at napag kasunduang sa pantry nalang tsitsibugin. Narating namin ang pantry at tinungo ang mesa. Hindi na kami nag aksaya pa ng oras at sinumulan nang kainin ang mga katakamtakam na betamax, isaw, adidas, ulo, at hotdog. "Ang sarap!" sigaw naming dalawa. 

01:00pm palang nasa room na kami ni jekjek. Dumiretso kasi kami agad after kumain. Umupo ako sa tabi ni jek at nilabas ko si Recca, yung laruan. Nilabas din nito si Dylan at para kaming batang naglaro.

"Ice Crest Sword" sigaw nito sabay ibinangga ang hawak na Dylan sa hawak kong si Recca.

"Nadare!!!" sagot ko naman. Tawanan kami. Di namin napansin ang oras at nasa loob na pala ang lahat at kami'y kanina pa pinagtitignan, may mga nakangiti at may mga nagbubulungan. Itinaas ko ulit si Recca para kunwari lilipad at bubwelo sa susunod na atake nang biglang may nang -agaw sakin nito mula sa aking kamay. Lumingon ako, si tyler at hawak hawak na ang aking laruan. Ang mga mata nito'y parang apoy na naglalagablab, salubong ang kilay at nakanguso ang labi. Tinapon nito si Recca at tinapak-tapakan hanggang sa maputol ang ulo. Hindi pa nakuntento at ginulo gulo pa niya ang buhok ko sabay tawa ng malakas. Nagulat ako sa ginawa niya. Gusto kong umiyak pero nilakasan ko lang ang loob ko, lahat nakatingin. Pinulot ko ang sirang laruan at nilagay sa aking bag. Humarap ako sa kanya at tinitigan ito. I hate you! sigaw ng aking isipan. Tinulak ko siya, pero lalo lang lumakas ang tawa. Aaargh!

"Don't you think you're too old for that kind of 5hit?" He laughed out loud. Nanginig ako sa galit. I swear to God, I could kill him.

"And don't you think it is none of your f*cking business? you piece of trash!!!." pasigaw kong sagot. Lahat napalingon. Lahat natulala.

"I've had enough of your 5hits and crap! Cut it off Tyler. I am sooo tired of your imagined Superiority. If you think you can fool everyone in here, If you think they all fear you, well... not ME. " dagdag ko. Nakatingin lang ito. Alam kong nabigla rin siya sa mga nasabi ko. Nakakunot ang noo. Salubong ang kilay. Hinila ni jek ang kanang braso ko para mapaharap sa kanya, pero winaksi ko lang ito. Tumalikod ulit ako upang harapin pa si Tyler, I still have a lot of things to say straight to his f*cking face. This time, he won't get away for what he did. But then, right even before words come out of my lips, he moved his feet towards me until our faces are only an inch away. Not Again. Nangyari na 'to and I am sure as Hell, I know what happens next, that he would laugh in front of me and I won't let that happen again, No. No. No. "Lumang style na yan." sigaw ng aking isipan. I pushed him away, enough for him to move back. He smiled like he knows what I was thinking. My mind went haywire and all I was thinking is to make him pay. I was about to punch him in the face but he was so fast, he stopped my fist with his bare hand and held it down. Next thing I know, his lips are on mine. Holy Jesus Christ! I didn't notice him coming. He kissed me straight to my lips. Oo, takte! Hinalikan ako ni Tyler. The World stopped on its own. I heard angels singing and birds chirping a beautiful melody, buttlerflies flying all over us making it the perfect kiss that I have always been dreaming of. His lips are so soft, that I couldn't think of anything else. I went blank. I then felt his lips moving, he was trying to get it more romantic. I was still astounded. I can't moved.

I can hear scream, noises and applause's. My heart beats faster like it's running for the finish line. I still can't moved. My mind shuts me off. I can't think. His kiss has gotten deeper, I can taste his soul. His lips are like clouds in heaven. His breath feels like fireworks, no, it is underrated, it feels like ocean breeze at dawn. I closed my eyes. I then felt something. A grip on my shoulder and I was pulled back. It was Jekjek's. Our lips separated. And before I know it, his fist hit Tyler's face. It was quick and swift that I didn't even see it coming. Napaupo si Tyler sa lakas ng suntok nito. Lahat nagkagulo. I looked at tyler, he looked stunned and dismayed. He stood up. I know he'd get back to jekjek but his friends JoyAnn and Alvin stopped him and pulled him out of the room. Thank God. I turned back to face jek. For the first time, I saw how angry he looked, his eyes were on fire. I can hear Tyler cussing which made Jek even more furious and scowled like hell. I didn't know what to do. Why is this happening? We were just so happy an hour ago. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mata, but I tried so d*mn hard to suck it all up, all eyes are still on us. I grabbed jek's hand and pulled him out of the room. He stopped when we were in the hallway and pulled his hand back. He asked where to go. I didn't respond and walked before him , he followed.

Tinungo ko ang parking lot at sumakay sa kotse. Sumakay din ito.

"May pasok pa tayo, lex. Late na tayo." Sabay tingin sa relo. Hindi parin ako nagsalita.

"Lex..." tawag nito. Hinawakan nito ang kamay ko. I looked at him and hugged him so tight. Niyakap din ako nito. I cried and let it all out. Questions running in my mind. Questions that I couldn't even understand to begin with. Questions that I don't know if there are answers or none.

"Tahan na, Lex." dagdag nito sabay haplos sa aking likod. I turned on the engine and started to drive away. Napag-usapan naming huwag nalang pumasok sa mga susunod na clasess. We went to the Mall. Dinala niya ako sa Comic Alley at bumili ito ng kapalit nang nasirang laruan, kahit papaano naging okay narin yung lungkot na nadarama ko. Inaya ko naman siyang manuod ng sine na di naman nito tinanggihan. Pinanuod namin ang Monsters University. Minutes later, nagtatawanan na kami. I looked at him, kitang kita ko ang mga mata nitong sumasabay sa kanyang pagtawa. He really looked happy. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Thank you." I said. Tumigil naman ito sa pagtawa at sinuklian ako ng isang matamis na ngiti.

After namin manuod, inaya naman ako nito sa GameWorld at naglaro ng arcade. Sobrang saya, tawanan, asaran, payabangan, pagalingan. I have never been this happy for a long time. We laughed out loud like it's the end of the world. We didn't mind people staring at us. We were like kids, happy and could care less of anything else. Nagdinner muna kami bago naisipang umuwi . Mag aalas nuebe na ng gabi nang mapagpasyahan naming umuwi. Pansin ko ang biglang pag-iba ng mood ni jek. Nakadungaw sa bintana na animo'y parang may bumabagabag sa kanyang isipan. Hinayaan ko nalang muna ito, at inisip na baka napagod lang. Narating nam in ang bahay at bago pa man ako makapasok ng gate, inaya ako nitong umupo sa may upuan, tapat mismo ng bahay. Tahimik ang daan. Maliwanag ang buwan.

"Salamat dito." sabi ko sabay labas sa laruang binili niya.
"Ayokong mawala ulit sa buhay mo, kaya ayan." hehe sagot nito. Napangiti naman ako sa kanyang sagot. Naintindihan ko naman ang gusto nitong ipahiwatig. "Totoo? Baka naman iba ang pagkakaintindi mo". tanong ng malanding parte ng aking utak. "Shut Up!" sagot naman ng kabila.

Tahimik. 

"May sasabihin sana ako, Lex." pambasag nito. Tumango naman ako sinyales na nakikinig ako.


"Mahal na Mahal kita, lex."

39 comments:

  1. Huwwwwaaaaaat????? Grabe!!!! Nakakaloka naman ang paghalik ni tyler... At huwwwwwaaaaaaat!!? Again... Nagconfess na si tyler... Pano na yan ? Pano na yan kuya alex.. Shit!!! Ang ganda po ng part na to.. Worth the wait! Ang galing!!!!!!!!!!!!!! Thank you, thank you sa update kuya alex

    Ric

    ReplyDelete
  2. Speechless!

    Frank

    ReplyDelete
  3. Sabi ko na nga may gusto si tyler kay alex... Wahahahahaha! Tapos si jek umamin na, nakakabaliw na to, ang daming twist kuya... Ang ganda oo!!!!!! Panalong panalo. Gusto ko mga kontrabida mong utak hahahahahahahaha


    Marc

    ReplyDelete
  4. Humaygawd! This is one hell of an update! Hindi lng twist ang nangyari, tornado! Ang galing..


    Too much assumptions can kill you- bravo!

    The diaglogues are just fucking amazing!

    The kiss? I didnt expect it as well, you put a nice twist in there, ang galing mo!


    And the confesion of jek? Speechless!!!



    You fucking impressed me with this mr author, you make me wanna marry you. LOL


    brigs of makati

    ReplyDelete
  5. Weeeeeew! Another great chapter! ~Ken

    ReplyDelete
  6. And I was like ......... o_O "What the Fvk!"
    Seriously? I didn't see that coming SO SOON. Parang..... yung... peroo... anu kase.... Ugh!!! It drains me! ._.

    You're freaking awesome kuya alex. Hahaha! You surprised the hell out of me. XD SALAMAT! Sa wakas ndugtungan mo n din ung story.. maybe this is why nawala ung Chapter 6 sa blog mo.

    Anyway, it's great! Update agad! HAHAHA!

    -Bing

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello bing, my favorite haha salamat sa wlang sawang pagsubaybay .. Hug hug kahit ayaw mo haha

      Delete
    2. Wala kasing gnyanan kuya lex. Umiinit ung pisngi ko sa ganyan ee. Haha Thanks p dn. ^_^ -bing

      Delete
  7. Update na agad grabe inaabangan ko din etong story na eto

    ReplyDelete
  8. May regla ka? Hahaha natawa ako dun.
    Grabe to, hindi lang paganda ng paganda, paexcite ng paexcite. Never kong naimagine na hahalikan ni tyler si alex, tapos si jek, si jek na mahal ko na, nagconfess na, ang haba ng hair hahaha super ganda po nitong story mo mr author, ang sarap ulit ulitin, ang galing po ng oagkakagawa niyo,

    Idol ko kayo,
    Vince

    ReplyDelete
  9. Kuya ang ganda! Ang ganda! Sobrang ganda! Kikioig po ako ng sobra...

    Salamat dito


    King

    ReplyDelete
  10. haba ng hair lex 3guys ang may gusto sa iyo.ok sana c jek pero taken na xa. tnx sa update.

    randzmesia

    ReplyDelete
  11. After mabasa to, nakanganga parin ako, haha ang daming pasabog..!!

    Sana update agad haha ano na kaya mayayari nyan, ihhhh! Ang

    Sana halikan din ako ni tyler haha grabe tlaga po ang galing niyo mr author, kuha niyo kiliti ng readers..

    Leo

    ReplyDelete
  12. Napaka mature ng pagkakagawa, pinagisipan yet hindi parang robotics, napaka natural ng flow. Magaling ka for a starter,. It makes me wonder kung based to sa totoong buhay mo, kasi smooth siya.. Masarap basahin kumbaga.

    Gusto ko yung pag mix mo ng curses, it adds spice and sexiness! Sana maupdate to agad.

    Herrick

    ReplyDelete
  13. Ganda araw mr. Author...

    Ganda ng chapter n to...

    Jekjek for the win...hehehe


    JM

    ReplyDelete
  14. This is what i call story! I never expected this chapter, ang daming twist. I bookmarked all your previous chapters, and this fucking chapter really thrills me. God, ang galing and i cant freaking explain how i feel about this story, cant stop it. Thank you, thank you for this amazing story. Keep it up. Pagpatuloy mo lang. Your style is way different, and it fucking tickles me. Haha maganda yong pagmumura ng mga utak mo, nakakaliw. Haha


    Mario

    ReplyDelete
  15. Ayyyy!!! Kuya alex bakit hinayaang halikan ka ni tyler, paano na si baby jekjek ko? Hayyyyyyy!!!! go kuya jekjek, !!!! Huwag ka mag alala kuya jekjek pag di ka sinagit ni kuya alex, ako sasagutin kita hahaha

    Team Jekjek!! Team jekjek!! team Jekjek!!


    Aris

    ReplyDelete
  16. Pakshet! Ang bilis ni tyler haha. Nice.

    Hala, complicated naman, taken na si jek tapos mahal niya si alex? Lover's husband ang Peg? Haha

    Ang dami mong lalaki alex! Haha penge naman ng isa. Solve na ako kay jek haha


    Pat

    ReplyDelete
  17. astig ng update na 'to xD thanks author.. u did it great.. the lines, the conversations, and the plot as whole are smooth and natural yet the effect on us is so intense.. im wondering if herrick is ryt.. Is this based on a true story.? Somehow.?:D

    - poch

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello poch, im glad nagustuhan mo, salamat :) hmmm secret.. Eheh ill let you know sa ending ng story haha

      Delete
  18. Yay!!! I have waited almost a month for this chapter. Finally!!!!! What can i say?, this is so awesome. Ang daming bago. I never expected the kiss, tas yung pag amin ni jekjek. Grabe na to, ang ganda talaga to the maxxxxx! Thank you mr. Author.. Btw, nahanap na po kita sa FB, ikaw po ba yung may primary pic na nakasando na red ata yun or pink? Super gwapo! No wonder kaya daming boys, paaccept naman po friend request ahaha thanks

    Your fan,
    Micu

    ReplyDelete
  19. This is gettting out of hand. I don't know how to speak tagalog but I could understand it. Your story is one hell of fun. I could see myself on Tyler.

    Ty

    ReplyDelete
  20. This is gettting out of hand. I don't know how to speak tagalog but I could understand it. Your story is one hell of fun. I could see myself on Tyler.

    Ty

    ReplyDelete
  21. Great story Alex. Keep it up.

    Ty

    ReplyDelete
  22. grabe ka kuya , ang galing galing mo! tumbling talaga ako xD

    congrats po sa story mo :))

    -elocihn

    ReplyDelete
  23. This is indeed one of the best i hav read bY far. You can hear convictions and emotions sa mga dialge the ot annd twists are just amazing. Keept up mr. Author.


    Gerry

    ReplyDelete
  24. Ganda ng story. Haba ng hair ni alex :D.

    -jeo

    ReplyDelete
  25. One of the best stories here. atleast may susubaybayan na ulit ako. Kuya alex :) haha ang alive ng mga characters mo! pati dialogues.

    PS. mejo grammar nazi ako so yung ibang words naka past tense kahit na hindi. then again great story parin!

    Keep it up kuya alex! GALING. hihi

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  26. Hello ichigo! Salamat sa observation, maniwala ka ako mismo napapansin ko mga kamalian ko pag binabasa ko ulit. Hehe pasensiya na tao lang, pero salamat parin, apir!

    ReplyDelete
  27. Sa mga readers, maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking unang kuwento..

    ReplyDelete
  28. Go go gow team tyler! ;)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails