Followers

Thursday, April 17, 2014

A Love In An Island 2


By: Jenesis Aposaga


Chapter 2

Maaga akong nakauwi sa bahay na hindi naman normal para sa akin kasi palagi ko gustong umuwi ng gabi na ayaw ko kasing maabutan ang hapunan na kasama ang boung pamilya alam ko kasing ako nanaman ang makikita nila mama at papa doon ako naglalagi sa apartment ni Kevin nakikipagkwentuhan o di kaya ay manunuod ng T.V. hanggang sa masiguro kong tulog na ang mga tao sa bahay. pero nagayon alam kong mapupuno nanaman ang tainga ko sa mga pangaral at pagkukumpara sa amin ni kuya sa aking mga ever supported parents. dahan dahan kong pinihit ang pinto sa sala namin para hindi nila ako mapapansin sa dining area if dadaan ako para akong magnanakaw sa pelikula kong maglakad na naka slow motion pa pero kung minamalas nga naman

"Francis, kumain kana dito halos gabi-gabi ka nang wala sa hapagkainan natin ey heto na nga lang ang time na makapagbonding tayo tas umiiwas kapa" boses ni mama alam kong huli na ako kaya kinamot ko nalang ang ulo ko papunta sa dining hall namin nagkiss ako sa pisngi ni mama at papa bago umupo sa pwesto ko.

Tahimik lang akong kumakain na tela ba nasa ibang mundo ako alam kong nagtatawanan sila mama at papa syempre si kuya na naman ang bida sino pa nga ba.


"ikaw francis kailan mo dadalhin ang girlfriend mo dito?" seryosong tanong ni papa para akong hinugot sa mundo kung saan ako nagliliwaliw at muling binalik sa harap ng mesa namin.

"Huh? okay lang pa" sagot ko sa kanila hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko para sabihin nilang nakikinig ako sa usapan nila.

"anong okay lang? ang sabi ko kailan mo dadalhin ang girlfriend mo dito?" tanong uli ni papa na para bang sinusukat ang aking pagkatao.

"Ah eh wa..wala pa po akong girlfriend pa sa susunod po kung papalarin baka maisama ko na po dito" sagot ko sa kanya kahit na alam kong walang kasiguraduhan iyon.

"hay nako pa wag napo kayong umasa diyan parang walang magkakagusto diyan sa utol ko weird kasi ang dating niya" hirit naman ng kuya kong napakahambog.

"hindi naman ako kagaya mo noh?.walang ibang magawa kundi mangbababae" ganti ko sa kanya sabay taas ng aking dalawang kilay.

"atleast nakakasundo ko ang lahat ng tao ikaw?..daig mo pa ang ermitanyo sa gubat" pang aasar niya.

"bakit?, wala naman akong natatapakang tao walang sinasaktan hindi kagaya mo!" naiinis kong depensa sa sarili ko nakita kong namumula si kuya sa galit napikon ata sa mga sinabi ko nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamay na para bang susugurin ako ito kasi ang unang pagkakataon na sumagot ako sa mga pangaasar niya.

"mauuna na po ako ma,pa busog na po ako" nawala na ang gana kong kumain kahit pa nakakailang subo pa lang ako tatayo na sana ako ako pero mabilis na tumayo si papa at sinapak ako napaluhod ako sa ilalim ng aking upuan sa lakas ng pagkakasapak niya.

"Wag kang bastos francis, igalang mo naman ang kuya mo kahit papano" mataas na boses ni papa.

"Ganyan lang naman kayo palagi, akala ko ba biruan lang yun ni hindi nyo nga ako ipinagtanggol sa tuwing inaasar ako ni kuya at ngayon sa unang pagkakataon sinakyan ko ang biro niya sa akin nagalit kayo?. how sensitive you are for him?, and being so insensitive for me? ni hindi ko kayo narinig na proud sa mga achievements ko sa school" nagiiyak na ako sa tindi ng sakit hindi dahil sa sapak ni papa kundi dahil sa pagkampi niya kay kuya para bang ipinamukha niya sa akin na hindi niya ako anak sasapakin
na sana ako uli ni papa ngunit napigilan siya ni mama mabilis akong nakalakad paakyat sa kwarto ko.

gusto ko noong maglayas kaso lang wala akong lakas ng loob para gawin. sa sinabi ko nga taong kwarto ako at ayaw ng adventure at ang paglalayas ay isang napakapait na adventure alam ko yun kaya mas pinili kong magmukmok sa kwarto wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak nakayakap ako sa aking unan at tinatakip ito sa bunganga ko sa tuwing gusto kong sumigaw kinabukasan paggising ko ay namumugto ang aking mga mata sa kaiiyak at nakita kong namaga ang kaliwang pisngi ko malapit sa eyebug
ko na dulot ng pagkakasapak ni papa. hindi na ako pumasok pa ayaw kong mapagtawanan sa school sa aking natamo natulog nalang ako uli nagising ako sa ingay ng cellphone ko napansin kong tanghali na lagpas alas dose na pala kinuha ko ang cellphone at sinagot

"Hello?" sagot ko na para bang lasing

"Frans?, kagigising mo palang?.gawd! anong oras na ba?.. ayaw mo bang pumasok tatlong subject na ang hindi mo sinipot ah?" Si Kevin na para bang nababagot dahil wala ako.

"Sorry tol pero hindi ako makakapasok eh! at teka nga kung makapagtanong ka parang tatay kita?" mataray kung sagot

"bawal bang maging concern sa bestfriend ko?" naiinis niyang tanong.

"Ay hindi naman..sorry po. sige na ibaba mo na matutulog ako uli"

"Ah?, teka nga may problema ka ba?" nagtataka niyang tanong sa akin na para bang nagaalala.

"Wala. sige na ibaba mo na matutulog na ako" pag ulit ko sa aking sinabi, hindi ko muna pinatay ang cellphone ko hinintay ko na siya ang unang bababa ng tawag pero hindi niya ito binaba narinig ko na nagbitiw siya ng malalim na buntong hininga at saka nagsalita

"basta ok ka lang?, sige matulog kana ingat.." malumanay niyang tugon na tila nagaalala sa akin.

"oo nga, sige ikaw rin ingat"

Napaisip ako sa mga pinapakita ni Kevin sa akin ayaw kong bigyan ng kulay iyon pero hindi ko maiwasang ganun ang isipin na mahal niya ako pero may mali eh, lalaki siya ni walang bahid ng kalamyaan baka nga sobrang mabait lang talaga siya sa akin dahil simula't sapol kami na ang magkakampi sa lahat ng bagay kahit na weird ako sa paningin ng iba sa school pero gustong gusto niya akong kasama kasi nga daw may loyal listener siya na kahit anong kwento niya napagtitiisan kong pakinggan lagi lang kasi akong tahimik sa tuwing nagsasalita siya magsasalita lang ako kung tatanungin niya ang openyon ko, sa tagal naming magkaibigan ay sa awa ng diyos wala naman akong naramdamang kahit kunting pagtingin sa kanya mahal ko siya bilang kaibigan at ayaw kong sirain iyon mahalaga na siya sa buhay ko.

narinig kong may kumakatok sa pinto si Mama tinatawag ako para kumain bumalik na naman ang inis at tampo ko sa kanila hindi man lamang ako ipinagtanggol ni mama kina papa't kuya ganun naman siya lagi eh audience lang kaya hindi ko maiwasang umiyak uli hindi ko siya sinagot tinakpan ko muli ang aking mukha ng unan at pinilit ang sariling matulog muli.

Nagising ako ng may marinig ako sa labas ng bintana nagulat ako dahil gabi na pala ilang oras din akong nakatulog napansin kong kumakalam ang aking sikmura hindi pa pala ako nakakain simula kagabi kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras mag aalas otso na pala ng gabi oras kung kailan naghahapunan ang bou kong pamilya gusto kong bumaba pero ayaw kong makita sila at makisalo sa pagkain kasama sila. nagbigla ako ng may narinig nanaman akong katok sa salamin ng bintana sa aking kwarto medyo natakot ako ng kunti dahil sino ba naman ang bibisita sa bahay na sa bintana dadaan at mas malala dahil sa second floor
pa. hinawi ko ang kurtina para masilip nanlaki ang aking mata sa aking nakita nandoon siya sa labas naka jacket ng itim at black jeans at naka back bag pa nakangiti habang pinagmamasdan ako.

"Kevin?" bigla kong nasabi sa kanya.

"Oh, hindi mo ba ako papasukin?. hindi ata madaling umakyat dito sa kwarto mo" reklamo niya sa akin.

"sino ba kasi ang nagutos sayo na pupunta ka dito and the worst dito kapa talaga dumaan sa bintana what if nahulog ka?"

"hindi ka ba natutuwa na nandito ako? sige uuwi nalang ako" pakonsyensa niyang tugon.

"oo na, nagulat lang ako. idol mo talaga si tom cruise noh? gayang gaya mo outfit niya eh ano ka may mission impossible?"

"mahirap pa yata sa mission imposible" makahulugan niyang sagot sabay titig sa aking mata mabilis naman akong umiwas sa kanyang pagkakatitig.

katahimikan..

weird moment...

nakakabinging katahimikan...

"Ah, kevin?" pambasag ko sa nakakabinging katahimikan.

"yep?" sagot niya.

"Pwede bang magtanong?"

"sige ba ano yun?"

"ah kasi kwan eh," hindi ko alam paano sabihin

"ano nga tinatakot mo ko eh" naiinip niyang sabi

"hindi pa kasi ako nakakakain ayaw kong bumaba may pagkain ka?" sagot ko naman sabay bitiw ng nahihiyang ngiti.

"yan lang naman pala syempre ikaw pa lakas ka sa akin eh" dumaan pa yata siya sa jollibee para magtake out

"Wow, champ. alam mo talaga ang paborito ko thank you friend" excited kong tugon sabay yakap sa kanya na parang batang masaya sa laruang ibinigay ng parents niya napayakap din siya ng mahigpit sa akin yakap na naglalaman ng isang katanungan para sa akin isang yakap na may malalim na dahilan halos hindi na ako makahinga sa yakap niya kaya mabilis akong bumitiw.

"Sorry" mahina kong sabi.

"hindi.ako sana ang mag sorry eh nasakal ata kita" sagot niya sabay bitiw ng isang pilit na ngiti.

"Ah wala yun...ano ba to bat ang awkward nating dalawa ngayon" pilit kong binabalik sa normal ang lahat

"Tol, nagamot mo na ba yan?" tanong niya sa akin habang tinuturo niya ang pasa sa aking mukha

"Ah ito?. hindi pa madali lang naman itong mawala"

"Di ba may problima ka? dinalhan kita nito oh, surprise" nakangisi niyang sabi habang pinapakita ang tatlong buti ng red horse na binalot sa dyaryo

"Iinom tayo?. kaw bahala total hindi naman ako papasok bukas dahil sa black eye ko eh ikaw?"

"idi sasamahan kita problima ba yun?" pilyo niyang sagot.

masaya naming pinagsaluhan ang dala niyang pagkain nagtatawanan at asaran na para bang ang tagal naming hindi nagkita binuksan agad namin ang beer na dala niya at nagsimulang magtagay alam ni kevin na hindi ako sanay lumaklak kaya maliit lang ang tagay niya sa akin. nalimutan ko tuloy ang problima ko dahil sa efforts niya. sa pagkakataong ito ay naguguluhan ako sa mga ipinapakita sa akin ni kevin gusto ko siyang tanungin pero ayaw kong mainsulto siya at baka yun pa ang dahilan ng aming pagkasiraan kaya minabuti kong manahimik nalang alam kong kunti nalang din ay mahuhulog na ako sa kanya.

napataob na namin halos lahat ng bote ng red horse at napansin kong naparami ang inom ni kevin na para bang siya pa ang may problima kaysa sa akin namumula na siya at mas lalong lumabas ang kanyang angking kagwapuhan nakikinig na naman ako uli sa mga kwento niya na ni hindi ko mawari kong tama ba ang pagkasunod sunod nun para siyang baliw kasi paulit ulit lang ang kanyang sinasabi natigilan lamang ako ng marinig ko siyang nagtatanong sa akin.

"Francis?, nainlove ka naba?" tanong niya pero boses lasing.

"ako?, ah hindi pa bakit mo natanong iyan?"

"kasi nga ako inlove eh"

"talaga tol?, kanino? sinagot ka na ba niya pakilala mo naman ako. oh wag mong sabihing binasted ka kaya ka naglalasing ngayon?." masigla kong tanong sa kanya.

"Actually you know that person kilalang kilala mo siya. I was inloved the first time we meet" mahina niyang sagot napaisip ako wala naman siyang pinakilala sa akin na babae at alam naman niyang weird ako dahil lagi ko gustong mag isa kung wala siya kaya naguguluhan ako kung sino eh siya lang naman ang kilala ko ng lubos at wala ng iba.

"tol naman wala akong maisip eh, sige na sabihin mo na" pagpupumilit ko sa kanya.

"Manhid ka lang ba talaga oh nagbubulagbulagan?" matigas niyang tanong sa akin para akong binuhusan ng isang balde ng tubig na may halong yelo sa aking narinig.

"A.a.anong ibig mong sabihin kevin? hindi kita maintindihan lasing ka na"

"Oo lasing ako pero hindi ito at ito" tinuturo niya ang kanyang dibdib at ang kanyang ulo nakatingin siya ng diritso sa akin hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya yumuko nalang ako naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pisngi inangat niya ang aking ulo pinilit niya akong titigan din siya magkadikit na ang aming mga noo naaamoy ko na ang mabango pero amoy beer niyang hininga nanginginig ako hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman.

"francis, matagal ko na gustong sabihin ito sayo pero natakot ako na baka lumayo ka pag malaman mo ang totoo.oo matagal na kitang mahal ayaw kong sabihin sayo ito dahil umaasa ako na balang araw mararamdaman mo pero habang tumatagal nawawalan ako ng pag asa dahil ang iniisip mo ay kaya ko ginagawa ito dahil magbestfriend tayo" nakikita ko ang pamumuo ng mga butil na luha sa kanyang mga mata
hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot sa kanya para hindi siya masaktan oo mahal ko si kevin pero hindi ko alam kung pagmamahal ba iyon para sa isang kaibigan o more than that, hindi ko pa naranasang mainlove kaya hindi ko alam kung anong pagmamahal ang meron ako sa kanya.

"Sorry for being so insensetive kevin, akala ko kasi kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin hindi ko..." napatigil ako sa pagsasalita ng hinalikan niya ang labi ko ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na nahalikan ako sa labi maliban sa mama ko nanibago ako sa unang pagdampi ng kanyang mga labi matamis ang kanyang halik, halik na puno ng pagmamahal halos hindi ako makahinga sa tindi ng kanayang paghalik sa akin kaya tinulak ko siya ng bahagya.

"sorry!." mahina niyang sinabi sa akin iyon sabay kuha ng kanyang bag at lumabas sa aking kwarto nawala ako sa aking sarili ni hindi ko siya magawang pigilan palabas para akong toud sa aking kinatatayuan. narinig ko na kinausap siya ng aking mama sa baba sa tagal kasi naming magkaibigan ay kilala na siya ng aking pamilya sandali lang ang kanilang paguusap at nakalabas din siya ng bahay.

Itutuloy.........

8 comments:

  1. nice idol parang ang ganda ng susunod na chapter ah! malamang may emo na naman kunting tampohan ahaha.. GOOD JOB.. NEXT CHAP NA PO..

    ReplyDelete
  2. Haha i enjoyed reading this one!

    Sana maproof read bago mapost:)

    ReplyDelete
  3. mabuti nagpost ka dito sa msob at nakapagcomment ako. at nabasa ko n mula umpisa upto chp 18. nagenjoy ako sa island scenes prang pink version ng blue lagoon. maganda twist ng story keep it up. tnx and update soon.

    randzmesia

    ReplyDelete
  4. isa lang request ko... tuldok sa bawat sentence para mas malinaw. tuluy-tuloy kasi ang paragraph mo. walang tuldok...

    ReplyDelete
  5. May typo man o wala.. Ang ganda ng story.. Girl na girl ang peg ni Francis. Keep it up author!!!

    ReplyDelete
  6. salamat po sa inyo...nakakataba ng puso....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails